Grade 11 (SHS) ___________________________________________________________________________ Inihanda ni G. Werner Galliofen Jr., LPT
Ang wika ay isang kasangkapang nag-uugnay sa mga tao sa isang lipunan.
Ginagamit ito ng mga tao sa araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapwa. Ang dalubwika ay isang taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaniyang kaalaman sa wika. Pinag-aaralan niya ang wika—estruktura, galaw, kahulugan, at pagbabago nito— upang matukoy kung paano ito higit na mapakikinabangan sa mas epektibong pakikipag Mayroon naming mga dalubwika na ang binibigyang pansin ay ang pagsasalin ng isang akda sa iba pang wika Ang wika ay walang isang tiyak na kahulugan. Bawat dalubwika, o linguist, ay may sariling pagpapakahulugan sa wika. Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang dalubwika at propesor sa University of Toronto, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi ng isang kultura sa komunikasyon. Isa namang linguist at semiotician si Ferdinand de Saussure na isa ring kilalang dalubwika. Ayon sa kaniya, ang wika ay pormal na sistema ng mga simbolo na sumusunod sa patakaran ng isang balarila upang maipahayag ang komunikasyon. Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paanong ang dalawa o higit pang penomenon ay nagkakaugnay sa bawat isa. Ang mga teorya ay haka- haka rin ng mga indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng anumang bagay na naitala sa kasaysayan. Ayon sa ilang dalubwika, nahahati sa dalawang pangkat ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1) ang Teoryang Biblikal at (2) ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham. Ang teorya tungkol sa Tore ng Babel ay kilala rin sa tawag na “Teorya ng Kalituhan.” Ang kuwento naman ng Pentecostes ay mababasa sa aklat ng Mga Gawa, kapitulo dalawa, bersikulo isa hanggang 12. Ito ay tungkol sa pagsapit ng banal na espiritu sa mga apostol ni Hesus. Ang Teoryang Bow-wow ay naniniwala na ang wika ay nagmula sa panggagaya o panggagagad ng tao sa mga tunog na nagmumula sa kalikasan. Halimbawa, may mga tunog o salitang nabuo batay sa tahol ng aso o sa lagaslas ng tubig sa ilog. Ang Teoryang Ding-dong ay kilala rin sa tawag na “Teoryang Natibistiko.” Naniniwala ito na ang wika ay nabuo dahil sa pagbibigay-ngalan ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid batay sa tunog na maririnig mula rito. Ang Teoryang Pooh-pooh naman ay naniniwala na dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao ng tunog. Dahil dito, natuto ang tao na makipag-usap sa kagustuhan niyang maipahatid ang kaniyang mga nararamdaman. Ang Teoryang Yo-he-ho ay naniniwala na ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang at magkakasama sa kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Batay sa Teoryang Ta-ra-ra-boom-deay, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang sibilisasyon, sa kanilang mga ritwal at dasal. Ang wika ay arbitraryo. Ibig sabihin, ang mga salita ay nagbabago ng kahulugan batay sa iba’t ibang salik. Isa na rito ang panahon. Ang wika ay bahagi ng kultura. Ang mga salitang nakapaloob sa isang wika ay nagpapakita ng kalagayan ng lipunan. Gayundin, may mga salita na masasabing endemic o natatanging dito lamang ginagamit sa Pilipinas. Ang wikang nasa kategoryang di-pormal ay wikang madalas nating ginagamit. Di- pormal ang wika kapag ito ay ginagamit sa pang-arawaraw na pakikipag-usap. Ang unang antas nito ay tinatawag na kolokyal. Ito ay wikang ginagamit natin sa araw-araw na pakikipag-usap. Hindi rin ito kinakailangang nakasunod sa estruktura at mga alituntunin ng balarila. Ikalawang antas naman ng di-pormal na wika ang balbal. Ito ay mga salitang nagbabago ang kahulugan sa paglipas ng panahon. Madalas din itong naririnig na ginagamit sa lansangan. Ikatlo at huling antas ng di-pormal na wika ang panlalawigan. Ito ay kilala rin sa tawag na diyalekto, o wikang ginagamit sa isang tiyak na pook o lugar. Bawat diyalekto ay may sariling tono at pagpapakahulugan sa mga salitang nakapaloob sa wika. pampanitikan. Ito ay wikang ginagamit natin sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng tula, kuwento, at sanaysay. Dahil dito, ang mga salitang gagamitin ay dapat na piliing mabuti at ang pagsasaayos ng mga ito ay batay sa tamang estruktura at balarila. Ilang halimbawa nito ang mga salitang “lundayan,” “marikit,” at “sinisinta.” pambansa. Itinituring itong pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ang wikang ito sa pamahalaan, paaralan, at sa pakikipagtalastasan. Gaya ng wikang pampanitikan, ang wikang pambansa ay mayroon ding estruktura at nakabatay sa mga alituntunin ng balarila. Bahagi ng wikang ito ang mga salitang “kalayaan,” “edukasyon,” “pulitika,” at “ekonomiya.” Ang Filipino, bilang wikang pambansa ng Pilipinas, ay sumisimbolo at kumakatawan sa pambansang pagkakakilanlan, pagkakaisa, at pag-unlad. Ito ay mahalagang sangkap para sa pambansang kagalingan. Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa ang bawat bansa sa mundo. Ang wikang pambansa ay ang wikang itinalaga ng isang bansa na gagamitin ng mga mamamayan nito at magiging daluyan at representasyon ng pambansang identidad at kultura nito. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Artikulo 14, Seksyon 6 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Mula noon, ito na ang wikang pauunlarin at pagyayamanin para maging isang dinamiko at buhay na wika sa bansa. Ang wikang panturo ay ang wikang itinalaga para gamitin sa mga paaralan sa bansa. Ibig sabihin, ito ang pormal na wikang ginagamit sa pagtuturo upang matiyak na nauunawaan at natututuhan ng mga mag-aaral ang mga araling tinatalakay sa loob ng silid-aralan. Mahalaga na mayroong tukoy na wikang panturo upang matiyak ang pagkatuto at pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag- aaral. Ang wikang panturo ay itinatadhana ng batas, ginagamit ito sa pagpapadaloy ng mahahalagang kaalaman at impormasyon sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas. Sa usapang legal, ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo ay nakasaad sa Artikulo 14, Seksyon 7 ng 1987 Saligang Batas. Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ipinakilala sa mga Pilipino ang pampublikong sistema ng edukasyon. Dito, lahat ng batang nasa tamang gulang na ay maaaring makapag-aral sa mga paaralang ipinatayo ng pamahalaang kolonyal. Ang mga unang guro noon ay mga Amerikano, tinawag na mga Thomasites. Sa panahon naman ng Pamahalaang Komonwelt, sinimulang gamitin ang itinakdang wikang pambansa bilang wikang panturo. Dahil wikang Tagalog ang itinalagang batayan ng wikang pambansa, Tagalog rin ang naging wikang panturo. Sa pamamagitan ng Department of Education Order No. 79, Series of 2009, opisyal na ipinakilala ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTB-MLE. Batay naman sa Department of Education Order No. 16, Series of 2012, inilista ang 12 wika, liban sa Filipino at Ingles, bilang wikang panturo. Ang mga ito ay Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Tagalog, Bikol, Hiligaynon, Cebuano, Waray-waray, Chavacano, Maguindanaoan, Tausug, at Maranao. Sa pamamagitan naman ng Department of Education Order No. 28, Series of 2013, dinagdagan ng pitong wika ang mga wikang bahagi ng MTB-MLE. Ang mga dagdag na wika ay Ibanag, Ivatan, Sambal, Akeanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon. Ang wikang opisyal ay tumutukoy sa wikang itinatadhana ng batas sa opisyal na komunikasyon sa loob at labas ng mga ahensya ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang pangunahing daluyan ng komunikasyon ng gobyerno sa kaniyang nasasakupan. U Ginagamit ng pamahalaan ang wikang opisyal sa lahat ng opisyal na transaksyon at pakikipagtalastasan ng pamahalaan sa kaniyang nasasakupan o sa iba pang pakikipag-ugnayan. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggang walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Espanyol at Arabiko Ang lingua franca ay kilala rin sa tawag na interlingua. Ito ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng tao o grupo ng tao na may magkakaibang unang wika upang makapag-usap o magkaintindihan Sa Pilipinas, mayroong tinatayang 180 ang umiiral na wika. Magiging mahirap ang sitwasyon ng pakikipagtalastasan kung walang lingua franca dahil hindi magkakaintindihan ang maraming Pilipino. Maaaring magdulot ito ng hindi pagkakaunawaan. Kung gayon, mahalaga na magkaroon tayo ng iisang wika na gagamitin upang magkaunawaan—ang Filipino (batay sa Tagalog). Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 na nilagdaan ni Pangulong Manuel Quezon. Noong 1959, sa bisa naman ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 7 na nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon, ang wikang pambansa ay tatawagin nang “Pilipino” bilang pinaikling “Wikang Pambansang Pilipino.” Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng Pilipinas 1987, “…ang pambansang wika ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Ayon naman sa Seksyon 7 ng naturang artikulo, “ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.” Bilingguwal ang sinumang tao na may kakayahang gumamit ng dalawang wika. Ang bilingguwalismo naman ay nangangahulugang malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pakikipagtalastasan. Isa pa ring katotohanan na may mga taong higit sa dalawang wika ang kayang gamitin. Ang mga taong kagaya nila ay tinatawag na multilingguwal. Multilingguwalismo naman ang tawag sa sitwasyon kung kailan higit sa dalawang wika ang ginagamit ng tagapagsalita sa pakikipagtalastasan, pagtuturo, at pag- aaral. Ang wika ay nagbabago, dahil ang wika ay sumasabay rin sa panahon. Makikita natin ito sa pagkakaiba-iba ng wika ayon sa katangian ng nagsasalita, lipunang kinabibilangan, at heograpikong komunidad. Ang pagkakaiba-iba na ito ay tinatawag nating barayti ng wika Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng baryasyon ng wika ay dahil bunga ito ng pangangailangang tumugon sa hinihingi ng iba-ibang sitwasyon o konteksto. Ang paggamit ng wika sa partikular na konteksto ay nakabatay rin sa mga alituntuning sinusundan ng grupo o komunidad na gumagamit ng wika. Klasikong Pilosopiya Sang-ayon sa pangkalahatang paniniwala ng klasikong pilosopiya sa lahat ng bagay sa mundo, ang wika ay itinuturing na biyayang galing sa Dakilang Lumikha. Emperisismo at Rasyonalismong Pilosopiya Batay naman sa obserbasyon ng mga emperisista at rasyonalista, nagbabago ang wika ng iba-ibang grupo ng tao batay sa lugar, panahon, at kinabibilangang grupo. Nabuo ang teorya na ang wika ay iniimbento at pinauunlad ng tao. Ang pangunahing dahilan ng pag-iimbento at pagpapaunlad ng wika ay paglilipat ng kaalaman. Sosyo-lingguwistiko Nabuo ang unang grupo ng mga sosyo-lingguwistiko mula sa mga emperisista at rasyonalista. 1. Ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita; umiiral lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat. 2. Ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng indibidwal ayon sa isang sistema ng mga alituntunin, kundi isang kolektibong puwersa. 3. May dalawang direksiyon ang pagbabago ng wika, dimensiyong sosyal at dimensiyong heograpikal. Ang dayalekto ay barayti ng wikang nabubuo sa heograpikal na dimensiyon. Hindi ito hiwalay na wika, nagkakaiba lamang sa punto, bokabularyo, at sintaks. Ang sosyolek ay barayti ng wikang nabubuo sa sosyal na dimensiyon. Ayon sa aklat ni Ocampo (2002), ang sosyolek ay baryasyon ng wikang ginagamit sa speech communities ayon sa uri, edukasyon, pinagkakakitaan, edad, at iba pang panlipunang sukatan. Ang idyolek ay ang personal na paraan ng paggamit ng wika. Nakabatay ito sa indibiduwal na katangian ng taong gumagamit nito. Katulad ito ng fingerprints na natatangi at walang katulad. Ayon muli kay Ocampo (2002), ang tinig at pisikal na kalagayan ang mga dahilan ng idyolek ng tao Register ang tawag sa espesyal na wika ng isang partikular na larangan. Mayroong register ng wika ang iba-ibang propesyon, at nakikilala ito ayon sa larangan o field na kinabibilangan nito. Ang Pilipinas ay may 17 rehiyon. Sa buong bansa naman ay mayroong mahigit sa 100 wika ang ginagamit ng mga tao. May kani-kaniyang katangian ang bawat wika. Ngunit sa kabila nito, bilang instrumento sa pagkakaunawaan ay nagtataglay ng pagkakatulad ang mga wikang ito. Masasabing mayroong parehong homogeneous at heterogeneous na katangian ang mga wika sa ating bansa. Ang salitang homogeneous ay mula sa mga salitang Griyego na homo, na nangangahulugang "isa;" at genos, na nangangahulugang "uri” o “lahi." Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga ng paggamit ng iba-ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, edad, kasarian, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pa. Dayalektong Heograpikal Barayting bunga ng lugar kung saan isinilang o nakatira ang tagapagsalita. Dayalektong Temporal Barayting bunga ng panahon kung kailan ginagamit ang wika ng tagapagsalita. Unang wika ang tawag sa wikang unang natutuhang gamitin ng isang tao magmula sa kaniyang pagkabata o sa isang kritikal na yugto ng pagkatuto hanggang sa umabot sa puntong bihasa na siyang gamitin ang wikang ito. Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) Isa sa mga pagbabagong hatid ng bagong kurikulum na kilala sa tawag na K-12 program ay ang Mother Tongue-Based Multilingual Education. Ito ay nakatuon sa Kindergarten at una hanggang ikatlong baitang sa elementarya. Layunin ng MTB-MLE na ang lahat ng mga bata ay mahusay nang magsulat at magbasa pagsapit ng unang baitang. First- language-first ang isinusulong ng MTB-MLE. Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos maging bihasa sa kaniyang unang wika. May tatlong pangunahing perspektiba o pananaw sa pagtuturo ng pangalawang wika, ito ang lingguwistika, sosyolingguwistiko, at pulitikal/ideolohikal Lingguwistikong Perspektiba Sa tradisyonal na pananaw, pinaniniwalaang ang pinakamainam na paraan upang matuto ang isang tao ng anumang wikang hindi niya unang wika ay sa pagkatuto ng mga salita. Sosyolingguwistikong Perspektiba Naninindigan ito na mahalagang maunawaan ang ugnayan ng pag-aaral, paggamit ng pangalawang wika, at ng kontekstong panlipunang kinabibilangan nito Pulitikal/Ideolohikal na Perspektiba Ang perspektibang ito ay nakatuon sa wika bilang tagapagdala ng ideolohiya, pananawmundo (worldview), kulturang banyaga, at relihiyon.