You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANGAN

NAME: SARAH MAE S. DE LOS REYES DATE: JANUARY 31, 2023


STRAND & SECTION: 12 ABM-C GURO: MS. DONNA MONTALBAN

REFLECTION PAPER

Napakalaking bahagi ng buhay natin ngayon sa


kasalukuyan lalo’t higit sa katulad kong mag aaral ang paggamit ng
social media. Makikita mo kaliwa’t kanan, saan ka man magtungo ang
talamak na paggamit ng mga gadgets. Ngunit sa laki ng bilang ng mga
taong gumagamit ng social media, kaakibat din nito ang mga suliranin
kaugnay nito. Kapalit ng mga magagandang naitutulong nito lalo’t higit
sa pag-aaral ng isang mag-aaral na kagaya ko ay ang mga
responsibilidad upang mas lalong mapakinabangan ito sa mas maayos
na paraan. Bilang isang mag-aaral o isa sa mga kabahagi sa mundo ng
social media, paano nga ba tayo magiging responsible at
makakapagbigay inspirasyon sa ating mga pino-post sa social media?

Ang pagbabahagi ng impormasyon sa panahon ngayon


lalo’t higit sa social media, ay hindi isang biro. Ang pagbabahagi ng
impormasyon ay may kaakibat na tuntunin bago ito maisagawa. Una
nating tatandaan sa pagbabahagi ng mga impormasyon ay ang maaring
maitulong o maging ambag nito. Ang mga impormasyon bang
ibabahagi natin ay makapagbibigay ng malinaw sa particular ng
usapin? Pangalawa ay ang kridibilidad at katotohanan ng mga
impormasyong nakapaloob dito, Mahalaga na dapat totoo ang mga
ibabahagi natin upang maiwasan ang kalituhan sa makababasa nito.
Isaisip din natin ang damdamin at mga magiging opinion at pagpuna
ng mga taong makakabasa ng mga ito. Ang pagbabahagi ng
impormasyon ay hindi lamang basta para sa sariling kapakanan bagkus
mas higit sa kapakanan ng lahat. Limitahan din natin ang ating mga
sarili sa pagpopost ng mga di nmn nararapat dahil lamang sa sariling
kapayapaan ng loob dahil lamang sa uso o napapanahon ito. Hindi sa
lahat ng oras ay kailangan nating sumabay sa ginagawa ng nakararami.
Mas makabubuti kung gagamitin natin ang social media sa mas
mahalaga at kapaki-pakinabang na bagay. Hindi naman natin
ipinagbabawal ang pagpopost, datapwat ito ay ating karapatan bilang
kasapi ng gawain na ito. Malaya tayong makakapagbahagi ng ating
saloobin, hinaing at anumang bagay tungkol sa buhay natin ngunit
parati nating isa isip na mas magiging mainam para sa lahat kung
gagamitin natin ito sa mas matalino at kapakipakinabang na paraan,
kung saan makikinabang ang nakararami mula dito.

Ang kaayusan sa mundo ng social media ay nagmumula sa


bawat isang gumagamit at kasapi nito. Mas mapapakinabangan natin
ang social media kung tayo ay magiging responsible, disiplinado, at
isinaalang alang ang kabutihan ng nakararami hindi lamang ng sarili.

You might also like