You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

LSPU Self-paced Learning Module (SLM)


Kurso KOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino)
Semestre/Taong Panuruan Ikalwang Semestre/2020-2021
Bilang ng Modyul Ikalawa (2)
Pamagat ng Aralin ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON
NG WIKANG PAMBANSA
Linggong Sakop Ikalawa (2)
Petsa
Tumatalakay ang araling ito sa pag-usbong at pag-unlad ng wikang Filipino.
Binibigyang-pansin dito ang iba’t ibang kahulugan ng wika batay sa mga
Deskripsyon ng Aralin linggwista at dalubwika. Gayundin, pinalulutang sa araling ito ang mga antas
at varayti ng wika sa pamamagitan ng mga halimbawa. Magiging kapaki-
pakinabang ang araling ito sa mga mag-aaral sapagkat mapatataas at
mapauunlad nito ang antas ng kanilang kaalaman at kasanayang pangwika.

Lilinanging Kasanayan

Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhan at malinang ang mga


sumusunod na kasanayan:
Kaalaman
1. Mabatid ang kahulugan at ebolusyon ng wikang pambansa gayundin ang
iba
pang aspetong kaugnay nito.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
3. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang
kaunlaran.
Inaasahang Matutuhan Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang-ideya.
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Mapalawig ang mga kahulugang ibinigay ng mga linggwista hinggil sa wika
at matukoy ang antas o varayti ng wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Tiyak na Layunin 2. Mailahad ang mga pagbabagong naganap ukol sa ebolusyon ng wika sa
pamamagitan ng mga graphic organizer.
3. Makasulat ng maikling tula at mabigyan ng katumbas ang bawat pantig nito

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
gamit ang mga simbolo ng baybayin.

Sipatin ang Angkop na Dulog

A. Pagkakaroon ng online na talakayan sa pamamagitan ng Google Meet


1. Ang bawat mag-aaral ay lalahok sa talakayan hinggil sa “Ang Wikang Filipino:
Ebolusyon, Antas, Varayti at Varyasyon ng Wikang Pambansa” na tatagal nang isang
(1) oras. Upang makalahok, mangyaring sumangguni lamang sa link na
ito: _.
Mga Online na 2. Ang online na talakayan ay gaganapin sa ika- ng , 2020, mula
Aktibidad ika- :00 hanggang ika-__:00 ng _ . (Para sa karagdagang impormasyon,
(Synchronous) tingnan
ang iskedyul at mga tagubilin sa Google Classroom)

B. Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang wika? Magsaliksik hinggil sa mga kahulugan ng wika batay sa mga
linggwista.
2. Magsagawa ng panimulang pagbasa tungkol sa ebolusyon ng wikang Filipino.
3. Ano-ano ang mga antas at varayti ng wika? Magbigay ng ilang halimbawa bawat uri.

A. Lektyur

ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT


VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA

KAHULUGAN NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA


Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang
mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o
kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga dayalekto. Sa mga linggwista,
Mga Offline na mapapansing binibigyan nila ng pansin and depinisyon ng wika ayon sa estruktura
Aktibidad nito. Dahil siyentipiko ang pag-aaral ng wika ayon sa kanila, hindi nalalayo ang
(e-learning/Self- pagtingin sa wika bilang isang masistemang balangkas na may sinusunod na hakbang
paced) o pamamaraan upang ito'y matutuhan at mapag-aralan.
• Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay isang sistematik na balangkas ng mga
binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang
magamit ng mga taong may iisang kultura.
• Sang-ayon sa tinuran ni Archibald Hill, ang wika ang pangunahin at
pinakamabusising anyo ng gawaing pansagisag ng tao.
• Pinatunayan naman ni Thomas Carlyle na ang wika ay itinuturing na saplot
ng kaisipan; gayunpaman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang
saplot-kaalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan.
• Susog sa sinabi nina Vilma Resuma at Teresita Semorlan, ang wika ay
kaugnay ng buhay at instrumento ng tao upang matalino at efisyenteng
makilahok sa lipunang kinabibilangan.
• Dagdag pa nina Pamela Constantino at Galileo Zafra na ang wika ay isang

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.
• Ayon kay Caroll (1973), wika ay masistemang estruktura ng sinasalitang
tunog at pagsasaayos nito sa paraang arbitraryo upang makamit sa
interpersonal na pakikipagkomunikasyon at ang makabuluhang pagsasama-
sama ng mga bagay, pangyayari at mga karanasan ng sangkatauhan. Sa mga
sosyolinggwista, nakapokus ang pagbibigay nila ng depinisyon sa wika sa
kaugnayan nito sa lipunan. Binibigyan diin nila ang pagbibigay ng katuturan sa
kabuluhan ng wika sa panlipunang aspekto at ang paggamit ng tao ng wika
bilang bahagi ng lipunan.
• Ayon kay Basil Bernstein, ang wika bilang sistema ng mga tuntunin, ay
nagrerepresenta ng mga code. Ang mga code na ginagamit ay naaayon sa
kinabibilangan sa lipunan. Naniniwala siyang nagkakaiba ang ginagamit na
wika dahil sa mga hadlang sa pagkakaiba sa antas ng mga taong nabibilang sa
isang lipunan. Ang pampublikong wika o wikang pangmasa ay tinawag niyang
"restricted code" dahil limitado lamang iito sa mga ekspresyong
pangliggwistika. Tinawagniyang "elaborated code" ang pormal na wika o ang
wikang ginagamit sa mga komplikado at ekspresyon ng organisasyong
panlinggwistika. Dahil dito, ang iba't ibang estilo sa pagsasalita at paggamit ng
mga tao ng wika ay nagmula sa iba't ibang pangkaugalian at panlipunang
karanasan.
• Isa rin si Benjamin Lee Whorf na nagbigay ng kahulugan sa wika. Aniya, ang
wika ay binubuo ng mga payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng tao sa
kaniyang kapaligiran. Ang kalikasan ng sistemang panlinggwistika ng bawat
wika ay di lamang instrumento sa pagpapahayag ng saloobin at kaisipan kundi
tagahubog din ng mga ideya na nagsisilbing gabay para sa mga gawaing
pangkaisipan. Dahil dito, nagkakaiba ang wikang nalilikha ng mga tao dahil sa
iba't ibang antas ng pagkalantad sa lipunan.
• Sang-ayon naman kay Edward Sapir, ang wika ay pantao at likas ang paggamit
ng tao sa wika. Ginagamit niya ang wika bilang kasangkapan sa sosyalisasyon
na kung walang wika, walang iiral na relasyong sosyal. Gumagamit ang mga tao
ng mga simbolismo upang makipag-ugnayan sa iba na nagbubunga ng
pagkakaroon ng solidaridad at pagkakaisa ng mga tagapagsalita ng naturang
wika.
• Sa mga transpormasyonal na pananaw, nanguna si Chomsky sa paniniwalang
ang wika bilang isang sitema ay may kaugnayan sa kahulugan at kabuluhan.
Dagdag pa niya, ang wika ay isang penomenang mental kung saan ito ay likas
sa tao at dahil sa kalikasan nito, may kakayahan siyang matuto ng wika.

KATANGIAN NG WIKA
• May sistematik na balangkas
• Binibigkas na tunog
• Pinipili at isinasaayos
• Arbitrari
• Kapantay ng kultura
• Patuloy na ginagamit
• Daynamik

ANG WIKANG FILIPINO: KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

PANAHON NG KATUTUBO 800 B.C. – 800 A.D.


• Syllabic writing o pagpapantig (Sanskrit, Alibata o Baybayin)
• Natuklasan ang espisimen sa isang banga na may nakaukit na mga sinaunang
letra.
• Naibahagi ang mga salitang: dala, anak, asawa, diwa, biyaya, puri, masama,
wika, aklat, galit, sadya, sandata, mutya, panday at salita.
• Baybayin o Alibata ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat. Binubuo ito
ng lapimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig.

PANAHON NG KASTILA 1565-1872


• March 15, 1521–Dumating si
Magellan sa Pilipinas.
• February 13, 1565 –
Dumating si Legaspi para
sakupin ang Pilipinas.
• Ipinag-utos ng hari ng
Espanya na turuan ng wikang
Kastila ang mga katutubo.
• Hindi itinuro ng mga kastila
ang kanilang wika, sa halip
sila ang nag-aral ng wika ng
mga katutubo.
• Ginawang sapilitan ang pag-
aaral. Wikang Kastila sa
pamahalaan, vernakular sa
mga paaralan. Gayunpaman,
nakabuti ang pasyang ito

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
dahil nasimulan ang paglinang sa mga rehiyonal na wika.
• Nakaambag ang mga Kastila sa Panitikan ng Pilipinas gaya ng Romanisasyon
ng Alibata o Alpabetong Romano (Abecedario). Ang nasabing alpabeto ay may
dalawampu’t siyam (29) na titik, limang (5) patinig o vocales at dalawampu’t
apat (24) na katinig o consonantes.
• Ang Alphabetong Romano ay pinagbatayan ng Abakadang Tagalog na may
dalawampung (20) titik.

• Nagsulat ang mga prayle ng mga diksyunaryo, naging bihasa sila sa katutubong
wika at ito’y kanilang gamit sa pagtuturo ng katekismo.
• Nagbukas sila ng mga paaralan sa layuning maituro ang relihiyon.

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN 1872-1898


• Panahon ng Kamulatan – namulat ang isipan at damdaming makabayan ng
mga Pilipino.
• Pinangunahan ng pangkat ng mga Ilustrado: Rizal, Luna, Del Pilar, Lopez Jaena
atbp.
• Nakapag-aral sa ibang bansa – Espanya (Europa)
• Natuto ng ibang ideolohiya (Nasyonalismo at demokrasya)
• Naitatag ang Kartilya ng Katipunan (Emilio Jacinto) na nakasulat sa wikang
Tagalog.
• Maraming naisulat na akdang pampanitikan sa wikang Tagalog tulad ng tula,
sanaysay, kuwento, liham at talumpati upang magising ang mga Pilipino.
• November 1, 1897 – Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato-
nakasaad na “Ang Wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga
Pilipino.”
• Itinadhana sa Artikulo 123 na ang ituturo sa elementarya ay wastong pagbasa,
pagsasalita at pagsulat ng wikang opisyal na Tagalog at ang pangunahing
simulain ng Ingles.

PANAHON NG AMERIKANO 1898-1990


• Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagbunsod ng malaking pagbabago sa
kalagayang pangwika sa Pilipinas. Nagpatayo ng pitong pambayang paaralan

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
sa Maynila. Naging unang guro ang mga sundalong Amerikano (Thomasites) na
nagturo ng Ingles.
• March 4, 1900 – Alinsunod sa Pangkalahatang Kautusan Blg. 41, si Kapitan
Alberto Todd ay nagsagawa ng mga hakbang tungo sa pagtatatag ng isang
sistema ng edukasyon.
1. Pagtatag ng isang komprehensibong modernong sistema ng
edukasyon.
2. Paggamit sa wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
3. Pagpapatupad ng patakarang sapilitang pagpasok sa paaralan.
• 1901 – Pinagtibay ng Philippine Commission sa Bisa ng Batas 74 na gawing
panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles.
• Oryentasyon ng mga Amerikano sa Edukasyon – Pagpilit sa paggamit ng Ingles
bilang midyum ng pagtuturo.
• Malugod itong tinanggap ng mga katutubo dahil mabuti ang pakikisama ng
mga Amerikano
• Uhaw ang mga Pilipino sa isang uri ng pag-aaral na liberal
• Mga Paksa sa Paaralan: Kulturang Amerikano, Literatura, Kasaysayan, Pulitika
at Ekonomiya.
• Ipinagbawal ang pag-aaral sa anumang bagay sa Pilipino. Nagkaroon ng
Alphabet (A is for Apple kahit walang apple sa Pinas.)
• Lokal – baduy, Promdi / Imported – With Class, Sosyal.
• Pinaghalo ang wikang English at Tagalog (Enggalog o Taglish)
• Nagkaroon ng Cebuano-English, Ilokano –English at Carabao-English.

PANAHON NG HAPON 1942-1945


• Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
• Nasarado ang lahat ng mga Paaralan. Sa muling pagbubukas nito, ipinagamit
na wikang panturo ang wikang katutubo. Sa pamamagitan ng paaralan ay
pinasimulan nila ang paglaganap ng ideolohiyang Hapones. Ibig ng mga
Hapones na malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles
• Naging maunlad ang wikang pambansa, umunlad ang panitikang Pilipino.
• Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles, sapilitang ipinalit ang Wikang
Pambansa at Nihonggo.
• Mga Paksa ng Pagtuturo: Pamumuhay at Kulturang Hapones, Kasaysayan ng
Silangang Asya, Mga Awiting Pilipino at Hapones.
• Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na magtuturo ng tagalog sa mga gurong
hindi tagalog.
• Walang kumontra sa mga panukala dahil takot ang lahat sa mga Hapones.

PANAHON NG BAGONG REPUBLIKA 1946-1972


• Hulyo 4, 1946 – Batas Komonwelt Blg. 570 – ang wikang pambansa ay isa nang
Wikang Opisyal sa Pilipinas.
• 1946 – ang wikang pambansa ay tatawaging “Wikang Pambansang Pilipino.”
• 1951 – Ang Wikang Pambansa ay tatawaging “Wikang Pilipino.”
• Marso 26, 1954 – Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg.
13, ang Pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29-Abril 4
• Setyembre 23, 1955 – Proklamasyon Blg. 186 – Inilipat ang petsa ng
pagdiriwang sa Agosto 13-19. Itinapat sa kaarawan ni Pang. Quezon.

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

• Agosto 13, 1959 – Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 – ang wikang pambansa ay


tatawaging “Pilipino”.
• 1970 – Resolusyon blg. 70 – Ang wikang pambansa ay naging wikang panturo
sa antas elementarya.
• Hulyo 29, 1971 - Memorandum Sirkular 488 – magdaos ng palatuntunan sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.
• Muling binuo ni Pang. Marcos ang SWP at itinakda ang mga kapangyarihan
nito.

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN 1972-1985 1972


• Saligang Batas ng 1972 (Art. XV, s.2-3) – Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit
ng pambansang wikang tatawaging Fiipino at hangga’t di binabago ang batas,
ang Ingles at Fiipino ang mananatiling mga opisyal na wika ng Pilipinas.
• 1973 – Resolusyon Blg. 73-7 – Patakarang Edukasyong Bilingguwal September
10, 1983 – Ang Constitutional Commission ay inaprubahan na pormal na
pagtibayin ang Filipino bilang wikang pambansa.
• 1986- KASALUKUYAN – Oktubre 12, 1986 – pinagtibay ang implementasyon
ng paggamit ng Filipino bilang pambansang wika.
• Enero 1987 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 – pinalitan ang SWP ng
LWP o Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.
• Mayo 1987 – Inilabas ni Dr. Lourdes Quisumbing (Kalihim ng Edukasyon) ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 32, FILIPINO – wika ng literasi, English – wika
ng agham at teknolihiya.
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 – nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa
mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino. “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling
ng Wikang Filipino.”
• Agosto 14, 1991 – Batas Republika Blg. 7104- Nilikha ang Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF)
• Hulyo 15, 1997 – Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg.
1041. Nagpapahayag sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa tuwing Agosto 1-31.

ANTAS NG WIKA
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao
batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

A. Pormal – mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit


ng karamihang nakapag-aral sa wika. Gumagamit ng bokabularyo na mas komplikado
kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan.

Dalawang Uri ng Pormal na Wika


Pambansa/Lingua Franca – ginagamit sa mga aklat, babasahain at sirkulasyong
pangmadla. Ito ay wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalan at itinuturing na
mga salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon at kalakaran.
Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
• aklat

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

• ina
• ama
• masaya

Pampanitikan – itinuturing na pinakamayamang uri dahil karaniwang ginagamit ang


mga ito sa pagsulat ng masisining na akdang pampanitikan. Ito ay nagaganap sa
tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha,
palabas at iba pang likhang pampanitikan. Gumagamit din ito ng idyoma, tayutay, at
iba’t ibang tono, tema at punto. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
• mabulaklak na dila
• di-maliparang utak
• balat-sibuyas
• taingang-kawali
• nagbukas ng dibdib

Tatlong Uri ng Impormal na Wika


Pabalbal/Balbal – may katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na
pinakamababang antas ng wika. Mga salitang pangkalye o panglansangan. Tinatawag
din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may mabubuong mga salita.
Ito ay karaniwang nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda
nila sa kanilang pakikipag-usap. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
• parak – pulis
• eskapo – takas sa bilangguan
• istokwa – naglayas
• juding – bakla
• tiboli – tomboy
• balbonik – taong maraming balahibo sa katawan

Kolokyal – mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga


salita. Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maari rin namang
maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap.
Ginagamit din ito sa okasyong impormal at isinasaalang-alang dito ang mga salitang
madaling maintindihan. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
• lika – halika
• naron – naroon
• meron – mayroon
• nasan – nasaan

Lalawiganin/Panlalawigan – karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa


lalawigan gaya ng mga cebuano, batangeño, bicolano at iba pa na may tatak
lalawiganin sa kanilang pagsasalita. Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang
punto o accent.
Ito ay mga salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook o lalawigan. Ang
mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
• Kaibigan – Tagalog
• Gayyem – Ilokano
• Higala – Cebuano
• Amiga – Bikolano

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA


Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtatataglay ng iba’t ibang varayti.
Batay nga sa kasabihang Ingles, “Variety is the spice of life.” Ibig sabihin, ang
pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi nagangahulugang negatibo. Maaari
itong tingnan bilang isang positibo, isang fenomenong pangwika o magandang
pangyayari sa wika.
Ayon pa kay Constantino (2002), pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaisa sa
pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Dito ay hayagan niyang iniugnay ang
malaking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at ang lipunang ito ay
kinasasangkutan ng isang masining na kultura. Dagdag pa niya, “Ang kultura ay hango
sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu/kaluluwa ng mga tao na bumubuo
sa lipunan o komunidad.” Dahil sa ang mga tao ang siyang bumubuo sa lipunan at tao
rin ang siyang dumidivelop ng kani-kanilang mga kultura, hindi ngayon maiiwasang
magkaroon ng pagkakaiba-iba sa paniniwala, gawi, kaalaman pati na rin sa wika.
Kung kaya, ayon kay Zosky, mayroong tinatawag na varayti ng wika o sub
languages na maaaring iklasipika higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng kanyang
tinatawag na idyolek, dayalek, sosoyolek, rejister, estilo at moda, rehiyon, edukasyon,
midya, atityud at iba pa. Lahat ng nabanggit ay ilan lamang sa mga kaparaanan ng
pagkaklasipika ng wika ayon sa mga gumagamit nito.

Varayti – ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang


wika ay heterogeneous o nagkakaiba-iba, Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na
may iba't ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aaralan at iba pa. Varayti ng
wika ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng
katangiang sosyo-sitwasyunal.

Varyasyon – sa pagdaan ng panahon, nagiging espesyalisado ang gawain at tungkulin


at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat
sa progreso ng tao.

Mahahalagang Konsepto ukol sa Varayti at Varvasyon ng Wika


1. Dayalek o Dayalekto – varayting nakabatay sa lugar, panahon at katayuan sa
buhay. Nakikita ito kaugnay sa pinanggalingang lugar ng tapagsalita o grupo ng
tagapagsalita.
2. Idyolek o Idyolekto – varayti na kaugnay sa personal na kakanyahan ng tao sa
paggamit ngwika ng partikular na indibidwal, Gayundin, ang paggamit ng
partikular na bokabularyo nang madalas ay itinuturing ding idyolekto ng
gumagamit.
3. Sosyolek – ang varayting sinasalita ng mga tao sa isang lipunan, Gayundin,
nagtatakda ito ng klasifikasyon ng mga mamamayan batay sa antas ng kanilang
pamumuhay, interes, hilig at kasarian.
4. Rejister – varayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng
tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Ito ay tumutukoy sa espesyalisadong
paggamit sa wika upang makilala ang espesipikong domeyn o gawain.
5. Estilo – varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring ito ay
formal, kolokyal at personal.
6. Mode - varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng
pasalita o pasulat.

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

B. Mga Kaugnay na Gawain

Unang Gawain. Panuto: Matapos na maunawaan ang paksa, muling balikan ang sipi
ng aralin at suriing mabuti ang mahahalagang impormasyon na nakalahad dito.
Basahing mabuti ang mga tanong na makikita sa ibaba at maglahad ng malilinaw na
kaisipan at matatalinong pahayag.

1. Ano sa palagay mo ang nais ipahiwatig ni Henry Gleason sa kanyang tinuran na ang
wika ay isang “sistematik na balangkas”? Palawigin ang sagot.

Ang nais ipahiwatig ni Henry Geason sa kanyang tinuran na ang wika ang
magiging instrumento na magagamit ng tao na kabilang sa isang kultura. Dahil ang
wika ang magiging daan sa pagbubuklod ng mamamayan ng isang lipunan, at sa
pamamagitan nito, nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig nila.

2. Paghambingin ang mga pahayag na binanggit ni Thomas Carlyle sa kanyang


pagpapakahulugan sa wika, “saplot ng kaisipan” at “saplot-kaalaman”. Maglahad ng
malilinaw na paliwanag o argumento.
Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan dahil ito ang maaring
makapagtago at makapagpaganda sa tunay na nilalaman nito. At sinabing saplot ng
kaalaman dahil maaring ang wika ang maging dahilan upang maipahayag natin
ang ating buong pagkatao o kalamnan sa makulay malikhaing paraan.

3. Sa iyong palagay, paano magagamit ng tao ang wika upang matalino at efisyente
siyang makilahok sa kanyang lipunang kinabibilangan? Magtala ng iba’t ibang paraan
ukol dito.

Para sa akin nakadepende ang wika kung paano ito ginagamit sa lugar kung
saan siya naninirahan. Dahil may mga wika na ibat’ iba ang ibig sabihin. Maaari
siyang magmasid o mag-aral upang maging maingat sa paggamit ng wikang
kanyang gagamitin. At magagamit ang wika sa upang makapagpahayag ng kaisipan
sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong
Filipino. Isa pang paraan ay ay pagiging imbestigador sa kanyang lipunang
kinabibilangan.

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

4. Ayon kay Basil Bernstein, ang wika bilang sistema ng mga tuntunin, ay
nagrerepresenta ng mga code. Ang mga code na ginagamit ng tao ay naaayon daw sa
kinabibilangan sa lipunan. Siya ay naniniwalang nagkakaiba ang ginagamit na wika
dahil sa mga hadlang sa pagkakaiba sa antas ng mga taong nabibilang sa isang lipunan.
Sang-ayon ka ba sa kanyang pahayag? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Sang ayon ako sa pahayag ni Basil Bernstein dahil iba‘t ibang ang estilo sa
pagsasalita at paggamit ng mga tao ng wika ay nagmula sa iba‘t ibang
pangkaugalian at panlipunang karanasan. At ang mga nasabing code ay may
limitado at komplikadong ekpresyong panglingwistika.

5. Batay sa pananaw ni Chomsky, ang wika ay isang penomenang mental kung saan ito
ay likas sa tao at dahil sa kalikasan nito, may kakayahan siyang matuto ng wika.
Masasabi mo bang tama ang tinuran ni Chomsky at may malalim na pinagbatayan?
Magtala ng mga paliwanag batay sa iyong mga karanasan o sa mga sitwasyong
naoobserbahan mo sa iyong paligid.
Para sakin nakadepende naman ito sa tao kung makakanasayan na nya
yung mga bagay na kanyang nakaugalian, at mayroon din tayong iba’t ibang
representasyon ng wika. Dahil ang wika ay tumutukoy sa isang walang katapusang
hanay ng mga paglalarawan ng istruktura. Halimbawa na lang ng nagging
karanasan ko. Dahil ako ay isa rin namang dayo dito sa Laguna. Lumaki ako sa
Batangas kung saan iba ang aming istilo ng panalita. May mga karanasan akong
nadala na di nagagawa dito sa Laguna gaya ng mga paniniwala na nakasanayan
namin sa Batngas at mayroon din naman akong nakasanayan na rin na gawin na
nakasanayan ko na dito sa Laguna gaya ng mga punto kung paano magsalita at mga
bagay na ginagawa.

6. Sa anong antas ng wika nabibilang ang wika o mga salitang ginagamit mo at ng iyong
pamilya sa loob ng tahanan? Ano ang epekto nito sa anyo ng iyong pakikisalamuha o
pakikitungo sa ibang tao?
Ang wika o mga salitang ginagamit naming sa loob ng bahay ay nabibilang
sa impormal na wika dahil ito ang karaniwang ginagamit namin sa pang araw-
araw. Wala naman etong epekto sa aking pakikisalimuha o pakikitungo ko sa ibang
tao dahil parehas lang ang aming pakikitungo. Subalit gumamit din ako ng “balbal”
at pormal depende sa taonga king kinakausap. Gaya na lang ng Balabal sa kaibigan
dahil ito ang aming nakasanayan at Pormal kapag nasa paaralan at nasa iba’t ibang
ahensya Dahil ito ay nag rerepresenta ng pagiging lehitimo.

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
7. Sa iyong sariling pananaw, makatutulong kaya ang pag-aaral ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo sa pagpapaunlad ng iyong kasanayang pangwika bilang mag-aaral
at sa paghahasa ng iyong kakayahan sa malikhaing pagsulat? Pangatwiranan ang
sagot.

Oo, makatutulong sa akin ang pag-aaral ng asignaturang Filipino sa


kolehiyo sa pagpapaunlad ng aking kasanayang pangwika dahil ito ay sumisimbulo
sa kultura ng Pilipino kung sino, ano at meron ang isang Pilipino. Mahalaga din
itong pag-aralan dahil ito ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga
Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga
Pilipino. Ito rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at
kayaman ang ating wika at kultura. Nahahasa rin nito ang aking kakayahan sa
pagiging malikhain sa pagsulat dahil naka gagawa ako ng tamang piyesa sa
pagsulat ko ng tula. At dahil ang pagsulat ng wasto ay isang makapangyarihan dahil
isa ito sa magiging daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na
pagkakakilanlan.

8. Marami nang pananaliksik ang nagpapatunay na ang grupong iyong kinabibilangan


bilang isang indibidwal, partikular ang wikang inyong ginagamit sa pakikipag-usap sa
bawat isa ay tuwirang nakaaapekto sa iyong paraan ng pagsasalita at gayundin sa
iyong pag-uugali. Napapansin mo rin ba ito? Ilahad ang iyong paliwanag at karanasan.
Oo, gaya na lang kapag nakikipag-usap ako sa aking mga kaibigan na
minsan na gagamit ko kapag kinakausap ko ang aking mga magulang. Kaya naman
pinipilit kung wag makasanayan ang mga bagay na hindi dapat lalo na kapag
nakikipa-usap. Suabalit sa pagiging matalino at mapagmatyag ay natututo ako
kung ano ba ang mali at tamang wikang gagamitin.
9. Pinagtibay ng Kagawaran ng Edukasyon ang panukalang paggamit ng mother tongue
o L1 (inherited language) sa pagtuturo ng mga asignaturang panteknikal gaya ng
Agham at Matematika sa batayang edukasyon? Ano-ano sa palagay mo ang mga
positibo at negatibong epekto ng pagbabagong ito sa kurikulum ng edukasyon
partikular sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral?
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng “Mother Tongue” mas magiging mas
madali sa mag-aaral na ipahayag ang kanilang saloobin at opinyon. At isang
positibong epekto nito ay mas madaling matututo ang mag-aaral ng wikang Ingles
at magiging mataas rin ang kanilang kumpyansa sa sarili. Higit ring matututo ang
mag-aaral kung silay magiging mahusay sa paghasa ng kanilang sariling wika. Ang
negatibong epekto naman ay mahihirapan ang mga guro sa paggawa ng estratehiya
sa pagtuturo dahil kailangan pa nilang isaalang-alang ang Mother Tongue. Isa ring
negatibong epekto nito kapag ang inang wika (mother tongue) na itinalaga sa isang
lugar ay mali o hindi tugma sa mismong wika na isinasalita mas mahihirapang
matuto at maintindihan hindi lang ng mga bata kung hindi pati narin ng mga guro
ang mga paksa na tinatalakay.

10.Sa pagdaloy ng panahon, patuloy na umiigting at lumalawak ang impluwensya ng


mga banyagang bansa sa ating wika at kultura. Masasabi mo bang positibo ang naiiwan
nilang impluwensya sa isip at gawi ng mga Pilipino? Nakatutulong ba ang kanilang
impluwensya sa pagpapaunlad at pagpapaibayo ng paggamit ng ating wikang pamban
sa? Magbigay ng isang komprehensibong paliwanag.

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Para sa akin may positibong epekto ang naiiwang impluwensiya ng mga


banyaga sa isip at gawi ng mga Pilipino dahil dito natuto tayong makipag
kumunikasyon sa ibang lahi at napapalakas nito ang tibay ng pagsasama ng iba’t
ibang bansa. Malaking tulong rin ang kanilang impluwensiya sa pag-papaunlad ng
ating wika dahil mas natututo tayong tangkilin at mahalin ang sariling atin sabi nga
ng ating pambansang bayani “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay
higit pa sa hayop at malansang isda” na nagpapa-alala na ano mang wikang
banyaga ang ating matutunan huwag nating tatalikuran at kakalimutan ang wikang
Pilipino.
Ikalawang Gawain. Panuto: Sa tulong ng mga kaalaman at impormasyong iyong
nakalap mula sa sipi ng aralin at sa talakayan, punan ng mga angkop na sagot ang
bawat graphic organizer na makikita sa ibaba.

1. Ang Pag-unlad ng Wikang Pambansa


1946- Ang Wikang Pambansa ay tatawaging
“Wikang Pambansang Pilipino

1951- Ang Wikang Pambansa ay tatawaging


“Wikang Pilipino”

Agosto 13, 1959- Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na


nagsasabing ang Wikang Pambansa ay tatawaging “Pilipino”

2. Ang Pinagmulan at Pagbabago ng ating Alpabeto

Alibata

Abecedario

Abakada

Alpabetong Pilipino

Alpabetong Filipino

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

3. Ang Pagbabagong Naganap sa Surian ng Tagalog

Pagkakaroon ng iba’t ibang kultura

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang Antas ng Wika

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang Barayti ng Wika.

Paunlarin ang Kakayahan ______

Panuto: Sa tulong ng iyong kaalaman sa pagsulat ng tula, kumatha ng isang maikli at


payak na tula na may malayang taludturan o sukat. Ang bubuoing tula ay maglalaman ng
tatlong saknong na may apat na taludtod bawat isa. Maaari kang pumili ng ano mang
paksang nanaisin mo. Matapos na mabuo ito, tumbasan ang bawat pantig ng angkop na
simbolo mula sa baybayin. Sa isang hiwalay na papel ay isulat ang pagkakasalin ng iyong
tula gamit ang alibata, kuhanan ng larawan at pagkatapos ay ilakip sa bahaging ito ng
modyul. Tandaan, kinakailangang ilakip ang kopya ng inyong nabuong tula at ang
larawang nagpapakita ng inyong tula na nakasalin sa simbolo ng alibata. Gawing gabay
sa pagkatha ang larawan na makikita sa ibaba. Para sa iba pang impormasyon hinggil sa
kung paano sumulat gamit ang baybayin, bisitahin lamang ang link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=ddghRtW9LpE&t=420s.

Indibidwal na
Gawain

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Tulong

Ating tingnan ang kapaligiran,


Ito’y tila isang panaginip
“Tulong” ingay ng bawat tahanan,
Naghihintay kung sinong sasagip.

Libong buhay na ang kinitil,


Nitong sakim na pandemya sa bansa.
“Tulong” panawagan ng mamamayan,
Pero gobyerno’y tila nagbubulagbulagan.

Hanggang kalian itong pagtitiis,


Tayo’y matutulungan ba?
Hanggang kalian itong pagdurusa,
May magbabago pa ba?

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Unawain ang Batayan ng Pagtatasa___________________________________________________

Rubric para sa
Pagmamarka

Mga Sanggunian ______

Carada, Imelda G. et al. 2014 Komunikasyon sa Makabagong Filipino: Intramuros


Manila, Mindshapers Co. INC.
https://agilathala.wordpress.com/2016/07/28/anim-na-tungkulin-ng-wika-ayon-kay-
m-a-k-halliday/
http://educfilipino-waltzsarquial12.blogspot.com/2015/08/ang-wika.html?m=1
https://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa
lipunan_11.html?m=1&fbclid=IwAR1baU9MYdYvCyn5lgSJ-
v9DLyWYlNqZBLlrgubhUzSnH8LINmOouoeI5O8
https://i.pinimg.com/originals/41/dd/a2/41dda2fd0d9a59ba48fb0e07d742a517.png
Aklat, sipi at https://lh3.googleusercontent.com/proxy/9BssO_mVID3_5N4AHdfiNq49r71DAp4n1O
websites O3RryRik-
oKSR54gadkauUM5EYoUyCQPj7AmVAXXC3FsQDUmJjazxhh6xlkP_InvyUBcBtdBd9nv8H
AZpsZRmJmKXuoYSzmfaUD0PR579cnhn8VXDc6cswRpg
https://prezi.com/cdf5kgfoacji/timeline-ng-wika/
https://teksbok.blogspot.com/2011/07/tungkulin-ng
wika.html?m=1&fbclid=IwAR3uE0HGHRPM9deX1LxTaX5_Is90qvj-O5EP8yXOWNl-
l4rBC3TXelWxAXc
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Wika
https://www.google.com/search?q=alpabetong+romano&tbm=isch&ved=2ahUKEwiS9
aPNg5nsAhWWEKYKHfyjB5sQ2-
cCegQIABAA&oq=alpa&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBD

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited
MgQIABBDMgUIABCxAzICCAAyAggAMgUIABCxAzICCAAyAggAOgQIIxAnOgcIIxDqAhAn
OgoIABCxAxCDARBDUKv9FViakRZglLwWaAFwAHgAgAH2AYgBnguSAQYwLjEwLjGYAQ
CgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCsABAQ&sclient=img&ei=mr94X5LANZahmAX8x57YC
Q&bih=585&biw=606#imgrc=jAlxJzgi70srRM
https://www.google.com/search?q=baybayin&sxsrf=ALeKk03Cho_hgIsB_F-
0h8K5wsjHc84TdA:1601748888563&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjYl
JbMg5nsAhUJA4gKHQJnCSwQ_AUoAXoECBgQAw&biw=606&bih=585#imgrc=oitjAJNLD
ZBe8M
https://www.google.com/search?q=lumang+abakadang+tagalog&tbm=isch&chips=q:lu
mang+abakadang+tagalog,online_chips:abakada&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiagp2Thp
nsAhVCTZQKHe82AHsQ4lYoB3oECAEQHQ&biw=1349&bih=576#imgrc=rLZZBaqCK79
1jM
San Juan, David Michael M. et al. 2018 Piglas-Diwa Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino, Mutya Publishing House, INC.

LSPU SLM: ANG WIKANG FILIPINO: EBOLUSYON, ANTAS, VARAYTI AT VARYASYON NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni: CECILE B. HUBAHIB

You might also like