You are on page 1of 23

8








i
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4 Pagpapaunlad ng Kakayahang Umunawa sa
Binasa sa Pamamagitan ng Paghihinuha

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyaon Sangay
ng Palawan.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida Palay-Adornado, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Michelle P. Adion, Shirley C. Danao, Lucita L. Madamag

Editor: Christina M. Delos Santos, Nora A. Nangit


Tagasuri: Marijane M. Paredes, Nora A. Nangit
Tagaguhit:
Tagalapat: Nora A. Nangit
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez, Rodgie S. Demalinao, Nora A. Nangit

Inilimbag sa Pilipinas, ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii








iii
Panimulang Mensahe
Para sa mga Tagapagdaloy:

Ang Ikaapat na Modyul na ito ay para sa Ikawalong Taon na magsisilbing


kagamitan sa mga kasanayan para sa taong panuruan 2020-2021. Ang gurong
tagapagdaloy ng modyul na ito ay kinakailangang maging handa sa pagpapaliwanag
sa kanyang mga mag-aaral ng mga tiyak na layunin, gawain, at inaasahang awtput
upang matiyak ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Makatutulong din ang pagbibigay
ng oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o mga tagagabay tungkol sa
kahalagahan ng pagsasakatuparan ng mga gawain sa loob ng modyul na ito.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng


Palawan kaya’t pinapayuhan ang mga tagapagdaloy na magtagubilin sa gagamit nito
na ingatan ang modyul. Iwasang tupiin o pilasin ang mga pahina, dumihan, basain,
o alinmang kauri nito na makapipinsala sa kagamitan. Tiyaking masasagutan ng
mga mag-aaral ang bawat palatuntunan ng modyul kagaya ng mga pagsusulit,
gawain, pagsasanay, at mga pagsulat.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Modyul 4 Pagpapaunlad ng Kakayahang Umunawa sa
Binasa sa Pamamagitan ng Paghihinuha.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

iv
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Kumusta ka na mahal kong Mag-aaral,

Kumusta ang iyong naging bakasyon sa mapaghamong banta at paglaganap ng COVID-19?


Naging panatag ka rin ba at sumusunod sa mga ipinagbabawal at payo ng World Health Organization?
Ngayong nasa panahon pa rin tayo ng pangamba at pag-aalinlangan, ating pag-aaralan ang
mahahalagang mga paksa at kasanayan sa Filipino na tiyak kong matuto ka sapagkat ito’y sadyang
inihanda para sa iyo. Ito’ y isinaayos at pinili upang iyong maikokonek ang iyong sarili sa iyong mga
matutunan. Inaasahan na sa paggamit mo nito ay magiging aktibo ka at handang ipahayag nang wasto,
maayos at may lalim ang iyong mga ideya, karanasan at kaalaman kaugnay ng mga pag-aaralan. Eksayted
ka na rin ba para rito at para sa susunod na yugto ng iyong buhay ng iyong pag-aaral?

Kung gayon, kumuha ka ng iyong kuwadernong panggawain, worksheet o di kaya naman


maaring gamitin ang mismong modyul na ito (kung ipahihintulot sa iyo ng iyong guro na ito ay sulatan)
upang itala o isulat ang ilang mahahalagang pagkatuto na maaaral mo rito. Bilang pagtalima sa kautusang
huwag munang magkita-kita o magsama-sama nang maramihan kaya maaari mo itong iuwi at pag-aralan
sa tulong ng iba pang miyembro ng iyong pamilya.

Pagpapaunlad ng Kakayahang
Linggo Umunawa sa Binasa
4 sa Pamamagitan ng Paghihinuha

vi
Matapos mong bigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o
masining na pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling kuwento,
epiko ayon sa: -kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan, ikaw naman ay
gagabayan ng modyul ng epiko ng Maranao mula sa Darangan na nagsasalaysay ng
kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Maranao. Ang Darangan ng mga
Muslim ay tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng mga taga-Maguindanao,
mga gawaing kahanga-hanga, at di sukat mapaniwalaang kabayanihan at kagitingan
ng mga mandirigmang Muslim. Maituturing itong pinakamahabang epiko sa
Pilipinas. binubuo ito ng apat na bolyum na naglalaman ng labingtatlong awit o epiko
na kapupulutan ng katutubong pananaw ng mga Muslim. Kabilang dito ang Prinsipe
Bantugan. Bahagi rin ang pagtalakay sa pakikinig nang may pang-unawa upang
mailahad ang layunin ng napakinggan, pagpapaliwanag ng pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari at paggamit ng mga
hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa epiko.

Nakatuon din ang modyul na ito sa mga salitang hudyat sa pagbibigay


hinuha. Na makatutulong sa iyo upang lalo mo pang mapaunlad ang iyong
kakayahan sa pagbuo ng talata at pagtukoy sa layunin ng nabasang akda.

Ang Modyul 4 ay naglalaman ng pasusuri ng layunin at pagkakaugnay-


ugnay ng mga pangyayari sa nabasang akda.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang makasusulat ng talata


na kinapapalooban ng mensahe gamit ang mga salitang hudyat.

Narito ang mga tiyak na kasanayang at layuning inaasahang matamo mo sa


modyul na ito:

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:


-paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda.(F8PB-Ig-h-24)
-dating kaalaman kaugnay sa binasa.(F8PB-Ig-h-24)
.
• Nakikilala ang mga salitang naghuhudyat ng paghihinuha.
• Naibibigay ang sariling hinuha sa mga ideya at pangyayari sa akdang binasa
• Naipaliliwanag ang sariling ideya o opinyon sa pagbibigay hinuha sa mga ideya o
pangyayari sa akda
• Naibabahagi ang dating kaalaman na may kaugnayan sa binasa.
• Naisa-isa ang kaugnayan ng dating kaalaman sa binasa.
• Napahahalagahan ang kaugnayan ng dating kaalaman sa binasa.

1
Subukin natin ngayon ang iyong imbak na kaalaman kaugnay
sa ating aralin para sa linggong ito. Sagutin mo ang kasunod na
paunang pagsusulit upang masukat natin kung gaano na kalawak ang
iyong nalalaman.

Panimulang Pagtataya

A. Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tinatawag na inferring sa wikang Ingles na nangangahulugang pagbibigay


ng sariling palagay sa maaaring kalalabasan ng mga pangyayari sa kuwento.
A. panghuhula B. paghihinuha C. konklusyon D. eksplorasyon

2. Saan nakabatay ang pagbibigay hinuha sa akda?

A. Sa mga ikinikilos ng tauhan C. Sa mga detalyeng inilahad


B. Sa sariling paniniwala D. Sa mga dating kaalaman sa akda

3. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng paghihinuha sa akda?

A. napapaunlad ang talasalitaan


B. natitiyak ang mangyayari sa akda
C. napapaunlad ang pag-unawa sa binasa
D. nalilinang ang pagbibigay ng sariling pasiya o desisyon

4. Mahalaga ba ang pag-uugnay ng dating kaalaman sa pag-unawa sa binasa?

A. Hindi sapagkat nabasa na ang akda


B. Hindi sapagkat iba na ang pokus ng impormasyong binabasa
C. Oo sapagkat dito nakasalalay ang pag-unawa sa bagong kaalaman
D. Oo sapagkat ito ang tulay na mag-uugnay sa dating kaalaman tungo sa
bagong kaalaman

5. Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa pag-uugnay ng dating


kaalaman sa binabasang akda maliban sa_______________
A. Nagagamit ng mambabasa ang dating kaalaman sa pagsusuri sa akda
B. Gamit ang dating iskima ay nahihinuha na niya ang babasahing akda
C. Madalas binabasa niya ang karugtong ng akdang nabasa na
D. Lalong napagtitibay ng mambabasa ang pag-unawa gamit ang dating
kaalaman

2
B. Salungguhitan ang salitang ginamit sa paghihinuha sa mga pangungusap.

1. Maaaring Gumanda ang buhay ng taong may pera.


2. Ang mga taong magaganda ay tila nagiging pintasera minsan.
3. Di malayong umabuso sa kapangyarihan ang taong may mataas na posisyonsa
pamahalaan.
4. Ang tunay na pag-ibig marahil ay isang bagay na nakapagbibigay-liwanag sa
buhay.
5. Di kaipalang ang mga gumagawa ng kasamaan ay may kahahantungang parusa
parusa sa huli.

C. Basahin at unawaing mabuti ang mga talata sa ibaba at sagutin ang mga
tanong kaugnay nito.

Laging may ilaw nakasindi sa may panulukan ng daang katapat ng


isang malaking groserya. Nang dumaan ang pulis na bantay sa lugar na
kanyang sakop ay patay ang ilaw. Siniyasat niya at nakita niyang tuklap ang
bintana ng isang bahagi ng groserya. Nang sumilip siya sa butas, may nakita
siyang gumalaw sa loob ng groserya.

6. Ano kaya ang ginawa ng pulis matapos sumilip sa butas?

A. Isinara niya ang bintana at saka umalis


B. Umalis siya papalayo sa tindahan ng groserya
C. Dahan-dahan siyang pumasok upang magsiyasat
D. May magnanakaw sa loob ng tindahan

7. Ano kaya ang maaaring nangyari sa loob ng tindahan?


A. Nagkamayan ang pulis at ang nasa loob ng groserya
B. Naging magkaibigan ang pulis at ang mga magnanakaw
C. Natuklasan ng pulis kung ano ang gumalaw sa loob ng groserya
D. Agad-agad na nagpaputok ang pulis na lumikha naman ng pangamba

Pinakahihintay ni Mang Ramon ang araw ng Linggo sapagkat ito ang araw
na sama-samang nagsisimba silang mag-anak. Pagkatapoos ay nagpunta sila sa
dagat. Kinahapunan ay pagod silang lahat ngunit masasaya naman.

8. Anong pakinabang ang maaaring makuha ni Mang Ramon sa kanyang


paglilibang kung araw ng Linggo?
A. napagod lamang siya
B. nakapagpahinga ang kanyang isip at katawan
C. hindi na naman siya nakapasok kinabukasan
D. Lalong naging magulo ang puso’t isipan ni Mang Ramon.

9. “Parang matagal na akong hindi nakakapasyal sa mall.” Alin sa mga sumusunod


ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
A. Ayaw na niyang pumunta sa mall C. Iniiwasan na niya ang mall
B. Gusto niyang mamasyal sa mall D. Madalas siyang napapagawi sa mall

3
10. “Si Juan ay lumiban sa klase dahil siya ay nadatnan ng ulan kahapon.” Kung
bibigyan mo ng hinuha ang pahayag, alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo?
A. Tila lumulutang siya sa alapaap
B. Marahil siya ay nagkaroon ng lagnat.
C. Maaaring siya ay nakatulog ng mahimbing.
D. Baka nakaramdam siya ng bigat ng katawan

Binabati kita sa ipinakita mong kaalaman at kahusayan! Tiyak na magiging


madali na lamang sa iyo ang susunod na hakbang tungo sa pagkatuto.

Samantala may kasunod na gawaing hahamon sa iyong mga nagdaang


ralin na may kaugnayan sa paksa/kasanayan na lilinangin. Gagabayan
ka nito upang maging madali ang pagtuklas mo sa mga kahon ng
karunungang dapat mong taglayin

Panuto: Piliin sa Hanay B ang maaaring sanhi ng mga sitwasyong nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Nahawa ng virus si Mars pagkatapos A. Matigas ang ulo ng mga mamamayan at


niyang dumalo sa isang salu-salo. patuloy na lumalabas ng bahay kahit hindi
naman mahalaga ang gagawin.

2. Pinagmulta ng P500 si Popoy dahil B. Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga


nahuli siyang walang suot na face mask. nagkakasakit sa bansa ay sapilitang
pinatigil ang operasyon ng maraming
industriya.

3. Dumarami ang mga nagpopositibo sa C. Lumabas ng walang suot na face mask


corona virus sa bansa sa kabila ng mga kasama ang mga kaibigan ng dumaan sa
panawagan at aksyon ng pamahalaan. checkpoint.

4. Bumulusok pababa ang industriya at D. Pumunta ng isang handaan na walang


produksyon ng bansa. proper social distancing at ang ilan sa mga
bisita ay walang suot na face masks.

5. Nawalan ng trabaho si Mang Bossing. E. Hindi nabigyan ng agarang ayuda ang


barangay nila Popoy.

F.Dahil sa pandemya nagsara ang mga


pagawaan at opisina.

4
Pagbati!
Nasagot mo na ang mga paunang gawain.
Ating tuklasin ngayon ang mga bagong kaalaman na makatutulong sa
iyo upang lubos mong maunawaan epiko ng Maranao upang maiugnay
mo sa iyong buhay sa kasalukuyang panahon

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba at sagutan ang mga tanong sa ibaba nito.

Isang Pangyayari sa Daan


Bigla ang pangyayari. Hindi malaman kung saan nanggaling ang bata.
Bigla itong sumibad sa gitna ng daan at bago niya nalaman, nabundol na siya
ng isang dyip. Nagdatingan ang maraming tao. Gusto nilang bugbugin ang
tsuper. Nang kanila nang dadaluhungin ang tsuper, siyang pagdating ng pulis.
“Hintay!” ang sigaw ng pulis. “Hindi kayo ang batas. Bayaan ninyong ang
batas ang magparusa sa kanya.”
“Hindi pa ba sapat ang katibayang ito na nangyari sa bata?” ang tanong
ng nagagalit na isang lalaki.
“Hindi kayo ang makapagpapasya niyan” ang paliwanag ng pulis.
“Tanging ang hukuman lamang ang makapagpapatunay kung may kasalanan
siya o wala. Maghintay kayo hanggang mapatunayan ng hukuman ang kanyang
pagkakasala.”

1. Ano kaya ang ginawa ng mga tao pagkatapos makapagpaliwanag ang pulis?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Ano ang maaaring naging kasalanan ng tsuper? ________________________________


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Sa pangyayari, ano kaya ang posibleng naganap kung hindi pa dumating ang
pulis? _________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. Upang maiwasan ang aksidenteng naganap, ang dapat gawin ng bata ay________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5
Natuwa ka ba sa unang hamon? Kung gayon, naniniwala
akong kaya mo pang pagyamanin ang iyong kaalaman. Hayaan mong
talakayin natin ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga dapat mong
matutunan na kaalaman sa kasunod na bahaging pag-aaralan.
Magsusuri ka ng iilang kaalamang hatid sa iyo ng modyul na ito.

Alam mo ba na …

Nakakatulong nang malaki kung marunong kang maghinuha ng iyong binasa


sapagkat sa pamamagitan nito ay lumalalim ang iyong pag-unawa sa akda. Kaya
naman upang maging mas maayos ang iyong paglalahad at pagpapaliwanag aalamin
mo ang mga dapat mong gawin.

Unawain mo…
Ang paghihinuha ay kasanayan sa pag-iisip ng mga preliminari na ideya na
nagpapahayag ng mga pala-palagay batay sa pahiwatig na nakalimbag sa teksto.
Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan, kakayahang
magpakahulugan sa mga patalinghagang pagpapahayag at katalasan ng isip sa mga
pahiwatig ng may-akda na makatutulong sa pagbuo ng hinuha. Ang paghihinuha ay
tinatawag din sa Ingles na “inferring”.
-Alcaraz, 2005

Ang paghihinuha (inferring) ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay


na nauunawaan ang binabasang artikulo o seleksyon.

Sa bawat seleksyon nagbibigay ng mga pahiwatig ang manunulat na hindi


tuwirang sinasabi o ipinahahayag sa halip ay may ibinibigay na implikasyon. Hindi
ito dinidisklos ng manunulat at hinahayaang ang mambabasa ang kusang
makadiskubre hanggang sa tuluyang makapaghinuha o makapaghula sa
kalalabasan ng pangyayari. Kung ang bawat implikasyong ibinigay ay unawaing
mabuti, buhat dito ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha.

Hindi makagagawa ng paghihinuha ang mambabasa kung hindi ganap ang


naging pag-unawa sa binasang akda.
May mga salitang ginagamit na naghuhudyat ng paghihinuha: baka, sakali,
tila, siguro, wari, marahil, kapag, yata, ang tingin ko ay, sa palagay ko, di
kaipala.
Samantala, ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng mga tulay na
mag-uugnay sa dating kaalaman tungo sa bagong kaalaman. (Pearson at Johnson,
1978)
Sa maikling salita, may ugnayan ng teksto at ng kaalaman ng mambabasa.
Mapapansing ang dating kaalaman ng mambabasa at ang mga kasanayan sa

6
paghihinuha ang nagpapatibay ng paniniwalang ang komprehensyon ay pag-
uugnay ng impormasyon mula sa teksto at impormasyon na nasa isipan ng
mambabasa.

Mommy Ayoko Ko na Rito sa Aking Daigdig


(Unknown Author)

Happy…Happy…Happy…Happyyyy…
Happy birthday to me Happy birthday to me
Happy birthday, Happy birthday
Happy birthday to me

Tatlong taon na pala ako. Isang taon na naman ang nadagdag. Ang bilis talaga
ng panahon. Parang kailan lang at nasa loob pa ako ng tiyan ng mommy ko wala pa
akong isang buwan noon. Tuwang tuwa si mommy nang malaman niyang dumating
na ako. Bigla naming natahimik si Daddy. Iyon ang huling pagkikita ko sa aking
ama.

Naging magulo ang mga sumunod na pangyayari. Lagi na lang umiiyak si


mommy. Palagi siyang malungkot at tulala. Tuloy nalulungkot na rin ako. Ngunit
nabawasan ang aking pagkalungkot nang dumating si Lolo at Lola. Gusto kong
sumigaw sa tuwa. Hello Lolo! Hello Lola!

Pero bakit ganoon? Galit sila kay mommy at sa akin! Ayaw ba nila sa akin?
Mabuti na lang at kasama ko pa rin ang mommy ko. Hanggang sa isang araw ay
pumunta kami kina Lola. Tuwang tuwa ako noon. Lalo akong nasabik na lumabas.
Ang sabi ko sa aking sarili magiging mabait akong anak at apo para lahat sila ay
matuwa sa akin.

Ang akala ko’y maaayos na ang lahat pero nagkamali ako. Isang araw ay
umalis kami ni Mommy at Lola. Akala ko mamimili kami ng gamit pero iba ang
pnuntahan naming-isang maliit na klinika iyon. Naiwan sa labas si Lola. Pumasok
sa loob ng kuwarto si Mommy. Muli ay umiyak na naman ang Mommy ko. Tahan na
Mommy, tahan na. Pagkatapos ay humiga siya. Doon ko napansin ang kabuuan ng
kuwarto. Maraming garapon at sa loob ng mga ito’y nabigla ako sa aking nakita.
Napakaraming sanggol! Napakaraming sanggol ang nandoon.

Sumigaw ako, “Mommy huwag! Huwag mo akong patayin!” Kinatok ko siya pero
hindi niya ako narinig. Hindi! Hindi! Hindi!

Sayang Mommy. Sayang. Sana ay magkapiling tayong dalawa. Nagdiriwang ng


aking kaarawan. Masaya sana tayong dalawa Mommy. Sayang….

7
Saludo! Masaya akong malaman na nauunawaan mo na ang
nilalaman ng aralin! Ang sumusunod na gawain ay susubok sa iyong
kakayahang magamit ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
sa epiko ng Maranao upang mailahad ang layunin ng napakinggan,
makapagpaliwanag ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari, at
mauri ang sanhi at bunga gayun din ang paggamit ng hudyat ng mga
sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Malayang Gawain 1. Basahin Mo

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba at bilugan ang mga salitang naghuhudyat ng
paghihinuha na ginamit sa talata.

Kapag ang tao ay nakadama na ang kanyang buhay ay umiinog lamang sa


makipot na lalagyan na di halos makagalaw, sadyang hahanap at gagawa ito ng
paraan upang mabigyang laya ang kanyang pagkilos, sapagkat sa bansang malaya,
ang panggigipit ay walang puwang.

Masasabing wari ganito ang dinaranas ng mga Pilipino sa ilalaim ng


dalawampung taon dahil sa di makataong pamamahala ni dating Pangulong
Marcos. Iginapos sila sa tanikalang hindi malagut-lagot dahil sa mahabang
panahon ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Ang kanilang pagmammalabis na nag-
alis sa maraming karapatang-pantao ay nagbukas sa isipan ng mga Pilipino upang
sila’y mamulat at kumilos.

Palibahasa, tayo ay mapagmahal sa kalayaan, kaya marahil ito ang dahilan


kung bakit ang EDSA Revolution ay nagtagumpay at nailuklok ang kauna-unahang
pangulong babae-Corazon C. Aquino. Mangyari pa’y nagtayo ang pamahalaan ng
Human Right Commission upang maiwasan ang pagmamalabis ng military at
pinuno ng pamahalaan.
-Sandigan 2, Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino

8
Malayang Pagtataya 1

Panuto: Bigyang hinuha ang mga sumusunod na sitwasyon. Gamitin ang mga
salita/pahayag sa paghihinuha ng mga pangyayari na nasa loob ng kahon.

baka, sakali, tila, siguro, wari, marahil, kapag, yata, ang tingin ko ay,
sa palagay ko, di kaipala.

1. May naiwang bag sa isang tricycle na naglalaman ng maraming pera. Kinuha


ito ng tatay mo.
Hinuha: _____________________________________________________

2. Hindi tumitingin si Ana sa pagtawid. May hawak siyang cellphone, may kachat
Hinuha: _____________________________________________________

3. Nagising si Jun-jun na umiiyak at takot na takot. Humahangos siyang


pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Hinuha: _____________________________________________________

4. Nabalitaan ni Aleng Carmen na ang kapwa balo at kumareng Leyte niya ay


nakatanggap ng SAP subalit siya ay hindi kabilang sapagkat wala siya sa
listahan.
Hinuha: _____________________________________________________

5. Nagkaroon ng di inaasahang pagsusulit sina Pedro sa Filipino. Mabuti na


lang at nabasa na niya Florante at Laura.

Hinuha: _____________________________________________________

Malayang Gawain 2:
Panuto: Balikan ang akdang Mommy Ayoko Rito sa Aking Daigdig. Bigyang
hinuha ang mga sumusunod na pangyayari. Gamitin ang mga salitang
naghuhudyat ng paghihinuha.

Mga Pangyayari Hinuha

6. Minsan niya lang nakita ang Daddy


niya

7. Umiiyak ang Mommy niya habang


nasa loob ng klinika

8. Galit ang Lola niya sa kanilang dalawa


ng Mommy niya

9. May mga sanggol sa loob ng garapon

10. “Mommy huwag mo akong patayin!”


sigaw niya sa kanyang ina.

9
Malayang Pagtataya 2:

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bahaging kaliwa at ibigay ang mensaheng nais
iparating iparating nito at ilahad ang kaugnayan nito sa sarili mong
karansan.

Mga Pahayag Mensaheng Nais Iparating Kaugnayan sa Sariling


Karanasan
Malaki ang bahagi ng
edukasyon sa buhay ng
pamilyang Pilipino, isa itong
yaman na hindi
matutumbasan ng
anumang materyal na
bagay.

“Sa digmaan ay walang


nananalo, kundi ang lahat
ay pawang talo.”
Ninoy Aquino

“Ang tunay na kalaban ng


Pilipinas ay hindi ang ibang
bansa, kundi ang ating
sarili.”
Antonio Luna

“Iyon lamang mga


nakararanas ng lihim na
kalungkutan ang
nakakakilala ng lihim na
kaligayahan”

Wala naman sa paraan


ng pagkatuto nakasalalay
ang karunungan, ito ay
nakadepende sa
kagustuhan ng isang
batang matuto.

Salamat sa iyong katapatan, alam kong nasagot mo


ito ng buong husay.
Sa pagkakataong ito, nais kong isaisip mo ang
ahat ng iyong pinag-aralan/natutunan sa nililinang na aralin.

10
Panuto: Dugtungan ng iyong ideya ang panimulang pahayag na nasa kahon.

Mahalagang matutunan ang paghihinuha sa mga ideya o mga pangyayari sa


akda sapagkat ______________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Panuto: Bigyang-hinuha ang mga susunod na pangyayari sa akda batay sa


inilahad na bahagi nito. Gumamit ng aliman sa sumusunod na hudyat ng
paghihinuha: baka, sakali, tila, siguro, wari, marahil, kapag, yata,
ang tingin ko ay, sa palagay ko, di kaipala.

Maligaya sila sa kanilang daigdig, Maligaya sila sa kanilang bagong paraiso.


Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan at nangagulat ang
mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang
madalang ay naging masinsin.

Ang dalaga ay dumungaw sa bintana – masama ang kanyang pakiramdam.


May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas,
na ibig niyang itapon. At iyon ay umakyat sa kanyang lalamunan.

Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin


ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip
niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nalinis ng tubig ang
bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang isinikad na pataas sa
lalamunan ang kanyang bituka at siya’y napanganga at siya’y napapikit at siya’y
napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal
siya … at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling
kumalat doon at pagkaraa’y nilinis ng patak ng ulan, inanod ng nilikhang
mumunting agos sa gilid ng daan.

At ang dalaga’y napabulalas ng iyak.


-Sa Bagong ParaisoEfren Reyes Abueg

11
Nahihinuha ko na ______________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pamantayan Iskor
Mahusay ang pagkakasuri sa mga pangyayari sa akda at gumamit ng 5
salitang hudyat sa paghihinuha.

Mahusay-husay ang pagkakasuri sa mga pangyayari at gumamit ng 3


ilan lamang sa sa mga salitang hudyat sa paghihinuha.
Nasuri ang akda ngunit hindi gumamit ng mga saklitang hudyat sa 1
paghihinuha.

Ating tayahin ngayon ang iyong kahusayan sa pagsulat ng


pagpapaliwanag ng sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa
kuwentong bayan at wastong paggamit ng mga pahayag na
nagbibigay ng patunay. At kasunod din agad nito ang pangwakas na
pagtataya na alam kong masasagot mo nsa lahat dahil napag-aralan
mo na. Ngayon pa lang ay binabati na kita sa kaalamang maidaragdag
sa iyong kaban ng kaalaman.

Pangwakas na Pagtataya

A. Panuto: Salungguhitan ang salitang ginamit sa paghihinuha sa bawat


pangungusap.

1. Ang administrasyong Duterte yata ang makapag-aayos ng mga suliranin ng


bansa.
2. Baka dumami ang kanyang kaibigan dahil sa mabuting pakikisama niya sa
iba.

3. Marahil salat sa edukasyon ang lalaking iyan kaya walang makuhang


permanentengg trabaho.

4. Tila nababawasan ang bilang ng mga taong nagpapasilaw sa pera at


kapangyarihan.
5. Di kaipalang maraming opisyal ang nabubulag sa paggamit ng kanilang
posisyon at kapangyarihan kaya lalong naghihirap ang bansa.

12
B. Basahin nang may pag-unawa ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
6. Ito ay tinatawag na inferring sa wikang Ingles na nangangahulugang pagbibigay
ng sariling palagay sa maaaring kalalabasan ng mga pangyayari sa kuwento.

A. Panghuhula B. Paghihinuha C. Konklusyon D. Eksplorasyon

7. Saan nakabatay ang pagbibigay hinuha sa akda?

A. Sa mga ikinikilos ng tauhan C. Sa mga detalyeng inilahad


B. Sa sariling paniniwala D. Sa mga dating kaalaman sa akda

8. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng paghihinuha sa akda?


A. Napapaunlad ang talasalitaan
B. Natitiyak ang mangyayari sa akda
C. Napapaunlad ang pag-unawa sa binasa
D. Nalilinang ang pagbibigay ng sariling pasiya o desisyon

9. Mahalaga ba ang pag-uugnay ng dating kaalaman sa pag-unawa sa binasa?

A. Hindi sapagkat nabasa na ang akda


B. Hindi sapagkat iba na ang pokus ng impormasyong binabasa
C. Oo sapagkat ditto nakasalalay ang pag-unawa sa bagong kaalaman
D. Oo sapagkat ito ang tulay na mag-uugnay sa dating kaalaman tungo sa
bagong kaalaman

10. Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa pag-uugnay ng dating


kaalaman sa binabasang akda maliban sa;

A. Nagagamit ng mambabasa ang dating kaalaman sa pagsusuri sa akda


B. Gamit ang dating iskima ay nahihinuha na niya ang babasahing akda
C. Madalas binabasa niya ang karugtong ng akdang nabasa na
D. Lalong napagtitibay ng mambabasa ang pag-unawa gamit ang dating
kaalaman

Panuto: Piliin ang maaring mangyari sa mga sumusunod na sitwasyon.

11. Kapag ang tao ay mahilig sa pagbabasa

A. masisiraan siya ng bait C. mahina siya sa pang-unawa


B. hindi siya mahusay sa pagsusulat D. may malawak siyang kabatiran

12. Kapag ang mag-aaral ay masipag at matiyaga

A. ang guro ay masisiyahan


B. hindi na nangangailangan ng tulong
C. maari nang hindi pumasok sa klase
D. maaari nang magtapos nang maaga

13
13. Kapag ang isang guro ay masipag magturo
A. walang malalagpak na mag-aaral
B. maiinis ang mga bata sa kanya
C. maraming matutuhan ang mga bata
D. lahat ng nabanggit

14. Kapag ang isang tao ay nagpunla ng kabaitan

A. Marami ang kanyang magiging kaibigan.


B. Maraming maiinggit sa kanya.
C. Iisipin nila na siya’y mayabang.
D. Madalas mapapahamak siya.

15. Kapag ang mga mamamayan sa isang bansa ay pawang masisipag

A. Madalas siyang mapapagod sa paggawa


B. Mag-aaway away sila sa kayamanan
C. Ang bayan nila ay magiging mariwasa
D. Magkakaisa sila at uunlad ang bayan

Panuto: Ano ang magiging hinuha mo sa sumusunod na sitwasyo:

Bumabagyo at malakas ang alon nang sila’y tumawid sa isla. Maliit lang ang
bangkang kanilang sinasakyan.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Nang dumaan ang kotse sa ilalim ng punong niyog, nalaglag ang isang
buwig na bunga

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Binabati kita sapagkat nagawa mo ang mga gawain na


hinihingi ng modyul na ito. Inaasahan ko na ipagpapatuloy ang
pag-aaral ng kasunod na modyul.

14
15
Panimulang Pagtataya
1. B
2. A
3. C
4. D
5. C
B.
1. maaari
2. tila
3. di malayo
4. marahil
5. di kaipala
6. C
7. C
8. B
9. B
10. B
Balikan
1. D
2. C
3. A
4. B
5. E
Tuklasin
Malaya ang guro sa pagpapasya
kung tatanggapin ang sagot ng mag-
aaral
.
16
Pagyamanin
Malayang Gawain 1
Kapag, wari, marahil
Malayang Pagtataya 1 (*Tatanggapin ang anumang sagot
na may kaugnayan lamang sa hinihinging gawain)
Malayang Gawain 2
1. Hindi siya kinilala ng kanyang ama
2. Pilit siyang pinapaalis/pinapalaglag
3. Hindi sila tanggap ng kanyang lola
4. Bunga ng aborsyon
5. Isinagawa nang tuluyan ang aborsyon
Malayang Pagtataya 2 *Pagbatayan ang pamantayan sa pagbibigay ng
puntos
Isaisip
Tatanggapin ang anumang sagot na may kaugnayan lamang sa
hinihinging gawain)
Gawain 1 (*Tatanggapin ang anumang sagot na may kaugnayan
lamang sa hinihinging gawain)
Gawain 2 (*Tatanggapin ang anumang sagot na may kaugnayan
lamang sa hinihinging gawain)
Isagawa
Gawain 1 *Pagbatayan ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos.
Gawain 2 *Pagbatayan ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos.
Pangwakas na Pagtataya
1. Yata C
2. Baka 1. D
3. Marahil 2. A
4. Tila 3. C
5. di kaipala 4. A
6. B 5. D
7. A
8. C
9. D
10. C
Sanggunian
Ambat, Vilma C., Barcelo, Ma. Teresa B., et al. Inilimbag sa Pilipinas ng Vival Group,
Inc.

https://www.slideshare.net

https://www.coursehero.com

https://www.scribd.com

https://prezi.com

17

You might also like