You are on page 1of 4

PAMANTAYAN SA ONLINE CLASS CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

Ang kabutihang asal ay hindi na bago sa nakararami. Lumaki tayo sa tahanan, komunidad, at
lipunan na lagi’t laging nagpapaalala sa kabutihang asal. Ngunit sa digital age kung saan ang
mga hindi nakasulat na panuntuan at batas ay lagi’t laging nagbabago lalo na ng proper
netiquette o kabutihang asal sa internet. Dagdag pa rito ang atmospera ng online classroom
na hindi na nakikita ang netiquette gaya ng paggamit ng “paumahin” o “maraming salamat”.

Ang netiquette na ito ay mahalagang pamantayan, panuntuan, at norms para sa pakikipag-


ugnayan ng bawat isa sa internet lalo na sa online class na daan sa paggalang. Narito ang
mga pangunahing pamantayan at panuntunan sa pag-aasal sa online class.

10 NETIQUETTE NA PAMANTAYAN SA ONLINE CLASS

1. IWASAN ANG PAGSIGAW

May oras at lugar para sa lahat—NGUNIT ANG PAG-TYPE NANG NA CAPS LOCK AY
HINDI ANGKOP. Karamihan sa mga mambabasa ay nakikita ito bilang pagsigaw. Kung
mayroon kang sariling pananaw, isyu, ideya, komento, at suhestyon, maraming paraan para
ipahayag ito gamit ang angkop na titik o text displays nang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan.

2. MAPAG-UYAM O SARKASTIKO

Ang pang-uyam o sarcasm ay kalimitang ugat ng hindi magandang argumento sa online na


naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan. Ang anumang biro ay maaaring hindi ito tanggap
para sa mga hindi nakakakilala sa iyo. Mas mainam na iwasan ang pagiging sarkastiko o
mapang-uyam sa online class at maging magalang at direktang makipagkomunikeyt nang
maiwasan ang isyu.

3. HUWAG ABUSUHIN ANG CHATBOX

Ang chat box ay isa sa mga tsanel sa online classes bilang daluyan ng mga ideya at mga
paglilinaw ng mga mag-aaral sa kaugnay na mga aralin. Ito ay maaaring makatulong o
distraksyon— depende sa kung gaano ka alam ng mga mag-aaral ang kanilang klasrum
etiquette.

EDITOR’S NOTE:

Ang artikulong ito ay isinalin ni Mubarak M. Tahir mula sa 10 Netiquette Guidelines Online Students Need to Know ni Asley
Brooks na orihinal na nailathala noong 2014.
PAMANTAYAN SA ONLINE CLASS CSSH-ABFIL

Ang class chat box ay hindi isang instant na messenger na katulad ng kinasayan mo sa
iyong mga kaibigan. Ituring itong kagamitan pampagtuturo o learning tool at sikapin na
huwag gamitin upang ma-distrak ang mga kaklase sa mga hindi angkop na diskusyon.

4. SUBUKIN HANAPIN ANG SARILING SAGOT

Kapag nalilito at nahihirapan sa isang takdang-aralin o gawain, ang una dapat isipin ay
magtanong. Ngunit bago magtanong, subuking sagutan itong mag-isa.

Sa mga tanong na may kaugnayan sa kurso, gaya ng mga pamantayan, panuto, huling araw
ng pagsusumite o due dates, isangguni ito sa silabus o Google Classrom bilang plataporma
sa paghahatid ng instruksyon. Subuking hanapin ang mga sagot sa iba-ibang search
engines.

5. GRAMAR

Ugaliing may pagsusumikap na na gumamit ng wastong gamit ng mga salita, bantas,


baybay, at gramar. Ang paggamit ng maling baybay at bantas ay nakakadistrak sa mga
mambabasa na unawain ang nais iparating na mensahe.

Sa kabilang banda, mahalagang unawain ang pagkakamali ng bawat isa sa gramar.

6. MAY MAGALANG NA TONO

Ang isa sa mga naisasawalang bahala sa netiquette ay ang wastong e-korespondensiya sa


mga fakulti o istaf. “

Hindi sa lahat ng pagkakataon o hindi personal na nagkikita ang bawat isa sa online class
ngunit ang maayos at pormal na pakikipagkomunikasyon sa guro ay inaasahan. Kaugnay ng
tamang paggamit ng bantas, mga salita, baybay, at gramar, mabuting netiquette ang
paggamit ng mga magagalang na pagbati at iba pang mga pahayag na nagpapakita ng
paggalang na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw.

7. PAGSUSUMITE NG FILES

Hindi na magpapaprinta ng mga takdang-aralin at gawain para personal na ipasa sa guro.


Ang magkaroon ng sapat na kaalaman sa kung paano at saan isusumite ang mga
pangangailangan sa kurso ay daan sa pananagumpay bilang mag-aaral sa online. Ang mga
guro sa kursong online ay karaniwan nagtatakda ng pamantayan at panuntunan sa
pagsusumite ng mga pangangailangan katulad ng paggawa at pagpapangalan ng tiyak na

EDITOR’S NOTE:

Ang artikulong ito ay isinalin ni Mubarak M. Tahir mula sa 10 Netiquette Guidelines Online Students Need to Know ni Asley
Brooks na orihinal na nailathala noong 2014.
PAMANTAYAN SA ONLINE CLASS CSSH-ABFIL

folder upang maging organisado ang isinumiteng files o wastong format ng files. Ang
pagsasawalang bahala sa mga panuto at pamantayan sa pagsusumite ay isa sa mga
halimbawa ng hindi mabuting netiquette.

Ang hindi pagsunod sa panuto at pamantayan sa pagsusumite ng mga pangangailangan ay


nangangahulugan na ang mag-aaral ay hindi nagbibigay pansin sa guro. Kung hindi
sumunod sa panuto, maaaring hindi makita at mabasa ang isusumiteng pangangailangan.
Basahin nang mabuti ang mga panuto at pamantayan bago isumite.

8. MAGBASA MUNA

Paglaanan ng sapat na oras na basahin ang aralin o paksa at ang mga naunang mga tugon
o komento sa talakayan bago sumulat at magbigay ng tugon. Kung ang orihinal na mensahe
o post ay nagtatanong ng tiyak na katanungan, maaaring ito ay nasagot na. Ang
pagsusumite ng sagot na katulad ng ibinigay ng naunang sumagot ay nangangahulugan na
ito ay hindi pagbibigay pansin sa guro ayon sa diskusyon.

Alalahanin na mabilis gumalaw ang diskusyon kaya sikaping mabilis na makuha ang mga
impormasyon bago gumawa ng tugon. Ang hinuha mula sa kaklase o pagdaragdag ng
bagong ideya sa kumbersasyon o talakayan ay nagpapakita ito ng kawalang pagbibigay
atensyon sa guro.

9. MAG-ISIP BAGO MAG-TYPE

Ang pasalitang pagbibigay ng komento sa klase ay maaaring agad na makakaligtaan ilang


minuto ang makalilipas ngunit ang anumang ibinahagi sa online class ay bahagi ng
permanenteng digital record. “Whether or not privacy settings are in place, the internet has a
tendency to house things forever, and what you say privately can easily become public,”
paalala ng etiquette expert na si Devoreaux Walton.

10. MAGING MABUTI AT PROPESYONAL

Ang online na komunikasyon ay may antas ng anonimiti o ang paghihiwalay ng


pagkakakilanlan ng isa sa mismong gawain o impormasyon upang mapanatili ang
confidentiality o privacy na hindi nakikita kapag nakikipag-usap nang harapan. Minsan ay
daan ito upang ang iilan ay gumawa ng hindi mabuti kapag hindi sumasang-ayon. Ang mga
mag-aaral ng online ay maaaring walang ganap na anonimiti na paggamit ng iskrin na
pangalan o screen name ngunit maaari pa ring hindi mabuting pag-aasal sa iba dahil sa

EDITOR’S NOTE:

Ang artikulong ito ay isinalin ni Mubarak M. Tahir mula sa 10 Netiquette Guidelines Online Students Need to Know ni Asley
Brooks na orihinal na nailathala noong 2014.
PAMANTAYAN SA ONLINE CLASS CSSH-ABFIL

distansya. Maging mabuti at magalang sa pagbibigay ng punto kahit na hindi sumasang-


ayon.

EDITOR’S NOTE:

Ang artikulong ito ay isinalin ni Mubarak M. Tahir mula sa 10 Netiquette Guidelines Online Students Need to Know ni Asley
Brooks na orihinal na nailathala noong 2014.

You might also like