You are on page 1of 16

1

Homeroom Guidance
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Kaisa Ako ng Paaralan at
Pamayanan

1
Homeroom Guidance Self-Learning Module – Baitang 1
Ikaapat na Markahan- Modyul 1: Kaisa Ako ng Paaralan at Pamayanan
Edisyon 2021

Isinasaad sa Intellectual Property Code of the Philippines na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang hiram na mga materyales (teksto, larawang-guhit, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ng DepEd ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales sa pagbuo at paglimbag nito. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may akda ng mga ito

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon.

Mungkahing Tala sa Pagsisipi:

Department of Education. Homeroom Guidance Grade 1 Self-learning Module 1:


Kaisa Ako ng Paaralan at Pamayanan. Bulacan: Department of Education—Schools
Division of Bulacan, 2021.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Assistant Secretary: Alma Ruby C. Torio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Marhen B. Reyes
Juby R. De Guzman
Lyka DL. Valerio
Ma. Irene C. San Juan
Elaine Gladys V. Magaling

Tagasuri ng Nilalaman: Mary Grace Bernardino / Gay Adriano


Tagasuri ng Wika: Mary Grace Bernardino
Tagasuri ng Paglalapat: Mary Grace Bernardino

Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr. EdD.


Rainelda M. Blanco, PhD.
Agnes R. Bernardo, PhD.
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

2
Homeroom Guidance Baitang 1
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Kaisa Ako ng Paaralan at Pamayanan

Gabay sa Magulang/Tagapag-alaga

Isinulat ang modyul na ito upang gabayan ang


mag-aaral sa Unang baitang na linangin ang kaniyang
aspektong personal, sosyal, akademiko at karera. Dinisenyo ito
sa alternatibong pamamaraan ng pagkatuto na hindi
nangangailangan ng pisikal na presensya sa paaralan, bilang
tugon sa direktiba na pagkansela ng face-to-face class dulot
ng pandemyang Covid-19.

Maaaring may pagkakataon na hingin ng mag-aaral


ang inyong patnubay sa pagsunod sa mga tagubilin at
pagsagot sa mga tanong sa bawat bahagi ng gawain.
Hinihiling ng Kagawaran ng Edukasyon ang inyong suporta
upang matagumpay niyang maisakatuparan ang mga
gawaing ito. Tiyakin na sasagutin niya ang bawat bahagi ng
modyul nang tapat.

3
Paunang Salita

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay binuo upang matulungan ka sa pagdedesisyon sa iyong buhay


sa gabay ng mga taong nakapaligid sa iyo. Kabilang dito ang iyong pagdedesisyon sa gitna
ng kasalukuyang krisis na nararanasan. May mga gawaing inilaan na makatutulong sa iyo
upang malaman ang mga pamamaraan sa pagdedesisyon. Kinakailangang isulat mo ang
iyong sagot sa sagutang papel at ipasa sa iyong tagapayo upang mailagay ito sa iyong
portfolio.

Saguting mabuti ang mga gawain at humingi ng tulong kung kinakailangan. Tandaan
na sa buhay natin ay may mga bagay na hindi natin kontrolado. May mga negatibong
pangyayari na maaaring makapagpabago sa ating positibong pananaw. Sa kabila nito ay
hindi dapat mawalan ng pag-asa, maraming paraan para mapagtagumpayan ito. Simulan mo
ang paglalakbay na ito upang madaig mo ang iyong kahinaan at magamit mo ang iyong
kalakasan sa pagbabago.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng anim na interaktibong mga gawain. Ito ay ang
mga sumusunod:

Subukin Natin – Ito ay paghahanda sa proseso ng iyong pagkatuto.

Tuklasin Natin – Ito ay gabay mo kung ano ang dapat mong matutuhan.

Tandaan – Ito ay ang mga aralin na dapat mong matutuhan at maunawaan.

Kaya Mo – Ito ay ang aplikasyon mo sa mga araling iyong natutuhan.

Natutuhan Ko – Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa paksang


pinag-aralan.

Pagpapahalaga – Ito ay bahagi kung saan ilalahad mo ang iyong sariling karanasan
sa pagsasagot ng modyul na ito.

Siguraduhing ikaw ay magbabasa, mag-iisip at susunod sa bawat gawain at higit sa


lahat gawin mo itong kapaki-pakinabang!

4
MODYUL
Kaisa Ako ng Pamayanan
1 at Paaralan

Layunin:
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naiisa-isa ang mga gawaing pampaaralan at


pampamayanan na maaaring salihan.

Panahon: 1 Linggo ng Ikaapat na Markahan

Kabuuang bilang ng oras na gugugulin: 60 minuto

Mga kinakailangang materyales:


Lapis/Ballpen
Bond papers/piraso ng papel

5
Panimula

Ang paaralan at pamayanan ay isa sa malaking


bahagi sa paghubog ng ating pagkatao. Habang tayo
ay walang sawang minamahal at ginagabayan ng ating
mga magulang ay patuloy din nila tayong inihahanda at
tinuturuan upang maging handa sa pagharap sa
mundong ating ginagalawan. Isa ito sa mga dahilan kung
bakit ang mga tao sa paaralan at pamayanan ay
patuloy na nagtutulungan upang mapaunlad ang ating
pagkatuto.

Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang mga


gawaing pampaaralan at pampamayanan na maaari
mong salihan upang mapaunlad ang iyong kakayahan.
Bilang isang mag-aaral na nasa unang baitang ay
mahalagang malaman mo ang mga gawaing maaari
mong salihan at makilala ang mga taong makatutulong
sa iyo tungkol dito.

6
Subukin Natin
Mungkahing bilang ng oras: 10 minuto
Panuto: Pumili nang limang (5) gawaing pampaaralan at
pampamayanan na maaari mong salihan. Isulat ito sa
bawat baitang ng hagdan sa ibaba.

a. Pakikilahok sa Boy Scout of the Philippines/Girl Scout of the


Philippines
b. Paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok.
c. Pagdidilig ng halaman
d. Pagpapasa ng gawain na ibinigay ng guro sa takdang oras
e. Paggamit ng labis sa internet
f. Pagsunod sa alituntunin na ipinatutupad tulad nang hindi
paglabas ng bahay upang maiwasang mahawa ng sakit.
g. Pagsali sa mga paligsahan at patimpalak na ginagawa sa
paaralan.

7
Tuklasin Natin
Mungkahing bilang ng oras: 15 minuto

Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o tagapag-alaga,


basahin ang kuwento at sagutan ang mga tanong sa
ibaba.

Tayo na sa ating Paaralan at Pamayanan

Araw ng Lunes, maagang pumasok ng paaralan si


Annie kasama ang kaniyang ina. Sa bakuran ng
paaralan nakita nila na maraming tao ang may hawak
ng walis, may mga nagpuputol ng sanga ng puno

8
na malapit sa kawad ng kuryente at may nagdidilig ng
halaman at nagbubuhat ng mga pinutol na sanga.

Sila ay pumunta muna sa silid-aralan dahil maaga


silang dumating. Nakasalubong nila ang masipag nilang
kapitan na si G. Mateo at tinanong ito nang kaniyang ina
kung ano ang mayroon sa paaralan at lahat ay naglilinis.
Pinaliwanag ng kapitan na nagkaroon ng kasunduan ang
punong-guro na si Gng. Valdez at ang Sangguniang
Barangay na maglilinis at isasaayos ang kapaligiran ng
paaralan katulong ang mga magulang ng mga
mag-aaral at ilang mga volunteers. Ito ay isang paraan
ng pagkakaroon ng magandang samahan ng mga
namamahala sa paaralan at pamayanan.

Naunawaan ni Annie na dapat ay magkatulong ang


paaralan at pamayanan sa pagsasaayos ng komunidad
para sa mga batang mag-aaral tulad niya.

Tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


________________________________________________________
_______________________________________________________

9
2. Ano ang mga naabutan nina Annie at ng kanyang ina
na ginagawa ng mga tao sa loob ng paaralan?

________________________________________________________
________________________________________________________

3. Ano ang naging kasunduan nina Gng. Valdez at


Kapitan Mateo?

________________________________________________________
________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, dapat bang magkatulong ang


paaralan at pamayanan? Bakit?

________________________________________________________
________________________________________________________

5. Bilang isang bata, paano ka makatutulong upang


maging maayos ang iyong paaralan at pamayanan?

________________________________________________________
________________________________________________________

Tandaan
Mungkahing bilang ng oras: 15 minuto
Ang isang batang tulad mo ay kinakailangan na
magkaroon ng bahagi sa paaralan at pamayanan.

10
Malaki ang maitutulong nito sa paghubog ng iyong
pagkatao.

Ilan sa mga gawaing pampaaralan at


pampamayanan na maari mong salihan ay ang mga
sumusunod:

Wastong pagtatapon ng Pakikiisa sa Clean and Green


mga basura sa tamang Project ng barangay.
basurahan.

Pagsasagot at
Pagsunod sa mga safety
pagpapasa ng Self-
protocol upang makaiwas
Learning Module sa
sa sakit.
tamang oras na ibnigay
ng guro.
11
Mahalaga na maunawaan mo na ikaw ay may
magagawa kahit mga munting bagay upang
makatulong sa paaralan at pamayanan. Ang mga
simpleng bagay na ito ay malaking bahagi upang ikaw
ay maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan sa
ating pamayanan.

Kaya Mo

Mungkahing bilang ng oras: 5 minuto


Panuto: Iguhit ang bituin ( ) kung ang pangungusap ay
tumutukoy sa mga gawaing pampaaralan at
pampayanan na maaari mong salihan at bilog ( )
naman kung hindi.

______1. Pagsasagot at pagpapasa ng modyul.

______2. Paglilinis ng ilog sa inyong barangay.

______3. Pagsunod sa alituntunin na ipinatutupad ng

barangay tulad ng hindi paglabas sa curfew


time.

12
______4. Pakikilahok sa pagpupulong para sa pagbibigay

ng tulong pinansyal mula sa barangay.

______5. Paglilinis ng bakuran.

Natutuhan Ko

Mungkahing bilang ng oras: 5 minuto


Panuto: Pagtambalin ang mga larawan sa Hanay A sa
angkop na mga salitang naglalarawan dito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. a. Pagpapasa sa
tamang oras ng mga
gawain na ibinigay ng
guro.

13
2. b. Pagtulong sa
paglilinis ng bakuran.

3. c. Hindi paglabas sa
tahanan ng edad 15
pababa.

4. d. Pakikilahok sa mga
webinar sa paaralan
tungkol sa pagsugpo
sa COVID-19.

5. e. Hindi pagliban sa
mga Online Class na
itinakda ng iyong guro.

14
Pagpapahalaga

Mungkahing bilang ng oras: 10 minuto


Panuto: Gumuhit ng mga gawaing pampaaralan o
pampamayanan na iyong nasalihan. Maaaring magdikit
ng larawan ng mga ito.
Sa paaralan

Sa pamayanan

15
========

Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

16

You might also like