Edukasyon Sa Panahon Ng Pandemya
Ang new normal na edukasyon nga ba ay epektibong paraan ng pag-aaral
para sa mga magaaral? Maayos na desisyon ba ang ginawa ng mga nakatataas na
dapat ganitong paraan na ang pag-aaral? Noong nagsimula ang pandemya,
maraming paaralan ang nagsarado. Ang mga nakatataas ay nahirapang
magdesisyon kung itutuloy ba ang virtual learning o hindi, pero sa huli ay
napagdesisyunan na rin na isakatuparan ito. Lalo na’t ang edukasyon ay isa sa mga
pangunahing pangangailangan sa buhay ng tao.
Dahil sa makabagong teknolohiya ay nagagawa parin natin ng maayos ang
ating pagaaral, hindi man maaaring magkita ng malapitan ang mga guro at mga
estudyante ay nagagawa nitong ipagpatuloy natin ang ating pagaaral. Hindi
nawalan ng trabaho ang ating mga guro, bumaba ang gastos sa pamamasahe o
ang gastos sa pagpunta sa paaralan, tiyak na mas naging malinis ang ating
kapaligiran dahil ang mga estudyante ay hindi na pumapasok sa eskwelahan.
Lalo nang nagiging mas responsable ang mga mag-aaral dahil sa virtual learning.
Tunay na importante ang edukasyon, ngunit mayroong mga problemang
kailangang harapin sa ganitong paraan ng pagaaral. Hindi lahat ng mga
estudyante ay mayroong kakayahang makabili ng mga gamit na kailangan sa
online classes. Hindi rin lahat ay mayroong maayos na internet connection. Hindi
rin lahat ay pare-pareho ng sitwasyon at hindi natin batid ang pinagdaraanan ng
bawat isa. Ngayon na kailangang gumamit ng gadgets sa online class ay nalalagay
sa panganib ang kalusugan ng mga estudyante. Sa panahong ito ay nawalan ng
kakayahang makipag-ugnayan o ang pag-interact sa kapwa ang mga estudyante
ng malapitan kaya’t ito ay ikinalulungkot ng marami.
Lahat tayo ay mayroong opinyon tungkol sa sitwasyong ito, sa aking
paningin ay maganda na kahit hindi tayo nasa pisikal na silid aralan ay nakakapag-
aral padin tayo sa virtual na silid aralan gamit ang teknolohiya. Mas natututukan
ang kaligtasan ng mga marami kung mananatili lamang sa loob ng bahay dahil ang
covid 19 ay patuloy na lumalaganap.
Ang pagbabago nang ating pananaw ay importante lalo na sa mga panahon
na ito. Iba na ang ating buhay ngayon hindi kagaya dati. Kailangan nating
protektahan ang ating sarili upang makaiwas sa nakakahawang sakit. Batid nating
mahirap mag-adjust dahil hindi pa tayo masyadong sanay sa ganitong paraan ng
pamumuhay, ngunit balang araw ay maaayos rin ang lahat. Hindi man tayo
magkakasama ng malapitan, ngunit sana ay maramdaman ng lahat na hindi sila
nagiisa. Magkakasama tayong lahat sa labang ito, kaya natin ito!