Professional Documents
Culture Documents
Fildis 12
Fildis 12
Makabuluhang Payo
Magandang Buhay! Simulan natin ang ating araw sa pagbabalik-tanaw kung saan masusukat ang
iyong natutunan sa nakaraang pinag-aralan. Kaya’t sagutin mo muna ang unang aktibiti nang may
katapatan.
________________ 1. Ito ay pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao. Gumagamit din ito ng empirikal na
obserbasyon.
________________ 2. Ito ay pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at monumento kaugnay ng nakaraang
pamumuhay at gawain ng tao.
________________ 3. Ito ay pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura, at
Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.
Page 1 of 6
FIL125: FILDIS
Student Activity Sheet Aralin #8
B. PANGUNAHING ARALIN
1) Aktibiti 2: Araling Pangnilalaman (13 minuto)
Narito ang konseptong aralin na kailangan mong basahin. Ito ang magiging gabay mo sa mga susunod
pang aktibiti
Siyensya at Teknolohiya
Siyensya
Ang salitang siyensya o science (agham ang tawag dito ng mga Pilipino) ay galing sa salitang Latin na
scientia, ibig sabihi’y karunungan . Ito ay isang sistematikong kaalaman na bunga ng masusing pagsususri. Ang
layunin ng siyensya ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng teorya. Ito ay kilala rin sa
tawag na Agham sa pamamagitan nito tayo namulat sa mga kaparaanan ng pisikal at buhay na mundo. Ito ang
nagturo sa atin kung paano pahalagahan ang mga bagay-bagay na bumabalot sa ating kapaligiran. Ito rin ang
ating gamit upang maghanap ng mga solusyon sa mga problemang hinaharap ng ating bayan sa mithiin na
umunlad ang estado ng buhay ng bawat mamamayan.
Ang mga pamamaraang siyentifik ay binubuo ng (1) pansamantalang palagay,( 2) obserbasyon o
eksperimentasyon (3) beripikasyon (4) kongklusyon
Ang Likas na Siyensya ay napapangkat sa :
1. Biological Sciences o Buhay na Agham gaya ng Zoology ( pag- aaral sa Hayop) at Botani (pag-aaral
sa halaman)
2. Non Biological Sciences o Walang Buhay na Agham gaya ng:
a. Fisyologi – pag-aaral sa mga fangsyon ng mga organosa katawan ng organism.
b. Morpologi at anatomi- pag-aaral sa mga hugis at istruktura ng mga organism.
c. Histologi- pag-aaral sa maykroskopic na istruktura ng mga tisy na binubuo ng isang organism.
d. Saytologi- pag-aaral ng mga maliliit na istruktura at proseso ng mga nangyayari sa isang
indibidwal na selula (cell) na bumubuo sa mga tisyu.
e. Embrayologi- pag-aaral sa mga yugto ng pag-unlad ng mga organism mula sa itlog hanggang sa
pagiging may sapat na gulang.
Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.
Page 2 of 6
FIL125: FILDIS
Student Activity Sheet Aralin #8
Teknolohiya
Ang teknolohiya naman ang aplikasyon ng siyensya. Nariyan ang cellphone, kompyuter o laptop, ipad at
iba pa. Teknolohiya ang mga nagsisilbing tulay ng komunikasyon para sa bawat tao. Kung susuriin, napakalaki
ng naitutulong ng teknolohiya sa ating lahat na gumagamit nito. Ngunit hindi rin maikakaila ang mga pangyayari
at pagbabago dahil sa maling paggamit at ang malaking epekto nito sa wika at pamumuhay. Karamihan sa mga
mag-aaral sa kasalukuyang panahon ay nagteteks at gumagamit ng “blog” upang ipahayag ang kanilang
kaisipan at damdamin. Sa paggamit ng teknolohiya, nagagawa nilang palawakin ang kanilang bokabularyo.
Subalit may mga pagkakataon rin na lumalabis at hindi nagiging makatuwiran ang pagpapahayag na
nakakaapekto sa isang indibidwal o maging sa pangkalahatan
Panuto: Isulat sa patlang ang S kung Siyensya at T kung Teknolohiya ang mga sumusunod na sali
_______________ 1. Gravity
_______________ 3. Force
_______________ 4. Smart TV
_______________ 5. Chemistry
3) Aktibiti 4:Tsart para sa Aking Nalalaman part 2 (2 minuto)
Panuto: Isulat ang T kung TAMA ang pinahihiwatig ng pahayag at M naman kung MALI. Isulat ang sagot
sa patlang. (Panuto para sa guro: Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa nabasa at ipasagot ang
panlinang na gawain na inihanda. CIRCULATE)
_____ 1. Ang teknolohiya ang nagtuturo sa atin kung paano pahalagahan ang mga bagay-bagay na bumabalot
sa ating kapaligiran.
_____ 2. Ang salitang siyensya ay maaari ring tawaging “Agham ng mga Pilipino.”
_____ 4. Mahalaga ang pag-aaral ng agham at teknolohiya sa lahat ng panahon dahil ito ang susi sa pag-
unlad ng bansa.
_____ 5. Karamihan sa mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon ay nagteteks at gumagamit ng “blog” upang
ipahayag ang kanilang kaisipan at damdamin.
Sa bahaging ito, balikan mo ang “Tsart para sa Aking Nalalaman” na sinagutan mo sa Aktibiti 1. Pero sa
pagkakataong ito, punan mo ang hinihingi ng ikatlong kolum sa tsart.
4) Aktibiti 5: Pagwawasto ng Pang-unawa (5 minuto)
A. Panuto : Isulat kung ang B kung Biological Science at NB kung Non Biological Sciences ang mga
sumusunod :
C. WRAP-UP SA ARALIN
Emoji Exit Ticket. Bilugan ang emoji na iyong naramdaman matapos ang aralin.
😎 🙂 🤔 😫
1. Bakit ganito ang iyong naramdaman?
__________________________________________________________________
2. Ano ang nais mong itanong sa guro tungkol sa paksang aralin?
__________________________________________________________________
FAQs
Ang mga sumusunod mga karagdagang kaalaman sa paksang aralin ngayon na maaaring maktulong pa sa
iyong pang-unawa. Basahin mo ito nang may pang-unawa.
1.Ano ang kaugnayan ng aralin ngayon sa nakaraang aralin?
Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.
Page 5 of 6
FIL125: FILDIS
Student Activity Sheet Aralin #8
May kaugnayan ang nakaraang aralin sapagkat parehas na mga iba’ibang mga teksto sa sulating
Filipino ito ang nakaraan ay tungkol sa humanidades at agham na disiplina at ngayon ay siyensya at
teknolohiya..
2. Bakit kailangan ko pa pang pag-aralan ito?
Sagot: Mahalaga ito sapagkat ipinapakita na maaaring makapagbahagi at makapaglahad gamit ang
Filipino sa iba’t ibang disiplina at para lalo mong maintindihan ang kaugnayan ng wikang Filipino sa
iyong kurso at sa iba pang kurso.
Pagwawasto ng mga Sagot
Aktibiti 1
1. Sikolohiya 2.Arkeolohiya 3.Lingguwistika 4.Area Studies 5.Ekonomiks
Aktibiti 3
1.S 2. T 3. S 4. T 5. S
Aktibiti 4 1. M 2. T 3. T 4. T 5. M
Aktibiti 5
A. 1.B 2. NB 3.NB 4. B 5. NB
B.1. Histologi 2. Saytologi- 3.Embrayologi 4.Ekologi 5.Genetics
Pangunahing Aktibiti ng Guro
A. Kung ang sesyon na ito ay mangyayari sa loob ng klasrum, gagawin ang mga sumusunod:
1) Kolektahin ang natapos na SAS.
2) Maglaan ng oras para sa pagtuturo, monitoring at kulsultasyon para sa estudyante o mga
estudyante.
3) Maaari kang magbigay ng pagsusulit, demonstrasyon, graded recitation, presentasyon, performance task
sa harapang sesyon.
4) Maaari ring magbigay ng mga pampalawak na gawain na lilinang ng kolaborasyon sa bawat isa
basta isaalang-alang ang social distancing.
5) Maaari ring magpanood ng mga videos bilang suplimentaryong gawain.
Mahalagang tandaan, kapag ang estudyante ay hindi nakapasok gawa ng kalusugan at kaligtasang mga
dahilan, hindi dapat bigyan ng mababang marka ang estudyante bagkus magbigay ng alternatibong
summative tests.
B. Kung ang sesyon na ito ay mangyayari sa bahay, dapat gawin ang mga sumusunod:
1) Iwasto at bigyan ng iskor ang SAS at iba pang gawain ng estudyante.
2) Mag-iskedyul ng pagtawag sa anumang paraan (phone calls/virtual calls/virtual chats) sa bawat
estudyante o sa maliit ng grupo ng estudyante para i-monitor ang gawain, magbigay ng payo, sumagot
sa mga tanong at alamin ang antas ng kanilang pang-unawa sa aralin.
Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education.
Page 6 of 6