You are on page 1of 22

7






i
Filipino – Ikapitong
Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 1: Paghihinuha ng Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyaon Sangay
ng Palawan.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida Palay-Adornado, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Edna Legarda- Grita
Editor: Maricel G. Cordero
Tagasuri: Mischelle M. Ismael, Maricel G. Cordero
Tagaguhit:
Tagalapat: Nora A. Nangit
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Nora A. Nangit

Inilimbag sa Pilipinas, ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
7






iii
Panimulang Mensahe
Para sa mga Tagapagdaloy:
Ang Unang Modyul na ito ay para sa Ikapitong Taon na magsisilbing
kagamitan sa mga kasanayan para sa taong panuruan 2020-2021. Ang gurong
tagapagdaloy ng modyul na ito ay kinakailangang maging handa sa pagpapaliwanag
sa kanyang mga mag-aaral ng mga tiyak na layunin, gawain, at inaasahang awtput
upang matiyak ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Makatutulong din ang pagbibigay
ng oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o mga tagagabay tungkol sa
kahalagahan ng pagsasakatuparan ng mga gawain sa loob ng modyul na ito.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng


Palawan kaya’t pinapayuhan ang mga tagapagdaloy na magtagubilin sa gagamit nito
na ingatan ang modyul. Iwasang tupiin o pilasin ang mga pahina, dumihan, basain,
o alinmang kauri nito na makapipinsala sa kagamitan. Tiyaking masasagutan ng
mga mag-aaral ang bawat palatuntunan ng modyul kagaya ng mga pagsusulit,
gawain, pagsasanay, at mga pagsulat.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Paghihinuha ng Kaugalian at Kalagayang Panlipunan
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

iv
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

Kumusta ka na mahal kong Mag-aaral,

Kumusta ang iyong naging bakasyon sa mapaghamong banta at paglaganap ng


COVID-19? Naging panatag ka rin ba at sumusunod sa mga ipinagbabawal at payo ng World
Health Organization? Ngayong nasa panahon pa rin tayo ng pangamba at pag-aalinlangan,
ating pag-aaralan ang mahahalagang mga paksa at kasanayan sa Filipino na tiyak kong matuto
ka sapagkat ito’y sadyang inihanda para sa iyo. Ito’ y isinaayos at pinili upang iyong
maikokonek ang iyong sarili sa iyong mga matutunan. Inaasahan na sa paggamit mo nito ay
magiging aktibo ka at handang ipahayag nang wasto, maayos at may lalim ang iyong mga
ideya, karanasan at kaalaman kaugnay ng mga pag-aaralan. Eksayted ka na rin ba para rito at
para sa susunod na yugto ng iyong buhay ng iyong pag-aaral?

Kung gayon, kumuha ka ng iyong kuwadernong panggawain, worksheet o di kaya


naman maaring gamitin ang mismong modyul na ito (kung ipahihintulot sa iyo ng iyong guro
na ito ay sulatan) upang itala o isulat ang ilang mahahalagang pagkatuto na maaaral mo rito.
Bilang pagtalima sa kautusang huwag munang magkita-kita o magsama-sama nang
maramihan kaya maaari mo itong iuwi at pag-aralan sa tulong ng iba pang miyembro ng iyong
pamilya.

Linggo Paghihinuha ng Kaugalian at


1 Kalagayang Panlipunan

vi
Gamit ang modyul na ito, magiging malawak ang iyong kaalaman sa mga
kaugaliaan at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
sa tulong ng mga gawain. Ito ang lilinangin na makatutulong sa pagsusuri ng akda
upang lalong mapagyaman ang kaalaman sa kuwentong bayan ng Mindanao.

Ang Modyul 1 ay naglalaman ng kuwentong bayan na sumasalamin sa


kaugaliaan at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan nito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang makapaghihinuha ng


kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

Pamantayang Pagnilalaman:
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Mindanao

Pamantayang Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyekto panturismo

Narito ang tiyak na kasanayang inaasahang matamo mo sa modyul na ito:


⮚ Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan
ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan
(F7PN-la-b-1)

● Naitatala ang mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng kuwentong bayan batay


sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
● Naiguguhit ang bahagi ng binasang kuwentong bayan na kakikitaan ng kaugalian
at kalagayang panlipunan
● Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan

Subukin natin ngayon ang iyong imbak na kaalaman kaugnay sa ating


aralin para sa linggong ito. Sagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit
upang masukat natin kung gaano na kalawak ang iyong nalalaman.

1
.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang, pagkatapos


ay isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
_____ 1. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa katangian ng kuwentong-
bayan?
A. Kuwentong nagtataglay ng talinghaga na kalimitang hango sa bibliya.
B. Kuwentong pinagmulan ng pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari.
C. Uri ng panitikan na nahahati sa yugto at maraming tagpo na
sumasalamin sa realidad ng buhay.
D. Uri ng kuwento sa paarang pasaling-dila lamang at walang tiyak na may
akda na nagsasalamin sa kultura ng tao sa tiyak na lugar.

____ 2. Anong kultura ang Pilipino ang ipinapakita ni Naboy sa bahagi ng


kuwentong bayang nasa kahon?
A. madiskarte B. magalang C. masunurin D. matiyaga

____ 3. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pahayag? Iniabot ni
Naboy ang sin sa tindera habang sinisiyasat ang laman ng supot.
A. supot B. sukli C. pera D. listahan

____ 4. Ano ang katumbas na kahulugan ng salitang indo sa Filipino?


A. ate B. lola C. kapatid D. ina

____ 5. Ano-ano ang dalawang uri ng panitikan?


A. tuluyan at patula C. dula at patula
B. tuluyan at alamat D. patula at paawit

____ 6. Aling uri ng panitikan kabilang ang kuwentong bayan?


A. tuluyan B. patula C. dula D. alamat

____ 7. Saan nakatira sina Naboy at kanyang ina?


A. Tabing-dagat B. kapatagan C. bundok D. kabayanan

____ 8. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa kultura ng mga Pilipino?


A. Pagsagot ng po at opo sa nakatatanda
B. Pagkain ng sabay-sabay o sama-sama
C. Pagmamano sa kamay ng mga nakatatanda
D. Paghihiwalay ng anak sa magulang pagdating ng wastong edad

2
____ 9. Sino ang tauhan sa kuwentong-bayang Si Mariang Makiling ng katagalugan?
A. Mariang Makiling C. Juan Tamad
D. Si Pilandok D. Kanlaon

____ 10. Ang mga sumusunod ay kuwentong bayan MALIBAN sa:


A. mito B. pabula C. alamat D. dula

Panuto: (Para sa bilang 11-15) Piliin sa kahon ang wastong kasagutan sa mga
katanungan sa ibabang bahagi. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
na nakalaan bago ang bilang.
A. Si Usman, ang alipin
B. Si Malakas at Maganda
C. Ang Bundok ng Kanlaon
D. Ang buwang Hugis Suklay

____ 11. Ano ang kuwentong-bayan ng Mindanao?

_____12. Ano ang kuwentong-bayan ng Bisaya?

____ 13. Ano ang kuwentong-bayan ng Katagalugan?


____ 14. Ano ang kuwentong pinagmulan ng daigdig?

____ 15. Ano ang kuwentong ng isang alila?

Binabati kita sa ipinakita mong kaalaman at kahusayan! Tiyak na magiging


madali na lamang sa iyo ang susunod na hakbang tungo sa pagkatuto. Samantala may
kasunod na gawaing hahamon sa iyong mga nagdaang ralin na may kaugnayan sa
paksa/kasanayan na lilinangin. Gagabayan ka nito upang maging madali ang pagtuklas
mo sa mga kahon ng karunungang dapat mong taglayin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang, pagkatapos


ay isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
____ 1. Alin sa mga pangkat ang katutubong panitikan?
A. maikling kuwento, dula, tula C. mito, alamat, pabula
B. awit, nobela, parabola D. sanaysay, pabola, tula

____ 2. Alin ang kuwentong bayan ng bisaya?


A. Si Mariang Makiling C. Mga Kuwento ni Juan Tamad
B. Si Malakas at Maganda D. Ang Bundok ng Kanlaon

3
____ 3. Kailan nagsimula ang kuwentong-bayan?
A. panahon Espanyol C. panahon ng Hapon
B. panahon ng Amerikano D. panahon ng Katutubo

____ 4. Sa paanong paraan lumaganap ang kuwentong-bayan?


A. pasalita B. panonood C. pabasa D. paawit

____ 5. Ang sumusunod ay ang nilalaman ng kuwentong-bayan maliban sa:


A. kaugalian B. pananampalataya C. tradisyon D. pag-ibig

Wow! Napagtaumpayan mo ang inilaang gawain patungo sa pagtunton ng


bagong kaalaman.

Ating tuklasin ngayon ang iyong kaalaman tungkol sa kaugalian at


kalagayang panlipunan ng kuwentong bayan at paggamit ng wasto ng mga pahayag na
nagbibigay ng patunay sapagkat nakasalalay dito ang mga sumusunod nah among
dapat mong mapagtagumpayan.

KULTURA AT KAUGALIAN
Panuto: Itala ang mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan na mababakas sa
bahagi ng kuwentong-bayan na nasa kahon

Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay


nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binata Nagmamadali
siyang pumunta sa kanyang amang sultan nagmakaawang patawarin at
pakawalan si Usman.
“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang
kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama.
Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng
kanyang anak. “Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.
“Hu! Hu! Hu! maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre
Maasita ngunit hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang
kagustuhan.

Halaw sa kuwentong-bayan ng Mindanao


Si Usman, Ang Alipin

Kaugalian:
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________

4
Kalagayang Panlipunan:
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________

.
Natuwa ka ba sa unang hamon? Kung gayon, naniniwala akong kaya mo
pang pagyamanin ang iyong kaalaman. Hayaan mong talakayin natin ito sa
pamamagitan ng pag-aaral sa mga dapat mong matutunan na kaalaman sa
kasunod na bahaging pag-aaralan. Magsusuri ka ng iilang kaalamang hatid sa iyo
ng modyul na ito.

Alam mo ba na…
Ang kuwentong-bayan ay isa sa mga sinaunang panitikan na anyong
tuluyan na lumaganap sa buong lupain sa pamamagitan ng pasalindila o pasalita
bago pa man dumating ang mga Espanyol. Masasabing ito ang pinakaakma na
batayanng lahing Maharlika (ngayon ay Pilipino). Bagaman, nabahiran ng ugaling
dayuhan, patuloy pa ring nananalaytay sa bagong henerasyon ang orihinal na
katangian ng lahing ito.

Maraming kuwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang


pangyayari tulad ng ibong nangingitlog ng ginto o kaya’y mga nilalang na may
pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos at diyosa, mga anito, diwata,
engkantada, sirena, siyokoy, at iba pa. Masasalamin rito ang kaugalian, kultura,
tradisyon, paniniwala at suliraning panlipunan sa panahon kung kailan ito naisulat.
May mga kuwentong-bayan na ang pangunahing layunin ay makapaglibang ng mga
mambabasa o tagapakinig subalit ang karamihan sa mga ito ay kapupulutan din ng
mahahalagang aral sa buhay.
Bawat rehiyon sa Pilipinas ay may sariling pagkakakilanlan ng kuwentong
bayan na kalaunan ay nagkaroon ng iba’t ibang bersyon dahil sa pasalindilang
pagkukuwento. Dahil dito, malayang nababago ang banghay at detalye ng mga
pangyayari bagamat nananatili ang pangunahing tauhan gayundin ang tagpuan
kung saan nangyari ang kuwentong bayan.

Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng kuwentong baying lumaganap sa


iba’t ibang panig ng bansa at kilala pa rin ng madla hanggang sa kasalukuyang
panahon.

• Mga Kuwentong-Bayan ng Tagalog


✓ Si Mariang Makiling
✓ Si Malakas at Maganda
✓ Mga Kuwento ni Juan Tamad

5
• Mga Kuwentong-Bayan sa Bisaya
✓ Ang Bundok ng Kanlaon
✓ Ang batik ng Buwan
• Mga Kuwentong-Bayan ng Mindanao
✓ Si Manik Buangsi
✓ Si Manki Makil at ang Unggoy
✓ Si Usman, ang alipin

Kabilang sa mga kuwentong bayan ang alamat, mito at pabula na may


dalang aral sa buhay. Ang alamat ay kuwentong pinagmulan ng tao, bagay, hayop,
pangalan ng lugar o pangyayari. Ang mito ay karaniwang kinabibidahan ng mga
diyos at diyosa na may taglay na kapangyarihan. Samantalang ang pabula ay
karaniawang hayop ang pangunahing tauhan na ipinakilala ng itinuturing na ama
ng pabula na si Aesop.

Pinagyamang Pluma 7, Ikalawang Edisyon, pp 6-25

Halina’t basahin ang kasunod na kuwentong-bayan na sumasalamin sa kultura,


tradisyon at paniniwala ng mga tao mula sa bayan ng Bataraza, Palawan.

Ang Pako at Tabo ni Naboy

Sa dakong katimogan ng Palawan, matatagpuan ang masaganang lupain ng


bayan ng Bataraza. Makikita rito ang iba’t ibang pangkat etniko tulad ng Palaw’an,
na taglay ang mayaman at bukod-tanging kultura. Ngunit sa paglipas ng panahon,
kasabay ng pag-usbong ng kaunlaran ang pagbabago sa uri ng pamumuhay at
pananaw ng bagong henerasyon.

Sa kabayanan na ipinanganak, lumaki at nag-aral si Naboy. Ang kanyang mga


magulang ay piniling manirahan sa bayan para sa ikabubuti ng kanilang mga anak,
bagaman siya ay tunay na Palaw’an, malayo na ang uri ng kanyang pamumuhay
kumpara sa kanyang mga pinsan sa kabundokan.
Isang araw, inutusan ng kanyang indo si Naboy, “Naboy, ibili mo ako ng tabò
at pakô upang makapaghanda na ako ng pananghalian habang maaga pa. Eto ang
sin, pagkasyahin mo iyan, at huwag ibibili ng kahit na ano, dahil sa isang buwan pa
ang anihan.” Tuwang-tuwang lumapit si Naboy sa kanyang indo. Gumanang muli
ang kanyang malawak na imahinasyon sa mga makikita. Maaaliw na naman siya sa
malaking pamilihan. “Ano uli ang bibilhin mo, Naboy?” tanong muli ng kanyang ina.
Muntik na niyang mabitiwan ang pera sa pagkabigla sa ina dahil tinangay na ng
magagandang tanawin ng bayan ang kanyang diwa, ngunit hindi siya nagpahalata.
“Tabo at pako po, Indo!” Malakas na sagot ni Naboy. “Umuwi ka kaagad!” Sigaw ng
kanyang ina habang nasa tarangkahan na siya. “Opo Indo!” Dahil sa kasabikan,
tuloy-tuloy na lumabas sa bakuran si Naboy nang hindi malinaw ang ipinabibili ng
kanyang ina.
May limang kanto lamang ang layo ng pamilihan sa kanilang tahanan kaya
minabuti ni Naboy na maglakad na lamang. Aliw na aliw siya sa natutunghayan
niyang mga tindahan at kainan sa gilid ng daan. Nakikita rin niya ang mga kaklase
na tumutulong sa pagtitinda kasama ng kanilang ina.

6
Nang makita ni Naboy ang tindahan ni Lino Lee, agad siyang pumasok at
humihingi ng tulong sa tindera. Inihayag niya ang kanyang pakay. Hinanap naman
ng tindera ang kanyang kailangan at di nagtagal ay bumalik ito na may dalang dilaw
na supot. Iniabot ni Naboy ang sin sa tindera habang sinisiyasat ang laman ng supot.
Nagpasalamat si Naboy sa tindera matapos niyang matiyak ang bilang ng sukli at
masayang nilisan ang tindahan at tinunton ang daan pauwi.

Malayo pa lamang ay natanaw na siya ng kanyang Indo. Natutuwa ito at


nakabalik siya agad na bihirang mangyari. Agad-agad na iniabot ni Naboy ang
pinamili sa ina. “Ito pong sukli indo, sinunod ko po ang bilin ninyo, hindi po ako
bumili ng gusto ko upang makatipid po tayo.” Pagkasabi nito ay mabilis na umalis
si Naboy papunta sa mga naglalarong mga bata.
Kinapa ng ina ang loob ng supot. “Naboy, nasaan ang pako at tabo?” Nagulat
si Naboy sa sigaw ng kanyang ina sa kusina. Hindi pa siya nakarating sa tumpok ng
kapwa bata ay narinig na niya ang kanyang pangalan. Natataranta siyang bumalik
sa kusina. “Ano po iyon indo?” magalang na tanong ni Naboy. “Hindi ko makita ang
pinabibili ko sa iyo, nasaan na?” tanong ng kanyang ina. Ano po iyang hawak ninyo
indo? Eh, diba pako at tabo iyan?” Nagmamalaking wika ni Naboy. Namutla sa inis
ang indo ngunit mahinahong hinarap si Naboy. “Naboy, ang sabi ko bumili ka ng
pako at tabo. Ang tinutukoy ko ay ang pako na gulay at tabo na prutas, hindi ito.
Hindi natin ito makakain.” Hindi inaasahan ni Naboy ang naging reaksiyon ng
kanyang indo. Napailing na lamang siya sa kalituhan ngunit agad naman siyang
naliwanagan sa paliwanag ng kanyang ina.

Simula noon ay naging aral kay Naboy na linawin muna ang bilin ng ina o
kahit sinong nakatatanda upang maiwasan ang pagkakamali sa anumang bagay.

Ipinagpatuloy ng kanyang ina ang pagpapaliwanag sa kaibahan ng mga


kahulugan ng mga salita. Kahalagahan ng pag-unawa sa kahulugan ng mga salita
na may parehong baybay. Sa pamamagitan nito, may bago na naman silang
nalalaman at patunay pang lalawak ang kanyang kaalaman sa tulong ng kanyang
ina.
.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Indo – ina
2. Sin – pera
3. Tabuan – lugar ng pamilihan
4. Kabayanan – bayan o sentro ng komunidad
5. Pako - uri ng gulay/hugis aspili, matigas na metal
6. Tabo - uri prutas/ginamit na panalok ng tubig

Saludo at masaya akong malaman na nauunawaan mo ang nilalaman ng


aralin.
Ang susunod na gawain ay susubok sa iyong kakayahang pagyamanin ang
iyong kaalaman sa pamamagitan ng mga tiyak na gawain.

7
Malayang Gawain 1
Panuto: Iguhit ang bahagi ng Kuwentong-bayang Ang Pako at Tabo ni Naboy na
kakikitaan ng kaugalian at kalagayang panlipunan nito.

Pamantayan:
a.) Pagtalakay sa paksa 4 puntos
b.) Nasunod ang panuto 4 puntos
c.) wastong gamit ng mga salita 2 puntos
10 puntos

Ang aking iginuhit ay sumasalamin sa -


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Dahil dalawang bundok at tatlong ilog ang kanyang nilakbay. Pawis na pawis
siya nang dumating sa tabuan. Agad niyang hinanap ang tindahan ng pako at tabo.
Lumapit siya sa isang tindera at inihayag ang kanyang pakay. Hinanap naman ng
tindera ang kanyang kailangan at di nagtagal ay bumalik ito na may dalang dilaw na
supot. Iniabot ni Naboy ang anda sa tindera habang sinisiyasat ang laman ng supot.
Nagpasalamat si Naboy sa tendera matapos niyang matiyak ang bilang ng sukli at
masayang nilisan ang tabuan.
Malayo pa lang ay natanaw na siya ng kanyang indo. Natutuwa ito at nakabalik
siya agad na bihirang mangyari. Agad-agad na iniabot ni Naboy ang pinamili sa ina. “Ito
pong sukli indo, sinunod ko po ang bilin ninyo, hindi po ako bumili ng gusto upang
makatipid po tayo.” Pagkasabi nito ay mabilis na parang kidlat na umalis papunta sa mga
naglalarong mga bata.

8
Malayang Pagtataya 1

Panuto: Maghinuha ng kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na


pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan nasa bahagi ng akdang nasa kahon gamit ang Cloud Callout
organizer.

Halimbawa: masunurin sa magulang (kaugalian) pamumuhay sa


itaas ng bundok (kalagayang panlipunan)

Ang Pako at
Tabo ni
Naboy

Malayang Gawain 2

Panuto: Ihanay ang iyong hinuha kung ito ay kaugalian o kalagayang panlipunan.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

KAUGALIAN KALAGAYANG PANLIPUNAN

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

9
Malayang Pagtataya 2
Panuto: Magtala ng mga kultura at tradisyon na taglay ng inyong lugar.
Halimbawa. Pagbibigayan ng pagkain ng magkakapit-bahay.

1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

Salamat sa iyong katapatan, alam kong nasagot mo ito ng


buong husay.

Sa pagkakataong ito, nais kong isaisip mo ang lahat


ng iyong pinag-aralan/natutunan sa nillinang na aralin.

Gawain 1

Panuto: Isulat ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagpuno sa ikatlong


kolum ng KWL Chart.
Nais Malaman
Alam na (Know) Natutuhan (Learned)
(What to Know)
________________________ ________________________ ________________________
________________________ ________________________ ________________________
________________________ ________________________ ________________________
________________________ ________________________ ________________________

Napakasaya ko dahil napagtagumpayan mo na ang mga gawaing sadyang


sumubok at nagbigay ng karagdagang kaalaman sa iyo.

Upang mas lalong maging epektibo ang iyong pagkatuto, ating iugnay ang
iyong mga natutunan sa aralin.

10
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano lumaganap ang kuwentong-bayan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano-ano ang katangian ng kuwentong-bayan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga kuwentong-bayan ng Tagalog?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mababakas sa kuwentong-bayan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Kailan lumaganap ang kuwentong bayan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________________________________________________

Ating tayahin ngayon ang iyong kahusayan sa pagsulat ng


pagpapaliwanag ng sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa
kuwentong bayan at wastong paggamit ng mga pahayag na nagbibigay ng
patunay. At kasunod din agad nito ang pangwakas na pagtataya na alam kong
masasagot mo nsa lahat dahil napag-aralan mo na. Ngayon pa lang ay binabati
na kita sa kaalamang maidareagfa sa iyong kaban.

11
Panuto: Maghihinuha ng kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng
mga tauhan

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga


nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na
niya ang mag-asawa. Dahil ditto, pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na mag-asawa
na upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya

Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay. Totoong naging


pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan.
Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho,
natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi
dalawang dalagang tunay na magaganda at mababait pa. dahil sadyang wala siyang itulak-
kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Halaw sa alamat ng Nakalbo ang Datu, Panitikang Rehiyonal, p14

KAUGALIAN KALAGAYANG PANLIPUNAN

1. ____________________________ 1. ________________________________________
2. ____________________________ 2. ________________________________________
3. ____________________________ 3. ________________________________________
4. ____________________________ 4. ________________________________________
5. ____________________________ 5. ________________________________________

Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at teksto, pagkatapos ay
bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Alin ang hindi tumutukoy sa katangian ng kuwentong-bayan?


A. Kuwentong pinagmulan ng pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari.
B. Uri ng kuwento sa paarang pasaling-dila lamang at walang tiyak na
may akda na nagsasalamin sa kultura ng tao sa tiyak na lugar.
C. Kuwentong nagtataglay ng talinghaga na kalimitang hango sa bibliya.
D. Uri ng panitikan na nahahati sa yugto at maraming tagpo na
sumasalamin sa realidad ng buhay.

12
(Para sa bilang 2-4) Dahil dalawang bundok at tatlong ilog ang kanyang nilakbay. Pawis
na pawis siya nang dumating sa tabuan. Agad niyang hinanap ang tindahan ng pako at tabo.
Lumapit siya sa nag iisang tindera at inihayag ang kanyang pakay. Hinanap naman ng tindera ang
kanyang kailangan at di nagtagal ay bumalik ito na may dalang dilaw na supot. Iniabot ni Naboy
ang sin sa tindera habang sinisiyasat ang laman ng supot. Nang matiyak na ni Naboy ang bilang ng
sukli ay masaya niyang nilisan ang tabuan.

2. Anong kultura ang Pilipino ang ipinapakita ni Naboy sa bahagi ng


kuwentong bayang nasa kahon?
A. madiskarte B. magalang C. masunurin D. matiyaga

3. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pahayag? Iniabot ni


Naboy ang sin sa tindera habang sinisiyasat ang laman ng supot.
A. supot B. sukli C. pera D. listahan

4. Ano ang katumbas na kahulugan ng salitang indo sa Filipino?


A. ate B. lola C. kapatid D. ina

5. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng kuwentong-bayan, maliban sa:


ano ito?
A. alamat B. mito C. pabula D. tula

6. Anong uri ng kuwentong-bayan na ang mga tauhan ay pawang mga hayop


na kapupulutan ng aral?
A. alamat B. mito C. pabula D. tula

7. Anong uri ng kuwentong-bayan ang tumutukoy sa diyos at diyosa na may


taglay na kapangyarihan?
A. alamat B. mito C. pabula D. tula

8. Anong uri ng kuwentong-bayan na tumutukoy sa pinagmulan ng tao, bagay,


pangalan, lugar o pangyayari?
A. alamat B. mito C. pabula D. tula

9. Sino ang itinuturing na ama ng pabula?


A. Lam-ang B. Hercules C. Aristotle D. Aesop

10. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pahayag? Pawis na
pawis siya nang dumating sa tabuan.
A. supot B. sukli C. pera D. pamilihan

13
11. Ano ang katumbas na kahulugan ng salitang indo sa Filipino?
A. ate B. lola C. kapatid D. ina

12. Ano-ano ang dalawang uri ng panitikan?


A. tuluyan at patula C. dula at patula
B. tuluyan at alamat D. patula at awit

13. Aling uri ng panitikan kabilang ang kuwentong bayan?


A. tuluyan B. patula C. dula D. alamat

14. Saan nakatira sina Naboy at kanyang ina?


A. tabing-dagat B. bundok C. kapatagan D. kabayanan

15. Anong ugali ang ipinapakita ng ina ni Naboy sa kuwentong-bayang binasa?


A. mapagmahal B. madiskarte C. maunawain D. masipag

Panuto: Mangalap ng iba pang kuwentong bayan sa inyong lugar na kapupulutan


ng aral sa buhay. Itala sa inyong kwaderno at tukuyin kung ano-ano ang
kultura, tradisyon at paniniwala ang makikita dito .

Binabati kita sapagkat


nagawa mo ang mga
gawain na hinihingi ng
modyul na ito. Inaasahan
ko na ipagpapatuloy ang
pag-aaral ng kasunod na
modyul.

14
15
Pangwakas na
5. Pagtataya
4. 1. D
3.
2. C
2.
3. C
1.
4. D
Kalagayang Panlipunan Kaugalian
5. D
Tayahin 6. C
7. B
Sundan ang pamantayan sa pagmamarka 8. A
9. D
Malayang Gawain 1
10. D
11. D
Pagyamanin
12. A
Malayang Gawain: Sundin ang pamantayan 13. A
Malayang Pagtataya: Kaugalian kalagayang panlipunan 14. B
Pag-utos sa anak simpleng pamumuhay
15. A
D. Isagawa
1. Sa paraang pasalita
2. Anyong tuluyan, hindi pangkaraniwan ang paksa, manlibang
ang pangunahing layunin
3. Si Mariang Makiling, si Malakas at Maganda, mga kuwento
ni Juan Tamad
4. Kaugalian, pananampalataya, at kalagayang panlipunan
5. Bago dumating ang mga Espanyol
Panimulang Pagtataya
1. C 11. A
2. C 12. C
3. C 13. B
Balikan 4. D 14. B
5. A 15. A
1. B
6. A
2. D
7. C
3. D
8. D
4. A
9. A
5. D
10. D
Sanggunian
Julian Ailene B., Lontoc Nestor S., Jose Carmela E. “Pinagyamang Pluma, Ikalawang
Edisyon”. 2017.

16

You might also like