You are on page 1of 19

MARINDUQUE STATE COLLEGE

School of Arts and Sciences


BAC/BSSW
MODYUL 1

FIL 2- PAGBASA AT PAGSULAT SA


IBA’T-IBANG DISIPLINA
2ND SEM A.Y. 2020-2021

Deskripsyon ng Kurso: Ang Filipino 2 ay nakapokus sa paglinang ng mga


kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat sa Filipino bilang
kasangkapan sa pagkatuto at pagpapahayag sa iba’t-ibang larangan ng pag-
aaral. Sa pamamagitan ng iba’t-ibang istratehiya sa makabuluhang
pagbabasa, inaasahang malilinang ang kakayahan ng mga estudyante tungo
sa masining na pagsasagawa ng mga pananaliksik tungkol sa paksang kanilang
napili na makatutulong upang sila ay maihanda sa mapanghikayat at kritikal
na mga pagbabago sa lipunan dala ng panahon ng globalisasyon at
information age.

Rekwayrment ng Kurso: Major Examinations/Mga Gawain tulad ng mga buod ng Artikulo, Papel
Pananaliksik at Progress Report
MODYUL 1
INTENDED AWTKAM NG PAGKATUTO: NAKAPAKITA NG HIGIT NA MATAAS NA ANTAS NG KAKAYAHANG
KOMINIKATIBO SA AKADEMIKONG FILIPINO SA PAMAMAGITAN NG PAGKILALA NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG
LARANGAN.

PAGTALAKAY SA WIKANG FILIPINO

a. Kahulugan at Katangian ng Wika


1. Wikang Filipino: Gamit sa Akademiko
2. Filipino sa Iba’t-ibang Larangan
●Filipino sa Humanidades
●Filipino sa Agham at Teknolohiya

b. Pagpapalawak ng Bokabularyo
●Kahalagahan ng Malawak na Talasalitaan sa Pagbasa at Pagsulat
●Paggamit ng Context Clue
●Pagsusuri ng Ugnayan ng Salita
●Panghihiram ng Salita
●Paggamit ng Diskyunaryo at formulasyon ng mga Salita
MODYUL 1- FIL 2

Pag-isipan Mo!
Pumikit ng ilang minuto. Isipin na ikaw ay nasa isang daigdig na napakatahimik. Maraming
tao ngunit walang nagsasalita. Nakita mo ang pinakamatalik mong kaibigan na matagal mo
nang hindi nakikita. Gusto mo siyang makausap ngunit walang salitang namumutawi sa
iyong bibig. Madami kang gustong sabihin sa kanya ngunit hindi mo masabi.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ano ang naramdaman mo nang napunta ka sa isang tahimik na daigdig?
2. Ano naman ang iyong naging reaksyon nang makita mo ang pinakamatalik mong
kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita?
3. Ano ang pakiramdam ng isang taong may gustong sabihin ngunit wlang paraan
upang sabihin ang kanyang saloobin?

Diyan pumapasok ang kahalagahan ng WIKA. Ngunit ano nga ba ang wika? Halina’t iyong
tunghayan sa susunod na aralin.

a.Ano nga ba ang Wika?


¤ Ayon kay Lumbera (2007), parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay

nariyan ito.

¤Ayon naman kay J.V. Stalin, ang wika ay isang midyum at isang instrumenyo na
nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan, at pag-uunawaan ng mga tao.

¤ Ayon naman kay Henry Gleason, isang dalubwika, ang wika ay masistemang balangkas
na sinasalitang tunog, na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo, na ginagamit sa
komunikasyon ng tao na kabilang sa isang kultura.

Page 1
MODYUL 1- FIL 2

Ang pagpapakahulugan ni Henry Gleason sa wika ay ang itinuturing na unibersal na


kahulugan ng wika. Nakapaloob sa kanyang pagpapakahulugan ang bawat katangian ng
wika na nananaig sa daigdig.

Narito ng mga Katangian ng Wika na ibinigay ni Henry Gleason.

Katangian ng Wika
Masistemang Balangkas

͂ lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o balangkas ng pagkakabuo.

Ponolohiya Morpolohiya Sintaks Semantiks

Tunog Salita Balarila Kahulugan

Sinasalitang Tunog

͂Ang wika ay tunog na nalikha gamit ang mga component ng bibig. Ang nalilikhang tunog
sa pagsasalita ay itinuturing na ponema o makabuluhang tunog.

Pinili at isinaayos sa Paraang Arbitraryo

͂Ang wika ay nabubuo batay sa napagkasunduang termino ng mga tao sa isang


komunidad. Bawat lipunan ay maaring makabuo ng salita o wika batay sa kanilang
napagkasunduan.

Page 2
MODYUL 1- FIL 2

Hal.

Tagalog Ingles Kapampangan

Itlog Egg Ebun

Mantika Oil Taba

Kabuhol ng Kultura

͂Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit nito na kabilang sa isang
lipunang may umiiral na kultura.

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang salitang Ingles na rice ay maraming
katumbas sa Wikang Filipino?

Hindi rin ba kayo nagtataka kung bakit limitado lamang ang panumbas ng Wikang
Filipino sa salitang Ingles na snow?

Ginagamit sa Komunikasyon

͂Nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na paggamit ditto ng tao sa komunikasyon.

Nagbabago

͂Dinamiko ang wika. Patuloy ang pagbabago nito sa paglipas ng panahon. Nakasalalay ang
pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang nabubuo sa lipunan.

Ano nga ba ang mga trending na salita ngayon? Instagram? Chat? O Selfie?

Natatangi

͂ Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na ikinaiba sa ibang wika. Walang wikang
parehong-pareho.

Page 3
MODYUL 1- FIL 2

May kakayahan ang Wikang Filipino na gawing pandiwa ang mga pangngalan.
Halimbawa ang salitang damit na puwedeng maging damitan na isang pandiwa. Ito ay
tinatawag na Verbalizing Power.

Pagpalalim ng Kaalaman
Buuin ang akronim ng salitang WIKA batay sa iyong napag-aralan.

W
I
K
A

Page 4
MODYUL 1- FIL 2

1. Ang Wikang Filipno sa Akademya ni Teresita F. Fortunato


ANG BANSANG PILIPINAS ay isang multilinggwal na nasyon, at ang bawat
mamamayan ay nakapagsasalita ng dalawa man lang na wika. Kaya ang
ordinaryong Pilipinong estudyante ay nakapag-uusap sa kanyang unang wika
(isang vernakular), at sarehiyonal na lingua franca; hanggang matutuhan niya ang
Filipino at Ingles sa eskwelahan; samakatwid kwadrilinggwal pa siya. Kung may
Chinese heritage siya, matututo pa ng Mandarin. At kapag nakaabot pa sa kolehiyo,
maaari pa siyangmakapag-aral ng Espanol/German/Niponggo/Latin/French
depende sa kakailanganing pangkomunikasyon ng kanyang pinaghahandaang
propesyon. Ang akademya ay maypatakarang sinusunod sa pagsasakatuparan ng
layuning ito. Nakatadhana ito sa Kautusan Blg. 54, s. 1987 na may pamagat
na ”Panuntunan ng Implementasyon ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal.” Ang
edukasyong bilinggwal ay ang hiwalay napaggamit ng dalawang wika bilang
midyum ng instruksyon sa lahat ng antas ng pagtuturo. Inaasahang makabubuo
tayo ng mga mamamayan at nasyong bihasa sa komunikasyon sa dalawang wika,
ang Ingles at Filipino. May tiyak na tunguhin ang edukasyong bilinggwal na
nakasaad sa ibaba: • • • • • pagpapahusay ng pagkatuto sa pamamagitan ng
dalawang wika upang matamo ang may mataas na uri ng edukasyon gayang
itinakda ng Konstitusyon ng 1987; paglinang at pagpapayabong ng Filipino
bilangwikang panliterasi; ang development ng Filipino bilang simbolong wika
ngpambansang pagkakaisa at identidad kultibasyon at elaborasyon ng Filipino
bilangwika ng diskors iskolarli, na nangangahulugan ng patuloy na
intelektwalisasyonnito; at pagpapanatili ng Ingles bilang isang internasyonal na
wika para saPilipinas at bilang di eksklusibong wika ng agham at teknolohiya. Mula
elementarya hanggang hayskul, hinasa tayong maging bihasa sa Filipino at Ingles
sa paggamit ng bawat wika sa mga tiyak na aralin. Sa antas tersyarya, itinutuloy ang
gamit ng dalawang wikang ito bilang midyum ng pagtuturo. Hindi ba sa mga
krusong pang-agham panlipunan at humanidades, tinatalakay natin ang mga
kaalamang ukol dito sa tulong ng wikang Filipino? Samantalang nag-iingles tayo sa
mga kursong agham pangkalikasan at teknolohiya, karagdagan sa kursong Ingles.
Sa paggamit ng Filipino sa lahat ng level ng pag-aaral, hinihikayat na iangat ang uri
nito bilang isang wikang intelektwalisado, isang midyum sa pagkuha ng
karunungan sa matataas na antas ng komunikasyon. At ang prosesong ito ay ang
intelektwalisasyon. Ito ang Filipinong inilalarawan ng Komisyon sa Wikang Filipino

Page 5
MODYUL 1- FIL 2

(KWF) ayon sa ResolusyonBlg. 96-1 na kailangang maintelektwalisa: Ang Filipino


ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram
sa mga wika ngPilipinas at mga di katutubong wika at sa evolusyon ng iba't ibang
varayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't
ibang sitwasyon,sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal, at para
sa mga paksang talakayan at iskolarling pagpapahayag. Ano ang intelektwalisasyon
ng wika? Sapanalita ni Havranek ng Prague School of Linguistics (Omar 1981: 73),
ang intelektwalisasyon ay ang adaptasyon ng wika para magkaroon ito ng
kakayahang bumuo ng wasto, tiyak, at kung kakailanganin, ng mga pahayag na
abstrak namatatagpuan sa mga sulating pansyensya at pampilosopiya. Sa simpleng
pananalita,ito ang paggamit ng isang wika sa larangan ng kaisipan at ng buhay
akademiko. Lenggwahe ito na magagamit sa pagtatamo ng kompletong edukasyon.
Sa pamamagitan ngwikang ito, anumang sangay ng disiplina ay maari nating
maabot at matutuhan dahil maraming literaturang nasulat ukol dito. Sa
pagpapaliwanag nina Sibayan at Gonzalez, pangunahing sosyolinggwista sa
kasalukuyan, ito ang makabagong midyum ng komunikasyong dapat ginagamit sa
mahahalagang larangan sa loob ng isang bansa tulad ng gobyerno, administrasyon,
lehislasyon, pagbabatas, agham, teknolohiya, komersyo, at industriya at sa lahat ng
level ng edukasyon mula elementary hanggang kolehiyo. Isa na itong wikang ganap
na nadevelop at naintelektwalisa. Bilang isangkoda ng komunikasyon, may
estruktura ang Filipino na patuloy na nalilinang saiba't ibang proseso. Pwedeng
mapalawak ang bokabularyo nito sa panghihiram mula samga wikang sinasalita sa
bansa natin. Kalimitang hinahanguan natin ng mga salitaang pangunahing
katutubong wika tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Ilonggo,Bicol, Pampango,
Pangasinense, Waray, Maranaw at iba pa. Gayundin sa wikangIngles, Espanol, Tsino,
Niponggo, at iba pang wika sa daigdig. Sapagkat buhay angwika, lagi itong
nagbabago na maaaring tanggapin o tutulan ng mga gumagamit. Sa edukasyon, na
isang dinamikong larangan, may mga tiyak na wikang ginagamit sapagtatamo ng
mga karunungan. Mga sangay ng disiplina sa mga unibersidad atkolehiyo, dalawang
malalaking sangay ng disiplina ang kalimitang mapagpipiliangpag-aralan: (1)
agham panlipunan at humanidades, at (2) syensya at teknolohiya.Ayon kay Cruz (sa
Acuna 1994: 133-4), maraming paraan sa pagkaklasipika sa mgahumanidades, at

Page 6
MODYUL 1- FIL 2

isa na rito ang pamamaraang klasikal. Kabilang sa humanidades angsining


pangwika at literari (gramar, retorika, literatura, pamamahayag, publikasyon), ang
mga sining viswal (pinta, eskultura, arkitektura), angitinatanghal na sining (teatro,
musika, sayaw), sining elektroniks (radyo, telebisyon, pelikula, multimedia
kompyuter) at ang mga syensyang humanistiko (kasaysayan, linggwistiks,
pilosopiya, teolohiya, pag-aaral internasyonal, pag-aaral interdisiplinari tulad ng
sosyolohiya, antropolohiya at kaugnay nakarunungan). Lahat aniya ng mga kurso
sa lahat ng level ng edukasyon aymakaklasipika sa alin man sa malalaking
kategoryang binanggit. Ang salik nanagsasanib sa mga karunungang ito bilang
isang grupo ng disiplinang akademiko ayang magkakatulad na malasakit nila - ang
asal o ugaling sosyal ng tao.Magkakaugnay din ang mga ito bagaman nagkakaiba
ang mga konsepto, kaya nga manipis lamang ang linyang naghihiwalay sa kanila.
Maaaring manghawakan sa teorya atimpormasyon ng isa ang isang disiplina na
inyong matutuklasan sa pananatili sakolehiyo. Naiiba naman ang mga agham
pangkalikasan at teknolohiya nanangangailangan ng karunungang syentipiko na
ipinahahayag sa isang lenggwahengprecise o tiyak. Batay ang mga paksa sa
eksperimentasyon at produkto ng mgaaplikasyon ng mga teoryang sinubok at
dumaan sa maraming pagsusuri. Kahanay sadisiplinang ito ang inhinyeriya,
matematiks, agham pangmedisina, biyolohiya, komersyo, agham pangkompyuter,
atb. Higit ang pangangailangan ng kasanayan sawikang kompyutasyonal, at analisis
ng mga datos buhat sa mga eksperimento at ibapang paraan ng pag-aaral.
Karagdagan ang pagiging mapagmasid at analitikal atpagiging mayaman sa
imahinasyon tungo sa paglikha ng mga inovatibong gamit, makinaat iba pang
kailangan s pag-unlad ng bansa. Inilahad ni Acuna (1994: 89) angespesyal na
pangangailangan sa pag-aaral nito dahil ang syensya ay: 1. Isang sistema ng mga
facts/katotohanan na pinag-aralan sa kalilkasn o plinanongsitwasyong tinatawag
na eksperimento; 2. Pagbubuo ng mga obserbasyong ito sa mgapahayag na
tinatawag na mga batas; 3. Kapani-paniwalang pahayag na nagpapaliwanagkung
paano at bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Ang sistema ng ating edukasyonay
nagmumungkahi ng paggamit ng Filipino sa mga disiplinang panghumanidades
atagham panlipunan sa pilosopiyang nakaangkla sa disiplina sa kultura. Sa
isangbanda, Ingles naman ang midyum ng pagtuturo/pag-aaral sa mga
asignaturang hindituwiran ang ugnayan sa kultura tulad ng syensya at teknolohiya.
Subalit hindinaman eksklusibong pang-Ingles ang huling sangay ng karunungan.

Page 7
MODYUL 1- FIL 2

Maraming pagkilos na ang isinasagawa sa pagtalakay ng paksang teknikal sa


pamamagitan ng wikang Filipino. Importante ito bilang tugon sa intelektwalisasyon
ng ating pambansanglingua franca, kasabay ng pagsulat ng maraming babasahin sa
iba't ibangkarunungan, gayundin ang pagpapayaman ng bokabularyo sa lahat ng
sangay ng kaalamang akademiko (Buhay at Lipunan, 2000. DLSU Press).

2. Filipino sa Iba’t-ibang Larangan

●Wikang Filipino sa Humanidades

Ang humanidades ay tumutugon sa isang pangkat ng mga palagay at saloobin na nakatuon


sa pagpapahalaga sa buhay.

Kung susuriing mabuti, wika ang may pinakamalaking papel na ginagampanan sa


larangang ito—ang Humanidades. Sa ngayon, higit nang malawak ang saklaw nito sapagkat
maaari nang talakayin ang kultura, pagpipinta, musika, estruktura, at iba pang makataong
sining at ang mabuti at wastong pagtugon dito.

Sa tulong ng wika, higit nating mapalalawak ang larangang ito, pati na ang ating sarili at
higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwalang likha ito at gawi ng ibang tao.

TANONG
Bakit kaya maituturing na ang wika ang may malawak na sakIaw sa larangan ng
Humanidades?

Ngayong nabasa mo na ang gampanin ng Wikang Filipino sa ibang larangan, mas


lalo mong mapapalawak ang iyong kalaaman sa talasalitaan na mas makakapagpataas ng
lebel ng iyong komprehensyon sa pagbasa at paglalapat ng wastong salita sa iyong mga
isusulat na teksto.

Page 8
MODYUL 1- FIL 2

b. Pagpapalawak ng Bokabularyo
●Kahalagahan ng Malawak na Talasalitaan sa Pagbasa at Pagsulat

Ang ating alam na talasalitaan bagamat nagagamit sa iba’t-ibang aralin ay


apekatado ng ibang bagay tulad ng pinagdaanang kaalamannn aaat mga karanasan sa
pagbasa. Ang anumang pag-unlad sa talasalitaan ay nararapat na may kaalinsabay na
pagkakaroon upang magamit ang mga ito. Totoong napakadami pa ang mga talasalitaang
dapat nating mabatid at malaman at marami pa rin ang pagkakaroon na matutuhan natin
ang mga ito (Lachina, 1994).

Ayon kay Austero (1999), may iba’t-ibang paraan ang pagpapalawak ng


bokabularyo: (a) pag-uulit ng buong salita o ilang pantig ng salita, (b) paglikha, (c)
paglalapi, (d) pang-aangkin o paghihiram, (e) pagtatambal, (f) pagdaragdag p pagtatakda
ng kahulugan, (g) pagsasaling idyomatiko, (h) paggamit ng salitang balbal, (i) paggamit ng
salitang kolokyal at dayalektal, (j) pagpaparis ng mga pagpapangkat-pangkat, (k)
pagsisingkahulugan, (l) pagsasalungatan, (m) pagsinitugan, (n) pagbibigay tahas o literal
at matalinhagang kahulugang salita, (o) paggamit ng idyoma, kasabihan, salawikain at (p)
paggamit ng tayutay.

Hindi matatawanan ang kahalagahan ng mayamang talasalitaan sa kasanayan sa


pagbasa at pagsulat. Tiyak na higit na epektibong magbasa ang taong higit na mayaman
ang talasalitaan kaysa taong kapos sa talasalitaan. Gayundin, magiging mahusay at higit na
madali ang pagsulat ang taong may mayamang talasalitaan. Salita rin ang ginagamit na
pagsulat kaya magiging madali ang pagsulat sa taong may malawak na talasalitaan
(Catacataca, 1984).

Sa larangan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita. Lubhang mahalaga ang


leksyon, ang tamang pagpili ng salita. Maaaring maganda ang ibig ipabatid at maaari rin
naming mabuting layon sa pagpapahayag subalit di nagbubunga ng mabuti kung mali ang
pagkakapili ng mga salitang ginamit. Maisasagawa lamang ito kung may sapat na lawak ng
talasalitaan ang isang nagpapapahayag at magagawa niyang magamit ang mga salitang
nalalaman niyang angkop at wasto sa kaisipan o damdaming nais niyang ipahayag
(Casanova et.al, 2001).

Page 9
MODYUL 1- FIL 2

Ang isang taonng may malawak na talasalitaan ay nakapagpapahayag ng kanyang


nalalaman, mga kaisipan at saloobin nang tiyak, madali at malinaw. Kapag wasto at
nababagay ang mga salitang ginagamit ng isang tao, lalo na sa paglalarawan, nagiging
mabisa ang kanyang pagpapahayag.

Bukod sa nabanggit na kabutihan ng isang nagsasalita o sumusulat medaling


paniwalaan at madali ring nakukuha ng mga tagapakinig o mga mambabasa ang ideya na
gusting ipabatid kapag siya ay gumagamit ng mga wastong pananalita (Buensuceco, et.al
1992).

Ang isang mag-aaral ay nararapt gumugol ng maraming panahon sa iba’t-ibang


paraan ng pagsasanay upang magkaroon ng kanais-nis na talasalitaang
mapapakinabangan sa sandal ng pangangailangan. Ang pagpapatibay ng talasalitaang
kasalukuyang taglay ng isang tao ay tiykakin ang tunay na saklaw ng kahulugan ng mga
salitang naunawaan na. Kailangang-kailangan ang pagiging masigasig. Ang mga
sumusunod ay makatutulong upang ang isang masipag na mag-aaral ay matuto;
pagpaparis ng magkasama o pagtatala ng mga salitang magkapreha, magkasama at
magkaugnay sa kahulugan o masasabing magkatumbas, pagpapangkat-pangkat o
pagtatala ng mga salitang magkakapangkat sa ilalim sa isang punong salita o paksa,
pagkasingkahulugan at pagsasalungat.

●Paggamit ng mga Palatandaang nagbibigay ng kahulugan (Context Clue)

Ang mga pahiwatig o palatandaan ay nakikta sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-


uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-kilalang salita.

1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugann ng salita na napapaloob din sa pangungusap.

Halimbawa:

a. Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may kalayaan ka sa


pagkilos at pagsasalita.

2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita.

Halimbawa:

Page 10
MODYUL 1- FIL 2

Masugid si Renato na makatapos ng hayskul ngunit tila matamlay naman ang


kanyang ama na tustusan siya dahil sa kakulangan ng salapi.

3. Sa pamamagitan ng katutran ng salita.

Halimbawa:

Ipinamalas ng mga tao sa EDSA ang manubdob o matinding pagnanasa na


magkaroon ng kalayaan.

4. Pag-uugnay sa sariling karanasan. Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa


pamamagitan ng pag-alala sa mga naging karanasan.

Halimbawa:

Dahil sa bahang dala ng bagyong si Roming, inilikas sa ligtas na pook ang mga tao
sa aming lugar.

5. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita. Dito nauunawaan ang salita ayon sa


mga pangyayari o sitwasyon na kaugnay nito.

Halimbawa:
Pang-iibayo ng pangulo ang kampanya laban sa lumalaganap na kilusan ng mga
pangkat laban sa pamahalaan. Itinaas niya ang moral at sahod ng mga kawal.

6. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa.

Halimbawa:

Naranasan niya ang matinding kahirapan noong siya ay bata pa. Salat na salat silang
mag-anak sa pagkain, maralitang mag-anak.

7. Sa pamamagitan ng halimbawa.

Halimbawa:

Maiiwasan ang sigalot tulad ng patayan, nakawan, awayan kung ang mga
mamamayan at matututong kumilala sa Diyos at magmahal sa kapwa.

Page 11
MODYUL 1- FIL 2

8. Sa pamamagitan ng promal na depinisyon ng salita.

Halimbawa:

Mahilig tayo sumulat ng sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan na naglalahad ng


kaalaman, kuro-kuro at damdamin ng sumulat.

9. Sa pamamagitan ng paglalarawan.

Halimbawa:

Sa kabuuan ng kanyang mukha.

Sa mga mata niya at sa nagbabagong pangangatawan, sa balat niyang manilaw-nilaw at


pinamumutukan ng maraming tagiyawat. Ang mga ito ay naglalarawan na siya ay lumipas
na sa pagiging musmos.

10. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin.


Halimbawa:
Mula sa kusina, ang tibok ng aking puso ay nakipag-unahan sa aking mga
hakbang. At ang aking agam-agam ay napawi nang makita ko siya sa sala.

● Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association)

Maari ring makita ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagsusri sa


kaugnay ng mga salita o ideya upang mabuo ang kabuuang pananaw sa kahulugan
nito.

a. Pagsasama ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan


(collocation). Nabibilang ditto ang mga matalinhagang salita o parirala.

Halimbawa: puso = bahagi ng katawan ng tao


Bato= matigas na bagay
Pusong bato= matigas ang puso o sa tunay na kahulugan ito ay naglalarawan ng
taong hindi marunong mahabag o maawa.

Page 12
MODYUL 1- FIL 2

b. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng panguang


salita. (clustering)

Halimbawa: Anu-ano ang iba pang salita na maaring ipalit sa salitang tingnan?

● Ang Panghihihram ng mga Salita

Ano ba ang panghihiram ng salita?

Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro dahil sa pagkakaiba-iba sa


kultura ng mga bansa, may mga salitang banyaga na hindi matatagpuan sa salitang Filipino
kapag isinasalin sa pangyayaring ito, ang tanging magagawa ay manghiram o di kaya ay
lumikha ng bagong salita. Walang masama sa panghihram ng salita, hindi naman kailangan
pang humingi ng pahintulot sa bansang hihiraman na magsalita, hindi rin kailangan pang
isauli ang salita pagkatapos na hiramin, hindi rin ito nakakahiya.

Bukod sa katotohanang ang wika ay nakasanding sa kultura, may mga salita rin na
hango sa pangalan ng kilalang tao tulad ng voltage, watt attt quixotic na tinatawag na
eponym. Dahil ditto, hindi lahat ng salita ay maaring bigyan ng salin at talagang hindi
maiiwasan ang panghihiram ng mga salita lalo ang mga salitang agham at teknikal.

Ayon sa Pag-aaral:

Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.

Tatlong libong salitang malay.

Isang libo sa Ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Intsik, Arabe,
Sanskrito, Latin, Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa.

Salitang teknikal at pang-agham ang una nating hiniram.

Mga Tuntunin sa Panghihiram

1. Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na


salita.

Page 13
MODYUL 1- FIL 2

a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang


banyaga.

Halimbawa: Hiram na Salita sa Filipino

Attitude Saloobin

2. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t-ibang katutubong wika ng bansa.


Halimbawa:
Hiram na Salita Katutubong Wika
Hegemony Gahum (Cebuano)

3. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa Espanyol, kIngles at iba
pang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino.

Halimbawa:

Ingles Filipino

Centripetal Sentripetal

4. Gamitin ang mga letrang C, N, Q,X,F,J,V,Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon
sa mga sumusunod na kondisyon
a. Pantanging ngalan
Hal. Quirino
b. Salitang teknikal o siyentipiko
Hal. Cortex
x-ray
c. Salitang may natatanging kahulugan
Hal: Senora-ale
d. Salitang may natatanging kahulugang kultural
Canao (Ifugao)- pagdiriwang
Senora (Espanyol)- ale
e. Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi
binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Halimbawa:
Bouquet

Page 14
MODYUL 1- FIL 2

f. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit


Halimbawa: Taxi

5. Gamitin ang mga letrang F, J,V,Z para katawanin ang mga tunog, /f/,/j/,/v/,/z/
kapag binabaybay sa Filipino ang mga salitang hiram.
Halimbawa: Fixer fikser
Subject sabjek

6. Gamitin ang mga letrang C, N, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.


Halimbawa:
Cornice Xenophobia

Hinango ito sa 2001 revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng


Komisyon sa Wikang Filipino sa pamumuno ni Dr. Rosario E. Maminta

●Paggamit ng Diskyunaryo at formulasyon ng mga Salita

Ano nga ba ang diksyunaryo?

Ang Diksiyunaryo o Diksyunaryo ay isang aklat o libro na naglalaman ng mga salita na may
mga kahulugan. Mayroon itong maliit na sukat lamang na pwedeng dalhin kahit saan.
Mayroon din nitong malaking sukat na kadalasan ay makikita sa mga silid-aklatan. Madali
mo lamang makikita ang mga salita na nais mong malaman sapagkat ito ay nakaayos sa
sunod-sunod na alpabeto. Maaari mo rin ditong makita hindi lamang ang kahulugan ng
mga salita ang matatagpuan sa librong ito at ito ay isang malaking tulong sa estudyante,
mga nagtatrabaho at sa ibang tao lalo na sa mga nagpupunta sa ibang bansa.

At paano naman nagsimula ang Diksyunaryo? Ito ay nagsimula sa bansang Tsina ngunit ang
pinakaunang diksyunaryo na naglalaman ng wikang Ingles ay nagsimula noong 1604, na
isinulat ni Robert Cawdrey, isang guro sa isang paaralan sa Inglatera.

Page 15
MODYUL 1- FIL 2

Kahalagahan ng Diksyunaryo

●Dahil sa librong ito, marami ang estudyante ang natulungan tungkol sa tamang salita,
kahulugan at mga diksyon nito.
●Dahil sa librong ito, natutulungan ng mga tao na magkaroon ng ideya o impormasyon
tungkol sa mga salita na kanilang nakikita o naririnig.
●Dahil sa librong ito, nagkakaroon ng mga bagong salita o bagong kaalaman ang bawat
tao lalo na ang mga estudyante.
●Dahil sa librong ito, marami ang natuto lalo na sa wikang Ingles.

Formulasyon ng mga Salita

a. Paglalapi- isang morpema na inilalagay sa isang salita upang magbigay ng dagdag


o pagbabago ng kahulugan

Anyo ng Panlapi- Unlapi, Gitlapi, Hulapi, Unlapi at Gitlapi, Kabilaan, Gitlapi at Hulapi at
Laguhan

Gamit ng Panlapi- Panlaping Makangalan, Panlaping Makauri, Panlaping Makadiwa

b. Pag-uulit
Uri ng Pag-uulit
●Ganap na Pag-uulit- Parsyal
c. Paglikha
d. Paghiram at Pag-aasimila
e. Pagtatambal- pagsasama ng dalawang salita upang makabuo ng bagong salita

Uri ng Pagtatambal
1. Malatambalan- nananatili ang kahulugan at madalas ay ginigilitan
2. Tambalang Ganap- nagkakaroon ng bagong kahulugan ang dalawang
pinagsamang salita

f. Balbal, Lalawiganin, Kolokyal, o diyalektal na salita


g. Paggamit ng Idyomatikong Pahayag
h. Paggamit ng Tayutay at Talinhaga

Page 16
MODYUL 1- FIL 2

Page 17

You might also like