You are on page 1of 25

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1)
Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1 (Week1): Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Nilo L. Turtoga
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Charity H. Pino Josephine Y. Agusto
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Tagaguhit: Keno Paulo B. Estrera
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1):
Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa


mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Araling Panlipunan Ikasampung Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikasampung Baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman


mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaarimong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain


Pagwawasto sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!


Noong nasa Ikasiyam na Baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa
ekonomiya ng ating bansa. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman
sa kontemporaryong isyu at ang kahalagahan nito sa tao at sa lipunang
ginagalawan.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo kung paano suriin ang mga
pangyayari sa paligid na siyang may malaking epekto sa tao, lipunan,
paniniwala at maging sa kultura. Isinaalang-alang din dito ang
papagpapaliwanag sa mga isyu na siyang bumubu sa kabuoan ng pag-aaral
upang mapalalim pa ang kaalaman sa dahilan at sanhi ng bawat pangyayari.
Mahalagang malaman mo ang pag-aaral sa unang paksa ay magbibigay halaga
sa mga pangyayaring nagdulot ng mabuti at naging inspirasyon para magsikap.
Maging ang naging masamang epekto nito at kung papaano ito naranasan na
siya namang naging matibay na pondasyon na naging sangkap tungo sa
pagbabagong hinahangad.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!


Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Kontemporaryong Isyu
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong Isyu
(MELC-Week 1)
2. naipaliliwanag ang kahulugan ang salitang kontemporaryong isyu
3. nakapaglalahad ng mga kahalagahan ng pag-aaral ng
kontemporaryong Isyu; at
4. naisasapuso ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong isyu
bilang mamamayan sa pamamagitan ng pagsulat ng awitin, pagguhit ng
larawan, o paggawa ng sanaysay.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto


ang hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Alalang-alala ang ama ng tahanan na si Mang Yuan sapagkat ang kanilang
barangay ay isinailalim sa Enhanced Community Quarantine dulat ng
kumakalat na sakit na Corona Virus disease o kilala sa tawag na Covid-19.
Inaalala niya kung saan siya kukuha ng ipapakain sa kaniyang pamilya sa
araw-araw sapagkat nawalan ng trabaho dahil nagsara ang kompanyang
pinagtatrabahuan. Masasabing ang nararanasan ni Mang Yuan ay suliraning
nakaaapekto sa lipunan dahil sa malaki ang epekto nito sa bawat isa hindi
lamang sa pamilya ni Mang Yuan. Ano ang tawag sa mga bagay na
napagtutuonang pansin, napapanahon, at nagiging usap-usapan ng bawat
isa?
A. Balita B. Isyu C. Scandal D. Usapin

2. Ang paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa mga


mahahalagang kaganapan na nakaiimpluwensiya sa mga tao, pamayanan,
bansa at mundo. Ano ang pinatutungkulan ng pahayag?
A. Isyu na may kaugnay sa pag-aaral sa lipunan
B. Kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporayong Isyu
C. Kahalagahan ng Isyu sa buhay ng bawat tao sa lipunan
D.Kahalagahan ng pag-aaral ng Isyung pandaigdigan at impluwensiya nito

3. Si Macoy ay mahilig manuod at makinig ng mga balita sa radio o telebisyon.


Maraming isyu ang napag-uusapan maging ito ay sa kalusugan, politika,
edukasyon, relihiyon, karapatang pantao, at iba pa. Pero sa lahat ng isyu,
ang pinakagusto niyang mapanuod at mapakinggan at nagbibigay komento
ay tungkol sa inaabusong mga miyembro ng LGBT. Anong kontemporaryong
Isyu napapaloob sa sumusunod ang inaabusong miyembro ng LGBT?
A. Age Discrimination B. Child Abuse C. Bullying D. Gay Rights

4. Ang pagkasunog ng kagubatan sa Brazil at Australia maging ang


pagkatunaw ng makakapal na yelo sa AntarcticA ay nagpapalala sa
suliraning pangkapaligiran. Nariyan din ang hindi maunawaang pabago-
bagong panahon, malawakang tagtuyot at pagbaha sa Pilipinas at maging
sa buong mundo. Sa anong kontemporaryong Isyu ito napapaloob?
A. Climate Change and Global Warming C. Kaingin
B. Environmental Pollution D. La Nina

2
5. Si Teburcio ay napapadalas ang paglalaro ng video games sa loob ng
computer café. Maliban sa paglalaro ay nalantad din siya sa mga mahahalay
na mga larawan at video na nakikita at napapanoodito. Walang kaalam-alam
ang mga magulang ni Teburcio na sa murang edad ay nakahiligan na niya
ang panonood ng malalaswang palabas sa internet. Anong Kontempo-
raryong isyu nabibilang ang suliraning kinasangkutan ni Teburcio?
A. Child Abuse B. Child Labor C. Pornography D. Prostitusyon

6. Sa nangyaring pagkamatay ni George Floyd na isang Black-American sa


America sa kamay ng mga Police, mas tumindi pa ang isyu tungkol sa
pagturing ng ilang mga White Americans sa mga Black Americans at at
maging sa iba pang lahi na nasa Amerika. Malakas ang panawagan sa
pantay na pagturing sa bawat lahi na itinuring nila ang America bilang
kanilang bansang kinabibilangan. Anong kontemporaryong isyu ito
nabibilang?
A. Bullying B. Gang C. Racism D. Terrorism

7. Mahalagang may kaalaman, kamalayan, at pakialam sa mga pangyayari sa ating


paligid gaya ng kinakaharap nating pandemya dulot ng Covid-19. Hindi lamang sa
kung ano ang nangyayari ngayon bagkus kasama na rin dito kung anong mga
kaganapan sa ating kasaysayan na napapaloob sa pagitan ng ika-20 taon
hanggang sa ngayon.Ang mga ito ay mula sa iba’t ibang isyu na nagdulot ng maliit
o malaking pagbabago sa ating buhay. Anong mga kaganapan ang tinutukoy sa
pangungusap?
A. Balita C. Usapin
B. Kontemporaryong Isyu D. Scandal

8. Alin saa sumusunod na kontemporaryong isyu na kung saan apektado ang pag-
iisip, emosyon, desisyon ng tao dahil sa may dinadalang malaking problema na
hindi niya kayang maibahagi sa kanyang kapwa maging ito man ay kaniyang mga
magulang, kapatid, malapit na kaibigan, at guru at inisip na lamang niyang wakasan
ang kanyang buhay dahil sa kawalan ng pag-asa?
A. Abortion B. Euthanasia C. Genocide D. Suicide

9. Ito ay isyu na matagal ng suliranin ng ating pamahalaan sapagkat laganap hindi


lamang sa iisang bansa bagkus itoy isyu rin ng iba’t ibang bansa. Sinisira nito ang
matinong pag-iisip ng tao, kalusugan at ang kabuuan dahil sa pagkagumon sa
ipinagbabawal na gamot. Anong kontemporaryong isyu ito?
A. Drug Addiction C. Shabu
B. Gambling D. Illegal drugs business

10. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na kontemporaryong isyu?


A. Pagkapanalo sa lotto C. Pagpapakasal ng parehong kasarian
B. Paglubo ng Populasyon D. Pagpapatiwakal

3
Aralin
Pag-aaral ng Kontemporaryong
1 Isyu
Bilang magaaral sa Grade 10, ikaw inaasahan na pag aralan mo ang mga
kontemporaryong isyu na may kinalaman sa iyong kinabibilangan na
pamayanan.
Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari,
ideya, opinyin, o paksa sa kahit anong larangang na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao.
Ngayon umpisahan na natin lakbayin ang araling napapanahon!

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat at bilugan ang tamang
sagot.
1. Sa aling saklaw ng Ekonomiks nabibilang ang mga sumusunod na halimbawa sa
paggawa ng furniture, pagmamanupaktura, at pagproses ng pagkain?
A. Distribusyon B. Kakapusan C. Pagkonsumo D. Produksiyon

2. Alin sa sumusunod na sector ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas


na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
A. Agrikultura B. Impormal na Sektor C. Industriya D. Paglilingkod

3. Alin sa ibaba ang kabilang sa sector ng industriya?


A. Paggugubat B. Pananalapi C. Transportasyon D. Utilities

4. Alin sa sumusunod na sector ang namamahala sa pagrposeso ng hilaw na


materyales upang it ay maging isang produkto?
A. Agrikultura B. Impormal na Sektor C. Industriya D. Paglilingkod

5. Bakit may impormal na Sektor?


A. Dahil sa kakulangan ng hanapbuhay ng mga tao
B. Dahil wala silang kaalaman sa proseso sa pagnenegosyo
C. Dahil maliit lamang ang puhunan ng mga mamamayan ito
D. Dahil sa lipat ng lipat ng tirahan ang karaniwang mangagawa

4
Tuklasin
Gawain 1: Hanapin Mo Ako
Panuto: Subukan natin ang talas ng iyong mga mata. Hanapin ang 15 salita/mga
salita na may kaugnayan sa paksang iyong pag-aaralan. Kapag nahanap mo na ang
salita/mga salita ay bilugan mo ito at isulat sa ibabang bahagi ng puzzle at tukuyin
kung ito ba ay pambansa o pandaigdigang isyu sa pamamagitan ng paglagay ng tsek
(/).

P B C N O Y S U T I T S O R P
X A W N P N M G H T K C D P A
E I G L O B A L I S A S Y O N
G D N P R V S T U U H V M R D
N S Q V A M B V C X I N N N E
A Y J K S P L L Z X R Q O O M
H B F D I B A J K L A P P G I
C R R M S S Y K G M P R W R C
E S D F M O Y O A H A D B A B
T V C O O O J L L M N F C P B
A O M S I R O R E T A H X I D
M B U L L Y I N G S S T W Y I
I C H I L D A B U S E M A A V
L G B T R I G H T S F G D Y O
C R I N N F A B O R S Y O N C

Isyu Pambansa Pandaigdigan


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.

5
Gawain 2: ISYU O CHIKA?
Panuto: Tukuyin ang sumusunod pangyayari kung ito ba ay isyu o chika. Isulat ang
sagot sa inilaang patlang.

1. ABS-CBN Franchise ______________


2. Pagkamatay ni George Floyd ______________
3. Pagpapatayo ng Mansion ng kapit-bahay mo ______________
4. Agawan ng Teritoryo sa West Philippine Sea ______________
5. Pagputok ng Bulkang Taal ______________
6. ‘’Black Lives Matter’’ ______________
7. Pagpaparamdam ng mga kaluluwa ______________
8. Pagpapatiwakal ng dahil sa depresyon ______________
9. Maraming bunga ang puno ng iyong manga ______________
10. Araw ng iyong Pagtatapos (Graduation) ______________

Suriin

Gawain 3: SANA ALL!


Panuto: Basahin ang maikling kuwento ng magkapatid na Yuan at Slater at gawin
ang Data Retrieval Chart upang maproseso ang binasang kwento.

Takdang Aralin
Nilo L. Turtoga

Sa unang lingo ng pasukan ng taong 2018, ang magkapatid na Yuan at Slater ay


kapuwa pumapasok sa mataas na paaralan ng Cang-aybod National High School. Si Yuan
ay nasa ikalabing isang baitang na o Grade 11 sa Senior High School, samantalang si
Slater ay nasa ikasampung baitang naman.
Sa ikalawang araw ng pagpasok ni Slater sa paaralan, binigyan sila ng takdang
aralin ng kanilang guro sa Araling Panlipunan na si Ginoong Braga. Ang kanilang takdang
aralin ay alamin ang mga kahulugan ng mga sumusunod na salita, kontemporaryo, isyu,
kontemporaryong isyu at ang kahalagahan ng pag-aaral ng kntemporaryong Isyu. Isinulat
naman ito ni Slater sa kanyang kuwaderno. Pag-uwi ng bahay naalala ni Slater na wala
nga pala siyang aklat sa Araling Panlipunan na ibinigay ng guro sa kanila para gamitin.
Wala din siyang smart phone na pwedeng gamitin para makapag-research sa internet.
Kaya iisa na lamang ang kanyang natitirang pag-asa para makagawa siya nito ang
tanungin ang kanyang nakatatandang kapatid.
Agad-agad niyang nilapitan ang kanyang kuya at pinabasa nito ang kanyang
takdang aralin. Nang mapagmasdan ito tumimo sa isipan ni Yuan ang mga salita at ani
niya, “Ay oo naaalala ko pa ang ibig sabihin ng mga salitang ito.” “Kuya pwede mo ba
akong tulungan sa aking takdang aralin?” pakiusap ni Slater. “Aba eh, oo naman, kapatid
kaya kita” patawang sabi ng kuya niya. “Kumuha ka ng papel at ididikta ko sa iyo ang ibig
sabihin ng mga salitang iyan at ang kahalagahan na rin ng kontemporaryong isyu.” Agad
namang tumalima si Slater sa pakiusap ng kuya. “Sige simulan na natin.

6
“Unahin natin ang Kontemporaryo, ayon sa aking guro, ang kontemporayo ay
nagmula sa pinagsamang con+tempor na ang ibig sabihin ay sa kasalukuyang panahon
maging ito man ay sa tao o bagay na nasa parehong panahon” ang saad ni Yuan sa
nakababatang kapatid. “Kuya ano naman ang Isyu? Ito ba iyong laging napapakinggan
ko sa radio at napapanod ko sa telebisyon na pinag-uusapan kagaya ng agawan ng
teritoryo sa West Philippine Sea?” ang walang kagatul-gatol na sambat ni Slater. “Tama
ka kapatid ko, isa lamang yan sa mga maiinit na isyung matagal nang napag-uusapan,
idagdag ko pa, ang Isyu ay mga balitang napapanood natin sa telebisyon,
napapakinggan sa radio, nababasa sa internet o newspaper maging ito man ay
nangyayari sa ating bansa o sa ibayong dagat o overseas na may topic, layunin, at
nakaapekto sa lipunan dahil ito ay napag-uusapan” dagdag ng kuya niya.
Kontemporaryong Isyu naman.” “Okay pagsamahin na natin ang kahulugan ng
Kontemporaryo at Isyu, sa madaling sabi ang Kontempoarayong isyu ay mga isyu na
nagyayari sa kasalukuyan o kung baga yong mga napapanahong isyu, sa generation
natin ngayon ang mga halimbawa nito ay Climate Change, Global Warming, Same sex
marriage, Terrorismo, Illegal Drugs, Drug addiction, Suicide at marami pang iba,” ang
pag-iisa-isa ng kuya ni Slater. “Aba kuya dahan-dahan naman, ang dami naman noon.
Ang gaing mo talaga kuya. Deserve mo talaga ang award na Best in Social Studies
noong Completion ninyo at With High Honors” papuring sambit ng nakababatang kapatid.
“Hmm, magtigil ka nga wag ka nang mambula pa hehehe. O ayan kumpleto na ang iyong
takdang aralin,” pagpapatuloy ng kuya niya. “ Maraming Salamat kuya.”
“Ang bilis mo namang magsalita kuya, pero nakuha ko pa rin ang iyong ibig
sabihin. Ngayon kuya ang Kontemporaryong Isyu naman,” “Okay pagsamahin na natin
ang kahulugan ng Kontemporaryo at Isyu, sa madaling sabi ang Kontemporayong isyu
ay mga isyu na nagyayari sa kasalukuyan o kung baga yong mga napapanahong isyu,
sa generation natin ngayon ang mga halimbawa nito ay Climate Change, Global
Warming, Same sex marriage, Terorismo, Illegal Drugs, Drug addiction, Suicide at
marami pang iba,” ang pag-iisa-isa ng kuya ni Slater. ‘’Ngayon naman sasabihin ko sa
iyo ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu, ikaw ba Slater ano ba ang
kahalagahan nito?’’ Tanong ng kanyang kuya. ‘’ Si kuya naman talago o mapagbiro eh
ako yung nagtatanong eh ipinasa mo naman sa akin ang katanungan.’’sabad ni Slater.
‘’Ang kahalagahan nito sa atin ay nagiging mulat tayo sa isyu dahil apektado tayo,
nakapagbibigay tayo ng ating matalinong opinion hinggil sa isyu kaya nahahasa natin
ang kritikal na pag-iisip at pag-unawa, at nagkakaroon tayo ng pagpapahalaga sa
pangyayari maging sa kung sino ang mga kasangkot dahil nakikilala natin ng lubos ang
pangyayari at higit sa lahat natututo tayong maging responsable at mapananagutang
mamamayan ‘’ ang paglalahad ng kanyang kuya. “Aba kuya dahan-dahan naman, ang
dami naman noon. Ang galing mo talaga kuya. Deserve mo talaga ang award na Best in
Social Studies noong Completion ninyo at With High Honors” papuring sambit ng
nakababatang kapatid. “Hmm, magtigil ka nga wag ka nang mambula pa hehehe. O ayan
kumpleto na ang iyong takdang aralin,” pagpapatuloy ng kuya niya. “Maraming Salamat
kuya.” pasasalamat ng nakababatang kapatid.
Nang sumunod na araw ay magiliw na nakilahok sa talakayan si Slater sa
kanilang asignaturang Araling Panlipunan dahil kompleto at nasagot niya ang lahat ng
katanungan ng kanilang takdang aralin.

7
Salita Kahulugan
1. Kontemporaryo

2. Isyu

3. Kontemporaryong Isyu

Kahalagahan ng Pag-aaral ng 1.
Kontemporaryong Isyu 2.
3.

Gabay na mga tanong:


1. Ano pangunahing paksa ng kwento? ________________________________
________________________________________________________________
2. Anong klase ng mag-aaral ang dalawang pangunahing tauhan sa kuwento?
________________________________________________________________
3. Ayon sa iyong nakalap na impormasyon sa Data Retrieval Chart, malinaw na
ba sa iyo ang kahulugan ng kontemporaryong Isyu at ang kahalagahan ng
pag-aaral nito?_________________________________________________
________________________________________________________________
4.Sa mga nabanggit na kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong
isyu, masasabi mo ba na malaki ang maitutulong o makasasama lamang ito
sa iyo? Bakit? __________________________________________________
_______________________________________________________________
5.Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita sa mga mamamayan ang iyong
pagpapahalaga sa natutunan mo sa pag-aaral ng Kontemnporaryong Isyu?
_______________________________________________________________
6. Ano ang iyong konklusyon sa binasang kuwento? _____________________
_______________________________________________________________

8
Pagyamanin
Gawain 4: MAY HALAGA BA AKO?
A. Panuto: Mula sa mga Isyu na makikita sa ibaba, tukuyin ang
kahalagahan nito sa buhay mo sa pamamagitan ng pagsulat ng iyong
sagot sa patlang na inilaan.

_______________________________
Anti-Bullying _______________________________
Campaign _______________________________
_______________________________

_______________________________
_______________________________
Social Distancing _______________________________
_______________________________

_______________________________
No Quarantine Pass,Face _______________________________
Mask _______________________________
No Ride _______________________________

Ang mga larawan ay sariling kuha ng may akda ng modyul

Gabay na Tanong:

1. Ano ang kaugnayan ng mga isyung ito sa iyong buhay bilang mag-aaral?
__________________________________________________________
2. Alin sa mga isyo ang may malaking naidulot na pagbabago sa iyong
pamumuhay at pag-aaral? ____________________________________
__________________________________________________________

3. Masasabi mo ba na ang mga isyung naipakita ay makabuluhan at malaki ang


maitutulong sa iyong pagkatao? _________________________________

4. Mula sa tatlong isyu na ipinakita, pumili ng isa at isalaysay sa maikling


paraan ang iyong karanasan. __________________________________
__________________________________________________________

9
B. Sa loob ng kahon sumulat ng isang awitin, gumuhit ng larawan, o gumawa
ng sanaysay (100 salita) nagpapakita ng pagsasapuso ng iyong kaalaman
sa kahalagahan sa pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.Pumili lamang ng
isang gawain mula sa pagpipilian. Ang batayan sa pagmamarka ay ayon sa
rubric na inilaan.
Batayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng
(5) (4) (3) pagsasanay ( 2)
Paglalahad Napakahusay Hindi gaanong May hindi Hindi
na inilahad ang malinaw ang maintindihan sa maintindihan
mensahe mensahe mensahe ang mensahe
Kaayusan Tama ang May isa May mga mali Hindi tama ang
detalye ng dalawang mali sa detalye ng mensahe
mensahe ang detalye ng mensahe
mensahe
Kompleto Kompleto ang May kulang sa May mga Maraming
detalye ng detalye ng kulang sa kulang sa
mensahe mensahe detalye ng detalye ng
mensahe mensahe
Pagkakayari Napakahusay Mahusay na Simple ang Magulo ang
na pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa
pagkakagawa
Hatak Lubos na Nakahahatak di-gaanng Hindi
nakahahatak ang mensahe nakahahatak nakahahatak
ang mensahe ang mensahe ang mensahe

OBRA MAESTRA

10
Isaisip

Kontemporaryong Isyu

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontempraryong Isyu


1. Nakaiimpluwensiya sa tao, bansa, o mundo ang mga mahahalagang
kaganapan dahil magkakaron ng malinaw at makabuluhang kaalaman ang
isang tao.
2. Malinaw na napag-uugnay ang mga sanhi at epekto ng mga pangyayari
3. Naigagalang ang iba’t ibang opinion pananaw maging ito man ay sang-ayon
o salungat
4. Napahahalagahan ang pagkakaiba ng bawat tao maging ito man ay sa
kanilang dignidad, kultura, paniniwala at karapatang pantao
5. Maingat na pagpapasiya na may paggalang sa kagustuhan ng iba
(Dallo, et.al.,Kayamanan,12)

Mga Halimbawa ng Kontempraryong Isyu


(maaaring ito ay pambansa o pandaigdigang isyu)
Diskriminasyon sa Edad, Birth Control, Child Labor, Global Warming, Polusyon,
Korapsyon, kahirapan, Covid-19 Pandemic, Cyberbullying, Kawalan ng trabaho, Rape,
Sexual Harassment, Same sex Marriage at iba pa.

11
Isagawa
Gawain 5: MAGPASYA KA AT MANGATUWIRAN!

Panuto: A. Basahin ang sitwasyon na nasa ibaba. Sagutin ang Gabay na mga
tanong.
Si Alex ay lumuwas ng Maynila upang dalawin ang kanyang ate Mila na
nakapangasawa na at matagal ng naninirahan doon. Pagdating niya sa lugar na kung
saan doon nakatira ang pamilya ng kanyang ate, kapansin-pansin na ang mga bahay
ay dikit-dikit at yari lamang sa light materials. Naalala niya ang sabi ng ate na ang
lupang kinatitirikan ng kanilang tahanan ay pagmamay-ari daw ng isang mayamang
negosyante ngunit ang malawak na lupa ay pinagpaplanuhan na daw ng mayamang
may-ari na patayuan ng malaking gusali. Dahil sa hindi pa naman dumarating ang
panahon na gagamitin na ng may-ari kaya naman pinatayuan ito ng mga barong-
barong na tahanan ng mga gustong magpatayo lalung-lalo na ang mga taga siyudad
na walang tirahan. Nakita niya rin ang maraming mga batang naglalaro sa gilid ng
kalsada na wari na’y di alintana ang panganib sa mga nagdaraang sasakyan. Nang
mga unang araw niya sa tahanan ng kanyang ate ay biglang nagkagulo ang buong
lugar sapagkat may dumating na sugo ng may-ari ng lupa na nagpapahayag na sila
ay palalayasin na.

Gabay na mga Tanong:


1. Ano ang pangunahing isyu__________________________________________.

2. Bakit may ganitong isyu?___________________________________________.

3. Gaano kahalaga na malaman ang isyung ito sa paglatag ng solusyon?


_______________________________________________________________.

4. Paano masosulusyonan ng kinauukulan ang isyung ito? __________________


_______________________________________________________________.

5. Masasabi mo ba na ito ay isang kontempraryong Isyu? Oo o Hindi? Bakit?


_______________________________________________________________.

12
B. Suriin ang dalawang larawan/drawing at sagutin ang mga gabay na mga
tanong.

LARAWAN 1 LARAWAN 2

Ang larawan ay kuha ng may akda ng modyul Ang larawan ay kuha ng may akda ng modyul

Gabay na mga tanong:

1. Anong Isyu ang ipinapakita sa Larawan 1 at Larawan 2?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano ang nakikita mong kahalagahan ng bawat larawan?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Tukuyin kung aling larawan ang pambansang isyu at pandaigdigang isyu.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Paano nakaaapekto ang bawat larawan sa iyong buhay bilang mag-aaral at kasapi
ng pamayanan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. May kaugnayan ba ang dalawang larawan sa isa’t isa? Patunayan.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

13
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Ang Covid-19 Pandemic na kasalukuyang kinakaharap ng buong mundo ay
nagpapakita na ang suliraning ito ay pandaigdigan. Marami na ang nasawi at ang
karamihang ng tinamaan ng sakit ay patuloy pang nagpapagaling sa iba’t ibang
pagamutan. Bakit sinasabing pandaigdigang isyu ang Covid-19?
A. Dahil sinusukat nito ang namamatay sa buong mundo
B. Dahil marami ang nasawi sa Estados Unidos, Italya at Brazil
C. Dahil pinapakita ng Covid-19 na walang pinipiling lahi, kasarian, kultura, at
paniniwala ang mga naapektuhan nito
D. Dahil ang isyung ito ay kinakaharap ng bawat bansa sa buong daigdig at
nagkakaisang nilalabanan ang pandemyang ito anumang kulay, lahi, kultura, at
paniniwala.

2. Mahalagang may pakialam tayo sa nangyayari sa ating lipunan sapagkat ang mga
ito ay may kaugnayan sa ating buhay. Alin sa sumusnod ang HINDI kabilang sa
kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Malinaw na napag-uugnay ang sanhi at epekto ng mga pangyayari
B. Nakaimpluwensiya sa tao, bansa o mundo ang mga mahahalagang kaganapan
C. Nakikilala ang mga tao sa mga kontemprary dahil ang hangad ay kasikatan at
katanyagan para sa paggalang sa kagustuhan ng iba
D. Naigagalang ang iba’t ibang opinion o pananaw maging ito man ay sang-ayon o
salungat sa isyung kinakaharap o naranasan

3. Si Carlos ay nagtungo ng Estados Unidos para magtrabaho doon. Maganda at


komportable siya sa kanyang pinapasukang kompanya dahil malaki din naman ang
pasahod kumpara ditto sa Pilipinas ngunit may kapansin-pansin na paraan ng
pagtrato sa mga empleyado lalo na kung ito ay mula sa ibang lahi at kabilang na
siya doon mula sa mga nasa mataas na posisyon sa kompanya. Alam niyang ito ay
paglabag sa karapatang pantao ngunit ayaw din naman niyang magsalita sapagkat
bago lamang siya sa kompanya. Ano ang dapat gawin ni Carlos sa ganitong
sitwasyon?
A. Huwag na lamang kumibo at hayaan nalang ang ganoong kalakaran kasi bago
pa siya sa kompanya
B. Magsumbong sa kinaukulan dahil hindi tama ang ginagawa ng mga nasa mataas
na posisyon ng kmpanya nila at ito ay nagpapakita ng paglabag sa karapatan at
racism
C. Magkaisa silang mga hindi patas ang trato ng kompanya sapagkat may legal na
basehan sila sa ilalim ng Civil Rights Act ng 1964 ng America.
D. Yayain at magkaisa silang lahat na kalabanin ang mga big boss sa kompanya
at ipaalam na may Karapatan silang dapat na ipaglaban kahit pa Malaki ang
pasahod sa kanila

4. Sa ating bansa, ang LGBT Rights ay hindi pa talaga ganap na batas pero kinikilala
na ang kanilang mga karapatan bilang tao at kung sino sila. Marami sa kanila ang
hanggang ngayon ay biktima ng diskriminasyon at pang-aabuso. Bilang mag-aaral

14
paano mo igagalang ang karapatan ng LGBT?
A. Hayaan sila sa kanilang gagawin, buhay naman nila yan
B. Igalang at irespeto natin sila gaya ng paggalang at pagtrato natin sa ating
kapuwa hindi kanilang sa LGBT.
C. Magpahayag ng supprta sa kanilang ipinaglalaban na Karapatan at maging
miyembro na rin sa LGBT Organization
D. Pagsabihan nalang sila na kung gusto nilang igalang sila ng kapuwa nila dapat
kumilos sila ng naayon sa kagustuhan ng iilan na ayaw sa kanilang grupo

5. Maraming mga kontempraryong isyu ang nangyari, nangyayari at ang iba ay muling
nabubuhay sapagkat muling napag-uusapan. Alin sa sumusunod ang HINDI
kabilang sa kontempraryong Isyu?
A. Pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas C. Paglaki ng Populasyon
B. Pandaraya sa Election D. Prostitusyon

6. Hindi na mabilang ang mga kontemporaryong isyu na kinakaharap ng mga tao mula
sa may simpleng pamumuhay hanggang sa mga mayayaman, mula sa maliliit na
bansa hanggang sa mga malalaki. Iba’t ibang pamamaraan ang pagtugon at
pagharap sa mga ito. Sa kasalukuyan, ang buong mundo ay humaharap sa isang
suliraning lahat ay apektado at ito ay ang COVID-19 Pandemic. Paano nabago ang
pananaw ng tao at mundo ng pandemyang ito?
A. Ang pandemyang ito ang nagpamulat sa tao na walang mahirap at walang
mayaman, walang first at third world country, walang lahi ang pinipili lahat
apektado.
B. Ang pandemyang ito ang nagbigay daan para magkaisa ang mga bansa sa
pagtuklas ng lunas sa sakit upang maagapan ang mga natamaan ng sakit na
nagpahirap, lalo na sa ekonomiya.
C. Ang pandemyang ito ang sumukat sa kakayahan ng mga namumuno sa bawat
bansa at nagpanukala ng mga stratehiya upang matustusan ang
pangangailangan ng bawat mamamamayan nito.
D. Lahat ng pagpipilian ay maaaring sagot

7. Ang kasalukuyang pagpapatupad ng paggamit ng Face Mask ay alinsunod sa


kinakaharap na krisis dulot ng COVID-19. Ang paggamit nito ay nakatutulong sa tao
upang maprotektahan ang sarili sa banta ng COVID-19. Ngunit ang paggamit
naman nito ay may kaakibat na panibagong suliranin, ito ay ang pagdami at hindi
tamang pagtatapon ng nagamit ng face mask. Paano tutugunan ang isang
kontempraryong isyu na nanganak ng isa pang isyu gaya ng suliranin sa itaas?
A. Ang paggamit ng face mask ay may kaakibat na respnsibilidad, ito ay ang tamang
pagtatapon sa tamang basurahan at dapat isipin ng tao na para makatulong sa
kalikasan, gumamit na lamang ng washable cloth mask.
B. Dapat isipin ko ang aking kalusugan dahil mahirap ng magkasakit lalo na ng
COVID-19 kaya dapat lang talaga gumamit ng face mask kung tutuosin itinatapon
ko naman sa basuran ang nagamit na.
C. Hayaang gawin na lamang ng Solid Waste and Management ang kanilang
gawain na maglinis at maghanap ng solusyon sa lumalalang prblema sa basura
ang importante ay ligtas ang pamilya ko sa nakahahawang sakit.
D. Maglaan ang gobyerno ng libreng face mask na disposable para nang sa gayon
ay kontrolado ang dami ng face mask na gamit ng mga mamamayan at payuhan
na itapon nalang ito pagkatapos gamitin.

15
8. Ang usaping Same-Sex Marriage ay hati ang ating lipunan at maging ang
simbahang Katolika ay mariing tinututulan ito sapagkat labag ito sa batas ng Diyos.
Sa kabilang banda, may mga Pilipino pa rin ang may gusto sa ganitong paraan.
Paano mo maipapasok ang konsepto ng ng kahalagahan ng pag-aaral ng
kontemporaryong isyu sa usaping ito?
A. Nagbibigay ito ng pagkakataon na ipakita ang pagiging bukas ng isipan ng mga
Pilipino sa makabagong panahon.
B. Naipakikita ng mga Pilipino na sumasabay na tayo sa kung ano ang uso sa ibang
lipunan na sa palagay natin ay pwede ring mangyari sa ating lipunan
C. Naipamumulat sa ating mga Pilipino na kasabay ng pagbabago ng panahon ay
mayroon din pagbabago sa ating lipunan.
D. Nabibigyan tayo ng totoong sitwasyon na kung saan nakapagbibigay tayo ng
ating opinion maging ito man ay sumasang-ayon o sumasalungat sapagkat sa
pagtatapos ng araw ikaw din naman ang magdidisisyon sa iyong sarili at ang
disisyon at opinion mo ay may malaking pananagutan.

9. Bilang mag-aaral sa Grade 10, paano mo ipaliliwanag ang isang kontemporaryong


isyu gaya ng suliranin sa basura sa iyong nakababatang kapatid o pinsan o sino
mang mas bata pa sa iyo na maunawaan niya na ang simpleng pagtatapon ng
basura kahit saan ay may malaking epekto sa kapaligiran?
A. Magtutungo kami sa basurahan at ipahihiwalay ko sa kanya ang mga nabubulok
at hindi nabubulok at nang matoto siya
B. Maghahanap ng mga videos sa internet na may kaugnayan sa suliranin at
ipapanood ko sa kaniya at ipaliliwanag sa paraang mauunawaan niya ito at
isasabuhay naming ito sa pamamagitan ng pagsasanay sa aktwal na gawain sa
pangunguna ko.
C. Mag-iikot kami sa buong bahay, hanapin ang lahat ng basura at itapon sa tamang
basurahan at sahihan ang nakababata kung kapatid o pinsan na ito ang
mangyayari kapag nilinis natin ang buong bahay at paligid nagiging maaliwalas.
D. Magsumikap na ilaan na lamang ang panahon at oras sa pag-aaral at saka na
lamang turuan ang nakababatang kapatid kung it na ay malaki na at nang hindi
na ako mahirapan sa pagtutro sa kanya ng tamang pagtatapon ng basura.

10. Kahit saan ka man magtungo, araw-araw mong kinakaharap ang mga isyu sa ating
lipunan maging ito man ay nakapagpapasaya, nagpapalungkot at nagbibigay ng
suliranin sa atin. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na kontemporaryong
isyu?
A. Pagkapanalo sa lotto C. Pagpapakasal ng parehong kasarian
B. Paglubo ng Populasyon D. Pagpapatiwakal

16
Karagdagang Gawain

# GUSTOKO‘TO
My Contemporary Issues, My Choice

Sa mga naranasan o nasaksihang Kontemporaryong Isyu sa panahon


ngayon, ihanay ito sa 1 ang pinakamahalagang nakaimpluwensiya sa iyo
at 10 ang hindi naman masyado.

1. _____________________________________________
2. _____________________________________________
3. _____________________________________________
4. _____________________________________________
5. _____________________________________________
6. _____________________________________________
7. _____________________________________________
8. _____________________________________________
9. _____________________________________________
10. _____________________________________________

Binabati Kita at natapos mo ang kabuoan ng Unang Modyul sa Araling


Panlipunan 10 ng Unang Markahan!!!

Inaasahan ko na marami kang natutunan.

17
18
Gawain 2 Suriin Isagawa
1.Isyu Tayahin
Gawain 3 Gawain 5
2.Isyu 1. D
2. C Gabay na tanong A. Gabay na Mga Tanong-
3.Chika
3. C Answer may vary Answer may vary
4.Isyu
4. B
5.Isyu 5. A
6.Isyu 6. D B. Gabay na Mga Tanong-
7. A Answer may vary
7.Chika 8. D Pagyamanin
8.Isyu 9. B
10. A Gawain 4
9.Chika
10.Chika A. Answer may vary
B. Answer may vary
Tuklasin : Gawain 1
Isyu Pambansa Pandaigdigan
Balikan Subukin
1.Aborsyon / /
2.Pagpapakamatay / 1.B
1.D
3.Globalisasyon /
2.B 2.B
4.Terorismo /
3.D 3.D
5.Rasismo /
4.C 4.A
6.Prostitisyon /
5.B 5.C
7.AIDS /
8.LGBT Rights / / 6.C
9.Climate Change / 7.D
10.COVID / 8.D
11.Bullying / 9.A
12.Child Abuse / / 10.A
13.Kahirapan /
14.Pornograpiya / /
15.Pandemic /
Susi sa Pagwawasto
Rubric Sa Pagbibigay Puntos sa Gawain 4B Sa ilalim ng Pagyamanin
Batayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng
5 4 3 pagsasanay
2
Paglalahad Napakahusay na Hindi gaanong May hindi Hindi maintindihan
inilahad ang malinaw ang maintindihan sa ang mensahe
mensahe mensahe mensahe
Kaayusan Tama ang detalye May isa dalawang May mga mali sa Hindi tama ang
ng mensahe mali ang detalye ng detalye ng mensahe mensahe
mensahe
Kompleto Kompleto ang May kulang sa May mga kulang sa Maraming kulang
detalye ng detalye ng mensahe detalye ng mensahe sa detalye ng
mensahe mensahe
Pagkakayari Napakahusay na Mahusay na Simple ang Magulo ang
pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa
Hatak Lubos na Nakahahatak ang di-gaanng Hindi nakahahatak
nakahahatak ang mensahe nakahahatak ang ang mensahe
mensahe mensahe
Puntos Interpretasyon
21-25 Napakahusay
17- 20 Mahusay
13-16 Katamtaman
8-12 Magsumikap pa na mapabuti ang gawa o likha

Sanggunian
Aklat:

Dallo, Evangelista M.,Eleanor D. Antonio, Consuelo M. Imperial, Maria Carmelita B. Samson, at


Cecilia D. Soriano. ‘’Kayamanan (Mga Kontempraryong Isyu)’’ Kahalagahan ng Pag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu: Manila: REX Book Store,2016

Website:

Merriam Webster Dictionary.Merriam-Webster Incorporated, ‘’Contemporary’’, https.//www.merriam-


webster.com
https://www.slideshare.net/alexesestenor/kahalagahan-ng-pag-aaral-ng-mga-kontemporaryong-isyu
https://quizlet.com/407317800/yunit-1-aralin-1-pag-aaral-ng-kontemporaryong-isyu-flash-cards/
https://www.scribd.com/presentation/405277740/ARALIN-1-ANG-KAHALAGAHAN-NG-PAG-AARAL-
NG-KONTEMPORARYONG-ISYU-pptx

http://kontemporaryongisyu.blogspot.com/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

19

You might also like