You are on page 1of 20

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2
Tamang Pagpapasiya

Tinipon at Inayos ni:

JASEN KYLE S. ORTAL


Guro I
Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac
SDCB_Q1_EsP6_Module2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Tamang Pagpapasiya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jasen Kyle S. Ortal
Editor: Eliza S. Agcaoili Ma. Angelica P. Castro
Nelva O. Garcia Chris Madel D. Mendoza
Tagasuri: Lorelye F. Batucal John Ernest L. Medrano
Johnny C. Talioaga Blesilda B. Antiporda
Jennifer Delos Reyes Aileen V. Joaquin
Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
Tagaguhit: Ian Joy C. Agtina
Tagadisenyo sa Pabalat ng Modyul: Irish Gale T. Castro
Tagapamahala: Joel B. Lopez EdD Aubrhey Marie R. Oasay, PhD
Annie D. Pagdilao, EdD Jhon Rey D. Ortal, EdD
Marilou B. Sales, EdD Aileen V. Joaquin
Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon I

Office Address: 16-S Quiling Sur, City of Batac, 2906 Ilocos Norte, Philippines
Telefax: (077) 677-1993
Website: www.csdbatac.com
E-mail Address: batac.city@deped.gov.ph
SDCB_Q1_EsP6_Module2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao –
Ikaanim na Baitang- ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Tamang Pagpapasiya!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

SDCB_Q1_EsP6_Module2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikaanim na Baitang
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Tamang Pagpapasiya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul na ito nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng
kuwaderno sa pagsasagot ng pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Ang modyul ay may mga bahagi na kinapapalooban ng mga kaalaman at mga
pagsasanay upang lalong hasain ang iyong kakayahan. Sa katapusan ng modyul ay
makikita ang sanggunian na talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng mga gawain.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-alinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakakatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakakatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipan na hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami sa pamamagitan ng modyul na ito, na makakaranas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnayan
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

SDCB_Q1_EsP6_Module2
Alamin

Ang lahat ay magkakaugnay. Ito ay parehong itinuturo ng siyensiya at relihiyon.


Ang ibig sabihin, anoman ang pagpasiyahan nating gawin, apektado ang lahat, hindi
man ito kaagad na nakikita.
Ang pagpapasiya ay nangangailangan ng iyong abilidad na pumili ng mga
bagay na walang paiba-iba, walang pag-aalinlangan at pagsasaalang-alang sa lahat
ng mga alternatibong solusyon at ang magiging resulta ng anumang pagpaspasiyang
gagawin.

Dahil dito, ang pagpapasiya ay napakahalaga sapagkat ang dapat maging


bunga nito ay ang kabutihang panlahat, hindi lamang para sa mga iilan at piling mga
tao.

Ang pagiging mahinahon ay makatutulong upang dumating ka sa pasiya para


sa kabutihang panlahat.

Ang modyul na ito ay naglalayong palawakin ang inyong kaalaman tungkol sa


konsepto ng tamang pagpapasiya sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain nang
buong husay.

Matutunghayan sa araling ito ang paksang Tamang Pagpapasiya. Halina’t


tuklasin at unawain ang mga kaugnay na konsepto nito. Makatutulong sa iyo ang mga
gawain upang lubos na maunawaan ang mga espesyal na kaalaman tungkol sa
Tamang Pagpapasiya.

Inaasahang matutuhan mo lahat ang aralin na inihanda para sa iyo. Ang Aralin
1 ay tumutukoy sa Kahalagahan ng Tamang Pagpapasiya

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC 1)

• Nakakasang-ayon sa pasiya ng nakararami kung nakabubuti ito


EsP6PKP-Ia-i-37

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang


mga sumusunod:

1. Naipaliliwanag ang konsepto at perspektibo ng tamang pagpapasiya;


2. Nakikilala ang tanda ng mga taong nagpapakita ng pagkamahinahon;
3. Naipapanukala kung paano magiging kapaki-pakinabang ang
pagkamahinahon sa pagpapasiya tungo sa kabutihang panlahat; at
4. Nakabubuo ng isang plano kung paano mapapaunlad ang pagkamahinahon
sa pagpapasiya tungo sa kabutihang panlahat.

1 SDCB_Q1_EsP6_Module2
Subukin
Bilang panimula, sagutin mo ang mga tanong sa ibaba para mataya ang iyong
kahandaan sa paksa.
Gawain 1: Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
letra ng wastong sagot.

1. Sa pagpapasiya, dapat nating isaalang-alang ang kabutihang __________.


A. panlahat C. para sa sarili lamang
B. para sa mga lider D. para sa hindi miyembro ng pangkat

2. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong __________.


A. magkaroon ng patunay
B. ipilit ang iyong opinyon
C. hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan
D. magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong personal
na pananaw

3. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa paggawa ng isang pasiya?


A. gumawa ng pasiya
B. alamin ang suliranin
C. pagtatala ng mga posibleng solusyon
D. alamin ang kinalabasan ng ginawang pasiya

4. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagbuo ng pasiya?


1. Gumawa ng pasiya.
2. Alamin ang suliranin.
3. Pag-aralan ang kinalabasan ng ginawang pagpapasiya.
4. Isaalang-alang ang maaaring ibunga ng bawat solusyon.
5. Kumuha ng impormasyon at pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.

A. 1- 2- 3- 4-5 B. 2–5-4 –1-3 C. 1-4-3-5-2 D. 2-4-1-5-3

5. Tumutukoy sa __________ ang mapanuring pag-iisip.


A. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
B. pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon
C. pagpapaliwanag sa sariling punto at pagpipilit nito sa iba
D. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya

2 SDCB_Q1_EsP6_Module2
6. Nagkaisa ang iyong mga kaibigan sa paaralan na lumiban sa klase sa hapon
upang maglaro ng basketball. Ano ang magiging pasiya mo?
A. Huwag sumama dahil alam mong hindi mabuti ang binabalak nila.
B. Sasama sa mga kaibigan dahil ito ang napagkasunduan ng buong grupo.
C. Magyaya ng iba pang sumama upang mas marami kayong hindi papasok.
D. Sabihin sa mga kaibigan na ipagpaalam ka sa iyong mga magulang upang
may dahilan kang hindi pumasok.

7. Bakit kinakailangang timbangin muna kung para sa ikabubuti ang pasiya ng


karamihan bago ka sumang-ayon?
A. upang mapansin ng karamihan
B. upang tumagal ang proseso ng pagpapasiya
C. upang maging batayan ng iyong pagsang-ayon
D. upang maging hadlang sa ninanais ng nakararami

8. Unang araw ng klase, ikaw ay naatasang magtaas ng bandila subalit tinawag ka


ng iyong kaklase upang mag-ensayo sa paglalaro ng chess. Ano ang gagawin mo?
A. Sasamahan ko ang aking kaklase.
B. Hindi na lang ako pupunta sa dalawa.
C. Mangangako akong sasamahan ko siya.
D. Tatanggihan ko siya at ipaliliwanag ang mahalagang gawain.

9. Inutusan ka ni Gng. Santos na maglinis ng silid-aralan sa oras ng uwian. Naalala


mong maglalaro kayo ng basketball ng mga kababata mo sa basketball court sa
inyong barangay.
A. Susundin ang utos ng guro.
B. Uuwi na lang ako nang walang paalam.
C. Maglalaro ako dahil may usapan na ang grupo.
D. Makikiusap ako sa aking guro na pauwiin ako nang maaga.

10. Bumibili kayo ng iyong kaibigan sa kantina ng meryenda nang hindi mo


sinasadyang matabig ang bote ng inumin. Ang pera mo ay pambili lang ng pagkain.
Ano ang gagawin mo?
A. Magkukunwaring hindi ikaw ang nakabasag.
B. Mangakong babayaran upang makabili ng meryenda.
C. Hindi babayaran dahil wala kang pambili ng meryenda.
D. Babayaran ang nabasag na tinda at hindi na lang kakain.

Binabati kita! Nagawa mong pagtagumpayan ang unang gawain tungkol sa tamang
pagpapasiya. Oras na para paunlarin ang iyong kaalaman tungkol sa paksang ito.

Makatutulong ang paggamit ng iyong dating kaalaman sa pagsasagawa ng mga


gawain sa bahagi ng Tuklasin.

3 SDCB_Q1_EsP6_Module2
Aralin
Tamang Pagpapasiya
1
Balikan

Panuto: Punan ang graphic organizer ng katangian ng taong nagpapakita ng


mapanuring pag-iisip.

Taong may Mapanuring


Pag-iisip

Pamprosesong tanong:

a. Ano-ano ang katangian ng taong may mapanuring pag-iisip?


b. Paano maisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa tahanan? sa paaralan?

4 SDCB_Q1_EsP6_Module2
Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento at alamin kung ano ang pasiya ng mag-anak na
Gomez. Pansinin din kung paano ipinapakita ng pamilya ang pagbubukas-isipan at
pagkamahinahon upang magkasundo sila sa isang wastong pagpapasiya.

Isang Mahirap na Desisyon


Constancia Paloma

Sa Makati naninirahan ang pamilya nina Nelia. Doon na ipinanganak ang


kanilang mga magulang. Ang bahay na kanilang tinitirhan na lamang ang natitirang
maliit na bahay roon dahil napaliligiran na ito ng matataas na gusali at malalaking
kompanya.

Masaya silang naninirahan doon dahil malapit sila sa bilihan ng kanilang mga
pangangailangan at malapit din sa kaniyang paaralan. Pati ang kapatid niyang si Leah,
na pangalawa sa panganay ay sa Makati rin nagtatrabaho. Ang tanging malayo lang
ang trabaho ay ang tatay nilang nagtatrabaho sa Dasmariñas, Cavite.

Isang gabi, nakita nilang magkapatid na seryosong nag-uusap ang kanilang


ama at ina. Mayroon din silang hawak na mga sulat. Naging suliranin para sa mga
magkakapatid ang nakita nilang iyon, lalo na nang naulit pa ito ng ilang beses.

“Wala na kayang trabaho si Tatay?” ang tanong ni Nelia sa sarili. Pero sa tingin
niya, hindi naman masyadong seryoso ang sitwasyon. “Ano nga kaya ang problema
ng ating pamilya?” tanong naman ng kanilang panganay na si Tom. “Malalaman din
natin ‘yon kapag handa na silang ipaalam sa atin ang problema, dahil kung mayroon
mang dapat bigyan ng pasiya, dapat, kasama tayong magbibigay ng ating sari-sariling
pasiya hanggang tayo ay makabuo sa pagkakaisa,” ang sabi naman ni Leah.

Dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng magkakapatid. Isang araw


ng Linggo, pagkatapos ng hapunan, pinulong ng kanilang mga magulang ang tatlong
magkakapatid at ipinaalam ang sitwasyong dapat bigyan agad ng pagpapasiya.

“Mga anak,” ang bungad ng kanilang ama. “Kailangan nating pagpapasiyahan


kung papayag tayo na bilihin ng katabi nating mall ang ating bahay at lupa. Mukha na
tayong kawawa rito.”

“Isa pa, mga anak, kahit sarili natin ang bahay at lupa, mukha na tayong
squatter dito. Kaya, sinabi ng iyong ina na papayag na siyang ipagbili ang ating bahay
at lupa, pumayag na ako. Ang iyong pasiya na lamang ang aming hihintayin,” ang
paliwanag ng kanilang ama.

5 SDCB_Q1_EsP6_Module2
“Oo nga, Tatay, mukha na nga tayong kawawa rito, pero patagalin pa natin para
tumaas pa ang halaga ng ating bahat at lupa,” ang paliwanag ni Tom.

“Ikaw, Leah, anong pasiya mo?” ang tanong ng kaniyang ina. “Ayos lang po sa
akin kasi kailangan na. Hindi na talaga tayo bagay rito.”

“A, ewan ko sa inyo!” ang sigaw ni Tom. “Ang kabutihan ng pamilya ang iniisip
ko kaya gusto kong pataasin pa ang halaga ng ari-arian natin!” sabay alis ni Tom at
nagkulong sa kuwarto.

“Ikaw, anak?” ang tanong ng nanay niya kay Nelia. “Kahit po malalayo ako sa
mga kamag-aral ko at kaibigan, payag po ako na iwanan na natin ang bahay na ito,
kasi kailangan na.” ang sabi ni Nelia. “Aba, kahit bunso, bukas ang isipan, a!” ang
nakangiting sabi ng kanilang nanay. “Hayaan ninyo, susundan ko sa kuwarto ang kuya
niyo. Paliliwanagan ko.” ang dugtong ng kanilang Nanay.

Mahigit isang oras ding nag-usap ang mag-ina. Bumalik sila sa sala at sinabi ni
Tom na dahil siya lang ang may ibang pasiya, at napagpaliwanagan naman siya ng
kaniyang ina na ang tawad na tatlong milyong piso para sa maliit na bahay at lupa ay
malaki na rin maituturing.

Napagkasunduan rin ng mag-anak na sa Dasmariñas na sila bumili ng bahay


at lupa, at doon na rin sila lahat magtatrabaho at mag-aaral.

Dahil sa pagkabukas-isipan at mahinahong usapan, nagkaisa ang buong


pamilya.
Pinagmulan: Gloria A. Peralta and Zenaida R. Ylarde, Ugaling Pilipino Sa Makabagong
Panahon Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakato 6 (Manila: VICARISH
Publication and Trading, Inc., 2016), 20-21.

Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa nabasang kuwento.
1. Ano ang naging problema ng pamilya Gomez?
2. May katwiran ba si Tom na huwag pumayag sa pasiya ng buong pamilya na
ipagbili ang kanilang bahay at lupa?
3. Ano ang batayan sa wastong pagpapasiya?
4. Bakit mahalaga na maging mahinahon sa pagpapasiya? Ano ang mabuting
naidudulot nito?
5. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng pamilya, ano ang magiging pasiya mo?
Ipaliwanag ang iyong sagot?

6 SDCB_Q1_EsP6_Module2
Pagyamanin

Paano natin maibibigay ang tamang desisyon?

Tumatama lamang ang desisyon kung pagkatapos ng masusing pagsusuri, ito


ay napatunayang makabubuti sa nakararami.

Gawain 1: Tama o Maling Desisyon

Isulat ang TAMA, kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong pagpapasiya at


MALI, kung ito ay hindi nagsasaad ng tamang pagpapasiya.
1. Kung anong naisip kong sabihin, magsasalita ako kahit alam kong may
masasaktan.
2. Makapagbibigay lamang ako ng pasiya kung alam kong ang magiging resulta nito
ay para sa kabutihan ng nakararami.

3. Nagtatampo ako kapag hindi nakikiayon ang iba sa aking pasiya.


4. Kahit na sinasalungat ang aking pasiya, inuunawa ko ang mga nagbibigay nito.
5. Ayaw kong masisi ako ng iba kaya hindi ako nagpapasiya.

6. Naninindigan ako sa kung ano ang totoo at makabubuti sa lahat bago ako
magpasiya.
7. Pabigla-bigla ako sa pagpapasiya dahil gusto ko na may sagot agad ako sa
suliranin.
8. Magtitimpi ako kung mahinahon akong kinakausap kahit siya ay aking kasalungat.

9. Iniisip ko muna ang mga maaring kalabasan ng aking pasiya bago ako gumawa
nito.
10. Sakit sa ulo ang mag-isip kaya umiiling na lang ako kapag tinatanong.

Bakit nakabubuti sa marami ang tamang pasiya o desiyon?

Ang pagbibigay ng tamang desisyon para sa kabutihan ng nakararami ay isang


hakbang upang maipakita ang pagkakaisa. Kailangang isiping mabuti at bigyan ng
masusing pagsusuri kung ito ba ay makabubuti sa nakararami.

7 SDCB_Q1_EsP6_Module2
Gawain 2: Pasiya Ko, Pananagutan Ko

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin sa loob ng kahon ang iyong
magiging pasiya sa bawat isa. Ipaliwanag ang iyong sagot.

A. Pag-iisipan ko muna kung kakayanin


B. Basta pasiya ninyo, payag kaagad ako
C. Hindi ako papaya, dahil…

1. Isa ka sa mga pinuno ng iyong klase na tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan


sa inyong silid-aralan. Iminungkahi ng iyong pangulo na ikaw ang maging monitor
sa pagganap ng tungkulin ng bawat pangkat.
2. Matapos ang mural painting sa inyong paaralan na ginamitan ng halo-halong
pintura, iminungkahi ng iyong lider na itapon na lang sa kanal ang mga natirang
pintura dahil hindi na ito mapakikinabangan.
3. Napansin ng inyong pangkat na kaya bumabagal ang pag-akyat ng mga mag-aaral
sa silid-aralan ay hindi sila sumusunod sa nakapaskil na ‘Keep Right’.
Nagmungkahi ang iyong mga kaibigan sa inyong guro na ang pangkat ninyo ang
mamahala dito tuwing umaga.
4. May Fun Run ang Red Cross sa susunod na Linggo. Iminungkahi ng iyong mga
kaibigan na sa halip na manood kayo ng sine, sumama na lang kayo sa Fun Run
at ibayad sa registration ang gagastusin sa panonood ninyo ng sine.
5. Sinabihan ang inyong pamilya ng punong barangay na kailangan nang alisin ang
lumang kotseng hindi umaandar at nakaparada sa tapat ng inyong bahay.
Nakaaabala raw ito sa mga dumadaang sasakyan dahil maliit ang inyong kalsada.
Bigay iyon sa tatay mo ng kapatid niyang nag-abroad. Gusto sanang ipaayos ng
tatay mo para may sasakyan na kayo, pero wala naman siyang sapat na perang
pampaayos nito. Tinanong kayo kung ipagbibili na lang ito sa motor shop para
magkapera kayo.

Madaling mauunawaan ang mga sitwasyon o pangyayari kung ang tao ay


mahinahon sa pagtanggap sa nagaganap sa kanyang buhay.

8 SDCB_Q1_EsP6_Module2
Gawain 3: Pasiya Ko, Pag-iisipan Ko

Umisip ng isang sitwasyon na gagamitin para mabuo ang graphic organizer.

Sitwasyong
Kailangan ng
Pasiya

Mga
Posibleng
Solusyon

Mga Posibleng
Resulta ng
Solusyon

Naging Pasiya
at mga
Batayang
Ginamit sa
Pagpapasiya.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Graphic Organizer


Mga Kailangan pa ng dagdag na
Katangi-tangi (3) Mahusay (2)
Pamantayan Pagsasanay (1)

Wasto ang lahat ng mga Wasto ang karamihan ng


Kalidad ng Mali halos lahat ang datos sa
datos sa ginawang graphic datos sa ginawang graphic
Datos ginawang graphic organizer
organizer organizer

Napkaraming kulang sa datos


Kumpleto ang mga datos na May ilang kulang sa datos na
Kompleto na inilaagay sa graphic
inilaagay sa graphic organizer inilaagay sa graphic organizer
organizer

Napakalinis at napakaayos Malinis at maayos ang Hindi malinis at maayos ang


Kaayusan
ang pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa

Lubhang malinaw at Malabo at hindi maunawaan


Malinaw at nauunawaan ang
Paglalahad nauunawaan ang ang pagkakalahd ng mga
pagkakalahad ng mg datos
pagkakalahad ng mga datos datos

9 SDCB_Q1_EsP6_Module2
Isaisip

Punan ang mga patlang upang mabuo ang tamang hakbang sa paggawa ng pasiya.

Hakbang sa Pagpapasiya
Ang pagpapasiya ay maituturing bilang isang prosesong pangkaisipan na
nagreresulta sa pagpili ng pinakamabuting kalalabasan. Ang pasiya ay pinagtibay sa
isip at kalooban na dapat gawin. Malaki ang maitutulong ng pagkamahinahon kapag
pinag-uusapan at pinag-isipan ang magiging pasiya.

May wastong hakbang na dapat sundin sa paggawa ng isang pasiya

1. Alamin ang __________.


2. Kumuha ng impromasyon at pag-aralan ang lahat ng posibleng
__________.
3. Isaalang-alang ang maaaring __________ ng bawat solusyon.
4. Gumawa ng __________.
5. Pag-aralan ang __________ ng ginawang pagpapasiya.

Isagawa

Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga tanong sa iyong
sagutang papel.
1. Gustong-gusto ni Lyka na manood at tumulong sa pagluluto ng kaniyang nanay.
Isang araw, tinanghali ng gising ang kaniyang nanay. Pumunta na si Lyka sa
kusina. Inihanda niya ang lulutuin sa almusal. Hindi pa rin bumangon ang kaniyang
nanay kaya naisipan niyang magluto na. Isinalang niya ang itlog upang prituhin.
Pumunta siya sandali sa kaniyang kuwarto, pagbalik niya sa kusina ay tostado na
ang itlog. Ano sana ang ginawa ni Lyka bago siya nagpasiyang magluto?
2. Hindi malaman ni Romella kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya ibinibili ng
kaniyang ama ng bagong modelong cellphone gayong sinasabi nito na malaki ang
naipon niyang pera nang umuwi galing Saudi. Nang kinausap naman niya ang
nanay niya, sinabi nitong binubuo ng pamilya ang perang pambili ng bahay at lupa
para hindi na sila mangupahan. Kung hihingi ng payo sa iyo si Romella, ano ang
sasabihin mo? Ipaliwanag kung bakit.

10 SDCB_Q1_EsP6_Module2
3. Sobra kang malapit sa iyong nanay. Para na rin kayong matalik na magkaibigan.
Napagkamalan nga na paborito ka niya. Parehong lalaki ang dalawa mong kapatid
kaya hindi ka masyadong malapit sa kanila. Isang araw, sinabihan ka ng iyong
nanay na pinasusunod siya ng tatay mo sa USA. Sa tingin mo, hindi ka masyadong
maaasikaso ng iyong dalawang mas nakatatandang kapatid. Ngunit, kailangan pa
ninyo ng dagdag na pondo para maipaayos ang iyong bahay. Mangyayari lamang
iyon kapag nag-abroad din ang iyong ina. Pero, sinabihan ka ng iyong nanay na
kapag hindi mo siya pinayagang umalis, hindi siya tutuloy. Ano ang magiging pasiya
mo?
4. Pinagbilinan ni Joy ang kaniyang kamag-aral na si Eric na ipabatid sa buong klase
na magkaroon sila ng mahabang pagsusulit bukas ayon sa kanilang guro na si Gng.
Santos. Sa halip na dumeretso na si Eric sa silid-aralan para ipabatid ang anunsiyo,
dumaan muna siya sa kantina at kumain. Dahilan upang makalimutan ang ibinilin
sa kaniya. Ano ang dapat gawin ni Eric sa kanilang klase?

5. Kailangang-kailangan ni Joel ng mga aklat para sa pinagagawang research ng


kanilang guro. Kailangan niyang pumunta sa silid-aklatan sa kanilang pamayanan.
Sinabihan niya ang kaniyang ate na kung maaari ay samahan siya ngunit may
gagawin din ito. Huling araw na ng pagsusumite ng proyekto sa Lunes. Ano ang
magiging pasiya ni Joel?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng wastong sagot.

1. Ang pagpapasiya ay tumutukoy sa ___________________________ .


A. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
B. pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinion
C. pagpapaliwanag sa sariling punto at pagpipilit nito sa iba
D. prosesong pangkaisipan na nagreresulta sa pagpili ng pinakamabuting
kalalabasan

2. Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasiya?


A. magbigay agad ng pasiya
B. pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya
C. magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
D. iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasiya

11 SDCB_Q1_EsP6_Module2
3. Sa pagbibigay ng pasiya, dapat _____________________.
A. sinusunod ang sariling kagustuhan
B. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
C. hinahayaan ang ibang mga miyembro na magpasiya para sa lahat
D. nagpapakita ng pagkamakatwiran sa mga maaapektuhan ng pasiya

4. Nagpasya ang mag-anak ni Mateo na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas


ng kanilang tahanan sa darating na Sabado. Nakagawian ni Mateo na maglaro ng
basketball tuwing araw na ito. Kung ikaw si Mateo, ano ang gagawin mo?
A. tutulong na magdadabog
B. tutulong na nakasimangot
C. tutulong muna sa paglilinis bago maglaro
D. maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada

5. Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa paggawa ng solusyon
sa isang suliranin. Bilang kapatid, ano ang maari mong gawin?
A. sigawan mo sila
B. awayin mo silang dalawa
C. pabayaan silang hindi magkasundo
D. gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo

6. Nagpasiya ang mag-anak ni Mario na magtayo ng manokan malapit sa mga


kabahayan. Marami ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
A. balewalain ang pumupuna
B. oo, sayang ang kikitain nito
C. bahala na ang mga apektado nito
D. hindi, dahil may masamang epekto

7. Naglalakad ka papuntang paaralan nang makita mo ang isang pitaka. Nang iyong
buksan ay may laman itong pera at I.D. ng may-ari. Kailangang-kailangan mo ng
pera na pambili ng papel. Nararapat ba itong isauli o ihanap sa may-ari? Bakit?
A. Oo, para maging sikat ako.
B. Oo, dahil baka kailangan ito ng may-ari.
C. Hindi, para mayroon akong pambili ng pagkain.
D. Hindi, dahil kailangan ko ang pera na pambili ng papel.

8. Mayroong palabas sa inyong paaralan at kinakailangan ninyong magkapatid na


bumili ng tela para sa inyong kasuotan. Nagkataon na walang pera ang iyong mga
magulang. Paano ka makakadalo sa palabas na hindi na aabalahin ang mga
magulang?
A. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan.
B. Hindi na lang dadalo sa nasabing palabas.
C. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral.
D. Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan.

12 SDCB_Q1_EsP6_Module2
9. Palaging ikaw ang napipiling makisali sa mga patimpalak sa paaralan. May isa
kang kamag-aral na alam mong higit na magaling kaysa sa iyo. Nais niyang ipakita
ang kanyang kakayahan. Paano mo matutulungan ang iyong kaklase?
A. Sasabihin sa klase na siya ang papalit sa iyo.
B. Magkunwaring hindi alam ang kakayahan ng kamag-aral.
C. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon.
D. Sabihin sa tagapagsanay na kahit magaling siya ay wala siyang disiplina.

10. Si Nestor ay mula sa mahirap na pamilya. Ang kaniyang ina ay nakaratay sa


ospital dahil sa sakit na cancer at kailangan nang agarang gamutan. Isang araw
niyaya siya ng kaniyang barkada na isagawa ang pagnanakaw sa isang malaking
tindahan. Kung ikaw si Nestor, sasama ka ba sa iyong barkada? Bakit?
A. Oo, para hindi sila magalit sa akin.
B. Oo, para may pambili ng gamot ni nanay.
C. Hindi, dahil hindi tama ang kanilang gagawin.
D. Hindi, dahil gusto kong ako lang ang gagawa sa pagnanakaw.

Karagdagang Gawain

Umisip ng mga pangyayari sa iyong buhay na kinakailangan mong gumawa ng


pasiya. Sino ang kadalasang hinihingan mo ng tulong kapag kailangan ng
pagpapasiya?

13 SDCB_Q1_EsP6_Module2
SDCB_Q1_EsP6_Module2 14
Subukin Isagawa Pagyamanin:
1. A 1-5 (Ang sagot ay Gawain 1
2. D nakabatay sa napiling 1. (Ang sagot ay
3. B pasiya. Maaaring ang nakabatay sa napiling
pansariling sagot sa pasiya. Maaaring ang
4. B pansariling sagot sa
bilang ay may
5. D bilang ay may
pagkakaiba sa iba.) pagkakaiba sa iba.)
6. A
7. C
8. D Isaisip
9. A
10.D 1. suliranin
2. solusyon
3. ibunga/idulot
4. pasiya Suriin
5. kinalabasan
1. Ang naging prolema
ng pamilya Gomez ay
ang balak na pagbili ng
katabing mall ng
kanilang bahay at lupa.
Pagyamanin: 2. Oo, mayroon katwiran
si Tom na huwag
Gawain 3 pumayag sa pasiya.
Tayahin 3. Ang batayan sa
(Ang gawain ay tungkol sa wastong pagpapasiya
paggawa ng tama at
1. D ay ang pagkakaroon
wastong pasiya sa napiling
suliranin. Maaaring ang ng bukas na isipan at
2. D
pansariling sagot sa bilang pagiging mahinahon.
3. D ay may pagkakaiba sa iba. 4. Ang pagiging
4. C Mabibigyan ng marka ang mahinahon sa
5. D gawain gamit ang pagpapasiya ay
pamantayan na naibigay.) nagdudulot ng tama at
6. D
mabuting desisyon.
7. B
5. (Maaaring magkakaiba
8. A
ang sagot)
9. C Pagyamanin:
10.C
Gawain 2
(Ang sagot ay nakabatay Balikan
sa napiling pasiya.
Maaaring ang pansariling a. (Maaaring magkakaiba
sagot at pagpapaliwanag ang sagot)
sa bilang ay may b. (Maaaring magkakaiba
pagkakaiba sa iba.) ang sagot)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat:

Peralta, Gloria A. and Zenaida R. Ylarde. 2016. Ugaling Pilipino Sa Makabagong Panahon.
Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakato 6. Manila: VICARISH Publication and
Trading, Inc.

15 SDCB_Q1_EsP6_Module2
Para
Para sa
samga
mgakatanungan
katanunganoo
puna, sumulat
puna, o tumawag
sumulat sa: sa:
o tumawag

Kagawaran ng Edukasyon –
Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod Batac

16S Quiling Sur, City of Batac,


2906 Ilocos Norte, Philippines
Telephone No: (077) 677-1993

You might also like