You are on page 1of 2

Instructional Planning

Detailed Lesson Plan (DLP)


DLP No. Learning Area: ESP Grade Level: 5 Quarter: 1st Date:
Learning Natatalakay ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa Time & Duration: 50 mins.
Competency/ies: Naipakikita ang kahalagahan ng pagtulong at pagmamahal sa kapwa Code:
(Taken from the
Curriculum Guide)

Key Concepts/
Understandings to Naipakikita ang kahalagahan ng pagtulong at pagmamahal sa kapwa
be Developed
I. Objectives
A. Knowledge Natatalakay ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa
B. Skills Ilahad ang kahalagahan sa pag-aalaga sa sarili
C. Attitude Maging matulungin sa kapwa
D. Values Patutulungan sa kapwa
II. Content Di Ka Nag-iisa, May Kaakibat Ka
III. Learning Larawan ng taong nagbibisyo
Resources
IV. Procedures
A. Introductory Magpakita ng larawan sa mga mag-aaral na naglalahad ng iba’t-ibang sitwasyon kung paano nagsisimula ang
Activity bisyo.

B. Activity/ Magtanong sa mga mag-aaral : 1.Ano ang ginagawa ng mga kabataan sa larawan? 2.Sa inyong palagay tama
Strategy ba ang ginagawa nila? Bakit? 3.Kung makikita mo ang ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin? Bakit?
C. Analysis Base sa nakitang larawan may mga gabay na Tanong: 1.Ano ang saloobin mo sa bawat sitwasyon ?
2.Sa mga ganitong pagkakataon, mahalaga ba ang gabay at paalala ng kapwa o kabigan? Bakit?3.Ano ang magiging
hakbang mo upang matulungan ang mga batang katulad mo na iba ang tinitungong landas?4.Sa inyong palagay, kanino
kayo lalapit sa oras ng pagkalito sa mga desisyon o hakbang na dapat gawin? Bakit?5.Bakit mahalaga na lumapit sa kapwa
at humingi ng patnubay o tulong lalo na sa mga oras ng pagkalito?
6.Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga na tumulong tayo sa ating kapwa?
D. Abstraction Nabubuhay ang tao hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kanyang kapwa. Ang isa sa mga pangunahing
dahilan kung bakit tayo nabubuhay ay para maglingkod sa ibang tao at sa Diyos. Mahirap man o mayaman, may
kakayahan ang tao na tumulong sa mga nangangailangan. Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang tao na nasa
kanya na ang lahat. Ang mahirap ay hindi nangangahulugang wala na silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga
kaibigan. Wala ring taong sobrang yaman na hindi nangangailangan ng tulong ng iba.Ang pagiging bukas-palad ay
pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka ng bukal sa kalooban.

Ang mga gawa ni Mother Theresa, isang Santa mula sa Calcutta India, noong siya ay buhay pa ay likas na pagiging
bukas-palad. Hanggang sa huling mga sandali ng kanyang buhay ay tumulong siya sa mga may sakit at wala siyang
inasahang kapalit. Hindi kayamanan ang ibinahagi niya kundi ang kanyang oras, serbisyo, at pagmamahal, na maluwag sa
kaniyang puso. Ang kanyang mga gawain ay nagsilbing inspirasyon sa mga tao upang maging bukas-palad din sa
pakikisalamuha sa kanilang kapwa.

Ang pagtulong sa kapwa ay nagdududlot ng:

 kaginhawahan sa isang indibidwal


 nagpapataas ng pagpapahalaga sa sarili
 umaani ng pagmamahal at tulong ng iyong kapwa kapalit ng iyong ibinigay na tulong at pagmamahal
 nagbibigay inspirasyon sa mga tao
 nagpapapayapa sa kalooban ng tinulungan

E. Application Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at pumili ang tagapanguna.


1. Bigyan ng paksa/sitwasyon ang bawat tagapanguna upang talakayin sa bawat pangkat.
2. Ibahagi ang napag-usapan sa harap ng klase.
Paksa:Pangkat 1- Tapos na ang klase ni Victor. Bago siya umuwi, tumambay muna siya sa tindahan na malapit
sa paaralan. Nakita niya na naninigarilyo nang patago ang ilan niyang mga kaklase na di kalayuan sa tindahan.
Pasimple siyang tinawagan ng mga ito at niyaya na sumubok din.* Kung kayo si Victor ano ang gagawin nyo?
Pangkat 2- Napansin mo na ang kaibigan mong si Gerry ay madalas umuwi nang maaga at nagmamadali.
Bukod pa doon ay lagi rin siyang may kausap na matanda at may iniaabot sa kanya. Minanmanan mo siya at
natuklasan mong siya ay ginamit na daan ng matanda upang magbebenta ng droga.* Paano mo sasabihan si
Gerry bilang iyong kaibigan?
Pangkat 3- Niyaya ng iyong kaklase ang grupo ninyo sa kanilang bahay. Nagkataon na wala ang magulang niya
kaya naglabas siya ng alak. Inaya kayo na subukan itong tikman . Ayon sa kanya, masarap ang lasa nito dahil
nakikita niya na madalas umiinom ng alak ang kanyang ama. *Ano ang maipapayo mo sa kaklase mo? Sa
buong grupo?

F. Assessment Ipapaliwanag ng guro ang kahulugan ng pantomina (Maaaring ipakita ng guro kung paano ito ginagawa).
Ang bawat pangkat ay magpapantomina kung saan ay ipapakikita ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa at
ang magandang dulot nito upang maiiwas sa masamang bisyo ang kasamahan.
G. Assignment Isulat ito sa kwaderno at sagutan:1.Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa?2.Ano ang nararamdaman ng
isang nakatulong sa kapwa?

H. Concluding Maaari ba natin itong isa-puso at isa-isip sa lahat ng panahon?


Activity
V. Remarks
VI. Reflections

Prepared by:
Name: Yvone B. Alferez School: Bacay Elementary School
Position/Designation: Teacher 1 Division: Cebu Province
Contact Number: 09755039949 Email Address: vonzkhi_alferez@hotmail.com

You might also like