You are on page 1of 3

Mala-Masusing Banghay Aralin

Sa Pagtuturo ng Edukasyon Sa Pagpapakatao


Sa Ikaanim na Baitang

I: Mga Layunin
1. Matutukoy ang paraan ng pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa
2. Maipaliliwanag kung paano mapapanatili ang mabuting pakikipagkaibigan
3. Mailalahad kung paanong ang pagtulong ay magiging daan sa pakikipagkaibigan

II: Paksang Aralin


Paksa: “Kapuwa ko, Pinagmamalasakitan ko”
Sanggunian: Ugaling Pilipino sa makabagong Panahon 6 (pp. 51 - 53)
Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, Aklat (Ugaling Pilipino sa makabagong
Panahon)

III: Pamamaraan

A. Balik-Aral
Itatanong ng guro ang mga sumusunod hinggil sa mga tinalakay noong nakaraan:

Ano-ano ang iba pang paraan upang maipamalas ang pagmamalasakit sa kapwa?
Paano naipapakita ang pagmamalasakit sa may sakit?
Paano naipapakita ang pagmamalasakit sa may kapansanan?

Bagong Aralin

a. Pagganyak

Naranasiyan niyo na bang gumawa ng mga proyekto na ang layunin ay


makatulong sa kapwa?
Ano-anong proyekto ang mga ito?

b. Paglalahad

Ilalahad ng guro ang aralin “Kapuwa ko, Pinagmamalasakitan ko”


c. Pagtatalakay
Maraming paraan upang makatulong sa kapwa. Maaring sa mga simpleng paraan
at maaari rin naman sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga proyekto.

Ang mga sumusunod ay mga maaaring gawing proyekto upang makatulong sa


kapwa:

 Pagdo-donate ng mga gamit na hindi na ginagamit sa mga mas


nangangailangan

 Pakikilahok sa mga coastal clean-up

 Pagbibigay ng makakain sa mga nangangailangan

 Pagkakaroon ng community pantry

d. Paglalahat
Ang pagtulong o pagmamalasakit ay naisasagawa sa iba’t-ibang paraan:
-simpleng paraan
-pagsasagawa ng proyekto
-at iba pa

e. Paglalapat
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga larawan ay nagpapakita ng mga proyekto na
nagpapak ita ng pagtulong sa kapwa at (x) naman kung hindi.
_____1 _____2. ._____3.

_____4. _____5.

IV: Pagtataya

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng “puso” kung ito ay nagsasaad
ng pagmamalasakit sa kapwa at “bilog” naman kung hindi.

1. Sa tuwing may sakit ang nakababata kong kapatid ay pinupunasan ko ng


maligamgam na tubig ang kaniyang noo gamit ang bimpo.
2. Nagpapatugtog ako ng malakas kapag may sakit ang aking kapatid upang siya ay
sumaya.
3. Ibinibili ko ng mga masusustansiyang pagkain ang aking kapatid upang mabusog
siya.
4. Tinutulungan ko ang kapamilya ko o maging kaibigan na iabot ang mga
pangangailangan nila kapag sila’y may sakit o karamdaman.
5. Dinadalhan ko ng prutas at mainit na sabaw ang kaibigan kong may sakit.
6. Nakita mong nakapila sa likod mo ang aleng may saklay. Siya ay iyong pauunahin
sa pila.
7. Nakita mong malii ang direksiyong tinatahak ng mamang bulag. Siya’y iyong
pagtatawanan.
8. Nabasa mo sa anunsiyo sa inyong barangay na may patimpalak sa pag-awit at
tanging may mga kapansanan lamang ang maaaring sumali. Agad mo itong
ibinalita sa iyong mga kaibigan.
9. Pinalalakas mo ang loob ng kaibigan mong bulag sa kaniyang pagsali sa
pagpipinta sapagkat batid mong siya’y mahusay rito.
10. Tinulungan mong bumangon ang batang nakasaklay na nadapa.

V: Takda
Panuto: Umisip ng maaari mong gawin bilang proyekto kasama ang iyong mga kaibigan,
upang makatulong sa kapwa. Iguhit ito.

You might also like