You are on page 1of 8

Programa: Bachelor of Public Administration (BPA) Paksa: Filipino Bilang Wikang Pambansa

Paglinang ng Pagbasa at Pagsulat


Kurso: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina Instruktor: Fatima Lucia Santos-Melanio, MAEd, LPT
Code FILI01 Modyul #: 1 Linggo #: 1&2 # ng Pahina: 10

I. Preliminaries
Introduction to the Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa
Module Objective malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at
ng mga mamamayang Pilipino.

Section Topics Learning Outcomes Assessment/ Modality


Evaluation

Paksa 1: Introduksyon: 1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga


Filipino Bilang Wikang function ng wikang Filipino bilang
 Pagbasa at Moodle
Pambansa, Wika ng Bayan, wikang pambansa, wika ng bayan, at
Pagsuri ng  Social media
at Wika ng Pananaliksik na wika ng pananaliksik na nakaugat sa
Nakaugat sa iba’t ibang uri platforms
pangangailangan ng sambayanan.
Pangangailangan ng ng teksto Pananaliksik
2. Maipaliwanag ang mahigpit na
Sambayanan  Pagsulat ng (online)
ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
Teksto sa
pambansa, pagpapatibay ng
Paksa 2: Pagbalik-tanaw sa piling disiplina
kolektibong identidad, at pambansang
paglinang ng malikhaing kaunlaran.
pagbasa tungo sa 3. Makapagbasa at makapagbuod ng
analisasyon ng mga teksto at impormasyon, estadistika, datos atbp.
saliksik mula sa mga babasahing nakasulat sa
Filipino sa iba’t iba ng larangan.
Paksa 3: Pagbalik-tanaw sa 4. Makapagsagawa ng teksto na
kasanayan ng pagsulat ng naayon sa iba’t ibang disiplina.
iba’t ibang teksto sa piling
larangan o disiplina

II. Instructions
Keywords and concepts

Narito ang mga ilang konsepto at susing-salita na kailangang ganap na maunawaan bago
magtungo sa paksang-aralin, unawaing mabuti ang mga ito upang makatulong sa iyo sa ganap
mong pagkaunawa at pagkatuto.

WIKANG FILIPINO- ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles
ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987

PAGBASA- ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag
TANAUAN CITY COLLEGE FILI01/ MODYUL 1 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
upang mabigkas nang pasalita.

PAGSULAT- pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na


mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).

Content Lecture/ Discussion

Sa pagsisimula, narito ang mga mahahalagang impormasyong kailangan mong malaman tungkol
sa wika. Dahil tayo ay nasa ganitong bagong set-up ng pag-aaral, sa bagong kadawyan (new
normal) ang modyul na ito ang iyong magiging sandigan sa buong semestre katuwang din ng
iyong guro. Kaya, marapat lamang na basahin mong mabuti ang nilalaman nito. Basahing mabuti
ang mga nakasaad sa modyul na ito at unawain upang maging ganap ang iyong pagkatuto.

Halina at simulan na natin. Maligayang pag-aaral, pagbabasa at pag-unawa! Tara na!

Ano ang Wika?

Ito ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa- tao at pakikipagtalastasan.

 Kahit na anumang anyo, pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang
pinakamabisiang sangkap sa paghahatid nd diwa, kaisipan, at damdamin natin. Maging
ang kultura ng isang panahon, pook, o bansa ay muling naipahahayag sa pamamagitan ng
wika. (Lachica, 1998)

 Ang wika ay isang sitema ng mga sagisag na binubuo ng ga tunog o kaya ay mga pasukat
na letra na inuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.

MGA DALUYAN NG WIKA

 Ang lahat ng wika ay nagsisismula sa tunog.


 Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa
o maraming kahulugan.
 Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsusulat tulad ng paggamit ng cuneiform o
tablet ng mga Sumerian, papyrus ng mga Egyptian, at ang paglitaw ng ng hieroglyph sa
sinumang Ehipto.
 Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng
katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
 Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatid ng isang ganap na kilos ng tao
tulad ng pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa daan, at iba pa.

KAHALAGAHAN NG WIKA
 Gamit sa talastasan.
 Lumilinang ng pagkatuto.
 Saksi sa panlipunang pagkilos.
 Lalagyan o imbakan.
 Tagapagsiwalat ng damdamin.
 Gamit sa imahinatibong pagsulat.

TANAUAN CITY COLLEGE FILI01/ MODYUL 1 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA


KATEGORYA AT KAANTASAN NG WIKA
1. Pormal- kung ito ay kinikila at ginagamit ng higit na nakakarami sa pamayanan, bansa, o
isang lugar.
 Opisyal na wikang pambansa at panturo= ginagamit sa pamahalaan at mga aklat
pangwika sa paaralan. (malaya,tahanan,edukasyon)
 Wikang Pampanitikan= ginagamit sa akdang pampanitikan.(salinlahi, silay, kabiyak)

2. Di-pormal- wika ang madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.


 panlalawigan= salitang diyalektal, ginagamit ito sa partikular na pook o lalawigan (adlaw-
araw, balay-bahay, ambot-ewan)
 Balbal (slang)= madalas itong marinig sa lansangan (chichi-pagkain, utol-kapatid, sikyu-
guwardya)
 kolokyal= salitang ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-usap (ewan,kelan,musta)

Ano ang pinagkaiba ng terminong “wikang panturo” at “wikang pagkatuto”?


 Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya para sa
kanilang pagtuturo sa loob ng silid-aralan at paaralan. Kasama rin rito ang wikang
ginagamit sa mga libro, gayundin ang wikang ginagamit sa mga pagsusulit, exams,
instructions para sa mga gawain at pananaliksik.

 Ang wika ng pagkatuto naman ay ang wikang ginagamit ng mag-aaral sa kaniyang


pakikipagtalastasan sa loob ng akademiya o paaralan, sa mga guro at kaklase, sa kaniyang
pagbabasa. Minsan, hindi angkop ang wikang panturo ng guro sa wika ng pagkatuto ng
mga estudyante, kaya dapat mag-adjust.

WIKANG OPISYAL
 Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa
saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo.
 Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't
hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento
ng gobyerno.

BILINGWALISMO
 Isang penomenang pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng
sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paano
ang lipunan ay nakapag-aambag  sa pagyabong ng wika.
 Ang patakarang pangwika na nakasaad sa Saligang-Batas ng 1973 at 1987 ay tumutugon
sa instrumental na pangangailangan ng mga Pilipino upang magkaroon ng pagkakaisa
hindi lamang sa identidad sa pamamagitan ng wika.

MULTILINGWALISMO
 Ang Wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa magkasalong wika
(Sugbuaanong-Binisaya, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Samar-Leyte, Maguindanao,
Tausug at Tagalog) at mga banyagang wika (kastila, Ingles, at Tsino)
 Konstitusyon sa Artikulo XIV, Seksyon 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa ummiral na
mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
“Ang pagbasa sa iba’t ibang disiplina o larangan ng kaalaman ay nakapokus sa mga pamamaraan
sa paglinang ng istraktura Filipino, bilis sa pagbasa, pag-unawa at ang kakayahang maalala ang
mahalagang matutunan ang mahahalagang konsepto.”

TANAUAN CITY COLLEGE FILI01/ MODYUL 1 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA


Paghahanda sa Pagbasa
A. Paghahawan sa Sagabal- Hindi maaring pagsamahin ang proseso ng sosyalisasyon o
paglilibang na tulad ng telebisyon at musika sa mga seryosong pagbasa.
B. Angkop na Lugar para sa Pagbasa- Ang silid-aklatan ang isa sa pinakamagandang
lugar upang maisagawa ang seryosong pagbasa.
C.Pagpopokus ng Atensyon- Bilang paghahanda at pagtatamo ng mga mabisang
pamamaraan sa pagbasa ng materyal na teksto, ugaliing magbasa nang tuloy-tuloy.
D. Pamilyarisasyon sa Teksto-
• Maging pamilyar sa paksa
• Alamin kung sino ang may akda
• Alamin ang tungkol sa manunulat
• Alamin ang istraktura at orginasayon
• Siguraduhing may diksunaryong hawak
• Itala ang mga salitang hindi naunawaan para sa pamilyarisasyon

Paglusong sa Pagbasa
A. Talasalitaan
Mahalaga ito lalo na sa tekstong may pagkateknikal at espesiyalisado.
B. Panimula ng Sanaysay
 Ang simula ng sanaysay ang ang paglalahad ng paksa at ng atityud ng manunulat
tungkol dito.
 Intoduksyon, alamin ang pamamaraang ginamit ng manunulat.
 Alamin ang pangunahing idea o tesis ng sanaysay.
C. Katawan ng Sanaysay
 Alamin kung paano sinusuportahan ng manunulat ang kanyang pangunahing ideya
o tesis.
 Mayroong maayos na dalay ng pagpapaunlad o progresyon.
D. Konklusyon
 Suriin kung paano binigyang wakas ng manunulat ang kanyang sanaysay.
 Pagkaraang mabasa ang teksto o seleksyon, huminto at magmuni-muni.
 Isulat ang sariling reaksyon hinggil sa paksa, nilalaman at estilong sanaysay.

Muling Pagbasa
A. Tono
 Naghuhudyat sa ugnayan ng manunulat at ng mambabasa.
 Alamin ang punto de bistang ginamit ng manunulat, alamin maging ang teksto ay
pormal at di pormal at pagbatid sa uri ng wika na ginamit ng manunulat tungkol sa
paksa.
B. Pangunahing Ideya o Tesis
 Sa muling pagbasa, matamang suriin ang pangunahing ideya upang
makapanigurado na nauunawaan ang pangunahing konseptong ipinaparating ng
manunulat.
 Dito pinapahayag ang atityud ng manunulat.
C. Kayarian ng Sanaysay
 Suriin ang uri ng sanaysay na inyong binasa, paglalahad, paglalarawan,
pagsasalaysay o pangangatwiran.
 Madalas, ang istraktura ng sanaysay ay may isang nagingibabaw na estilo ng
pagpapahayag o istraktura ng sanaysay.
D. Mga Ideyang Pansuporta
 Subukang alamin ang impormasyon o datos na ginagamit ng manunulat upang
suportahan ang tesis o pangunahing ideya.
 Alamin ang pinagkaiba ng kuro-kuro sa datos at impormasyon upang magamit ito
sa pagkumbinsi at pagpaniwala ng mga mambabasa.
TANAUAN CITY COLLEGE FILI01/ MODYUL 1 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
E. Paksang Pangungusap
 Bawat talata ay dapat na luminang ng iisang ideya, kaisipan o konsepto.

Pagtatagni-tagni
A. Ang kabuoang ng Sanaysay
 Ito ay nagbibigay daan sa pagbatid at pagdiskubre ng mga ideya at estilo. Sa
prosesong ito lalo pang ginagalugad at ninamanam ng mambabasa ang teksto.
B. Ang Tesis o Pangunahing Ideya
 Nabunyag ba ng Tesis ang layunin ng sanaysay?
 Kailangan ding malaman kung ano ang atiyud ng nagsulat sa puntos na ito.
C. Ang Talata
 Kapag ang paksa ay nasa unahan, ipinapakilala ang paksa at ang pangsuportang
ideya.
 Kapag ang paksa ay nasa gitna, pinaguugnay nito ang pangsuportang ideya.
 Kapag ang paksa ay nasa hulihan, ibinibigay nito ang buod.
 Kahit nasaan ang paksang pangungusap, pinagtatagni nito ang nasaloob ng talata.
Ito ay magagamit sa pamamgitan ng cohesive device.
D. Ang Pangungusap
 Alamin ang haba ng pangungusap sa loob ng talata. Ang magagaling na manunulat
ay gumagamit ng baryasyon, bukod dito ay kung panu sisimulan ang pangungusap.
E. Pangkalahatang Reaksyon
 Ang reaksyon ay maaring positibo o negatibo depende sa nagbabasa.

Papariralang Pagbasa
 Ito ay pagbasa ng pangkat na salita upang maunawaan ang kabuuan ng material o teksto.
Ginagamit ito sa pag-aaral, paglutas ng mga suliranin at pagsunod sa mga panuto o
direksyon. Ang bisa ng pag-unawa ay nasa pagitan ng 70%-80%.

Skimming
Sa estilong ito ng pagbasa, nilalaktawan ang ilang mga salita upang mabasa nang mabilisan
ang teksto at magkaroon ng mabilis na ideya sa uri at nilalaman ng teksto. Ginamit ito sa
pagrerebyu o balik-aral at pagtukoy sa mahalagang impormasyon, Ang bisa sa pagbasa ay nasa
pagitan ng 40%-50%.

Scanning
Sa estilong ito ay isinasagawa upang matukoy ang isang partikular na impormasyon o datos.
Ginagamit ito sa mga pananaliksik, pagrerebyu at paghanap sa mga impormasyon. Ang bisa ng
pagbasa ay 100%.

PAGSULAT
Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng
pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi
mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag.
Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang
diskors mula sa mga salita.

SANAYSAY= “Salaysay ng isang Sanay”


Ang sanaysay at tumutukoy sa kathang pampanitikan na naglalahad ng mga kathang kaisipan,
damdamin at kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang paksa. Nilikha ni Alejandro G. Abadilla

TANAUAN CITY COLLEGE FILI01/ MODYUL 1 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA


Isaalang-alang sa Pagsulat
 malawak na kaalaman
 mayamang talasalitaan
 matalas na pangmamasid sa buhay
 sapat na kakayahan sa pag-papahayag ng kaisipan at saloobin
 pamamaraang aakit sa mambabasa
 makakaaliw
 makapagpapalawak ng kaalaman

Nilalaman ng Salaysay
 Ang PAKSA (malawak-tiyak)
 Nilalaman (sariling karanasan,karanasan ng iba, nabasa,pinanood,napakinggan)
 PAMAGAT (nagtataglay ng kaisipan ng sanaysay, tuwirang pagbangit)
(Ang Punenarya- “Ang panandaliang Tahanan ng Isang Lumisan Na”)
 Balangkas (pira-pirasong detalye na makakapagpalitaw ng magandang kaanyuan)
 PANIMULA (tanong, quotation, paghahambing, panawagan sa nais ipagawa)
 Pangwakas (nagiiwan ng impresyon sa mambabasa, naghahamong katanungan,
pagbibigay-halaga ng sumulat, isang pag-uulit sa paksa)

Katangian ng Sanaysay
1. Kaisahan(Unity)
2. Kaugnayan(Coherence)
3. Kalinawan(Emphasis)

III. Viable and vibrant Activities

Description of the Learning Activities

Kaakibat ng nararanasan natin ngayon, ang makabagong paraan ng pagkatuto na malayo sa dati nang
kinamulatang paraan o sistema ng edukasyon ay kailangan nating yakapin at isaalang-alang. Layunin ng
araling ito na mas mapalawig pa ang iyong kaalaman at mahasa ang iyong pag-unawa sa binasang teksto.
Kaya naman, isang hamon ang susubok sa iyong kakayahan lalo’t higit sa iyong kasanayan sa pagbasa at
ang kahusayan sa pag-unawa at pagbuo ng konteksto mula sa binasang teksto.

Paalala: Mangyaring ipasa ang iyong likhang obra sa oras, maging malikhain at maging manunulat na
responsable, hindi kumukuha o nagnanakaw ng ideya (plagiarismo), hindi basta kumokopya sa internet at
kinokopya o inaaari bilang kanya. Tandaan mo, kasalanan ang mang-agaw, ang hindi iyo ay hindi iyo
kaya’t huwag mong angkinin ang hindi iyo. Nauunawaaan ba?

Maligayang pagbabasa at paglikha ng iyong obra.

UNANG LINGGO
Pamagat: B-S-T (Basahin- Suriin-Talakayin)

a. Pumili ng isang tekstong iyong babasahin, susuriin at tatalakayin.

1. Wika? Hala! Ano yun?! ni James Gideon Tinsay at Jedd Francis De Luna
(http://jeddfrancis.blogspot.com/2014/01/wika-hala-ano-yun.html )

2. Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon ni Dr. Bienvenido Lumbera


(https://dokumen.tips/documents/ang-wikang-filipino-at-ang-banta-ng-globalisasyon-ni-dr.html)
TANAUAN CITY COLLEGE FILI01/ MODYUL 1 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
3. Kasaysayan ng Wikang Filipino ni Joel Costa Malabanan
(https://www.facebook.com/notes/joel-costa-malabanan/kasaysayan-ng-wikang-filipino-ni-joel-
costa-malabanan-nobyembre-7-2004/10152290356973142/)

b. Pagkatapos basahin ang teksto, gumawa ng pagsusuri o reaksyong papel batay sa iyong
binasang teksto mula sa pamagat nito, wikang ginamit dito, mga aral o bagong
impormasyong nalaman, kung paano sinulat at kung paano nagsimula at nagtapos ang
teksto. May mga bahagi ba ng teksto na dapat hindi nailathala/ naisama o dapat tanggalin o
dapat idagdag? Puno ba ng impormasyon at siksik sa kaalaman ng manunulat upang
ipahayag ang kanyang layunin sa pagkakasulat ng teksto? Pangatwiranan ang lalamanin
ng iyong pagsusuri.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA (B-S-T)

Organisasyon (10 puntos)


Mahusay ang pagkasunud-sunod ng ideya sa kabuoan ng talata, mabisa mag panimula at
malakas ang kongklusyon batay sa ebidensya.

Lalim ng Repleksyon(10 puntos)


Makikita ang pag-uugnay ng dating kaalaman at karanasan sa bagong kaalaman. Malalim na
makikita ang dati at bagong kaalaman.

Paggamit ng Wika at Mekaniks (10 puntos)


Mahusay ang paggamit ng wika, walang mali sa grammar, baybay, at gamit ng bantas, may
mayamang bokabularyo.

Presentasyon (5 puntos)
Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata.

Pamamahala ng Oras (5 puntos)


Ginamit ang sapat na oras upang ihanda at tapusin at naibigay isang linggo bago ang deadline.

Kabuoang Marka- 40 puntos

IV. Opportunity to reflect and articulate students’ acquired knowledge.

IKALAWANG LINGGO

Dahil ang sanaysay ay nangangahulugang Saysay ng mga Sanay, inaasahang ikaw bilang
mag-aaral ay sanay ring magbigay ng isang paglalahad o pagpapalawig sa isang usapin o isyu sa
kasalukuyang panahon. Kaya naman, lumikha ng isang sanaysay na maaaring ibahagi sa isang
forum o kumperensya at/o ilathala sa isang akademikong journal tungkol sa paksang
pinamagatang Ang Aking ‘First Time/s’: Isang Pagtanaw at Pagsulyap sa Kursong (Mangyaring ilagay
ang iyong Kurso) Magpokus sa disiplina ng iyong kurso, magbigay ng mga ‘bagong konsepto o ideya
na nais sabihin tungkol sa iyong kurso o disiplinang binubuo na maaaring hindi nalalaman ng
TANAUAN CITY COLLEGE FILI01/ MODYUL 1 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
nakararami at nangangailangang ang bubuoing sanaysay ay komprehensibo, malaman at hitik sa
detalye (impormatibo) at nalalangkapan ng katotohanan o totoong detalye. Sundin ang iba pang
gabay sa pagsulat na makikita sa pamantayan sa pagmamarka.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Introduksyon (10puntos)
Nakapanghihikayat ang introduksyon. Malinaw na nakalahad ang pangunahing paksa gayundin
ang panlahat na pagtanaw ukol dito.

Diskusyon (10puntos)
Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na pagpapaliwanag at pagtalakay tungkol sa
paksa.

Organisasyon ng mga Ideya (10puntos)


Lohikal at mahusay ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya; gumamit din ng mga transisyunal
na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya.

Konklusyon (10puntos)
Nakapanghahamon ang konklusyon at naipapakita ang pangkalahatang palagay o paksa batay
sa katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

Mekaniks (5 puntos)
Walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.

Gamit (5 puntos)
Walang pagkakamali sa estruktura ng mga pangungusap at gamit ng mga salita.

Kabuoang Marka- 50 puntos

Paglalagom/ Repleksyon: Sisimulan Ko, Yariin Mo

Sa aralin at gawaing ito natutuhan kong… (Magbigay ng 3-5 kasagutan)

Magagamit ko ang aking mga natutuhan sa mga aralin sa aking __________ bilang …
_____________________

V. Textbooks and other References

https://books.google.com.ph/books/about/Filipino_Sa_Iba_t_Ibang_Disiplina.html?id=YOCBnQAACAAJ&
redir_esc=y
https://www.coursehero.com/file/40938526/FILIPINO-SA-IBAT-IBANG-DISIPLINAdocx/
https://prezi.com/39drrkqwkbgo/leksiyon-1-ang-wikang-filipnino-sa-ibat-ibang-disiplina/

TANAUAN CITY COLLEGE FILI01/ MODYUL 1 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

You might also like