You are on page 1of 9

11

Cataingan National High School


Cataingan, Masbate

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Kuwarter – Modyul 4
Kakayahang Pangkomunikatibo

Inihanda ni: G. TOMAS L. DUNGONG III


Teacher-III (SHS)
ALAMIN

Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at tiyak na marami kang


makukuhang kaalaman sa bawat aralin. Kayakaibigan,pagsikapan mong mabuti na
masagot ang mga gawaing inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na
magugustuhan mo ang mga sitwasyong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng pagkakaroon ng
kakayahang pangkomunikatibosa buhay ng tao?Sa araling ito, ang iyong kaalaman
atpagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati
na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya
mong sagutin ito. Kaya mo to! Handakana ba?Simulan mo na.

MODYUL 4

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Markahan: Ikalawa Linggo: 4th

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Samodyul na ito, tatalakayin ang sitwasyong pangwika at kakayahang


pangkomunikatibo. Ang mga kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang
malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng
mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral angsitwasyong pangwika at


kakayahang pangkomunikatiboupang higit na magiging makabuluhan ang iyonf
pakikipagtalastasan sa iyong kapwa. Nakapaloob dito ang mga gawain, mga
pagsasanay na iyong sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong kaalamang
dapat malinang sa modyul na ito nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong
komunidad at lipunan.
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo


ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Natutukoy ang mga angkop na salita,pangungusap ayon sa konteksto ng
paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon; (F11PN-IId-
89)
b. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at
pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit sa wika.
(F11EP – IId – 33 )

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
“Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang kasanayang
nararapat taglayin ng bawat tao sa lipunan.”
–Anonymous-
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat
lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ang salitang “kakayahang pangkomunikatibo” o communicative competence


ay nagmula sa isang lingguwistikang si___________.
a. Dell Hathaway Hymes
b. Dr. Fe Otanes
c. Noam Chomsky
d. Emily Langer
2. Ano ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika?
a. Magkaunawaan nang lubos ang dalawang taog nag-uusap.
b. Maipahatid ang tamang mensahe sa taong kinakausap.
c. Magamit ang wika nang wasto saloob angkop na sitwasyon.
d. Lahat ng nabanggit
3. Upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipagkapwa, ano
ang kailangang gawin ng mga guro?
a. bigyan sila ng maraming gawain
b. bigyan sila ng maraming pagsusulit
c. bigyan sila ng pagkakataong makilahok sa iba’t ibang gawain
d. bigyan sila ng maraming takdang-aralin
4. Tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at
makabuluhang pangungusap_____.
a. Sosyolingguwistiko
b. Diskorsal
c. Pragmatic
d. Lingguwistiko
5. Ang nagsasalita ng wika ay hindi dapat magkaroon ng kakayahang ___.
a. panglingguwistika
b. pomunikatibo
c. pingguwistika
d. pingguwista
6. Alin sa mga sumusunod ang pinakasikat na social networking sites?
a. Facebook, You Tube , Instagram
b. Facebook, Instagram , Twitter
c. Faceboolk, You Tube, Pinterest
d. Facebook, Twitter , Vine

1
7. Kung mayroon kang ipapaskil sa Internet, hanggang kailan ito mananatili sa
site na iyon?
a. 6 na buwan
b. 30 taon
c. 5 taon
d. Hangga’t hindi binubura
8. Isang sikat na websyt na babahagi ng mga vide at nagbibigay-daan para sa
mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video
clips.
a. Multiply
b. Twitter
c. Facebook
d. Youtube
9. Isang social networking website na libre ang pagsali at pinatatakbo at pag-
aari ng facebook Inc. na isang pampublikong kompanya.
a. Facebook
b. Youtube
c. Twitter
d. Multiply
10. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing mithiin ng wika?
a. Makabuo ng isang pamayanang malalalim ang mga salitang ginagamit sa
pagsasalita.
b. Makabuo ng isang pamayanang nagtutulungan.
c. Makabuo ng isang pamayanang mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.
d. Makabuo ng isang pamayanang mapayapa.

2
ARALIN 4

Kakayahang Pangkomunikatibo

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa kakayahang pangkomunikatibo sa sitwasyon ng


wika sa Pilipinas.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa kakayahang pangkomunikatibo.

A. TUKLASIN

3
https://www.google.com/search?q=kakayahang+pangkomunikatibo+&tbm=isch&ved=2ahUKEwi8ucfwuffpAhV8x4sBHdU_AnMQ2-
cCegQIABAA&oq=kakayahang+pangkomunikatibo+&gs_lcp=CgNpbWcQA1DHCFiJD2CUFWgAcAB4AIABmwGIAdEEkgEDMC40mAEAoAEBqg
ELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=YO3gXryJD_yOr7wP1f-ImAc&bih=676&biw=1517#imgrc=anYJYyfBlVrQj

Gawain 1

Panuto:Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibabamagbigay ng sariling


pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

KOMUNIKATIBO

B. SURIIN

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


(KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O GRAMATIKA)

Ano ang ibig sabihin ng Kakayahang Pangkomunikatibo? At kailan natin


masasabi na ang isang mag-aaral na tulad mo ay may kakayahang
pangkomunikatibo?
Ang salitang kakayahang pangkomunikatibo o communicative
competence ay nagmula sa linguist,sociolinguist,anthropologist at folklorist na si
Dell Hymes noong 1966 na mula sa Portland Oregon.(Dayag at del Rosario,
2016).Sinasabing sa mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika.
Ngunit hindi sapat na basta lamang itong umiikot o nakatuon sa kayarian ng wika o
gramatika tulad ng bahagi ng panalita,bantas,baybay,ponolohiya,mormolohiya at iba
pa.Dahil masasabi lamang na ang isang Pilipinong mag-aaral ay nagtataglay ng
kakayahang pangkomunikatibo kapag naipahatid nang maayos sa kausap ang
diwang nais iparating sa kinakausap at magamit ang pang -unawang ito sa mga
aktuwal na sitwasyon sa totoong buhay pasalita man o pasulat.Si Dell Hathaway
Hymes ay isang mahusay , kilala, at maimpluwensiyang antrpologist na maituturing
na “higante” sa dalawang nabanggit. Mula sa kanyang pag- aaral ay ipinakilala niya
4
ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence
na nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistiko. Ang kakayahang
lingguwistiko ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng
maayos at makabuluhang pangungusap. Ang kakayahang komunikatibo naman ay
tumutukoy sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaskyong sosyal.
Hinihimok ni Dr. Hymes ang kanyang mga tagasunod na pag-aralan ang lahat
ng uri ng diskursong nangyayari sa buhay tulad ng usapan ng mga tao sa mesa;
mito, alamat, at mga bugtong; mga testimonya sa korte, talumpating pampolitika,
mga elehiya, ta mga saluting ginagamit sa pamahalaan. Bahagi na gusto niyang
malaman ay kung paano nagkakaiba- iba ng mga ito sa iba’t ibang kultura.
Sipi mula kay Alma Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p. 149-150

Gawain 2

Panuto:Mula sa naging talakay, ipaliwanag sa sariling pananalita kung paano


nagkakaiba ang kakayahang lingguwistiko at kakayahang
komunikatibo. Isulat ang paliwang sa mga kahong nakalaan sa ibaba.

KAKAYAHANG KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO KOMUNIKATIBO

C. PAGYAMANIN

Ang Kakayahang Pangkomunikatibo at Social Media

Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutunan lang ang mga


tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay
magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang:

(1.) maging maayos ang komunikasyon,


(2.) maipahatid ang tamang mensahe, at
(3.)magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag- uusap.

Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng


kakayahang komunikatibo.Ang kakayahang komunikatibo ay isang mahalagang
5
kasanayang nararapat nataglayin ng bawat isa sa lipunan. Ang tao ay ay isang
panlipunang nilalang na nangangailangang makihalubilo sa kanyang kapwa tao sa
halos lahat ng panahon. Ang isang mag-aaral ay kailangang makisalamuha sa
kapwa niya mag-aaral at sa mga guro sa halos lahat ng pagkakataon, lalung-lao na
kung nasa paaralan. Ang kakayahang komunikatibo ay nararapat lamang hasain
dahil malaki ang maitutulong nito bilang paghahandasa mapipiling karera ng isang
mag-aaral sa hinaharap. Kung hindi marunong ang isang mag-aaral makipag-
ugnayan sa kapwa tao, maaring magiging sanhi ito ng hindi pagkakaintindihan na
siya ring kadalasang puno't dulo ng away.
Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga
tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nagkikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay
itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-Based na mga aplikasyon na bumubuo
ng idelohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 nanagbibigay-daan sa
paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

Mga Uri ng Social Networking

1. MySpace --- Isa ito sa mga laganap na Social Networking (SN), ayon kay Paul Marks (2006).
Ang MySpace, ayon sa OUT-LAW.com (2006) ay ginawa ni Brad Greenspan para sa lahat. Ito ay para
sa mga magkakaiban at sa mga taong mahilig makipag-usap sa iba; mga taong malayo sa kanilang
pamilya at gustong makipagkamustahan o makipag-usap sa kanilang pamilya; negosyante at kanilang
mga katrabaho na interesado sa SN; mga magkaklase at mga kapareha sa pag-aaral at marami pang
iba.
2. Multiply--- Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri ng social network
na nagbibigay-kakayahan sa mga gumagamit nito na magbahagi ng mga uri ng midya tulad ng litrato,
video, musika at iba pa sa loob ng sariling websayt. Ito ay may kakaibang SN sayt. Dahil nga
naturingan itong isang SN,hinahayaan nito ang gumagamit na makipagpalitan ng social networking
ay isang istrakturang sosyal nanodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isang
web-based na nagbibigay sa mga indibidwal para (1)bumuo ng isang profile , ang tawag sa
impormasyong pormal na binibigay sa profile ng ibang indibidwal kung saan siya konektado,(2) para
computer-mediated.
3. Ang Facebook(literal na aklat ng (mga) mukha) ay isang social networking website na libre
ang pagsali at pinatatakbo at pag-aari ng facebook, Inc.na isang pampublikong kompanya. Ginagamit
sa pagpapadala ng mensahe, pag-upload ng mga larawan, videos, makipag-chat o makipag-usap at
iba’t iba pang gamit nito. Dinebelop ito ni Mark Zuckerberg.
4. Ang Twitter ay nilikha noong Marso 2006 nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone at Evan
Williams at inilunsad noong Hulyo(taon).Mabilis na nagkaroon ang serbisyo ng pandaigdigang
katanyagan. Noong taong 2012, mahigit sa 100 milyong mga user ang nag-host ng 340 milyong tweet
kada araw, at nagkakaroon ang serbisyo ng 1.6 bilyong search query kada araw. Noong 2013, naging
isa ito sa sampung pinakabinibisitang websayt at inilarawan bilang “ang SMS ng Internet”.
Noongtaong 2016, naitala na mayroon itong 319 milyong aktibong user kada buwan.

5. Ang YouTube ay isang sikat na website na nagbabahagi ng mga vide at nagbibigay-daan para
sa mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita , at ibahagi ang mga video clips. Ang mga
video ay maaaring husgahan ang dami ng husga at ng mga nakanood ay parehong nakalathala. Ang
YouTube ay sinimulan ng dating mga empleyado ng Paypal na sina Steve Chen, Chard Hurley at
Jawed Karin. Noong 2006, binili ito ng Google at naging sangay ng naturang kompanya.

You might also like