You are on page 1of 3

Posisyong Papel Hingil sa Pagpapatupad

ng Enhanced Basic Education o


Programang K to 12 sa Pilipinas

Posisyong Papel na nauukol sa Pagiimplementa ng gobyerno sa Enhanced Basic


Education o ang programang K-to-12.

Ako si Marc aj ako ay sumasang-ayon sa pagiimplementa ng gobyerno sa pagpapatupad


ng Enhanced Basic Education o ang programang K-to-12 sapagkat malaki ang maitutulong nito
sa mga Pilipinong mag-aaral lalong-lalo na sa pagpapataas ng marka ng mga mag-aaral sa
elementarya at sekundarya, mabilis na pagkakaroon ng trabaho kahit na hindi pa nagtatapos ng
kolehiyo at sa pagiging globally competitive ng Pilipinas.

Kaakibat ng tungkulin ng gobyerno na magbigay ng edukasyon sa mga mamamayan nito


ang masigurong napapaunlad ang kalidad ng edukasyong ito batay sa pangangailangan at mithiin
ng bansa kaya naman maganda ang naisip ng gobyerno sa pagpapatupad ng k-12 program
sapagkat marami itong magagawa para sa mga estudyante at pati na rin sa kaunlaran ng bansang
Pilipinas ngunit marami pa ring hindi sumasang-ayon sa desisyon ng gobyerno sa pagpapatupad
nito dahil sa mga ilang dahilan.

Isa dito ang Alliance of Concerned Teachers (ACT), pambansang alyansa ng mga
asosasyon ng mga guro sa bansa, na itinutuon ang programang K-to-12 para sa internasyunal na
pamantayan at pangangailangan. Ngunit hindi raw ito ang siyang makakatulong sa edukasyon sa
partikular at sa bayan sa pangkalahatan sa kasalukuyan. Ang ibang mga magulang ay hindi rin
sumasang-ayon sapagkat dagdag gastos lamang raw ito sakanila dahil sa dalawang taong
idaragdag sa dating kurikulum ang Basic Education Program at wala naming ipinagbago ang
kurikulum na ito. Marami pa rin ang tumututol dito kaya aking isinulat ang posisyong papel na
ito upang higit na malaman ng mga mambabasa ang mga dahilan kung bakit mas maganda kung
ipapatupad ang K-12 Program.
Una, magiging solusyon ang K-12 sa bumababang marka ng mga mag-aaral sa
elementarya at sekundarya. Sa K-to-12 program, magiging mandatory ang kindergarten, anim na
taon pa rin ang sa elementarya na mula sa Grade 1 hanggang Grade 6. Apat na taon din sa junior
high school na mula sa grade 7 hanggang grade 10 at ang idinagdag na dalawang taon sa senior
high school na mula Grade 11 hanggang 12). Ibig sabihin, mas matagal at mas mahahasa pa ang
mga estudyante sa kanikanilang asignatura sa eskwelahan. Magiging kalabasan nito ay ang
pagkakaroon ng maraming skilled-worker ang Pilipinas na siya naming makatutulong naman sa
pagiging globally competitive ng Pilipinas

Ayon sa DepEd ang mga nagsisipagtapos sa programang K-12 ay maari nang ituring na
mga propesyunal at may mataas na pinag-aaralan sa ibayong-dagat. Dahil nga halos lahat nang
bansa sa buong mundo ay 12-years ang basic education system, ang mga Pilipino ay maaari ng
mangibng bansa upang magtrabaho dahil parehas na ang kurikulum ng Pilipinas sa ibang bansa
kung ito man ay mapapatupad. Ito rin ang nagtutulak sa mga Pilipino na mangibang bayan para
roon makipagsapalaran. Mas gugustuhin ito ng isang gobyernong walang malikhang trabaho sa
kanyang mga mamamayan dahil mas malaki ang kikitain nito sa porma ng mga remittances mula
sa overseas Filipino workers (OFW) alinsunod sa labor export policy nito.

At panghuli, mas lalong mapabibilis ang pagkakaroon ng trabaho kahit na hindi pa


nagtatapos ng kolehiyo dahil ang kurikuum ng K to 12 ay ihahanda ang mga natapos ng senior
high school para makapagtrabaho. Makakakuha na sila ng Certificates of Competency (COCs) at
National Certifications (NCs) kapag nagdaan sa TESDA Training Regulations. Dahil din dito,
lubhang mababawasan ang mga papasok ng kolehiyo na magbibigay ng dahilan sa gobyerno na
bawasan ang pagpondo sa mga state universities and colleges (SUCs) o kaya naman ay
mababawasan ang mga bayarin sa mga asignatura sa kolehiyo dahil ang ilang mga asignatura ay
nakuha na ng mga estudyante sa Senior High School kaya naman wala dapat ikabahala ang mga
magulang sa mga gastusin ng kanilang mga anak. Mayroon na ring pagkakataon ang mga mag-
aaral na ma-empleo o kaya’y magtayo ng sariling negosyo. Kaya naman hindi lang mga mag-
aaral ng mamamayang Pilipino ang magbebenipisyo dito kundi pati na rin ang bansa sapagkat
dahil nga maaari nang magtayo ng sari-sariling mga negosyo ang mga nakapagtapos ng hayskul,
mas rarami ang mga inhiyero at inhinyera na siya naming ikatataas ng ekonomiya ng Pilipinas.
At dahil sa mga dahilang ito ako’y patuloy na sumasang-ayon sa pagiimplementa ng
gobyerno sa pagpapatupad ng Enhanced Basic Education Act o ang programang K-to-12 ng
gobyerno dahil tunay na marami itong maitutulong sa mga mamamayang Pilipino at sa buong
bansang Pilipinas lalong lalo na sa pagpapataas ng marka ng mga estudyante sa kanilang
akademikong pag-aaral, maaari na silang magkaroon kaagad ng trabaho pagkatapos ng kanilang
pag-aaral sa senior high school. Dagdag pa rito ay nakatutulong ang programang K to 12 sa
pagiging globally competitive ng bansang Pilipinas.

Kaya naman mas maganda na lamang na sumang-ayon at magpatuloy ang programang ito
para sa ikabubuti at sa mas magandang kinabukasan ng mga estudyante gayundin ang pagtaas ng
kaunlaran ng Pilipinas. Kaya naman bilang isang taong sumasang-ayon sa programang ito, ako’y
magsasagawa ng mga hakbanging na kahit papaano’y makatutulong sa pagsang-ayon ng ibang
tao sa pagpapatupad ng programang K to 12.

Bilang estudyante, makatutulong ako sa paghikayat ng ibang tao na huwag tumutol sa


bagong kurikulum ng k-12 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga brochures at flyers na
naglalaman ng mga iba’t-ibang impormasyon ukol sa k-12 upang mas higit na maintindihan ng
mga mambabasa na mas may benepisyo ang mga mag-aaral ng k-12 sa programang ito.

At isa pa sa mga hakbanging aking gagawin ay ang paggamit ng social media gaya ng
Facebook, Instagram at Twitter sa pagpapahayag ng mga iba’t-ibang uri ng mida gaya ng bidyo,
larawan at iba pa na maaaring magamit upang maghatid ng mensahe para sa mga makakakita
nito na ang pagpapatupad ng K-12 program ay dapat na maipatupad.
Kaya sa huling pagkakataon, ikaw rin ay aking hinihikayat na suman-ayon sa
programang K-12 sapagkat ito ang makabubuti sa lahat lalong-lalo na sa sambayang Pilipino at
sa mas magandang kalagay ng Pilipinas.

You might also like