You are on page 1of 5

Notre Dame Academy of San Fernando Cebu Inc.

Panadtaran, San Fernando, Cebu


Senior High

PORTFOLIO SA
FILIPINO SA PILING
LARANGAN (AKADEMIK)

Isinumite kay:
ARLYN MINGO
GURO
Isinumiteni:
NIÑA GRACE V. BULAKIÑA
MAG-AARAL
12 - ST. JACINTA
SANAYSAY NG LARAWAN
Botong Ipinagbibili Kapalit ang Karampot na Salapi
Sa pagpasok ng buwan ng eleksyon ay siya ring pagdaloy ng mga kandidato,
salapi, at mga botanteng nangangati ang mga kamay na tila mayroong hinihintay.
Ano nga ba ang inaabangan ng pilang ito na dinaragsa ng milyon milyong tao sa
bansa? Tila'y parang bayanihan lamang na mula Batanes hanggang Jolo. Sa magulat
man kayo o hindi- ito ay ang vote buying. Sa panahon ng eleksyon ang mga
kandidato'y parang mga lobong handa nang sumunggab sa mga tupang walang
kaalam-alam.Sa kabuuan, sa mga darating na halalan, ito ang oras para sa mga
tumatakbo upang masuyo ang puso ng sambayanang Pilipino gamit ang kanilang
mga matatamis na mga pangako. Katulad ng kanilang mga pangakong napapako't
nahuhulog sa langit ay gayundin ang pagbaba ng pundong ginagamit nila sa pagbili
ng boto.
Bakit nga ba patuloy itong nangyayari? Sino nga ba ang salarin sa isyung
ito? Ano nga ba ang puno’t dulo ng pagbibili ng boto ng madla sa kabila ng mga
patakaran at batas na ipinasa ng Comelec?
Ang sagot sa mga tanong na ito ay kahirapan. Sa unang larawan,
nagpapakita rito kung gaano katalamak ang kahirapan sa bansang Pilipinas.
Kahirapan na sumisira sa kinabukasan ng bayan. Ayon sadatos ng World Bank,
nasa 22 milyong Pilipino ang nakalagay sa ilalim ng tinatawag na poverty line.
Dagdag pa ng survey ng Social Weather Stations, limampung porsyento ng
pamilyang Pilipino ang naghihirap. Sa kabilangdako naman, mataas na porsyento ng
mga Pilipino ang hindi nabibigyan ng sapat na eduaksyon dahil sa labis na
kahirapan. Base sa mga datos na ito, hindi mapagkakailangang kahirapan ang
pinaka-problema ng sambayanang Pilipino. Tila’y nagsilbing domino effect ang
mga problemang dala ng kahirapan na nagreresulta sa isang hindi wastong pagpili
ng ihahalal sa posisyon. Kahirapan ang siyang nagiging hadlang sa pagkamit ng
sapat na edukasyon at dahil dito’y hindi nabibigyan ng oportunidad na maisaalang-
alang ang pipiliing kandidato. Kahirapan rin ang siyang nagtutulak sa mga Pilipino
upang ibenta ang kanilang mgaboto.
Ngunit, bakit nga ba talamak ang kahirapan sa Pilipinas?
Ayon sa mga social scientists, ito ay dahil sa tinatawag nilang poverty design
o ang paggamit ng kahirapan na madalas ginagawa ng mga politiko. Ginagamit ng
mga tradisyonal na politiko o trapos ang kahirapan sa pamamagitan ng pagpapakita
na sila’y nanggaling sa kahirapan rin. Kinukuha nila ang tiwala ng sambayanang
Pilipino at kapag nanalo na sila ay binubulsa nila ang pundo ng bayan bilang kapalit
sa mga perang naiwaldas sa kanilang kampanya at vote buying.
Sa kabuuan, para lamang tayong nakalagay saisang malaking bilog na
pinapaikot ng mga kandidato. Ang wastong pagpili sa eleksyon ay hindi dapat
ipagbalewala sapagkat dito rin naman nakasalalay ang pag-unlad ng bayan. Hindi
dapat natin iwinawaksi ang ating mga karapatang pumili at ipagbenta ng ganun
kadali lamang. Dapat nating palaging tatandaan na ang pagpili ng kandidato’y
kadugtong ng pag-unlad ng ating gobyerno.
LAKBAY SANAYSAY

Malapit, Swak sa Budget, Marikit – Gunzon Beach!

Isa sa mga lugar na nakakubli lamang sa Visayas ay ang Guanzon Beach. Sikat na sikat ito sa mga
lokal ng syudad ng Naga at sa kasalukuyan ito’y tinatangkilik na rin ng mga taga kalapit na mga munisipyo’t
syudad. Ano nga ba ang meron sa Guanzon Beach? Bakit nga ba ito patok sa masa at halos hindi na
maubusan ng mga bisitang lokal at turista?Ang mga tanong na ito’y nasagutan ko ng makailang beses akong
pumunta sa Guanzon Beach.
Kapag mayroong okasyon ang aming pamilya at barkada ay sa Guanzon Beach agad kami pupunta.
Ang ganda ng guanzon Beach ay nakatago lamang sa syudad ng Naga. Ito’y mayroong mga iba’t ibang mga
tampok na paniguradong ikaka-aliw mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda. Mayroon itong dagat na
ubod ng ganda at kung hindi mo naman trip ang dagat ay mayroon ring Blue Pool Waterpark na paniguradong
sa tag-init ay hahanap-hanapin. Bukod sa mga paliguan ng Guanzon Beach, isa sa mga rason kung baki’t ito
tinatangkilik ay dahil sa bayad nitong swak sa budget ng masa. Sa halagang 20 pesos ay maaari ka nang
magtampisaw sa kanilang dagat. Hindi lamang iyan, mayroon rin silang mga silid at kubo na pwedeng upahan
at paglagyan ng inyong mga gamit habang kayo’y naliligo. Sa abo’t kayang badget, ang mga silid at kubong
ito na mayroong magkakaibang suka’t laki ay kayang pagkasyahin ang 24-60 tao. Kung hindi naman kayo
kasya sa iisang kwarto ay mayroon silang camping site na maari ninyong pagtayuan ng inyong mga tent.
Alam kong kapag ang mga Pinoy ay nagkakasiyahan, hinding-hindi mawawala rito ang karaoke
sapagka’t talagang mahilig tayong mga Pinoy sa pagkanta. Sa Guanzon Beach ay maari kayong magrenta ng
inyong mga pamilya ng karaoke set na naglalaman ng mga kanta mula sa henerasyon ng iyong lola hanggang
sa mga modernong himig ng ngayon. Kung hindi mo trip ang pagkanta at gusto mo lamang magmuni-m,uni
ay mayroong iniimbitahan na banda ang Guanzon kada Biyernes at Sabado. Kapag nagkaka-aliwan ay
paniguradong wala nang uwian kung kaya naman ay maari ring mag overnight sa Guanzon Beach.
Talaga nga naming marami tayong maaring pagpapasyalan sa Pilipinas at maraming mga aktibidad na
pwedeng gawin para sa ating kasiyahan. Sa akin naming palagay ay walang destinasyon o lugar na hindi
maganda basta’t kasama mo ang mga taong malapit sa puso mo’t nagpapasaya ng buhay mo.
REPLEKTIBONG SANAYSAY

You might also like