You are on page 1of 19

10

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan-
– Modyul :8
Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon
Dulot
- ng Globalisasyon

n
( )
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Self-Learning Moduule
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon Dulot ng
Globalisasyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: DIANA K. JURAN
Editor:Racquel O. Regidor, Noreha P. Gonora
Tagasuri:Judith B. Alba
Tagaguhit:Patrick Ebuetada
Tagalapat:Joel P. Andres Jr.
Cover Art Designer:Reggie D. Galindez
– Regional Director
Management Team:Allan G. Farnazo, CESO IV
– Assistant Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V
Gildo G. Mosqueda, CEO VI
- Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA
- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera– Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr.– REPS, LRMS
-ug – REPS, ADM
Peter Van C. Ang
Johnny Sumugat– REPS, Araling Panlipunan
Donna S. Panes, PhDCID Chief
Elizabeth G. Torres– EPS, LRMS
Judith B. Alba– EPS, ADM Coordinator
Judith B. Alba– EPS, Araling Panlipunan
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education– SOCCSKSARGEN Region
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
10

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon
Dulot ng Globalisasyon
)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul para sa araling Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon Dulot ng
Globalisasyon
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iv
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Self-Learning Module (SLM)


Modyul ukol sa Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming


paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

v
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan
sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian. Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Mahalagang maunawaan na hindi lamang ang kapaligiran ang patuloy na


nagbabago kundi maging ang takbo ng lipunan na kinabibilangan ng bawat isa. At
isa sa mga pagbabagong ito ay tinatawag na globalisasyon na nagdulot din ng iba
pang epekto sa lipunan, at isa sa mga ito ay ang Migrasyon. Kung kaya’t sa modyul
na ito, ating pagtutuunan ng pansin ang mga dahilan at epekto ng Migrasyon dulot
ng Globalisasyon

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin, ito ay ang mga:


Aralin 1. Konsepto ng Migrasyon
Aralin 2. Iba’t ibang dahilan ng Migrasyon.
Aralin 3. Iba’t ibang epekto ng Migrasyon.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Naipaliliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng


bansa
• Natutukoy ang mga dahilan ng Migrasyon.
• Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan,
pampolitika at pangkabuhayan
• Naiintindihan at nauunawaan ang pangkalahatang dahilan at epekto ng
Migrasyon dulot ng Globalisasyon.

7
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.

1. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng pangingibang bansa o pag-


migrate ng mga Pilipino?
A. Makapag-aral sa mga tanyag na unibersidad sa ibang bansa
B. Matuto ng makabagong kasanayan at kakayahan
C. Makapaghanap buhay na may mataas na sahod
D. Makapagbisita a makapaglibang sa mga makasaysayang pook

2. Ito ang tawag sa mga kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa?


A. Manggagawang Pinoy
B. OFW
C. Pinoy workers abroad
D. Trabahante

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga dahilan ng migrasyon?


A. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng kawalan ng trabaho sa
pamayanan.
B. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng mas magandang oportunidad
sa ibang bansa.
C. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng pagkawasak ng pamilya.
D. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng digmaang sibil.
4. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan?
A. Paggawa
B. Migrasyon
C. Ekonomiya
D. Globalisasyon
5. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga
mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o
permanente
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi
inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan

8
6. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano
ito?
A. Ekonomikal
B. Teknolohikal
C. Sosyo-kultural
D. Sikolohikal

7. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga


sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Hanapuhay
B. Turismo
C. Edukasyon
D. Tirahan

8. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga


imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng
pamumuhay.
C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang
lugar bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa
kanilang natapos

9. Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang


permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
A. Stockfigures
B. Permanent Migrants
C. Irregular Migrants
D. Flow

10. Bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.


A. Stock
B. Permanent Migrants
C. Irregular Migrants
D. Temporary Migrants

Natapos mo ang unang pagsubok sa araling ito. Huwag kang mag-alala kung
tama man o mali ang iyong naging kasagutan. Sa pagpapatuloy mo sa pag aaral ng
paksang ito mapagtitibay mo ang iyong tamang sagot at maiwawasto ang maling
konseptong nabuo.

9
Aralin

1 Konsepto ng Migrasyon

Kung bibigyan ka ng pagkakataon, mayroon ka bang lugar o bansa na nais


mong marating? Bakit gusto mo doon? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na naglalaro
sa isipan ng bawat isa lalo na sa mga pabago-bagong teknolohiya at mga modernong
mga siyudad na hatid sa atin ng globalisasyon.
Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang iyong pang-unawa sa mga
isyu sa migrasyon dulot ng globalisasyon. Malalaman mo ang mga sanhi at epekto
ng migrasyon sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay ng tao.

Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang


lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o
permanente. Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay
mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa
disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures.

Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok


sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas
ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration. Kasama din dito ang
bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang
emigration, departures or outflows. Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang
ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration.

Samantala, ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o


nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy
ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa
pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.
Pag-aralan ang mga datos at impormasyon na nailahad tungkol sa naging
pandarayuhan ng mga manggagawa sa buong mundo.

• Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa


kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa buong mundo.
• Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa
para maghanapbuhay.
• Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa
90 porsiyento ay mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya.
• Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng mga
imigrante na lumabas ng kanilang bansa.
• Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15 - 24.
(Halaw sa ILO: International Labor Organization Facts and Figures)

10
Balikan

1. Ano ano ang Globalisasyon? At ang nagging epekto nuto sa iba’t


ibang aspekto ng pamumuhay ng tao?

2. Migrasyon? Ano nga kaya ito? Ano-ano ang maaring naging dahilan nito at epekto
sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng tao?

Mga Tala para sa Guro


Maaring gamiting pantulong ang mga sumusunod:

Mga balita s TV tulad ng: PTV4, TV5, GMA7 Network, CNN


Philippines, ABSCBN, National Geographic,
. Discovery
Channel, etc.
-

Tuklasin

Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa


lamang ng pagsibol ng kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga
lugar na magbibigay sa kaniya ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping
pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad (politikal) o maging personal.

Gawain 1: 4 PICS- 1 WORD


Panuto: Tingnan at suriing mabhti ang mga larawan. Gamit ang mga letrang
nasa loob ng kahon, bumuo ng salitang maglalarawan sa mga larawan sa ibaba.

N M Y G I S A R O D

11
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ano ang nakikita sa bawat larawan?


2. Ano ang salitang nabuo gamit ang mga larawan?
3. Sa inyong sariling pang-unawa, ano kaya ang maaring nagging dahilan at epekto
ng Migrasyon?

Aralin

2 Iba’t Ibang Dahilan ng


Migrasyon

Suriin

Migrasyon dulot ng Globalisasayon at ang iba’t ibang uri nito.

1. Globalisasyon ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng
migrasyon. Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New
Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay
nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito.

2. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon


Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga
bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang nakararanas ng labour
migration, refugees migration at maging ng permanenteng migrasyon nang sabay-
sabay.
Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at
permanent migrants.
Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa
na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa
bansang pinuntahan.
Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa
ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan
nang may takdang panahon.. Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign students na
nag aaral sa bansa at mga negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala
ng anim (6) na buwan.
Samantala, ang permanent migrants ay mga overseas Filipinos na ang
layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit
ng pagkamamamayan o citizenship.
Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng bilang sa tatlong uri ng
migrasyon ng mga Overseas Filipinos ng taong 2012-2013. (*source 2014 CFO
Compendium of Statistics)

12
Uri ng Migrante 2012 2013
1. Irregular Migrants 1.07 Million 1.16 Million
2. Irregular Migrants 4.22 Million 4.21 Million
3. Permanent Migrants 4.93 Million 4.87 Million

Batay sa estadistika, dumarami ang mga Koreans na pumupunta sa Pilipinas


upang mag-aral ng kolehiyo. Partikular sa mga lugar na kanilang pinupuntahan ang
lungsod ng Baguio, Manila, at Cebu. Sa anong uri kaya ng migrasyon sila nabibilang?
Ano kaya ang epekto nito sa mga lugar na madalas nilang puntahan?

Pagyamanin

Gawain 2: Graphic Organizer


Mula sa talakayan, punan ng angkop na impormasyon ang graphic organizer sa
ibaba.

Iba’t ibang uri ng Migrasyon


Irrigular Migrants Temporary Migrants Permanent Migrants

Aralin
Iba’t Ibang Epekto ng
3 Migrasyon

Isaisip

Naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan kung ihahambing sa


nagdaang mga panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga tao sa loob at labas ng
bansa ay masalimuot kung pagtutuunan ng pansin ang dahilan, patterns at epekto
nito sa lugar na iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.

13
Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo.
Nandarayuhan ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly qualified
specialists, entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya. Alamin natin
ang mga dahilan at epekto ng Migrasyon dulot ng Globalisasayon.

MGA DAHILAN AT EPEKTO NG MIGRASYON DULOT NG GLOBALISASYON

1. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid


ng masaganang pamumuhay

2. Paghahanap ng ligtas na tirahan;

3. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa


ibang bansa;

4. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang


industriyalisado.

EPEKTO NG MIGRASYON (LIPUNAN, POLITIKA AT HANAPBUHAY)

EPEKTONG PANLIPUNAN- Ang pagpapahalaga ng kultura ay maaring


magbago, maaring magkaroon ng culrural diffusion at magkakaroon din ng
pagkaubos o shortage ng mga talentadong human resources na maaring gamitin sa
lakas paggawa.

EPEKTONG PAMPOLITIKA- Ang pagbabago ng Sistema at pagdami ng tao ay


lubos na makakaapekto sa pamahalaan. Maging ang sibilisasyon ay maari ring
makaapekto sa pamahalan.

EPEKTONG HANAPBUHAY- Sa pagdami ng umaalis, mas maraming


pumapasok na salapi sa bansa. Kasabay nito ang pagkakaroon ng matatag na
kabuhayan na makakatulong sa bawat pamilya ng mga mandarayuhan.

Mabilisang paglaki ng migrasyon


Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang
rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas at polisiya na
ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.

Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal


Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang
nakararanas nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal
at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu
ng migrasyon. Kaya naman, higit kailanman kinakailangan ang higit na kooperasyon
at ugnayan sa pagitan ng mga bansang kasangkot sa usaping ito.

Paglaganap ng ‘migration transition’


Ang migrationtransition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. Partikular dito ang nararanasan
ng South Korea, Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.

Peminisasyon ng migrasyon

14
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa
kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration at refugeesay binubuo
halos ng mga lalaki. Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginampanan ng
kababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang mga manggagawang
kababaihan ng Cape Verdians sa Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at Thais sa
Japan ay nagpapatunay rito.

Isagawa
Gawain 3- Ako ay Isang Migrante!
Ipagpalagay na ikaw ay isang migrante. Magbigay ng angkop na paliwanag
kung bakit ito ang iyong dahilan ng paglipat.

Migrasyon
Hanapbuhay
Ligtas na Tirahan
Paghikayat ng Pamilya
Pag-aaral

Tayahin

Gamit ang iyong natutunan, sagutin ang mga katanungan sa ibaba;

1. Ano ang kahulugan ng migrasyon?


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________.
2. Ano- ano ang mga katangian ng migrasyon?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________.

3. Ano-ano ang mga uri ng migrasyon? Magbigay ng halimbawa nito.

15
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________.
4. Bakit umaalis at dumarating ang mga tao sa isang lugar?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________.
5. Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa migrasyon? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________.

Karagdagang Gawain

Pagbubuod!

Gumawa ng isang buod tungkol sa aralin.

Buod Ng paksa

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

16
17
Subukin
1. C
2. B
3. D
4. D
5. C
6. D
7. B
8. D
9. A
10.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

1. DepEd AP10LM (Draft)


2. DepEd AP10TG (Draft)
3. Http://peac.org.ph
4. Https://depedjuniormaterials.blogspot.com

18
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul
sa ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng
puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like