You are on page 1of 21

11

www.shsph.blogspot.com

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 3: Katangian at Kalikasan
ng Teksto
www.shsph.blogspot.com
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 3: Katangian at Kalikasan ng Teksto

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Vanesa M. Lopez; Grace Lani R. Fulleros


Editor: Eric P. Gelilio; Imelda G. Narvadez;
Mary Ann M. Rimpola; Daryl R. Orenciada
Tagasuri: Nora J. Laguda; Sharon A. Vito;
Ana Maria B. Gojar; Emma D. Gonzales
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Shem Rei G. Cervantes; Rey Antoni S. Malate;
Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
www.shsph.blogspot.com
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong
matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
www.shsph.blogspot.com

Katangian at Kalikasan ng Teksto

Panimula:

Kaibigan, maligayang araw ng pagkatuto!


Alam kong sabik kang maragdagan ang iyong kaalaman sa
tesktong binabasa natin mula pa noon.
Kaya inihanda itong aralin para sa muli nating pagbabalik-
tanaw sa mga natutuhan mo hinggil sa teksto, ang katangian at kalikasan nito.
Alam kong sabik ka nang mag-aral!
Halika, umpisahan na natin.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakapagbabahagi ng katangian at
kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa.

Layunin

1
www.shsph.blogspot.com

Ito ang mga bagong salita na dapat mong


kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.

Talasalitaan

Bago tayo tuluyang magsimula ay nais ko munang alamin mo ang kahulugan ng


mga salitang ginamit sa ating aralin. Makatutulong ito sa iyong pag-unawa ng aralin.

KONSEPTO
- paliwanag na nabuo dahil sa
malalim na pag-iisip

PANANAW SALOOBIN
- paniniwala o -nararamdaman
pagkaunawa sa
perspektibo ng nadarama
tao

KRONOLOHIKAL KATHANG-ISIP
ISYU
- wastong - bunga ng isipan
-paksang
pinagtatalunan pagkakasunod-sunod

LOHIKAL EBIDENSIYA
- ayon sa katwiran - katunayan
-makatwiran -patotoo

TEKSTO
Babasahin na maaaring tula, sanaysay, talambuhay at
iba pa

2
www.shsph.blogspot.com
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Kunin mo muna ang iyong kwaderno at gawin ang sumusunod:


Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba.
___________________________________________
Panuto: Unawain ang mga pahayag at tukuyin ang angkop na hugis ng tamang
sagot.
1. Ito ay tekstong naglalahad ng kuwento ng mga pangyayari ayon sa
pagkakasunod-sunod.
2. Mahahalagang bagong impormasyon, kaalaman, paniniwala at tiyak na
detalye ang laman ng tekstong ito.
3. Wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang ang pokus ng tekstong ito.
4. Naglalahad ng katiyakang pananaw na nakatuon sa saloobin at opinyon ng
may-akda ang tuon ng tekstong ito,
5. Ginagamit sa tekstong ito ang ating paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa
at pandama.

Imporma- Prosidyural Persweysib


tibo

Deskriptibo
Naratibo

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina16 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
www.shsph.blogspot.com
O, di ba kayang –kaya mong sagutin ang mga uri ng
teksto?

Halika, may inihanda pa ako upang matulungan ka


sa ating aralin.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.

Sa bawat pagkakataon, iba’t ibang uri ng babasahin ang ating binabasa. Iba-
iba rin ang nilalaman o paksa ng mga ito.

Ano-ano ang mga uri ng teksto?

Tama, ito ay ang impormatibo, deskriptibo, persweysib, naratibo,


argumentatibo at prosidyural.

Ano-ano naman ang dapat mong malaman tungkol sa mga ito?

1. May kanya-kanyang pamamaraan ng


pagkakasulat, layunin, katangian at kahalagahang
tinataglay

2. Isinusulat nang may tiyak na kadahilanan.

3. Ang mga paksa, kasanayan,gawain,


pagpapahalaga, at pagtataya ang gagawing
sandigan upang mahikayat ka na pahalagahan ang
mga uri ng teksto at gamitin ito nang may
kabuluhan

4
www.shsph.blogspot.com
Dapat mo rin tandaan na may iba’t ibang katangian ang mga uri ng teksto at
ito ay matutunghayan mo sa susunod na pahina:
DESKRIPTIBO
IMPORMATIBO
- Nagtataglay ng
- naglalahad ng mahahalagang
impormasyong may
bagongimpormasyon,kaalaman,
kinalaman sa limang
paniniwala at tiyak na detalye
pandama

PERSWEYSIB
NARATIBO
-Naglalahad ng espesipikonng
- naglalahad ng kuwento
pananaw na nakatuon sa
ng mga pangyayari o
saloobin at opinyon ng may -
kawil ng pangyayari
akda

PROSIDYURAL
ARGUMENTATIBO
- Tumutukoy sa
-nagtataglay ng mga
pagsusunod-sunod ng
paniniwala o paninindigang
mga hakbang o prosesong
maaaring tama o mali
isasagawa

Para sa iyong karagdagang kaalaman, Narito ang mga layunin ng mga


tekstong ito:
________________________________________

1. IMPORMATIBO
-magbigay ng impormasyon upang
mapalawak at mapalalim ang
kaalaman ng mambabasa sa paksang
tinatalakay

2. DESKRIPTIBO- malinaw na
maipakita ang mga katangian ng
paksang tatalakayin

3. PERSWEYSIB - mahikayat ang mambabasa na


sumang-ayon sa panig
. o mungkahi ng manunulat,
maimpluwensiyahan itong maniwala o baguhin ang
kanyang pananaw.

5
www.shsph.blogspot.com

4.NARATIBO- magkuwento sa
pamamagitan ng salaysay na nag-
uugnay ng mga pangyayari

5. ARGUMENTATIBO- hikayatin ang mambabasa


sa pamamagitan ng lohikal na pangangatwiran o
pagbibigay ng mga ebidensiyang nakabatay sa
lohikal at mga pananaw

6. PROSIDYURAL- ipaalam sa mambabasa ang mga


hakbang tungo sa paggawa ng isang bagay.

Yehey! Nagustuhan mo ba ang ating talakay? Salamat naman


at naunawaan mo ang mga ito para maging handa
sa pagsulat ng reaksiyong papel na siya nating
tuon sa pag-aaral na ito.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

6
www.shsph.blogspot.com
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba.


Pagsasanay 1

___________________________________________
Panuto: Basahin ang bawat bahagi ng talata, suriin at tukuyin kung anong uri ito ng
teksto. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

Ang kanyang na mumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy na lalong


nagpapaganda sa kanyang mukha kung siya ay tumatawa. Parang iginuhit ang
kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang malalantik at mahahaba na
lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina sa kanyang mata.
- Halaw sa “ Huwag Po, Itay…Bernales, et al

1. Ito ay halimbawa ng tekstong _________


a. Impormatibo b. deskriptibo c. persweysib d. naratibo

Alas nuebe pa lang. Paglabas ko sa kusina, nagtimpla ako ng kape.


Bubuksan ko sana ang TV pero mas pinili ko mas pinilli kong maupo na lamang
malapit sa hapag-kainan. Napansin ko ang dyaryong nakakalat sa mesa.
Ibinaba ko muna ang tasa upang makapagbasa. October 12, 2007, bago,
ngayong araw lang ito.
- halaw sa “Tampisaw sa Lason” ni Eljay Castro Deldoc

2. Ang iyong binasa ay tekstong __________


a. Impormatibo b. deskriptibo c. persweysib d. naratibo

Para sakin iba’t iba ang kahulugan ng salitang ‘FOREVER’ pero


naniniwala akong mayroon nito. Ang ‘FOREVER’ ay hindi literal na habambuhay
kundi isa lamang itong pagpapakahulugan ng matinding emosyon o damdamin
na hindi ko kayang isipin kung kelan matatapos. Halimbawa nito ay mamahalin
kita ‘forever’ ibig sabihin hangga’t kaya ko at gusto ko, sinasaad ito ng may
matinding damdamin.

https://jeininallysie.wordpress.com/2016/08/24/blog-post-title-3/

7
www.shsph.blogspot.com
3. Ito ay tekstong ______
a. argumentatibo b. naratibo c. prosidyural d. impormatibo

Matapos mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan:


➢ Isusulat ng chairman ng BEI ang serial number ng balota sa EDCVL
➢ Pipirmahan ng botante ang balota at ang EDCVL
➢ Ipapasok ng BEI sa Scerecy folder anf balota at ibibigay sa botante
➢ Tanging ang chairman ng BEI ang magbibigay ng balota

-Halaw sa “Paano Bumoto” mula sa Pinoy Weekly Staff, Mayo 5, 2010

4. Ito ay tekstong ______


b. Persweysib b. naratibo c. prosidyural d. impormatibo

Ayon sa UNICEF, ang bata ay sinumang ang edad ay mula 18 taon


pababa. Ang mga kategorya nito ay Unborn child o nasa sinapupunan pa lamang
o mula 0 hanggang 9 na buwan; pre-school o mula tatlo hanggang anim na taon,
school age o mula anim hanggang 13 taon; adolescent o juvenile, mula
hanggang 16 na taon; at young adult, mula 16 hanggang 21 taon.
-Halaw sa “Sipi mula sa Pagsulat ng Kuwentong Pambata”
Rene O. Villanueva

5. Ang talata ay isang tekstong __________


a. Persweysib b. impormatibo c. naratibo d. deskriptibo

Kumusta ang unang pagsasanay? Madali ba o Mahirap?


Tingnan ang sagot sa pahina 16.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maari mo nang gawin ang pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli
at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

8
www.shsph.blogspot.com
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa
ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman. Halika tasahin
ulit natin ang iyong husay…

Panuto:
Sa tulong ng mga suliranin kaugnay ng COVID-
19, isulat kung anong katangian ng teksto ang
Pagsasanay 2
mga ito

Mga Suliranin/ paksa Katangian ng Teksto


1. Proseso sa Pagkuha ng Travel
Pass
2. Balik- Probinsiya Program: Dapat
ba o hindi dapat?
3. Mga Katotohanan ng Corona
Virus
4. Kahalagahan ng Pagsunod sa
Protocol ng IATF- Pananatili sa
Bahay
5. Sanggalang ng Mamimili laban sa
COVID_19

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasany 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan?
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

9
www.shsph.blogspot.com
Balikan ang mga natutuhan sa naunang
mga gawain upang masagutan ang sumusunod
na pagsasanay.
Pagsasanay 3

Panuto: Suriin ang mga bahagi ng teksto at


ibigay ang katangian at kalikasang nakita mo na
magpapatunay ng uri nito.

TEKSTO KATANGIANG NAKITA NA


MAGPAPATUNAY NG URI NITO
Ang Corona viruses ay isang malaking
pamilya ng mga virus na maaaring magdulot
ng sakit mula sa karaniwang sipon
hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng
Middle East Respiratory Syndrome (MERS-
CoV) at Severe Acute Respiratory
Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong
coronavirus (NCoV) ay isang bagong uri na
hindi pa nakilala sa mga tao.

https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-
facts-tl.aspx
Sa yugtong ito ng pandemya, kritikal na
hindi dapat mawala ang pagsulong na
nakamit natin sa pagkontrol ng pagkalat ng
COVID-19. Tumigil na ang pagtaas ng mga
naospital, ngunit mas marami pa ang
kinakailangang gawin upang ligtas na
mabuksan muli ang ating mga komunidad.

Ang pandaigdigang pandemya ay nasa


maagang yugto pa. Madaling kumakalat ang
virus, ang kapasidad ng pagsusuri ay
limitado at lumalawak nang dahan-dahan, at
ang pagbuo ng bakuna ay nagsisimula pa
lamang. Kung masyadong mabilis nating
ipaluwag ang mga paghihigpit, ang
potensyal ng pagpapalawak ng pagkalat ay
maaaring magkaroon ng malaking epekto sa
kalusugan ng ating mga residente pati na rin
sa ekonomiya.

https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/public-
health-orders-tl.aspx
Isang proseso ng pagbabagong-bihis ng
lokal at rehiyonal na daloy ng pandaigdigang
pamilihan ang globalisasyon. Sa
kasalukuyan, ginagamit ito upang tukuyin
ang mga globalisasyon at internasyonal na

10
www.shsph.blogspot.com
ekonomiya. Sinasabi ng mga tagapagsulong
nito na makatutulong ito sa pamamagitan ng
pagtapat sa mga bago at iba’t ibang
internasyonal na pamilihan. Samantala,
sinasabi naman ng mga kritiko ng
globalisasyon na namamanipula at
naiimpluwensiyahan ng mga internasyonal
na kompanya ang maliliit na lokal na
negosyo.
Sa iyong pananaw, nakatutulong ba ang
globalisasyon sa lokal na negosyo at
ekonomiya?
-Bandril et al 2016
Isang piging na ligaya ngiti’y mala-gintong
butil,
Sa landas ng liwanag yakap ang langit na
inaliw.
Sa mala-rosas na labi ay kay tamis na pag-
amin,
At kung ilarawan ay kadugtong ng buhay
marahil.
-Alma Tang-Bautista
Magtungo sa barangay kung saan na-
istranded para kumuha ng clearance.
Dalhin ito sa municipal health office para sa
medical certificate na natapos mo ang 14-
day quarantine. Isumite ang medical
certificate sa pinakamalapit na istasyon ng
Pulis para mag-aplay ng travel pass.
Ang istasyon ng pulis ang bahalang
magproseso ng travel pass at mag-iinform
sa police unit kung saan patungo ang
aplikante. AAbisuhan ang LSI(locally
stranded individual) para kunin ang kanyang
travel pass o ipadadala na lang ito sa
kanyang e-mail.
- #EagleNews

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto mo


ang iyong mga kasagutan sa pahina 16.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 
11
www.shsph.blogspot.com
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan
mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na teksto. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno kung ito ay IMPORMATIBO, DESKRIPTIBO, PERSWEYSIB,
NARATIBO, ARGUMENTATIBO o PROSIDYURAL.

1. Mga panuntunan para sa awtomatikong suspensiyon ng klase ayon sa


Executive Order No. 66, s.2012:
Automatic Suspension Guidelines
Signal No. 1 : preschool, sa
SIGNAL No classes in
mga apektadong lugar.
No. 1 Kindergarten
Signal No. 2: preschool,
SIGNAL No classes in Elementary elementarya, at hayskul sa
NO. 2 and High School apektadong lugar.

Signal No. 3: preschool


SIGNAL No classes in ALL LEVELS Hayskul, at kolehiyo,
NO. 3 including tertiary levels Sa mga apektadong lugar.

2. Minsan May Isang Doktor


Salin ni Rolando A. Bernales
Isang doktor ang humahangos na dumating sa isang hospital matapos siyang
ipatawag para sa isang biglaang operasyon. Dali-dali siyang tumugon sa tawag,
nagpalit agad ng damit at dumiretso sa surgery block ng hospital. Nakita niya ang
ama ng pasyente ng bata, naglalakad nang paroo’t parito sa pasilyo. Pagkakita sa
doctor, nagsisigaw ang lalaki:
“Bakit ngayon ka lang, Dok? Hindi mo ba alam na nanganganib ang buhay ng
anak ko? Wala ka ba man lang pagpapahalaga sa responsibilidad?”
Ngumiti ang doktor at sa mababang tinig ay nagwika: “ Pasensiya na po kayo.
Wala po ako sa hospital nang ipatawag ako. Nagmamadali po ako papunta rito
pagkatanggap ko ng tawag. Kumalma po kayo nang masimulan ko na ang aking
trabaho”.

12
www.shsph.blogspot.com
“Kumalma? Eh kung anak mo ang nasa loob ng kuwarto ngayon,
makakakalma ka ba? Kung mamatay ang anak mo, ano kaya ang gagawin mo?!!!”
galit na wika ng ama.
Tumagal ng ilang oras ang operasyon. Matapos ay masayang lumabas ang
doktor.
“Salamat sa Diyos, ligtas na ang anak ninyo.”
Hindi na nakapaghintay ng sagot ang doktor. Mabilis siyang tumalilis palabas
pakasabing, “kung mayroon kayong katanungan, pakitanong na lang sa nars”.
“Bakit napakaarogante niya? Hindi man lang siya naghintay ng ilang minuto
para makapagtanong ako sa kalagayan ng aking anak?” bulalas ng lalaki.
Sumagot ang nars. Walang humpay ang pag-agos ng luha sa pisngi ng nars habang
nagsasalita.
“Kamamatay lamang kasi ng anak ni Dok. Namatay ang anak niya sa isang
aksidente sa kalsada. Nasa burol siya nang ipatawag. Matapos niyang mailigtas ang
iyong anak, kailangan naman niyang magmamadali para sa libing ng kanyang
anak”…
www.google.com.ph

3. Igisa ang luya at bawang, kasama na ang manok. Isangkutsa ang manok
hanggang mamuti ang laman ng manok. Kapag sa tantya mo ay
nasangkutsa(nagisa) mo na ang manok, maglagay ng 3 kutsarang patis. Haluin
muli. Maglagay ng tubig na magsisilbing sabaw ng tinola. Ilagay na rin kasama
ang panahog na gulay( sayote o papaya.) Pakuluan. Kapag kumulo na ang
sabaw, tingnan kung tama na ang lambot ng sayote o papaya para sa iyo.
Tikman ang sabaw, kung kulang pa ang lasa, dagdagan mo na lang ng patis at
ilagay na rin ang dahon ng sili o ng malunggay. Mayroon ka nang Tinolang
Manok!
- mula sa https://paanopinoy.wordpress.com

4. Petisyon upang kilalanin si Andres Bonifacio


bilang unang Pangulo ng Pilipinas
Ni Michael Charleston Chua

Mula pa noong 1993, may mga historyador tulad nina Dr. Milagros Guerrero,
Ramon Villegas at Emmanuel Encarnacion na nagsasabing si Andres Bonifacio,
hindi si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng Pilipinas. Ayon sa kanila, noong
sumiklab ang Himagsikan noong Agosto 24, 1896, ang Katipunan na isang samahan
ay naging isang gobyernong rebolusyonaryo batay sa mga dokumento nito. Dahil
dito, ang pinuno ng Katipunan noon ang siyang naging Pangulo.
Sabi naman ng iba, hindi dapat gawing unang pangulo si Andres Bonifacio
dahil kailangang baguhin ang mga teksbuk sa mga paaralan at maaari itong ikalito

13
www.shsph.blogspot.com
ng mga mag-aaral. Ngunit dapat bang isakpripisyo ang katotohanan sa kasaysayan
para sa praktikalidad?
Ang pagkilala sa pagkapangulo ni Bonifacio ay ang pagkilala sa konseptong
ang gobyerno ay nanggagaling sa bayan, na kaakibat sa pang-ilustrado/ pang-elit na
gobyerno.
At sa huli, ang pagkilala kay Andres Bonifacio bilang pangulo ay ang
magbibigay ng katarungan sa taong bumuo sa Nasyong Pilipino.
-mula sa www.change.org

5. Kartilya ng Katipunan

Ni Emilio Jacinto

1. Ang buhay ay hingi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay


kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.
2. Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili,
at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa
kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang
kat’wiran.
4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay;
mangyaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit di-
mahihigtan sa pagkatao
5. Ang may mataas na kalooban, inuuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili;
ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa sa
puri.

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 16.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

14
www.shsph.blogspot.com
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang patalastas na nasa tekstong naglalarawan. Magsulat ng


isang paglalarawan. Paglalarawan tungkol sa patalastas batay sa tiyak na katangian
nito

a. Mga kaalamang inihanay

b. Paraan ng pagkakalahad

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

15
16
Panimulang Pagsubok
1. Naratibo
2. Impormatibo
3. Prosidyural
4. Persweysib
5. Deskriptibo
Pagsasanay 1 Panapos na Pagsubok
1. B 1. Impormatibo
2. D 2. Naratibo
3. A 3. Prosidyural
4. C 4. Argumentatibo
5. D 5. Persweysib
Pagsasanay 2
1. Prosidyural
2. Argumentatibo
3. Impormatibo
4. Persweysib
5. Deskriptibo
Pagsasanay 3
1. Impormatibo- nagbibigay –impormasyon tungkol sa
Corona Virus
2. Persweysib- hinihikayat ang mamayan na manatili sa
Bahay
3. Argumentatibo – hinihingi ang pananaw ng mababasa
kaugnay ng paksa
4. Deskriptibo – naglalarawan gamit ang mga pang-uri
5. Prosidyural – nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng
pagkuha ng travel pass
Karagdagang Gawain:
subhetibo ang sagot
Susi sa Pagwawasto
www.shsph.blogspot.com
www.shsph.blogspot.com
MGA SANGGUNIAN
Aklat:

Atanacio, Heidi C.et al. Pagbasaa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: C & E Publishing Inc.
Bandril, Lolita T. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group Inc., 2016.
Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2017.

Elektroniko:

https://paanopinoy.wordpress.com

#EagleNews https://www.youtube.com/watch?v=bINXHmyDF0I

https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx

www.change.org
www.google.com.ph

17
www.shsph.blogspot.com

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like