You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Program (HGP) Baitang Grade 10

W1
Markahan Ikatlong Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN PAGGANAP KO SA TUNGKULIN KO, PARA SA SARILI AT PARA SA KAPWA


II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Nagagampanan ang mga tungkulin para sa sarili at sa kapwa.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Perform duties for oneself and for others. HGJPS-IIIc-8
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nailalapat ang kakayahang protektahan ang sarili at ang iba tungo sa mabisang
mga paraan ng paglutas ng problema (Apply the ability to protect oneself and
others toward effective ways of problem-solving)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Sa nakaraang aralin, natukoy at napahalagahan mo ang mga aral na natutunan sa paaralan at pamayanan upang
mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay. Nakapagbahagi ka rin ng mga paraan kung paano mo isinagawa nang
mahusay ang mga kaalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Inaasahan sa aralin na ito na mapahahalagahan at makapagbabahagi ka ng mga paraan kung paano mo isasagawa
ang mga angkop na kilos sa pagganap sa tungkulin para sa sarili at para sa kapwa. Ang tungkulin ay mga bagay na iniatang
sa iyo upang iyong gampanan. Inaasahan na gagampanan mo ang mga responsibilidad na ipinagkatiwala sa iyo upang
makatugon sa kaganapan ng bawat adhikain.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)


Pamilyar ka di ba sa “Panatang Makabayan”?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang “Panatang Makabayan”. Sagutan ang mga kasunod na tanong sa iyong
sagutang papel.

PANATANG MAKABAYAN
Iniibig ko ang Pilipinas, aking Lupang Sinilangan.
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungan
upang maging malakas, masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap at
pagsisikap sa bansang Pilipinas
Mga tanong:
1. Anong tungkulin ang dapat tuparin?
2. Bakit mahalagang tuparin ang mga tungkuling nabanggit sa taas?
3. Paano mo natutupad ang mga binanggit na tungkulin sa Panatang Makabayan?

Habang lumilipas ang panahon, kasabay ng iyong pag-edad ay ang dagdag na gawain ang naiaatang sa iyo na
dapat tuparin sa iyong sarili at sa kapwa. Mga gawin sa paaralan, sa tahanan,obligasyon sa sambahan, at pamayanan.
Marahil sa mga pagkakataon na ikaw ay nakararamdam na ng pagod, tinatanong mo na ang iyong sarili kung paano na
ang iyong katawan. Ngunit sabi nga sa isang linya ng awitin,” Ganyan talaga ang buhay...”.
Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Maisasagawa
nang maayos ang mga tungkulin sa paggawa ng mabuti sa kapwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan
kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo.

1. Ang Tungkulin sa Sarili.


a. Makiisa ka sa iyong pamilya at sa paaralan sa pagpapaunlad ng iyong talento at kakayahan. Isa ito sa mahalagang
bahagi sa pagbuo ng iyong sarili at sa iyong pag-unawa sa dahilan ng iyong pagkalalang.
b. Pagyamanin ang mga hilig sa makabuluhang paggamit nito. Maaaring gamitin ito upang maihanda ang iyong sarili
sa isang kursong gusto mo sa kolehiyo o kaya naman ay tumulong ka sa paaralan upang magturo sa mga kapwa mo
mag-aaral na hindi marunong gumamit ng kompyuter.
2. Ang Tungkulin Bilang Anak.
Mahalagang maunawaan mo ang halaga ng pagbuo ng isang magandang ugnayan sa iyong mga magulang.
Hangad nila ay ang mabuti at makakatulong sa iyo sa pagharap sa hamon ng buhay. Tungkulin mong sila ay mahalin,
igalang at pagkatiwalaan.

3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid. Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay makatutulong upang matuto kang
makitungo nang maayos sa iyong kapwa.

4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral. Ang high school ang pinaka-daynamikong yugto sa iyong buhay. Gamiting gabay ang
mga sumusunod:
a. Mag-aral nang mabuti. Ang pagbuo ng mga magandang gawi sa pag-aaral ang makatutulong upang mas mahasa
mo ang iyong kakayahan at mailabas mo ang iyong mga potensyal.
b. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto. Ito ang tutulong sa iyong isip upang gumana nang maayos. Walang
mahirap sa isang taong nagpupursigi at may dedikasyon.
c. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip. Gamitin ito upang hanapin ang katotohanan, sa pakikinig at pagtimbang
sa opinyon ng iba at sa pagiging kritikal sa mga inihaing ideya.
d. Wastong pamamahala ng emosyon. Ito ay kaugnay ng maunlad na pakikipag-ugnayan.

5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan/Bilang Mamamayan. Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon sa
kanyang mga tungkulin para sa kapakanan nito. Bilang kabataan may tungkulin ka na:
a. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan;
b. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang miyembro nito;
c. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan;
d. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan upang maiparating sa mga pinuno ng
pamayanan;
e. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan;
f. Sumasali sa mga samahang pangkabataan, kung saan ilalaan ang sarili bilang maging mabuting tagasunod kung hindi
man maging mabuting pinuno at;
h. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa kanilang mga proyekto.
”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang.
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya. ”
Mula sa isang awit, ipinauunawa sa atin ang kahalagahan ng pagtugon sa ating mga tungkulin bilang mga nilalang ng
Diyos. Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng tao. Ito ay dahil likas ito sa tao. Ang taong
tumatalikod dito ay maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad na walang ulo (Alejo, 2004, hinango sa
phsedukasyonsapagpapakataogr7.modyul-4). Kaya habang maaga simulan mo ng tumugon sa iyong mga pananagutan -
lalo na sa pagtugon sa pinakamahalagang tungkulin ng tao: ang pagkamit ng kaganapang pansarili, hanapin ang
kabanalan, upang makaalam, magmahal at maglingkod sa Diyos nang malaya. Ang hamong ito ay hindi madali. Ngunit
dapat kang kumilos upang tugunan ito. Mahalagang tuntungan ito patungo sa susunod na yugto ng iyong buhay. At ang
tagumpay mo sa mga susunod pang yugto ang pundasyon ng paghubog ng iyong pagkatao. Sa hamon na ito sa yugtong
ito, tutugon ka ba?
Sa mga konseptong nabanggit, tiyak na naintindihan mo na kung paano mo maisasagawa ang mga angkop na kilos
sa pagganap sa tungkulin para sa sarili at para sa kapwa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo sa babasahin? Sagutin ito sa pamamagitan
ng paglikha ng concept web katulad ng nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

TUNGKULIN

Mga tanong:
1. Ano-anong kaalaman ang nahinuha mo sa babasahin? Isa-isahin at ipaliwanag.
2. Bakit mahalaga na maisagawa ang mga tungkulin na binanggit sa taas?
3. Paano mo isasagawa ang mga angkop na kilos sa pagganap sa tungkulin para sa sarili at para sa kapwa?
4. Makakatulong ba ang kaalamang ito sa pagtugon sa kaganapan ng iyong adhikain?
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)
Batay sa natutunan mong konsepto, ngayon naman makapagbabahagi ka na kung paano mo maisasagawa ang
iyong tungkulin sa sarili at sa kapwa gamit ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa sumusunod na sitwasyon sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Naghahanda na sa pagpasok sa paaralan si Ariel, nang siya’y paalis na nang bahay ay naalala niya na may
takdang aralin pa siya na dapat gawin na kung saan ito ay kailangan na ipasa sa kanilang first period class. Kung
ikaw si Ariel, ano ang iyong gagawin sa pagkakataong ito?
_____________________________________________________________________________________________________________
2. Pauwi na si Agnes mula sa huli niyang klase. Bilin ng kanyang ina ay umuwi agad ito ng bahay upang tumulong sa
gawaing bahay. Nagkayayaan ang mga kaibigan niya na pumunta sa birthday ng kanilang kaklase. Ano ang
gagawin mo sa pagkakataong ito kung ikaw si Agnes?
____________________________________________________________________________________________________________
3. Si Mika ay panganay sa tatlong magkakapatid. Bilang panganay, siya ay madalas napagbibilinan ng kanyang nanay
na tutulungan ang mga kapatid sa paggawa ng mga Learning Modules nila. Madalas ikaw ay maraming assignments
at learning activities na ginagawa. Ano ang iyong gagawin sa pagkakataong ito?
_______________________________________________________________________________________________
4. Nagbigay ng Learning Tasks sa klase ang lahat ng inyong guro. Sa hindi maiiwasan na pagkakataon ay nagkasabay
sabay ang petsa ng pagpapasa nito. Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo upang mapamahalaan ang
sitwasyon na ito?
______________________________________________________________________________________________________________
5. Isang araw habang ikaw ay naglalakad pauwi sa inyong bahay, may nakita kang nakahandusay sa kalsada at
walang malay. Paglapit mo sa kaniya ay namukhaan mong siya ang kapitbahay mong si Aling Milagros na laging
gumagawa ng tsismis sa iyong pamilya. Ano ang dapat mong gawin?
________________________________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Bumuo ng Akrostik gamit ang salitang TUNGKULIN sa pamamagitan ng pagsulat ng mga
pangungusap na nagsisimula sa bawat letra ng salitang ito. Ang mga pangungusap na ito ay dapat naglalahad ng
kahalagahan ng pagganap ng tungkulin sa sarili at sa kapwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel gamit ang pormat sa
ibaba.

T
U
N
G
K
U
L
I
N

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Sa iyong sagutang papel, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Mula ngayon nauunawaan ko na ang ___________________.


Nalalaman ko na ________________________.
Kaillangan kong higit pang matutunan ang tungkol sa __________________.
V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsyon bilang gabay sa iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko maunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3
Bilang 2 Bilang 4

VI. SANGGUNIAN Edukasyon sa Pagpapahalaga 7, Modyul 4 pahina 91-114


https://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-4.html

Inihanda ni: Sinuri nina: GENALIN V. CEBALLO, Ph. D.

JENNIFER M. DALANGIN MA. VICTORIA MAGAYON, Ed.D.

You might also like