You are on page 1of 1

Paolo G.

Calnea

11/20/14

Grade 10B

Huling Pagsasama
Magandang araw sa inyu mga kaklase at sa aking magandang guro. Sa araw na ito, ika -20
ng Nobyembre, ay matatapos na ang maliligayang araw natin sa mataas na paaralan sa institusyong
ito. Ambilis ng paglipas ng panahon, parang noong isang araw pa tayo pumasok sa unang araw
natin sa 4th year hayskul. Puro mga walang muwang sa buhay; puro mga batang walang alam kung
ano ang mangyayari sa kanila at unti- unting natutunan na ang buhay sa hayskul ay parehong
masaya at malungkot.
Maraming bagay ang natutunan ko sa paaralang ito; ang pagpapanalo, pagkakasawi at pati
na rin ang pakikisama sa kapwa. Napakaraming bagay ang aking naranasan dito sa paaralang ito sa
loob lang ng isat kalahating taon. Nakita ko ang mga pagbabago sa aking mga kaibigat kaklase,
sa aking sarili at lalong lalo na sa isang guro na hindi ko inaasahan na ganito pala siya mag aruga
sa kanyang mga estudyante o mga anak.
Unang una, nagpapasalamat ako sa aking mga kaibigan dahil sila ang nagbibigay sa akin ng
kasiglahan sa oras na malungkot ako. Kung hindi dahil sa kanila, malamang hindi ako
magkakaganito. Pangalawa, nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil sa kanilang walang
sawang suporta nila sa akin sa pag- aaral. Nagpapasalamat din ako sa aking mga guro lalong lalo
na sa aking adviser, dahil hindi sila sumusuko sa pagtuturo kahit anhirap para sa amin na intindihin
ang mga leksyon na ibinibigay nila kahit pagod na sila. Nagpapasalamat din ako sa Boss ko
dahil sa tuwinay babang baba ako sa sarili ko, Makita ko lang siyang nakangiti, napapangiti na din
ako. Siya yung inspirasyon ko bakit naririto ako sa aking kinatatayuan ngayon. Pangatlo at
panghuli kong pasasalamatan ay ang Maykapal dahil Siya ang nagbibigay sa akin ng mga grasya
sa buhay ko; mga pangangailangan ko sa buhay. Siya yung nagpapatibay sa sarili ko; nagpapatatag
sa aking sarili sa anumang problema ang dumaan sa buhay ko.
Ngayon, itong yugto n gating buhay ay matatapos na at bago na naman an gating sisimulan.
Hinding hindi ko malilimutan ang batch na ito. Kayong lahat ay nasa puso ko, kakayanin natin ang
buhay sa kolehiyo at sama- sama din tayong magtatapos. At kahit tayo ay hindi na magsasama sa
parehong kolehiyo, alam ko, mga dalawampung taon ang makalipas, makikita ko kayong lahat na
naging matagumpay sa inyung buhay. Bago ako matapos, gusto kong sabihin na ang
pinakamahalagang natutunan ko ditto ay yung nangyari sa atin noong makalipas na dalawang lingo
at alam ko na magagamit natin ito sa buhay pagkatapos ng buhay natin sa hayskul.
Sabi nga nila Sa huli, ay maaayos din ang lahat, kung hindi pa na ayos ang dapat ayusin,
isa lang ang dahilan; hindi pa huli ang lahat. At malaki ang tiwala ko na gagradweyt tayong lahat
ditto sa paaralang ito sa susunod na taon.

You might also like