You are on page 1of 33

Course Guide

Course Code KOMFIL

Course Title KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Department BSBA

Semester 1st

Academic Year 2020-2021

Units 3 units

Pre-requisite/s None

Course Description Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak


at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa
wikang Filipino ng mga makrongkasanayan pakikinig at
pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t
ibang tradisyonal at modernong midya na maabuluhan sa
kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at laranan.

Course Learning KAALAMAN


Outcomes
1. Mailarawan ang mga gawaing pangaomunikasyon ng
mga Pilipino sa iba’t ibang antas ng larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang
mabisang wia sa kontekstwalisadong omunikasyon sa
mga komunidad at sa buong bansa.
3. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan
sa mga komunidadat sa buong bansa
4. Matukoy ang mgs mapagaaniwalaan. Makabuluhan at
kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik.
5. Makapagmingkashi ng mga solusyon sa mga
pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad
at sa buong bansa , batay sa pananaliksik.
6. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng
pagpapapalaas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng
kolektibong identidad, at pambansang Kaunlaran

KASANAYAN
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyong pang komunikasyon sa lipunang Pilipino.
2. Makapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan
sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong
midyang ama sa ontestong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at makapanghikayat na
presentasyon ng impormasyon at analisis na akma
sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales
sa komunikasyon na akma sa iba’t ibang konteksto.
5. Malinang ang Flipino bilang daluyan ng
inter/multidisiplinaring diskurso sa mga reyalidad ng
lipunang Pilipino
KAHALAGAHAN
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas
ng larangan
2. Mkapagnalangkas ng gabay etikal kaugnay ng
paggamit ng ba’t ibang porma ng midya.
3. Maisaalang-alang ang ultura at iba pang aspektong
panlipunan sa pakikipagpalitang-ideya.
4. Makapag-ambag sa pagtaguyod ng wikang Filipino
bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas
ng disurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino.
Bilang lunsaran sa mas mabisang paikipag-ugnayan
sa mga mamamayan ng ibang bansa.
Topics Module 1: Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang
Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at
lagpas pa.
Module 2: Mga Panahong Isyung Loal at Nasyonal
Module 3: Mga tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon

Assessment Formative Assessment:


Method
Para masukat ang kaalaman ng mga estudyante at kung
may sapat na kalaman sa mga aralin itinuro.

Summative Assessment:
Dito masusukat ang kaalaman kung nahasa o may
natutuhan sila sa mga aralin na tinalakay gamit ang
panulat at papel.

Learning Printed Modules


Resources
Kontestwalisado Komunikasyon (Vasil A Victoria et al
2020)

SAMPLE STUDY SCHEDULE

Week Module/Topic Activity

Unang Linggo Modyul 1: Introduksyon: Gawain 1


Ang Pagtataguyod ng
Wikang Pambansa sa Mas
Mataas na Antas ng
Edukasyon at

Ikalawang Linggo Modyul 1.2: Kasaysayan ng Gawain 2-3


Wika

Ikatlong Linggo Modyul 1.3:Wika Gawain 4

Ikalimang Linggo Modyul 1.4: Komunikasyon Gawain 5-6

Prepared by: Ramil Jovas M. Borja


Contact No: 09501527438
E-mail:jaborjramil09@gmail.com
MODYUL SA
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL)

Inihanda ni:

Ramil Jovas M. Borja

2020

I. OVERVIEW sa KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA


FILIPINO(KOMFIL)
Ang Kontestwalisado Komunikasyon sa Filipino ay patungkol sa
pagsulat, pagsasalita at pagsasagawa ng presentasyon sa iba-ibang
audience at para sa iba’t ibang layunin.

II. CONTENT SUMMARY


Mga inaasahan matutuhan pag-aralan ang KOMFIL: KAHUSAYANG
INTELEKTUWAL 1 Masusing makapagsuri mga teksto (nakasulat,
biswal, pasalita, pasalta atbp) 2. Makapagpamalas ng mahusay at
mabisang komunikasyon (pasulat, pagsasalita, at paggamit ng
bagong teknolohiya) 3. Magamit ng batayng konseptong batay sa
mga dominyo/domain ng kaalaman. 4 Makapagpamalas ng
mapanuri, analitio, at malihaing pag-iisip. 5. Makagamit ng iba’t
ibang mapanuring paraan ng paglutas ng suliranin. PANANAGUTAN
SA SARILI AT SA BAYAN 1. Maunawaan ang kompleksidad ng
kalagayan ng sangkatauhan 2. Maipaliwanag ang karanasan ng
sangkatauhan sa iba’t ibang perspektiba 3.Masuri ang kasalukuyang
sitwasyon ng mundo sa pamamagitan ng perspetibang lokal at
global 4. Tanganan ang responsibilidad na alamin kung ano ang
Pilipino at pagiging Pilipino. 5. Mapanuring maapagnilay-nilay sa
mga kolektibong suliranin. 6. Makagawa ng mga makabagong
paraan at solusyong ginagabayan ng mga pamantayang etikal. 7.
Makapagdesisyon batay sa mga pamantayang moral. 8.
Mapahalagahan ang iba’t ibang anyo ng sining. 9. Makapag-ambag
sa estetika 10. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng pagrespeto sa
karapatang pantao.11. Personal at mahalagang maapag-ambag sa
pag-unlad ng bansa. MGA KASANAYANG PRAKTIKA: 1
epektibong magampanan ang mga Gawain bilang isang pangat. 2.
Makagamit ng mga kasangkapan gaya ng kompyuter upang
epektibong makapagproseso ng isang impormasyon. 3. Makagamit
ng bagong teknolohiya na tutulong at magpapadali sa pagatuto at
pananaliksik 4. Responsableng mahawan ang mga hadlang sa
maayos na paglalakbay sa mundo ng teknolohiya. 5. Makalikha ng
mga solusyon sa mga problema sa iba’t ibang larangan 6. Magamit
ang sariling kaalaman, kasanayan, at kahalagahan tungo sa
responble at produktibong pamumuhay 7. Maihanda ang sarili para
sa proseso ng habambuhay na pagatuto
III. LEARNING OUTCOMES
Pagkatapos ng modyul na ito inaasahang matutuhan:
KAALAMAN
1. Mailarawan ang mga gawaing pangaomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas ng larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wia sa
kontekstwalisadong omunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
3. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga
komunidadat sa buong bansa
4. Matukoy ang mgs mapagaaniwalaan. Makabuluhan at kapaki-pakinabang
na sanggunian sa pananaliksik.
5. Makapagmingkashi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning
panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa , batay sa pananaliksik.
6. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapapalaas ng wikang
pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang
Kaunlaran

KASANAYAN
6. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pang komunikasyon sa lipunang Pilipino.
7. Makapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa
pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang ama sa
ontestong Pilipino.
KAALAMAN
7. Mailarawan ang mga gawaing pangaomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas ng larangan.
8. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wia sa
kontekstwalisadong omunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
9. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga
komunidadat sa buong bansa
10. Matukoy ang mgs mapagaaniwalaan. Makabuluhan at kapaki-
pakinabang na sanggunian sa pananaliksik.
11. Makapagmingkashi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning
panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
12. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapapalaas ng wikang
pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang
Kaunlaran
IV. LECTURE NOTES
Preliminaryo sa KOMFIL
Kontestwalisado Komunikasyon sa Filipino
Batay sa memorandum ng Commission on Higher Education (CHED)
na CMO 20 serye ng 2013. Tumutukoy na ang programang ito sa
bagong General Education ore Courses na pinapanukala ng
komisyon sa lalong Mataas na Edukasyon o mas kilala sa CHED sa
darating na Hunyo 2018. Binubuo ito ng 9 na iba-bang asignatura o
sa kabuoan ay 27 yunit. At isa sa asignaturang ito ay tinatawag na
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
Ang Kontestwalisado Komunikasyon sa Filipino ay patungkol sa
pagsulat, pagsasalita at pagsasagawa ng presentasyon sa iba-ibang
audience at para sa iba’t ibang layunin (CMO 20 S. 2013)
Sa Asignaturang ito pagtutuonan pansin ang mga
sumusunod:
1. Paggamit ng estratehiyang sama-samang pagkatuto sa pagbuo
ng mga awtput. Hal. Kolaborasyon ng mga mag-aaral sa isang
mga Gawain.
2. Ito ay isang asignaturang nakatuon sa proseso kung saan
bibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok sa aktuwal na
pagsasakatuparan ng mga Gawain.
3. Mas itatampok sa asignatura ang aktuwal na pagsasagawa sa
tulong
4. Gagamitin ng mga mag-aaral ang mga ideya sa pagsasanay
upang makabuo ng sariling pagatuto at produkto nakabatay sa
hiningi ng kurso.

Wika – ito ang naginging dahilan kung bakit naipapahayag ng tao


sa higit na mabisang paraan ang kanyang saloobin, hinaing, opinion
at hangarin sa iba pang tao.
At ito rin ang dahilan kung bakit ang talino o karunungan ay
naibabahagi ng tao sa kanyang kapya.
Dahil sa wika, napangyari ng mga tao na maitayo ang napakataas
na tore. Nakinasangkapan ng Diyos ang wika para pigilan ang
palalong mithiin ng mga tao sa nasabing tore.
Henry Gleason - “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-
sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

Ayon kay Webster (1974)


“Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasaling simbulo.”
Ayon kay Archibald A. Hill
“Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong pantao.”

 Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng


mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan.
 Dagdag naman nina Mangahis et al (2005): “Ang wika ay may
mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap
ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.”
 Wika mula sa wikang Malay.
 Sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang
lengguwahe.
 Nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng
Latin, na nangangahulugang "dila".
LINGUA FRANCA
Pagkakaroon ng wikang mag-uugnay sa dalawa o higit pang tao o
grupo ng tao na may kanya-kanyang sariling wika.
Ang malinaw na halimbawa nito ay ang wikang Ingles na
ngayo’y tinuturing na lingua franca ng mundo.

TEORYA NA PINAGMULAN NG WIKA


TORE NG BABEL
Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan.
Nagkaroon ng panahon kung saan ang wika ay iisa lamang. Napag-
isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at
nang mahigitan ang Panginoon.
Nang malaman ito ng Panginoon, bumababa Siya at sinira ng tore.
Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-
iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at
kumalat sa mundo.
TEORYANG BOW –WOW
Ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng
aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.
Ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya
ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.
TEORYANG YOO HE YO
Pwersang pisikal
Nakakalikha ng tunog sa tuwing nagpapakita ng pwersa
TEORYANG POOH –POOH
Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin.
Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala
ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.
TEORYANG TA –TA
 Salitang Pranses na nangangahulugang paalam.
 Ginagaya ng dila ang galaw o kumpas ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon tulad ng pagkumpas ng
kamay ng pababa at pataas tuwing nagpapaalam.
TEORYANG DING DONG
 May sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa kapaligiran.
 Halimbawa:
tsug- tsug ng tren, tik- tak ng orasan

MAKABAGONG TEORYA
Teoryang Mama
 Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay.
 Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya
masasabi ang salitang motherngunit dahil ang unang pantig ng
nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi
ang mama bilang panumbas sa salitang mother.
Teoryang Sing-song
 Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa
paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga
bulalas-emosyunal.

 Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang


salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na
pinaniniwalaan ng marami.
Teoryang Hey you!
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na
kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika.
Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng
pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din
tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag
din itong teoryang kontak.

Teoryang Coo Coo


Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala
ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga
matatanda.
Teoryang Babble Lucky
Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao.
Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga
hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay
naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging
pangalan ng mga iyon.
Teoryang Hocus Pocus
 Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay
tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng
pamumuhay ng ating mga ninuno.
 Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop
sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging
pangalan ng bawat hayop.
Teoryang Eureka!
 Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito.

 Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng


mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
 Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa
iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-
bagay (Boeree, 2003)

Teoryang Yum Yum


 Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay ng teoryang ito ang tunog at
kilos ng pangangatawan.

 Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng


teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


TAGALOG
Oktubre 27, 1936 – Paglikha Surian ng Wikang Pambansa na ang
layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang
panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
Enero 12,1937 – Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga
kagawad na bubuo ng Suriang Wikang Pambansa.
Disyembre 30,1937 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas
na batay sa TAGALOG.
Hunyo 18,1937 – Pagbibigay ng mga dahilan sa pagpahayag na ang
Tagalog ang Wikang Pambansa:
1. Tagalog ang wikang pambansa sa dahilng ito’y nahahawig sa
maraming wikain ng bansa.
2. Ang bilang ng mga salitang wikang banyaga ay matatagpuan din sa
lahat halos na talatinigan ng inang wikain sa Pilipinas.
3. Mayaman ang Tagalog sapagkat sa pamamagitan ng paglalapi at
pagtatambal ay dumarami ang mga salita.
4. Napakadali pag –aralan ng Tagalog.

Setyembre 23,1955 – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay


ang Proklama Blg.186. Ipinahayag na ang pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun –taon simula ika - 13 hanggang ika -19 ng
Agosto. Napakaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng
kaarawan ni Quezon (Agosto 19).
PILIPINO
Agosto 13, 1959 – Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon. Tinutukoy nito na nag Wikang Pambansa
ang salitang Pilipino.
Octubre 24,1967 - Nilagda ni Panglung Marcos ng isang kautusan
na ang Pilipino ang gagamitin ng mga opisina at mga gusali ng
pamahalaan.
FILIPINO
Pebrero 2,1987 – Pinagtibay ng Bagong Kostitusyon ng Pilipinas sa
Artikulo XIV, seksyon 6 -9 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.
TUNGKULIN NG WIKA
Ayon kay Michael A.K. Halliday
Pang – Interaksyunal
o Pakikipagtalakayan

o Pakikipagbiruan

o Pakikipagtalo

o Pagsasalaysay

o Liham - pangkaibigan

Pang – Instrumental
o Tumutugon sa mga pangangailangan

o Paggawa ng liham pangangalakal

o Pakikiusap

o Pag -uutos

Halimbawa:
Patalastas sa isang produkto
Regulatori
o Pagkontrol sa ugali o asal ng isang tao.

o Pagbibigay ng direksyon, paalala o babala

Halimbawa:
o Pagbibigay ng instruksyon sa mga artistang gumaganap sa drama.

Personal
 Sariling kuru-kuro
 Nakakapagpahayag ng sariling damdamin
Halimbawa:
 Pagsulat ng talaarawan at journal
 Pormal o Di –Pormal na talakayan

Imajinativ
 Malikhaing guni-guni
 Nakakapagpahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan
Halimbawa:
• Tula
• Maikling kuwento
• Dula
• Nobela
• Sanaysay

KAANTASAN NG WIKA
A. PORMAL
Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakakarami lalo na ng mga nakapag – aral ng
wika.

1. PAMBANSA
 Ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga paaralan.
 Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan.
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
2. Pampanitikan o Panretorika
 Ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan.
 Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalim,
makukulay at masining.
Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
B. IMPORMAL
Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas
gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

Lalawiganin
 Ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
 Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono o ang tintawag
ng marami na punto.
 Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
3. Kolokyal
4. Ito’y mga pang – araw –araw na saita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal.
5. Maaring may kagaspangan ng kaunti ang salita ngunit maari rin
itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita.
6. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa
pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.

Halimbawa:
 Nasan,
 pa`no,
 sa’kin,
 Kelan
 Meron ka bang dala?
3. Balbal
 Ito ang tintawag sa Ingles na slang.
 Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa
antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo

Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)
2.Panghihiram sa mga wikang banyaga

Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)

Tatlong mahalagang salita na tatalakayin sa asignaturang


ito:
1. Ang pagsusulat lalo ba’t may kinalaman sa teknikal,propesyonal
at akademikong sulatin.
2. Ang pagsasalita sa pamamagitan ng talumpati, kumprehensiya,
pag-uulat at iba pang pagbigas na pampublio.
3. Ang pagsasagawa ng mga presentasyon.
Mga Proseso Prinsipyo at Etika ng Komunikasyon
Napapalawak na termino ang salitang komunikasyon. hindi pa man
nabubuo o nalilikha sa kasaysayan ang salitang ito ay may naganap
at naganap nang komunikasyon
Ang komunikasyon – ang salitang ito ay hiram mulang Espanyol
na tinapatan sa Filipino sa pinamalapit na pagpapatunog o pagbigas
nito.subalit bago pa man nailala ang salitang ito sa Espanyol na
“communis” at “communiare” sa tagalog tinumbasan naman ito ng
pakipagtalastasan.

URI NG KOMONIKASYON
DALAWANG ANG URI NG KOMONIKASYON. ANG MGA ITO AY ANG
MGA SUMUSUNOD:
1.KOMONIKASYONG BERBAL
ANG KOMUNIKASYON ATO AY GINAGAMITAN NG WIKA NA
MAAARING PASULAT AT MAAARI RIN NAMANG PASALITA. SA URING
ITO NG KOMUNIKASYON NAKATUON ANG PANSIN SA PAG-AARAL
NG MARAMING ASIGNATURA SA FILIPINO.
GAMIT ITO SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA TAO AT LIPUNANG
GINAGALAWAN.
ANG ORDINARYONG PAKIKIPAG-USAP NG MGA
KASANGKOT SA KOMUNIKASYON SA TNDAHAN , SA TAMBAYAN,
SA MGA KAPAMILYA AT KAPUSO AY MAITUTURING NA
KOMUNIKASYONG BERBAL.
ANG SIMPLENG TEXT MESSAGE MAN, GAMIT ANG
CELLULAR PHONE BILANG KASANGKAPAN NG KOMUNIKASYON AY
PUMAPASOK DIN SA DEPINISYON NG KOMUNIKASYONG BERBAL.
KUNG PAGBABATAYAN ANG DEPINISYONG IBINIGAY SA
ITAAS, MASASABI RING KOMUNIKASYON G BERBAL ANG
PAGBIBIGAY NG MENSAHE NG MGA NAKALIMBAG NA TEKSTO SA
MGA NAGBABASA NITO.
2. KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
KINASASANGKUTAN NAMAN NG MGA KILOS O GALAW NG
KATAWAN ANG URI NG KOMUNIKASYONG ITO. KARANIWANG
BINIBIGYAN NG INTERPRETASYON ANG MGA SENYAS UPANG
MAISAKATUPARAN ANG PROSESO NG KOMUNIKASYON.
ANG SIMPLENG PAGTANGO AY MAAARING
MANGAHULUGAN NG PAGSANG-AYON, SUBALIT MAAARI RIN
NAMAN NA WALANG IBIG SABIHIN DITO ANG TAONG
KASANGKOT.
ANYO NG KOMUNIKASYON

1. INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON
HINDI KABALIWAN ANG PAKIKIPAG –UGANAYAN NG
TAO SA KANYANG SARILI. ITO AY ISANG URI NG PAGMUMUNI-MUNI
UPANG MAKABUO NG ISANG NARARAPAT NA DESISYON.
ANG INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON AY SELF-
MEDITATION NA KOMUNIKASYON. KINAKAUSAP NG TAO ANG
KANYANG SARILI SA PAGNANAIS NA HIGIT NA MAGING
PRODUKTONG INDIBIDWAL.
NANINIWALA ANG MAY-AKDA NG AKLAT NA ITO NA
BAGO PA MAN MAGANAP ANG INTERPERSONAL NA
KOMUNIKASYON, DUMADAAN MUNA ANG TAO ANG PAKIKIPAG-
USAP SA SARILI O TINATAWAG NA INTRAPERSONAL NA
KOMUNIKASYON.
2 .INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON
ANG INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON AY ANG
UGNAYANG KOMUNIKASYON NG ISANG TAO SA IBA PANG TAO.
NAGAGANAP DITO ANG PAIKOT NA PROSESO NG KOMUNIKASYON
KUNG KAYAT HAYAG NA HAYAG ANG TUGON O FEEDBACK.

1. Berbal na Komunikasyon – ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog at sa


pamamagitan ng pagsalita. Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe
o ideya sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga kaisipan
 Denotatibo
 Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita
 Konotatibo
 Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng emosyon o
pansaloobin
 Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng karagdagan o kahulugang
literal
 Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Verbal
 Referent – mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita, tiyak na
aksyon, katangian ng mga aksyon at ugnayan ng bagay sa ibang bagay
 Komong Referens – tumutukoy sa parehong kahulugang ibinigay ng
mga tao.
 Kontekstong Berbal – ang kahulugan ng isang salita na matutukoy
ayon sa kaugnayan nito sa ibang salita
 Paralanguage – magbigay ng kahulugang kaonotatibo
2. Di-Berbal na Komunikasyon – tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sa
pamamagitan ng kilosng katawan at ang tinig na iniaangkop na sa mensahe.
 Kinesics – tumutukoy sa kilos at galaw ng katawan sapagkat may
ibinibigay na kahulugan ito.
 Expresyon ng Mukha – nagpapakita ng emosyon
 Galaw ng Mata – nagpapakita ng katapatan ng isang tao
 Kumpas – tumutukoy sa galaw ng kamay, maari itong regulatibo,
deskriptibo o empatiko
 Tindig o Postura – ito ay nagpapakita kung anong klaseng taong ito na
nag-uusap sa iyo
 Proksemika – tumutukoy sa komunikasyon gamit ang distansya
 Intimate – hanggang sa 1 – 1/2 ft.
 Publiko – 12 ft. o higit pa
 Sosyal – 4 -12 ft.
 Personal 1 1/2 – 4 ft.
 Kronemika – tumutukoy sa oras
 Teknikal – ang oras na ginagamit para sa laboratoryo
 Pormal – kung paano binibigyan ang kahulugang kultura at paano
itinuturo
 Impormal – ito naman ay medyo maluwag dahil hindi eksakto
 Sikolohikal – ang kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan
 Haptiks – ang pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. Nagpapahiwatig
ito ng positibong emosyon.
 Katahimikan – nagbibigay ng oras na mag-isip ang tagapagsalita
 Kapaligiran – ang lugar na gagamitin sa anumang pulong
 Simbolo – ang mga makikita sa paligid na nagsasaad ng mensahe
 Kulay – nagpapahiwatig ng emosyon
 Bagay – ang paggamit ng bagay sa pakikipagtalastasan

Modelo at mga katangian ng komunikasyon


M-S-R – Message, Sender, at Reciever
Mensahe/Message – dito nagkaaroon ng isang komunikasyon
walang magaganap na komunikasyon ung walang mensahe.
Tagapagpadala/Sender – siya ang tagapaghatid ng mga
impormasyon.
Tagatanggap/Reciever – Siya naman ang tagatanggap ng mga
impormasyon mula sa tagapagdala ng mensahe.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO SA IKATATAMO NG
MALAYUNING KOMUNIKASYON
Kakayahang Lingguwistika – ito ay kakayahan at aalamang
pangkomunikasyon na ipapakita sa kasanayan sa gramatikal o
estrutural na paggamit ng wika.
Kakayahang sosyolingguwistika – ito ay kakayahang
pangkomunikasyon na naipapakita sa pamamagitan ng kalaman sa
angkop na gamit ng wika nang naayon sa sino ang kausap, ano ang
pinag-uusapan, paano, kalian, saan, na ginagamit ng isang mag-
aaral sa kaniyang guro (pormal, magalang, atbp.)
Kakayahang Diskorsal – kakayahang itong pangkomunikasyon na
naipapakita sa kasanayan at pagpapahayag ng idea sa loob ng
isang kontekstong pasulat, pasalita, biswal at birtwal: hal. Interbyu.
Kakayahang Estratehiko – kakayahang pangkomunikasyon na
naipapakita sa kaalaman sa angkop, wasto at mabisang estratehiya
upang magpatuloy ang komunikasyon sa kabila ng problema o
aberya hal. Nalimutang salita, pasa, di-alam na impormasyon,
atbp). Naisasagawa ito sa pamamagitan ng mga cohesive device
gaya ng ellipsis.

Proseso ng Komunikasyon at modelo

TAGAPAGHATID MENSAHE TRANSMISYON TUMATANGGAP TAGATANGGAP


(IDEYA) (ENKOWD) (SIGNAL) (DEKOWD) (KAHULUGAN)
TUGON (FEEDBACK)

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO


Ang mga sumusunod ay mga gawaing pangkomunikasyon karaniwan
1. Tsismisan
2. Umpukan
3. Talakayan
4. Pagbabahay-bahay
5. Pulong-bayan
6. Komunikasyong di-berbal
7. Mga ekspresyong local

TSISMISAN O PAGSAGAP NG ALIMUON


• Ang salitang tsismis ay may negatibong implikasyon sa taong
gumagawa nito at maging sa taong paksa ng tsismis.
• Ang tsismis ay tumatalakay sa isang akto ng pagsisinungaling, pag-
imbento ng kwento, pagmamalabis,, bagamat kung minsan ay may
halongy katotohanan.
Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis
• Artikulo 26
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba
2. panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang
pampamilya ng iba
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit isang indibidwal ay iiwasan ng
kanyang mga kaibigan
4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang
pangrelihiyon, mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanakan,
piskal na depekto at iba pang personal na kondisyon.
5. Sa ilalim ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang tsismis ay maari ring
maituring na isang krimen lalong higit kng malalampasan ng isang
indibiswal ang limitasyon ng kanyang kalayaan na mauwi ito sa
paninirang puri.
6. Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at malisyosong mga
paratang sa isang krimen o isang bisyo o depekto, na maaring
makatotohanan o kaya ay haka-haka, o anumang kilos, pagkukulang,
kondisyon, katayuan na naging dahilan ng kasiraang-puri, pangalan, o
pagpapasala sa isang likas o huridikal na tao, o upang masira ang
alaala ng isang namayapa na.

UMPUKAN
ang salitang umpukan ay tumutukoy sa maliit na pangkat o grupo ng tao na
nag-uusap tungkol sa mga usaping may interes ang bawat kasama sa
pangkat o grupo.
Maaring ang pinag-uusapan ay may kabuluhan sa kanilang personal na
buhay, sa buhay ng ibang tao, o mga kaganapan sa lipunan sa loob man o
labas ng bansa.
Impormal ang talakayan sa umpukan sapagkat bawat kasama sa pangkat
ay malayang makapagpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa paksa na
pag-uusapan. Walang direksyon at wal ring totoong pinuno sa loob ng mga
pagtatalakay.
TALAKAYAN
• Tumutukoy ito sa proseso ng pag-uusap o pagpapalitan ng ideya para
sa isang nararapat o mahalagang desisyon. Higit itong pormal kung
ihahalitulad sa komunikasyong nagaganap sa umpukan sapagkat
mayroong nakatalagang tagapangasiwa sa daloy ng komunikasyon sa
talakayan na hindi makikita sa proseso ng komunikasyon sa umpukan.
• Tatlong dimension ng talakayan:
1. Nilalaman
2. Proseso
3. Kasangkot
Kadalasan na sa dimensyon ng proseso ng pagtatalakay nag-uugat ang
suliranin sapagkat mayroong mga mag-aaral na dominante na humahantong
sa punto na ang ibang sangkot ay hindi nabibigyan ng pagkakataon
maipahayag kaya maari itong mabigyan ng solusyon gamit ang maayos na
pagpaplano at istraktura ng talakayan.
Katangian ng Mabuting Pagtalakay
1. Aksesibilidad
2. Hindi palaban
3. Baryasyon ng ideya
4. Kaisahan at pokus
Mga katangian ng hindi magandang talakayan
1. Limitado o bilang lamang ang mga mag-aaral nakikibahagi sa
talakayan.
2. Kung inuulit lamang ng mag-aaral ang sinabi ng dalubguro dahilan
kung bakit hindi natatamo ang baryasyon ng ideya ng mga kasali sa
talakayan.
3. Kung ang maraming ideya n ibinibigay ng mga mag-aaral ay hindi
napa-iisa ng tagapamagitan dahilan kung bakit lumalayo ang punto ng
talakayan sa totoong pokus ng talakayan.
PAGBABAHAY-BAHAY
• Kinakasangkutan ito ng indibidwal o higit pmaraming indibidwal na
tumutungo sa dalawa o higit pang maraming bahay upang
isakatuparan ang alinman sa kanilang mga layunin katulad ng
pangungumusta sa mga kaibigan o kamag-anak na matagal na nang
hindi nakita, pagbibigay galang o pugay sa mga nakakatanda, paghingi
ng pabor para sa isang proyekto at iba pa.

Indibidwal--->indibidwal/grupong
indibidwal
PULONG BAYAN

• Karaniwang itong isisnasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa


mga mamayan o partikular na pangkat upang tugunan o paghandaan
ang isang napakahalagang usapin.
• Pinapangunahan ng lider ang pagtatalakay sa isang usapin na may
kaakibat na pagpapahalaga sa opinyon at mga mungkahi ng mga
taong kabahagi sa pag-uusap.
• May pagkapormal ang mga pagtalay na nakapokus lamang sa paksa
na inihanda para sa esposipikong gawain na ito-ang pulong bayan.
• Malaki ang papel na ginagampanan ng mga pagpupulong bayan upang
mabigyan ng katwiran at ngipin ang lahat ng regulasyon at batas na
nais nilang ipatupad lalong higit kung ang mga ito ay may direktang
epekto sa kanila bilang mga mamamayang nagbabayad ng buwis.
Bahagi ng proseso ng pagbuo ng mga regulasyong ito ang
konsultasyon sa tao at publiko.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
• Kinasasangkutan ng mga kilos o galaw ng katawan ang uri ng
komunikasyong ito. Karaniwang binibigyan ng interpretasyon ang mga
seyas upang maisakatuparan ang proseso ng komunikasyon.
V. TEACHING METHODS AND ACTIVITY/IES
1. Pagtukoy sa kahulgan ng wika.
2. Naisasagawa ang pagpapahalaga sa wika at komunikasyon.
3. Nakasusulat ng isa komposisyon.

VI. ASSESMENT AND RUBRIC/S

Gawain 1: Panuto: Piliin sa patlang TITIK ng tamang sagot kung


anong kakayahang komunikatibo ang inilalarawan sa bawat aytem.
Isulat ang:
A. Lingguwistika B. sosyolingguwistiko C. disorsal D. estratehiko

1. Hindi dapat paputol-putol ang daloy ng pakikipag-usap. ____


2. Maaring may kataliwasan o “exeption” depende sa sinusulatan
___
3. Gamay na gamay mong lahat ng salitang hango sa Espanyol ay
nagsisimula sa e. ______
4. Kayang-kaya mong balikan kung saan nahinto ang usapan dahil
sa antala. ______
5. Kung ano ang wika sa tanong, ito rin ang wika sa pagsagot.
_____
6. Pinasadahan mo sa tinatawag na copy reading ang binasa mong
sanaysay. _______
7. Tinatanggal ang mga newscaster na choppy ang paraan ng
pagbabalita. ______
8. Kaya mo ituloy ang pagiging guro ng palatuntunan kahit pa may
problemang tenikal. ______
9. Masyadong nakapukos ito sa pagpuna o pagbatikos sa gramatika
ng isang tao. ______
10. Ang kakayahang komunikastibong nagpapanalo sa mga Miss
Universe gaya ng pagdadala ng interpreter. ______

Gawain 2: Isulat sa patlang ang TITIK ng tamang sagot batay sa


inilalarawang mga halimbawa ng komunikasyong di-berbal.

A. Chonemics E. Iconics I. Objectics


B. Proxemics F. Colorics J. Olfatorics
C. Body Language G. Paralanguage k. Pictics
D. Haptics H. Oculesis L. Vocalics

1. Nakita mong namula ang pisngi ng crush mo nang magkasalubong


kayo. ______
2. Tinapik ka sa balikat ng iyong kaibigan nang malamang may
problem ka. _______
3. Itigil mo ang paninigarilyo nang makita mo ang sign ng “Bawal
Manigarilyo.” _______
4. Niregaluhan ka ng panyo at salamin ng iyong nililigawan. _______
5. Nag-ehem ka nang makita mong nandayaraya ang iyong katabi sa
pagsulat._______
6. Tabi-tabi kayo ng barkada habang sakay-sakay ng pampasaherong
Bangka. ________
7. Inamoy mo ang damit ng iyong katabing halatang ibinabad sa Downy.
______
8. Nansaliksik ang iyong mga mata sa iyong natuklasan. _______
9. Sinabi mong “oo” kahit ayaw mo naman talaga. ________
10. Sinabihan mo ang iyong propesor na lagpas na sa oras ang klase.
______

Gawain 3:
PANUTO: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pahayag at M naman
kung mali ang isinasaad ng pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______1. Impormatib ang gamit ng wika kung nagagawa nitong


makapagpahayag ng saloobin.

_______2. Persweysib ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng


tao tungo sa isang paniniwala.

________3. Bawat isa sa atin ay di kailangang makipagkomyunikeyt


upang maptatag ang relasyong sosyal.

________4.Gamit ang wika nagagawa ng tao na mapaunladang kanyang


sarili.
________5. Bawat tao sa daigdig ay may wikang ginagamit.

II.
6. Ano ang ng Kahalagahan ng wika? 5 pts

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________________________________________

III.
Sa limang pangungusap ibigay ang kahulugan ng wika.(limang puntos)
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
________________________________

IV. Magbigay ng 10 mga salita na Lalawiganin na at bigyan ito ng


katumbas na salita sa Filipino. Limang puntos Halimbawa: Uban mo! Ang
tagal mo

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_______________________________________________

Gawain 4
Ibigay ang iba’t ibang teorya ayon sa larawan na makikita. Suriing mabuti ang larawan
upang makuha ang ipinahihiwatig nito. Isulat ang sagot sa baba ng larawan. Bawat
larawan ay may 5 puntos.
1. ________________________ 4. _________________________

2. __________________________ 5. _______________________

3. _________________________ 6.___________________________

Gawain 5

1. Ang tao'y nakalilikha ng tunog kapag siya ay nag-eeksert ng pwersa.

a. teoryang bow wow c. teoryang yo ye ho

b. teory

ang tararaboom de ay d. teaoryang ta ta

2. Ang wika ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.

a. teoryang bow wow c. teoryang pooh pooh

b. teoryang ta ta d. teoryang dingdong

3. Ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha sa mga ritwal.

a. teoryang dingdong c. teoryang tararaboom de ay

b. teoryang yo ye ho d. teoryang yum yum


4. Ang pagsigaw ng isang katarista.
a. teroyang yum yum c. teroyang tararaboom de ay

b. teoryang ta ta d. teoryang yo ye ho

5. Tunog na nalilikha ng aso at tuko.

a. Tunog na nalilikha ng aso at tuko c. teroyang bow wow

b. teroyang pooh pooh d. teoryang dingdong

6. Kaway ng isang tao.

a. teoryang dingdong c. teroyang bow wow

b. teoryang tata d. teoryang yum yum

7. Tunog ng telepono o anumang bagay na gawa ng tao.

a. teoryang pooh pooh c. teoryang bow wow

b. teoryang tata d. teoryang dingdong

8. Taong naipit at napasigaw ng aray.

a. teoryang pooh pooh c. teoryang tata

b. teoryang yum yum d. teoryang dingdong

9. Isang babaeng nanganganak.

a. teoryang yo ye ho \c. teoryang tararaboom de ay

b. teoryang dingdong d. teoryang yum yum

10. Ito ay hango sa Bibliya na ang mga tao ay naging malabis sa pag-alam
sa kung ano ang nasa itaas langit ngunit sila ay pinarusahan ng diyos.

a. Tore ni Babor c. Tore ni Babel


b. Tore ni Divina d. Tore ni Garing
Gawain 6:
1. Ano-ano ang mga katangian ng Komunikasyon?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________________

2. Ano ang uri ng Komunikasyo?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________

Pagtataya sa Preliminaryong Pagsusulit:

KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG SANAYSAY


Nilalaman (10%)
Kaugnayan sa Tema at Paksa (10%)
Paggamit ng Salita (30%)
Kabuuan (50%)
Panuto: Hindi baba sa dalawang pahina ang sanaysay na ang paksa ay
patungkol sa sa mga kasaysayang ng Komunikasyon at mga
katangian,kahalagahan nito.. Isang ispasyo (single space), Font Style
Calibri, Indensyon.
Pangalan: ________________________________________Seksyon:_____________
VII. ADDITIONAL DATA OR LOOKING AHEAD/INDICATIVE READING
REFERENCES: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filpino
Vasil A. Victoria Ph. D.

You might also like