You are on page 1of 17

11

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 5: COHESIVE DEVICE
Filipino – SHS Baitang 11
Kwarter 3- Modyul 5: Cohesive Device

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Ana Maria B. Gojar; Emma D. Gonzales;


Michelle Erika A. Clemente; Catherine N. Mirabel
Editor: Dorothy Gabion
Tagasuri: Nora J. Laguda; Sharon A. Vito
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Marianne Hapa, Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
3
Cohesive Device
Panimula:

Kumusta ka aking mag-aaral? Nakahanda ka


na ba sa ating bagong aralin?
Ang paksa natin ngayon at mga gawain ay
makatutulong upang mas lalong mapaunlad ang iyong
kakayahan sa wastong paggamit ng mga pahayag na
nagpapakita ng kaugnayan sa bawat isa. Makatutulong ito na maging
malinaw ang paglalahad mo ng mga kaisipan at datos sa pagbubuo ng
mga teksto.
Halika, simulan na natin!

Sa modyul na ito, inaasahan na


nagagamit mo ang cohesive device sa
pagsulat ng sariling halimbawang teksto.

Layunin

1
4
May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling
ito. Magagamit mo ang mga ito upang ganap mong maunawaan
ang mga susunod na talakay tungkol sa ating paksa. Halika!
basahin mo sa susunod na pahina.

Talasalitaan

Basahin mo.

Salitang nagsisilbing Gumagamit ng malinaw


pananda upang hindi na pang-ugnayan upang
paulit-ulit ang mga salita. ipakita ang pagkasunod-
sunod at ugnayan ng
teksto.

Cohesive
Device

Maaari ito maging panghalip na humahalili sa


pangngalan. Ibig sabihin, ito ang pumapalit sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar,
pangyayari, at marami pang iba.

2
5
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin?

Panimulang Pagsubok

Panuto: Tukuyin ang mga salita o pariralang iisa lamang ang tinutukoy sa bawat
sumusunod na pahayag. subukin mo nga?

1. Lubhang nabahala ang lahat ng tao sa mundo dahil sa dalang panganib


sa kalusugan ng Covid 19. Ang sakit na ito ay tunay na nakaapekto sa
kilos, pamumuhay at katahimikan ng daigdig.
2. Nararapat nating sundin ang alituntuning ipinapatupad ng pamahalaan
upang maiwasan ang paglaganap ng Covid 19 sa bansa. Ito lamang ang
tanging paraan sa ngayong wala pang nalilikhang bakuna sa naturang
sakit.
3. Mga matatanda, bata at may dating iniindang sakit ang higit na kailangang
mag-ingat sa panahong ito. Sila ang nanganganib na madaling mahawaan
ng sakit na Covid 19 ngayong pandemic.
4. Lahat ng tao ay nararanasan ngayon ang paghihirap. Paghihirap sa
pananalapi, paghihirap sa pagkilos at paghihirap sa iba’t ibang emosyong
umiiral.
5. Ang pagiging disiplinado, pagkamasunurin at pakikiisa ng bawat isa ay
napakahalaga ngayong pandemic. Ito ang mga asal na dapat umiiral sa
panahong ganito.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 12 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka kaya nabibilang?

5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

63
Ang galing mo naman kaibigan!

Halika, may inihanda pa akong mga dapat mong


matutuhan at ilang gawaing mas lalong magpapaunlad
sa iyong paggamit ng kohesyong gramatikal.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal

1. Reperensiya (Reference) - Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring


tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
Maaari ito maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang
malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang
panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
pinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).

2. Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip


na muling ulitin ang salita.

3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang


maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap
dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig
ng nawalang salita.

4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng


sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang
relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.

4
7
5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang
magkaroon ito ng kohesyon.

a. Reiterasyon- (1) Pag-uulit o repetisyon, (2) Pag-iisa-isa, (3) Pagbibigay-


kahulugan
b. Kolokasyon

Reyes, Alvin Ringgo C. Komunikayon at Pananaliksik sa WIKA AT KULTURANG PILIPNO.


Makati City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

Palalimin pa Natin!

Upang mapag-ugnay ang mga kaisipan at


mailahad ang pananaw, gumamit ng mga
pang-ugnay (cohesive device) gaya ng
mga pangatnig.

TANDAAN!

5
8
Ang Cohesive Devices
ba ay maaaring makita Ang isang babasahin o teksto ay
sa iba’t ibang uri ng binubuo ng magkakahiwalay na
teksto? mga pangungusap
o sugnay. Ang mga pangungusap
o sugnay na ito bagaman
magkakahiwalay ay
Tama ka riyan! Ang pinagdugtong o pinag-uugnay ng
cohesive devices mga gamit pang-ugnay o
ay matatagpuan sa kohesyong gramatikal.
iba’t ibang uri ng
teksto isa na rito Ginagamit na pang-ugnay na ito
ang Tekstong ay referents o reperensiya na
Deskriptibo at kung tawagin ay
Nanghihikayat.
anapora at katapora.

Mayroon bang
Aba siyempre mayroon! Ilan lamang dito ang wastong Gamit ng
mga sumusunod: Cohesive Devices?
Maaaring magbigay ng
1. Pagpapahayag ng Pagdaragdag-(Hal.
mga halimbawa?
Gayundin, saka, bilang karagdagan)
2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan-
(hal.maliban sa, sa mga, kay, kina, bukod sa)
3. Dahilan o resulta ng kaganapan o
pangyayari-(Hal. Kaya naman, dahil sa,
sapagkat, bunga nito)
4. Kondisyon, bunga, o kinalabasan-(Hal.
Sana, basta’t, sa sandaling, kapag)

5. Taliwas o salungat-(Hal. Pero, ngunit, sa


halip)

Magaling!!! Nagustuhan mo ba ang ating talakay?

.Ipagpatuloy mo pa.

6
9
Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.


Subukan Mo!

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat


bilang. Punan ng angkop na panghalip ang mga
patlang mula sa ibinigay na mga pagpipillian sa Pagsasanay 1
loob ng panaklong.

1. ___ (Siya’y, Ika’y, kami’y) isa sa magaganda’t


mapanghalinang babae na sa
pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Clara dahil sa paniniwalang___
(ako’y, kami’y, siya’y) maaaring magpositibo sa swab test dahil sa nakasama nila sa
loob ng eroplano ang isa nagpositibo sa Covid19.
3., Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa ___ (kanila, kaniya, amin) na ang kanyang
ginawa ay mahusay.
4. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa ___(nila, ko, mo) ang pagkakuha ko sa paanyaya.”
5. Sumapit ang inaasam (naming, kong, niyang) araw ng sayawan. Sapagkat doon
aamin ng nararamdaman ang aking kaibigan sa kaniyang na pupusuan.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 12.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

10
7
Dahil madali mo lang
nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa
ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong
Pagsasanay 2 kaalaman.
2

Panuto: Hanapin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamit na Kohesyong


gramatikal o cohesive devices na nagsisilbing pananda, pang-ugnayan at pagtitipid
sa pangungusap.

1. Kahit gaano siya katatag, kailangan pa rin ng isang anak ang gabay ng isang
magulang.
2. Ang mabait na anak ay may disiplina sa sarili kaya siya ay kahanga-hanga.
3. Ang paglala ng kahirapan ay dahil sa mga taong tulad nila.
4. Sa luneta tayo nagkita, ditto kita unang nakilala.
5. Ito ang isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa


naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.

Panuto: Sumulat ng talatang


Pagsasanay 3
nagpapaliwanag sa larawang makikita sa
susunod na pahina, gumamit ng mga
kohesyong gramatikal o cohesive devices
at salungguhitan ang mga ito. Gawing
gabay sa pagsulat ang pamantayan sa pagmamarka.

811
https://theconversation.
com

PAMANTAYAN BAHAGDAN
Nilalaman 50%
Pagtalakay tungkol sa napapanahong
isyu.
Cohesive Devices 50%

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina
12.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

9
12
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo
sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong gawin.

Naisip mo…Isulat mo!

Panapos na Pagsubok

Panuto: Buoin ang mga sumusunod na pahayag na ginagamitan ng cohesive


devices.
1. Ang pananampalataya sa Maykapal ay pinakamalakas na sandata sa
panahong ito.
___________________________________________________________.(repere
nsya)
2. Ang Covid 19 Inter-Agency Task Force ang siyang namumuno sa pagpaplano
sa mga hakbang na dapat gawin upang mapigilan ang paglaganap ng nasabing
sakit. ______________________________________________ (substitusyon)
3. Karamihan daw sa mga Pilipino ay ayaw sumunod sa patakarang inilabas ng
IATF. _________________________________________( ellipsis)
4. Ang lahat ng pagsubok at paghihirap na dulot ng pandemyang ito ay ating
malalampasan _____________________________________________(pang-
ugnay)
5. Ang tunay na asal ng tao ay makikita sa panahong ng paghihirap at
dalamhati______________________________________(leksikal)

Rubrik sa pagbibigay ng puntos

Nabuo nang wasto ang pahayag 5


Nabuo ang pahayag ngunit may kaunting
4
kakulangan sa diwa
Nabuo ang pahayag ngunit hindi gaanong
3
malinaw ang diwa nito
Hindi gaanong nabuo ang pahayag 2
Hindi nabuo ang pahayag 1

Sa wakas!

Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong mga sagot sa pahina 12.
IIlang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat


 1 hindi nagawa
 2 hindi nagaw
 3 pataas hindi nagawa

10
13
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa
ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto:

Pahayag Kaisipan
1. Mga dalit ni Kupido
2. Bawat mata na aking matudla
3. Nanatak ang luha ng pait at dita
4. Nunulas ang hinanakit at mga pasakit
5. Hindi lamang yata ako duling, baka ako
ay bulag pa rin!

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kaibigan!

14
11
12
15
Panimulang Pagsubok
1. Mundo-daigdig
Covid 19- sakit na ito
2. Alituntuning ipinapatupad ng pamahalaan-ito
Covid 19- naturang sakit
3. Mga matatanda, bata at dating iniindang sakit- sila
Panahong ito-pandemic
4. Paghihirap- paghihirap sa pananalapi, paghihirap sa kilos at paghihirap sa iba’t
ibang emosyong umiiral
5. Disiplinado, pagkamsunurin at pakikiisa – ito ang mga asal
Pandemic- panahong ito
Pagsasanay 1
1. Siya’y
2. Siya;y
3. Kaniya
4. Mo
5. Kong
Pagsasanay 2
1. Siya, Katapora
2. Siya, Anapora
3. Elipsis
4. Dito, Anapora
5. Ito, Katapora
Pagsasanay 3
Sumangguni sa Rubrik
Panapos na Gawain:
Sumangguni sa Rubrik
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat
Reyes, Alvin Ringgo C. Komunikayon at Pananaliksik sa WIKA AT KULTURANG PILIPNO.
Makati City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016.

Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik.Phoenix Publishing House.Inc. Lungsod ng Quezon.
De Laza, Crizel S. 2016 Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book
Store. Manila

Website
“The Conversation” galing sa https://theconversation.com/how-religions-and-religious-leaders-
can-help-to-combat-the-covid-19-pandemic-indonesias-experience-140342

13
2
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

19

You might also like