You are on page 1of 5

UNANG ARALIN

Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas


na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa

MGA PAKSA
1. WIKA: Kahulugan at Kahalagahan Batay sa Sitwasyong Pangwika sa
Pilipinas
2. Varayti, Varyasyon at Rejister ng Wika

MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Mailarawan ang Wika sa pamamagitan ng pagguhit at paglikha ng
representasyon o simbolo.
2. Mailahad ang pagkakaiba ng Varayti at Varyasyon ng Wika.
3. Makatala ng mga Tipo/Varayti ng Wika na ginagamit sa iba’t ibang
lugar o sitwasyon.

UNANG PAKSA: WIKA: Kahulugan at Kahalagahan batay sa Sitwasyong


Pangwika sa Pilipinas

Ang Wika ay sadyang napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ang kaniyang instrumento o
kasangkapan sa pagbabahagi ng kaniyang nadarama o opinion. Sa pamamagitan din ng Wika ay
nasasalamin ang kultura ng mga taong gumagamit nito. Kaya mapalad tayo sapagkat tayo ay may
sariling Wikang Pambansa na daluyan ng karunungan – daan tungo sap ag-unlad ng bayan.
Ang bawat galaw at pakikipag-ugnayan ng
isang indibidwal ay nangangailangan ng isang
instrumentong gagamitin sa kanyang pakikitungo sa
lipunan. Dito ginagamit ang Wika bilang daan ng
patuloy niyang pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa dahil
ang Wika ay isang arbitraryong sistema ng mga tunog o
ponema na ginagamit ng tao.
Ayon kay Grace de Guna (2013) sa kanyang aklat
na Speech: Its Function and Development, ang tao ay
nagsasalita hindi upang ihinga lamang ang kanyang
saloobin kundi nanghihikayat at naghihintay ng
pagtugon o pagsang-ayon sa kanyang naiisip o palagay.
Gayunpaman, nakasalalay ang Wika kung paano ito ginagamit ng tao sa kanyang kapwa,
sa kapaligiran at maging sa kanyang sarili.

1
Instrumento

Kapwa
Galaw Karanasan
Kilos TAO WIKA LIPUNAN Kamalayan
Sosyolinggwistik

Arbitraryo

Konsepto ng Wika
Sa sarili, gamit ang wika ay nagagawa ng tao na mapaunlad ang kanyang sarili sa pamamagitan
ng pagtatamo ng mga kaalaman sa kanyang paligid.
Sa kapwa, sabi nga sa isang awit "walang sinuman ang nabubuhay ng para sa sarili lamang".
Bawat isa sa atin ay kinakailangan makipagtalastasan upang mapatatag ang relasyong-sosyal.
Sa lipunan, sa sandaliang mapagsama-sama ang mga karanasan ng mga tao, nagkakaroon sila
ng isang tiyak na lipunan na tunay na kakaiba. Nagagawa ng Wika na pagbuklurin ang isang
lipunan.
Ang Wika ay maraming kahalagahan at gampanin. Narito ang mga sumusunod:
 IMPORMATIB - Ang wika ay impormatib, nagagawa nitong makapaglahad ng
impormasyon tungo sa tagatanggap nito.

 EKSPRESIB - Nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng


emosyon.

 DIREKTIB - Nagiging direktib ang wika kung hayagan o di-hayagan nitong napakikilos ang
isang tao upang isagawa ang isang bagay.

 PERPORMATIB - Gamit ng wika na higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon. Ito ay


kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag.

 PERSWEYSIB - Gampanin ng wika na nagagawang makahikayat ng tao tungo sa isang


paniniwala.

Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


Muli nating balikan ang batas at batayan ng pagiging legal ng ating Wika mula sa
konstitusyon ng Pilipinas. Malinaw na isinasaad sa ating konstitusyon 1987, artikulo XIV, seksyon
6 hanggang 9:
Seksyon 6: Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya
ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsad at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon
at bilang wika ng panturo sa sistemang edukasyon.
Seksyon 7: Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang Wikang Opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon
at magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opisyal ang Kastila at Arabic.
Seksyon 8: Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin
sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Seksyon 9: Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng wikang pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para
sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Linawin din natin ang pagkakaiba-iba ng Tagalog, Pilipino, at Filipino upang maging tiyak an
gating pagkakaunawa batay sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.

TAGALOG
Isa sa mga wikain sa Pilipinas na sinasalita sa mga lalawigan. Isa itong
wikang natural na mula sa wikang Tagala na may katutubong
tagapagsalita. Isa ring partikular na wika na sinsalita ng isang
etnolinggwistikong grupo sa bansa.

PILIPINO

Tawag sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas, isang monobase


language sa taong 1959 ayon sa kautusang pangkagawaran bilang 7 at
ito ang piniling salita bilang representasyon ng mga wika sa Pilipinas na
naging ugat upang kilalanin natin ang pagsisikap ni kalihim Jose Romero.

FILIPINO

Ito ay hindi Tagalog, galing ito sa Ingles na Filipino bilang katawagan sa


internasyunal na pagkakakilanlan. Sumasagisag sa akomodasyong
pampolitika at palatandaan ng isang umuunlad na bansa tungo sa
modernisasyon. Lingua Franca ng Pilipinas ang wikang Filipino na
nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa.
Gawain 1: Ang Simbolo ng Aking Wika
Madaling sabihin ang salitang wika ngunit napakahirap na ilarawan ito bilang sinaunang
produktong abstrakto sa ibang tao. Gamit ang kahon sa ibaba, ilarawan ang iyong Wika sa
pamamagitan ng pagguhit ng mga representasyon o mga simbolong makikita mo sa paligid.

Gawain 2: Repleksiyon
Sa iyong palagay, maaari bang itaguyod at palaganapin ang wikang Filipino kahit walang
batas na gagabay dito?

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Puntos
20 Pangkalahatang nilalaman ng akda
10 Maayos na pagkakasunod-sunod ng mg talata
10 Mahusay na paggamit ng mga salita at wastong gramar

You might also like