You are on page 1of 1

Prologo

Ang portfolio na ito ay naglalaman ng mga papel na kung saan


makikita rito ang mga natutunan o nalinang ko patungkol sa
nakaraang napag- aralan. Pinamagatan ko itong Sariling Linang,
Sariling tagumpay dahil tinutulungan ko ang aking sarili na matuto at
mapagtagumpayan ang bawat aktibidad. Nilalaman nito Ang Pagsulat
ng mga Abstrak, impormatibo at deskriptibo, Buod o Sintesis,
Bionote, Panukalang Proyekto, Posisyong Papel, Pagsulat ng Agenda,
Larawang Sanaysay at Paggawa ng Portfolio.

Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil sa patuloy na pag


gabay nila sa akin sa aking mga ginagawa sa paaralan at parating pag
suporta. Sa aking mga guro, sa pagtuturo sa amin ng bagong
kaalaman at sa pag gabay sa amin sa iba pang aspeto. Sa aking mga
kaibigan, sa patuloy na pagtutulungan at pagsuporta sa bawat isa
upang maging matagumpay ang taon na ito.

Inilalaan ko ang Portfolio kong ito sa mga taong pinasalamatan ko.


Ang aking mga magulang, mga guro at mga kaibigan. Sapagkat sila
ang mga taong handang tumulong sa akin at magawa ko ng maayos
ito. Yun lamang ang gusto kong mga pasalamatan at laanan ng aking
portfolio.

You might also like