You are on page 1of 21

Commission on Diocesan Schools

Pagbasa at Pagsusuri
ng iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Ikatlong Markahan- Modyul 2


Uri ng Teksto: (Naglalahad,
Naglalarawan, Nagsasalaysay)

Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong
binasa(F11PS-IIIb-91) Week 2 - 4
2. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto .
(F11PU-IIIb-89) Week 2 - 4
3. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
(F11WG-IIIc-90) Week 2 - 4
4. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat. (F11EP-IIId-36)Week 2 - 4
5. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. (F11PB-IIId-99) Week 2 - 4
Aralin 2.1:
Tekstong Impormatibo

Simulan

Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na kaalaman
tungkol sa kasunod na paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Gawain 1: Basahing mabuti ang pahayag at sundin ang hinihingi nito. Isulat mo
ang iyong sagot sagutang papel.

Sa milyong Impormasyon na makikita sa social media, mahalaga ang


matalas na pagtukoy ng isang mambabasa kung ang impormasyong nababasa ay
tunay o huwad. Isang mahalagang kakayahan sa pagbasa ang diskriminasyon ng
datos, kung saan tinutukoy kung makatotohanan o hindi ang isang tiyak na
impormasyon, o kaya ay kung makabuluhan o hindi kailangang pagtuunan ng
pansin. Ibahagi ng isang karanasan kung saan pinaniniwalaan ang isang
impormasyong nabasa sa Facebook o Twitter ngunit kalaunan at natuklasang
hindi naman pala totoo. I-screen shot at i-print ang larawan, mensahe, o paskil na
nakuha sa anomang social media site. Idikit sa ibaba ang larawan. Gumamit ng
ibang papel para rito.
Gawain 2: Anung nasa isip mo?

Gamit ang grapikong presentasyon, magtala ng mga bagay na madalas mong


ipinopost sa facebook, twitter o iba pang social media flatform. Isulat mo ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa gawain! Sakali mang may mga
konsepto kang hindi maunawaan, maaari mo itong balikang muli. Magpatuloy pa tayo upang
mas mapayabong pa ang iyong kaalaman.

Alam mo bang…

Ang TEKSTONG IMPORMATIBO na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay


mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa
isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’
‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay
ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anomang opinyon o saloobin, nakabase sa
kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin
ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.

Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga


impormasyon na matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-
pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa dyaryo.

Upang mas madaling maunawaan ang anomang tekstong impormatibo, kadalasang


gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa
na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon. Kabilang dito ang talaan ng
nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo, mga larawan at
ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan ,graph, at
talahanayan.

Lakbayin

May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito. Ang mga
estrukturang ito ay sa pamamagitan ng pagtalakay ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay-
depenisyon at paglilista ng klasipikasyon.

Sanhi at Bunga. Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga


pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari.
Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng
pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga).
Pagdodroga: Sanhi at Bunga

Ang pagdodroga, ay ang pag-iinom, paghihinga, o pagyoyosi ng mga iba’t ibang mapanganib na bagay.
Itong mga bagay ay naglalason sa inyong katawan at nagbibigay ng maraming problema sa inyong buhay.
Maraming iba’t ibang klase ng droga ang naroroon. Ang pinaka-karaniwan na droga na yinoyosi ng mga tao dito sa
Pilipinas ay ang marihuana. Ang marihuana ay nagpaparamdam sa iyo ng malakas na damdamin. Pwedeng ito ay
kalungkutan o kasiyahan. Pag- yosi mo nito, bibilis ang tibok ng iyong puso. Magiging pula ang iyong mata, at palagi
kang kulang sa tulog at nagugutom. Pwede rin na umiba ang tingin mo sa mundo. Ang iyong kapwa ay magiging
kaaway mo, ang kapatid mo magiging demonyo, at iba pa. Ang pagyoyosi rin ng marihuana ay nagbibigay sa inyo
ng problema sa baga at puso. Isa pang halimbawa ng droga ay ang heroin. Ang heroin ay pumapasok sa inyong
katawan sa pamamagitan ng iniksyon o sa paninigarilyo. Ang pag-iniksyon nito sa inyong katawan ay nagbibigay ng
hilo, paghirap na huminga at antok. Sasakit ang inyong tiyan at masusuka ka. Para sumarap ulit ang pakiramdam,
nag-iiniksyon uli ng heroin ang tao para mawala ang sakit ng ilang minuto. Marami pang iba’t ibang mga droga na
iniinom o yinoyosi ng mga tao, ang ecstasy, depressants, methamphetamine, nicotine, cocaine at alak.
Iniisip siguro ninyo, “Bakit naman nagdodroga sila kung ganun lang pala ang mangyayari sa kanila?” May
iba’t ibang sanhi ang mga tao sa pagsisimula ng pagdodroga. Para sa iba, ito ang kanilang solusyon para
makaiwas sa mga problema nila. Ang iba naman, para wala silang maramdam na sakit. Sa ibang mga bata na
walang kaibigan, ang kanilang ginagawa ay nagdodroga para maging sikat sila. Ang iba naman ay nag-
eeksperimento para maintindihan nila ang sarili nila.
Dapat nating malaman na ang pagdodroga ay hindi nakakatanggal ng mga problema natin. Ang
pagdodroga ay nagbibigay ng maraming masasamang epekto sa ating mga katawan. Kung magsimula ka ng
magdroga, siguro hindi ka magiging masyadong malungkot at magiging masarap ang pakiramdam mo pero
mararamdaman mo rin ang masamang epekto nito. Magkakaroon ka ng kanser Ang pagdodroga ay ang pagtatapon
lang ng inyong buhay. Binigyan tayo ng wastong isip para magdesisyon. Pumili tayo nang mabuti.
Ang pagdodroga ay ang pagtatapon lang ng inyong buhay. Binigyan tayo ng wastong isip para
magdesisyon. Pumili tayo nang mabuti.

Source: https://sites.google.com/a/my.xs.edu.ph/jason-friedlander-14/filipino-1/sanhi-at-bunga-ng-pagdodroga

Sa halimbawang teksto, malinaw na ipinakita ang suliranin sa patuloy na


pagkasira ng kinabukasan na maaaring maging sanhi ng pagdodroga. Dahil ang kinalabasan o bunga na
tinatalakay sa teksto ay isang suliranin, kapansin-pansin na sa bandang huli ay nagbigay ito ng mga posibleng
solusyon kung paano maiiwasan ang mga sanhi ng suliranin.

Paghahambing. Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari.

Sanaysay tungkol sa mga kababaihan noon at ngayon


Sa pagbabago ng lipunan batay sa progresong nais nitong maabot ay kapuna- puna ang mga batas
at alituntunin na nagnanais ng pagkakapantay pantay. Isa na rito ang pagbabago ng katayuan ng mga
kababaihan sa lipunan; binigyan ng pansin ng pamahalaan ang karapatan ng mga ito na dati’y isa
lamang palamuti sa tahanan.
Sa nakalipas na panahon, ang edukasyon ay para lamang sa mga kalalakihan; nakatuon ang mga
babae sa pagsisilbi sa kanilang magiging kabiyak. Ang buhay ay umiikot lamang sa loob ng tahanan; sila
ay walang boses at karapatan para ipaglaban ang sarili. Ang posisyon sa lipunan ay pawang sa mga
kalalakihan lamang at doon sa sulok kababaiha’y matatagpuan. Walang karapatang mangarap at
umabot ng sariling kinang na kanyang ikatatampok.
Sa pagkakasadlak ang bagong panahon ay naghudyat ng pagbabago; nagkaroon ng mga batas
para sa pagpapaunlad ng mga natatanging kakayahan ng mga kababaihan. Ang dating pinapangarap na
edukasyon ay nakamit at higit sa lahat nagkaroon ng babaeng presidente tanda ng kalayaan sa
batayang umapak ng kanilang pagkatao. Ang pagkakapantay pantay ay tuluyang umiral; nagpasa ng mga
batas na mag-iingat sa mga kababaihang inaabuso. Pinalakas ang kanilang pwersa at tuluyang namuhay
ng may dangal, karapatan, dignidad, at pangarap.
Ang tagumpay ng kasalukuyang panahon ay bunga ng mga pagkakamali ng nakalipas; sa tulong ng
edukasyon at matalinong pag-aanalisa nakabubuo ng bagong ideya na naglalayon ng kabutihan sa bawat
nilalang sa mundo. Mahalin at patuloy na irespeto ang bawat nilalang sa mundo.

Sa halimbawang teksto,maliwanag na ipinakita ang pagkakaiba ng pagtingin ng lipunan sa babae


noon at ngayon. At ang karapatan na dapat matamasa ng mga kababaihan.

Pagbibigay-depinisyon. Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto.
Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng isang hayop, puno, o kaya
naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarungan, pagkakapantay-pantay, o pag-ibig.
Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang denotatibo o
konotatibo.

Ano nga ba ang COVID-19?


Ang Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay sanhi ng isang bagong
virus. May mga bago kaming nalalaman tungkol sa virus na ito araw-araw dahil ito ay bago. Noong ika-31
ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia sa Wuhan, China. Napag-alaman kamakailan
lamang na ang mga kaso ay dulot pala ng isang uri ng hindi pa kilalang coronavirus. Ang coronavirus na
ito ay karaniwang sa hayop lamang natatagpuan, at hindi pa nakita sa mga tao noon. Ang mga
karaniwang sintomas na dulot ng coronavirus ay lagnat, ubo’t sipon, hirap at pag-iksi ng paghinga at iba
pang problema sa daluyan ng hangin. Sa mga malulubhang kaso, maaari itong maging sanhi ng
pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato, at pagkamatay. Noong ika-24 ng Enero 2020,
kinumpirma ng World Health Organization na ang 2019-nCoV ay naipapasa tao-sa-tao ngunit wala pang
sapat na ebidensyang nagpapatunay sa tindi at bilis ng pagkahawa nito, maging ang orihinal na
pinanggalingan ng outbreak.
Masugid pa ring pinag-aaralan ng mga eksperto ang pinaggalingan ng sakit at kung paano ito
kumakalat. Bagama’t napatunayan na iba ito sa SARS at MERS, ang bilis ng pagkalat at bagsik nito ay
patuloy pang inaalam.
Wala pang gamot o treatment sa 2019-nCoV. Ngunit marami sa sintomas nito ang maaaring
gamutin base sa kalagayang pangkalusugan ng pasyente. Mabisa rin ang masugid na pag-aalaga at
pagsuporta o supportive care para sa mga pasyente. Masugid na binabantayan ng Kagawaran ng
Kalusugan ang mga taong nagpakita ng senyales ng respiratory infection at may kasaysayan ng
paglalakbay sa China. Nakikipag-ugnayan din ang DOH sa WHO at China Center for Disease Control para
sa mga bagong detalye ukol sa virus.
Pinapagtibay din ng DOH ang kakayahan nito sa laboratory testing ng coronavirus, kahandaan ng
mga hospital, rapid response, at risk communication at pagpapalaganap ng impormasyon. Namimigay
na rin ng Personal Protective Equipment ang Bureau of Quarantine, Centers for Health Development, at
mga hospital ng DOH.
Sinoman sa anomang edad ay maaaring magkasakit. Ang ilang tao ay maaaring magkasakit nang
mas malala kaysa sa iba. Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba, kahit
pa minsan parang wala silang sakit. Hindi namimili ang mga virus kaya’t iwasan ang mga pagpapalagay
tungkol sa kung sino ang sa tingin ninyo ang may sakit.
Samantala, ang Bureau of Quarantine naman ay masugid na nakikipag- ugnayan sa mga airlines at
paliparan upang palakasin ang border surveillance, habang ang Epidemiology Bureau naman ay mas lalo
pang pinaghihigpit ang community surveillance nito.
Sa halimbawang teksto na nagbigay-depinisyon sa Covid-19 ay naipaliwanag ang kahulugan
patungkol sa virus na nararanasan sa kasalukuyan at maaaring maging epekto nito sa tao at sa lipunan.

Paglilista ng Klasipikasyon. Ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahati hati ng isang malaking
paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay
bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.

Polusyon
Nararamdaman mo ba ang pag-iinit ng panahon? Nakikita ang mga pagguho ng lupa? Naamoy
ang dahan dahang pagkawala ng mabangong simoy ng hangin? Lahat ng ito ay dulot ng isang
problemang kinakaharap natin. Isang problemang lumalala sa paglipas ng mga taon. Ang problemang
tinutukoy ko ay ang problemang kinakaharap natin sa polusyon. Ang polusyon ay isang bagay na
natanggap natin sa kasalukuyan kapalit ng urbanisadong pamumuhay sa ika-21 na siglo. Ngunit, ang
pagtanggap na ito ay kadalasang nangyayari sa kamangmangan kaya napakahalaga na alamin natin kung
ano ang mga uri ng polusyon, sanhi at bunga nito upang makabuo tayo ng mga solusyon upang ang
polusyon ay ating malulutas.
Ang unang uri ng polusyon ay ang tinatawag na polusyon sa tubig. Ito ay ang kontaminasyon ng
mga maruruming bagay sa mga katawan ng tubig kagaya ng sa lawa, ilog, at karagatan. Ang ganitong uri
ng polusyon ay nangyayari dahil sa iba’t ibang sanhi. Isa na dito ay ang pagtatapon ng mga basura sa mga
nasasabing anyong tubig. Ang sanhing ito ay kitang-kita sa mga anyong tubig sa Maynila. Napapansin ko
base sa mga nakikita ko na mga balita sa tv ang mga basurang nakatapon lang sa mga ilog, dagat, at sa
mga lawa sa Maynila. Ang pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig ay delikado dahil ito ay
nakakarumi sa tubig na mapanganib at hindi ligtas sa ating kalusugan dahil dito nakakadulot ito ng
maraming uri ng mga sakit. Bukod sa nakakasira ito sa ating kalusugan, ang pagtatapon ng mga basura
sa anyong tubig lalong lalo na sa mga ilog ay nakapagdudulot ng matinding pagbaha kapag bumagyo
kagaya ng nangyari noong 2009 nang ang bagyong Ondoy ay nagdulot ng mga pagbaha sa Maynila at iba
pang lugar sa ating bansa. Ang ikalawang sanhi o dahilan ng polusyon sa tubig ay ang paglalaba malapit
sa mga anyong tubig. Delikado ito dahil ang kemikal na ginagamit natin sa paglalaba tulad nang sabon at
iba pa ay nagdudulot ng pagkamatay ng mga isda o mga hayop sa tubig. . Panghuli, ang mga
pangyayaring kagaya ng pagkalat ng langis sa anyong tubig na dulot ng mga barkong nalunod na may
dalang langis o di kaya dulot ng mga sinasabing oil rigs na makikita sa karagatan. Ang pagkalat ng langis
sa tubig ay nakakasira sa mga coral reefs dahil ito ay nakakaharang sa silaw ng araw na
napakaimportante para sa mga corals. Napakadelikado talaga ng polusyon sa tubig kaya’t dapat ito ay
dapat masolusyunan at bigyang pansin.
Isa pang uri ng polusyon ay ang polusyon sa hangin. Ang polusyon sa hangin ay nangyayari kung
ang mga nakakahamak na mga kemikal ay nahahalo sa hangin. May mga dahilan kung bakit ang polusyon
sa hangin ay nangyayari. Una, ang mga usok sa mga jeep o iba pang mga sasakyan ay nahahalo sa
hangin. Ang usok mula sa jeep o iba pang mga sasakyan ay nakakasama sa ating kalusugan lalo na
kung parati natin itong naamoy. Ito ay nakadudulot ng iba’t ibang sakit kagaya ng sakit na TB na lumalala
sa ating bansa. Ang dahilang
ito ay makikita natin sa mga lungsod ng Maynila na napakaraming sasakyan. Ikalawang dahilan ng
polusyon sa hangin ay ang pagbubuga ng usok mula sa mga pabrika. Ang mga usok na ibinubuga ng mga
pabrika ay may halong kemikal na nagdudulot ng acid rain. Ito ay nakakasama sa mga hayop sa
kagubatan at pati na rin sa mga anyong tubig. Ang huling dahilan ng polusyon sa hangin ay ang
pagsusunog natin ng mga plastic. Nakaugalian na talaga natin ang pagsunog ng mga plastic na basura
dahil sa hindi pagkakaalam natin sa masamang dulot nito sa hangin. Ang pagsusunog ng mga plastic ay
napakadelikado dahil nagtataglay ito ng mga kemikal na nakakasira sa ating ozone layer. Kapag ang ating
ozone layer ay masisira, mas lalong iinit ang temperatura ng ating daigdig. Ang mga ito ay ang dahilan ng
pagkakaroon ng polusyon sa hangin.
Ang ikatlong uri ng polusyon ay ang tinaguriang polusyon sa lupa. Kagaya ng polusyon sa tubig at
hangin, ang polusyon sa lupa ay nangyayari rin kapag may kemikal na nakakalat sa ating anyong lupa.
Ang mga dahilan nito ay ang mga sumusunod. Una, ay ang pagtatanim na gumagamit palagi ng mga
pataba sa lupa na kemikal. Alam natin na nakatutulong ang mga sinasabing pampataba ng lupa pero ito
rin ay may maraming mga kaakibat na mga epekto. Ang labis na paggamit nito ay nagdudulot ng
pagkasira ng lupa dahil sapagkat ang lupa ay maging mataba at maging isang maayos na lupang taniman,
ito ay nagiging mala disyerto, dulot nang pagkawala ng mga sustansiya at bitamina sa lupa na nagiging
sanhi ng kawalan ng mapagtanimang lugar. Kapag ito ay lumala, ako ay natatakot na baka sa susunod na
henerasyon ay tuluyan ng mawala ang mga lupang sakahan dulot ng polusyon sa lupa na magdudulot ng
napalaking problema sa kakulangan ng pagkain. Isa pang dahilan ng polusyon sa lupa ay ang pagtatapon
ng basura kahit saan. Hindi naman natin maiiwasan na magtapon ng basura pero dapat nating isaisip na
itapon ito sa tamang lugar kagaya ng mga basurahan at mga compost pits. Ang pagtapon ng basura sa
hindi tamang lugar ay nakakadulot ng polusyon sa lupa sa pamamagitan ng mga kemikal na taglay ng mga
basurang kadalasan nating tinatapon. Ang mga dahilang ito ay nakakatakot kapag ating pinabayaan.
Maliban sa mga nabanggit na uri ng polusyon, ang pang apat na uri ng polusyon ay ang polusyong
thermal. Ito ay isang uri ng polusyon na tumutukoy sa pagtaas ng temperatura sa ating mundo. May
maraming dahilan ito pero ang pinakapangunahing dahilan nito ay ang pagkasira ng ating ozone layer.
Ang pagkasira ng ating ozone layer ay dulot ng mga kemikal na pinapakawalan natin. Napakadelikado ang
pagkasira ng ating ozone layer dahil nagdudulot ito ng pagkatunaw ng mga yelo sa north pole at south
pole na nagreresulta ng pagtaas ng lebel ng tubig. Kapag ito ay nangyari maaring ang mga lugar na
malapit sa mga dalampasigan ay lumubog sa karagatan. Isa pang resulta nito ay ang pagkasira ng mga
yamang dagat at lupa dulot ng pagtaas ng temperatura. Ang nakakatakot ay baka sa susunod na mga
henerasyon ay tuluyan na talagang uminit ang ating daigdig at maging dahilan sa pagkawala ng buhay sa
ating planeta. Ang polusyong thermal ay napakadelikado kaya dapat itong pagtuunan natin ng pansin sa
mas maagang panahon.
Ang mga nasabing uri ng polusyon ay may iba’t ibang epekto sa ating mundo. Ang mga epekto
nito ay hinding hindi maganda para sa atin. Isa lang ang patutunguhan ng mga epekto nito, ito ay ang
tuluyang pagkasira ng ating daigdig. Oras na para isa isa nating solusyonan ang iba’t ibang uri ng poluyon:

Ang polusyon sa tubig, polusyon sa lupa, polusyon sa hangin, at ang polusyong thermal.
Ang polusyon sa tubig ay may mga maraming solusyon upang malutas. Isa na rito ay ang
pagtapon ng basura sa tamang lugar kagaya ng mga basurahan at compost pit. Ugaliin natin na itapon sa
tamang lugar ang ating mga basura. Pangalawa, magsagawa ng mga cleaning operations sa mga anyong
tubig na maraming basura upang maiwasan ang mga sakit na dulot nito kagaya ng cholera, typhoid, at
iba pa. Maliban sa sakit ay masosolusyunan din natin ang problema sa matinding baha dahil ang mga
basurang nilinis ay hindi na magiging harang sa mga tubig na nagiging sanhi ng baha. Mainam na gawin
ang mga clearing operations na ito isang beses bawat buwan. Ang panghuling solusyon ay ang pag-iwas
sa pagtapon ng mga kemikal sa mga anyong tubig. Imbes na itapon sa anyong tubig ay maglaan tayo ng
isang lugar kung saan ligtas itapon ang mga ito. Kapag susundin natin ang mga ito ay tiyak na ang
problema sa polusyon sa tubig ay ating malulutasan.
Ang polusyon sa hangin naman ay masosulusyonan sa mga paraang ito. Una, siguraduhin na ang
usok na lumalabas sa ating mga sasakyan ay hindi maitim, magagawa natin ito sa pagpapatingin natin sa
ating mga sasakyan sa smoke emission test sa mga Land Trasportation Office (LTO) sa ating lugar. Bukod
pa dito mas mainam siguro na gumamit ng mga E-bike o E-car na mabibili na natin. Mas mahal nga lang
ito sa mga ordinaryong motor at sasakyan pero napakamalaki naman ang tulong nito upang maiwasan
ang paglala ng polusyon sa hangin. Ang pangalawang solusyon sa polusyon sa hangin ay ang paghihigpit
ng mga batas tungkol sa mga pabrikang nagbubuga ng usok na nakakasama sa ating hangin. Maaring
higpitan ito sa pamamagitan ng mga multa o fines sa mga pabrikang hindi susunod o mas mainam na
ipasara ang mga pabrikang ito kung hindi talaga sila hihinto sa pagkakalat ng usok na nakakalala sa
polusyon sa hangin. Ang mga solusyong ito ay dalawa lang sa marami pang solusyon na maari nating
gawin. Nakakasiguro akong kapag tayong lahat ay magkakaisa para sa pagsagawa ng mga hakbang upang
malutas ang polusyon sa hangin ay tiyak na magiging maganda ang sitwasyon sa susunod na henerasyon.
Maliban sa polusyon sa tubig at polusyon sa hangin dapat din nating bigyan ng solusyon ang
polusyon sa lupa. Ang polusyon sa lupa ay maaring maiwasan o masosulusyunan sa iba’t ibang paraan.
Una, ang pag iwas sa paggamit ng mga pampataba ng lupa na may nakahalong kemikal. Ang kemikal na
sangkap nito ay nakakasakit at hindi mainam na gamitin. Imbes na gumamit ng mga pampataba na
kemikal ay mas mainam na gumamit na lang ng organic na mga pampataba ng lupa kagaya ng dumi ng
kalabaw. Mas ligtas pa ito at mas epektibong alternatibo sa mga kemikal na pampataba ng lupa.
Ikawalang solusyon ay ang paglilinis sa ating paligid sa pamamagitan ng pagpulot ng mga basura at itapon
ito sa mga tamang basurahan. Mas mainam na ayusin ito sa uri ng basura kagaya ng mga basurang
nabubulok halimbawa rito ay ang mga papel, di-nabubulok halimbawa nito ay ang mga plastic, at
nakalalason kagaya ng mga kemikal para mas maging ligtas tayo. Bukod dito, ang pag sesegregate ay
naayon sa 3r’s o ang reduce, reuse, at recycle. Mas madali nating ma recycle ang mga bagay dahil
nakaayos ang mga ito sa basurahan na di-nabubulok, mas madali rin nating itapon ang mga nakalalasong
kemikal sa maayos na lugar. Kapag ginawa natin ang mga solusyong ito ay tiyak na malulutas natin ang
polusyon sa lupa at nakikita ko na sa susunod na henerasyon ay ang tuluyang pagkawala ng polusyong
ito.
Maliban sa mga nabanggit na solusyon sa iba’t ibang uri sa polusyon, may natitira pang isang uri
ng polusyon na dapat nating masolusyonan at ito ay ang polusyong thermal. Iisa-isahin ko ang mga
maaring solusyon. Una, iwasan na natin ang pagsusunog ng mga plastic na isa sa mga sanhi sa pagkasira
ng ating ozone layer. Imbes na sunugin ay mas mainam na e recycle ito. Sa pamamagitan ng pag rerecycle
ay makatutulong tayo sa pag-iiwas sa pagsusunog ng mga plastic at magkakaroon pa tayo ng bagay na
magagamit pa muli kagaya ng mga plastic bottles o mga lumang gulong na ginagawang lalagyan ng mga
bulaklak. Pangalawa, gumamit ng mga paper bags imbes na plastic bags bilang lalagyan ng mga gamit
kapag namalengke. Malaking tulong ito dahil naiiwasan nating gumamit ng mga plastic. Mas mainam na
rin ito dahil ang paper bags ay nabubulok hindi katulad ng sa mga plastic bags na di-nabubulok. Ang mga
solusyong ito ay epektibo kaya mainam na sundin para sa ikabubuti ng ating mundo.
Ngayon na alam na natin kung ano ang mga uri ng polusyon, sanhi at bunga nito upang ito ay
ating malutas, magagawa na nating ipaalam sa iba ang ating natutunan. Ipaalam natin sa ating kapwa tao
ang kahalagahan ng pag-aalaga natin sa ating daigdig upang ito ay magamit pa sa susunod na mga
henerasyon. Wala namang imposible kung tayong lahat ay magkaisa at magtulong tulong sa
pangangalaga sa ating mundo upang ang polusyon ay maiwasan at masolusyonan na. Napakagandang
isipin kung matutupad ang lahat na ito. Magkakaroon ang susunod na mga henerasyon ng isang
mundong may malinis na tubig, hangin, lupa at mas maayos na temperatura. Isang mundong malaya
sa mga peligrong dala ng polusyon sa tubig, polusyon sa hangin, polusyon sa lupa, at polusyong thermal.
Isang mundong ating pinahahalagahan at pinangangalagaan. Mahalin at alagaan ang mundo dahil kung
walang mundo ay wala rin tayo. Ang mga ito ay mga salitang dapat nating isapuso, isaisip, at isabuhay.

Sa halimbawang tekstong impormatibo, ang mga iba’t ibang uri ng polusyon na nararanasan
natin at pati na rin ang pagbabago ng pahanon. Ngunit mapapansin natin sa bandang huli na nagpakita
ng sulosyon upang maalagaan ng maayos ang inang kalikasan.

Sa kabuoan, mas madaling nauunawaan ang kahulugan ng isang teksto kung agad na nakukuha
ng mambabasa ang ginamit na padron o estruktura ng paglalahad ng manunulat sa isang tekstong
impormatibo. Halimbawa, kung agad na makikita ng isang mambabasa na ang estruktura ay sanhi at
bunga, agad nilang hahanapin at mauunawaan ang mga dahilan at resulta na siyang pinakamahalagang
bahagi ng teksto. Kapag naunawaan ang estruktura, nabubuo sa isip ng mambabasa ang kabuoang
balangkas na nakatutulong sa kaniya upang unawain ang kahulugan at ugnayan ng bawat bahagi nito.
Ayon kay Yuko Iwai (2007) sa artikulong “Developing ESL/EFL Learner’s Reading Crisis:”Why
Poor Children Fall Behind”, mahalagang hasain ng isang mahusay na mambabasa ang tatlong kakayahan
upang unawain ang mga tekstong impormatibo. Ang mga kakayahang ito ay ang pagpapagana ng mga
imbak na kaalaman, pagbuo ng mga hinuha, at pagkakaroon ng mayamang karanasan.
Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman ay may kinalaman sa pag-alala ng mga salita at
konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa
mambabasa. Halimbawa, kung nagbabasa ang isang mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng pamumuno,
maaari niyang balikan ang nauna na niyang nalalaman tungkol sa presidente, minister, o iba pang uri ng
pinuno upang iugnay sa mga bagong matutuklasang impormasyon. Ang pag-alala at pagbuo ng ugnayan
ay makatutulong upang mabilis na maunawaan ang isang teksto.
Ang pagbuo ng hinuha naman ay may kinalaman sa pagbasa ng mga bahagi ng teksto na hindi
gaanong malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw. Ito ay
matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang ipinaliwanag sa
teksto. Mahalagang sanayin ng isang mambabasa ang kritikal na pag-iisip sa ganitong mga kaso upang
hindi maantala ang pagbasa sa kabuoan ng teksto.
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mayamang karanasan sa pagbasa ng iba’t ibang teksto at
pagdanas sa mga ito. Halimbawa, kung ang isang mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-
unawa sa iba’t ibang uri ng hayop, mas magiging madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga kategorya at
pag-unawa sa iba’t ibang grupo nito batay sa mga katangiang kaniya nang nasaksihan. Sa ganitong
pagkakataon, mas nagiging konkreto ang pagbabasa para sa mag-aaral dahil alam nila kung ano ang
tinutukoy sa teksto.
Nagbigay rin ng iba’t ibang estratehiya si Iwai (2007) kung paanong mahahasa ang mga
kakayahang nabanggit sa itaas.Tinukoy niya ang kahalagahan ng salitang pangtransisyon gaya ng “una”,
“ikalawa”, o “ikatlo”.At kung gumagamit naman ng salitang kontradiksyon o pagpapalit ng ideya gaya ng
“gayunpaman”, “ngunit”, o “sa isang banda”, kailangang maunawaan na kasunod nito ang isang ideya na
taliwas sa nauna nang binasa.
Ang pagtukoy sa paraan ng organisasyon ng mga impormasyon sa teksto ay makatutulong din sa
malalim na pag-unawa ng mambabasa. Mahalaga ang kasanayan sa pagbabalangkas upang makita ang
pagkakaayos ng mga ideya at kung paano binabalangkas ang kabuoan ng teksto. Ang isa pang paraan sa
pagpapatalas ng pag-unawa sa mga tekstong impormatibo ay ang pagpapayaman ng bokabularyo. Kung
iuugnay ng mambabasa ang mga dati nang alam na salitang hindi pa gaanong nauunawaan sa teksto, mas
magiging madali at mabisa ang pag- unawa sa buong kahulugan.

Galugarin

Gawain 3 : Pag-isipan Natin!

A. Muling basahin ang tekstong “Pagdodroga” na isang halimbawa ng tekstong impormatibo


na nasa estrukturang Sanhi at Bunga. Itala ang mga tinutukoy na sanhi at bunga ng
pagdodroga na mula sa teksto. Gamit ang kahon sa ibaba, lumikha ng isang dayagram na
magpapakita ng relasyong sanhi at bunga mula sa teksto. Gumamit ng ibang papel para
sa kasagutan.
B. Balikan ang halimbawa ng paghahambing sa aralin na may titulong “Sanaysay tungkol sa mga
kababaihan noon at ngayon”. Itala ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng kababaihan noon at
ngayon. Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba upang itala ang mga punto ng paghahambing.

C. Balikan ang tekstong nasa estrukturang Paglilista ng Klasipikasyon at gumawa ng outline sa


binasang teksto patungkol sa polusyon. Gumamit ng ibang papel para sa kasagutan.

Gawain 4

Sa bahaging ito naunawaan sa nakaraang mga gawain ang mga layunin at katangian ng isang teksong
impormatibo. Sagutin ang sumusunod na tanong sa papel batay sa naunawan sa aralin. Isulat ang iyong kasagutan
sa sagutang papel.

1.Ano-ano ang iba’t ibang estruktura ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag ang pagkakaiba ng bawat isa.

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

2.Ano ang layunin ng tekstong impormatibo?

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

3.Ano-ano ang mahahalagang kakayahan upang maging mabisa ang pag-unawa sa isang tekstong impormatibo?

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
4.Bakit mahalaga ang malawak na bokabularyo sa pag-unawa ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

5.Naniniwala ka bang mahalaga ang malawak na karanasan upang makabuo o makaunawa ng isang mahusay na
tekstong impormatibo? Pangatuwiran ang iyong sagot.

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Gawain 4: Maramihang Pagpipilian:


Basahing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik ng iyong kasagutan at isulat ang letra sa
iyong papel.
1. Ano ang ibang tawag sa tekstong impormatibo na naglalayong magbigay ng
impormasyon?
A. Balita B. Deskriptib C. Ekspositori D. Impormatib
2. Anong uri ng tekstong impormatibo na nagpapakita ng pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta?
A. pagbibigay-depinisyon C. paglilista ng klasipikasyon
B. paghahambing D. Sanhi at bunga

3. Anong uri ng tekstong impormatibo na ang estruktura ay ang pagkakatulad


at pagkakaiba nang anomang bagay, konsepto, o pangyayari?
A. pagbibigay-depinisyon C. paglilista ng klasipikasyon
B. paghahambing D. Sanhi at bunga

4.Anong tekstong impormatibo ang estrukturang naghahati-hati ng isang


malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo?
A. pagbibigay-depinisyon C. paglilista ng klasipikasyon
B. paghahambing D. Sanhi at bunga

5.Anong tekstong impormatibo na ang estruktura ay pagbibigay ng kahulugan


o termino ng isang salita?
A. pagbibigay-depinisyon C. paglilista ng klasipikasyon
B. paghahambing D. Sanhi at bunga
Aralin 2.2:
Tekstong Paglalarawan
O Diskriptibo

Simulan
Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na kaalaman
tungkol sa kasunod na paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Ang iyong buhay ay parang isang gulong minsan nasa taas, minsan nasa baba,
minsan malungkot, minsan masaya. Katulad ng buhay ng karamihang tao, tayo ay
humaharap sa hamon ng buhay, sa isang pandemic na hindi natin nakikita.

Gawain 1: Pagbabalik-tanaw sa Nakaraan

Panuto: Magmuni-muni, saglit na magbalik-tanaw sa iyong nakaraan. Lingunin ang bawat yugto
ng iyong buhay mula pagkabata hanggang sa ikaw ay makatuntong ng hayskul. Gamit ang mga
hugis sa ibaba, sumulat ng maikling tekstong naglalarawan sa mga pangyayaring hindi mo
makakalimutan at pagkatapos nito ay sagutin ang mga katanungan sa susunod na pahina. Isulat
mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

Katanungan:
1. Sang-ayon ka ba na ang bawat karanasan ay may positibo at negatibong epekto sa iyong buhay?
Patunayan
2. Bakit mahalagang balikan ang mga karanasan sa buhay? Ano ang pakiramdam sa bawat gunita ng
mga karanasan?
Hindi ba’t napakagaan sa pakiramdam na ating balikan ang mga karanasan sa buhay mula pagkabata
hanggang sa kasalukuyan. At sa mga karanasang ito ay maaring mabigyan ng buhay sa pamamamgitan
ng pagsusulat ng teksto na maglalarawan sa bawat kabanata o yugto ng buhay.

Halina at ating aralin ang mga halimbawa ng tekstong deskriptibo. Pansinin ang dalawang maikling teksto
sa ibaba. At pagkatapos, sagutin sa sagutang papel ang mga katanungan sa ibaba ng mga teksto.

Gawain 2: Basahin at Uriin mo!

Teksto 1:

Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng mamula-


mula niyang mga pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa
baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang taas.

Teksto 2:

Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang


mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon
ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit niyang katawan at taas.

Panuto: Ipaliwanag ng 1-2 pangungusap kung aling teksto ang tinutukoy nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.Karaniwang paglalarawan
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

2.Masining na paglalarawan

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Ngayon, sa kasunod na bahagi ng modyul ay
ating matutuklasan ang kahulugan ng tekstong deskriptibo at iba pang konseptong kaugnay nito.

Kahulugan ng Tekstong Deskriptibo

Alam mo bang…
Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon, at iba pa. Ang uri ng tekstong ito sa kakayahan ng mag-aaral
na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan at masining na
pagpapahayag. Ito ay may layuning magpinta ng matingkad at detalyadong imahen
na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.

Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo


1. Karaniwan- ito ay nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang
pagtingin o pangmalas
2. Masining- ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin
at pangmalas ng may-akda.

Katangian ng Tekstong Deskriptibo


1. Ito ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga
mambabasa.
2. Ito ay magbibigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono
at paraan sa paglalarawan.
a. Obhetibo- may direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at
hindi mapasusubalian
b. Subhetibo- maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at
naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng
manunulat sa inilalarawan.

Gawain 3: Sipiin mo!

Narito ang sipi mula sa unang bahagi ng nobelang “Dugo sa Bukang Liwayway” ni Rogelio R.Sikat

Mapula ang sikat ng araw ng hapong iyon. Sa langit, walang nag- iisang ulap; ang laganap na kabughawan
kaninang umaga ay tila kinulapulan ngayon ng mapulang dampol. Ang araw ay isang malaking bolang nakapaloob
sa isang lumbo na nagbabaga ring liwanag. Tuwid na tuwid na nakaturo sa langit ang mga naninilaw na damo sa
pilapil. Hindi kumikilos, wari’y nabibigatan sa liwanag ng araw ang mga tuyong dahon ng anyas at kugon. Sa pantay
bukung-bukong na tubig sa linang, halos nakikita na ang sumisingaw na init.

Uulan mamaya, naiisip ni Tano habang nakatayo sa pilapil at nakatingala sa langit. Hindi siya kalakihang
lalaki ngunit matipuno at siksik ang kanyang katawan. Namumula ang kanyang kayumangging balat, halos
nagkukulay-tanso. Hawak niya sa kaliwang kamay ang isang bigkis na punla; sa kanan naman, nakaipit sa tatlong
daliri, ang isang punlang handa nang itundos. Mahaba ang manggas ng kanyang kupasing gris at may bahid ng
natuyong putik ang kanyang lampas-tuhod na kutod. Madalang ngunit mahaba na at matigas ang kanyang balbas.
Namamalikaskas ang kanyang binti. Kanginang umaga at hanggang nang hapong iyon, matiyaga niyang
hinuhulipan ang mga bahagi ng kanyang pinitak na nakaligtaang tamnan ng pangkat ng manananim. Mabibilis
silang tumundos at palibhasa’y di nila bukid, hindi nila pinagbubuti ang pagtatanim. May labis pang punla si Tano at
ibig niyang maitanim iyon sa mga bahaging maari pang tamnan. Pinanghihinayangan niya ang maging isang
dangkal na lupang di matatamnan.

Uulan nga mamaya, may galak sa pusong muling naisip ni Tano. May kumislap sa tila may kalawang na
niyang mata, bumuka ang kanyang makakapal na labi sa isang piping pagpapasalamat. Tumingin siya Sa silangan.
Humagod ang kanyang tanaw sa malawak at nakalat at dugtong- dugtong na pinitak. Sa liwanag ng di lalo’y lulubog
nang araw, hindi na niya makita ang kabughawan ng Sierra Madre. Ang nakikita niya’y ang nagbibigting banig-
banig at maiitim na ulap. A, uulan nga mamaya. Mamaya lamang, hihipan na ng hangin ang mga ulap na iyon sa
bundok. Mamaya’y uulan, papatak ang ulan, at ang kanyang uhaw at naninilaw na pananim ay magtatamasa ng
malamig at sariwang ulan.

Nang maubos ang punla, umunat si Tano at tinunghayan ang pinitak. Kasabay ng paghagod niya sa
nanakit at basa na ng pawis na baywang. Isang malalim na buntunghininga ang kumawala sa kanyang matipunong
dibdib. Wala nang dapat tamnan pa, ang buong pinitak ay nahulipan na niya. Ngayon ay uuwi na siya. May
maganda siyang balitang ihahatid kay Melang, ang kanyang kabiyak.

Panuto: Sagutin ang bawat katanungan ayon sa tinutukoy nito. Isulat mo ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Magbigay ng mga salitang naglalarawan sa setting ng nobela_______________


_______________________________________________________________________________

2. Paano inilarawan ng awtor ang pangunahing tauhan na si Tano?____________


____________________________________________________________________________

3. Bilang mambabasa, paano mo mabibigyan ng pahiwatig ang paglalarawan kay


Tano? ________
_______________________________________________________________________________

Lakbayin

Sa unang bahagi ng aralin ay natutuhan mo ang mga katangian, kalikasan at uri ng tekstong deskriptibo.
Ngayon naman ay iyong matutunghayan ang apat na mahalagang kasangkapang ginagamit sa malinaw
na paglalarawan. Tiyak na lalong madaragdagan ang iyong kaalaman sa pagbasa at pagsusulat ng
tekstong deskriptibo.

Karagdagang kahulugan sa Tekstong Deskriptibo


Ang isang teksto ay tinatawag na deskriptibo kung ito ay nagpapahayag ng mga impresyon o
kakintalang likha ng pandama. Layunin ng isang may akda sa pagsusulat ng tekstong ito ang paglalarawan
ng mga detalyeng kanyang naranasan. Ito ay nagbibigay ng buong konseptong larawan na mabibiswal ng
mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.
Ito ay may apat na mahahalagang kasangkapang ginagamit sa malinaw na paglalarawan.
1.Wika. Ito ay ginagamit upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan ng karaniwang
ginagamitan ng pang-uri at pang-abay.
2.Detalye. Ito ay ginagamit upang maging malinaw ang paglalarawan sa mga suportang detalye na
magpapatibay ng pagpapahayag.
3.Pananaw. Magkakaiba-iba ang paglalarawan subalit kailangang pinakaangkop sa lahat ng paglalarawan
ang gamitin para ibahagi ang malawak na pananaw ng manunulat na nasasaklaw at nailalagay ang sarili
sa lugar ng mambabasa.

4.Impresyon. Layunin ng paglalarawan ang makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng


mambabasa, kaya mahalaga na ang manunulat ay makabubuo ng imahen sa imahinasyon ng
mambababsa mula sa paraang paglalarawan. Dito na nagsama-sama ang bisa ng wika, maayos na
paglalahad ng detalye at pananaw ng naglalarawan upang maging epektibo ang naisulat ng manunulat sa
inilalarawan sa isipan ng mambabasa.

Galugarin

Ating ipagpatuloy ang paglalakbay na iyong naranasan. Upang matiyak at


mapayabong pa ang iyong kaalaman. Narito ang mga iba’t ibang gawaing makatutulong sa iyo
upang mas malinang pa ang iyong kasanayan.

Gawain 4: Buuin Mo!

Panuto: Pumili ng angkop na pang-uri mula sa talahanayan sa ibaba upang mabuo ang
diwa ng pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
matagumpay mapusok masinop
palakaibigan malaki masusi
matinik maganda palaaway
magalang maalab madawag
matiyaga bata matindi

Tunay na (1) __________________ ang pagnanasa niyang maitawid ang (2) ___________________________ na
landas na tinatahak ng kanyang (3)______________________ na anak. (4) ____________________ pa ito’y
nagging (5) ________________________ na. Upang mapatino, (6) ______________________ niya itong
sinusubaybayan, tinuruan at pinangaralan. Nagbunga (7) _____________________ ang mga pagpapasakit niya. (8)
_______________________ ang ipinagbago ng kaniyang anak. Nagging (9) ____________________ at (10)
____________________________ ito.

Gawain 5: Reaksyon mo, Isulat mo!

Panuto: Gamit ang Estratehiyang Read and React ilahad ang iyong sariling opinyon o pananaw
kung paano maiuugnay ang mga karanasan sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig ang
mensahe ng orihinal na tula ni Eleanor B. Asenci. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang Kamandag ni Covid-19


Ni: Eleanor B. Asenci
Ikaw ba ay duwag, sa paningin ng masa
Bakit hindi ka namin makita, sa abot ng aming makakaya,
Kaming mga magaganda, nilalang para umasa, Ipagpatuloy
ang aralin sa mga dambuhalang bata.

Malakas ang iyong loob virus ka!


Dahil sa iyo, lalong humirap ang buhay ng mga maralita, Pati
kuripot na mayayaman, pinatulan mo na,
Wala ka ng pinili kahit magsanib na ang lahat ng pwersa.

Matinding vaccine ba ang inaantay mo pa Upang


ikaw ay mabura sa matipunong katawan ng iba
Malawak na daigdig sinakop mo na Killing
me softly ang iyong gawa.

Hindi kami natutuwa dahil sa dulot mo, virus ka! Ngunit pasasaan nga ba ang
aming pagkataranta, Ikaw din ay dahan-dahang mawawala,
Pagkat Si Lord pa rin ang pinakamalakas sa lahat ng pwersa.

Reaksyon: Sa Tulang “Ang Kamandag ni Covid-19”


Taludtod 1 Taludtod 2 Taludtod 3 Taludtod 4
Magaling! Nagtagumpay kang muli sa pag-aaral sa nakaraang paksa at pagsagot sa
mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin pa natin ang iyong kasanayang
pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput sa araling ito.

Sukatin
Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan
sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa
nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa
iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay katangian ng tekstong deskriptibo kung ikaw ay
maglalarawan sa isang tao ayon sa kanyang tangkad o kulay ng balat.
A. Karaniwan B. Masining C. Obhetibo D. Subhetibo

2. Anong katangian ng tekstong deskriptibo kapag ilalarawan mo ang


iyong kaibigan bilang hingahan ng sama ng loob, madalas na nakapagpapagaan
ng mga suliranin.

A. Karaniwan B. Masining C. Obhetibo D. Subhetibo

3. Ito ay uri ng tekstong deskriptibo na nagbibigay ng impormasyon ayon sa


pangkalahatang pagtinign o pangmalas

A. Karaniwan B. Masining C. Obhetibo D. Subhetibo


4. Ito ay uri ng tekstong deskriptibo na nagpapahayag ng isang buhay
na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
A. Karaniwan B. Masining C. Obhetibo D. Subhetibo
5. Ito ay isa sa mga kasangkapan ng tekstong deskriptibo na ang
layunin ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mambabasa.
A. Detalye B. Impresyon C. Pananaw D. Wika
6. Alin sa mga sumusunod ang paglalarawan tungkol kay Venus na
mayroon silang pagkakatulad kay Matet. (Balikan ang mga teksto sa Gawain 2).
A. Balingkinitan B. Kulot C. Maamo D. Matangkad
7. Alin sa mga sumusunod ang inilalarawan na “dambuhala” sa tulang
pinamagatang “Ang Kamandag ni Covid-19”.
A. Bata B. Mayayaman C. Maralita D. Virus
8. Sa nobelang “Dugo sa Bukang-Liwayway”, ilarawan si Tano, ang
pangunahing tauhan sa kwento.
A. Mahirap B. Masungit C. Matangkad D. Mayaman
9. Ang tekstong deskriptibo ay nagbibibgay ng sa mga
mambabasa.
A. Hakbang B. Hikayat C. Impormasyon D. Larawan
10. Basahin: “Ako ay may-alaga. Asong mataba, buntot ay mahaba,
maamo ang mukha. Mahal niya ako, at mahal ko rin siya. Kaya kaming dalawa
ay nagmamahalan na.” Sino sa palagay mo ang naglalarawan sa aso?
A. Amo B. Apo C. Kapwa aso D. Lolo
Aralin 2.3:
Tekstong Pagsasalaysay
o Narratibo
Simulan
Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na kaalaman tungkol
sa kasunod na paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Gawain 1: Sundin ang sumusunod na panuto. Gumamit ng ibang papel para sa kasagutan.
1. Magsulat ng pangalan ng isang bagay, tao, lugar, o hayop, pantangi man (hal. Rodrigo
R. Duterte) o karaniwan (hal. pangulo), sa kahon na nasa ibaba.

2. Gamit ang sampung salita na isinulat sa kahon, mag-isip at pag-ugna- uganayin ang
mga ito upang makabuo ng isang maikling kuwento na binubuo lamang ng sampung
pangungusap.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa gawain! Sakali mang may mga konsepto kang hindi
maunawaan, maaari mo itong balikang muli. Magpatuloy pa tayo upang mas mapayabong pa ang iyong
kaalaman.

Kahulugan ng Tekstong Naratibo

Alam mo bang…

Ang TEKSTONG NARATIBO ay nagsasalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o
hindi. Maaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip
lamang. Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela,
maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay). Kapwa gumagamit ito ng
wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora,
at simbolo upang maging malikhain ang katha.
Ayon kay Patricia Melendex-Cruz(1994) sa kaniyang artikulong “Ideolohiya Bilang Perspektibong
Pampanitikan” na nasa aklat na “Filipinong Pananaw sa Wika, Panitikan at Lipunan,” kailangang suriin ang
malikhaing pagkatha bilang isang siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat para sa kaniya, ang
mahusay na panitikan ay kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na
pagsusuri rito. Bukod dito, tinukoy niya rin na ang masining at panlipunang kalikasan ng panitikan ang kailangang
pagtuunan ng sinomang mag-aaral nito. Pundamental ang layuning maipakilala sa mga mag- aaral ang kaniyang
sarili’t lipunan upang ang kaniyang pambansang identidad at kamalayan ay mapag-isa.

Gawain 2: Magkwentuhan tayo!

Isalaysay ang iyong madalas gawin sa araw-araw sa panahon na nararanasan natin sa ngayon. Isulat sa
isang buong papel.

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Lakbayin

May iba’t ibang elemento ang naratibong teksto na magsisilbing gabay rin sa pagbuo ng narasyon.
Paksa. Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na karanasan ang
kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at
mga kahalagahan nito
Estruktura. Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas na makikitang
ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung
minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang unahan ang kuwento, kung minsan naman ay mula sa gitna.
Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagkakaayos, tiyakin lamang na sistematiko at lohikal ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari upang madaling maunawaan ang narasyon.
Oryentasyon. Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga
batayang tanong na sino, saan at kailan. Ang mahusay na deskripsyon sa mga detalyeng ito ang
magtatakda kung gaano kahusay na nasapul ng manunulat ang realidad sa kaniyang akda.
Pamamaraan ng Narasyon. Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa
unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng
pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. May iba’t ibang paraan ng narasyon na maaaring gamitin ng
manunulat upang maging kapana-panabik ang pagsasalaysay.
-DIYALOGO. Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan
upang isalaysay ang nagyayari.
-FORESHADOWING. Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan
o mangyayari sa kuwento.
-PLOT TWIST. Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalabasan ng isang kuwento.
-COMIC BOOK DEATH. Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter
ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay- linaw sa kuwento.
-REVERSE CHRONOLOGY. Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
-IN MEDIAS RES. Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang
ipinapakita ang mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
-DEUX EX MACHINA. ( God from the machine) Isang plot device na ipinaliwanag ni Horace
sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan nabibigyang- resolusyon ang tunggalian sa
pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay. Nagbabago rin
ang kahihinatnan ng kuwento at nareresolba ang matitinding suliranin na tila walang
solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay at pangyayari na hindi
naman naipakilala sa unang bahagi ng kuwento.
Komplikasyon. Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing tauhan. Ito ang mahalagang
bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga
tauhan. Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng kuwento.
Resolusyon. Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ang resolusyon ay
masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan

Gawain 3. Pagtatapatin Natin!


Pagtapatin ang mga termino sa Kolum A sa deskripsiyon ng mga ito sa Kolum B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa papel.
Kolum A Kolum B
1. Creative Non-Fiction a. kinahahantungan ng tunggalian o
2. Diyalogo komplikasyon
3. Deus ex machina b. naglalarawan sa tauhan
4. Foreshadowing c. kabuuang kaayusan ng pagsasalaysay
5. Flashback d. malikhaing pagsasalaysay batay sa tunay na
6. Ellipsis pangyayari
7. In media res e. di-makatotohanan
8. Resolusyon f. makatotohanan
9. Oryentasyon g. layuning magsalaysay,manlibang, at
10. Comic booth death magsalaysay ng realidad ng lipunan
11. Reverse chronology h. mula sa dulo ang pagsasalaysay
12. Tekstong naratibo i. paraan ng narasyon kung saan pinapatay muna ang
13. Piksiyon pangunahing tauhan ngunit lilitaw rin sa huli
14. Di-piksiyon j. pag-uusap ng tauhan bilang paraan ng
15. Estruktura narasyon
k. God from machine
l. Pagbalik-tanaw ng tauhan sa mga nakaraang
pangyayari
m. pagbibigay ng pahiwatig o hint
n. batay sa Iceberg Theory ni Hemingway
o. nagsisimula sa gitna ang narasyon

Galugarin
Gawain 4

Panuto: Muling balikan ang maikling kwentong “Ang Kalupi” at suriin ang bawat elemento ng narasyon
na makikita sa kuwento, gamitin ang link upang mahanap mang kuwento http://markjan-
markjan.blogspot.com/2009/03/ang-kalupi-maikling-kwento-ni-benjamin.html . Gumamit ng ibang
papel sa pagsagot.
1. Paksa_________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Estruktura_____________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Orentasyon_____________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Pamamaraan ng Narasyon
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
5. Komplikasyon o Tunggalian
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
6. Resolusyon_____________________________________________________
_____________________________________________________________

Palalimin

Pumili ng isa sa sumusunod na gawain.


1. Pagsulat ng Creative Non-Fiction (CNF) at Blogging

Nilinaw sa aralin ang mga katangian at Teknik kung paanong isusulat ang creative
non-fiction bilang isang uri ng tekstong naratibo. Gumawa ng sariling CNF at ilathala ito
bilang isang Facebook note. Gawing pampubliko ang post na ito, at kapag nailathala na ay
ibigay ang link sa guro. Ayusin ang CNF batay sa magiging komento ng mga nakabasa nito.
Tatayahin ang CNF batay sa sumusunod na batayan.
Batayan ng Grado Kaukulang Grado
Puntos
Makabuluhan at makahulugan ang paksang napili 10
Malalim ang pananaliksik upang ipakita ang 10
makatotohanang kontekstuwalisasyon ng akda
Mabigat at matalas ang insight o pananaw ng akda at 10
mahusay ang paglalahad nito.
Maayos ang daloy at pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi 10
Kabuoan: 40
2. Malikhaing Pagkukuwento ng Panitikang Pambata

Pumili ng kuwentong pambata. Ikuwento nang malikhain ang napili habang


ivinividyu ang ginagawa at i-send sa guro ang natapos na awtput.
Tatayahin ang inyong pagkukuwento batay sa sumusunod na batayan.
Batayan ng Grado Kaukulang Grado
Puntos
Malikhain at nakapupukaw ng interes ang pagkukuwento 10
Makabuluhan ang paksa ng kuwentong pambata 10
Masigla at interaktibo ang pagkukuwento ng panitikang pambata 10

Naisagawa nang maayos at sistematiko ang buong 10


aktibidad.
Kabuoan: 40

Lubos na Mahusay! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa mga aralin.
Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman, dapat mong malaman sa mga konsepto ng
tekstong (Impormatibo, Deskriptibo, at Naratibo). Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na modyul.

You might also like