You are on page 1of 14

KAPWA KO,

MAHAL KO
Aralin 2
Ang pagmamahal sa kapwa ay isang
kaugalian ng mga Pilipino. Tayong mga Pilipino ay
kilala sa pagiging “hospitable” (matulungin sa
kapwa). Katibayan nga ay ang pagbibigay natin ng
impormasyon sa kinauukulan ng mga hindi
magandang pangyayari sa ating kapaligiran na
nasaksihan ng mamamayan. Ano man ang
kahihinatnan ng ating pagmamalasakit ay hindi na
natin binibigyang pansin bagkus ang nasa isip
natin ay ang makatulong. At ito ay isang bagay na
nakalulugod sa Panginoong ating
sinasampalatayanan.
•Anong masasabi ninyo sa inyong napanood?
•Nararapat ba ang ginagawa ng mga tauhan sa
video? Ibigay mo ang iyong opinion. Isulat ang
kasagutan sa inyong kuwaderno at basahin sa harap
ng mga kamag-aaral.
•Maaari ba kayong magbahagi ng inyong sariling
karanasan. Ilahad mo nga ito sa klase?
Suriin ang mga larawan:
Ano ang masasabi ninyo sa
mga larawang aking
ipinakita?
Gamit ang kuwaderno, gumuhit ng
graphic organizer

Mga sitwasyon na
nararapat
ipagbigay-alam sa
kinauukulan

• Isulat sa bilog ang sitwasyon na dapat ipagbigay-alam sa kinauukulan.


•GAWAIN 2
Tayo’y maglaro ng Agaw mo, sagot mo, puntos mo
• Bumuo ng 2 pangkat, unang pangkat ay mga lalaki at ikalawang
pangkat ay mga babae na binubuo ng 5 bata bawat pangkat.
•Ang bawat bata ay mayroong bilang na 1-5.
•Mayroong isang lider na maghahawak ng panyo at siyang tatawag ng
bilang ng batang pupunta sa kanya at aagaw ng panyo. Maaaring higit sa
isang bilang ang kanyang tatawagin.
•Kung sinong bata ang makakuha ng panyo ay hahabulin ng kalaban
upang tayain at agawin dito ang panyo at siyang magkakaroon ng
pagkakataong makasagot kung ito ay hindi pa dumadating sa kanyang
tamang pwesto.
•Pabubunutin ang bata ng larawan upang siyang makasagot sa tanong
nito.
•Ang bawat kasagutan ay magkakaroon ng puntos. Ang
pinakamaraming puntos ay siyang mananalo.
ISAPUSO NATIN
• Batay sa video na ating napanood at mga
larawang nakita maaari nating ipadama sa
pamamagitan ng Pangkatang Gawain an
gating pagmamalasakit sa kapwa.
•Pangkat I - tula
•Pangkat II - rhyme
•Pangkat III - skit
•Pangkat IV - awit
•Pangkat V - pagbabalita
TANDAAN NATIN
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay isang sitwasyon na
napakahirap gawin dahil ito ay kailangang may damdaming
nagmamahal. Lalo’t higit kung ito ay kailangang ipagbigay alam sa
kinauukulan kung merong hindi magandang kaganapan sa kanilang
buhay.
Tulad na lamang ng nakita ninyo sa video at sa mga
larawan, mga batang binubully, sinasaktan, pinagtatrabaho, hindi
pinag-aaral at iba pang karahasan.
Ngunit ito ay isang maka Diyos na gawain, ang
ipaabot sa kinauukulan ang mga alam nating karahasan kahit alam
nating may masasaktan o magagalit sa atin. Ang mahalaga ay
malinis ang ating kunsensya dahil alam nating natupad natin ang
ating misyon sa buhay. Ayaw man nating gawin ang makialam pero
kailangan dahil ayon sa bibliya, “kapwa natin ating pananagutan”.
ISABUHAY NATIN
Itala ang mga pangyayari ng pagmamalabis sa kapwa na inyong nalalaman at
nagpakita ng pagmamalasakit sa kapwa, sa pamamagitan ng pagpapa-abot
nito sa guro, magulang, bgy. Opisyal o pulis.

KINAUUKULAN
(Guro,
ARAW PANGYAYARI
Magulang, Bgy.
Opisyal/Pulis

LUNES
MARTES
MIYERKOLES
HUWEBES
BIYERNES
SUBUKIN NATIN
Unahan tayo at mananalo ako – Sa pamamagitan ng laro ay mag-uunahan ang mga bata
na isulat ang kanilang natutunan sa bituin na nasa tsart tungkol sa mga pangyayari na
ipinagbigay-alam sa kinauukulan. Tatawag muli ng 2 grupo upang mag-unahan sa
pagsagot.

Mga sitwasyon
na nararapat
Ipagbigay-alam
sa kinauukulan
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like