You are on page 1of 7

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Pangalan ng PSTeacher: Emily M. Cabasag Taon at Seksyon: Grade 8 Loyalty - ESP
Araw at Oras: November 17, 2022 @ 2:30 - 3:30 pm

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 nauunawaan ang konsepto ng kapwa at pakikipagkapwa;
 naiisa-isa ang kahalagahan ng pakikipagkapwa; at
 nakagagawa ng hakbang o paraan para sa pagpapabuti ng ugnayan sa kapwa

II. Paksa:
Aralin 7: Ako at ang Ibang Tao, Kapwa-Tao

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo


LED TV, laptop, PPT Presentation
Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (pp. 136 – 155)

IV. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PAGHAHANDA (5 minutes)
1. Panalangin
 Magsitayo ang lahat para sa ating  Mahal naming Panginoon salamat sa
panalangin. bagong araw na inyong ipinagkaloob sa
amin. Gabayan nyo po kami sa aming
pag-aaral. Amen.

2. Pagbati
 Magandang hapon sa lahat!  Magandang hapon po Ma’am.
 Magsi-upo ang lahat.  Salamat po Ma’am.

3. Pagtatala ng lumiban sa klase


 Sino sa inyu ang lumiban sa klase  Wala po Ma’am!
ngayon?
 Klap!
Mabuti! Bigyan ng isang bagsak ang
inyong mga sarili.

4. Pamantayan  Opo Ma’am!


Inaanyayahan ko ang partisipasyon
ng lahat sa ating aralin ngayon, maari
po ba?

1
B. Panlinang na Gawain
Paganyak: (5 minutes)
Tanong: Noong kindergarten pa kayo,  Opo Ma’am
naaalala nyu pa ba ang sagot ninyo sa tanong  Gusto ko maging Pulis, para makatulong
na: Ano ang gusto mo maging paglaki mo? sa kapwa,
 Gusto ko maging Titser, para makatulong
sa kapwa
Sino ang iyong kapwa?  Gusto ko maging Doktor, para
Video Clip: The Good Samaritan makatulong sa kapwa

C. Paglalahad ng Paksa:
Ang ating Paksa ngayon ay tungkol sa:
Ako at ang ibang Tao, Kapwa-Tao
na makikita sa pahina 136 ng inyong
Batayang Aklat sa Edukasyon sa
Pagpapakatao - 8

Inaasahan na pagkatapos ng ating aralin kayo


ay: 1. nauunawaan ang konsepto ng kapwa at
pakikipagkapwa; 2. naiisa-isa ang
kahalagahan ng pakikipagkapwa; at 3.
nakagagawa ng hakbang o paraan para sa
pagpapabuti ng ugnayan sa kapwa.

D. Pagtatalakay
ACTIVITY: (5 minutes)
Gumawa ng tatlong grupo at gawin natin ito:
“Paint me a Picture”
Ipakita kung ano ang inyong gagawin at kung
ano ang inyong mararamdaman sa sitwasyon,

G.1 - Naligaw sa isang lugar at magtatanong


ng direksyon

G.2 - Nasa isang pagtitipon ka ngunit walang


dumalo sa mga kaibigan mo

G.3 - Mayroon kang problema at wala kang


pamilya o kamag-anak na matatakbuhan

Pumili ng isang lider bawat grupo na siyang


magpapaliwanag ng inyon larawan.

2
ANALYSIS: (5 minutes)
Tanong:  Mahalaga ang kapwa dahil sa oras ng
Gaano kahalaga ang iyong kapwa? pangangailangan mayroon kang
malalapitan

Ano, ano ang kahalagahan ng pakikipag-  Mahalaga ang pakikipag-kapwa dahil


kapwa? hindi tayo nabubuhay para sa sarili lang
natin. Kailangan natin ng ibang tao.

Bakit sinasabing ang pakikipagkapwa ay  Likas sa ating mga Pilipino ang


kalakasan at kahinaan din ng mga Pilipino pakikipagkapwa pinapahalagan natin ang
ating kapwa gaya ng ating sarili, ngunit
minsan naging kahinaan natin ito lalo na
halimbawa kung may handaan, kahit wala
ABSTRACTION: (15 minutes) tayong pera mangungutang tayo para lang
Pakikipagkapwa: Kahulugan at may maihanda
Kahalagahan

Etikal na Pagpapakahulugan sa Kapwa at


Pakikipagkapwa
Kapwa - tumutukoy sa mga tao sa isang
panlipunang kapaligiran.

Dr. Manuel Dy Jr. (2010) isang propesor ng


sosyolohiya at pilosopiya - ang tao ay
panlipunang nilalang, ginagawa at iniisip niya
ang mga bagay maging ang pagpapaunlad ng
sarili mula sa kapwa at para sa kapwa

Ang Pakikipagkapwa - ay nangangailangan ng


diyalogo, pagmamahal, at katarungan paraan
para mabuo ang sariling pagkatao.

diyalogo - makikipag-usap na may buong


katapatan at may pagkilala at pagtanggap sa
pagiging bukod-tangi niya bilang tao.

pagmamahal - sa pamamagitan ng
pagmamahal matatanggap natin ang iba
kasama ang kahinaan at pagkukulang

katarungan - pagbibigay sa kapwa ng


nararapat sa kaniya
Ang Kapwa at Pakikipagkapwa sa
Kulturang Pilipino

3
Virgilio Enriquez (1994) kilalang
sikolohistang Pilipino
Kapwa - tumutukoy sa pagiging pantay at
pagkakaroon ng nagkakaisang pagkakakilanlan
(shared identity) ng dalawang tao.

Landa Jocano at Serafin Talisayon


(kilalang awtor at sosyolistang Pilipino)
- ang mga Pilipino ay may Groupist
Orientation - binibigyang kahulugan niya ang
kaniyang sariling pagkakakilanlan batay sa
kaniyang pangkat at kinabibilangan.

Antas ng Ugnayan at Pakikipagkapwa


1. Pakikitungo - pinakababang antas ng
pakikipagkapwa, nagnanais ng maayos na
ugnayan sa iba

2. Pakikisalamuha - napapalalim ng bahagya


ang pakikitungo sa pamamagitan ng mga
maikli at kaswal na pakikipag-usap

3. Pakikilahok - nakikita o nakikilahok na sa


mga gawain ng ibang tao gaya ng pagdalo sa
isang pagtitipon at programa.

4. Pakikibagay - pagpapakita ng interes o


pagkawili sa mga gawain ng ibang tao (e.g.
paglilinis ng sariling bakuran)

5. Pakikisama - kusang pagsama sa mga


gawain ng iba kahit hindi pa lubusang
nauunawaan o nagugustuhan ito

6. Pakikipagpalagayang-loob - pagbubukas
ng sarili at pagbibigay ng tiwala sa kapwa na
makikita sa pagbabahagi ng mga personal na
impormasyon ukol sa sarili

7. Pakikisangkot - maituturing ang kaniyang


sarili bilang kalahok o kasama sa anumang
suliranin, layunin, o gawain ng kaniyang
kapwa

8. Pakikiisa - itunuturing ang sarili na hindi na


iba sa kaniyang kapwa at iisa ang kanilang

4
suliranin, layunin o gawain.

Dalang kategorya ng pakikipagkapwa ayon


kay Enriquez (1994)
-Ibang tao- ang unang limang antas ng
ugnayan ay itinuring na “iba” dahil sila ay
hindi pa ganap na kabilang sa pangkat ng mga
tao na iyong pinagkakatiwalaan.

-Hindi ibang tao - kabilang sa pangkat na may


nagkaisang damdamin at kaisipan (e.g.
pamilya, matatalik na kaibigan), iisang
identipikasyon at pagkakatulad ng layunin.

Mga Paraan sa Pagpapaunlad ng


Pakikipagkapwa :

1. Magpakita ng interes sa pakikipag-usap sa


ibang tao

2. Ngumiti

3. Matutong magpahalaga sa iba

4. Alalahaning hindi palaging ikaw ang tama

5. Makinig

6. Igalang ang pagkatao ng iba

7. Matutong magpatawad

8. Maging matapat at makatarungan sa


pakikipag-ugnayan sa kapwa

Kahalagahan ng Pakikipagkapwa
Pakikipagkapwa - nagbubunga ng
magagandang resulta para sa pag-unlad ng
sarili.

APPLICATION: (5 minuto)
Pagnilayan kung paano mo higit na

5
mapabubuti ang iyong pakikipagkapwa.
Sagutan ang rubric sa pahina 152 ng inyong
aklat.

Taong nais
magkaroon ng
Paraan Paano isasagawa
mabuting
ugnayan
1. Magpakita Halimbawa: Halimbawa: Taong nais
ng interest na Baong Itatanong ang magkaroon ng
Paraan Paano isasagawa
makausap kapitbahay kaniyang pangalan mabuting
ugnayan
2. Ngumiti 1. Magpakita ng Halimbawa: Halimbawa:
3. Magpahalag interest na Baong kapitbahay Itatanong ang
a sa iba makausap kaniyang pangalan
4. Aminin ang
pagkakamali 2. Ngumiti Nakakasalubong Ngingiti kapag
5. Makinig sa daan may
6. Igalang ang nakakasalubong
iba kahit hindi kakilala
7. Magpatawad 3. Magpahalaga Aking pamilya Sa bawat gagawin
8. Maging sa iba ko iisipin ko ang
matapat kanilang
kapakanan
4. Aminin ang Sa aking mga Hihingi ako ng
pagkakamali magulang tawad kapag ako ay
nagkamali sa
kanila
5. Makinig Sa kaibigan ko Makikinig ako sa
mga bagong idea
na makakatulong
sa akin
6. Igalang ang Mga guro Makikinig ako sa
iba aking guro habang
nagtuturo paraan
ng aking pagalang
7. Magpatawad Mga nagkasala sa Patatawarin ko ang
akin mga taong nanakit
at nagkasala sa
akin
8. Maging Sa lahat ng tao Magiging matapat
matapat ako sa lahat ng tao
sa salita man o sa
gawa

V. PAGTATAYA (5 minuto)
Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang pakikipagkapwa ay nangangahulugan ng a.


a. pag-aalay ng sarili para sa pag-unlad ng pagkatao ng kapwa
b. pagtanggap sa katotohanan na kailangan ng mga tao ang isa’t isa
c. pagkilala sa nagagawa ng kapwa para sa sariling pangangailangan

2. Ang konsepto ng kapwa sa kulturang Pilipino ay nagpapakita ng pagkilala sa b. .


a. pagiging bahagi ng isang tao sa pangkat
b. pagkakaisa ng pagkakakilanlan para sa kabutihang panlahat
c. pagiging kaisa ng isang tao sa mga layunin at suliranin

6
3. Ang kapwa ay maituturing na hindi “ibang tao” kapag a.
a. ang kanilang layunin o suliranin ay iyong nauunawaan
b. nakikitungo sa kanila upang maging bahagi ng kanilang pangkat
c. may pagnanais kang dumamay o tumulong

4. Mahalaga ang pakikipagkapwa sapagkat a.


a. napauunlad nila ang ating pagkatao
b. naibibigay nila ang ating mga pangangailangan
c. naipapakikita natin sa kanila ang ating mga kakayahan

5. Ang pinakamababang antas ng pakikipagkapwa ay ang c. .


a. Pakikisalamuha
b. Pakikilahok
c. Pakikitungo

VI. TAKDANG ARALIN


Sa iyong isinulat sa pahina 152, pumili ng isa at gawin ang paraan sa taong tinukoy. Ilahad
ang inyong kaisipan, damdamin at karanasan sa inyong journal.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

EMILY M. CABASAG RUBEN JAY DEGABI


Pre-service Teacher FS 2 – Resource Teacher

You might also like