You are on page 1of 2

Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang.

Ang pagkakaroon natin ng sapat


na edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa uri ng
lipunan na ating ginagalawan ngayon, talo at dehado ang mga taong walang pinag-aralan.

Subalit sa panahon ngayon paano na nga ba natin makakamit ang pinapangarap na edukasyon
sa hindi nakasanayang pamamaraan? Dahil sa panibagong pamamamaran ng edukasyon
marami ang hindi nakapagpatuloy dahil sa kahirapan na nararanasan ng bawat isa dulot ng
pandemya.

Sa mga mapanuring tagapakinig, sa ating lahat isang mapagpalang araw, ako po si Bb. Mary
Dimple Arcite isang mananalumpati sa araw na ito.

Kasabay ng iniindang pandemya ng buong mundo hindi lang ang kagawaran ng kalusugan ang
labis na apektado kundi pati na rin ang kagawaran ng edukasyon. Ang edukasyon na
pundasyong kinakailangan tungo sa magandang kinabukasan at sa labang dapat maangkin ng
bawat kabataan.

Mahigit dalawang taon na ang lumipas mula ng maumpisahan ang makabagong leaming
delivery mode ngunit marami ang nagsasabi na hindi gaanong epektibo ang modyul kumpara sa
face to face na lubos na may natututunan ang bawat mag-aaral.

Sigaw ng karamihan hindi kami natututo dahil pasahan na lng ng mga aktibidad ang basehan
para makapasa Online class ka man o Modular kailangan mong mabuhay dahil nauuso na
ngayon ang mga balitang pagkamatay ng mga kabataan. Hindi na pataasan ng grado ang
importante ngayon, at kalimitan ay ikinibit balikat nalang ang pag-unawa at pagkatuto dahil
kaligtasan ng buhay natin ang nakasalalay sa panahong ito.

Kaya sa ngayon, mapapansin natin na nagiging dahilan ng pagsusulong ng face to face classes ay
ang problemang kinahaharap ng maraming estudyante sa pag-aaral. Isa na rito ang mga
modular learnings kung saan hamon ito na hindi masyadong natututo ang mga bata at ini-aasa
nalang sa magulang kalimitan ang mga sagot, at hindi na baling walang matutunan ang
mahalaga ay makapasa. Kabilang din dito ang mga online classes na marami sa mga estudyante
ang walang gadget at kulang sa mga ito at maging ng internet connection o Wifi. At marami ring
ingay at panggambala sa paligid na nakakaagaw atensyon sa mga nag-aaral.

Hindi sukat akalain ng maraming mag-aaral na hahantong sa ganitong sitwasyon. May mga
magulang na hindi gaanong handa sa ganitong kalagayan ng edukasyon para magturo sa mga
anak. Napakalaki ng epekto ng mga online classes at modular learnings sa buhay ng bawat
estudyante at masasabing hamon ito sa buhay. Pero alam natin na pagsusulong ng face to face
classes ang tanging paraan upang maibalik sa ayos ang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ito ang nakasanayan na gawin ng lahat sapagkat iba ang epekto ng pagpasok mismo sa
paaralan.

Pero ang tanong ng karamihan, handa na ba ang lahat? Handa na ba ang sistema ng
edukasyon?

Mas ok ang pagbabalik ng ftf na klase upang masabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga
kabataan. Sapagkat, sa pamamagitan nito ay mas nakakatanggap ang mga mag-aaral ng sapat
na paggabay mula sa mga guro at mas nauunawaan ang bawat leksyon. Oo alam natin na sa
alternatibong pamamaraan ay may natutunan din tayo, ngunit iba pa rin ang ating matutunan
kapag mayroong guro na personal na nagtuturo at gumagabay sa ating pagkatuto. Iba pa rin
kapag nasa loob tayo ng apat na sulok ng paaralan. Sa limited ftf na klase ay mas
makalapaghalobilo tayo sa ating kapwa mag-aaral at mas matuto tayo sa isa't isa kapag
personal.

Kaya para sa akin higit na makabubuti ang pagbabalik ng ftf na klase dahil ito ang sa tingin ng
lahat na mas makakatulong sa mental na kalusugan ng mga mag-aaral at upang mas mabigyan
ng kalidad na edukasyon ang lahat.

Tayo din naman ang nagdala sa ating mga sarili kaya alam natin kung paano ito alagaan at
masigurong ligtas tayo. Lahat naman tayo ay gustong makakuha ng sapat na edukasyon dahil
ito lang ang ating munting yaman na hinding hindi makukuha ninuman. Alam natin kung gaano
kahalaga ang edukasyon sa ating buhay kaya huwag nating hayaan na ang pandemyang ito ang
siyang magiging hadlang sa pagkamit natin sa bawat pangarap na mayroon tayo.

Muli ako si Bb. Mary Dimple Arcite maraming salamat sa pakikinig at magandang araw!

Commandments

You might also like