You are on page 1of 36

Kanais-nais na

Kaugaliang Pilipino

WEEK 1-DAY 1
Noong pasko, paano niyo
naipakita ang pagmamahal
sa kapwa?
Obserbahan ang larawan

Anong masasabi mo
sa larawan?

Kaaya-aya ba na pag-
uugali ang ipinakita ng
bata?
Ang mga Pilipino ay may likas na natatanging mga
kaugalian na ipinagkaiba niya sa ibang mga lahi. Ilan
sa mga katangiang nagpakilala sa mga Pilipino ay
ang pagtulong sa kapwa o pagbabayanihan, magiliw
na na pagtanggap sa mga panauhin, pagiging
masayahin, pagmamahal sa pamilya, at marami pang
ibang mabubuting kaugalian.
Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at tuklasin ang hiwaga
ng bayanihan.

Bayanihan sa Panahon ng Pandemya


Isang araw, nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyales ng
barangay sa pangunguna ng kanilang kapitan na si G. Rhalp
Vea. Isang proyekto ang kanilang napagkasunduang gawin
upang matulungan ang mga pamilya na nawalan ng
hanapbuhay dahil sa pandemya.
Naisipan ng kapitan na lumapit sa mga
may kayang mamamayan ng barangay
upang humingi ng donasyon na
makatutulong sa mga pamilyang
naapektuhan ng pandemya.
Marami ang tumugon sa naging proyekto ng barangay,
isa na rito ang pamilyang Mabunga na nagbigay ng mga
donasyon tulad ng bigas, de lata at hygiene kit. Maliban
sa kanila marami pang may-kayang pamilya ang
nakilahok at nagbigay ng tulong sa nasabing proyekto
dahil sa magandang adhikain nito. Ipinapakita lamang
nito na ang pagbabayanihan o pagtutulungan ng bawat isa
ay tanda ng pagmamahalan at pagmamalasakit sa kapwa.
Naunawaan mo ba ang maikling kuwento? Kung
gayon, iyong sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Sino ang nanguna sa pagpupulong?
2. Tungkol saan ang ginanap na pagpupulong?
3. Sino-sino ang mga naghandog ng donasyon para sa
proyekto?
4. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ng mga
mamamayang nagbigay ng donasyon para sa
proyekto ng kanilang barangay?

5. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon kung


ang pamilya niyo ay nakaluluwag din sa buhay?
Bakit?
Lagyan ng (/) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng kanais-nais na
kaugaliang Pilipino at (X) kung hindi. Isulat sa kuwaderno o sagutang papel
ang iyong sagot.

__________ 1. Laging nakikiisa sa


programa ng pamahalaan.
__________ 2. Tumutulong lamang kung
may kapalit.
__________ 3. Tumulong nang kusang-loob.
__________ 4. Tumulong lang minsan at hindi
na umuulit pa.
__________ 5. Isinasapuso lagi ang
pakikipagtulungan sa kapwa.
Paano mo maipapakita ang
pakikisama sa iyong kapwa?

Anong kaugalian ang dapat mong


taglayin upang maging maayos ang
pakikisama mo sa iyong kapwa?
Panuto: Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon at
sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel o kuwaderno.

1. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng Jollibee


habang kayo ay kumakain. Maraming pagkain ang nasa
inyong mesa sapagkat natanggap na ng iyong ina ang
kaniyang sahod. Batid mong hindi ninyo mauubos ang lahat
ng ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang
pagkain ang bata.
B. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger.
C. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita.
D. Paaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya
makita.
2. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May dala siyang
mabigat na bayong. Hirap na hirap siya sa pagbubuhat papunta sa
sakayan ng dyip. Ano ang iyong gagawin?
A. Lalampasan at hindi papansinin ang matanda upang makauwi agad
sa bahay.
B. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-uwi mo.
C. Magalang na kakausapin ang matanda na ikaw na ang magbubuhat
ng dala niyang bayong hanggang sa sakayan.
D. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.
3. Naliligo ang pamilyang Garcia sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si Josh.
May batang babae na naliligo malapit sa kanila. Maya-maya, nakarinig sila ng
tinig na humihingi ng tulong. Namumulikat ang paa ng batang babae kaya
nahihirapan siyang lumangoy. Ano ang posibleng gagawin ng pamilyang Santos?
A. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod siya dahil hindi naman nila
kaano-ano iyon.
B. Sasagipin at tutulungan ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano.
C. Sasabihan ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya.
D. Lalayo at ipagpapatuloy ang kanilang gawain.
4. Nadapa ang isang bata habang siya ay tumatakbo. Ikaw lamang
ang nakakita sa kaniya dahil hindi matao ang lugar na iyon. May dala
kang first aid kit sa iyong bag. Ano ang gagawin mo?
A. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa
bahay ninyo.
B. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan mo.
C. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang lunas ang sugat na natamo
sa kaniyang pagkakadapa.
D. Pagtatawanan ang bata at iiwanan siya.
5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na lutuan o kalan.
Ang bahay ng iyong kaibigan ay nadamay sa sunog samantalang hindi naman
nadamay ang inyong bahay. Sinabihan ka ng pamilya ng iyong kaibigan kung
maaaring makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang
inyong magiging tugon ukol dito?
A. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng pamilya ng iyong
kaibigan.
B. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay.
C. Sasabihin sa magulang na huwag silang patuluyin sa inyong bahay.
D. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.
Kanais-nais na
Kaugaliang Pilipino

WEEK 1-DAY 2
Balik-aral:
Lagyan ng (/) ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng kanais-nais na
kaugaliang Pilipino at (X) kung hindi. Isulat sa kuwaderno o sagutang papel
ang iyong sagot.

__________ 1. Laging nakikiisa sa


programa ng pamahalaan.
__________ 2. Tumutulong lamang kung
may kapalit.
__________ 3. Tumulong nang kusang-loob.
__________ 4. Tumulong lang minsan at hindi
na umuulit pa.
__________ 5. Isinasapuso lagi ang
pakikipagtulungan sa kapwa.
Suriin ang mga larawan.
Nagpapakita ba ang mga
ito ng mga kaugalian na
mayroon ang isang
Filipino?

Ano-ano ang mga


katangian na ipinakikita sa
bawat larawan?
Tingnan ang larawan;

Ano ang masasabi mo sa larawan?

Nagpapakita ba ito ng pakikilahok o pagtulong sa kapwa?


May mga katangian at kaugalian tayong mga
Pilipino na magpahanggang ngayon ay
naipakikita at nagagawa pa rin natin. Kilala
tayo dahil sa ating mga kaugaliang ito.
Karamihan sa mga kaugaliang ito ay
nagpapakita ng ating pagiging mabubuting
mamamayang Pilipino.
Bata pa lang tayo ay tinuturuan na tayo ng
ating mga magulang ng kahalagahan ng
pagkakaroon ng mabubuting kaugaliang
Pilipino na nagdudulot ng kabutihan at
magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ilan sa halimbawa ng mga kanais-nais na kaugaliang
Pilipino na naituturo sa atin ay ang mga sumusunod:

Ang pagbabayanihan o pagtutulungan sa oras ng


pangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad at
sakuna. Sa mga ganitong pagkakataon, ibinibigay natin
ang kahit anong tulong na maaari nating maipaabot sa
kapwa.
Ang malugod na pagtanggap sa kapwa at sa mga
panauhin kung saan ipinapakita natin ang pagiging
magiliw sa iba. Marami ang natutuwa sa ating mga
Pilipino dahil sa maganda tayong makitungo sa mga
bisita. Ipinamamalas natin sa ating mga bisita ang
kaginhawahang kaya nating ibigay habang sila ay
nasa ating tahanan.
Ang pagiging magalang sa lahat ng pagkakataon
lalo na sa ating magulang, kamag-anak, at
nakatatanda. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng
pagmamano at pagsasabi ng magagalang na salita
tulad ng po at opo. Kilala rin ang mga Pilipino sa
pagiging malapit sa pamilya.
Panuto: Basahin at piliin kung alin ang kaya mong gawin. Lagyan ng tsek (/)
ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay kaya mong isagawa bilang
pagpapakita ng magagandang kaugalian ng mga Pilipino at pagmamahal sa
bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

__________1. Sinusunod ko ang mga batas trapiko.


__________2. Nakikinig ako sa payo ng nakatatanda sa akin.
__________3. Nagbabasa ako ng diyaryo araw-araw.
__________4. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral.
__________5. Hindi ako nakikipag-away.
__________6. Inaalalayan ko ang mga nakatatanda sa
pagsakay ng bus.
__________7. Tumutulong ako sa pagbibigay-babala sa mga
tao kapag may parating na bagyo.
__________8. Tinatangkilik ko ang mga produktong Pilipino.
__________9. Nakikiisa ako sa programa ng mga kabataan sa
aming lugar.
__________10. Pinaghihiwa-hiwalay ko ang mga basurang
nabubulok at basurang di-nabubulok.
Si Mark ay nakikiisa sa proyekto ng “Tree
Planting”. Ano ang masasabi mo tungkol sa
pakikiisa ni Mark sa proyekto?

Bilang isang mag-aaral, paano mo


maipagmamalaki ang mga natatanging kaugalian
nating mga Pilipino?
Panuto: Kilala tayong mga Pilipino sa ating
magagandang kaugalian.
Nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan ang
karamihan sa kaugaliang ito. Tingnan ang mga
larawan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng larawan
na may kaugnayan sa mga kaugaliang nakalista sa
bawat bilang.
Lingguhang
Pagsusulit

WEEK 1-DAY 2
Catch-Up Friday

WEEK 1-DAY 3

You might also like