You are on page 1of 15

Modyul 1:

Pagtalakay sa
Wikang Filipino
Mga paksang tatalakayin:
a. Kahulugan at Katangian ng Wika
1. Wikang Filipino: Gamit sa Akademiko
2. Filipino sa Iba’t-ibang Larangan
■ Filipino sa Negosyo at Industriya
b. Pagpapalawak ng Bokabularyo
●Kahalagahan ng Malawak na Talasalitaan sa Pagbasa at Pagsulat
●Paggamit ng Context Clue
●Pagsusuri ng Ugnayan ng Salita
●Panghihiram ng Salita
●Paggamit ng Diskyunaryo at formulasyon ng mga Salita
Pag – isipan Mo!
Pumikit ng ilang minuto. Isipin na ikaw ay nasa isang
daigdig na napakatahimik. Maraming tao ngunit walang
nagsasalita. Nakita mo ang pinakamatalik mong kaibigan na
matagal mo nang hindi nakikita. Gusto mo siyang makausap
ngunit walang salitang namumutawi sa iyong bibig. Madami kang
gustong sabihin sa kanya ngunit hindi mo masabi.
Ano nga ba
ang Wika?
Ayon kay Lumbera (2007),
parang hininga ang wika, sa
bawat sandali ng buhay natin ay
nariyan ito.
Ayon naman kay J.V. Stalin, ang
wika ay isang midyum at isang
instrumento na nakatutulong sa
komunikasyon, pagpapalitan ng
kaisipan, at pag-uunawaan ng
mga tao.
Ayon naman kay Henry Gleason,
isang dalubwika, ang wika ay
masistemang balangkas na
sinasalitang tunog, na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo,
na ginagamit sa komunikasyon
ng tao na kabilang sa isang
kultura.
Katangian ng Wika
1. Masistemang Balangkas

- lahat ng wika ay
may sinusunod na
kaayusan o balangkas
ng pagkakabuo.
2. Sinasalitang Tunog
- ang wika ay tunog na nalikha gamit ang mga component ng
bibig. Ang nalilikhang tunog sa pagsasalita ay itinuturing na
ponema o makabuluhang tunog.

3. Pinili at isinaayos sa Paraang Arbitraryo


- ang wika ay nabubuo batay sa napagkasunduang termino ng
mga tao sa isang komunidad. Bawat lipunan ay maaring makabuo
ng salita o wika batay sa kanilang napagkasunduan.
4. Kabuhol ng kultura
-yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong
gumagamit nito na kabilang sa isang lipunang may umiiral na
kultura.
5. Ginagamit sa
Komunikasyon
- nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na paggamit dito ng tao
sa komunikasyon.
6. Nagbabago
- dinamiko ang wika. Patuloy ang pagbabago nito sa paglipas
ng panahon. Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong
gumagamit at kulturang nabubuo sa lipunan

7. Natatangi
- bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na ikinaiba sa
ibang wika. Walang wikang parehong-pareho.
Wikang Filipino:
Gamit sa Akademiko
Joyce Magturo
Kristine Monterey
Ano nga ba ang gamit ng Wikang
Filipino sa Akademiko?
Ang Wikang Filipino sa Akademya ni Teresita F. Fortunato

 Ang bansang Pilipinas ay isang multilinggwal na nasyon.

 Ang akademya ay may patakarang sinusunod sa pagsasakatuparan ng layuning


ito. Nakatadhana ito sa Kautusan Blg. 54, s. 1987 na may pamagat na ”Panuntunan
ng Implementasyon ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal.”
b. pagpapanatili ng Ingles bilang isang
 May tiyak na tunguhin ang edukasyong bilinggwal:
internasyonal na wika para saPilipinas
at bilang di eksklusibong wika ng
agham at teknolohiya.
a. Paglinang at pagpapayabong ng
Filipino bilangwikang panliterasi
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ayon sa
ResolusyonBlg. 96-1 na kailangang
maintelektwalisa:

Ang Filipino ay ang katutubong wika


na ginagamit sa buong Pilipinas
bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo.

You might also like