You are on page 1of 3

Pangalan: MUBARAK M.

TAHIR Asignatura at Koda: FIL 411/ 12100


Gawain Bilang 2
___________________________________________________________________________

1. Paano nasasalamin ng ng guro ang katangian ng mabisang tagapagturo sa larangan


ng pagpaplano, paggamit ng kagamitang pampagtuturo, pagtataya at ebalwasyon? (10
puntos)

Kasabay nang pag-unlad ng lipunan ngayong ika-21 siglo ay kasabay rin nang

pagbabago ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo’t pagkatuto. Ito ay dahil sa ang pagtuturo

ay lagi nang dinamiko na umaayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral, ng kasanayan,

ng panahon, ng larangan, at maging ng lipunang ginagalawan ng mga guro at mga mag-

aaral.

Napakalawak ng usaping sistema ng edukasyon na kinapapalooban ng estratehiya

o pedagohiya sa pagtuturo maging ng iba’t ibang paraan sa pagtuturo at pagkatuto nang

sa ganoon ay matamo ng bawat isa ang layon nito. Sa kabilang dako, pangunahing

instrumento pa rin ng transmisyon at paghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral. Hindi

lingid sa ating kaalaman na kapag hindi natamo ng isang bata ang kanyang layon sa pag-

aaral ay lagi’t laging nakakabit ang pangalan at propesyon ng guro- nagkulang. Sa kabila

nito ay patuloy pa rin sa pagsisid ng katotohanan ang mga guro na walang perpekto at

lagi pa rin nangangailangan ang bawat guro ng konsistent at palagiang pagdelop ng

kahusayan at kasanayan sa pagtuturo- pedagohiya.


Masasalamin lamang ng bawat guro ang lahat ng aspekto ng pagiging guro nito

gaya ng katangian ng mabisang tagapagturo sa larangan ng pagpaplano, paggamit ng

kagamitang pampagtuturo, pagtataya at ebalwasyon sa pamamagitan ng isang

dekonstruksyon, demontrasyon, at aplikasyon.

Dekonstruksyon. Ito ang pagtatangkang kinakailangang yakapin ng bawat guro

ang mga pagbabagong nagaganap sa sistema ng edukasyon gaya ng kurikulum, uri ng

mag-aaral, mga pangangailangan nito at iba pa na makakapabuti sa pagbibigay

instruksyon. Ang demonstrasyon naman ang kahingian na ang bawat guro ay

kinakailangan lagi’t laging updated ang mga pangangailangang pangkasanayan.

Samantala, ang aplikasyon naman ay lubusang paglalapat sa lahat ng mga aspekto at

konseptong nakapaloob sa dekonstruksyon at demonstrasyon dahil sa pamamagitan

lamang na ito matatamo nang lubusan ang pinakalayon ng pagtuturo ng bawat guro.

2. Sang-ayon ka ba o hindi na ang kurikulum sa pagtuturo ng Filipino ay lagyan ng


makabayang pedagohiya. Patunayan ang iyong kasagutan. (10 puntos)

Ang pedagohiya ng pagtuturo sa kahit anong uri ng asignatura ay maituturing at

nararapat na dinamiko. Lagi’t laging nagbabago ang pedagohiya o pamaraan sa pagtuturo

dahil sa pagkakaiba-iba ng mga salik pang-edukasyon. Nariyan ang usaping multiple

intelligence ng mga mag-aaral na may iba’t ibang kahusayan at interest sa piling larang.

May iba’t ibang paraan ng pagkatuto. May pagkakaiba-iba ang mga mag-aaral.

Kaugnay nito, naniniwala at sumasang-ayon ako na ang kurikulum ng Filipino ay

kinakailangang lagyan ng makabayang pedagohiya. Isa sa mga bansang kilala at patuloy

na umuunlad ay ang Japan. Nihongo ang kanilang unang wika na ginagamit sa lahat ng
antas ng edukasyon. Ito rin ang wika ng kanilang ekonomiya. Kung gayon, ang

pagbibigay pansin sa pangangailangang pangwika ay isa ring pagbibigay atensyon at

puwang sa makabayang pedagohiya.

Sa usaping lokalisasyon ng konsepto ng makabayang pedagohiya ay masasabi

kong ito ang isa sa mga salik na nakapagpahina sa kurikulum ng Filipino dahil sa

kawalan nito. Mayaman na ang Filipino. Pumapasok na ang usaping modernisasyon at

intelektuwalisasyon ngunit hindi maipagkakailang dahan-dahan nawawala ang mga

pagpapahalagang kultural at pagkamakabayan sa iba’t ibang larang ng Filipino.

Isa lamang ang makabayang pedagohiya sa suliraning pangwika na kinakaharap

ng Filipino ngayon. Matutuldukan lamang ito kapag nagkaroon tayo ng isang

malawakang pagbabago sa pedagohiya ng pagtuturo ng Filipino at pag-aangkla ng

konsepto ng makabayang pedagohiya. Ito lamang ang solusyon sa dahan-dahang

pagkawala ng sensibildad sa pagpapahalaga sa pagka-Filipino ng bawat Pilipino.

You might also like