You are on page 1of 11

TUKLASIN ( page 39 )

A.
1. Tungkol saan ang adberisement?
 Ang adbertisement ay tungkol sa isang milk supplement.
2. Anong mga salita ng magpapatibay na isa itong adbertisement?
 Ang mga salita na nagpapatibay na isa itong adbertisement ay:
Gatas Lusog, quality, abot-kaya, murang halaga, lumaking masigla
at masaya.
3. Paano ginagamit ang mga saltia sa adbertisement? May panghihiram ba ng
mga salita o wala? Patunayan.
 Ginamit ang mga salita sa paraan ng pagbibigay dahilan kung bakit
ito ang pipiliin ng mga tao lalo na sa mga nanay. May pinaghiram na
mga salita gaya ng quality milk supplement, mineral. Halimbawa nito
ay, “A quality milk supplement na abot-kaya!”. Nagpapahayag ito na
ang gatas na ito ay nasa murang halaga lamang at tsaka may
kwalidad na.
B.
1. Bakit mahalagang maiugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling
pananaw?
 Mahalagang maiugnay ang konspetong pangwika sa sariling
pananaw dahil ginagamit natin ito araw araw sa pagpahayag ng
ating mga ideya, damdamin at impormasyon at tsaka ginamit rin
natin ito sa komunikasyon. Ito rin ay kinailangan upang matuunan
ang kahalaghan ng wika. Kapag hindi rin ito ginamit ay magkaroon
ng di pagkakaintindihan. Kaya mahalagang pagtuunan ng pansin at
mahalin ang ating konspetong pangwika dahil ito ay nagsisilbing
paraan ng komunikasyon.
2. Paano maiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling pananaw?
 Kinailangan natin ang mga konseptong pangwika upang
maipahayag natin ang ating sariling pananaw. Kinailangan rin ang
mga konseptong pangwika upang maintindihan ang ating sariling
pananaw.

SIMULAN MO ( page 41 )
A.
1. register – estilo sa pananalita; batay sa gamit.
 Pagsusuri: Ito ay nakadepende sa kung na oang sitwasyon niya o
kausap niya.
2. barayti – highit na masklaw ang konsepto kaysa sa tinatawag n estilo
ng wika.
 Pagsusuri: Magakaugnay ang diyalekto at idyolek sa pagbubuo
nito.
3. homogenous- isa lang ang gamit ng wika.
 Pagsusuri: May iisang katangian ang wika.

4. Heterogenous – iba-iba ang gamit ng wika, layunin, at gumagamit.


 Pagsusuri: Iba-iba ang wika dahil sa lokasyon heograpiko,
pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal, at edukasuonal na
katangian ng isang particular na lugar o komunidad na gumagamit
ng naturang wika.
5. Idyolek – punto o paraan ng pagsasalita ng tao.
 Pagsusuri: Ito ay ang kabuaan ng mga katangian sa pagsasalita ng
tao.
B.

Sinuri ko ang mga kahulugan ng mga salita nang ayon sa pagkakagamit


sa akda sa pagbabasa lamang nito at pagkakaintindi nito gamit ng mga
halimbawa na binigay nila.

UNAWAIN MO

A. Natatangi tayong mamimili sa buong mundo dahil mahilig tayong bumili ng


mga imported na produkto; lalong lalo na iyong mga produkto na may kilalang brand.
B. Nangangahulugan ito na makakamit natin ang ina-asam na tagumpay kung
tayong lahat mismo ay magtutulungan.

C. Gumagawa sila ng mga batas na nagpapalago sa ating ekonomiya kagaya ng


Edukasyong Bilingguwalismo na tumutulong sa ekonomiya sa isang hindi direkta na
paraan dahil nagpapalago ito sa mga kaalaman ng mga bata.

D. Nalulungkot ako dahil ang pagawalan ng pagtangkilik ng sariling gawa ang


siyang pangunahing dahilan kung bakit bumabagal ang paglago ng ating ekonomiya.

E. Nang mabasa ko ang unang pangungusap, may biglang pumasok sa isip ko.
Palagi kong naalala kung paano kami bumibili ng aming produkto. Tinitignan naming
kung ano ang brand nito bago naming bilhin. Kadalasan sa aming binibili ay galling pa
sa ibang bansa. Ganito din ang napapansin ko sa iba kapag nakita ko sila na bumibili;
mas marami pang imported ang nasa kanilang mga eco bahh kaya masasabi ko talaga
na matatangi tayong mamimili sa buong mundo.
(continuation sa ibang papel)
Talakayin Mo
A.

1. Ang ginamit na konseptong pang wika nito ay ang wikang panturo at wikang
pangbansa. Ang register na ginamit nila ay pareho sa kung paano nagpapahayag ang
isang propesor sa kanyang mga mag-aaral kung ano ang sakit na ito, pormal at puno
ng katotohanan na nakapahayag sa isang malinaw na paraan. Masasabi ko sa pahayag
na ito ay galing sa isang aklat ng isang mag-aaral. Napakapormal rin ang pahayag at
diretso rin sa pagbibigay ng impormasyon. Gumagamit rin sila ng hiram na salita.
2. Ang pahayag ay kaswal na nagpapahayg sa nagbabasa nito. Ang register ay
parang nagpahayag ka sa iyong presentasyon sa iyong mga kaklase na kilala niyo
upang masigasig sila na makikinig sa inyo. Para sa akin, ang pahayag na ito ay parang
nakipagusap ka sa isang tao kaya mas gusto ko ang paraan na pagpapahayag nito.
Gumagamit rin sila ng hiram na salita.

B.
1. Ipaliwanag kung ano ang sakit na diabetes. Paano nagkakaroon ng sakit na ito?

Ang diabetes o diabetes melitius ay isang sakit na dulot ng kawalan ng


kakayahan ng katawang gamitin ang asukalmula sa pagkain, sa ilalaim ng normal na
kondisyon. Nagkakaroon ito nang dahil sa mataas na level ng asukal sa daloy ng dugo.

2. Ilahad ang sangkap ng kamatis na nakakahadlang sa pagkakaroon ng kanser sa


prostate.
Ang snagkap ng kamatis na nakakahadlang sa pagkakarooon ng kanser sa
prostate ay ang lycopene. Kumpara sa sariwang kamatis, mas makukuha natin ito sa
anyo ng tomato sauce, tomato paste, at tomato ketchup.

3. Ayon sa teksto Blg. 3, isa-isahin ang mga prutas na mayaman sa calcium at iba pang
bitamina.
Ang mga prutas na mayaman sa calcium at iba pang mga bitamina ay ang kiwi,
papaya, melon, strawberry, manga at orange
C.
Diabetes – Homogenous/ Register
Kamatis - Heterogenous/ Register
Cacium – Regisgter
D.

1. Malinaw na tinutukoy ng unang teksto ang tungkol sa sakit na diabetes. Tinutukoy din
ito kung sino din ang mas makakaranas ng sakit na ito.

2. Tinutukoy ng pangalawang teksto ang tungkol sa lycopene. Sa pamamagitan ng


datos na nakalap, nalalaman natin ang kakayahan nito sa ating kaulusugan.

3. Tinutukoy ng hulin teksto ang tungkol sa mga prutas na nakakatulong sa ating


katawan.
E.
TEXT 1
Heterogenous -May mga salita na nagiisa lamang sa wikang Filipino.
TEXT 2
Register ito ay nagkumbinsi natin na ligtasin ang ating planeta.

Pahina 53
A.

Nilalaman
Ang teksto ay tungkol sa Remote Sensing Technology (RST) ito ay isang instrumento sa
pagmamatyag sa lagay ng kalikasan. Ito ay ginagamit ngayon sa pag-aaral ng kapaligiran. Isa sa
mga halimbawa ng RST ay ang Earth Resources Technology Satelite o Landsat –ito ay ginagamit
ng mga geologo at siyentipiko sa pag-aaral ng kapaligiran at paglutos ng suliraning
pangkalikasan tulad ng global warming.May kakayahan din ang RST ng high resolution sensing
at stereo viewing. Maraming gamit ang RST sa pagmamatyag sa lagay ng kalikasan ngunit
mayroon din itong banta sa maliliit na bansa. Mayayamang bansa lamang ang may ganitong
teknolohiya kaya sila lamang ang maaring magkaroon ng bagong impormasyon tungkol sa mga
bagong tuklas na likas na yaman.
Layon ng Pagkakasulat
Ang layon ng pagkakasulat ng tanging lathalain ay kung maaring magsama ang bagong
teknolohiya at ang pangangalaga ng kalikasan. Ito din ay nagpopokus sa instrumentong
magiging mabisa sa pagmamatyag sa lagay ng kalikasan ito ang tinatawag na Remote Sensing
Technology(RST) at ang ilang halimbawa nito. Ang teksto ay nagpapahayag din ng kalamangan
ng mga mayayamang bansa sa maliliit na bansa dahil ang mayayamang bansa lamang ang may
ganitong teknolohiya at sila lamang ang makaka alam tungkol sa mga bagong tuklas na likas na
yaman.
B.

Konseptong Pangwika Sitwasyong Pangkomunikasyon

Idyolek Komunikasyon sa Social Media

Jargon Kondukta ng Pulong/Miting/Asembliya

Register Forum, Lektyur, Seminar

Jejemon Sitwasyong Pangwika Sa Text

Dayalek Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Dyaryo

Gramatika
A.
1.Kailangang suriin ang gamit ng mga salita sa mga akda mula sa pahayagan kung
register,barayti,homogenous, at heterogenous para malaman natin kung sino ang tinatalakay
ng akda sa teksto at kung ano ang katayuan ng nagsasalita sa lipunan o pangkat na kanyang
kinabibilangan.
2.Masusuri ang gamit ng mga salita sa mga akda mula sa pahayagan kung
register,barayti,homogenous, at heterogenous sa paraan ng pagbabasa at pag-unawa nito ng
mabuti. Isa ding paraan para masuri ang gamit ng mga salita ay ang paghighlight ng mga
pangungusap o parirala na alinman ay register,barayti,homogenous, at heterogenous.
B.
Ang konseptong pangwika ay tunay na mahalaga sa pagsusulat at pang araw-araw na buhay
dahil ang bansang Pilipinas ay multilingwal at dahil dito marami tayong mga lenggwahe sa iba’t
ibang lugar at importanteng surin natin ang mga salita ng akda para malaman natin kung sino
ang tinatalakay ng akda at kung saang lipunan o pangkat siya nabibilang. Mahalaga ring
maunawaan natin na kahit mayroon tayong parehas na mga salita hindi parehas ang kahulugan
nito sa ibang lipunan o pangkat para mabawasan natin ang hindi pagkakaintindihan.
(Page 54)
Suriin Mo
1.)Para sa akin tungkol ito sa mga iba’t bang diyalektong/idyolek na ginangamit ng tao.
2.)Ang unang pahayag ay nagpapahayag ng kagustuhan ng isang tao na mag-open ng ATM sa
ikalawang pahayag naman ay nagpapahayag ng pagpupuri sa kagandahan ng isang babae, siya’y
gumamit ng kaniyang sariling dayalekto at ang pang huling pahayag naman ay nagpapahayag ng
isang konbersasyon ng isang tao na lumalaro ng basketball.
3.)Oo, ito ay nagpapakita ng paggamit ng konseptong pangwika na register,barayti,homogenous
,at heterogenous. Patunay nito ang ikalawang pahayag na gumamit ng diyalek at register
naman ang ginagamit ng ikatlong pahayag dahil ang istilo ng kanyang pagsasalita ay iba.
Tandaan Mo
Ang mga pangyayari na maiangkop ang gamit ng konseptong pangwika ay ang paggawa ng
adbertisment, mga balita, at mga paalala. Ang layon ng akda ay upang maipahayag niya ang
kahalagahan at wastong kagamitan ng konseptong pangwika.Tayong lahat ay
nakikipagkomunikasyon sa ating kapwa kaya gusto ng akda na malaman natin ang wastong
gamit nito lalo’t lalo na sa mga newscaster/anchor/scriptwriter.

Pagsasanay 2

Asignatura 1

(Science)

Wave length – Sosyolek ( Jargon)

Chemical Reaction- Sosyolek (Jargon)

Photosynthesis- Sosyolek (Jargon)


Asignatura 2

(English)

Literature- Sosyolek (Jargon)

Predicate- Sosyolek (Jargon)

Grammar-Sosyolek(Jargon)

Pagsasanay 3

Pamahalaan, may magagawa upang hindi tumaas ang mga bilihin

Tiniyak nitong Lunes ng Malacañang na "hindi natutulog sa pansitan" si Pangulong Rodrigo Duterte
sa pagtugon sa isyu ng inflation o iyong bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Inilahad ng isang eksperto na may mga posibleng magawa ang gobyerno upang matulungan ang mga
Pilipino sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Dapat umano na mas dagdagan pa ang unconditional cash transfer o perang ibinibigay bilang tulong-
pinansyal sa mga mahihirap.

Maaari rin umanong magpatupad ng subsidiya ang gobyerno sa pang-araw-araw na transportasyon


ng mga mahihirap na manggagawa.

Dapat din umano na mas paigtingin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtutok sa
presyo ng mga bilihin sa merkado upang hindi abusuhin ng mga negosyante ang labis na pagtaas ng
presyo ng kanilang mga produkto.

Kamakailan ay isinusulong ng ilang labor group na ipako sa P800 ang minimum wage sa buong
bansa upang makasabay sa pagmamahal ng presyo ng mga bilihin.

--May ulat ni Medy Gucaban, ABS-CBN News

Isipin Mo
Mga taong gagamit- mag-aaral/mamamayan
Juan: Uy pare, naintindihan mo ba ang itinuro ng ating guro sa Filipino?
Pedro: Naintindihan ko pare. Marami palang mga gamit yung ating konseptong pangwika
Juan: Ano ba nga yung mga konseptong panwika?
Pedro: Yung register, yung baryasyon batay sa gamit, Barayti naman ay isang maliit na grupo o
pormal o makabuluhang katangian na nag-uugnay sa particular na uri, Homogeneous ay iisa
lamang ang gamit ng wika, Heterogeneous ay iba-iba ang gamit ng wika base sa rehiyon
Juan: Ahh.. Naintindihan ko na ngayon pare. Sige salamat
Pedro: Walang anuman

Isulat Mo ( p.56)

Mga Halimbawang Sitwasyon


Register- Kapag ang tao ay kumakausap sa mas nakakatanda sa kanila ang estilo ng
kanilang pananalita ay nag-iiba.
Barayti at Heterogenous- Paraan ng pagsasabi ng mahal kita sa Hiligaynon -Palangga
taka
Homogenous-Iba’t ibang mga paraan upang sabihin ang Gamot - Tambal (Cebuano)
,Gamot - Bulong (Hiligaynon),Gamot - Agas (Ilokano)

Bayot, ang chopopo talaga Hipos agi kalaw ay sa imo abi


ni felangga! mo crush ya man ka? Hahahaha

Mas chaka yang mukha mo! Ngaa mahisa ko ya sa imo


Gelli de Belen ka lang sa beauty chaka nga itsura?
ko!
Ilapat (p. 57 )
A.
Makikita ang gamit ng mga konseptong pangwika sa mga balita sa pamamagitan ng
pagkakumbinsi sa mga tao na bilhin ang isang produkto at ginagamit din ito para magbigay ng
impormasyon sa mambabasa.Masasabi kong mahalaga ang konseptong pangwika sa balita dahil
napapadali nito ang pag-uunawa ng mga manonood,mambabasa, at mga tagapakinig sa isang
particular na lugar o lalawigan katulad dito sa bohol. Ngunit meron din itong banta dahil
maaring ang mga taong makakabasa nito na hindi makakaintindi sa lenggwaheng ginamit ay
masaktan o mali ang pagkakaunawa niya dito.
B.

Kraytirya 4 3 2 1
1. May batayan ang nabuong pagsusuri

2. Naging obhetibo sa ginawang pagsusuri

3. Naging tapat sa mga pahayag na gunamit sa pagsusuri

4. Madaling maunawaan ang nilalaman ng pagsusuri

5. Naging balanse sa pagbibigayng mga komento

Katumbas:
4- Napakahusay 2- Hindi Mahusay
3-Mahusay 1- Kailangan Pang Paunlarin
Masasabi kong napakahusay ng kinalabasan ng aking pagtataya dahil naisagawa ko lahat nasa
kraytirya. May obhetibo angaking pagsusuri at balanse din ang pagbibigay ko ng mga komento,
inilahad ko ang magandang epekto ng paggamit ng konseptong pangwika at inilahad ko din ang
masamang epekto nito. Ang pagsusuri ko ay madali lang maunawaan dahil gumamit ako ng
mga simpleng saita para ipahayag ang aking saloobin. Ginamit ko rin ang kraytirya sa pagbuo ng
aking pagsusuri kaya binigyan ko ang aking pagsusuri nang napakahusay na marka.
Sintesis

Mga Natutuhan

Tanging Lathalain Register Barayti Homogenous

Heterogenous Kaibahan ng idyolek sa


dayalek

Ang mga natutuhan ko sa araing ito ay ang mga konseptong wika na


register,barayti.homogenous, at heterogenous. Natutuhan ko din kung ano ang gamit ng
tanging lathalain at kahalagahan nito sa pananaiksik ng mga mag-aaral. Natutunan ko din ang
depinisyon at gamit ng mga konseptong wika. Natutuhan ko ang mga barayti ng wika at mga
wika na ginawa kamakailan katulad ng jejemon at gay lingo. Natutuhan ko rin ang kaibahan ng
idyolek sa dayalek, kung saan ang idyolek ay pansariling paraan o nakagawiang pamamaraan o
istilo sa pagsasalita habang ang dayalek naman ay ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula
sa isang particular na lugar.
FILIPINO
ARALIN 3
GROUP 3

SOMOSTRADA
GUCABAN
HAMOAY

11-JACQUARD

You might also like