You are on page 1of 10

LINNGO 3

Sanayang Papel sa Mga Hakbang ng Pananaliksik para sa Papel Pananaliksik


ARALIN 3: (Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong Papel)

Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag lagyan anumang marka
o susulatan ang anuamang bahagi ng sanayang papel. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

SIMULAN NATIN
Sa araling ito ay gagawa ka ng isang bagay na makapaghahanda at makagagabay sa gagawin
mong sulating pananaliksik ang pansamantalang balangkas. Subalit bago iyan ay subukin mo muna ang
iyong nalalaman kaugnay ng paksang ito. Bubuo ka muna ng balangkas ng sulating magpapakilala sa
iyong sarili. Maaaring hatiin ang balangkas na ito sa introduksiyon, katawan, at kongklusyon. Ano ang
ilalaman mo sa bawat bahagi? Punan ang mga linya.

Pagkilala kay Princess Mahilom


Pamagat
I. Introduksiyon:

A. Ako si Princess Mejarito Mahilom


B. Ipinanganak noong 1 ng Septyembre 2004
C. Isang mag-aaral ng STEM 11 sa Biliran Science High School
D. Nakatira sa Brgy. San Roque, Biliran, Biliran

Katawan:

A. Sino ang mga magulang ko?


1. Ang aking ina ay si Carolina C. Mejarito
2. Ang aking ama naman ay si Bill B. Mahilom

B. Ilan kaming magkakapatid?


1. Nag iisang anak ako ng aking nga magulang

C. Ano ang aking mga hilig?


1. Magbasa ng iba't ibang libro
2. Maglaro ng chess
3. Magpraktis ng gitara
4. Paggawa ng tula
5. Gumawa ng iba't ibang bagay na aking naiisip
6. Magscroll sa iba't ibang uri ng social media.

D. Ano ang aking pangarap sa buhay?


1. Maging Forensic Psychologist
2. Mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang
3. Makapagpagawa ng sariling bahay at bili ng sasakyan
4. Makagawa ng sariling mga negosyo
5. Makagawa ng organisasyon na tutulong sa mga batang lansangan

E. Ano ang impresyon saakin ng mga tao?


1. Mabait
2. Magaling sa akademiks
3. Tamad
4. Masungit
5. Matulungin
Kongklusyon:

A. Paano nakuha ang lahat ng impormasyon tungkol saakin?


1. Kinilala ng mabuti ang sarili
2. Nagsagawa ng interbyu sa pamamagitan ng internet sa mga taong nakakakilala saakin ng lubos
at mga bagong kilala pa lamang

B. Ano ang payo ko sa ibang tao?


1. Kahit anong mangyari, huwag susukuan ang buhay.
2. Huwag matakot magkamali upang matulungan ayusin ang sarili at kamalian.
3. Maging magalang at mapagkumbaba palagi.
4. I-enjoy ang buhay ngunit lagyan ng limitasyon ang bawat kasiyahan.
5. Higit sa lahat, huwag kakalimutan ang Diyos.

Sa iyong palagay, makatutulong kaya ang nabuo mong balangkas sa iyong pagsulat? Ipaliwanag
ang sagot.
 Opo, makatutulong saakin ang nabuo kong balangkas saaking pagsulat dahil ito ang
magsisilbing gabay ko upang hindi ako malito saaking mga gagawin. Mahalagang simulan
ang paggawa ng balangkas dahil ito'y makapagbibigay saakin ng mga organisadong
impormasyong aking nakalap.

Alin kaya ang magdudulot mg mas mahusay na resulta, ang magsulat nang may balangkas o ang
magsulat nang dretso sa papel at walang pinagbabatayang balangkas? Ipaliwanag.
 Makapagdudulot ng mas mahusay na pagsulat ang may balangkas kontra sa pagsulat
nang diretso sa papel at walang balangkas dahil ito ang tutulong saiyo upang maging
organisado saiyong susulatin. Ito ang makapagbibigay saiyo ng direksyon kung ano ang
nararapat na isunod saiyong pagsulat. At ito rin ay makakatulong saiyo sa pamamahala
ng iyong oras para makapasa sa nakatakdang oras.

Pag-usapan Natin
Naipaliliwanag ag mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (F11PS-Jf 92)

Ipaliwanag ang sagot sa sunusunod na mga tanong.

1. Bakit ginagamit ang salitang pansamantala sa balangkas na bubuoin mo sa bahaging ito?


 Ginagamit ang salitang pansamantala sa balangkas na gagawin mo sapagkat hindi pa ito
pinal.

2. Ano nga ba ang nangyayari habang ang isang tao ay patuloy na nananaliksik at nakahahanap
ng mas malawak na impormasyon tungkol sa kanyang paksa?
 Habang ang isang tao ay patuloy na nananaliksik at nakakahanap ng impormasyon sa
kanyang paksa ay dumarami ang kanyang nababasang sanggunian. Dahil dito
nadaragdagan o lumalawak ang kaalaman niya tungkol sa kanyang tesis kaya't dahil dito,
may mababago pa sa siya sa kanyang balangkas.

3. Bagama't hindi pa pinal ang bulangkas na ito ay isa itong mahalagang bahagi sa proseso ng
pagbuo ng sulating pananaiksik, Sa paanong paraan it nagingmahalaga?
 Bagama't hindi pa pinal ay mahalaga ang pansamantalang balangkas dahil ito ang
nagbibigay direksiyon sa mananaliksik. Mula rito'y makikita niya kung ang mga ideya ay
konektado sa isa't isa, kung maayos ang daloy ng bawat bahagi, at kung walang puwang
o gap na dapat punan sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.
4. Ano-anong mahahalagang tanong ang masasagot ng mananaliksik sa pamamagitan nito?
 Ang pansamantalang balangkas ay magsisilbi ring gabay upang masagot ng mananaliksik
and dalawang mahalagang tanong:
•Ano-ano na ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na at maaari ko nang-
iorganisa patungkol sa aking paksa?
•Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa at kailangan ko pang
saliksikin?

5. Paano makatutulong ang pansamantalang balangkas sa iskedyul ng mananaliksik upang


matiyak na makapapapasa siya sa takdang araw?
 Magagamit ng mananaliksik ang tentatibong balangkas upang mahati-hati ang natitirang
panahon o araw para sa bawat bahagi. Sa ganitong paraan ay maiiwasang matambak
ang gawain o magmadali sa pagtapos ng lahat kapag malapit na ang araw ng pagpasa.

6. Ano-ano ang mga dapat ikonsidera sa pagbuo ng pansamantalang bałangkas?


 Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang ikonsidera ang pagiging
maayos ng daloy ng bawat bahagi. Sa simula pa lang ay mahalaga na ang binuo mong
matibay na pahayag ng tesis. Dito kasi hinahanay o i-a-align ang iba pang bahagi o
nilalaman ng iyong balangkas.

Pag-usapan Natin
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (F1IPS-IIf-92)

lpaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.

1. Anong sariling pagpapakahulugan ang maibibigay mo para sa konseptong papel?


 Ang konseptong papel ay isang maikling papel na isinulat ng isang mag-aaral bago
magsagawa ng pagsasaliksik. Ang papel ay tungkol sa dalawa o tatlong mga pahina ang
haba at nagbibigay ng mga pangunahing detalye tungkol sa pagsasaliksik, tulad ng
tanong, layunin, at mga pamamaraan.

2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong maikompara ang konseptong papel sa isang bagay sa


paligid, saan mo ito maikokompara at bakit?
 Kung bibigyan ako ng pagkakataon ikumpara ang konseptong papel sa isang bagay sa
paligid, ikokompara ko ito sa blue print. Dahil ito'y nakakatulong rin sa pag gabay sa isang
tao kung ano ang kanyang mga nararapat gawin sa pagbuo ng isang bagay.

3. Sa paanong paraan makatutulong sa mananaliksik ang isang konseptong papel?


 Makatutulong ang konseptong papel upang lalong mabigyang direksiyon ang
mananaliksik lalo na kung siya ay baguhan pa lamang sa gawaing ito. Sa pamamagitan
nito ay malalaman niya ang tunguhin o direksiyong ninanais niya para sa sulatin na
gagawin.

4. Bakit mahalaga ang feedbacks, mungkahi, o suhestiyon ng guro bago pa man magsagawa ng
malalimang pangangalap ng datos ang mananaliksik?
 Mahalaga ang feedbacks, mungkahi, o suhestiyon ng guro bago pa man masagawa ang
malalimang pangangalap ng datos dahil dito malalaman ng mananaliksik kung saang
bahagi pa siya may kailangan ayusin pa bago magpatuloy sa ginagawang pananaliksik at
para maiwasan ang mga kamalian sa susunod na mga gagawin.

5. Ano-ano ang mga bahagi ng konseptong papel? Bakit mahalaga ang bawat bahagi nito?
 Ayon kina Constatino at Zatra (2000) mau apat na bahagi ang konseptong papel na
binubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta.

6. Bakit may pananaliksik na hindi batsa makadedepende sa mga imspormasyong mula sa


tinatawag na literature research na kinakailangan gamitan ng iba pang paraan ng pangangalap
tulad ng sarbey, obserbasyon, questionnaire, interview, case study, at iba pa?
 Dahil madalas na hindi sapat ang impormasyon o datos na nakuha sa nasabing paraan
depende sa layunin, gamit, at larangan kung saan kabilang ang paksang sinasaliksik.

PAYABUNGIN NATIN
May mga salita ba mula sa iyong mga binasa, na bago sa iyong paningin at kinailangan mong
ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay bumabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa
ikalawang hanay ng sumusunod na talahanayan ay subukin mong ibigay ang angkop na kasingkahulugan
nito gamit ang diksiyonaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong
hanay ay gamitin mo ang salitang ito sa makabuluhang pangungusap.

Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap

Ang balangkas ay isang naksulat


na plano ng mahahalagang bahagi
ng isang sulatin na nakaayos ayon
sa pagkakasunod-sunod ng mga Gumawa ng isang balangkas
Balangkas ito. Mahalagang bahagi lamang tungkol sa pananaliksikmo sa
ang nakapaloob dito upang cyberbullying
magsilbing patnubay sa gagamitin
ukol sa magiging nilalaman ng
isang sulatin.

SAGUTIN NATIN

A. Nakikilala ang kawastuhan o kamalian ng mga pahayag


Tukuyin ang kawastuhan o kamalian ng bawat pahayag. Isulat sa linya ang TAMA kung ito'y wasto at ang
MALI kung hindi.

TAMA 1. Ang konseptong papel ay nagsisilbi ring proposal ng sulating papel.


TAMA 2. Maaaring ang resulta o kalalabasan ng sulatin ay maiiba sa nakasaad sa konseptong papel.
MALI 3. Isang metodo lámang ng pagkalap ng impormasyon ang maaaring gamitin para sa
konseptong papel.
TAMA 4. May iba't ibang paraan sa pagsusuri o pagbibigay-
kahulugan o interpretasyon sa makakalap na datos.
TAMA 5. Ang bahagi ng konseptong papel kung saan mababasa ang hangarin o tunguhin ng
pananaliksik batay sa paksa ay ang layunin.
TAMA 6. Ang pansamantalang balangkas ay isang istriktong gabay na dapat sundin sa pagbuo ng
konseptong papel hanggang sa ito ay matapos.
MALI 7. Sa pamamagitan ng impormasyong taglay ng konseptongpapel ay maaari nang magbigay
ng paunang feedback, mungkahi, o suhestiyon ang guro.
MALI 8. Ang bahagi ng konseptong papel na nagsasabi tungkol sa kasaysayan o dahilan kung bakit
napiling talakayin ang isang paksa ay tinatawag na metodolohiya.
TAMA 9. Ang rationale na bahagi ng konseptong papel ay naglalaman ng kalalabasan ng pag-aaral
batay sa pangangalap na ginawa ng mananaliksik tungkol sa paksang kanyang tatalakayin.
TAMA10. Maaari pang magkaroon ng mga pagbabago sa binubuong konseptong papel na hindi
nakasaad sa pansamantalang balangkas kapag may natuklasang bagong impormasyon o datos mula
sa pangangalap.

B. Naiisa-isa at napagsusunod-sunod ang mga paraan at tamang proseso ng pagbuo ng


konseptong papel
Pagsunod-sunurin ang mga paraan o tamang proseso sa pagbuo ng konseptong papel. Lagyan
ng 1 ang rationale, 2 ang layunin, 3 ang metodolohiya, at 4 ang inaasahang output o resulta.

1.
_____4_____May mga epekto ang paglalaro ng video games sa mga batang nasa preschool.
_____1_____Tutukuyin ang mga epekto ng paglalaro ng video games sa mga batang nasa
preschool.
_____2_____Bubuo ng 20 pahinang sulating pananaliksik tungkol sa mga epekto ng paglalaro ng
video games sa batang nasa preschool.
_____3_____Mag-iinterbyu at magpapasagot ng questionnaire sa
magulang ng mga batang ito na madalas maglaro ng video games. Kakapanayamin din ang mga
bata tungkol sa video games at oobserbahan sila sa loob ng isang buwan.
2.
_____3_____Mangangalap ng talâ sa Internet, aklat, at journal at makikipanayam sa mga doktor.
_____1_____Ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang sakít ay pinapanukala ng ilang
eksperto.
_____2_____Susubuking alamin ang benepisyo at panganib sa paggamit ng marijuana bilang gamot
o medisina.
_____4_____Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng 1sang brochure
na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng paggamit ng marijuana bilang gamot o medisina.
3.
_____2_____Aalamin ang pinagmumulan ng spam messages.
_____3_____Magsasaliksik ukol sa pinagmumulan ng spam messages.
_____1_____Nayayamot ang maraming tao sa tuwing makakikita ng spam messages na pumupuno
sa kanilang inbox.
_____4 ____Makabubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang
artikulo tungkol sa spam messages.
4.
_____4_____Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa indie films na maaaring maging
basehan sa paggawa ng isang maikiling indie films gamit ang camera at editi app ng isang
smartphone
1 Makikipanayam sa mga direktor ng indie films at mag oobserba sa proseso ng
paggawa ng ganitong pelikula.
_____3_____Sa pamamagitan ng camera at editing app ng smartphone ay makagagawa ng isang
maikling indie film.
_____2_____Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling- maikling indie film gamit lang ang
camera at editing app ng smartphone.
5.
_____2_____Aalamin ang mga ingredient o sahog sa paggawa ng hotdog.
_____1_____Ang hotdog ay isa sa mga paboritong almusal ng mga kabataan, subalit, ano-ano nga
ba ang mga ingredient o sahog sa paggawa nito?
_____4_____Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa hotdog na maaaring maging basehan
ng isang artikulo na tumatalakay sa pagkaing ito.
_____3_____Mananaliksik sa lnternet, gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong pagkain ng mga
batà at kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na bata kung bakit nila paboritong pagkain ang
hotdog. Kapanayamin dìin ang ilang manufacturer ng hotdog.

BUOIN NATIN
Pansamantalang
Balangkas

I. Pamagat
Epekto ng Cyberbullying sa
Mag-aaral ng Senior High
Naiisa-isa
School sa ang
BSHS mga paraan at tamang proseso ng pagsuat ng isang pananaliksik (pagbuo ng
pansamantalang balangkas) (F11PU-IVef-91)
Ngayon ay gamitin
II. Paglalahad mo ang natutuhan at ang ilang nakalap mong impormasyon upng makabuo ng
ng Suliranin
pansamantalang
Ang pag-aaral na balangkas
ito ay ng iyong sulating pananaliksik. Isulat ang balangkas sa kahon.
naglalayong matukoy at
masuri ang mga epekto ng MAGAGAWA NATIN
cyberbullying sa mga mag-
aaral ng Biliran Science High
School. Nagagamit ang katwirang lohikal sa pagbuo ng iskedyul
para sa bawat bahagi ng sulating pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong masagot ang Malaki ang magagawa ng pagbuo ng iskedyul at pagsunod
mga sumusunod na dito upang makapagpasa ng isang maayos at mahusay na sulating
katanungan: pananaliksik sa takdang oras.Ilagay mo sa unang hanay ng
1. Ano ang cyberbullying? sumusunod na talahanayan ang petsang ilalaan mo sa bawat bahagi
2. Ano ang propayl ng nga ng iyong sulatin, sa pangalawa ay ang bahaging nakatakda mong
respondent? gawin, at sa ikatlong hanay ay ang deskripsiyon ng gagawin mo.
1.1 Kasarian
1.2 Katayuan sa buhay
3. Anu-ano ang iba't ibang Iskedyul na Binuo ni:
epekto ng cyberbullying sa
mga mag-aaral? Princess M. Mahilom
4. Ano ang nadudulot nito sa
sosyal, emosyonal, Para sa pagsasagawa ng bawat bahagi ng sulatin pananaliksik
sikolohikal na kalusugan ng na:
naging biktima at
nambiktima? Epekto ng Cyberbullying sa Mag-aaral ng Senior High School sa
5. Anu-ano ang mga BSHS
posibleng solusyon sa mga
nasabing suliranin upang
mapigilan ang Petsa
paglala nito? Bahagi ng Nakatakdang Deskepsiyon ng Gagawin
Gawain
III. Kalahok
Tinatarget ng pag-aaral
June 11, 2021 na Paglalahad ng Suliranin Dito pag-uusapan kung bakit
ito ang mga mag-aaral sa ginawa ang riserts na ito at ano
Senior High School na ang layunin ng pagsasagawa nito.
nakaranas ng cyberbullying
June 13, 2021 Kalahok Dito naman pag-uusapan kung
sa paaralan ng BSHS.
sinu-sino ang mga respondents
na ilalahok para sa nasabing
Ang mga kalahok ay bubuuin
riserts.
ng mga estudyante na
June 15, 2021
magmumula sa ikalabing-isa Instrumentong Gagamitin Dito pag-uusapan at ihahanda ang
hanggang ikalabing-dalawa mga instrumenting gagamitin para
na antas ng BSHS. sa riserts na gagawin.
June 16, 2021 Saklaw at Limitasyon ng Dito magbibigay ng mga
Kinakaikangan din ang Pag-aaral kasagutan sa lahat ng
partisipasyon ng guidance respondents at bibigyan sila ng
counselor sa pag-aaral na ito apat na araw bago kunin sakanila
upang matiyak ang ang mga kasagutang inilahad ng
estratehiyang makakatulong mga mananaliksik.
sa paglutas
Juneng19,
nasabing
2021 Pagtitipon ng mga Dito titipunin ang mga kasagutan
suliranin. Kasagutan ng mga na ipinasagot sa mga respondents
Respondent ng nasabing pananaliksik.
IV. Instrumentong
GagamitinJune 21, 2021 Pagtatali ng mga Kasagutan Dito magtatali sa lahat ng kanilang
Gagamitin sa pag-aaral na kasagutan upang malaman ang
ito ang paraan ng
pakikinayam at sarbey

V. Saklaw at Limitasyon ng
Pag-aaral
Saklaw ng pag-aaral na ito
mga resulta ng isinagawang
sarbey.

June 22, 2021 Pag- iinterpret ng mga Dito iiinterpret ang lahat ng mga
Kasagutan kasagutan ng mga respondents
upang makuha ang resulta ng
isinigawang panaliksik.
June 25, 2021 Resulta at Diskusyon Dito nangyayari ang paglalahad,
pagsusuri at pagpapakahulugan
ng mga datos na nakalap upang
malaman ang antas ng kaalaman.
June 29, 2021 Konklusyon Dito nagpapahayag ng sintesis,
ebalwasyon, o paghatol ng
mananaliksik sa mga
impormasyon at datos na kanyang
nakalap na maaaring sumuporta
sa kanyang pahayag sa tesis na
nakasaad sa intoduksiyon.
June 30, 2021 Rekomendasyon Dito isasagawa ang solusyon sa
mga problema sa mga nakalap
mong impormasyon at ito rin ay
isan mungkahi na ipagpatuloy ang
isimagawang pag-aaral.
July 1, 2021 Bibliyograpiya Dito tinipon ang mga hinanguan
ng impormasyong ginamit sa
pananaliksik, bio-data ng
mananaliksik, larawan at iba pa.

 Ano-ano ang maaaring mangyari kapag hindi mo nasunod ang binuo mong iskedyul?
 Ang mangyayari kapag hindi ko nasunod ang binuo kong iskedyul ay maaaring ang mga
nakatala sa aking iskedyul ay hindi na matapos at mapabayaan na lamang at hindi
lamang ang aking sarili ang maaapektuhan kundi ang mga taong sangkot din sa aking
iskedyul.

 Ano-ano ang plano mong gawin upang makasunod ka sa iskedyul na binuo mo? Maglahad ng
lima.
 Paglilista sa mga gagawin.
 Pagbibigay oras sa bawat gawain.
 Mag set ng alarm para hindi makalimutan.
 Ilagay ang pinaglistahan sa lugar kung saan palagi ko itong makikiita.
 Sisiguraduhin ko na ang oras na aking inilaan ay wala akong gingawa.
PALAWAKIN PA NATIN
Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat sa bawat bahagi ng
pananaliksik (pagbuo ng konseptong papel) (FIIWG-IVgh-92)

Ito na ang pagkakataon upang bumuo ka ng konseptong papel para sa iyong sulating
pananaliksik. Una ay punan mo muna ng tig-isang pangungusap ang bawat bahaging nakalahad sa ibaba
(katulad ng nasa Sagutin Natin B). Pagkatapos ay isulat mo na ang mas kompleto o mas detalyadong
konseptong papel na kahawig naman ng halimbawang matatagpuan sa mga pahina 151 hanggang 154.

 Rationale:

Pag laganap ng cyberbullying sa bansa bilang isang malaking isyu na naglalahad ng iba’t ibang
epekto sa mga biktima.

 Layunin:

Susubuking alamin ang mga mga kaso at epekto ng cyberbullying sa mga mag-aaral ng Senior
High School sa Biliran Science High School

 Metodolohiya:

Mangangalap ng impormasyon sa isinagawang sarbey sa mga respondents ng pananaliksik,


paghahanap ng mga iimpormasyon sa internet, aklat, journal, at pakikinayam sa mga eksperto
ukol dito.

 Inaasahang Output o Resulta:


Inaasahang mas marami ang mga masasamang epekto nito sa mga mag-aaral lalo na sa sosyal,
sikolohikal, at pisikal na kalusugan ng biktima.

Isulat o i-type sa bond paper ang mas detalyadong konseptong papel na hango sa isinulat mo sa
itaas. Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa pagbuo mo ng konseptong papel.

Pamantayan
Puntos

4 Malinaw na makikita ang lohikal na ugnayan ng


mga ideya sa bawat bahagi (rationale, layunin,
metodolohiya, at resulta) ng konseptong papel.

Malinaw na makikita ang lohikal na ugnayan ng


3 mga ideya sa bawat bahagi (rationale, layunin,
metodolohiya, at resulta) ng konseptong papel.

Bahagyang makikita ang lohikal na ugnayan ng


2 mga ideya sa bawat bahagi (rationale, layunin,
metodolohiya, at resulta) ng konseptong papel

Hindi nakikita ang lohikal na ugnayan ng mga


ideya sa bawat bahagi (rationale, layunin,
1 metodolohiya, at resulta) ng konseptong papel
RASYUNAL

Sa panahon ngayon padami na nang padami ang mga taong umiikot ang mundo sa Social Media lalo
na ang mga kabataan na ginagawa itong libangan sa bawat oras at mas binbigyang prayoridad. Kabalikat
nito ang iba’t ibang epekto na may kinalaman sa pag-iisip at kaugalian ng isang indibidwal. Halimbawa na
lamang ang adiksyon o pagkalulong na halos nilamon na ng sistema ng Social Media ang isang isipan ng
inosenteng kabataan. Maaring magbunga ito ng malawak na imahinasyon sa isipan ng isang taong
apektado at dumating sa punto na ang kanyang kinikilos ay dahil sa kanyang natutunan at nakikita. Isama
na rin ang cyber bullying na halos epekto ng kawalang respeto at kakulangan sa moral. Sa kabilang dako
ay may mabuting taglay ang paggamit ng Social Media katulad ng pagkakaroon ng kaibigan o social
interaction at mas napapalalim nito ang pananaw, kaalaman, at pakikipag-uganayan sa ibang tao.
Nagbibigay nang mabubuting kaugalian kagaya ng pagiging palakaibigan, malayang pagpili at
pagdedesisyon, pagiging independent at magandang pananaw para sa kinabukasan. Nilalaro nito ang
isipan nang tao upang gawing mas kapakipakinabang.

Ayon kay Park Boram 2009 ang isang dahilan kung bakit madalas pinagtutuunang pansin ang Social
Media upang makakuha ng impormasyon at opinyon, makisabay sa trend at makapagkalat ng balita.
Nakadepende sa tao kung paano nito sasabayan ang kanyang isipan kung tungo ba sa ikakabubuti o
ikakasama.

Isang katunayan kung saan makikita ang dahilan ng mga tao para gamitin ang Social Media at ang
magagandang benepisyo nito. Ngunit mayroong batayan na nakadepende sa isang tao kung paano nila
gagamitin ng wasto at lalabanan ang masamang epekto nito.

Sa pag-aaral naman ni Charles Cooley naihalintulad niya na ang paggamit ng Social Media ay
“pagtingin sa sarili sa salamin” kung saan ang pananaw ng isang tao ay tumataas dahil sa responde at
opinyon ng iba.

Isang malaking tulong ang interaksyon sa iba taong dahil naitataas nito ang self-esteem sa
pamamagitan ng pakikipag-usap at komunikasyon. Dahil kung ano ang tingin ng isang tao sa kanyang
sarili ay nag-aangat sa kanya.

Hindi talaga maalis sa isang tao ang kagustuhang gumamit ng Social Media dahil malaki ang
naitutulong nito upang umunlad nang malawak ang isang isipan at mahubog ang isang kontrobersiya sa
isang isipan kahit sakabila nito ay mayroon ding masamang naidudulot.

LAYUNIN

Sa isasagawang pag – aaral ng mga mananaliksik , hinahangadang mga sumusunod :

Pangkahalatang Layunin :
1) Alamin ang kasalukuyang kalagayan ng epekto ng paggamit ng Social Media sa ating isipan lalo na
ang mga Kabataan.

2) Malaman ang bilang ng kabataang gumagamit nito sa mabuti at masamang paraan upang

3) Mapalawak ang pag – unawa ng magiging epekto ng Social Media sa ating isipan.

4) Mailahad ang iba’t ibang paraan upang ang masamang epekto nito sa ay mabawasan.

5) Upang makita kung paano nakakaapekto ang pananakot sa kalusugan at ugali ng bully at biktima,

6) Upang malaman ang iba't ibang mga daan kung paano gumagana ang cyberbullying.

Tiyak na layunin :

1) Mabigyan ng mabuting persepsyon ang problema sa mga epekto na gumagamit ng Social Media.

2) Magkaroon ng sapat na kaalaman o impormasyon batay sa mga epekto ng Social Media.

3) Magkaroon ng sapat na detalye sa mga magiging epekto ng Social Media.

4) Maipaalam sa lahat ng tao na gumagamit ng Social Media ang mga mabubuti at masasamang epekto
nito sa atin.

HALAGA

Mahalaga ang isasagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat ang sasaliksikin na ito ay
patungkol sa “Epekto ng Cyberbullying sa mga mag-aaral ng Senior High School sa BSHS”.
Makakatulong ito upang malaman kung ano-ano ang maaring maging epekto nito, kung may kabutihan
nga bang naidudulot at kung ano rin ang masamang epekto sa mga kabataan ngayon. Kung ang
mabuting kalalabasan nito, maari itong magamit upang malaman ang mga pangyayari sa palagid at sa
buong mundo. Kung makakasama naman tulad ng pagkonsumo sa oras na dapat sana ay sa ibang
kapakipakinabang na gawain o mahahalagang bagay at ang epekto nito sa utak lalo na sa isang murang
isipan. Baka ang Social Media ang nag- iimpluwensya ng mga kabayolantihan o kalaswaan na kailangan
limitihan ng mga kabataan.. Kaya’t nararapat na saliksikin ito.

METODOLOHIYA

Sa gagawing pag-aaral ng mga mananaliksik sila ay gagamit ng iba’t ibang uri ng paraan upang
makapangalap at mangolekta ng datos. Isang paraan ang pagseserbey. Magsasagawa ng pagseserbey
ang mga mananaliksik sa iba’t ibang estudyante ng Senior High School sa BSHS ukol sa mga epekto ng
cyberbullying.

INAASAHANG BUNGA

Sa pang araw- araw na pamumuhay, naoobserbahan ng mga mananaliksik na maraming kabataan


ang gumagamit ng Social Media. May mga kabataan din ang sumosobra na sa paggamit nito. Minsan sa
paggamit ng Social Media, hindi na nila namamalayan na kinakain na nito ang kanilang oras. May mga
karanasan na nagiging tamad ang mga kabataan dahil ayaw nilang maistorbo sila sa kanilang ginagawa.

You might also like