You are on page 1of 15

TEKSTONG NARATIBO

TEKSTONG NARATIBO
• Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga
pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o sa
isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula
hanggang katapusan.
Layunin
• Makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.
• Makapagtuturo ng kabutihang asal, mahahalagang
aral at mga pagpapahalagang pangkatauhang
Uri ng Tekstong
Naratibo
• Maikling kuwento
• Nobela
• Kuwentong- bayan
• Mitolohiya
• Alamat
• Tulang pasalaysay (epiko, dula, kuwento ng
kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at
iba pa.
Iba’t ibang pananaw o paningin
(Point of view) sa Tekstong Naratibo
• Unang Pananaw
Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga
bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig
kaya gumagamit ng panghalip na “ako”
Iba’t ibang pananaw o paningin
(Point of view) sa Tekstong Naratibo
• Ikalawang Panauhan
• Mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng
mga panghalip na “ka” o “ikaw” subalit tulad ng unang
nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat
sa kanilang pagsasalaysay.
Iba’t ibang pananaw o paningin
(Point of view) sa Tekstong Naratibo
• Ikatlong Panauhan
• Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa
tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay “siya”.
• Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa
labas siya ng mga pangyayari.
May tatlong uri ng ganitong uri ng pananaw
• Maladiyos na panauhan
Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok
niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin,
at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
• Limitadong panauhan
Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi
ang sa iba pang tauhan
• Tagapag-obserbang panauhan
Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin
ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga
pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.
Kombinasyong Pananaw o
Paningin
• Dito hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t
ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay.
• Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan
ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang
panahon at mas maraming tauhan.
May Paraan ng Pagpapahayag ng
Dayalogo, Saloobin sa Tekstong Naratibo
Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
• Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
dayalogo, saloobin, o damdamin.
• Ito ay ginagamitan ng panipi.
Di Direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
• Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi , iniisip o
nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi
na ito ginagamitan ng panipi.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
• Tauhan
• Pangunahing Tauhan
• Katunggaling Tauhan
• Kasamang Tauhan
• Ang May-Akda
• Ayon kay E. M. Firster
• Tauhang bilog (round character)- tauhang may multidimensiyonal o
maraming saklaw ang personalidad
• Tauhang Lapad (flat character)- karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba
ang katangian ng tauhang lapad sa kabuuan ng kuwento.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
• Tagpuan at Panahon
• Tagpuan- tumutukoy kung hindi lang ang lugar kung
saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi
gayundin ang panahon (oras, petsa , taon)

• Banghay
• Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo
upang mabigyang- linaw ang temang taglay ng akda.
Bahagi ng Banghay
• Simula
• Suliranin
• Saglit na kasiglahan
• Kasukdulan
• Kakalasan
• Wakas
• Analepsis (Flashback)- ipinapasok ang mgs
pangyayaring naganap sa nakalipas

• Prolepsis (Flash-forward) ipinapasok ang mga


pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap
Elemento ng Tekstong Naratibo

• Paksa o Tema
• Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang
mga pangyayari sa kuwento.

You might also like