You are on page 1of 5

Mga Bugtong at Sagot

1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna


Sagot: Niyog

2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao


Sagot: Atis

3. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso


Sagot: Santol

4. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa


Sagot: Kalabasa

5. Maliit na bahay, puno ng mga patay


Sagot: Posporo

6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari


Sagot: Zipper

7. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig


Sagot: Asin

8. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa


Sagot: Dahon ng Gabi

9. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin


Sagot: Sombrero

10. May balbas ngunit walang mukha


Sagot: Mais

11. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan


Sagot: Kamiseta

12. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro


Sagot: Duhat

13. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo


Sagot: Walis

14. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo


Sagot: Singkamas
15. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
Sagot: Bayabas

16. May bintana subalit walang bubungan, may pinto ngunit wala namang hagdanan.
Sagot: Kumpisalan

17. Baboy ko sa Pulo, balahibo’y pako


Sagot: Langka

18. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo


Sagot: Buwan

19. Dalawang batong itim, malayo ang mararating


Sagot: Mata

20. Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalingan


Sagot: Yoyo

21. Puno ko sa probinsya, puno’t dulo ay may bunga


Sagot: Puno ng Kamyas

22. Isang señorita, nakaupo sa tasa


Sagot: Kasoy

23. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo


Sagot: Pako

24. Hindi hayop hindi tao,


nagsusuot ng sumbrero.
Sagot: Sabitan Ng Sumbrero

25. Naligo si Adan,


hindi nabasa ang tiyan.
Sagot: Sahig

26. Hindi Linggo,


hindi piyesta,
naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging

27. Bulaklak muna ang dapat gawin,


bago mo ito kanin.
Sagot: Saging

28. Sapagkat lahat na ay nakahihipo;


walang kasindumi't walang kasimbaho;
bakit mahal nati't ipinakatatago.
Sagot: Salapi (pera)

29. Bagama't nakatakip,


ay naisisilip.
Sagot: Salamin ng mata
30. Aling mabuting retrato
ang kuhang-kuha sa mukha mo?
Sagot: Salamin (mirror)

31. Buto't balat, lumilipad.


Sagot: Saranggola

32. Hindi naman hari, hindi naman pare,


nagsusuot ng sarisari.
Sagot: Sampayan

33. Sinampal ko muna


bago inalok.
Sagot: Sampalok

34. Ang ulo’y nalalaga


ang katawa’y pagala-gala.
Sagot: Sandok

35. May punong walang sanga,


may dahong walang bunga.
Sagot: Sandok

36. Kung tawagin nila’y “santo”


hindi naman milagroso.
Sagot: Santol

37. Alipin ng hari,


hindi makalakad,
kung hindi itali.
Sagot: Sapatos

38. Huminto nang pawalan,


lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos

39. Baboy ko sa parang,


namumula sa tapang.
Sagot: Sili

40. Munting tampipi


puno ng salapi.
Sagot: Sili
Isang lupa-lupaan sa
dulo ng kawayan.
Sagot: Sigarilyo

Hiyas akong mabilog,


sa daliri isinusuot:
Sagot: Singsing

Dikin ng hari,
palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing

Ipinalilok ko at ipinalubid,
naghigpitan ang kapit.
Sagot: Sinturon

Nang munti pa at paruparo,


nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw

Utusan kong walang paa’t bibig,


sa lihim ko’y siyang naghahatid,
pag-inutusa’y di n babalik.
Sagot: Sobre

Kaban ng aking liham,


may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre

Alin sa mga santa ang


apat ang paa?
Sagot: Sta. Mesa

Bumili ako ng alipin,


mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero

Isang tabo,
laman ay pako.
Sagot: Suha

Isang panyong parisukat,


kung buksa'y nakakausap.
Sagot: Sulat

Usbong ng usbong,
hindi naman nagdadahon.
Sagot: Sungay ng Usa

Pitong bundok, pitong lubak,


tigpitong anak.
Sagot: Sungkahan

Aso ko sa muralyon,
lumukso ng pitong balon.
Sagot: Sungkahan
Isang bahay na bato,
ang takip ay biloa.
Sagot: Suso (snail)
Aling bagay sa mundo,
ang inilalakad ay ulo?
Sagot: Suso (snail)

You might also like