You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2

I. Layunin:

Banghay Aralin sa ESP-2


I. Layunin:
Pagkatapos ng 30 minutong
talakayan, ang mga mag-aaral
ay inaasahang
makamtan ang mga sumusunod.
Banghay Aralin sa ESP-2
I. Layunin:
Pagkatapos ng 30 minutong
talakayan, ang mga mag-aaral
ay inaasahang
makamtan ang mga sumusunod.
Pagkatapos ng 30 minuting talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang makamtan ang mga
sumusunod;

a. napahahalagahan ang pagmamalasakit sa mga taong biktima ng kalamidad


b. nakagagawa ng paraan o gawaing na nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga taong biktima ng
kalamidad.

c. nakikilala ang mga paraan o gawain na nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga taong biktima ng
kalamidad.

II. Nilalaman

a. Paksa: Pagmamalasakit sa kapwa (Mga biktima ng kalamidad)

b. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao pg. 137-146

c. Kagamitan: Larawan

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-Aaral


1. Pagsasanay
a. Panalangin
b. Pagbati

2. Balik Aral

Noon nakaraang linggo ating natalakay kung


paano tayo makapagmamalasakit sa paaralan at
pamayanan.

Magbigay nga muli ng mga halimbawa kung


paano natin naipapakita ang ating
pagmamalasakit sa paaralan at pamayanan

3. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating aralin tayo muna ay


mag lalaro.
Gusto niyo bang mag laro mga bata? Opo

Magaling kung ganun, may roon ako ipapakita sa


inyong mga larawan at may roon mga gulong
salita inyo lamang dapat gawin ay masdan ang
larawan at buoin ang gulong salita.

Naiintindihan bam ga bata?

Magaling kung ganun

Sa ating pag lalaro kung sino ang makakasagot ng


tama ay may roon matatanggap na premyo, kaya
handa na ba kayo mga bata?
Para sa unang larawan

BAGYO
ABGYO

BAHA
AHAB

LINDOL
DOLNIL

LANDSLIDE
SLIDELAND

GAPUPTKO GN KANBUL PAGPUTOK NG BULKAN

Base sa mga larawan na aking ipinakita ano sa


tingin niyo ang mga tawag sa mga pangyayaring
ito? Mga kalamidad po teacher

Tama magaling!

4. Paglalahad/talakayan

Ngayon mga bata masdan ninyo ang larawang ito


ano ang inyong napapansin o ano ang inyong
masasabi sa larawan?

Pagtutulungan po

Tama ito ay pagtulong o pagmamalasakit

Base sa larawan bakit kaya ginagawa ito ng mga


tao at saan kayo malimit makita ng mga ganito Para po makatulong sa kapwa
sitwasyon? Ito ba ay para kanino? Tuwing may mga biktima ng kalamidad
Sa mga tao po
Magaling!

Ngayon mayroon akong babasahing isang


maikling talata:

Tulong-tulong sa oras ng kalamidad

Pagkatapos ng landslide na nangyari sa Naga,


Cebu, maraming tulong ang dumating para sa
mga biktima nito.
Ang mga kalapit-bayan ng Naga City, Cebu ay
tumulong sa kawawang biktima sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga damit, pagkain,
matutulugan, tubig, pera at iba pang
pangunahing pangangailangan. Ang gobyerno rin
ay nagpaabot ng tulong lalo na sa pisikal at
mental na pangkalusugan.
Ganiyan tayong mga piilipino, sa hirap at ginhawa
sama-sama, tulong tulong at hindi nawawalan ng
pag-asa.

May roon isang box na may lamang mga tanong.

Ngayon kung inyong naintidihan ang aking binasa


na talata may roon akong mga katanungan
inihanda.
1. Saan nangyari ang landslide?
2. Paano ipinakita ng mga taga lapit bayan ng
Naga City, Cebu ang kanilang pagmamalasakit sa
mga nagging biktima ng landslide?
3. Kung ikaw ay nakatira din malapit sa lugar ng
mga biktima ikaw din ba ay mag bibigay ng
tulong?
4. Tama bang tulungan sila? Bakit?
5.Ito ba ay ilan sa mga paraan na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa mga biktima
ng kalamidad?

4. Pagpapahalaga

Ating Tandaan:

Kahit bata man, marami ka pa ring maaring gawin


upang makatulong at maipakita nag
pagmamalasakit sa mga biktima ng kalamidad.
Ilan sa mga ito ay ang pagbibigay ng pagkain,
inumin, pera, damit, mga gamit para sa pag-aaral,
laruan, mga gamit sa pagtulog, pagdamay sa
kanila, pagiging kaibigan, at higit sa lahat ang
pagdarasal para sa kanila.

Ilan ito sa mga maari niyong magawa mga bata


upang maipakita nyo ang inyong pagmamalasakit
sa inyong kapwa.

5. Paglalapat

Mayroon ako dito isa malaking puso at iba’t ibang


mga salita tukuyin kung ang mga salitang ito ba
ay nag papamalas at nag papakita ng
pagmamalasakit sa kapwa mga biktima ng
kalamidad, idikit ito sa loob ng puso.

1. Pag bibigay ng pagkain at tubig


2. Pagdadasal
3. Pagboboluntaryo
4. Pagbibigay ng mga damit
5. Pagbibigay ng gamot
6. Pagbibigay ng pera
7.Pagtatawanan ang mga batang biktima
8. Hindi pagtulong sa pagbibigay ng pagkain
9. Hindi pakikipag kaibigan
10.Pakikipagkaibigan

6. Pagtataya

Iguhit ang sa patlang kung ang pahayag ay


nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga biktima
ng kalamidad at kung hindi.

__1. Pagtatawanan ang mga batang marumi at 1.


maputik dahil sila ay nabahaan.
__2.Iipunin ko ang aking mga lumang damit, 2.
sapatos, tsinelas at laruan upang ibigay sa mga
batang nasa evacuation center. 3.
__3.Hahayaan ang mga biktima ng lindol na
manguha ng mga tira-tirang pagkain sa mga
basurahan na nasa palengke. 4.
__4.Ipagdarasal ko ang lahat ng mga biktima ng
kalamidad. 5.
__5.Hindi ko kakaibiganin ang mga batang
biktima ng kalamidad dahil sila ay mabaho.

Takdang Aralin:

Gumawa ng isang maikling dasal para sa mga biktima ng kalamidad.

You might also like