You are on page 1of 1

______________________________________________________________________________

Name: MUBARAK M. TAHIR Subject & Code: ED 203/ 5686


Course: MAEd Filipino

MGA ISYU SA PANANALIKSIK SA BANSA


What are the different issues concerning doing research in our country?

“After all, the ultimate goal of all research is not objectivity but truth."
Helene Deutsch

Batay sa siniping pahayag ni Helene Deutsch, masasabi na ang pananaliksik ay


siyang sagot sa mga agam-agam ng isang lipunan sa mg bagay-bagay na walang
kalinawan. Ang pananaliksik ang magbibigay kasagutan sa mga haka-haka na
maaaring hanggang ngayon ang isang bansa ay naniniwala pa rin sa mga hindi
maipliwanag na mga konsepto. Ang mga haka-haka at paniniwalang ito ay isa sa mga
dahilan kung bakit ang isang bansa ay patuloy na nalulugmok at napag-iiwanan sa
kabila ng global na kalakalan at kompetisyon.

Isa sa mga suliraning pang-edukasyon ngayon na hindi nabibigyan ng pansin ay


ang pagbibigay pokus sa mga gawaing pananaliksik ng mga guro sa bansa. Isa sa mga
karaniwang suliranin ay ang kakulangan sa suporta. Walang sapat na pondo para sa
mga kumperensiya at seminar (Gaspan, 2020). Dagdag pa ni Mark B. Ulla sa kaniyang
pananaliksik na Benefits and Challenges of Doing Research: Experiences from
Philippine Public-School Teachers, “Previous research studies have indicated the
positive impact that doing research has upon teachers’ teaching pedagogies and
professional growth. However, only a few studies concerning the challenges and
benefits of doing research have been conducted in the Philippines and the ASEAN
region.” Malinaw sa pahayag ni Ulla na hindi lahat ay saklaw ng mga gawaing
pananaliksik ang iilang suliranin kagaya na lamang na iilan lamang ang mga
pananaliksik na may kaugnayan sa edukasyon sa Pilipinas.

Ang mga ganitong pangyayari ay isang implikasyon na limitado pa rin ang saklaw
ng kakayahan ng mga gawaing pananaliksik. May kahinaan pa rin maituturing ang
sistema ng pananaliksik dahil sa kakulangan ng suporta sa lahat ng aspeto ng mga
gawaing pananaliksik.

Reperensiya:
Naqvi HA. Research question or questionable research? J Coll Physicians Surg Pak. 2008 Sep;18(9):531-2.

You might also like