You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

Unang Markahang Pagsusulit sa ESP 5


Pangalan:_____________________________________________________________ Iskor:__________

Baitang/Seksyon: _______________________________________________________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
_____ 1. Ang pagsisiyasat sa mga nababasa o naririnig mula sa iba’t ibang sanggunian ay nakatutulong
upang alamin ang katotohanan. Anong katangian ang ipinamamalas nito?
A. Mapaghinala B. Mapanuri C. Matanong D. mausisa
_____ 2. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng pagiging mapanuri sa mga balitang napakinggan?
A. Naniniwala kaagad sa anumang balitang napakinggan.
B. Hindi papansinin ang balitang napakinggan dahil ikaw ay bata pa.
C. Tinitiyak na mayroong sapat na batayan ang balitang napakinggan.
D. Ibabalita agad ang mga impormasyon matapos marinig ang mga ito.
_____ 3. Narinig mo sa iyong kapitbahay na nabasa niya sa isang text message na magkakaroon ng
malakas na bagyo sa susunod na araw. Paano mo maipakikita ang iyong pagiging mapanuri sa
sitwasyong ito?
A.Hindi ko bibigyang-pansin ang kaniyang sinabi.
B. Ipagkakalat ko sa aking pamilya ang aking narinig.
C. Maghahanda ako ng mga kagamitan para sa paglikas.
D.Mangangalap muna ako ng sapat na impormasyon mula sa internet at telebisyon.
_____4. Ano ang kahalagahan ng pagbabasa sa mga mag-aaral na katulad mo?
A. Ang pagbabasa ay libangan lamang. C. Ito ay paraan upang maging kakaiba.
B. Ito ay daan upang lumawak ang kaisipan. D. Ito ay hakbang upang bumaba ang marka.
_____5. Nabasa mo sa internet na wala ng COVID-19. Bilang isang mapanuring mag-aaral, ano ang
dapat mong gawin matapos mo itong mabasa?
A.Ipagwawalang-bahala ang nabasang balita.
B.Ililihim sa mga kasamahan sa tahanan ang impormasyon.
C.Mangangalap ng sapat na impormasyon tungkol sa balita
D.Paniniwalaan ang balita at lalabas nang walang suot na facemask.
_____6. Ayon sa isang text message na iyong natanggap ay nanalo ka raw sa isang raffle draw. Agad
mong ibinigay ang lugar ng iyong tirahan bilang reply. Maituturing bang mapanuri ang iyong ginawa?
A.Opo, dahil nanalo po ako sa raffle draw na nabanggit.
B. Hindi po, dahil hindi ko po natanggap ang premyo.
C. Opo, dahil binasa ko po nang maayos ang text message na ipinadala sa akin.
D. Hindi po, dahil hindi ko po muna inalam kung may katotohanan po ito o wala.
_____7. Ano ang maaaring mabuting epekto ng pagsusuri mula sa nabasang impormasyon sa magasin?
A. Kalituhan B. Kaalaman C. Kapahamakan D. B at C
_____8. Sinigurado muna ni Irish na tama ang kaniyang napakinggan sa radyo tungkol sa mga hakbang
sa pagluluto ng adobong manok bago magluto. Alin sa mga hakbang na ito ang maaaring isagawa ni Irish
upang matiyak na tama ang kaniyang nakuhang impormasyon?
a. Pakinggan muna niya nang paulit-ulit ang impormasyong napakinggan sa radyo
b. Mangalap muna siya ng kaugnay na impormasyong napakinggan sa radyo
c. Magluto kaagad siya ng adobong manok batay sa napakinggan
d. Ibahagi niya sa kaibigan ang napakinggang impormasyon
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

_____9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagsusuri ng impormasyong napanood sa


telebisyon?
A.Hingin ang gabay ng mga magulang sa pagsusuri
B. Gayahin kaagad ang napanood sa telebisyon
C.Patayin ang telebisyon at huwag nang manood
D.Gamitin ang sariling pasya sa pagsusuri
_____10. Anong pagsusuri ang gagawin mo para malaman ang mabuting maidudulot ng panonood ng
pelikula?
a. Itanong sa mga magulang ang tungkol sa panonood ng pelikula.
b. Suriin ang pelikula ayon sa dami ng nanonood.
c. Gayahin ang lahat ng napapanood sa pelikula.
d. Manood na lamang ng pelikula nang walang sinasangguni.
_____11. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng di-mabuting epekto ng hindi pagsusuri ng
impormasyong nabasa sa internet?
A.pagkalito B. pagkakaisa C. pagkakaintindihan D. B at C

_____12. Nangolekta ka ng sapat na impormasyon sa mga lehitimong sites sa internet tungkol sa iyong
topic bago ka nag-ulat sa harap ng klase. Ang iyong ginawa ay nagpapakita ng anong pag-uugali?
A.maparaan B.mayabang C. mapagmataas D. mapanuri at matiyaga
_____13.Alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang maipakita ang iyong positibong saloobin sa
pakikinig?
A.Kontrahin ang anumang impormasyong narinig.
B.Ipamalita na mali ang impormasyong narinig.
C.Suriing mabuti ang impormasyong narinig. D. magalit sa impormasyong narinig
_____14.Alin sa sumusunod ang gagawin mo upang maipakita ang kawilihan sa pakikinig?
A.Kontrahin ang lahat ng iyong mapakikinggan.
B.Isapuso ang magandang bagay na iyong napakinggan.
C. pumalapakpak nang mahina habang nakikinig D.sumigaw nang malakas habang nakikinig
_____15.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng katapatan kaugnay ng kasabihang
“Honesty is the Best Policy”?
A.Nasira ni Andrea ang damit ng kaniyang ate kaya itinago niya ito upang hindi siya mapagalitan.
B.Sinamantala ni Jayjay ang pag-alis ng kaniyang inay upang makakupit ng barya sa pitaka
nito.
C.Nabasag ni Jerome ang plorera ng kaniyang nanay at agad niyang inamin ang kasalanang
nagawa.
D.Nakalabas ang mga alagang manok ng ama ni Eloy at sinisi niya ang kaniyang nakababatang
kapatid kahit siya ang may kasalanan.

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinahahayag at salitang MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_________16.Ang pakikipagtalakayan sa maayos na pamamaraan ay pagpapakita ng kawilihan at


pagkakaroon ng positibong saloobin.
_________17.Ang pagiging mahiyain sa pagtatanong sa klase ay pagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral.
_________18.Bilang mag-aaral na nagkamit ng ganitong parangal na “Batang Mahusay sa Pagbasa”,
inusap ka ng iyong guro na tulungan ang iyong kaklase upang mas matutong bumasa. Habang tinuturuan
mo ang iyong kaklase, nagalit ka sa kaniya dahil hinsi siya matuto.
_________19.Madalas kang pumasok na walang takdang-aralin dahil napapagod ka na sa maghapong
pagkaklase sa paaralan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

_________20.Ipinagagawa mo ang iyong takdang-aralin sa iyong ate upang ikaw ay makatulog nang
maaga.
_________21. May napanood na karahasan si Jerome sa TV, ginaya niya ito at nakasakit sa kanyang mga
kapatid.
_________22. Tuwing umaga ay nag-e-ehersisyo si Anna sa kanilang bahay. Ayon sa kanya, napanood
niya ito sa isang programa sa TV upang mapanatili ang maayos na kalusugan kahit nasa bahay lamang.
_________23. Dahil hindi makalabas ng tahanan ang mga tao ngayon, minabuti ni Grace na tulungan ang
kanyang ina sa pang araw-araw nitong gawain sa bahay.
_________24. Kumokopya na lamang ako sa internet para ipasa bilan aking proyekto.
_________25. Humuhingi ako ng dagdag na paliwanag sa aking guro kapag hindi ko maintindihan ang
aralin.

III.Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
_____26.Nakita mo na nangongopya ang iyong katabi sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbibigay-alam ko sa guro ang kaniyang ginagawa.
B. Hahayaan ko siya na ituloy ang pangongopya
C. Mananahimik na lamang ako at hindi magsusumbong sa guro.
D. Susuntukin ko siya dahil nangongopya siya sa akin.
_____27.Pinagsulat kayo ng guro ng isang sanaysay para sa EsP. Matapat ba ang iyong ginawa
kung kinuha mo ang iyong sagot sa internet?
A.Opo, dahil pinag-aralan ko ang copy and paste.
B.Hindi po, dahil hindi ko ito sariling likha o opinyon.
C.Opo, dahil tugma ang sagot ko sa ibinigay na gawain.
D.Hindi po, dahil hindi tugma ang sagot ko sa ibinigay na gawain.
_____28.Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng pagiging matapat na mag- aaral?
A.pagkopya sa sagot ng iba
B.hinahayaan na lamang na bumagsak sa mga aralin
C.pagpapagawa ng mga gawain sa nakatatandang kapatid
D. sinisikap na masgsagot sa abot ng makakaya
_____29.Nagkaroon ang inyong klase ng presentasyon para sa Buwan ng Wika ngunit hindi ka
nakatulong sa paghahanda. Ano ang iyong gagawin?
A. Liliban sa klase sa araw ng presentasyon.
B. Sisikaping pag-aralan ang presentasyon.
C. Hindi aakyat sa entablado para mag-present.
D. Magtatago na lamang sa loob ng silid- aralan.
_____30.Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa pagkakaisa?
A.Lumahok sa mga pangkatang gawain sa paaralan at barangay.
B.Lumahok sa mga pangkat ngunit magtago sa oras ng gawain.
C.Iwasan ang pagsali sa mga pangkatang gawain sa loob at labas man ng paaralan.
D.Balewalain ang mga pangkatang-gawain kahit palaging pinaalalahanan ng mga nakatatanda.
_____31.Nagbigay ng opinyon ang iyong kamag-aral tungkol sa presentasyon na inyong isasagawa para
sa araw ng inyong Christmas Party. Ano ang dapat mong gawin ikaw bilang lider ng inyong klase?
A. Aalisin ko siya sa aming pangkat.
B. Pagtatawanan ko ang kaniyang opinyon.
C. Tatanggihan ko ang kaniyang opinyon at sasabihin ko na hindi ito maganda.
D. Magpapasalamat ako sa kaniyang opinyon at gagawing bahagi ito ng mga pagpipilian.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

_____32.Ang sumusunod na mga sitwasyon ay nagpapakita nang maayos na pagtanggap ng opinyon o


puna maliban sa isa. Piliin ito.
A. Si Juan ay nagtanim ng sama ng loob sa kaniyang mga kagrupo kaya lumiban siya sa klase.
B. Si Ana ay nagpapasalamat sa ibinibigay na opinyon o puna ng kaniyang mga kaibigan.
C. Ginamit ni Jina ang opinyon o puna ng kaniyang guro upang pagbutihin ang kaniyang pag-
aaral.
D. Si Pedro ay naging bukas ang puso at isipan sa pagtanggap ng mga opinyon o puna ng
kaniyang mga kamag-aaral.
_____33.Hindi tinanggap ng iyong lider ang iyong opinyon tungkol sa inyong proyekto. Ano ang dapat
mong gawin?
A.Magsumbong ako sa guro. C.Ipagpipilitan ko ang aking suhestiyon.
B. Lumipat ako ng ibang grupo. D.Tanggapin ko nang bukal sa kalooban ang pasiya ng
grupo.
_____34.Napagsabihan ka ng iyong nanay dahil may mali kang nagawa. Ano ang iyong gagawin?
A.Maglalayas ako sa bahay. C.Lalo kong gagawin ang asal dahil pinagalitan niya ako.
B.Susundin ko ang kaniyang payo D.Magdadabog ako habang gumagawa ng gawaing-bahay.
_____35.Sinabihan ka ng iyong guro na kailangan mong magsanay pa sa pagbasa. Ano ang iyong
magiging reaksyon tungkol dito?
A.Magagalit ako sa aking guro. C.Titigil na ako sa pagpasok sa paaralan.
B.Liliban ako sa klase. D.Susundin ko ang kaniyang payo upang mas matuto pa ako sa
pagbasa.
_____36.Nagpatawag ng pagpupulong ang kapitan ng inyong barangay. Ito ay tungkol sa gaganapin na
Clean Up Drive sa inyong barangay. Paano mo maipakikita ang iyong pagsuporta sa gawaing ito?
A. Magtago sa loob ng bahay sa araw ng gawain.
B. Magpalista ngunit umuwi pagkatapos kumuha ng meryenda.
C. Magpalista at gampanan ang iaatas na tungkulin sa iyo sa araw ng gawain.
D.Magpalista at humingi ng bayad mula sa kapitan ng inyong barangay bilang pagtanggap sa
tungkulin.
_____37.Ikaw ang lider sa inyong pangkat na inatasang magsagawa ng programa para sa kalinisan ng
paaralan. Nagbigay ng opinyon si Carlo tungkol dito. Paano mo ipaliliwanag na ibang ideya ang gagamitin
sa proyekto at hindi maaari ang kaniyang opinyon?
A.Babalewalain ko ang kaniyang opinyon.
B.Kakausapin ko si Carlo na may halong pangungutya.
C.Pagtatawanan ko siya dahil hindi maganda ang opinyon niya.
D.Maayos kong kakausapin si Carlo tungkol sa kaniyang opinyon upang hindi sumama ang
kaniyang loob.
_____38.Nagkaroon kayo ng pag-uulat tungkol sa mga balitang inyong nabasa sa diyaryo o napanood sa
telebisyon. Ikaw ang napili na unang mag-uulat sa harap ng klase, ano ang gagawin mo?
A. Magtatago ako sa loob ng CR.
B. Hindi ako mag-uulat dahil nahihiya ako.
C. Matapat akong mag-uulat sa harap ng klase.
D. Hindi ako mag-uulat dahil hindi ako nagbasa ng diyaryo.
_____39.Nagboluntaryo kang magpahayag ng iyong sariling ideya o saloobin tungkol sa binasa ninyong
kuwento. Paano mo ito ipapahayag sa inyong klase?
A.Dadagdagan ko ang detalye sa kuwento kahit hindi ito ang nangyari upang gumanda ang
aking ibibigay na saloobin.
B.Ipapahayag ko ang aking ideya nang may kaunting kasinungalingan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

C.Pagalit kong ipapahayag ang aking saloobin upang paniwalaan ako sa klase.
D.Ipapahayag ko nang buong katapatan ang aking saloobin tungkol sa kuwento.

_____40.Tuwing umaga ay nanonood ka ng balita sa telebisyon. Madalas na ipahayag sa balita ang


tungkol sa kabutihang dulot ng pag-iwas ng mga kabataan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Paano ka magbibigay ng iyong opinyon sa balitang ito?
A.Ipamamalita ko na mali ang ipinahahayag sa balita.
B.Makikiisa ako sa panukalang ipinahahayag sa balita.
C.Magagalit ako sa tagapagbalita sa telebisyon.
D.Ipo-post sa social media ang aking masamang opinyon tungkol sa balita.
_____41.Inatasan kayo ng inyong guro na magsaliksik sa internet ng tungkol sa polusyon sa Pilipinas
ngunit ayaw mong maghanap ng impormasyon sa Google kaya sa Facebook ka na lang naghanap ng
mga impormasyon. Anong pag-uugali ang iyong ipinakita?
A.Pagbalewala sa panuto ng guro B.Walang kawilihan sa pagbabasa
C.Pagiging matapat sa sariling saloobin at kagustuhan
D.Pagiging mainipin sa pagbabasa at pagsusuri sa mga impormasyon
_____42.Alin sa sumusunod ang dapat mong kawilihan sa pagbabasa?
A. mga text messages sa cellphone
B. mga diyaryo o magasin
C. mga posts sa Facebook
D. mga videos sa YouTube
_____43.Nabasa mo sa isang magasin na maaari nang makahanap ng trabaho kapag nakatapos ng
Grade 12. Ano ang maaari mong gawin upang masabi na ikaw ay mapanuring mambabasa?
A.Hindi ko papansinin ang laman ng magasin.
B.Ipamamalita ko agad ito sa aking mga kamag-aaral.
C.Maghahanap o magsasaliksik ako ng iba pang impormasyon.
D.Magpapasya na hanggang Grade 12 na lamang ako papasok.
_____44.Nabasa mo sa diyaryo na nagtapon ng basura sa ilog ang mga tauhan ng isang kompanya na
nagdulot ng pagbaho sa inyong lugar. Ano ang iyong maaaring gawin tungkol dito?
A.Gagayahin ko ang aking nabasang balita.
B.Babalewalain ko na lamang ang aking nabasa.
C.Kukumbinsihin ko ang aking mga kaibigan na huwag gagayahin ang sinasabi sa balita.
D.Pagagalitan ko ang may-ari ng kompanya at sasabihin kong magsara na sila.
_____44.Ang sumusunod na mga pahayag ay nagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa o pagsusuri ng
mga impormasyon maliban sa isa. Piliin ito.
A.pagsasaliksik sa internet
B.pagbabasa ng mga diyaryo o magasin
C.panonood ng mga pelikula
D.pakikinig sa radyo o panonood sa telebisyon para sa mga updates
_____45.Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang nagpapahayag ng kawilihan sa pagbabasa?
A.Si Ana ay matiyagang nagbabasa ng mga aralin para sa susunod na klase.
B.Si Jose ay nagtitingin-tingin ng mga larawan sa aklat.
C.Nagbabasa si Marian habang nakikipagkwentuhan.
D.Nag-i-scroll sa Facebook si Peter upang humanap ng mga updates.
_____46.Nagtatalo sina Adrian at Sean tungkol sa kanilang nabasa sa internet. Paano nila
mapatutunayan kung ano ang tama sa impormasyong kanilang pinagtatalunan?
A. Patuloy silang magtalo dahil sa impormasyong nabasa.
B. Maging masaya na lamang sila sa impormasyong binasa.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

C. Panindigan na tama ang kanilang pagkaunawa sa binasa.


D. Magsagawa ng iba pang pagsasaliksik tungkol sa impormasyon.
_____47.Ano ang iyong mararamdaman o gagawin kung binigyan kayo ng proyekto tungkol sa pagsusuri
at pagsasaliksik ng mga artikulo tungkol sa mga naging pangulo ng Pilipinas?
A.Magagalit ako sa aking guro.
B.Matutuwa akong isagawa ang gawain.
C.Hindi ko na isasagawa ang proyekto dahil mahirap ito.
D.Ipagagawa ko ang proyekto sa aking nakatatandang kapatid
_____48.Bakit mahalaga ang pagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa?
A.Maraming magagandang larawan sa mga aklat.
B.Lahat ng mababasa sa internet ay may batayan at kailangang paniwalaan.
C.Ang pagbabasa ay isa sa mga paraan upang palawakin ang kaalaman at kaisipan.
D.Ang pagbabasa ay isang paraan upang ubusin at sayangin ang oras habang nasa paaralan at
tahanan.
_____49.Alin ang dapat panoorin ng batang katulad mo?
A.mga balita B.mga pelikula
C.mga posts sa Facebook D.mga awitin sa YouTube
_____50.Alin ang tamang paraan ng pagsasaliksik ng artikulo sa internet?
A.Basahin ang artikulo nang paulit-ulit.
B.I-copy and paste ang lahat ng artikulo.
C.Ipasuri ang artikulo sa mga nakatatandang kasapi ng pamilya.
D.Huwag pansinin ang sinasabi sa artikulo.

Inihanda ni:
Gng. Cecelia C. Aviles

Bb. Catrina A. Tenorio

Gng. Maria Guillerma B. Ondo


Guro – Baitang V

Binigyang pansin ni:

G. Romeo A. Landicho
Punong-guro I
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON
COGNITIVE DIMENSION

BAHAGDAN
PROCESS
Bilang ng Aytem

KINALALAGYAN NG AYTEM
Bilang ng Araw ng

UNDERSTANDIN

Mga Kasanayan sa
REMEMBERIN

EVALUATING

CREATING
APPLYING

ANALYZING

Pagkatuto/ MELCs
Pagtuturo

Napahahalagahan ang
katotohanan sa pamamagitan
ng pagsusuri sa mga: 12%
a. balitang
napakinggan 3
b. patalastas na 5 6 1
nabasa/narinig 4, 6 5
c. napanood na
programang
pantelebisyon
d. nabasa sa internet 2
Nakasusuri ng mabuti at di- 7 9
mabuting maidudulot sa sarili at 8 13
miyembro ng pamilya ng 11 10
12 16%
anumang babasahin,
5 8 14
napapakinggan at napapanood
a. dyaryo
b. magasin
c. radyo
d. telebisyon
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

e. pelikula
f. internet
Nakapagpapakita ng 10 16 18 20%
kawilihan at positibong 17 23
saloobin sa pag-aaral 19 25
20
a. pakikinig
21
b. pakikilahok sa pangkatang 22
gawain 24
c. pakikipagtalakayan
d. pagtatanong
e. paggawa ng proyekto
(gamit ang anumang
technology tools)
f. paggawa ng
takdang-aralin
pagtuturo sa iba
Nakahihikayat ng iba na

maging matapat sa lahat ng

uri ng paggawa

Nakapagpapakita ng 6 15 28 27 30 12%
26
29

matapat na paggawa sa

mga proyektong

pampaaralan 5

32 33 13
Nakapagpapatunay na 16%
mahalaga ang pagkakaisa sa 8 31
34
pagtatapos ng gawain
35 36 37

Nakakapagpahayag nang
may katapatan ng sariling 41
opinyon/ideya at saloobin
tungkol sa mga sitwasyong may 38
5 5 10%
kinalaman sa sarili at 39
pamilyang kinabibilangan Hal. 40
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

Suliranin sa paaralan 42
at pamayanan
Nakapagpapakita ng kawilihan
sa pagbabasa/ pagsuri ng mga
aklat at magasin
a. nagbabasa ng diyaryo araw-
araw
b. nakikinig/nanonood sa
telebisyon sa mga “Update”
o bagong kaalaman
c. nagsasaliksik ng mga
artikulo sa internet
Nakapagpapakita 10 8 47 43 16%
46 45 44
ng kawilihan sa pagbabasa/ 48 50
49
pagsuri ng mga aklat at
magasin
a. nagbabasa ng diyaryo araw-
araw
b. nakikinig/nanonood sa
telebisyon sa mga “Update”
o bagong kaalaman
c. nagsasaliksik ng mga
artikulo sa internet
100 %
KABUOAN
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS PROVINCE
JORGE B. VARGAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
SAMPALOC, TALISAY, BATANGAS

SUSI SA PAGWAWASTO

1.B 11.A 21.MALI 31.D 41.A

2.C 12.D 22.TAMA 32.A 42.B

3.D 13.C 23.TAMA 33.D 43.C

4.B 14.B 24.MALI 34.B 44.C C

5.C 15.C 25.TAMA 35.D 45.A

6.D 16.TAMA 26.A 36.C 46.D

7.B 17.MALI 27.B 37.D 47.B

8.B 18.MALI 28.D 38.C 48.C

9.A 19.MALI 29.B 39.D 49.A

10.A 20.MALI 30.A 40.B 50.C

You might also like