You are on page 1of 5

FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Student Activity Sheet / Aralin #2

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________

Pamagat ng Aralin: MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON INTRODUKSYON


NG MGA PILIPINO (BERBAL) Kagamitan:
Activity sheets

Mga Layuning Pampagkatuto: Sanggunian


Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Torres, Perlin O. Panukalang Modyul sa Komunikasyon sa
Maipaliwanag ang angkop na berbal na komunikasyon sa Akademikong Filipino
konteksto ginagalawan https://www.slideshare.net/JosephCe mena/mga-gawaing
2. Mauri ang kabutihan at di-kabutihan ng ilang mga berbal pangkomunikasyon-ng-mga-pilipino
na usapan ng mga Pilipino.
https:/pdfcoffe.com/3mga-gawaing pangkomunikasyon-ng-
mga-pilipino pdf-free.html

Magandang araw sa iyo! Ikinagagalak ko ang patuloy mong pagpasok sa klase lalo na sa asignatura mo sa
KOMFIL. Pinatutunayan mong may determinasyon ka talaga sa pag-aaral. Sige, muli mong subukang
sagutan ang mga sumusunod na aktibiti. Good luck!

Aktibiti 1A. Basahin ang caselet at ibigay ang iyong opinyon ukol dito. Isulat ang iyong sagot sa inilaang patlang. Ikaw ay
isang studyante sa kolehiyo at bahagi ng Student Body Organization ng iyong kurso. May mga daing at reklamo ang iyong
ibang kaklase tungkol sa patakaran ng isang guro patungkol sa pagkuha ng eksamen. Naririnig mo itong napag-uusapan
ng mga studyante habang naghihintay ng klase at pati na rin habang kumakain sa kantin. Nabalitaan mo ring may mga
nag-rant na sa social media. Sa iyong opinyon, sa paanong usapan mabibigyang solusyon ang mga reklamo ng kaklase
mo?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

A. GAWAING PAHAPYAW SA ARALIN


Panimula (2 minuto)
Aktibiti 1B. Pag-aralan ang mga ideyang nakapaloob sa grafik organizer. Ano ang iyong masasabi sa ugnayan ng Berbal
na Komunikasyon at Wika? Pag-aralan at suriin ang impormasyon sa ibaba.

Berbal na Komunikasyon Wika


Pasalita Pasulat

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 1

FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Student Activity Sheet / Aralin #2

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________

B. PANGUNAHING ARALIN

Araling Pangnilalaman (13 minuto)


Basahin at Unawain

Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipag-usap ng mga Pilipino. Ito ay dahil nagmumula sila sa kulturang may
mataas na uri ng pagbabahaginan ng kahulugan kumpara sa mga taga-Kanluran na may mababang konteksto ng kultura
at mababa rin ang antas ng pagbabahaginan ng kahulugan (Maggay, 2002).

Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Berbal)

A.) TSISMISAN - ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon.
Ngunit maaari namang gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-uugali sa mga
grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa. Tinutulungan tayo nito sa pamamagitan ng
pagpapaalam sa atin ng mahahalagang impormasyon nang hindi na kailangang makipag-usap sa bawat
miyembro ng grupo. Tandaan lamang na ang pangtsitsismis ay hango sa inggit at maaaring ng away.

B.) UMPUKAN - ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, o
pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari. Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang
kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o pangkat. May mga umpukan na impormal ang talakayan kung
saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kurukuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa.

C.) TALAKAYAN - ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng talakayan, nahahasa ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag, at pangangatwiran.

D.) PAGBABAHAY- BAHAY - ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at tirahan
upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na upang makakuha ng impormasyon. Halimbawa ng pagbabahay-bahay
ay ang background investigation sa taong nais bumili ng kotse o mag-loan ng malaking halaga. Nagsasagawa sila
ng interview upang makakuha ng iba pang impormasyon upang ma-beripika kung totoo ang lahat ng iyong
isinulat sa kanilang application form.

E.) PULONG BAYAN - ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga
suliranin, hakbang, at maging ang mga inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang
mapag-usapan nang maayos ang mga bagay-bagay.

Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti (20 minuto)

A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Punan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay nagsasaad ng komunikasyong
berbal at ekis (x) naman kung hindi.
1. Mukhang nakasimangot ________
2. Karatulang “Huwag Maingay” ________
3. ↕ ________
4. Pagtatalumpati ________
5. Tsismisan ________

 Tingnan ang “Sagot sa Aktibiti” sa bandang dulo ng SAS na ito kung tama ang iyong mga piniling sagot.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 2


FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Student Activity Sheet / Aralin #2

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________

B. Panuto: Naunawaan mo ba ang konseptong aralin? Upang mapatunayan, hanapin sa hanay B ang kahulugan ng
mga salitang nasa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang patlang.

HANAY A HANAY B

A. Naisasakatuparan ng isang maliit na grupo o pangkat,


pagtitipon ng mga tao para sa isang paksang
__________ 1. PAGBABAHAY-BAHAY kalahok.

B. Ito ay pagtitipon ng mga taong naninirahan sa isang bayan


upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang
mga inaasahang pagbabago sa komunidad.
__________ 2. UMPUKAN
C. Ito ay malimit nangyayari sa loob ng klase. Nahahasa ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag
at pangangatwiran.

__________3. TSISMISAN __________ 4. PULONG BAYAN D. Ito ay isinasakatuparang usapan lalo na sa pagsasarbey
upang makakuha ng impormasyon.

E. Ito ay uri ng usapan ng ilan lalo na sa mga baryong malimit


hindi totoo o di kaya naman ay kilala bilang sabi –sabi
__________5. TALAKAYAN
lamang na di-dapat paniwalaan.
napapanahon at malimit nagbibigay komento ang ilang

 Tingnan ang “Sagot sa Aktibiti” sa bandang dulo ng SAS na ito kung tama ang iyong mga piniling sagot.

C. Base sa iyong nalaman mula sa iyong guro, kaklase, at sariling pang-unawa, subukan mong sagutan ang
sumusunod na pagsasanay upang malaman mo kung gaano ang iyong natutunan. Uriin kung anong uri ng
Komunikasyong Pilipino ang mga sumusunod na sitwasyon: Gawing gabay ang sumusunod: TS - Tsismisan, U -
Umpukan, PB - Pulong Bayan, PH - Pagbahay- bahay, at TL - Talakayan.
_____ 1 Usapan sa kalye ng mga nag-uumpukang mga lalake at pinag-uusapan ang tungkol sa nalalapit na
eleksyon.

_____ 2 Pangangalap ng impormasyon o pagsasarbey tungkol sa kung sino-sino ang ihahalal na kandidato sa
pagkasenador.

_____ 3 Ang pag-uumpukan ng mga tambay sa harap ng sari-sari store at pinag-uusapan ang tungkol sa mga
pangyayaring mapapanood sa Ang Probinsyano at sa buhay ni Coco Martin.

 Tingnan ang “Sagot sa Aktibiti” sa bandang dulo ng SAS na ito kung tama ang iyong mga piniling sagot.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 3


FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Student Activity Sheet / Aralin #2

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________


Pagwawasto ng Pang-unawa (5 minuto)
Ngayong natalakay na natin ang tungkol sa berbal na komunikasyon ay bumuo ka ng grapikong organizer gamit ang mga
naitalang konsepto. Punan lamang ng angkop na sagot ang grapikong nasimulan sa ibaba.

C. WRAP-UP SA ARALIN

Pagsusuri tungkol sa Natutunan (5 minuto)

Work Tracker
Ngayon, markahan mo ang kinalalagyan ng iyong natutunan sa “work tracker” para mamonitor mo ang iyong
napagtagumpayan at natutunan sa bawat aralin at kung ano ang mga kailangan mo pang gawin.
Period 1 Period 2

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22

1. Anong nararamdaman mo sa pag-aaral ng paksang aralin ngayon? Naging madali ba para sa’yo o nahirapan ka sa
naging paksang aralin?
__________________________________________________________________

2. Bakit ito ang iyong naramdaman? Ilahad ang iyong sagot.


__________________________________________________________________

3. Ano ang nais mong itanong sa guro tungkol sa paksang aralin?


__________________________________________________________________

FAQs
Ang mga sumusunod ay mga karagdagang kaalaman sa paksang araling tinalakay na maaaring makatulong pa sa iyong
pang-unawa. Basahin mo ito nang mabuti.

1. Ano ang komunikasyong berbal?


Sagot: Ang komunikasyong berbal ay uri ng pakikipagtalastasang isinasagawa sa paraang pasalita at pasulat.

2. Ano ang pagkakaiba ng wikang pasalita mula sa wikang pasulat?


Sagot: Ang wikang pasalita ay paraan ng paglalahad na isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasalita o pagbikas ng ideya o
impormasyon at ang wikang pasulat naman ay paraan ng paglalahad na isinusulat sa pamamagitan ng babasahin o
teksto.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 4


FIL 124: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Student Activity Sheet / Aralin #2

Pangalan: ____________________________ Section: ______________ Petsa: ________________

SAGOT SA MGA AKTIBITI: ARALIN #2


Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti A Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti B
1. X 2. / 3. X 4. / 5. / 1. D 2. A 3. E 4. B 5. C

Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti C


1. U – inilalarawan ditto ang pagtitipon tipon ng grupo
ng kalakihan at pag-uusap tungkol sa isang mahalang
pangyayari – ang eleksyon.
2. PH – ito ay naglalarawan ng isang gawain na
tinatawag na pagseserbey upanga makakalap ng
impormasyon. 3. TS – ito ay ang pag-uusap tungkol sa
isang teleserye na hindi naman gaano kahalaga.

Ang dokumentong ito ay pagmamay-ari ng PHINMA Education. 5

You might also like