0% found this document useful (0 votes)
319 views24 pages

ESP Week 2

Ang aralin ay tungkol sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa. Ito ay nagbibigay ng halimbawa kung paano ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga sitwasyon ng pang-aabuso o karahasan sa kapwa. Ang mga mag-aaral ay gagawin ang mga aktibidad tulad ng paggawa ng graphic organizer, laro, at pagsulat ng kanilang natutunan upang mas mapalalim ang pag-unawa nila sa leksyon.

Uploaded by

Jimmy Coot
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
319 views24 pages

ESP Week 2

Ang aralin ay tungkol sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa. Ito ay nagbibigay ng halimbawa kung paano ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga sitwasyon ng pang-aabuso o karahasan sa kapwa. Ang mga mag-aaral ay gagawin ang mga aktibidad tulad ng paggawa ng graphic organizer, laro, at pagsulat ng kanilang natutunan upang mas mapalalim ang pag-unawa nila sa leksyon.

Uploaded by

Jimmy Coot
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

Aralin 12

KAPWA KO, MAHAL KO


Ang pagmamahal sa kapwa ay isang
kaugalian ng mga Pilipino. Tayong mga
Pilipino ay kilala sa pagiging “hospitable”
(matulungin sa kapwa). Katibayan nga ay
ang pagbibigay natin ng impormasyon sa
kinauukulan ng mga hindi magandang
pangyayari sa ating kapaligiran na
nasaksihan ng mamamayan.
Ano man ang kahihinatnan ng ating
pagmamalasakit ay hindi na natin
binibigyang pansin bagkus ang nasa isip
natin ay ang makatulong. At ito ay isang
bagay na nakalulugod sa Panginoong
ating sinasampalatayanan.
ALAMIN NATIN
• Manonood ng video clip.
• Sa napanood nating video ay binibigyan
tayo ng pagpipilian na ating isasabuhay.
Kayo ang bahalang pumili kung alin sa
tingin ninyo ang makabubuti para sa atin
at para sa ating kapwa.
ALAMIN NATIN
1. Anong masasabi ninyo sa inyong
napanood? Sa palagay ba ninyo ay
nabago sila ng sitwasyon?
2. Nararapat ba ang ginawa ng mga
tauhan sa video? Ibigay mo ang iyong
opinion. Isulat ang kasagutan sa
inyong kuwaderno at basahin sa harap
ng mga kamag-aaral. 
ALAMIN NATIN
3. Maaari ba kayong magbahagi ng
inyong sariling karanasan. Ilahad mo
nga ito sa klase?
ISAGAWA NATIN
• GAWAIN I
1. SURIIN ANG MGA LARAWAN

Batang nagtatrabaho
1. Gamit ang kuwaderno, gumuhit ng
graphic organizer

Mga sitwasyon na
nararapat
ipagbigay-alam sa
kinauukulan
3. Isulat sa bilog ang sitwasyon na dapat
ipagbigay-alam sa kinauukulan.
ISAGAWA NATIN
• GAWAIN II
Tayo’y maglaro ng Agaw mo,
sagot mo, puntos mo
1. Bumuo ng 2 pangkat, unang pangkat ay mga
lalaki at ikalawang pangkat ay mga babae na
binubuo ng 5 bata bawat pangkat.
2. Ang bawat bata ay mayroong bilang na 1-5.
ISAGAWA NATIN
3. Mayroong isang lider na maghahawak
ng panyo at siyang tatawag ng bilang
ng batang pupunta sa kanya at
aagaw ng panyo. Maaaring higit sa
isang bilang ang kanyang tatawagin.
ISAGAWA NATIN
4. Kung sinong bata ang makakuha ng
panyo ay hahabulin ng kalaban upang
tayain at agawin dito ang panyo at
siyang magkakaroon ng pagkakataong
makasagot kung ito ay hindi pa
dumadating sa kanyang tamang
pwesto.
ISAGAWA NATIN
5. Pabubunutin ang bata ng larawan
upang siyang makasagot sa tanong
nito.
6. Ang bawat kasagutan ay magkakaroon
ng puntos. Ang pinakamaraming
puntos ay siyang mananalo.
ISAPUSO NATIN
Batay sa video na ating napanood at
mga larawang nakita maaari nating
ipadama sa pamamagitan ng Pangkatang
Gawain an gating pagmamalasakit sa
kapwa.
 
ISAPUSO NATIN
Pangkat I - tula
Pangkat II - rhyme
Pangkat III - skit
Pangkat IV - awit
Pangkat V - pagbabalita
TANDAAN NATIN
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay
isang sitwasyon na napakahirap gawin
dahil ito ay kailangang may damdaming
nagmamahal. Lalo’t higit kung ito ay
kailangang ipagbigay alam sa
kinauukulan kung merong hindi
magandang kaganapan sa kanilang
buhay.
TANDAAN NATIN
Tulad na lamang ng nakita ninyo sa
video at sa mga larawan, mga batang
binubully, sinasaktan, pinagtatrabaho,
hindi pinag-aaral at iba pang karahasan.
Ngunit ito ay isang maka Diyos na
gawain, ang ipaabot sa kinauukulan ang
mga alam nating karahasan kahit alam
nating may masasaktan o magagalit sa
atin.
TANDAAN NATIN
Ang mahalaga ay malinis ang ating
kunsensya dahil alam nating natupad
natin ang ating misyon sa buhay. Ayaw
man nating gawin ang makialam pero
kailangan dahil ayon sa bibliya, “kapwa
natin ating pananagutan”.
ISABUHAY NATIN
Itala ang mga pangyayari ng
pagmamalabis sa kapwa na inyong
nalalaman at nagpakita ng
pagmamalasakit sa kapwa, sa
pamamagitan ng pagpapa-abot nito sa
guro, magulang, brgy. Opisyal o pulis.
KINAUUKULAN
ARAW PANGYAYARI (Guro, Magulang,
Bgy. Opisyal/Pulis

LUNES

MARTES

MIYERKULES

HUWEBES

BIYERNES
SUBUKIN NATIN
Unahan tayo at mananalo ako – Sa
pamamagitan ng laro ay mag-uunahan
ang mga bata na isulat ang kanilang
natutunan sa bituin na nasa tsart tungkol
sa mga pangyayari na ipinagbigay-alam
sa kinauukulan. Tatawag muli ng 2 grupo
upang mag-unahan sa pagsagot.
Mga sitwasyon na
nararapat
Ipagbigay-alam sa
kinauukulan
Batiin ang mga bata sa kanilang pakikiisa at
pagbibigay ng karagdagang kaalaman sa
araling natutunan.

You might also like