You are on page 1of 6

FIL125: FILDIS

Student Activity Sheet /Aralin #1

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

Pamagat ng Aralin: FILDIS: KAUGNAY SA PAGBASA Kagamitan:


Activity sheets
Layunin ng Aralin:
1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbasa. Sanggunian:
2. Matukoy ang mga hakbang sa pagbasa. https://www.slideshare.net/majoydr
ew/mga-uri-ng-pananaliksik-
filipino11

Makabuluhang Payo

Binabati kita sa masigasig at matalinong pagsagot mo sa mga aktibiti noong


nakaraang Araw .
Kung kaya’t alam kong kakayanin mo rin itong pag-aralan at matutunan. Sabi nga ,
“Ang masipag magbasa ang kalapit ay karunungan ngunit ang tamad magbasa
ay walang kahahantungan.”

A. Pahapyaw sa Aralin /Rebyu


1) Panimula (2 minuto)

Bilang estudyante sa kolehiyo , ang pagbasa ang isa sa kasanayang lagi mong naisasakatuparan.
Sa araw na ito, pag-aaralan mo ang kahalagahan ng pagbasa. Bago mo tuluyang pag-aralan ang
mga ito, sagutin mo muna ang unang aktibiti nang may katapatan.
Aktibiti 1: Tsart para sa Aking Nalalaman Part 1 (3 minuto)
Panuto: Sa gawaing ito, sagutin mo muna ang unang kolum ng tsart. Sasagutin ang ikatlong kolum
kapag nakarating ka na sa Aktibiti 4.
Ano ang Aking Nalalaman Mga Tanong Ano ang Aking Natutunan
(Activiti 4)
1. Ano ang FILDIS?

2.Ano ang Pagbasa?

3.Ano ang Kaugnayan ng


asignaturang FILDIS sa Pagbasa?

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education Page 1 of 6


FIL125: FILDIS
Student Activity Sheet /Aralin #1

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

B. PANGUNAHING ARALIN
1) Aktibiti 2: Araling Pangnilalaman (13 minuto)

Narito ang konseptong aralin na kailangan mong basahin. Ito ang magiging gabay mo sa mga susunod
pang aktibiti

Ang Kaligiran ng FILDIS at Kaugnay sa Pagbasa

Ang pagkakaroon ng ating Wikang pambansa ay dahil sa bunsod ng ating Ama ng wikang Pambansa na
si Pangulong Manuel L. Quezon nang ipalabas niya ang K.1935 na kung saan inaatang sa Kongreso ang
pananagutang sa paglinang ng isang p.w. na ibabatay sa isa sa mga katutubong wika ng Pilipinas. Maraming
pagsubok ang pinagdaanan ng wikang FILIPINO bilang wikang pambansa.

Mga Naging Katawagan ng ating Wikang Pambansa


 1939- Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na Batay sa Tagalog
 1946- Wikang Pambansang Pilipino
 1951- Wikang Pilipino
 1959-Pilipino
 1987 hanggang sa kasalukuyan- Filipino
Sa bisa ng CMO No. 57, s. 2017, binalangkas ang yunit na ilalaan sa asignatura sa Filipino at Panitikan.
Nagkaroon ng limang (5) bagong asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo: 1) KOMFIL
(Kontektstwalisadong Komunikasyon sa Filipino); 2) FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina); 3)
DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino); 4) SOSLIT (Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan); at 5)
SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang Panlipunan). Ipinag-uutos ng CMO No. 57, s. 2017 ang pagkakaroon ng
6-9 yunit sa asignaturang Filipino bilang bahagi sa General Education Curriculum (GEC ) ng mga mag-aaral
sa kolehiyo simula 2018

Kaya’t sa asignaturang FILDIS ay malalantad tayo sa mga iba’t ibang tekstong Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
na nararapat lamang na basahin.
 Ayon kay Toze, ang Pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa kabatiran at
karunungan. Ayon pa rin sa kanya, ito ay isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga
suliranin at nagbibigay ito ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
 Ayon sa pananaw ng ibang mananaliksik, ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pagtugon sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.upang mabugkas nang pasalita.

Kahalagahan ng Pagbasa
Ang pagbabasa ay gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.
pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa ibat ibang larangan sa buhay. Nagsisilbi itong
instrumento upang marating ang mga lugar sa daigdig na hindi mo pa nararating. Nakikilala ang mga bantog na

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education Page 2 of 6


FIL125: FILDIS
Student Activity Sheet /Aralin #1

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

tao na hindi mo pa nakikita. Patnubay din ito sa mga karanasan, mga mithiing iyong pinapangarap. Nagsisilbi
itong unang hakbang sa anumang larangan ng pag-aaral at pagkatuto. Malaki ang impluwensiya ng pagbabasa
sa pagkatao o personalidad ng isang nilalang.

Mga Hakbang sa Pagbasa


May apat na hakbang sa pagbasa ayon kay William S. Gray.
Talakayin natin ito sa pamamagitan ng paraang information ladder.
1. Persepsyon o rekognisyon sa pagkilala at pagtukoy ng mga nakalimbag ng mambabasa ang iba’t
ibang ponema o makahulugang yunit ng mga tawag. Kasabay nitoý nakikilala niya ang katumbas ng
mga titik o letra ng bawat tunog. Nakapagsasama rin siya ng mga tunog at titik sa mga makahulugang
padron kaya nakapagbubuo siya ng mga morpema o makahulugang yunit ng mga salita. Sa hakbang
na ito nagsisimula hanggang makakilala, makabasa at makabuo siya ng mas mahahabang salita at
pangungusap.

2. Komprehensyon o pag-unawa ang layunin ng pagbasa. Kailangang makuha ang nais ipakahulugan
ng awtor at maibigan naman niya ang sariling pagpapakahulugan batay sa dati niyang kaalaman o
iskema. Ang iskema ang transaksyon nagaganap sa komunikasyon. Ang komprehensyong ay
nakapokus na sa pag-unawa sa mga genre ng panitikan o iba pang binasa para sa kanila.
Pinakikinggan nila ito at sinasagot ang mga katanungan kaugnay nito. Nasa iba’t ibang antas ng
pagtatanong mula sa literal hanggang mapanuri o kritikal.
3. Reaksyon sa binasa. sa hakbang na ito, binibigyang-halaga ang katumpakan ng pagbabasa at
tinitiyak ang kahulugan nito sa isang partikular na suliranin. Maaari rin na ang sariling reaksyon ay
tungkol sa mga kaisipang natutuhan o tungkol sa akdang binasa.
4. Aplikasyon o integrasyon ay bunga na ng pag-uugnay ng mambabasa sa kanyang binasa patungo
sa mga gawaing pansining, pagsulat ng liham, kard, poster at journal. Maaari ring magsalaysay o
maglagom. Sa hakbang pa ring ito, malalaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa
karanasan ng bumabasa, maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili, pagpapahalaga sa
ibang tao, pag-unawa rin sa daigdig na kanyang ginagalawan at tinatahanan, maunawaan ang mga
bagay sa mundo na nagpapakilos sa tao upang siyaý mag-isip, makadama at umasal ng kanyang
ikinikilos.

2) Aktibiti 3: Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti (18 minuto sa pagsagot+ 2 minuto sa pagwaswasto)

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang numero.

_______________ 1. Ito ay ang bunga ng pag-uugnay ng mambabasa sa kanyang binasa patungo sa mga
gawaing pansining, pagsulat ng liham, kard, poster at journal

_______________ 2. Ito ay nagsisilbi itong intrumento upang marating ang mga lugar sa daigdig na hindi mo
pa narrating, makikilala ang mga bantog na tao na hindi mo pa nakikita.

_______________ 3. Sa hakbang na ito ay nagsisimula mula sa mga nakalimbag na ponema hanggang


Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education Page 3 of 6
FIL125: FILDIS
Student Activity Sheet /Aralin #1

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

makakilala, makabasa at makabuo siya ng mas mahahabang salita at pangungusap.

_______________ 4. Ito ang transaksyon nagaganap sa komunikasyon dala ng dating kaalaman.

_______________ 5. Sa hakbang na ito, binibigyang-halaga ang katumpakan ng pagbabasa at tinitiyak ang


kahulugan nito sa isang partikular na suliranin
3) Aktibiti 4:Tsart para sa Aking Nalalaman part 2 (2 minuto)

Sa bahaging ito, balikan mo ang “Tsart para sa Aking Nalalaman” na sinagutan mo sa Aktibiti 1. Pero sa
pagkakataong ito, punan mo ang hinihingi ng ikatlong kolum sa tsart.
4) Aktibiti 5: Pagwawasto ng Pang-unawa (5 minuto)

Panuto: Isulat ang T kung TAMA ang pinahihiwatig ng pahayag at M naman kung MALI. Isulat ang sagot
sa patlang. (Panuto para sa guro: Tanungin ang mga bata tungkol sa nabasa at ipasagot ang panlinang
na gawain na inihanda. CIRCULATE)
_____ 1. May apat na hakbang sa pagbabasa.

_____ 2. Ang lahat ng reaksyon ay tama, sapagkat sariling pagkukuro ito na batay sa pagkaunawa sa binasa.

_____ 3. Ang huling hakbang sa pagbabasa ay Komprehensyon o pag-unawa ang layunin ng pagbasa.

_____ 4. Ang pagbabasa ay gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.

_____ 5. Ang pagbabasa ay hindi nagsisilbing instrumento upang marating ang mga lugar sa daigdig na hindi
mo pa nakikita.

6. Ang FILDIS O Filipino sa ibat’t ibang disiplina ay kabilang sa bagong asignatura na mandatoryong
kukunin lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
7 Ang FILDIS ay kabilang sa bagong asignatura na mandatoryong kukunin ng mga mag-aaral sa
kolehiyo na may kaugnayan sa Humanidades, Social Sciences at Komunikasyon O HUSOCOM
lamang.
8. Ang FILDIS ay isa sa mga asignaturang nakapaloob sa CMO blg. 57.S. 2017
9 Ang pagaaral sa wikang Filipino ay kakikitaang pinapahalagahan ng CHED.
10 Ang FILDIS ang mababaw na kabatiran tungkol sa pag-aaral ng wikang Filipino.

C. WRAP-UP SA ARALIN

1) Aktibiti 6: Pag-iisip tungkol sa Natutunan (5 minuto)


Ngayon, markahan mo iyong kinalalagyan ng iyong natutunan sa “word tracker” para mamonitor mo
ang iyong napagtagumpayan at natutunan sa bawat aralin at kung ano ang mga kailangan mong
gawin.
Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education Page 4 of 6
FIL125: FILDIS
Student Activity Sheet /Aralin #1

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

Emoji Exit Ticket. Bilugan ang emoji na iyong naramdaman matapos ang aralin.

😎 🙂 🤔 😫
1. Bakit ganito ang iyong naramdaman?
__________________________________________________________________
2. Ano ang nais mong itanong sa guro tungkol sa paksang aralin?
__________________________________________________________________

FAQs
Ang mga sumusunod mga karagdagang kaalaman sa paksang aralin ngayon na maaaring maktulong pa sa
iyong pang-unawa. Basahin mo ito nang may pang-unawa.
1.Gaano nakakatulong ang pagbasa sa pag-aaral?
Sagot: Ang Pagbasa ay mahalaga sa iyong pag-aaral dahil napapalawak ang kalaman at bokabularyo.
2. Bakit ang Pagbasa ay kabilang sa aralin na dapat pang pag-aralan?
Sagot: Napabilang ang Kahalagahan ng Pagbasa sa iyong aralin sa sabjek na ito dahil malalantad ka
sa iba’t ibang disiplina kaya’t ito ang kasanayang nararapat malinang.
Pagwawasto ng mga Sagot
Aktibiti 3
1.Aplikasyon/ Integrasyon
2. Pagbasa
3. Persepsyon
4. Iskema
5. Reaksyon
Aktibiti 5
1. T 2. T 3. M 4. T 5. M
6.T 7. M 8.T 9. T 10. M

Pangunahing Aktibiti ng Guro


A. Kung ang sesyon na ito ay mangyayari sa loob ng klasrum, gagawin ang mga sumusunod:
1) Kolektahin ang natapos na SAS.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education Page 5 of 6


FIL125: FILDIS
Student Activity Sheet /Aralin #1

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____


Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

2) Maglaan ng oras para sa pagtuturo, monitoring at kulsultasyon para sa estudyante o mga


estudyante.
3) Maaari kang magbigay ng pagsusulit, demonstrasyon, graded recitation, presentasyon, performance task
sa harapang sesyon.
4) Maaari ring magbigay ng mga pampalawak na gawain na lilinang ng kolaborasyon sa bawat isa
basta isaalang-alang ang social distancing.
5) Maaari ring magpanood ng mga videos bilang suplimentaryong gawain.

Mahalagang tandaan, kapag ang estudyante ay hindi nakapasok gawa ng kalusugan at kaligtasang mga
dahilan, hindi dapat bigyan ng mababang marka ang estudyante bagkus magbigay ng alternatibong
summative tests.

B. Kung ang sesyon na ito ay mangyayari sa bahay, dapat gawin ang mga sumusunod:
1) Iwasto at bigyan ng iskor ang SAS at iba pang gawain ng estudyante.
2) Mag-iskedyul ng pagtawag sa anumang paraan (phone calls/virtual calls/virtual chats) sa bawat
estudyante o sa maliit ng grupo ng estudyante para i-monitor ang gawain, magbigay ng payo, sumagot
sa mga tanong at alamin ang antas ng kanilang pang-unawa sa aralin.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education Page 6 of 6

You might also like