You are on page 1of 20

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
U N A N G K WA R T E R – M O D Y U L 1 M G A
K O N S E P T O N G PA N G W I K A
KONSEPTONG PANGWIKA
NILALAMAN NG MODYUL

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga


konseptong pangwika. Makatutulong ito sa iyo upang
madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa
gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at
lipunan.
MGA LAYUNIN
Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo
mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam
F11PN – Ia – 86;
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika nakapag-uugnay-ugnay ng mga ideya gamit ang
makatwirang lohika . F11PT – Ia – 85. Sa huli, nilalayon ng
kabanatang ito na masuri ang kalikasan at gamit ng wika.
ARALIN 1
ANG WIKA
GAWAIN 1.Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba
magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob
ng bilog.

WIK
A
Gawain 2.
Sa iyong palagay,ano-ano ang sangkap sa mabuti at epektibong
Komunikasyon?

EPEKTIBONG
KOMUNIKASYO
N
Ang Pilipinas ay isang kapuluan.
Binubuo ito ng mahigit pitong libong
pulong nabibilang sa tatlong
malalaking pangkat ng mga pulo sa
bansa: ang Luzon, ang Visayas, at ang
Mindanao. Dahil sa nasabing
kalagayang heograpikal,hindi
maiiiwasang magkaroon tayo ng iba’t-
ibang pangkat ng mga Pilipinong may
kanya-kanyang wika at diyalekto. Ito
ang nagbigay-daan sa napakaraming
wika at diyalektong ginagamit sa iba’t-
ibang bahagi ng bansa.
Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating bansa
ay hango sa Census of Population and Housing (CPH) na isinagawa tuwing
isang dekada ng Philippine Statistics Agency (PSA)

Ayon sa datos ng CPH noong 2000, may humigit-kumulang 150 wika at diyalekto
sa bansa. Tagalog ang nangungunang wikang ginagamit ng 5.4 milyong
sambahayanan; pangalawa ang Cebuano/Bisaya/ Binisaya/Boholano sa 3.6
milyong sambahayan;pangatlo ang Ilocano sa 1.4 milyong sambahayan; pang-
apat ang Hiligaynon/ Ilonggo sa 1.1 milyong sambahayan. Maliban sa mga
nabanggit,ang iba pang wika at diyalektong bumubuo sa sampung pinakagamiting
wika sa bansa ay ang sumusunod:
Bikol,Waray,Kapampangan,Pangasinan,Maguindanao at Tausug.
Ang pinagbatayan sa estadistikang ito ay ang Census of Population
and Housing (CPH) noong 2000 sapagkat ang datos mula sa CPH ng
2010 kaugnay ng wika at diyalekto ay hindi pa nailalathala.
Masasabing hindi perpekto dahil narin sa katagalan ng panahon kung
kailan isinasagawa ang CENSUS subalit mahalaga pa rin ang datos na
ito dahil sa ipinahihiwatig nito ang kalagayaan ng mga wika at
diyalekto sa ating bansa.
WIKA
Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika. Mula
sa pinagsama-samang tunog,simbolo at tuntunin ay nabubuo ang
salitang nakapaghahayag ng kahulugan o kaisipan.
Ang salitang Latin ng lingua ay nangangahulugang dila at wika o
lengggwahe. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na
nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito ay naging language na
siya na ring ginamit na katumbas ng salitang lenggwahe sa wikang
Ingles. Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika at
dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa
dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t-
ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t-ibang posisyon ng
dila.
Henry Gleason:

Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang


tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

BALANGKAS NG WIKA

Salita
Tunog Pangungusa
(Morpema)
(Ponema) p
George Lakoff:
Ang wika ay politika, nagtatakda ng kapangyarihan,
kumukontrol ng kapangyarihan kung paanong
magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan.

Jose Villa Panganiban:


Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin
at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang
magkaunawaan ang mga tao.

Nenita Papa:
Wika ang ginagamit natin upang malayang
maipahayag ang ating iniisip at nadarama.
Pamela Constantino at Monica Atienza

Ang wika ay mahalagang kasangkapan sa pag-unlad


kapwa ng indibidwal at ng bansa.
Archibal A. Hill

Ayon sa kanyang papel na What is Language? Na binanggit sa


aklat ni Alcomtiser P. Tumangan et.al., ang wika ay
pangunahing anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang
mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng
aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na
lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura.
Paz,Hernandez at Peneyra 2003
Ang wika ay tulay na ginagamit para
maipahayag at mangyari ang anumang
minimithi o pangangailangan natin.
Hemphill
Ang wika ayisang masistemang kabuuan ng mga
sagisag na sinsalita o binibigkas na pinagkaisahan
o kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao,at sa
pamamagitan nito’y nagkakaugnay,nagkaka-
unawaan at nagkakaisa ang mga tao
Charles Darwin

Naniniwalang ang wika ay isang sining


tulad ng paggawa ng serbesa o pagbake
ng cake o ng pagsusulat. Hindi rin daw
ito tunay na likas sapagkat ang bawa
wika ay kailangan mo munang pag-
aralan bago matutuhan.
Sapiro

Ang wika ay isang lakas at makataong pamamaraan


ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin,at
hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na
kaparaanang lumikha ng tunog.
Higit sa lahat, walang philologist ang makapagsasabing
ang wika ay sadyang inimbento; sa halip, ito ay marahan
at hindi sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng
maraming hakbang o proseso.
WIKANG PANTURO
Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang
Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng
edukasyon. Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo
upang makaagapay sa akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang
pagkatuto gamit ang wikang panturo. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika
ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas ng 1987, kaugnay ng wikang
panturo na:
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at
ibang pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng panturo sa sistemang pang-edukasyon.”
WIKANG OPISYAL
 
Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa
edukasyon, sa pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya.
Ipinahayag naman sa Artikulo XIV seksyon 7 ng Saligang-batas ng
1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinadhana ang batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa
wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa
pakikipagkomunikasyon at edukasyon. Hangga’t walang batas na
nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito
ng Filipino bilang Wikang Opisyal.

You might also like