Professional Documents
Culture Documents
Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO
Self-Instructional Packets
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikaapat na Markahan – Ikaapat na Linggo
(SIPacks)
Mungkahing Timeline sa Pagsagot ng SIPacks sa ESP 10
BAWAT LINGGO
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Alalahanin
bagong aralin Sagutan
Unang B. Paghahabi ng layunin sa aralin
Basahin
Araw (Ano ang inaasahang Maipamamalas Mo?)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sagutan
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
Ikalawang bagong kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman, Sagutan
Kakayahan at Pag-unawa)
Araw
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
Sagutan
bagong kaalaman #2 (Integration of GMRC)
Ikatlong Basahin at
F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim)
Araw Unawain
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Ikaapat Sagutan
(Pagsasabuhay)
na Araw H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang
Pag-isipan
Konsepto)
Ikalimang I. Pagtataya ng Aralin (Pagganap/Pagninilay) Sagutan
Sagutan ayon sa
Araw J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin
pangangailangan
1
Gawain 2: Pagsusuri ng Sitwasyon
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at magtala ng mga maaaring mong gawain
o ang iyong magiging pasiya. Tukuyin kung ano ang naging batayan sa pagbuo ng
pasiya. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
2. Tinanong ka ng iyong
Tiyahin kung nais mong
kumita ng pera at ipinakita sa
iyo ang isang malaswang
video na ayon sa kaniya ay
kailangang gayahin mo. Ano
ang iyong magiging tugon sa
kaniya?
2
3. Kung may mga kapwa kabataan kang nahaharap sa parehong sitwasyon, ano
ang iyong maipapayo sa kanila?
3
magmuni-muni, at pumili nang malaya. May likas na kakayahan siyang hubugin at
paunlarin ang kaniyang sarili gamit ito.
Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatang umunlad sa
paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang
paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat.
Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkuling ituring ang iyong kapwa
bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad. Mapangangalagaan ang tunay
na dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat taong kaugnay ng Diyos.
SEKSWALIDAD
Ito ay kaloob ng Diyos sa tao. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa sa
layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang dahilan
kung bakit nilalang tayo ng Diyos. Nararapat na gamitin sa mabuti ang mga
kakayahang sekswal kabilang na ang ating katawan.
Dalawang layunin ng sekswal na faculdado ng isang babae at lalaking
pinagbuklod ng kasal o pag-iisang dibdib:
1. Ang magkaroon ng anak (procreative)
2. Mapag-isa (unitive)
Anomang layuning taliwas sa dalawang nabanggit ay magdadala sa
katotohanang mali ang kilos sa paggamit ng sekswalidad ng tao. Halimbawa na rito
ay ang pakikipagtalik kahit hindi pa kasal, prostitusyon, pornograpiya, at pang-
aabusong sekswal. Ang mga isyung ito ay humaharap sa maling paggamit ng ating
sekswalidad na nauuwi sa kawalan ng paggalang sa dignidad ng tao.
Sa pagsasagawa sa mga isyung nabanggit, ano nga ba ang dapat gawin
ng isang kabataang tulad mo?
1. Alamin ang layunin sa pagsasagawa nito. Ang layunin ba ay mabuti?
2. Paano ang pamamaraan? Ang paraan ba ay mabuti?
4
3. Tignan ang pagpapasiya kung ito ay nasa mataas o mababang
pagpapahalaga.
Narito ang ilang etikal na prinsipyo na maaari mong gabay bilang kabataan.
1. Tandaang ang sekswalidad ay isang banal na bahagi ng ating pagkatao.
Kailangan ng tao ang matibay na paninindigan para sa marangal na
sekswalidad.
2. Maging kritikal sa pagsusuri sa mga nakikita ukol sa mga isyung may
kinalaman sa pakikipagtalik lalo na sa ipinapakita sa telebisyon at social
media.
3. Magkaroon ng mainam na pananaw ukol sa sariling sekswalidad at
sekswalidad ng iba. Makatutulong ito upang tratuhin natin ang ating kapwa,
babae man o lalaki, ng may paggalang at dignidad. Ipahayag ang sariling
sekswalidad sa mabuting pamamaraan.
Layunin ng taong ipahayag ang kaniyang pagkatao o kaya’y pagmamahal.
Ngunit kung sa pagpapahayag nito, ang pamamaraan ay hindi mabuti, hindi rin
maituturing na mabuti ang kilos. Dagdag pa rito, nararapat ding tingnan kung ang
pinipili ba ay may mas mataas o mababang pagpapahalaga. Maaari mong
pagpasiyahang gamitin ang mga seksuwal mong kakayahan ngunit nararapat mong
isipin kung ano ang tunay na halaga at layunin ng paggamit mo nito.
Paano magbubunga nang mabuti ang isasagawa mong pasiya lalo na kung ito ay
may kinalaman sa mga isyung seksuwal?
1. Maging bukas sa mga pinagdaraanang problema.
2. Huwag ilihim o itago ang mga problema.
3. Maghanap at paligiran mo ang iyong sarili ng mga kapamilya at mga
kaibigang mapagkakatiwalaan.
4. Maghanap ng propesyonal na tulong kung sakaling ikaw ay lulong sa mga
pang-aabusong ito.
Tayahin ang iyong Pag-unawa:
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong at isulat ito sa iyong sagutang
papel.
1. Ano ang mga maling pananaw ng kabataan sa mga isyung sekswalidad na
kanilang kinakaharap ngayon? Ipaliwanang ang bawat isa.
2. Ano ang mga katotohanan ukol sa dignidad ng taong nababalewala sa mga
isyung tungkol sa sekswalidad? Pangatwiranan.
3. Bilang kabataan, anong posisyon o mabuting pasiya ang maaari mong gawin
bilang paggalang sa dignidad at sekswalidad?