You are on page 1of 1

Pandemya

Sa patuloy na paglaganap ng pandemyang ito, patuloy din itong sinusubok ang


ating pagbabayanihan sa kung paano natin ito masusugpo at malalabanan. Alam
nating lahat na malaki ang naging epekto ng pandemya sa aspeto ng kabuhayan
ng ating mamamayan, maging ang ating ekonomiya at ang pag-aaral ng mga
kabataang tulad ko. Ang bawat mag-aaral ay nahihirapan ngunit nakikisama sa
pagbabagong naganap o nagaganap sa sistema ng edukasyon sa kasalukuyan.
Ang ideyang hindi dapat huminto sa pagkatuto ang mga estudyante, ay
nagtulaksa pagbabago ng sistema. Ang dating aktwal na pagtuturo, ngayon ay
dinadaan na sabirtwal upangmaihatid ang kaalaman na nararapat makamtan ng
bawat isa. Pisara at tisa na gamit sa pagtuturo ng mga guro ay napalitan ng mga
makabagong teknolohiya bilang midyum sa pagkatuto.
Dahil sa pandemyang ito, ang mga ordinaryong mamamayan na masayang
namumuhay, ngayon ay nakaratay at iniinda ang hirap na dulot ng nakahahawang
sakit. Ang dating saya na napalitan ng lungkot, pangungulila sa mga mahal sa
buhay at paghihirap. Ang iba'y hindi kinaya ngunit may natitirang matatag at
nananalangin sa Maykapal na bigyan pa ng mahabang buhay.

You might also like