You are on page 1of 2

Talumpati

Edukasyon

Difficulties of students during pandemic

Wala nang kalidad ang pinag-aaralan dahil sa bagong uri g pag-aaral

Ang Kayamanan ng Kinabukasan

Marami sa atin ang nais na maging mayaman sa darating na hinaharap, hindi lang katulad ng yaman sa
ginto at salapi ang basehan kundi ang yaman na naiiba at hindi madaling makuha ng kahit sino, ang
yaman na nangangailangan ng tiyaga, sipag at mga sakripisyo. Edukasyon, ang yaman na tinutukoy ko
dahil totoo naman hindi ba? Hindi madaling makuha ang edukasyon dahil sa dami ng hagdan na
kailangan munang akyatin bago ito maaaring mapunta sa ating mga kamay. Sabi nga ng ating mga
magulang “Edukasyon lang ang maipamamana namin sa inyo, kaya dapat ay pagbutihin niyo.” masyado
nang gasgas ang salitang ito ngunit totoo naman, dahil ito lang ang yaman na hindi nauubos at hindi rin
maaaring manakaw ng kahit sino. Edukasyon ang susi sa lahat, sa pagkakaroon ng trabaho, sa pag-angat
sa buhay ay malaki ang maitutulong ng edukasyon sa atin kaya nga marami ang nagpupursige para
makuha ito, upang ang edukasyon ay maging susi rin ng pagkakaroon nang pagbabago sa buhay ng
bawat isa. Subalit, paano kung ang edukasyon na nakikita nating susi ay hindi natin magawang akyatin
para kunin dahil sa panibagong bugso ng pagsubok sa ating buhay, ang pandemya. Sinubok nito ang
lahat, at isa sa labis na naapektuhan ang sektor ng edukasyon, ang mga guro, lalong higit ang mga mag-
aaral. Sa pagkakaroon ng bagong uri ng pag-aaral dahil sa pandemya ay marami ang napag-iwanan, ayon
sa tala………. Sila ang mga batang hindi magawang makasabay sa bagong pag-aaral dahil sa kahirapan ng
buhay, kakulangan sa gamit at ang mabagal na internet. Maraming kuwento ng mayroong malalim na
pangarap ang kumakalat sa ngayon, ang kuwento ng mga bata at gurong gagawin ang lahat para lamang
pilit na abutin ang edukasyong susi ng lahat, mayroong mga kuwento na para makasagap ng internet ay
aakyatin ang bundok at mga puno, may mga batang araw-araw na naglalakad para lamang makadalo sa
kanilang klase, may mga gurong tumatawid ng ilog o sapa para lamang maiabot ang mga module.
Maraming kuwento ng pakikipaglaban ang umusbong, ngunit kasabay nito ay marami rin ang kuwento
ng pagtigil dahil mas inuna ang trabaho para sa pamilya, para patuloy na makausad, para sa panlamang
tiyan, para sa susunod na paggising sa kinabukasan. Marami ang pilit tinatakbuhan ng pagkakataon na
maabutan ang edukasyong susi ng kayamanan sa hinaharap. Mayroon pa kayang kayamanan na aanihin
sa kinabukasan kung ang edukasyon ay tila napag-iiwanan na ngayon kahit na dapat ay ito ang dapat
tutukan ng pamahalaan, ang maibalik ang mga mag-aaral sa harapang pag-aaral para sa kalidad na
edukasyong kanilang maaaring makuha. Ang edukasyon na dapat ay para sa lahat ngunit ngayon ay tila
pinipili na lamang ang inaabot dahil sa bagong uri ng pag-aaral. Kagaya ng pagkain at tubig ay edukasyon
din ang isa pinaka-pangunahing pagangailangan ng isang tao, edukasyong susi ng pag-angat, pag-unlad
at pagkakaroon ng pagbabago. Hindi dapat ito ikinukulong, at dapat ang lahat ng indibiduwal ay naaabot
nito dahil kabilang ito sa kanilang mga karapatan na dapat matugunan. Ang edukasyon na dapat
matamasa ng lahat may pandemya man o wala, ang edukasyon dapat ay walang napag-iiwanan dahil ito
lang ang yaman na maaaring maitanim sa isipan ng bawat isa na hindi maaaring makuha, ang edukasyon
na susi sa kinabukasan. Ngunit, magiging susi pa kaya ito kung ang edukasyon ay naipagkakait na sa
marami at nababawasan na ang kalidad nito sanhi ng pandemyang patuloy nating nararanasan.
Mayroon pa kayang yaman na maaaring makuha sa naghihintay na kinabukasan kung ang marami ay
wala nang natututuhan at nagpapasa na lang, nagbibigay na lang ngunit wala nang kalidad ng pag-aaral
na nangyayari dahil hindi naman lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral ang araling nakukuha kung
hidni sapat ang patnubay ng guro. Dahil ang totoong yaman ng edukasyon ay hindi lamang mababaw
ang kahulugan, ang edukasyon ay maaari lamang maging yaman kung ito ay magagamit at nauunawaan
ng nagdadala nito. Kalidad na susi ang kailangan, ang totoong edukasyon lang ang susi sa yaman na
naghihintay sa kinabukasan.

You might also like