You are on page 1of 34

10

FILIPINO
UNANG MARKAHAN – MODYUL 2
Mga Akdang Pampanitikan ng
Rehiyong Mediterranean

i
Filipino- Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Pokus ng Pandiwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Clarissa D. Tisoy at Junalyn P. Salgados


Editor: Daisy Mar V. Ubas, Eduardo T. Ursal
Tagasuri at Tagalapat: Dr. Liezl R. Borlasa/ Herminia N. Leyson
Tagaguhit: Ramesh A. Rosillo, Jim Ryan Dela Cruz
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Dr. Wifreda D. Bongalos, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Dr. Marcelita S. Dignos, CESO VI
Curriculum Implementation Chief : Dr. Oliver M. Tuburan
EPSVR – Filipino : Dr. Herminia N. Leyson
EPSVR – LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Marigold J. Cardente / Jennifer S. Mirasol

Inilimbag sa Pilipinas ng, Dibisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu


Departmento ng Edukasyon – Rehiyon VII, Central Visayas
Division ng Lungsod ng Lapu-Lapu
Office Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Email Address: oliver.tuburan@deped.gov.ph

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang-10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul na tumutugon sa layunin ng programang K to 12 ng
Kagawaran ng Edukasyon.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mga mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang-10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul na batay sa Kurikulum K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

iii
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka
o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot ng mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, na makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
10

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 2

POKUS NG PANDIWA

vi
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga pilimpiling mga aralin na makapaglilinang sa

kakayahan ng bawat mag-aaral . Inaasahang makahihikayat sa mga mag-aarala na

higit na kalugdan a tangkilikin ang mga panitikang pandaigdigan. Dito malilinang ang

kakayahan ng bawat mag-aaral s mga piling salita at mabubuting pagpapahalaga ng

pangkatauhang. Maliban sa kakayahang pasalita, malilinang din ang kanilang

kakayahan na sumulat at magnilaybilay sapamamagitan ng pagbibigay pagkakataong

masulat ang pananaw sa mga nabasang pandaigdigang panitikan.

Ang modyul ay nahahati sa apat na mga kasanayang pampagkatuto;

 Nagagamit ng wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan


at kagamitan)
F10WG-IIa-b-66
 Sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan.
 Sa pagsulat ng paghahambing
 Sa pagsulat ng saloobin:
 Sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa: at
 Isinulat na sariling kuwento

 Naipapahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay


F10PD-Ia-b-61

Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng


katotohanan , kabutihan at kagandahang – asal.
(F10PN-Ib-c63)

Nasusuri ang nilalaman , elemento , at kakanyahan ng binasang akda gamit


ang mga ibinigay na tanong
( F10PB-IB-c-63 )

1
Magtala ng 10 pangungusap gamit ang mga bagay na ginawa mo kahapon o
di kaya ang iba’t ibang gawain na kinawiwiwlihan mong gawin sa bahay o noong wala
pang pandemya (COVID-19) Salungguhit ang mga salitang nagsasaad ng kilos.
Hal. Naglakad ako mula sa aming bahay patungo sa bahay ng aking kaibigan.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9
10.

Pandiwa ay salitang ugat na ginagamit sa paglalahad ng aksiyon o kilos, mga


pangyayari at mga karanasan sa buhay.

Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa
simuno o paksa ng pangungusap. Makikita ito sa panlaping ginamit sa pandiwa.
 Tagaganap o Aktor kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang tagaganap
ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Si Aphrodite ay tumugon sa panalangin ni Pygmalion.
 Layon o Gol kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang diin sa pangungusap.
Halimbawa: Pinag-usapan ng mga tao ang estatwang nalikha ni Pygmalion.
 Ganap o Lokatib kung ang lugar o pinagganapan ng kilos ang paksa ng
pangungusap.
Halimbawa: Pinagmulan ng mga Mitolohiya ang bansang Griyego.
 Tagatanggap o Benepaktib kung ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng
kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.

2
Halimbawa: Ipinagdala nina Pygmalion ng mga alay si Aphrodites.
 Gamit o Instrumental kung ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos
ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Ginamit ni Pygmalion ang paet at martilyo sa pag-ukit ng estatwa.
 Sanhi o Kosatib kung ang paksa ng pangungusap ay ang dahilan o sanhi ng kilos.
Halimbawa: Ikinatuwa ni Aphrodite ang patuloy na pag-aalay ng pamilya ni
Pygmalion.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Panuto: Basahin at unawain ang isang naiibang kuwento ng pag-ibig , ang kuwento
nina Mang Rommel at Aling Jennie. Pansinin ang mga salitang nagsasaad ng kilos.
Magtala ng 10 salitang nagsasaad ng kilos at isulat sa ibabang bahagi sa espasyong
inilaan.
Ang pag-iibigan nina Mang Romel at Aling Jennie ay dumaan sa maraming
pagsubok. Dahil nang ipakilalal pa lang ni Jennie ang kasintahan sa kanyang
magulang ay agad nang tumutol ang mga ito. Si Jennie ay isang guro, maganda,
matangkad, mabait, at sinusuyo ang napakaraming makikisig na binata. Si Rommel
naman ay may taas lang n apat na talampakan, hindi nakatapos ng pag-aaral, at isang
hardenero sa paaralang pinagtuturuan ni Jennie. Kapag magkasama sila ay tampulan
sila ng tukso at tawanan. Madalass ilang tinatawag na “Beuty and the Beast” o kaya
naman’y sinasabihang sila’y perpektong halimbawa ng bukag nga ang pag-ibig.

Subalit hindi naging hadlang ang lahat ng ito sa kanilang pagmamahalan.


Nagpakasal sila at bumuo ng sariling pamilya sa kabila ng pagtutol ng magulang ng
dalaga. Tumigil sa paghahardeniro si Rommel at nagtayo ng negosyong halamana na
nakapagtataguyod sa lahat ng kanilang pangangailangan at pag-aaral ng mga anak.
Pinatunayan nila sa mahigit limampung taon nilang pagsasama na ang tunay na
pag0ibig ay ay nananig sa kabila ng itsura, kalagayan sa buhay at anumang hadlang.
Ang kanilang masayang pamilya ay patunay sa nagagawa ng tunay at wagas na pag-
ibig.

___________________ ____________________
___________________ ____________________
___________________ ____________________
___________________ ____________________
___________________ ____________________
(Teksto mula sa Pinagyamang Pluma 10)

3
Mula sa nasiping mga pandiwa sa tekstong binasa. Tukuyin kung anong pokus ng
Pandiwa napabilang ang naturang salita.

Nagagamit ng wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan at


kagamitan (F10WG-IIa-b-66)
Tukuyin ang pandiwa na ginamit sa bawat pangungusap at kung anong pokus ng
pandiwa ito. Ilagay sa
Halimbawa: Araw-araw dinadalaw ni Pygmalion ang minamaha niyang estaw.
PANDIWA POKUS
dinadalaw Tagaganap

1. Ikinatuwa ng mga tao ang pagtatagumpay ng pag-iibigan nina Pygmalion at


Galatea.

PANDIWA POKUS

2. Ang mga nakabasa ay magsusulat din ng mitolohiya.

PANDIWA POKUS

3. Ipinansulat nila ang pluma.

PANDIWA POKUS

4. Ang paksa ay pinag-iisipan ng mga manunulat.

PANDIWA POKUS

4
5. Pinupuntahan pa rin ng mga turista ang bansang Griyego.

PANDIWA POKUS

Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at


aspekto nitong nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa
pag-ibig sa kapamilya, sa kaibigan at sa kapwa.
Halimbawa: Nagpapasalamat (Imperpektibo o Nagaganap)
Nagpapasalamat ako sa lahat ng kaibigan na walang sawang tumulong sa akin sa
panahon ng kagipitan.
1. Gumawa (perpektibo o naganap)

___________________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Makinig (imperpektibo o nagaganap)

___________________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Magbigay (Perpektibo ng katatapos)

___________________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Sumunod (Imperpektibo o nagaganap)

___________________________________________________________________
_____________________________________________________________
5. Magsakripisyo (Kontemplatibo o magaganap)

___________________________________________________________________
_____________________________________________________________

5
Ikaw ngayon ay magsasalaysay ng isang kahanga-hanga at nakapagbibigay
inspirasyong pag-iibigan ng maraming personal mong naranasan o nararanasan. Ng
taong kakilala mo, nabasa mo o kaya napanood. Gumamit ng hindi bababa sa 10
pangungusap na gagamitan ng 010 pandiwa o higit pa sa paglalahad ng aksiyon,
pangyayari at karanasan. Agyan ito ng angkop na pamagat.

Basahing mabuti ang mga sumususunod na katanungan. Piliin ang tamang sagot sa
bawat bilang.
1. Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw at
nagbibigay-buhay sa lipon ng salita?

A. Pandiwa B. Pang-abay C. Pang-uri D. Pang-ugnay


2. Anong uri ng panitikan ang tumatalaky sa mga Diyos at Diyosa?
A. Alamat B. Epiko C. Mitolohiya D. Tula

3. Alin sa mga sumususunod ang tumutukoy na Tagaganap o Aktor ( Pokus ng


Pandiwa )sa pangungusap na ito? Si Aphrodite at tumugon sa panalangin ni
Pygmalion.

A. Pygmalion B. Panalangin C. Si D. Tumugon


4. Sa pangungusap na “Ginamit nii Pygmalion ang paete at martilyo sa pag-uukit ng
estatwa. Anong pokus ng pandiwa at salitang ginamit?

A. Aktor B. Benipaktib C. Instrumental D. Layon

6
5. Anong uri ng pandiwa ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang
kilos sa simuno o paksa ng pangungusap?

A. Aspekto ng Pandiwa C. Uri ng pandiwa


B. Pokus ng Pandiwa D. Pandiwa

Karagdagang Gawain

Gamit ang karagdagang kaalaman ukol sa pandiwa sumulat ng isang maikling


pagpapahayag gamit ang iba’t ibang pandiwa ukol sa kalagayang kinasasadlakan mo
ngayon sa panahon ng pandemya. Pagbatayan ang Rubriks na nasa ibaba

Kalinawan ng paglalahad…………………….10%

Paggamit ng pili at naayong salita……………….10%

Kasiningan at kagandaga……………………5%

Kabuuang…………………………………….25%

Lumilok - humugis o bumuo ng anomang anyong binubuo.


Mitolohiya - salitang mito na galing sa salitang latin na Mythos at mula sa salitang
Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento.
Pandiwa - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-

buhay sa lipon ng mga salita.


Pokus ng Padiwa - tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos

sa simuno o paksa ng pangungusap

7
Pagyamanin Tayahin
1. Ikinatuwa- 1. A
Layon o Gol 2. C
2. Nakabasa- 3. D
Sanhi o kosatib 4. C
3. Ipinansulat- 5. B
Gamit o
instrumental
4. Pinag-isipan-
Tagatanggap o
Benipaktib
5. Pinupuntahan-
Ganap o Lokatib

Panitikang Pandaigdig 10, Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Kagawaran ng


Edukasyon, Republika ng Pilipinas
Pinagyamang pluma. Alinsunod sa K to 12 curriculum
https://www.google.com/search?q=pang-ugnay+kahulugan&oq=pang-
ugnay+&aqs=chrome.5.0j69i57j0l4.9537j1j8&sourceid=chrome&ie=UTF-8

8
A. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang trabaho ne Pygmalion?
a. Eskultor
b. Manggagamot
c. Artista
d. Mananayaw
2. Siya ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan
a. Athena
b. Eris
c. Artemis
d. Aprodite
3. Kalian nag laya si Pygmalion kay Aprodite
a. Kapistahan ne Galatea
b. Kapistahan ne Zues
c. Kapistahan ne Aprodite
d. Kapistahan ne
4. Sino ang bunsong anak ne Pygmalion at Galatea?
a. Metharme
b. Paphos
c. Galatea
d. Pygmalion
5. Sino ang panganay ni Pygmalion at Galatea?
a. Metharme
b. Paphos
c. Galatea
d. Pygmalion

B. Panuto: Magbigay nang sariling batay sa paksang tinalakay (10 puntos).


Tanong: Anong inspirasyon ang binibigay ng kwento (Si Pygmalion at
Galatea)

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

9
Ang Mitolohiyang Pygmalion at Galatea
Si Pygmalion ay isang makisig na binatang eskultor na ilag sa mga kababaihan dahil
sa ugali ng mga ito. ang kanyang oras ay iginugugol niya sa paglililok hanggang
makagawa siya ng isang obra. Ang obrang ito ay isang babae na nagtataglay ng
mga katangian na nais niya para sa isang babae. Pinangalanan niya ito ng Galatea
at minahal ng totoo. Hindi niya inalintana ang opinyon ng iba. Hanggang sa
dumating ang araw ng pista at napag-alaman ni Aprodite, ang diyosa ng pag-ibig at
kagandahan ang tunay na pagmamahal ni Pygmalion kay Galatea. Siya ay naantig
at kanyang binigyang buhay ang babaeng pinakamamahal ni Pygmalion. Sina
Pygmalion at Galatea ay nakabuo ng isang masayang pamilya kasama ang kanilang
mga anak na sina Paphos at Metharme. Bilang pasasalamat sa kabaitan ng diyosa,
ang kanilang pamilya ay taon-taon na nag-aalay sa templo ni Aprodite.
Pygmalion
Si Pygmalion na pangunahing tauhan sa akda, ay isang bihasa at mahusay na
iskultor na hinahangaan ng maraming kababaihan ngunit sa kabila nito, ay naging
pihikan siya sa mga babae. Para sa kanya, ang pakikipag-mabutihan sa mga
kababaihan ay pag-aaksaya lamang ng oras at pare-pareho ang kaniyang pananaw
ukol sa mga ito. Iginugol niya ang kanyang oras sa paglililok hanggang sa isang
araw ay maiukit niya ang isang estatwang nagpakita ng lahat ng katangiang inaasam
niya sa isang babae. Ipinangalangan niya itong Galatea.
Galatea
Si Galatea ang estatwang lubos na minahal ni Pygmalion at itinuring isang tunay na
kababaihan. Si Galatea ay nabigyang buhay ni Aphrodite.
Aphrodite
Si Aphrodite ang ikinikilalang Diyosa ng pag-ibig sa akda na nagbigay daan sa
wagas ng pagmamahal ni Pygmalion para kay Galatea sa pamamagitan ng
pagbibigay buhay nito sa estatwa upang ang labis na pagmamahal nito ay
masuklihan din ng pagmamahal na nararapat lamang para sa kanya.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/801686#readmore

A. Panuto: Basahin ang mga pahayag o kaisipang nasa kahon.


Magpapahayag ng sariling opinion o pananaw kaugnay nito.

10
Hindi pagkaraniwan ang pag-iibigan nina Pygmalion at Galatea kaya’t nagging
tampun sila ng usap-usapan.

Ano naman ang magiging pananaw o opinion mo kung may makita kang
magkasintahag sa tingin ng lipunan ay hindi magkabagay tulad ng:

 ang babae ay ubod ng ganda samantalang ang lalaki ay hindi guwapo;


 ubod ng yaman ang lalaki subalit napakahirap ng babae;
 Malaki ang agwat ng edad ng babae sa mas bata niyang kasintahan;
 Matalino at nakapag-aral ang lalaki subalit hindi nakatapos ng pag-aaral
ang babae?

Ang unang naisip ko ay Ang opinyon o pananaw ko sa sitwasyon


nila
__________________________________
__________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________
__________________________________

Ang sasabihin ko sa mga taong nanghuhusga


ay________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang ipapayo ko sa mga magkasintahan


ay________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

11
Ang OPINYON ay sariling pahayag lamang.

OPINYON - Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang
batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa
saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng
impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa
pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp.

Pyramid na Pagbubuod

PYGMALION

GALATEA

APRODITE

12
Aralin
ANG TUSONG KATIWALA
A. Gramatika at Retorika: Mga Piling Pag – ugnay sa
Pagsasalaysay( Pagsisimula ,

2
Pagdadaloy ng Pangyayari ,
Pagwawakas)

B. Uri ng Teksto : Nagsasalaysay

Malayang pagsulat

Isang buong papel sumulat ng sariling mitolohiya tungkol sap ag-ibig,


pakikipagsapalaran,o pakikiisa ng ng mga diyos at diyosa sa mga karaniwang tao

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Matapos mong pag – aralang ang isang sanaysay mula sa Greece, ikaw
ay gagabayan na naman ng mga mensahing matututuhan sa akdang pampantikan na
umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay – ang parabula. Sinasabing ito ay
natagpuan sa kauna- unahang mga tao sa mundo nabuhay sa mayamang wika ng mga
taga – Silangan. Ang salitang ito ay buhat sa salitang Griyego na parabole na
nangangahulugang pagtatabihin ag dalawang bagay upang pagtularin. Gumagamit ito ng
Tayutay na Pagtutulad at Metapora upang bigyang – diin ang kahulugan.

Ang Syria ay isang bansa sa Timog Kanlurang Asya. Nasa hangganan ng


Lebanon, Israel at Jordan, Iraq at Turkey. Sa Ingles, ang pangalan ‘’ Syria ‘’ay dating
magkasingkahulugan sa Levant (kilala sa Arabic bilang al – sham) habang sumasaklaw

13
sa mga modernong estado ang katatagpuan ng ilang mga sinaunang kaharian at imperyo
(Wikipedia. Org)

Sa pagtatapos ng araling ito,Ikaw ay inaasahang makasusulat ng tuntunin kung


paano magiging isang huwarang kabataan sa daigdig na batay sa sumusunod na
pamantayan: a.) nasusunod ang pamantayan sa paggawa ng tuntunin; b.) nakaugnay sa
layon ang tuntuning nabuo , c.) nagtataglay ng holistikongdulog na saklaw ang lahat ng
kabtaan, at d.) nagtataglay g payak na salita ngunit madaling maunawn at sundin ang
mga tuntunin.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang masasagot mo ang mga pokus na tanong


na : Bakit mahalagang maunawan at mapahalagahan ang parabola bilang akdang
pampanitikan? At paano nakatutulong ang mga pag – ugnay sa pagsasalaysay upang
mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob dito?

Alam Mo Ba?

Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang


moral na karaniwang batayan ng mga kwento ay nasa banal na kasulatan? REalistiko
ang banghay at ang mga tauhan ay tao . Ang parabula ay may tonong mapagmungkahi
at maaring may sangkap na misteryo.

Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al.2008. Texas , USA

Balikan

Matapos mong pag – aralang ang isang Mitolohiya mula sa Greece, na kung saan
tumutukoy tungkol sa kwento ng mga Diyos at Diyosa. Ang paksang ito ay gumagamit ng
pukos ng pandiwa. Ngaayon sa araling ito ay gagabayan ka sa ng mga mensahing
matututuhan sa akdang pampantikan na umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay
– ang parabula . Sinasabing ito ay natagpuan sa kauna- unahang mga tao sa mundo
nabuhay sa mayamang wika ng mga taga – Silangan. Ang salitang ito ay buhat sa
salitang Griyego na parabole na nangangahulugang pagtatabihin ag dalawang bagay

14
upang pagtularin. Gumagamit ito ng Tayutay na Pagtutulad at Metapora upang bigyang
– diin ang kahulugan.

Maliban sa mga salitang nakilala mo sa Pagyabungin Natin ay


baka may nakita ka pang ibang salitang hindi mo gaanong
maunawaan ang kahulugan kapag binasa mo na ang ating aralin.
Ikahon ang mga salitang ito at kilalanin ang kasing kahulugan gamit
ang diksyunaryo o halawin ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap kung saan ito ginamit.

Tuklasin

Ang Tusong Katiwala

15
( Lukas 16:1-15 )
Philippine Bible History

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may
isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2)
Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo?
Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong
tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako
ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman
akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa
ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya
ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang
tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan
mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw,
gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng
iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang tusong
katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay
mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng
mundong ito.

9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin


ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa
upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.
10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking
bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya
kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang
magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan
sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon


sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang
isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa
kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim
sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap
ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang
itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

16
Suriin
GAWAIN 1 Pag – unawa sa Akda
Sagutin ag mga tanong sa sagutang papel.
1. Ipaliwanag ang sulirning kinakaharap ng katiwala.
2. Ano ang nais patunayn ng katiwala ng bawasan niya ang utang ng mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo?
3. Kung ikaw ang may – ari ng negosyo, kukunin mo ba ang ganitong uri ng katiwala
para sa iyong negosyo?
4. Paano mo maiuugnay ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa
kasalukuyan?
5. Kung ikaw ang amo , ano ang iyong gagawin kung mababalitaan mong nalulugi
ang iyong negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala
6. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?
7. Paano nakatutulong sa buhayng mga tao ang mga mensaheng ibig ipahatid ng
binasang parabula?
8. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?
9. Paano nakatulong ang bawat bahagi ng parabula ang pagpapalutang ng mensahe
nito? Patunayan.

GAWAIN 2

Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng


katotohanan, kabutihan at kagandahang – asal. (F10PN-Ib-c63)

Suriin ang mg bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba. Isulat sa linya kung ang
bahaging ito ay nagsasad ng katotohanan (KT ), kabutihan o kagandahang asal ( K/K
). Ipaliwanag sa linya kung bakit ito ang napili mong kasagutan.
______________1. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga sinaunang
Hudyo
ay nagsisimula sa pag – uusap at pagkakasundo ng ama ng binata
at ama
ng dalagang ikakasal.
Paliwanag sa sagot :
______________________________________________________________________
_____

17
______________________________________________________________________
_____
______________ 2. Pagkatapos ng kasunduan ay pansamantalang lumayo ang binata
upang
ihanda o buoin ang kanilang magiging tahanan at upang
mapatunayan
ang katatagan ng kanilang pag – iibigan sa isat – isa.
Paliwanag sa sagot :
______________________________________________________________________
_____
______________________________________________________________________
_____
______________ 3. Ang limang matatalinong dalaga ay naging handa kaya’t nagbaon
sila ng
sobrang langis para sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
Paliwanag sa sagot :
______________________________________________________________________
_____
______________________________________________________________________
_____
_____________ 4. Ang hindi pahahanda lalo na sa panahon ng mahahalagang
pangyayari ay
makapagdudulot ng suliranin at kabiguan.
Paliwanag sa sagot :
______________________________________________________________________
_____
______________________________________________________________________
_____
______________ 5. Dahil sa kanilang kapabayaan ay hindi na nakapasok pa sa tahanan
ng
binatang ikakasal ng limang hangal na dalaga.
Paliwanag sa sagot :
______________________________________________________________________
_____
______________________________________________________________________
_____

18
GAWAIN 3

Nasusuri ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasang akda gamit


ang mga ibinigay na tanong (F10PB-IB-c-63 )

Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin at bilugan ang tamang sagot batay sa
nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasa.
1. Alin sa mga sumusunod tagpuan ng binasang parabula?
a. Sa kaharian ni Hesus.
b. Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol.
c. Israel sa kasalukuyang panahon
d. Rehiyon ng Mediterranean, kalagitnaang siglo.
2. Ano ibig ipahiwatig ng ‘’ Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa
kayamanan.”?
a. Magagalit sa ating ang panginoon kapag dalawang Diyos ang ating sinasamba
b. Maraming panginoon kaya ang tao ay pipili kung sino ang kanyang
sasambahin.
c. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.
d. Wala sa nabanggit.
3. Batay sa nilalaman ng akda, ano ang nanggyari sa tauhang nanloloko nang
kapwa?
a. Siya ay naging mayaman gamit ang yaman ng kanyang amo.
b. Pinaalis siya ng kanyang amo sa kanyang trabaho.
c. Nagkaroon siya nang maraming salapi at kaibigan
d. Siya ay piñata ng kanyang amo.
4. Ano ang kasukdulan o pinakamataas na pangyayari sa akda?
a. Nang pinuri ang katiwala ng kanyang amo.
b. Nalaman ng kanyang amo ang panluluko ng kanyang katiwala.
c. Nagsisisi an gang katiwala sa lahat ng kanyang panloloko.
d. Nang ang katiwala ang nagtagumpay sa kanyang panloloko sa kanyang amo.
5. Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akda?
a. Ito ay isang akdang nagbabalita
b. Ito ay isang akdang nangungumbinsi
c. Ito ay isang akdang naglalarawan
d. Ito ay isang akdang nagsasalaysay

19
Pagyamanin
Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang – puna ang etilo ng may – akda batay sa salita at eksprisyong ginamit sa
pamamagitan ng pagkikilala sa damdaming ipinahayag sa bahagi ng parabula.
Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.

1. ‘’ May taong mayaman na may isang katiwal. May nagsumbong sa kaniyang


nilulustay nito ang kanyang ari – arian ‘’
2. ‘’ Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’’
3. ‘’ Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa , nahihiya akong magpalimos ‘’
4. ‘’ Kayat sinasabi ko sa inyo , gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanngapin naman kayo sa tahanang walang hanggan’’
5. ‘’At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang
magbibigay sa inyo ng talagang par sa inyo?’’

Lungot galit panghihinayang


Pagtataka pagkaawa pag - aalinlangan

Isaisip
Magpahayag ng ilang mahahalagang kaisipang taglay ng akda base sa sumusunod na
mga katangian.

1. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa binasa patungkol sa nagagawa ng


tunay na pag-ibig.
 ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

20
2. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa binasa patungkol sa pagiging
maawain at mapagbigay.
 ___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________
 ___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________
3. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa binasa patungkol sa
pagpapasalamat nang taos-puso.
 ___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________
 ___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________

C. Nasusuri ang mga kaisipang taglay ng akda.


Lagyan ng tsek ( ) ang mga kaisipang nakita o nabanggit sa binasa at ng ekis (
) naman ang hindi.

_____ Isang makisig na pintor ang gumuhit ng larawan ng isang napakagandang


babae.
_____ Palakaibigan si Pygmalion lalo na sa kababaihan.
_____ Nahumaling at umibig ang binatang nagngangalang Pygmalion sa babaeng
kanyang nilikha.
_____ Hinusgahan ng mga taong nakakita ang ginagawang pakikipag-usap ni
Pygmalion sa isang estatwa.
_____ Hinadlangan ng magulang ni Pygmalion ang kanyang kakaibang pag-ibig.
_____ Isinagawa ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ni Pygmalion ang
kanilang pagpapakasal ni Galatea.
_____ Nagkaroon ng sampung anak sina Pygmalion at Galatea.
_____ Ipinakita sa akda ang naging bunga ng isang tunay at wagas na pag-ibig.

21
Karagdagang Gawain

Baon ang kaisipang ito kaugnay ng pag-ibig, paano maipakikita ang tunay na pag-
ibig sa sumusunod na mga sitwasyon:

 Sa iyong sarili. Umaabot ng mula apat hanggang anim na oras ang tagal
ng paggamit mo sa Internet at computer o tablet araw-araw para sa pag-
update ng iyong social media account, paglalaro ng video games,
panonood ng mga video sa Youtube, at iba pa. Lagi ka tuloy puyat at
kapansin-pansin ang kawalan mo ng sigla kapag nasa paaralan ka. Paano
mo maipakikita ang pagmamahal mo sa sarili sa sitwasyong ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________

 Sa iyong pamilya. Ugali mong tumambay muna sa paaralan at


makipagkwentuhan sa iyong mga kaibigan pagkatapos ng klase. Subalit
alam mong ang iyong nanay na pagod din mula sa trabaho ay
nangangailangan ng tulong sa paghahanda ng iyong hapunan at iba pang
gawain sa bahay. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa pamilya
sa sitwasyong ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________

 Sa iyong kaibigan. Napansin mong lumalabis ang pagiging palaasa ng


iyong kaibigan. Pati pagkopya ng notes ay hindi na niya ginagawa at
umaasa nalang sa iyong kinopya. Ang proyektong dapat pagtulungan ninyo
ay ikaw nalang ang gumagawa. Umaabot din siya sa pagkopya nalang ng
iyong sagot kapag may pagsusulit. Paano mo maipakikita ang pagmamahal
mo sa iyong kaibigan sa sitwasyong ito?

22
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________

 Sa iyong pamayanan o bansa. Mas gusto mo ng anumang bagay na


imported kaysa sa mga bagay na gawang Pinoy. Subalit alam mong ito ay
may epekto sa ating mga manggagawa at sa ekonomiya. Paano mo
maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong pamayanan o bansa sa
sitwasyong ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________

 Sa daigdig. Ang buong daigdig ay patuloy na nakararanas ng malalaking


kalamidad sanhi ng lumalalang COVID-19 na pandemya. Ang bawat isa sa
atin ay may ginagawang nagpapalala sa sitwasyong ito. Ano-ano ang
magagawa mo at ng iyong pamilya upang maipakita ang pagmamahal mo
sa daigdig sa kalagayan niyang ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________

23
Susi sa Pagwawasto

Balikan Pagyamanin Subukin


(Tayo ng Magsanay) 1. A
1. Pagpapakasal 2. B
2. Hinahangaan
3. Ligaya 3. C
4. Mahal na mahal 4. D
5. Lilok 5. A
(Payabungin Natin) Tayahin
1. Ginugol- Inubos
2. Tunghayan-
Basahin
3. Pihikain- Mapili
4. Pagkahumaling-
Pagkarahuyo
5. Pagdududa-
Pagtataka
6.

24
Sanggunian
Dayag, Alma M., Marasigan, Emily V. at Del Rosario, Mary Grace. 2015.Pinagyamang Pluma 10 (Aklat
1).Phoenix Publishing House, Inc.
2015.Modyul para sa Mag-aaral:Unang Edisyon. Filipino-Ikasampung Baitang.Deped-IMCS
Badayos, P.B. etal.2007.Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Valenzuela City: Mutya Publishing
House,Inc. (Maybinago ng kaunti)
Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas,
Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
Gaboy, Luciano L. Zeal, zealous - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni
Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
De Guzman, Maria Odulio (1968). "Zeal, zealous". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary.
National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760., pahina 195.
Anna Wierzbicka, Emotions across Languages and Cultures (1999) p. 66
Merriam-Webster's Online Dictionary, truth, 2005 (sa Ingles)
"Myths, folktales, and legends". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier
Incorporated. 1977.
https://filipino33.wordpress.com/2016/08/17/panitikang-mediterranean/
https://gurosafilipino72591.wordpress.com/category/ikasampung-baitang/mga-mitolohiya/v
https://tl.wikipedia.org/wiki/Olibo
https://brainly.ph/question/2445072
https://brainly.ph/question/2123020
https://brainly.ph/question/2470515
https://brainly.ph/question/426819
https://brainly.ph/question/573281
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mitolohiya
https://www.tagaloglang.com/timpalak/
https://brainly.ph/question/788305
https://www.myph.com.ph/2011/09/kayarian-ng-salita.html#.XvqnXctMRAE
https://brainly.ph/question/271572
https://quizlet.com/88360807/talasalitaan-kasingkahulugan-1st-quarter-exams-flash-cards/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mito
https://tl.wikipedia.org/wiki/Alagad
https://tl.wikipedia.org/wiki/Poot
https://tl.wikipedia.org/wiki/Katotohanan
https://tl.wikipedia.org/wiki/Hiyas
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sining
https://tl.wikipedia.org/wiki/Katalik
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sigla

25
http://depedsouthcotabato.org/wp-content/uploads/2020/07/Enclosure-No.-6-to-DM-CID-No.-081-s.-
2020-Sample-Module-in-Filipino-5-Module-1.pdf
https://www.slideshare.net/WalterColega1/filipino-10-teachers-guide
https://www.slideshare.net/lhoralight/filipino-36652316
https://www.globeelibrary.ph/download/4512
https://globeelibrary.ph/download/4522
https://www.coursehero.com/file/61598393/ADM-FILIPINO-SA-PILING-LARAN
https://www.coursehero.com/file/61598393/ADM-FILIPINO-SA-PILING-LARANGdocx/
https://www.slideshare.net/jedithagustin/k-to-12-filipino-grade-2-lm
http://www.depedbataan.com/resources/21/grade_2_learning_module_in_mathematics.pdf
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-epp-q1q4
https://www.coursehero.com/file/64432311/template-filipino-5-jun22docx/
https://www.slideshare.net/IanJurgenMagnaye/esp-learners-module-grade-10-unit-4
https://mgtnhs.files.wordpress.com/2013/06/2-inside-pages-q1.pdf
https://www.slideshare.net/CamilleAnnDelbarrio1/pagsulat-sa-filipino-sa-piling-larang-ng-techvoc
https://www.slideshare.net/sirlemuelestrada/esp-7-learning-material-first-and-second-grading
https://www.slideshare.net/julianrikki/edukasyon-sa-pagpapakatao-grade-9-lm
http://depedsouthcotabato.org/wp-content/uploads/2020/07/Enclosure-No.-6-to-DM-CID-No.-081-s.-
2020-Sample-Module-in-Filipino-5-Module-1.pdf
https://www.slideshare.net/WalterColega1/filipino-10-teachers-guide
https://www.globeelibrary.ph/download/4512
https://globeelibrary.ph/download/4522
https://www.slideshare.net/asanet2015/modyul-sa-filipino
https://www.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449/
https://www.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449
http://www.knowledgebank.irri.org/EA/preliminary%20pages/Phil~how02.htm
http://www.knowledgebank.irri.org/EA/preliminary%20pages/Phil~how03.htm
https://teachfromanywhere.google/intl/fil_ph/
https://www.slideshare.net/WalterColega1/filipino-10-teachers-guide
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/9959
https://www.hau.edu.ph/intra/courseoutline/pdf/basiced-jhs-fmtjhs/FIL10.pdf
https://www.slideshare.net/lhoralight/filipino-36652316
https://hayzkul.blogspot.com/2015/09/
https://www.slideshare.net/cherryjoybasug/pandiwa
https://brainly.ph/question/1947582
http://guroako.com/wp-content/uploads/2017/04/2Banghay-Aralin-sa-MTB-K-12.docx
https://hayzkul.blogspot.com/2015/09/
https://www.hau.edu.ph/intra/courseoutline/pdf/basiced-jhs-fmtjhs/FIL10.pdf
https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-tusong-katiwala.html
https://www.slideshare.net/louiemanalad/ang-tusong-katiwala-syria
https://www.slideshare.net/kyung2/filipino-modyul-1-mga-akdang-pampanitikan-ng-mediterranean
https://brainly.ph/question/2218039

26
https://www.wattpad.com/146160290-grade-10-filipino-module-ang-tusong-katiwala
https://www.bible.com/tl/bible/399/LUK.16.rtpv05
https://www.bible.com/fa/bible/399/LUK.16.1-13.RTPV05
https://brainly.ph/question/839774
https://brainly.ph/question/2232024
https://www.bible.com/tl/bible/177/LUK.16.TLAB
https://brainly.ph/question/711655
https://www.biblegateway.com/verse/tl/Lucas%2016%3A7
https://www.bible.com/tl/bible/399/LUK.16.6.RTPV05
https://www.bible.com/tl/bible/144/LUK.16.7.MBB05
https://www.bible.com/bible/399/MAT.6.24.RTPV05
https://brainly.ph/question/604742
https://brainly.ph/question/1591100
https://www.bible.com/tl/bible/399/LUK.16.4.RTPV05
https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-tusong-katiwala.html
https://www.slideshare.net/louiemanalad/ang-tusong-katiwala-syria
https://www.slideshare.net/kyung2/filipino-modyul-1-mga-akdang-pampanitikan-ng-mediterranean
https://www.wattpad.com/146160290-grade-10-filipino-module-ang-tusong-katiwala
https://brainly.ph/question/2218039
https://www.bible.com/tl/bible/399/LUK.16.rtpv05
https://www.bible.com/fa/bible/399/LUK.16.1-13.RTPV05
https://brainly.ph/question/839774
https://brainly.ph/question/2232024
https://www.bible.com/tl/bible/177/LUK.16.TLAB
https://brainly.ph/question/711655
https://www.biblegateway.com/verse/tl/Lucas%2016%3A7
https://www.bible.com/tl/bible/399/LUK.16.6.RTPV05
https://www.bible.com/tl/bible/144/LUK.16.7.MBB05
https://www.bible.com/bible/399/MAT.6.24.RTPV05https://www.bible.com/tl/bible/399/LUK.16.15.rtp
v05
https://brainly.ph/question/604742
https://brainly.ph/question/1591100
https://www.bible.com/tl/bible/399/LUK.16.4.RTPV05
https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-tusong-katiwala.html
https://brainly.ph/question/700836
https://brainly.ph/question/172059
https://brainly.ph/question/642212
https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-tusong-katiwala.html
https://www.slideshare.net/WalterColega1/filipino-10-teachers-guide
http://www.depedbataan.com/resources/21/grade_2_learning_module_in_mathematics.pdf
https://www.slideshare.net/WalterColega1/filipino-10-teachers-guide
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/9959

27
https://www.slideshare.net/WalterColega1/filipino-10-teachers-guide
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/9959
https://www.hau.edu.ph/intra/courseoutline/pdf/basiced-jhs-fmtjhs/FIL10.pdf
https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-tusong-katiwala.html
https://www.slideshare.net/louiemanalad/ang-tusong-katiwala-syria
https://brainly.ph/question/2218039
https://www.wattpad.com/146160290-grade-10-filipino-module-ang-tusong-katiwala
https://www.bible.com/tl/bible/399/LUK.16.rtpv05
https://www.bible.com/fa/bible/399/LUK.16.1-13.RTPV05
https://www.bible.com/bible/399/MAT.6.24.RTPV05

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph

28

You might also like