You are on page 1of 11

QUARTER 1 – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

KULTURA

Ito ang kabuuang pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa isang teritoryo.

Binubuo ito ng mga paniniwala, tradisyon, pag-uugali, umiiral na Sistema sa lipunan at politika,
relihiyon at wika.

KOMUNIKASYON

Isang proseso ng paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan, at mga


saloobin sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat, o pagsenyas.

Pangunahing tungkulin ng wika.

WIKA

Ang tanging paraan upang maisalin ang kaalaman, karanasan, at alaala ng isang lahi o lipi at lipunan
sa iba.

Ay nagmula sa wikang MALAY, habang ang salitang LENGGUWAHE naman ay umusbong mula sa
wikang LATIN at isinalin sa wikang Ingles at ito’y nakilala bilang LANGUAGE. Ang iba’t ibang salitang
ito ay tumutukoy sa konsepto ng DILA. Ang DILA bilang aparatu sa pagbuo ng makabuluhang tunog
at salita, ang mekanismo ng tao sa pakikipagtalastasan.

Sa makatuwid, ang wika ang pinakadetalyadong kakayahan ng tao na ginagamit upang maipahatid
ang kaisipan, hangarin, at/o mithiin ng tao.

Ito ay BUHAY, at patuloy na umuunlad at nagbabago upang makatugon sa pangangailangan ng tao at


ng kanyang komunidad.

Simbolo ito ng mayamang kultura ng isang lahi at susi sa pagkabuklod-buklod ng sambayanan.

Ang wika ayon kay:

HENRY GLEASON

Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

DR. ZEUS SALAZAR (1996)

Ang kultura ay kabuuan ng isip, gawi, damdamin, kaalaman at karanasan na nagtatakda ng angking
kakanyahan ng isang pangkat ng tao. Walang kulturang hindi dala ng isang wika na bilang sandigan at
kaluluwa ay siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay diwa sa kulturang ito.

VIRGILIO ALMARIO

Ang wika ang una at pangunahing pamanang pangkultura ng sangkatauhan. Ito ang nagbibigay
artikulasyon sa ating nakaraan sa ating kasaysayan ng mga tagumpay at pagkabigo. Nasa wika ang
yaman ng ating nakaraan na hitik sa katutubong karunungan. Kung hindi natin ito aalagaan,
manganganib ito, at kung ating pababayaan maaring maglaho pa nang tuluyan. Kapag naglaho ang
isang wika, tila may isang tahanan o isang bodega ng ating mga alaala at tradisyon ang mawawala at
di na mababawi kalian man.

LINGUA FRANCA

Tulay ng komunikasyon upang magkaintindihan ang dalawang taong magkaiba ang wika o tulay para
magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.

INGLES – lingua franca ng daigdig.

FILIPINO – lingua franca ng Pilipinas.

Highly agglutinative – o mayroong napakayamang panlapi.

Verbalizing power – kung saan ang pangngalan ang nagiging pandiwa.

DR. MICHAEL M. COROZA

Ayon sa kanya, napakayaman ng wikang Filipino, sa katunayan ito ang pinakamabisang midyum natin
upang makilahok sa komunidad na ating ginagalawan. Sa pamamagitan ng wikang ito, naipararating
natin ng buong linaw at husay ang malawak na imahinasyon, mensahe, paniniwala, maging ang ating
hinanakit at tuligsa. Ito ang ating identidad at pagkakakilanlan ng kasapi ng isang lipunan.

WIKANG PAMBANSA

Isang wikang daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Ito ay dapat nasa estado
ng pagiging LINGUA FRANCA o malawakang sinasalita at nauunawaan ng sambayanan na isang
dimensiyong heyograpiko, ito ang salalayan ng pambansang pagkakakilanlan at nararapat na bukas
sa lahat ng panghihiram mula sa katutubo at banyagang wika upang patuloy na umunlad at maging
ganap na wikang panlahat. Kaugnay ng pag-unlad ng wikang Pambansa ay may magandang
mungkahi si Dr. Michael L. Tan.

DR. MICHAEL L. TAN

Aniya, kung nais nating may tawaging pambansang wika at maiangat natin ang respeto sa
lengguwahe na mayroon ang Pilipinas. Dapat itong yakapin ng kabataan hindi lamang sa pang-araw-
araw na pakikipagkomunikasyon kundi pati sa usaping siyensya, ekonomiko, at sining. Sanayin ang
sarili at gawing parte ito n gating kaisipan n gating buhay.

WIKANG PAMBANSA – FILIPINO

Unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay tatawaging FILIPINO.

FILIPINO – sumisimbolo sa ating pambansang pagkakakilanlan.

FILIPINO – ang magiging tulay na wika sa pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang pangkat sa kapuluan na
may kani-kanilang katutubong wikang ginagamit.
Filipino – pambansang daluyan ng komunikasyon tulad ng telebisyon, radyo, at mga pahayagan,
kilalang politico, komentarista, manunulat at makatang gusting maabot ang buong bansa.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang wika?

Sapagkat ito ang nagdadala sa atin sa pambansang pagkakaisa at pagbubuklod.

WIKANG OPISYAL – FILIPINO at INGLES

Wikang naisabatas o itinadhana ng batas na maging opisyal na wika ng komunikasyon, transaksyon,


o pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa sambayanan, sa pasalita, lalo’t higit sa pasulat na paraan.

Artikulo XIV, Seksyon 7, Saligang Batas 1987

Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

WIKANG PANTURO

Nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral. Kaya dito nakasalalay ang pagiging literado
ng sambayanan.

Ikalawang Bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas 1987

Ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng FILIPINO bilang midyum ng opisyal na


komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Narito ang mga dapat mong tandaan:

Ang wika ay sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi sa isang kultura.

Ang wikang Filipino ay highly agglutinative at may verbalizing power.

Ang Wikang Pambansa ay isang daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang bansa.

Ang Opisyal na wika ang itinadhana ng batas na maging wika ng komunikasyon, transaksyon, o
makikipag-ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan.

Ang Wikang Panturo ay nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral.

Narito ang mga KATANGIAN NG WIKA:

Binubuo ng mga tunog o sinasalitang tunog ang wika. Kailangang maipagsama-sama ang mga
binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.

Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay may sumasagisag ng mga titik ng alpabeto. Ang tunog na /bi/ ay
sinasagisag ng titik na ‘b’.

Masistemang balangkas ang wika. May proseso o estrukturang sinusunod sa paggamit ng wika tulad
ng:

Ponohiya – pag-aaral ng ponema – tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang


wika.
Morpolohiya – pag-aaral ng morpema – tawag sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa
isang wika.

(salitang-ugat o payak, paglalapi, tambalan, pag-uulit, ponemang ‘a’);

Sintaksis – pag-aaral ng sintaks – ay ang tawag sa pormasyon ng mga pangungusap sa isang wika.

Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap o kahulugan ng iba
pang salita sa pangungusap upanb maging malinaw ang nais ipahayag.

Arbitraryo ang wika. Lahat ng wika ay napagkasunduan ng mga gumagamit nito.

May kanya-kanyang kakanyahan ang wika. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan,
leksikon at istrukturang panggramatika.

Halimbawa: wikang Swahili ng bansang kenya – atanipenna : magugustuhan niya ako

Wikang Ivatan – vugi : itlog ng isda

Magkabuhol ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin. Bilang bahagi ng kultura,
mahalagang irespeto natin ang likas sa bawat lugar.

Halimbawa: masjid – hindi maaaring gawing masdyid

Vugi – hindi maaaring gawing bugi

Nanghihiram ang lahat ng wika. Gawa ng hindi pagiging likas sa kultura ng isang bansa ang bagay na
iyon, kakailanganin niyang manghiram.

Halimbawa: tinanggap na sa talasalitaang Filipino ang mga salitang washing machine, sim card, cell
phone, emoticons, kimbap, sushi, fettucini

Hindi mapaghihiwalay ang wika at kaisipan. Wika ang humuhulma sa kaisipan ng tao sapagkat
naipakikita ng tao kung paano niya nakikita ang mundo maging ang lipunang kanyang kinabibilangan
gamit ang wika.

Buhay o dinamiko ang wika. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabago-bago ang
kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

Namamatay ang wika. Namamatay ang wikang hindi ginagamit. Ganoon din ang nangyari sa ilang
wika gawa ng kakulangan marahil sa pagpapaunlad.

Halimbawa: Phyrigian

KAHALAGAHAN NG WIKA

Sa Bansa at Ang Naninirahan Nito

Wika ang dahilan kung bakit nagkakaisa o nagkakaiba-iba ng paniniwala ang bawat tao sa lipunan.

Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may
soberanya.

Wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito.

Pamahalaan
Nakasulat sa papel ang mga batas na galing sa pamahalaan at maari nating mabasa, sa Ingles man o
sa Filipino.

Wika ang nagiging gabay at nagbibigay ng kaalaman sa kung ano ang katanggap-tanggap o hindi.
Samantala, wikang Filipino rin ang pinakamadaling tulay ng mga politiko upang maabot ang masa o
ang karamihan ng Pilipino sa ating bansa.

Bagamat unang nabubuo ang batas sa wikang Ingles ngunit kapag ito ay naisalin na sa wikang Filipino
ay higit na nagiging madali ang pagkakaintindi ng mga Pilipino sa batas.

Edukasyon

Sapagkat wika ang tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng kaalaman malaki ang papel na


ginagampanan nito sa larang ng edukasyon.

Tulay sa pagkikipagkomunikasyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral ang wika- mula sa pagbibigay
ng mga tungkulin, proseso ng pagkatuto, pagpepresinta at pagtataya ng aralin, presentasyon ng
talino at kakayanan,maging pagtataguyod ng buhay sa silid-aralan ay may napakalaking papel na
ginagampanan ang wika.

Media at Entertainment

Walang tatawaging media at entertainment kapag wala ang wika.

Kung wala nito, papaano mapapahayag nang nasa likod ng media at entertainment ang ibig sabihin
nila kung lahat ay nakatahimik?

Ang wika ay importante sa pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng balita.

Ito rin ay ginagamit para sa mga teleserye o mga pelikula na tinatanaw natin.

Pang-araw-araw na pamumuhay

Isipin mo isang araw na magising ka ay wala nang wika. Paano mo kaya ipahahayag sa iyong Nanay at
Tatay ang pagmamahal mo sa kanila? Paano ka maglalambing sa kanila upang mabili mo ang
ninanais mong bilhin? Paano ka makikipag-usap sa iyong kapatid at ikukuwento ang napakaganda
mong panaginip kagabi?

Ganoon kahalaga ang wika. Kung pagkakaunawaan at pagkakaisa lang ang usapin ay talaga namang
hindi matatawaran ang napakahalagang papel ng wika.

Walang saysay ang sangkatauhan kung wala ang wika sapagkat walang hiraman ng kultura at/o
paraan ng pamumuhay, walang kalakalang magaganap, walang pagbabahagi ng tuklas at imbensyon,
walang talino at kalaman, walang diplomatikong pagkakasundo ang bawat pamahalaan at walang
paglinang ng siyensiya at teknolohiya kung walang wika.

DALAWANG KATEGORYA NG WIKA BATAY SA ANTAS

Pormal. Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

Pambansa.

Ginagamit sa pook na sentro ng kalakalan


Mga opisyal na pahayag ng pamahalaan

Wikang ginagamit at itinuturo sa paaralan

Wika sa mga aklat pambararila o panggramatika

Halimbawa: ama, ina, matanda, anak, pulis, sigarilyo, at iba pa.

Pampanitikan o Panretorika.

Pinakamataas na antas ng wika

Ginagamit sa pagkatha ng mga akdang pampanitikan

Masining ang mga salitang ginagamit

Gumagamit ng mga tayutay o idyoma

Halimbawa: nasadlak sa dusa – nasa malungkot na kalagayan

Sisikat rin ang araw – magkakaroon ng pag-asa

Di-pormal o Impormal. Mula sa salitang di-pormal, mahihinuha na ang antas na ito ng wika ay
karaniwan, simple, gamitin o palasak na wika sa araw-araw na pakikipag-usap. Ito ay mayroong
tatlong antas ng wika.

Lalawiganin.

Ginagamit sa mga partikular na pook o lalawigan na malayo sa kabisera o sentro ng bansa

Nagagamit ng mga taong taal na tagapagsalita ng wika.

Kolokyal. Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.


Karaniwan, ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon
ay mauri rin sa antas nito.

Halimbawa: ka’mo (wika mo), meron (mayroon), pa’no (paano)

Balbal.

Slang sa Ingles, at itinuturing na pinakamababang antas ng wika

Mga salitang pangkalye o panlansangan

Tinatawag na singaw ng panahon

May sariling kodigo/codes o koda

Halimbawa;

Ermat – ina

Erpat – ama

Tomguts – gutom
Dehins – hindi

Keribels – kaya

Besh – matalik na kaibigan

MILENYAL SLANG

Ay ang mga makabagong salitang ginagamit ng mga kabataang tinatawag na “Millennials” sa


kanilang pakikipag-usap sa isa’t isa.

Halimbawa ng mga Milenyal Slang;

OOTD – pinaikling outfit of the day o kasalukuyang suot na damit

BRB – Pinaikling “be right back”

SLR – Pinaikling “sorry late reply”

CARPS – Mula sa salitang carpet – RUG (Are You Game)

SHARKS – Pating – k

SALT – Salin sa Filipino ng salitang asin – as in

TIMBS – Mula sa salitang timba –Bucket –bakit?

SAGS – Pinaikling saging–Peel it – pilit

TBH – Pinaikling “to be honest” (o sa Filipino “sa totoo lang”)

GOALS – Nilalarawan ang bagay na inaasam o hinahangad

AESTHETIC – Nilalarawan ang bagay bilang maganda sa mata

SHOOKT – Nilalarawan ang ekspresyon ng pagkagulat, maaaring Mabuti o masama ang kahulugan
depende sa sitwasyon

UNANG WIKA

Tinatawag ding sinusong wika o inang wika/kinagisnang wika.

Tinatawag din itong katutubong wika.

May simbolong L1.

IKALAWANG WIKA

Tawag sa iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kanyang unang
wika.

May simbolong L2.


MONOLINGGUWALISMO

Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa.

England, France, South Korea, at Japan.

BILINGGUWALISMO

Tumutukoy sa dalawang wika.

Kung nakapagsalita ang isang tao ng dalawang wika na may pantay na kahusayan.

MULTILINGGUWALISMO

Paggamit ng maraming wika.

Pagpapatupad ng mother tongue-based multilingual education o MTB-MLE.

REGISTER: BILANG VARAYTI/BARAYTI NG WIKA

REGISTER

Isang varayti ng wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika.

Tawag sa mga salita o espesyalisadong salita na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang
larangan o disiplina.

Halimbawa:

Larangan o Disiplina

Ekonomiks

Literatura

Mga salita na nabibilang sa bawat larangan

Konsumo

Akda

Kalakal

Prosa
Puhunan

Awit

Pamilihan

Mitolohiya

Pananalapi

Awtor

Produkto

Salaysay

VARAYTI/BARAYTI NG WIKA

Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa.

Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri, at anyo ng salita.

O pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, Gawain,


pinag-aralan, at iba pa.

Uri ng Barayti ng Wika:

DAYALEK

Wikang rehiyonal at kadalasang sinasalita sa mga lalawigan o pook, malaki man o maliit.

SOSYOLEK

Salitang natutuhan sa pakikipagkomunikasyon o sosyal dahil nakabatay ito sa mga pangkat


panlipunan.

Halimbawa nito, wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga
preso, wika ng mga bakla, at ng iba pang pangkat.

Halimbawa: Tol, musta na ‘yung GF mo, oks na ba kayo?

Hoy girl, lamyerda tayo maya, ‘la naman pasok tom.

Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!


IDYOLEK

Pampersonal na gamit ng wika at yunik sa isang indibidwal; o nagsisilbing simbolismo o tatak ng


isang tao.

Kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika at taglay ang pansariling katangian.

Halimbawa: “Magandang gabi, bayan”, Noli de Castro

“Hoy gising”, Ted Failon

“Hindi ka naming tatantanan”, Mike Enriquez

“Di umano’y”, Jessica Sojo

ETNOLEK

Mga wikang nadedebelop mula sa mga etnolingguwistikong grupo.

Halimbawa: wika ng mga Badjao, wika ng mga Mangyan, Wika ng mga Tiboli at iba pa.

EKOLEK

Karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay.

Taglay nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga gumagamit nito.

Halimbawa: Mamita, Lolagets, Papsy , at iba pa

PIDGIN

Tinatawag sa Ingles na nobody’s native language ng mga dayuhan.

Ito ay mga wikang walang pormal na estruktura at nabubuo lamang dahil sa pangangailangan ng
mga tagapagsalita.

Ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na may dalawa ring magkaibang wika.

Sila ay walang komong wikang ginagamit

Umaasa lamang sa sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.

Halimbawa: Ako bili pagkain – Ako ay bibili ng pagkain

Ako kita ganda babae – Nakakita ako ng magandang babae

Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt – Suki, bumili ka ng paninda ko
bibigyan kita ng diskawnt

CREOLE

Ito ang mga barayti ng wika na nadedebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal,
mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay maging pangunahing wika ng partikular na lugar.

Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at
Espanyol (ang Palenguero), at ang halong Portuguese at Espanyol (Annobonese).

Halimbawa: Mi nombre – Ang pangalan ko

Di donde lugar to? – Taga saan ka?


Buenas dias – Magandang umaga

Buenas tardes – Magandang hapon

Buenas noches – Magandang gabi

You might also like