You are on page 1of 175

KABANATA I

Filipino bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan at Wika ng


Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan

Panimula

Ang kabanatang ito ay ang pagtalakay sa rasyonal ng pag-usbong ng


Wikang Pambansa. Ayon nga sa Banal na Kasulatan, Juan 1:1 “Nang hindi pa
nailuwal ang sanlibutan, mayroon ng salita. Ang salita ay kasama ng Diyos, ang
salita ay Diyos”. Nagsimula ang lahat sa salita. Mula nang natuklasan ng tao
ang eksklusibong katangiang ito na kaloob ng Maykapal, gumanap na ito ng
napakahalagang papel sa kanyang buhay.
Mapag-aaralan mo sa unang modyul ang tungkol sa wika. Pahapyaw na
tatalakayin sa bahaging ito ang kalikasan, tungkulin at mga kalagayan ng wika
sa kasalukuyan. Batid ng mga may-akda ng modyul, madami at malawak na
ang iyong kaalaman pagdating sa wika dahil na pag-aralan na ninyo ito noong
kayo’y nasa senyor hayskul.
Ngunit, may malaking kaugnayan ang wika sa tagumpay o kabiguan ng
isang tao. Bahagi rin nito ang paglalahad ng mga naging hakbang upang ang
mga unang Wika, ang Wikang Pambansa at maging mga dayuhang wika sa
bansa ay nagpakulay sa pagpapatatag ng Filipino upang mapatunayang ito ang
wika ng bayan at ng akademya. Sa huli, napalutang sa aklat na napapanahon
nang gamitin ang Filipino sa pananaliksik at iba pang literatura, maging opisyal
na mga transaksiyong pasulat sapagkat may mga kongkretong teksto gaya ng
tesis, akdang pampanitikan, anunsiyo, paskil, artikulo at iba pa na patunay na
magbabantayog sa gamit ng Wikan Pambansa.
Ang pag-aangkin ng iba’t ibang antas ng kaalaman at kasanayang
kaugnay nito ay maituturing ding sanhi ng iba’t ibang antas ng tagumpay o
kabiguan ng mga tao. May mga eksperto ang nagsasabing “Ang limitasyon ko
sa wika ay limitasyon ko sa mundo- Ludwig Wittgenstein”. Pansining karamihan
o hindi man lahat sa mga matatagumpay na tao sa lipunan ay may mataas na
kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa pagpapahayag.
Inaasahan ng mga awtor ng modyul na ito na makatutulong ang
anumang impormasyon na matutuhan sa modyul na ito sa ganap na pag-unawa
at pagkatuto ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina.

Pangkalahatang Layunin
1. Matalakay ang papel ng Filipino bilang wikang pambansa, wika ng
akademya, wika ng saliksik at iba pang larangan.
1. Mapahalagahan ang ugnayan ng wika bilang pagpapatibay at
pagpapalakas ng identidad at pambansang kaunlaran sa pamamagitan
ng pananaliksik.

2. Makasulat ng teksto na may kaugnayan sa wikang Filipino bilang


daluyan ng makabuluhang antas ng diskurso

2. Maipaliwanag ang ugnayan at tungkulin ng wikang Filipino na nakaugat


sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

Aralin I: Filipino Bilang Wikang Pambansa

Panimula

Ang mabuting karunungan ng nakaraan at ngayon at tanda ng


pagsasapraktika ng wikang gamit sa kasalukuyan, ito’y sapagkat ang wika at
kultura ay repleksyon ng isa’t isa. Ang labis na pagkiling sa nakaraan ay
maaaring maging hadlang sa progreso ng isang bayan; gayong ang malabis na
pagkiling sa kasalukuyan ay magiging tanda ng paghanap sa kaakuhan; ngunit
tinuruan na nang marami na ang “di lumingon sa pinanggalingan ay walang
patutunguhan at sa huli, sa alikabok ang hantungan.
Isang katotohanan na hindi mapasubalian ang paraan ng paggamit ng
wika ay maaaring magbunga ng pagbabago sa isip, damdamin at maging sa
gawi ng mga tao. Sa madaling sabi ang wika ay may taglay na kapangyarihan.
Maaari itong magpakilos sa tao at lipunan. Maaari nitong baguhin ang
kasaysayan. Maaari nitong salaminin ang nakaraan, ilarawan ang kasalukuyan
at balangkasin ang kinabukasan.

Mga Tiyak na Layunin


2
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang papel ng Filipino bilang wikang pambansa, wika ng
akademya, wika ng saliksik at iba pang larangan;
2. Naisa-isa ang mga kaisipang pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
3. Nakasusulat ng teksto batay sa pagtataguyod ng wikang Filipino
bilang wikang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng
diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.

Pagtalakay

A. Kalikasan Ng Wikang Filipino Bilang Wikang Pambansa

Linawin natin ang probisyong pangwika sa ating Konstitusyon, ganito


ang isinasaad sa Artikulo X1V, seksyon 6: “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Bigyang-diin natin ang sinasabi ng Konstitusyon:
Una, malinaw kung ano ang tawag natin sa wikang Pambansa ng Pilipinas, at
ito ay Filipino. Ikalawa, ang wikang Filipino ay nasa proseso pa rin ng
paglinang. Ikatlo, may dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman
sa wikang ito, (1) Ito ay ang umiiral na wikas sa ating bansa o ang mga
diyalekto, (2) Ang iba pang wika mga wika o ang mga wikang dayuhan na
nakaiimpluwensya sa ating kabihasanan tulad ng Ingles, Intsek at iba pa.
Ngunit ano ba ang pormal na deskripsyon ng Filipino bilang wikang
Pambansa? Makatutulong sa atin ang pagsangguni muli ang Resolusyon 96-1
ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ito ang batayang deskripsyon ng Filipino ayon
sa KWF: Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas
bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang
wikang buhay, Ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga ‘di katutubong
wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang
sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

3
Sa deskripsyon ng KWF, ipinagdidiinan na ang wikang Filipino ay buhay
at dahil nga buhay, ito ay tinatawag na dinamiko. Pansinin natin ang proseso ng
paglinang ayon sa nakasaad sa resolusyon. Bigyang diin natin ang pariralang
“sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga ‘di
katutubong wika”. Totoo naming nanghihiram ang wika natin sa mga ‘di
katutubong wika o mga wikang dayuhan lalo na para sa mga konseptong
walang direktang katumbas sa ating wika. Ngunit kaiba sa karaniwang
panghihiram ng mga bagay, sa panghihiram ng wika ay inaari na rin nating
sariling atin ang mga salitang ating hiniram na maaaring walang pagbabago o
may pagbabago sa baybay. Hiram sa Ingles ang salitang kompyuter, tax, fax,
cellphone at marami pang iba, ngunit Filipino rin ang mga ito. Gayundin ang
tsuper, kudeta mula sa prances; ang pansit, siopao, lomi mula naman sa Intsik;
acquarium, gymnasium, modus operamdi mula naman sa Latin; at silya, libro,
kubyertos, sibuyas at iba pa na mula naman sa Kastila. Itinuturing na ring
Filipino ang mga salitang ito at marami pang iba. Hindi na natin kailangang
ibalik ang mga ito sa wikang ating pinaghihiraman, sapagkat hiram man ay
inangkin na rin natin.
Hindi na rin kaila sa atin ang pagpasok sa Filipino ng mga bokabularyong
mula sa mga wika sa ating bansa tulad ng jihad (muslim), buang (Bisaya),
gurang (Bisaya), hinayhinay (Ilonngo), Manong/Manang (Ilocano), paghigugma
(Ilonggo), pinakbet (Ilocano) at marami pang iba.
Sa isang artikulo ni Virgilio Almario, nabanggit niyang paborito niyang
halimbawa ang salitang katarungan n amula sa salitang taron (Cebuano).
Ngunit mapupuna sa resoslusyon ng KWF ang sinasabing panghihiram
bilang proseso ng paglinang sa mga salitang ito n amula sa mga wika sa iba’t
ibang panig ng ating bansa. Hindi natin hinihiram ang ano mang bagay na atin
naman. Kung ang salita, kung gayon ay galing sa Mindanao, Visaya o sa Hilaga
o Katimugang bahago ng Luzon, hindi iyon hiniram ng Pilipino sapagkat atin din
naman ang mga wikang pinagmulan niyon. Samakatwid, mas akmang gamitin
ang salitang pag-aambag sa halip na panghihiram.
Batay sa Saligang Batas noong 1987, Ang Filipino ay hindi na Pilipino na
batay sa Tagalog (Kautusang Pangkagawaran Bilang 7, Kagawaran ng
Edukasyon). Ngunit, kailangang linawain na hindi rin ito ang pinanukalang
amalgamasyon o pantay-pantay na representasyon ng lahat ng wika sa
4
Pilipinas. Demokratiko man, imposible ang konseptong ito ni Demetrio Quirino,
Jr. (Almario;sa Bernales, et al., 2006). Ginawa na ito sa Europa noon pa.
Lumikha sila roon ng isang artipisyal na wika mula sa pagsasama-sama ng mga
salita ng halos lahat ng wika sa Europa at tinawag nila iyong Esperanto.
Namatay ang wikang ito bago pa man isilang dahil walang tumangkilik o
gumamit nito (Bernales; sa Tumangan, et. Al., 2000).
Linawin natin, ano ang kaibahan ng Filipino sa Tagalog at Pilipino?
Tagalog ang wika sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite,
Mindoro, Marinduque, ilang bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Princesa at maging
sa Metro Manila. Kung gayon, ang Tagalog ay isang wikang natural at may mga
katutubo itong tagapagsalita. Isa rin itong partikular na wika na sinasalita ng isa
sa mga etnolinggwistik na grupo sa bans ana tinatawag ding Tagalog
(Constantino; sa Bernales; et.al., 2002).
Pumasok noong 1959 ang pangalang Pilipino bilang wikang Pambansa.
Bunga ito ng kalituhang ibinunga ng pagbatay sa wikang Pambansa sa Tagalog
noong 1937. Naging madalas ang pagtukoy sa wikang pambasa mula noon
bilang Tagalog na isa ngang pagkakamali. Kaya sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 59, itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambasa,
ito ay tatawaging Pilipino. Ngunit lumalabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa
estruktura at nilalaman. Samakatwid, ang Pilipino ay isang mono-based
national language. Noon walang pagkakataon ang mga ‘di Tagalog na maging
bahagi ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino. Naging labis na pyurista
rin ang mga talibaba nito. Kaya sa mga eskwelahan noon, mas tama ang aklat
kaysa libro; ang takdang aralin kaysa asaynment; mag-aaral kaysa estudyante,
pagsusulit kaysa eksam; Pamantasan kaysa unibersidad; dalubhasaan kaysa
kolehiyo at iba pa. Tinawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na Tagalog Imperialism
na nagbunga ng mga negatibong reaksyon sa mga ‘di Tagalog.
Sa kasalukuyan, hindi tama ang argumentong ang Filipino ay tagalog
din. Matagal na itong nasagot ng mga saliksik sa linggwistika. Wika nga ni
Almario (sa Bernales, et.al., 2006), hindi lamang natin iniintinding Mabuti.
Samantalang may mga miskonsepsyon pa rin sa wikang Filipino na kailangan
natin linawin. Ang pangalang Filipino na ating wikang Pambansa ay hindi galing
sa ingles na Filipino na tawag sa ating mga mamamayan ng Pilipinas. Hindi rin
isang akomodasyong pampolitika ang pagbabago ng pangalan ng wikang
5
Pambansa mula sa Pilipino sa Filipino. Maaaring napahinahon nga nito ang
mga rehiyonalistang anti-Pilipino, pero higit pa roon ang dahilan ng pasyang
pagpapalit ng P sa F. Kinakailangang gawin iyon upang magkaroon ng
kongkretong sagisag ng modernisasyong pinagdaraanan ng ating wikang
Pambansa, tulad ng pagdaragdag ng walong titik sa alpabeto at ang paglinang
ditto salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Mga
pagbabago itong kaiba sa pambansang wikang Pilipino. Sa pamamagitan ng
pagpapalit ng P sa F, nakakaptyur ng Filipino ang bagong konsepto ng wikang
pambansang nililinang salig sa Tagalog lamang kundi maging sa iba pang mga
wikang katutubo, kasama ang ingles, kastila at iba pang nakaiimpluwensya sa
ating kabihasnan.
Ano kung gayon, ang pinakaesensyal na konsepto ng wikang Filipino?
Ang sagot sa tanong na ito ay walang iba kundi ang pagiging
pambansang lingua franca nito. Ito ang nagsisilbing pangalawang wika ng higit
na nakararami sa buong bans ana ating ginagamit sa pakkipagkomunikasyon
sa isa’t isa lalo na sa mga syudad, kahit pa mayroon tayong kani-kaniyang
katutubo at unang wika gaya ng Cebuano, Ilocano, Pampanggo, Tausog,
Kalinga at iba pa. Dahil sa lingua franca at pangalawang wika, nabubuo ang
barayti nito bunga ng impluwensya ng ating kani-kaniyang unang wika sa
paggamit nito. Mga barayti itong bunga ng demensyong heograpiko, kung kaya
maaaring magkaroon ng Iloco barayti ng Filipino, Cebuano barayti, Mindanaon
barayti at iba pa.
Ang huling talata ng isang artikulo ng Dr. Virgilio Almario (sa Bernales,
2006) ay isang mahusay na paglalarawan sa esensyal ng wikang Filipino bilang
isang pambansang lingua franca:
Nasa kalooban ngayon ng Filipino ang paglinang sa “sanyata” at
“ranggay” ng Iloco, sa “uswag” at “bihud” ng Visaya, sa “santing” ng
Kapampangan, sa “laum” at “magayon” ng Bikol at kahit sa “buntan” ng
Butuanon at sa “suyad” ng Manobo. Samantala’y hindi ito hadlang sa
madaliang pagpasok ng “shawarma,” “sashimi,” “glasnost,” “perestroika,”
“shabu.” “megabytes,” “coliform,” “odd-even,” at iba pang idaragsa ng “satelayt”
at “fax” ng globalisasyon.

B. Tungkulin ng Wikang Filipino


6
Ang bahagi ng aralin na ito ay tungkol sa “Filipino bilang Wika ng
Pambansang Kaunlaran: Retorika o Realidad?” Ito ay bahagi ng talumpati ni
Bernales (20150 na kanyang binigkas sa Lyceum University sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Pambasa, halaw mula sa aklat (sa Bernales, et al, 2019).
Ang kasunod na pagtalakay ay bahagi lamang ng kanyang talumpati.
Noong 1972, isang pananaliksik ni Jonathan Pool ang inilathala sa
Ikalawang Bolyum ng Advances in the Sociology of Lanuage (Joshua Fishman,
Ed.,1972). Ang haypotesis ni Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay
nakasagabal sa kaunlarang pang-ekonomiya ang pagkakaiba-iba sa wika.
Ginamit na datos ni Pool ang praksyon ng populasyon ng pinakamalaking
katutubong pangkat-wika mula sa isandaan tatlumpu’t tatlong (133) bansa.
Iniugnay niya ang mga datos na nakalap sa Gross Domestic Product (GPD) per
capital in USD ng bawat mamamayan kada taon. Ang ugnayan sa pagitan ng
dalawang baryabol ay kinatawan niya sa pamamaraang grapikal na tinatawag
na scatterplot. Sa kanyang grap, ikinalat niya ang mga bansa batay sa linguistic
diversity at GDP ng bawat isa. Samatwid, mas-linguistically diverse ang bansa,
mas nasa kaliwa ang pagkaka-plot sa bansa (further to the left).
Ipinaliwanag ni Pool (1972) ang kanyang kongklusyon sa ganitong
paraan:
“Language diversity of one sort or another is held to cause the
retardation of development, both political and economic. Language diversity…
aggravates political sectionalism; hinders inter-group cooperation, national
unity…; impedes…political support for authorities…and political participation;
and holds down governmental effectiveness and political stability. Similarly, it is
said that language diversity slows economic development, by for example,
braking occupational mobility, reducing the number of people available for
mobilization into the modern sector of the economy, decreasing efficiency, and
preventing the diffusion of innovative techniques”.
Ang mga tuklas ni Pool (1972) ay tumutugma sa mga obserbasyon sa
naunang artikulong isinulat ni Joshua A. Fishman (1968). Ganito ang inilahad ni
Fishman sa kanyang artikulo:
“Linguistically homogeneous polities are usually economically more
developed, educationally more advanced, politically more modernized, and
ideologically-politically more tranquil and stable…concerning the causal relation
7
between language diversity and development…the usual explanation gives
developmental processes as causes of increased linguistic (and other)
homogenization, but that language diversity may also hinder (while language
unity helps) development.
Simple ang paliwanag ni Fishman (1968) kung bakit, “aniya, countries of
diverse linguistic composition face a special hurdle in development. Ganito ang
aking salin sa pahayag na iyon : Ang mga bansang may iba-ibang
komposisyong lingwistika ay naghaharap sa natatanging sagabal sa kaunlaran.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig. Ayon nga
sa pag-aaral ni Constantino (1972), may higit na apat na raang (400) wikain o
diyalekto ang sinasalita ng iba’t ibang linggwistiks at etnik na pangkat sa buong
kapuluan. Dahil dito, ang ating bansa ay naharap sa tinatawag ni Fishman
(1968) na special hurdle in development o natatanging sagabal sa kaunlaran.
Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit pinasusumikapan ng ating mga
ninunong tayo ay magkaroon ng isang wikang pambansang magbibigkis sa
ating lahat, isang wikang pambansang magiging simbolo ng ating pagkakaisa.
Sapagkat kapalaran na ang nagtakda ng ating linguistic diversity, naging
layunin ng ating mga ninuno ang unity in diversity. Dahil dito, dalawa sa tatlong
paksa ang tinutukoy ni Sibayan (1994) na mahalaga para sa pagpaplanong
pangwika. Ang mga ito ay ang pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng
pagkakaisa at pagkakakilanlan, at preserbasyon ng mga bernakular wika ng
Pilipinas. Samakatwid, malinaw na hindi layunin ng pagpapaunlad ng wikang
Filipino ang pagkitil sa ating mga diyalekto. Sa katunayan, sa ating Saligang
Batas ay isinasaad na ang Filipino ay patuloy na lilinangin at payayabungin
salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas (ARTIKULO X1V, sek.6). Ito ang
pinakaesensyal ng pakakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Sa kasalukuyan,
ginagampanan ng wikang Filipino ang mahalagang tungkulin ng wikang
Pambansa ayon kay Garvin (1974):
“The standard language serves to unify a larger speech community in
spite of dialect differences…A national language is characterized by the
unifying…function, provided the national language has arisen naturally or has
chosen judiciously by authorities…”
Sa larangan ng pagpapaunlad ng bansa, may tungkulin bang
ginagampanan ang wikang Filipino? Malinaw ang tinutumbok ng pag-aaral na
8
may kinalaman ang wika sa pag-unlad o hindi pag-unlad ng bansa. Ang tanong
ay totoo ba ito sa wikang Filipino at sa bansang Pilipinas? Upang masagot ito,
makatutulong kung muling pagsangguni sa mga diskusyon ng mga komisyoner
na bumalangkas ng ating Saligang Batas noong 1986.
Ganito ang sinabi ni Komisyoner Ponciano Benaggen (sa Journal of
Constitutional Commission, 1986) noong tinalakay ang panukalang probisyong
pangwika sa ating Saligang Batas:
These are arguments for deciding that a national language is a kind of
national symbol. But in the proposal, we mean Filipino, not merely as a national
symbol, not merely as an instrument for national identity and national
unification, but also as an instrument for national growth and development.
Ang gayong pagkilala sa wikang Pambansa bilang wika ng pambansang
kaunlaran ay hindi rin minsang inalingawngaw at pinaninindigan ni Komisyoner
Wilfrido Villacorta (sa Journal of Constitutional Commission, 1986). “Aniya,
mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng wikang Pambansa upang mapabilis
ang kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong
pag-unlad at pagbubuo ng nasyon (salin ng may akda).
Binigyang-diin din ng mga komisyoner ang kahalagahan ng wikang
Filipino sa pagsasakatuparan ng iba pang mithiing kalaunan ay isinaad sa
Saligang Batas mismo gaya ng nasyonalismo, kaalamang siyentipiko at
teknikal, pambansang industriyalisasyon, at iba pa- mga mithiing imposibleng
abutin kung mahina ang wikang Pambansa. Kaya nga sinabi ni Benaggen (sa
Jounal of Constitutional Commission, 1986):
We are saying that the state shall foster nationalism and, therefore, we
need to have a national language in the same manner that we need a national
flag and some other things that we associate ourselves with in the pursuit of
national identity and national unity. We are also saying that the state shall foster
creative and critical thinking; broaden scientific and technological knowledge;
and develop a self-reliant and independent economy to industrialization and
agricultural development. We have also said earlier that we shall have a
consultative government and that people’s organization shall be protected in
terms of their right to participate more fully in the democratic processes. In all of
these, we need to have a unifying tool for communication which is, of course,
Filipino.
9
Matapos ang mga nabanggit na talakayan sa Konstitusyonal na
Komisyon noong 1986, isinatitik ang probisyong pangwika sa ating Saligang
Batas sa Artikulo XIV, Seksyon 6 hangggang 9; at ang nasabing Saligang Batas
ay pinagtibay ng sambayanan noong 1987. Ngunit, bago iyon ay tila may
pagbabala si Komisyoner Minda Luz Quesada (sa Journal of Constitutional
Commission, 1986), ‘Aniya: “Hangga’t hiindi isinakongkreto sa pamamagitan ng
paggamit nito (ng wikang Pambansa) sa instruksyon at sa gobyerno ay
talagang empty rhetoric na naman iyan dahil ang istorya noong mga nakaraang
taon. Naroon na iyon sa ating Konstitusyon, pero hangga’t hindi isinasagawa ito
sa ating ordinaryong araw-araw na buhay, sa loob ng gobyerno, sa
administrasyon, at saka sa ating edukasyon, sa palagay ko lahat ng iyan ay
rhetoric na naman.
Ilang dekada, matapos pagtibayin ang ating Saligang Batas, marami
nang nagawa kaugnay ng pagpapatupad ng wikang Filipino, ngunit ang
Pilipinas ay mahirap na bansa pa rin. Samakatwid, kung totoo ang haypotesis
nating “may kinalaman ang wika sa pagpapaunlad ng bansa at May kinalaman
ang Wikang Filipino sa pagpapaunlad ng Pilipinas, hindi marahil kalabisang
sabihing napakarami pang dapat gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino
nang sa gayo’y lubos itong makaganap sa tungkuling kaugnay ng pambansang
kaunlaran, liban pa sa tungkuling ginagampanan nito bilang pambansang
simbolo, at instrumento ng pambansang identidad o pagkakakilanlan at
pagkakaisa”

C. Mga Sitwasyong Pangwika


Halos isang siglo na nang simulang buoin at paunlarin ang Filipino,
nananatili ang posisyong mapaggiit nito. Bukod sa politika na pagpaplanong
pangwika sa Pilipinas, sari-saring hamon ang kinakaharap nito sa gitna ng
pagbabago ng panahon at modernisasyon ng lipunan. Napapanahong patuloy
na suriin ang kalagayan ng wika bilang isang penomenong panlipunan kaugnay
ng kalagayang pangk-ekonomiya at pampolitika ng Pilipinas. Ang mayamang
kultura, kasaysayan at makulay na politika sa bansa ang nagbubunsod ng
pagbabago sa sitwasyon ng polisiyang pangwika sa edukasyon at iba pang
aspekto ng lipunan (Hinalaw sa aklat ni Bernales, et.al., 2019 na may pamagat
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina).
10
1. Multilingguwal at Multikultural ang Pilipinas.
Arkipelogo ang ating bansa kung kaya’t ang katangiang heyograpikal nita
ang nadudulot ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura. Mahigpit na
magkakaugnay ang wika at kultura kung kaya’t nasasalamin sa wika ang ano
mang katangiang pisikal at kultural ng bansa.
Ayon sa pag-aaral ni McFarland (2004), may lagpas isang daang
magkakaibang wika ang Pilipinas samantalang sa tala ni Nolasco (2008) ay
mayroong humigit-kumulang 170 iba’t ibang wika sa iba’t ibang pulo ng
Pilipinas. Ayon din kay Nolasco (2008), batay sa sensus noong 2000, ang
pinakalaganap na mga wika sa Pilipinas batay sa dami ng taal na tagapagsalita
ay Tagalog na may 21.5 milyon, Cebuano na may 18.5 milyon, Ilocano na may
7.7 milyon, Hiligaynon na may 6.9 milyon, Bicol na may 4,5 milyon, Waray 3.1
milyon, Kapampangan na may 2.3 milyon, Pangasinan na may 1.5 milyon,
Kinaray-a na may 1.3 milyon, Tausog na may 1 milyon, Maranaw na may 1
milyon at Maguindanaon na may 1 milyon. Ang mga nabanggit na wika ay
itinuturing na mayoryang wika sapagkat relatibong mas malaking bilang ng tao
ang nakauunawa at gumagamit nito kaysa sa iba pang rehiyonal na wika ng
bansa.
Bukod sa mga rehiyonal na wika sa Pilipinas, laganap na rin ang
paggamit ng Filipino bilang lingua franca ng bansa. Ipinakikita ng datos na 65
milyon mula sa kabuoang 76 milyong mga Pilipino o 85.5 % ng kabuoang
populasyon ay may kakayahang magsalita ng pambansang wika (Gonzales,
1998). Itinuturing din ang wikang ingles bilang pangunahing ikalawang wika.
Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Social Weather Station (sa Gonzales,
1998) noong 1994, 74% ang nagsabing nakaiintindi sila ng wikang ingles kapag
kinakausap sila gamit ito.
Sa kalagayang higit isang daan ang mga rehiyonal na wikang ginagamit sa
bansa, malaki ang hamon na makabuo ng pangkalahatang polisiyang
pangwika na makatutugon sa pangangailangan ng lahat ng etnolinggwistikong
grupo. Malaki ang pangangailangang tupdin ang atas ng Konstitusyon na
paunlarin at payabungin ang isang wikang Pambansa, salig sa mga umiiral na
wikang katutubo sa Pilipinas.

11
Ang Multilinggwal na Pilipinas at Iba pang Multilinggwal na Bansa
Ang Pilipinas na isang arkipelago ay binubuo ng humigit-kumulang
pitong libo at walumpu’t tatlong mga pulo, na may matatayog na kabundukan at
malalawak na kapatagan na naging dahilan sa pagkakaroon ng napakaraming
wika at wikain. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino na binanggit sa papel nina
Pamela Constantino et al., may mahigit na isandaang (100) wikain ang
matatagpuan sa Pilipinas. Ang kalagayang kapuluan ng Pilipinas ang
masasabing pisikal na sagabal as pagkakaroon ng iisang wika nito. Ang
pagfkakaroon ng iba’t ibang mga nananahanan sa mga pulo ay natural na
magbubunsod sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika’t wikain dahil na rin sa
pansariling kalinangang tinataglay. Idinidikta ng topograpiya ang pagiging
multilinggwal ng Pilipinas.
Pinatibay ang pagiging multilinggwal ng bansa nang sinisikap nitong
patatagin ang pakikipag-ugnayang panloob at panlabas-bansa, gayundin nang
kolonisahin ang Pilipinas ng iba’t ibabg mga bansa bunsod ng
pangangailangang politikal. Tunay na may epekto ang wika ng pakikipag-
ugnayan at kolonisasyon sa wika ng bayan, bagamat may ilang mga pag-aaral
na tumutugon na ang mga pagkakaiba sa wika at wikain ng Pilipinas ay
nagtatagpo rin sa ilang pagkakahawig nito (Chirino 1604; at Colin 1663). Batay
naman sa banggit ni Lorenzo Huevas y Panduro (1784), bago ang kolonisasyon
ay itinuturing na kapamilya ng wikang Malayo Polinesyo ang mga wika at wikain
sa Pilipinas; samantalang sa pananaliksik nina Constantino tinawag ni Wilhem
Schmidt (1899) na Awstronesyan angpamilya ng wikang kinabibilangan ng mga
wika sa Pilipinas.
Sinasabing ang unang mga naging dayuhan sa bansa ay ang mga
Negrito. Sa pamamagitan ng tulay na lupa diumano nakatawid ang mga
katutubo patungong Pilipinas na itinuring na pinagsimulan ng mahahalagang
tala sa kasaysayan ng bansa. Bunga ng pananahanan ng mga taong
nabanggit, lumaganap ang kanilang lahi at dahil sa kakulangan ng kaalaman sa
pamamaraan ng pamumuhay ay sumalig lamang sa kanilang kasanayang gawi
—nanatili silang nanirahan sa mga kabundukan at kagubatan ng bansa.
Ang mga Malay ang sinasabing huli sa mga naunang nakadaong sa
Pilipinas. Sa papel nina Constantino binanggit na ang pagdating ng mga
Malayo ang naging dahilan sa pagdami ng mga Pagano at ang iba’y naging
12
tagasunod sa paniniwala ni Allah o Mohammed na matatagpuan na sa
kasalukuyan sa mga probinsya ng Mindanaw. Dahil sa magkakahiwalay na
pandarayuhan sa bansa maaaring humantong sa paniniwalang hindi
magkakaroon ng komong wika ang mga sinumang Pilipino dahil na rin sa
magkakahiwalay na paniniwalang bunsod ng relihiyon at patakarang
pangkabuhayan ng mga dayuhang nakaimpluwensiya sa pulo. Itinakda ng
kapalaran ang pagiging multilinggwal ng bansa.
Noon pa man ay makikita na sa bansa ang pananaig ng sistemang
pagpapangkat-pangkat. Ang pagpapangkat na maituturing sa kasalukuyan na
gaya ng sistemang barangay ay pinamamahalaan ng mga tinatawag na Datu.
Masasabi ring maaring naging salalayan ito upang hindi magkaroon noon pa
man ng komong wika sa pakikipagtalastasan ang mga katutubong Pilipino.
Subalit higit pa man sa mga naitalang kalinangan maliwanag na may sistema
na sa wikain ang mga Pilipino.
Buhat sa malawak na kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
kinikilala sa kasalukuyan ang sampung pangunahing mga wika ng bansa na
kinabibilangan ng Ilokano, Pampango, Pangasinense, Tagalog, Bikol,
Hiligaynon, Sebwano, Waray (Samar-Leyte) Maranaw o Maguindanaon, at
Tausog. Batas ang nagtadhana ng pagiging multilinggwal ng bansa.
May ekonimikong epekto ang implementasyon ng K to 12 sa bansa.
Bunsod nito, ang mga propesyonal na gurong dating nagtuturo sa antas
tersyaryo ay ibinaba sa hayskul sapagkat ang mga basikong asignaturang
dating nasa kolehiyo ay ibinaba rin sa hayskul. Nilusaw din ng pagpapairal ng K
to 12 ang mga Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo ay iba pang mga
paaralan na walang nagawa kundi ang maging sunud-sunuran.
Maraming mga bansa sa mundo ang multilinggwal bunga na rin ng
pagiging kolonya ng ibang makapangyarihang bansa at ng masidhing pagkiling
sa rehiyonalismo gaya ng Pilipinas.

a. Aruba
Maliit lamang na bansa ang Aruba na isa sa mga bansang bumubuo sa
kaharian ng Netherlands at malapit sa Valenzuela. Dutch ang opisyal na wika
na tinuturo sa lahat ng paaralan bagamat ang Ingles at Kastila ay
pangangailangan din sa sistema ng edukasyon kung saan ang mga mag-aaral

13
ay kakikitaan ng kabihasaan sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral. Laganap ang
paggamit ng Ingles bunsod ng turismo gayundin ang Kastila dahil sa kalapitan
nito sa Velenzuela. Gayunpaman ang wikang local ng mga Arubian ay
tinatawag na Papiamento, isang wikang umusbong mula sa mga wikang
Portuges, Kastila, Dutch at Ingles. Isa rin ito sa mga opisyal na wika at
ginagamit sa midya, gobyerno, kalsada at mga tahanan.

b. East Timor (Timor-Leste)


Isang bagong bansa ang Timor-Leste. Ang mga Timoris ay gumagamit ng
Tetum, ang wikang local, samantalang may kabihasan din sila sa Portuges at
Ingles. Nagkauunawa sila ng Indonesyan bagamat ‘di ito ang preperensiyang
gamitin ng marami.

c. India
Hindi at English ang mga opisyal na wika ng India at gamit ito ng mga
nakapag-aral at naninirahan sa mga syudad. Ingles ang igit na gamit sa TImog
India. Dagdag sa Hindi at Ingles ay takda ring opisyalnna wika ang
dominanteng local na wika ng isang estado:
”This means that a majority of educated Indians are at least trilingual,
ang people who move between states may have a working knowledge of
additional languages. So although they might not have fluency in each one,
many Idians are able to communicate and understand four or more languages.”

d. Luxembourg
Luxembourgish ang wika ng maliit na bansang ito. Malaki man ang
impluwensiya ng wikang Aleman (German) sa Luxembourgish ay ‘di ito
mauunawaan ng isang taal na mananalita ng wikang Aleman. Bukod kasi sa
Wikang Aleman ay napakarami ring hiram na salita mula sa Pranses ang
Luxembourgish. Kabilang sa Luxembourgish, ang Pranses at Aleman ay mga
opisyal na wika ng bansa at sinasalita ng lahat ng mag-aaral kasama ang pang-
apat na wika, ang Ingles na tinuturo sa mga paaralan kasama ng mga opisyal
na wika. Ang mga opisyal na transaksiyon sa gobyerno ay nasa wikang
Pranses.

14
e. Malaysia
Malay ang opisyal na wika ng Malaysia gayong mas maraming wika ang
umiiral ditto kaysa sa Singapore. Bihasa ang mga Maleysian sa Malay at Ingles
na parehong itunuturo sa mga paaralan at malawakang ginagamit sa lungsod.
Barayting Manglish ang karaniwang gamit sa kalsada. Dagdag sa Malay at
Ingles ay nakapagsasalita rin ng wika ng kanilang mga magulang ang mga
anak ng mga Indiano. Itunuturo ang Mandarin sa mga paaralan para sa mga
may lahing Tsino at may gumagamit din ng Kantonis, Hoyen at Hakka sa bahay
maging sa lansangan.

f. Mauritius
Ang islang ito ay palaging itinuturing na bahagi ng Africa. Ingles at
Pranses ang mga wika sa paaralan ngunit alinman sa dalawa ay ‘di ginagamit
sa karaniwang usapan. Mauritian Creole, ang wikang umusbong sa Pranses
ngunit ‘di maiintindihan ng nagsasalita ng Pranses. May mga mula sa lahing
Indian ang nagsasalita ng wikang Bhojpuri, isang diyalekto ng Hindi, habang
ang iba pang lahi na nananahan ditto gaya ng mga may lahing Bunsod nito ay
maoobserbang kaya ng isang Mauritan na gumamit ng tatlong o apat na mga
wika.

g. Singapore
Ingles, Mandarin Chinese, Malay at Tamil ang opisyal na wika ng
Singapore, gayunpaman ay hindi kakikitaan ng kahusayan ang mga
Singaporean sa pagsasalita ng mga banggit na wika maliban sa Ingles na
lingua franca rin at itinuturo sa mga paaralan. Karaniwang wika sa kalsada ang
Singlish at maaari itong makilala o maunawaan ng mga mananalita ng wikang
Ingles ngunit hirap ang mga ito sa mga hiram na salita mula sa Malay at
dagdag ang gramatika ng wikang Intsik. Natututunan ng mga mag-aaral ang
kanilang unang wika sa mga paaralan: ang mga Indian na Singaporean ay
natututo ng Tamil, Malay para sa mga Malay, at Mandarin naman para sa mga
Intsik. May mga Chinese-Singaporean na may dagdag na wika, ang Hokkien at
Hakka ang pinakamalaganap na ginagamit na wika.

h. South Africa
15
May labing isang (11) opisyal na mga wika ang South Africa. Ingles ang
lingua franca at ito rin ang wika ng midya at ng pamahalaan kahit pa kulang sa
sampung porsiyento (10%) ng populasyon ang gumagamit nito. Afrikaan ang
wikang ginagamit sa timog at kanlurang bahagi ng kontinente:
May kabihasaan sa tatlong mga Wika ang mga Aprikano ngunit prominente ang
sumusunod na wika: Ang Zulu o Xhosa na pawing mga wikang lokal ni Nelson
Mandela. Nabibigyang-pansin sa wikang ito ang tunog ng pagtatagpo ng mga
ngipin o “clicking sound” kapag binibigkas ang konsonante. Dagdag sa mga ito
ang alinmang wika na dominante sa lugar na tinitirhan ng isang Aprikano.

i. Suriname
Dutch ang wika sa bansang ito na nasa Hilagang Amerika. Ito ang
wikang gamit sa edukasyon, kalakaran at midya. Sranan Tongo (o Sranan) ang
wikang may impluwensiya ng Dutch at Ingles ang wika ng mga lokal at
maituturing na lingua franca.
Napakalaki ng populasyon ng mga Indiyan sa Suriname kung kaya’t marami pa
rin ang gumagamit ng wikang Hindi. Mayroon din naming gumagamit ng
Javanis at Tsaynis.
Maraming mang wika ang sinasalita ng isang bansa, mapapansin sa
lahat ng mga bansang banggit ang patuloy na paggamit sa wikang may tatak ng
pagkalahi. Sakupin man ng ibang lahi ang bansa, mananaig at makapangyayari
ang sariling wika.

j. Ang Pagsibol ng Wikang Pambansa


Kung ang kasaysayan, topograpiya at mga batas ng bansa ay
nagtadhang multilinggwal ang Pilipinas, bakit sumibol ang wikang Pambansa?
Ano ang tungkulin ng Wikang Pambansa sa umiiral na napakaraming wika?
Mapatatatag at magtaguyod ba ang Wikang Pambansa ng talino at kalinangang
Pilipino? Magsusulong ba ito sa pambansang kaunlaran?
Batid nang marami sapagkat naitala na sa mga aklat pangkolehiyo (San
Juan, et al., 2010; Carpio, ey al; 2012; Austero et al., 2010 at Garcia, et al.,
2010); na umusbong mula sa karanasan ng Dating Pangulong Manuel Quezon
ang ideya tungkol sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa. Bunsod naman ng
ideya sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa ang pagsilang ng Surian ng
16
Wikang Pambansa upang magsagawa ng mga pag-aaral at iba pang tungkulin
kaugnay sa wika. Hindi sukat-akalain marahil ng Pangulong Manuel L. Quwzon,
ang “Ama ng Wikang Pambansa” na ang mangarap na magkaunawaan ang
mga lahing may iba-ibang mga wika sa pamamagitan ng iisang wika ay
suliranin pa rin ng bansa kahit pa walang dekada o walumpung taon na ang
nakaraan.
Sa Konstitusyon ng 1987 kinilala na ang Filipino bilang umiiral na Wikang
Pambansa. Taong 2013, sa bias ng kapasiyahan Blg. 13-05 ng KWF,
binigyang-definisyon ng Filipino:
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong (P)ilipinas
bilang wika ng komunikasyon sa isa’t isa ng mga pangkatang katutubo. Katulad
ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaranas ng paglinang at
pagpapayaman sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga katutubong wika
ng (P)ilipinas at mga di katutubong wika at sa pamamagitan ng mga pagbabago
sa nagiging paggamit ng Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at pangyayari,
pasalita man o pasulat na pahayag ng iaba’t ibang pangkatang panlipunan at
pampolitika, sa loob at labas ng kapuluan, at sa iba’t ibang paksain at
disiplinang akademiko.

Ang Hamon ng Mother-Tongue-Based Multilingual Education


Habang nililinang pinauunlad ang Filipino, nang naluklok na
Pansamantalang Punong Komisyoner ng KWF si Dr. Ricardo Ma. Duran
Nolasco ay nagging direksyon ng ahensiya ang pagtangkilik sa
multilinggwalismo, katuwang ang Kongresista o Representatibo na si Kgg. At
Abogado Magtanggol Gunigundo ng Valenzuela. Ang original na House Bill Blg.
3719 na humihikayat na ipagamit ang unang wika ng mga mag-aaral bilang
midyum ng pagtuturo ay unang isinumite sa Senado noong 2008 na ang paksa
ay ang pagpapagamit sa unang wika bilang midyum ng pagtuturo sa mga
basikong edukasyon. Kinatigan ito ng kagawaran ng Edukasyon at Isports sa
pamamagitan ng paglalabas Ordinansa Blg. 74 na nagtatakda sa
pagsasainstitusyon ng paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral. Batay sa
GMA News Online na nailathala noong May 1, 2008, rasyonale ng mga
probisyong ito ang sumusunod na banggit ni Representatibo Gunigundo:

17
“Using the language the child understangs not ony affirms the value of
the child and his cultural heritage but also enables the child to
immediately master the lessons in the school curriculum and at the same
time facilitates the acquisition of Filipino ang English.”at “language
schoolars around the world unanimously say that children learn best in
their own languages, not in a foreign language, and students taught in
the mother tongue appeared to be more actice in class and were able to
learn more.”
Napakalaki ng nagging epekto ng pagsasakatuparan ng Mother Tongu-
Based Multilingual Education o MTB-MLE. Isa ito sa mga nagging bagong
direksiyon sa pag-iimplementa ng Kto 12 na nagging tatak ng administrasyong
Benigno “Noynoy” Aquino III.
May ekonomikong epekto ang implementasyon ng K to 12 sa bansa.
Bunsod nito, ang mga propesyonal na gurong dating nagtuturo sa antas
teryarya ay ibinaba sa hayskul sapagkat ang mga basikong asignaturang dating
nasa kolehiyo ay ibinaba rin sa hayskul. Nilusaw din ng pagpapairal ng K to 12
ang mga Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at iba pang mga paaralan
na walang nagawa kundi ang maging sunod-sunuran.

2. Ingles ang Lehitimong Wika sa Pilipinas. Itinuturing na ikalawang wika ng


nakararaming Pilipino ang ingles sa ating lipunan. Ayon sa Social Weather
Station (SWS) noong 2008 (sa Nolasco, 2008), halos 76 % ng mga Pilipinong
nasa sapat na gulang ang nagsabing nakauunawa at nakapagsasalita sila ng
ingles, habang 75% ang nagsabing nakapagbabasa sila ng wikang ito. Bukod
ditto, 61% ang nagsasabing nakapagsusulat sila sa wikang ingles habang 38%
ang nagsabing nag-iisip sila gamit ang wikang ingles. Bilang
pinakamakapangyarihang wika ng mundo, patuloy na lumalaganap ang wikang
ingles bilang wikang panturo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ayon kay Macaro
(2014) ng British Council at Director ng University of Oxford, lalong dumarami
ang mga akademikong institusyon sa buong mundo na gumagamit ng ingles
upang ituro ang mga akademikong asignatura dahil sa kagustuhang isabay sa
internasyonal na istandad ang propayl ng mga unibersidad. Sa pagpasok ng
Pilipinas sa sosyo-kultural at ekonomikong integrasyon sa ASEAN, kapansin-

18
pansin na ganito ang nagiging tunguhin ng mga pangunahing unibersidad sa
Pilipinas.
Malinaw na maraming Pilipino ang nananatiling naiimpluwensyahan at
gumagamit ng wikang ingles sa iba’t ibang antas sa kabila ng pagkakaroon ng
pambansang wika ng Pilipinas. Kasama sa opisyal na wika ang ingles at
bagama’t Filipino ang pambansang wika, Ingles pa rin ang mas ginagamit sa
Sistema ng edukasyon at print media. Maaari ring gamitin ang Filipino sa
pamamahala at lehistatura sa Pilipinas, maging sa korte at batas, ngunit ingles
pa rin ang namamayaning wika. Ingles ang ginagamit para sa mga intelektwal
na usapin, komersyo/Negosyo, habang Filipino naman sa local na
komunikasyon at mga palabas sa telebisyon.
Sa artikulong Kapangyarihan ng Wika, Wika ng Kapangyarihan ni De
Quiros (1996). Ayon sa kanya, hindi lamang komunikasyon ang pangunahing
gamit ng wika, kundi susi ito upang makapaghari sa isang tiyak na lipunan.
Binalikan niya ang kasysayan kung gaanong naging instrumento ang wika ng
kolonyalismo sa Pilipinas. Naging mabisa ang pagtuturo ng mga Amerikano ng
ingles sa pamamagitan ng pampublikong edukasyon sapagkat napanatili nila
ang kapangyarihan sa ekonomiya at politika ng Pilipinas kahit pa nga hindi na
tayo direktang kolonya ng Estados Unidos.
Ingles ang makapangyarihang wika sa Pilipinas hanggang sa
kasalukuyan kung kaya laganap din ang ilang maling pananaw sa pag-aaral ng
wikang ito. Halimbawa, laganap ang pampublikong diskurso na uunlad ang
ekonomiya ng Pilipinas kung magiging mahusay sa pagsasalita ng Ingles ang
mga Pilipino. Kung susuriin sa nagaing karanasan ng mga mauunlad na bansa
sa Asya, tila hindi syentipiko at makatotohanan ang ganitong paglalahad. Sa
kaso ng Timog Korea, Japan, Thailand, Indonesia at Malaysia, sariling mga
pambansang wika ang naging saligan ng kani-kanilang maunlad at
nagsasariling ekonomiya, at hindi wikang ingles.

3. Wikang Global ang Wikang Filipino. Ang kalagayang pang-ekonomiya sa


bansa ang nagtutulak sa mga kababayan nating magtrabaho sa ibang bansa at
maging overseas Filipino Worker (OFW). Sa ganitong kalagayan, hindi
maiwasan ang paglaganap mg wika at kulturang Pilipino sa iba’t ibang bahagi
ng mundo. Ayon sa index of Survey on Overseas Filipino noong 2014,
19
tinatayang nasa 2.3 milyong Overseas Filipino Workers ang nasa iba’t ibang
panig ng mundo.
Ayon sa American Community Survey (2013), pangatlo ang Pilipinas sa
mga wikang may pinakamaraming nagsasalita sa Estados Unidos, bukod sa
Ingles. Pangatlo ang Filipino na may 1.6 milyong gumagamit sa Espanyol na
nagtala ng 38.4 tagapagsalita at Chinese na may halos 3 milyonng
tagapagsalita.
Sa ganitong kalagayan, hindi maikakailang lumaganap na nga ang
paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang bahago ng mundo. Ilan sa mga
mauunlad na Departamento ng Filipino at mga kaugnay na programa ang
matatagpuan sa University of Hawaii-Manoa at Philippines Studies Program sa
Osaka University sa Japan. Bukod ditto, itinuturo ang Filipino bilang asignatura
sa iba’t ibang Universidad sa buong mundo. Itinala ni San Juan (2015), ang
ilang Universidad at kolehiyo sa ibang bans ana nagtuturo ng Filipino bilang
programa o asignatura.

4. Ang Filipino ay Wika sa Social Media. Binago ng social media ang buhay
ng milyon-milyong mga Pilipino. Bukod sa naging porma ng komunikasyon,
hindi rin maitatwa na simbolo ng panlipunang istatus ang access sa internet.
Dahil sa aktibong paggamit ng mga Pilipino ng iba’t ibang aplikasyon sa social
media, tinaguriang social media capital of the world ang Pilipinas ayon sa mga
eksperto sa larangan ng media at teknolohiya. Ayon sa wearesocial.com (2015)
mula sa 100.8 na kabuoang populasyon sa Pilipinas, 44.2 milyon o 44% bahagi
ng populasyon ang aktibong gumagamit ng internet. 40 milyon o 40% naman
ang may aktibong account sa iba’t ibang social media site habang 30 milyon o
30% ang may aktibong social media mobile accounts. Mula 2013 hanggang
2015, nakapagtala ng 18% na pagtaas sa bilang ng aktibong gumagamit ng
internet. Mula sa datos, makikitang malawak ang impluwensya ng internet at
social media sa pamumuhay at pagbuo ng desisyon ng mga Pilipino.
Ang social media ay tumutukoy grupo ng internet-based applications na
ginawa batay sa Web 2.0, kung saan naging possible na ang pagkontrol at
kontribusyon ng mga gumagamit ng internet sa nilalaman ng iba’t ibang social
media sites. Naging pamamaraan ito ng interaksyon sa pagitan ng mga tao
dahil maaari na silang magbahagi, magkomento at mag-edit ng iba’t ibang
20
impormasyon sa isang virtual na komunidad. Ang pagsisimula at pagsikat ng
social media ay nagbigay-daan sap ag-unlad ng web publishing tools na
tumatanggap ng ambag mula sa iba’t ibang gumagamit nito na hindi naman
propesyonal sa larangan ng kompyuter. Maaari nang magbabahagi ng
kaalaman at maging lunduyan ng diskurso ang iba’t ibang social media site
gaya ng Facebook, Twitter, Instagram. Foursquare, Tinder at marami pang iba.
Ingles ang wika ng Internet, ngunit dahil sa paglaganap ng web
publishing tools, iba’t ibang wika na rin nakapasok sa mundo ng cyberspace.
Ang mga Pilipino ang pinakaaktibo sa larangan. Hindi rin maiiwasan ang
paglaganap at paggamit ng Filipino sa internet. Marami nang pananaliksik ang
nagsuri sa katangian ng wikang Filipino na ginagamit sa iba’t ibang social
media sites. Iba’t ibang estilo ng paggamit ng wika na rin ang lumaganap sa
pamamagitan ng Internet. Hindi rin maiwasan ang irresponsible at mali-maling
paggamit ng wika sa konteksto ng instant at madaliang komunikasyon.
Kapansin- pansin ang matinding code switching (pagpapalit-palit ng wika) at
maling pagpapaikli at pagsasama ng ilang mga salita.
Bukod sa estilo ng wika, kapansin-pansin din ang iresponsable , hindi
makatwiran at hindi makatwiran at hindi maingat na pagbibigay ng mga
komento at pahayag na walang sapat na batayan at pananaliksik ng ilan sa
mga gumagamit ng social media. Walang pamamaraan ng pagpupulis sa
katumpakan ng mga impormasyong nakikita sa mga social media site kung
kaya naglipana rin ang mali-maling impormasyong nakabatay sa makitid na
pananaw ng ilan. Bagama’t kalakasan ng social media ang demokratisasyon ng
kaalaman, kasabay ring nalikha ang demokratikong espasyong naging
maluwag sa kababawan at kamangmangan.
Sa ganitong kalagayan ng patuloy na paglaganap ng wikang Filipino sa
iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng tao at iba’t ibang bahagi ng mundo,
nananatili ang hamon sa intelektwalisasyon ng wikang Pambansa. Magagawa
lamang ito kung panghahawakan ng mga institusyong panlipunan ang orihinal
na mandato ng Konstitusyon na gamitin ito sa Sistema ng edukasyon at
pamamahala.

D. Ang Wikang Filipino Bilang Wika ng Karunungan at Pananaliksik

21
Sa isang sanaysay noong 1972, sinabi ni Montemayor na: “The Filipino
was introduced into the world of universality before it could develop its own
individuality.” Sampung taon makalipas, si Constantino naman noong 1982 ang
nagsabi ng ganito: The most effective means of subjugating a people is to
capture their minds… The moulding og men’s minds is the best means of
conquest.
Sa simula pa lamang ang Sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay isang
pamamaraan ng pagpapahinahon sa mga mamamayang noo’y nagtanggol sa
kanilang bagong-kamit na Kalayaan laban sa mananakop na nagpanggap na
kaibigan. Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng mga
Amerikano ay isang instrument ng kolonyal na polisiya. Ang mga Pilipino ay
kinakailangang turuan bilang mabubuting kolonyal. Ang mga murang isip ay
kinakailangang hubugin upang makaayon sa mga ideyang Amerikano. Ang mga
katutubong ideyal na Pilipino ay unti-unting naglaho upang matanggal ang mga
huling banta ng pag-aaklas. Edukasyon ang nagsisilbing pang-akit ng mga
bagong panginoon at panunaw sa nasyonalismong ginamit sa pagpapaoaya sa
mga naunang dayog kapangyarihan.
Sa ilalim ng mga nagdaang rehimeng kolonyal, tiniyak ng edukasyon na
ang pag-iisip ng mga Pilipino ay maging masunurin sa mga panginoon. Kaya
sinamba ng mga Pilipino ang mga dayong mananakop. Hindi tinuruan ang mga
Pilipinong tingnan ang mga dayo nang obhetibo, ang sipatin ang kanilang mga
kabutihan at maging mga kasamaan. Ito ang nag-udyok sa mga mamamayang
Pilipino upang magkaroon ng baluktot na opinion hinggil sa mga dayong
mananakop at maging hinggil sa kanilang sarili (Constantino, 1966). Ang
kanilang naging wikang kasangkapan…wikang dayuhan.
Ganito ang naging paliwanag ni Constantino (1966) kung paano ang
wika ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa edukasyon: Ang Wika ay isang
kasangkapan ng proseso ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika, ang pag-iisip
ay nalilinang, at ang pag-unlad ng pag-iisip ay humahantong sa lalong pag-
unlad ng wika. Ngunit, kapag ang wika ay nagiging sagabal sap ag-iisip, ang
proseso ng pag-iisip ay nahahadlangan o nababansot at nagkakaroon tayo ng
kultural na pagbabantulot. Ang malungkot na katotohanan sa kasalukuyan ay
ito: Patuloy ang pagkabansot ng ating proseso ng pag-iisip. Bunga ito ng
edukasyong makadayuhan, at wala nang iba pang malinaw na katunayan ng
22
pagkamakadayo ng ating kasalukuyang Sistema ng pang-edukasyon kundi ang
wikang banyaga sa edukasyon. Ito ang reyalidad sa kasalukuyan, sa kabila ng
pagbabanta ng atin mismong pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal may ilang
daan taon na ang nakalilipas. Sa akda niyang El Filibusterismo ay ganito halos
ang kanyang sinabi: …Ano ang gagawin niya sa wikang dayuhan ? Papatayin
n’yo lamang ang inyong pansariling katauhan at ilalantad ang iniisip sa ibang
kaisipan. Sa halip na gawing malaya ang inyong sarili ay gagawin n’yo lamang
itong alipin…Kapwa kayo nakalilimot na habang ang tao ay may sariling wika ay
mayroon kayong Kalayaan. Tulad ng tao na malaya habang nakapag-iisip sa
kanyang sarili. Ang wika ang paraan ng pag-iisip mg tao…
Sa kasalukuyan hindi na maitatanggi ang istatus ng wikang Filipino
bilang isang wikang Pambansa. “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino….patuloy na nililinang at pinauunlad salig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang wika .” Ito ay ayon at isinasaad ng ating saligang batas
(Art. XIV, sek.6, 1987). Isa ring wikang opisyal ang Filipino ng ating
pamahalaan. Nagsisilbi rin itong pambansang lingua franca ng lahat ng mga
Pilipino. Ngunit liban sa pagiging asignatura ng Filipino at wika ng pananaliksik
ng ginagawa ng mga nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino, hindi masyadong
napagtutuunan ng pansin at pagpapahalaga ang wikang Filipino bilang wika ng
karunungan at wika ng pananaliksik sa lahat ng antas ng pag-aaral. Sa
katunayan, patuloy ang pakikipaglaban ng mga taliba ng wikang Filipino upang
mapanatili ito bilang asignatura sa kolehiyo. Reaksyon ito ng maraming
nagmamalasakit sa wikang Filipino sa bagong General Education (GE)
kurikulum ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon na nangmamaliit sa
wikang Filipino bilang wika ng karunungan at wika ng pananaliksik. Dahil dito,
malamang na magkakatutuo ang hula ni Almario (2006) na mauulit muli ang
pagdarahop ng napagyayamang kaalaman bunga ng gamit ng wikang sarili at
babalik muli sa antas ng kamangmangan dulot ng kawalan ng kakayahang
magpahayag at matuto sa sariling wika.
Sa edukasyong kolonyal maisisi ang hanggang-ngayong pagdududa sa
kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan at wika ng
pananaliksik. Ito ay sa kabila ng pagtuturo ni Padre Roque Ferriols ng
Pilosopiya sa Filipino, at ng pagsasalin sa Filipino ni Hukom Cesar Peralejo ng
Kodigo Sibil at Kodigo Pinal. Maalalang lumikha rin ng diksyunaryo sa kemika si
23
Dr. Bienvenido Miranda at sa Medisina si Dr. Jose Reyes Sytanco. May libro sa
Ekonomiks si Dr. Tereso Tullao, Jr. May mga artikulong pang Medisina rin si
Dr.Luis Gatmaitan sa Filipino. Itinuturo naman ni Dr. Judith Aldaba ang
Matematika sa Filipino. Sa ganitong paraan, hindi na dapat pang
pinagdududahan ang potensyal ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan
at ang likas na kakayahan ng Filipino bilang daluyan ng mga bagong tuklas na
kaalaman sa mga pananaliksik panlipunan.

Gawain 1:

1. Paano mailalarawan ang kalagayan ng wikang Filipino bilang wikang


pambansa, wika ng bayan at wika ng edukasyon at pananaliksik?
2. Paano nauugnay ang pagpapalakas ng wikang Pambansa sa
pagpapatibay ng kolektibong identidad at pagkakamit ng pambansang
pagkakaisa at kaunlaran?
3. Paano ka makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang
daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskursong akma at
nakaugat sa lipunang Pilipino at bilang wika ng pananaliksik na
nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa

Aralin 2: Filipino Bilang Wika ng Bayan

Panimula

Ang Filipino ay wika ng bayan sapagkat ito ay hindi lang para sa


pakikipagtalastasan kundi ito rin ay ginagamit para sa pagsasagawa ng
pagtatanghal kagaya ng pagtula, dula, pagtatanghal sa teatro at iba pa. Ito rin
ay ginagamit sa pagsusulat ng mga nobela, kwento at iba pang literatura na
ginagawa sa Pilipinas. At ang mga pagtatanghal o paglilimbag ng mga literatura
ay hindi lang makikita sa isang lugar sa Pilipinas kundi makikita din ito sa iba’t
ibang lugar ng bansa.
Ang wika ay sumasalamin sa ating pagka Pilipino, ito ang nakatali sa ating
kultura at nagsasabi kung sino tayo.
Maituturing na hindi makabayan ang isang tao kung ikinahihiya niya ang
sariling wika.  Ang bagay na ito ay dapat mapagliming mabuti ng mga
kababayan natin na walang pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika.
24
Mga Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng Wikang Filipino bilang


wika ng bayan na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan;
2. Nailalahad ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang at
pagpapatibay ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran;

Pagtalakay

Ang Tungkulin ng Wikang Pambansa


Ang patuloy na pagkilos ng panahon tungo sa tinatawag na
Globalisasyon at Asean
Integration ang lalong naglalagay sa
bawat wika ng mga kabilang sa
Third World Country sa mga
suliranin at mabagal na
intelektuwalisasyon (baka
masabing sa kalagayan lamang ng Pilipinas). Ayon kay G. Eugene Y. Evasco,
may akda ng tekstong Ang Wikang Filipino sa Bagong Milenyum, ang anumang
wika sa daigdig tulad ng wikang Filipino, ay nalilikha, nililinang, pinagyayaman
at hindi lamang basta isinilang, kaya naman masasabi ring ang wika ay may
kakayahang makiangkop sa pagbabagong nagaganap sa lipunang kanyang
pinagsisilbihan.
Bunsod ng pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba pang
mga bansa, tiningnan noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na
ang pangangailangan sa pagtataas ng kalidad ng kaalaman ng mga
nagsisipagtapos sa bansa upang makaayon sa hinihingi ng globalisasyon ng
ASEAN Integration ay sa pamamagitan ng pagpapahusay sa paggamit ng
Ingles. Ito ang nagtulak sa dating pangulo upang isulong ang kautusang Pang-
ehekutibo (E.O) 210 na nag-aatas na ibalik ang Ingles bilang wikang panturo sa
bansa. Bunga nito, nalimitahan ang gamit ng wikang Filipino at itinakda na
lamang ito bilang wikang panturo sa mga asignaturang Filipino at Araling
Panlipunan. Sinusugan pa ito ng kongreso nang ipasa ang House Bill 4701 o
25
anf “An Act Prescribing English as Medium of Instruction in Philippines
Schools.” Iniisip marahil ng pamahalaan na sa pagpapaigting ng paggamit sa
Ingles bilang wika ng akademya at totoong mag-aangat sa ekonomikong
kalagayan ng Pilipinas, gayundin, makaaayon sa pangangailangan na hinihingi
ng panahon.
Taliwas ito sa mga obserbasyon ng mga kritiko. Pinatunayan na ng mga
pag-aaral ng United Nation at maging ng mga pag-aaral sa loob ng bansa ang
bunga ng paggamit ng wikang banyaga sa literasiya ng isang mamamayan ng
bansa. ‘Di nga ba at noon taong 2000, isa ang wika sa nagging sentro ng
pagpapahalaga ng United Nations (U.N)? Narito ang pahayag ni Ambasador
Koichiro Matsura ng United Nations: “The Organization is fully aware of the
crucial importance of languages when seen against the many challenges that
humanity will have to face over the next few decades. Languages are indeed
essential to the identity of groups and individuals and to their peaceful
coexistence. They constitute a strategic factor of progress towards sustainable
development and a harmonious relationship between the global and the local
context. They are of utmost importance in achieving the six goals of education
for all (EFA) and the Millenuim Development Goals (MDGS) on which the
United Nations agreed in 2000. As factor of social integration, languages
effectively the six play of strategis role in the eradication of extreme poverty and
hunger (MDG 1); as supports for literacy, learning and life skills, they are
essential to achieving universal primary education (MDG 2); the combat against
HIV/AIDS, malaria and other diseases (MDG6) must be waged in the languages
of the populations concerned if they are to be reached; and the safeguarding of
local and indigenous knowledge and know-how with a view to ensuring
environmental sustainability (MDG 7) is intrinsically linked to local and
indigenous languages.”
Ang bunga ng pag-aaral ng U.N. ay higit pang nagpapatibay sa resulta
ng mga pag-aaral na isinagawa ng mga Amerikano noong panahon ng kanilang
pananakop. Sa pag-aaral ng mga Komisyong Monroe at Schurman, inilahad na
tangiing sa wikang gamit sa pamayanan makikita ang kahusayan at kabisaan
sa pagpapahayag gayundin ay hindi tunay na ganap ang literasiya ng isang
bansa kung banyagang wika ang ipapagamit sa pagtuturo at magiging daan ng
pagkatuto. Sa pahayag naman ni Bartle ay ganito ang sinasabi: “Sa pag-aaral
26
ng basikong literasiya, hindi dapat makabuluhan kung anong wika o alpabeto
ang gamit sa iyong programa ng kaalaman. Walang isang wika ang
pinakamahusay kaysa sa iba. Ang pagpili ay base sa kung ano ang karaniwang
naiintindihan at alam sa pamayanan” (salin ni Myla Burke, 2008).
Marami ang nananatiling buo ang paniniwala na ang mga umiiral na wika
sa Pilipinas ay ang sagot sa mga suliranin ng Pambansang Edukasyon.
Tingnan natin ang bahagi sa isang pitak na isinulat ni Antonio Hidalgo noong
2007 sa Manila Standard Today:
“Though I think that switching to English as the language of education
and as our main language is neither desirable nor feasible, and
therefore, am against it, I am also aware of the fact that there are many
economic factors today that are driving many Filipinos to want to learn it.
However, responding to this need does not require drastic changes in
our educational system and entire society.”
Sa isang seminar ukol sa pagbabago ng kurikulum, inilahad ni Dr. David
San Juan, konvinor ng Tanggol Wika at dalubguro ng Pamantasang Se La Salle
na ang Wikang Pambansa ang tanging wika ng mga kilusang panlipunan,
gayundin nagging wika ng rebolusyon at Katipunan. Sa mga panahon na
marapat sa bayan na ipahayag ang damdamin at adhikaing pangsarili at
pambayan, sa wikang sarili higit itong naipahahayag nang malinaw,
komprehensibo at may taginting.

Ang Pagsilang ng Tanggol Wika


Naligalig ng CMO #20, Serye ng 2013 ang sistema ng edukasyon ng
Pilipinas. Dahil sa implementasyon ng memorandum na ito, tahasang
tinatanggal ang mga asignatura sa wika, agham panlipunan at kasaysayan sa
antas tersyaryo. Bunsod nito ay walang nagawa ang mga guro na humahawak
ng mga asignaturang panlahat (general education subjects) sa kolehiyo na
bumaba sa hayskul upang kahit paano ay mapangalagaan ang ekonomikong
kalagayan. Nagpamalas ng pagtutol ang mga guro sa iba’t ibang panig ng
bansa sa pamamagitan ng pagmamartsa sa lansangan at pagbuo ng mga
petisyong papel ay paghahabla sa CHED. Ang mga pagkilos at protesta, at mga
petisyong papel ay lahat inilahad sa Wikang Pambansa na gumising at
nagpalambot sa desisyon ng CHED upang ikonsidera ang pagrerebyu sa mga
27
polisiyang pangwika, na sa huli ay nagbigay-daan sa muling pagkakaroon ng
mga asignaturang Filipino sa antas tersyaryo o kolehiyo. Gayunpaman,
hanggang sa ngayon ay lumilikha pa rin ng mga suliranin ang hindi malinaw na
patakarang pangwika sa bansa at kitang-kita ito sa mga nagging pagkilos ng
CHED na dapat sana ay pangunahing nangangalaga sa kailangan ng bansa na
wika ang pangunahing kasangkapan.
Ang mga protesta at pagkilos ay pinangunahan ng Tanggol-Wika o
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na pinangunahan ni Dr.
David San Juan ng De LaSalle University kasama ang mga guro sa Filipino sa
iba’t ibang panig ng bansa. Sa pamamagitan ng Tanggol Wika ay naisatinig,
naiparamdam, at pinatatak sa isip ng mga nanunungkulan na kapag wika ng
bayan ang pinag-uusapan, Filipino ang isisigaw ng bayan, at ang wika ring ito
ang maghahatid sa Pilipino sa pambansang kaunlaran.
Sa papel ni Dr. David San Juan na may pamagat na Alyansa ngmga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA: Internal na Kwento, Mga
Susing Argumento at Dukomento (2014-2017) inilahad nya ang mga dahilan
kung bakit pangangailangan ng baan ang wikang Filipino. Narito ang ilan sa
mga argumento ng Tanggol Wika:
A. Dapat may Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang
asignatura na nasa Junio at/o Senior High School ay may katumbas
pa rin sa kolehiyo;
B. Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral,
at hindi simpleng wikang panturo lamang;
C. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro
at linangin din ito bilang asignatura;
D. Bahagi ng college readiness standards ang Filipino at Panitikan;
E. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulom ang sariling wika
bilang asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito;
F. Binigyan ng DepEd at CHED ng espasyo ang mga wikang dayuhan
sa kurikulom, kaya lalong dapat na may espasyo para sa Wikan
Pambansa;
G. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino – at may potensyal
itong maging isang nangungunang wikang global – kaya lalong dapat
itong pag-aralan sa Pilipinas;
28
H. Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu, Bahasa Indonesia, at Brunei
Malay, mga wikang ginagamit sa Malaysia, Singapore, Indonesia, at
Brunei, namga bansang kasapi ng Asean, kaya’t mahalagang wika ito
sa kontekso mismo ng Asean Integration;
I. Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa
National Achievement Test (NAT);
J. Filipino ang wika ng mayorya, ng midya, at ng mga kilusang
panlipunan: ang wika sa demokratiko at mapagpalayang domeyn na
mahalaga sa pagbabagong panlipunan
K. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21
L. Hindi pinaunlad, hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng pagsandig
sa wikang dayuhan ang ekonomya ng bansa
M. May sapat na material at nilalaman na maituturo sa Filipino at
Panitikan sa kolehiyo
Sa isang artikulo ni R, Pena, inilahad nya ang ugnayan ng Wikang
Pambansa, ng literasiya at ng pagiging wika ng bayan ng Filipino. Narito ang
kanyang artikulo:

Panunuri sa Kahalagahan ng Wikang Filipino


Sang-ayon ito sa sinabi ni Bienvenido Lumbera na ganito: “Sa
pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa
mga taong naroon. Samakatuwid, ang kamalayan natin bilang indibidwal ay
karugtong ng kamalayan ng iba sa lipunan. Kapag may kapangyarihang
sumakop sa kamalayan ng kapwa natin sa lipunan, kasama tayong
napapailalim sa nasabing kapangyarihan.”
Ang sariling wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at katanyagan
kung gagamitin sa iba’t ibang larangan. Kung ang usapin ay karunungan,
maraming nag-aakala na mahina ang mga Pilipinong hindi nagsasalita ng
wikang dayuhan particular na ang mga taong hindi nakapagsasalita ng matatas
sa Ingles. Madalas silang maparatangang walang alam o mas masakit,
tinataguriang bobo.
Wala naman talaga sa wikang dayuhan ang pagkatuto ng mga Filipino
kun’di nasa sariling wika. Matagal na dapat nating alam na ang wikang dayuhan
ang isa sa dahilan ng pagkaligaw nating mga Pilipino sa daan ng karunungan.
29
Noon pa sinasabi na si Virgilio Almario na, “Kailangang-kailangan na natin ang
Filipino sa edukasyon at opisyal na talastasan. Pero ayaw nating harapin ang
tawag ng taumbayan.”Umiiral sa reyalidad sa Pilipinas na ang Filipino ay
wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na
pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito
bilang Wikang Pambansa at nagging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang
wika ng lipunang Pilipino. Kaugnay ito sa sinabi ni Pamela Constantino na, “Ang
anomang kapangyarihan o puwersa ng wika ay itinalaga ng institusying sosyal.”
Hindi maitatangging malakas sana ang puwersa at kapangyarihan ng wikang
Filipino sa maraming larangan tulad ng edukasyon, batas, agham, teknolohiya
at iba pa, ang kaso pinahihina at binabansot ng paniniwala ng nagkukunwang
edukado at maraming politico sa ating bansa.
Nabanggit din ni Constantino na taglay ng wika ang kakayahang baguhin
ang paniniwala ng isang indibidwal. Sa pakikipag-ugnayan gamit ang wika,
maraming bagay ang maaaring magbago.
Ayon kay Bienvenido Lumbera, “Sa kasalukuyan, nakapuwang na ang
wikang Filipino sa kurikulom. Hindi pa ito ang kinikilalang wikang panturo, pero
may lugar na ito sa paaralan. Nakapasok na sa akademya ang wika ng masa.
Bagamat ang marami sa mga maykapangyarihan ay nagmamatigas pa rin na
sa Ingles lamang nagaganap ang tunay na edukasyon ng kabataang Filipino.”
Sa obserbasyong ito ni Lumbera, ang lakas at kapangyarihan ng sariling wika
sa Pilipinas ay pinipigilan pa rin ng mga maykapangyarihan dahil nakabaling
sila sa dayuhang wika. Tila bulag ang mga Pilipinong nasa kapangyarihan at
kolonyal mag-isip kung kaya’t nananatiling suliranin sa edukasyon hanggang sa
kasalukuyan ang wikang panturo.
Patunay ang mga inilahad na Filipino ang tunay na wika ng bayan.
Ngunit, ang iba-ibang opinion ng mga mambabatas at mga halal na puno ng
bayan ukol sa patakarang pangwika ay naglalagay sa alanganin sa kapakanan
ng Wikang Pambansa. Bukod sa kailangang balikan ang mga pinagdaanan ng
wikang pambansa bago ito naisa-konstitusyon, sapagkat may mga nakalilimot
at ‘di pa rin buo ang loob sa pagkakaroon ng Pilipinas sa isang Wikang
Pambansa, kailangan ding patatagin ang damdamin at kaisipan ng bawat
mamamayang Filipino.

30
Filipino Bilang Wika ng Akademya
Ang pagkilala sa Filipino ay pagkilala rin kung saan pang mga usapin
dapat itong gamitin. Sa lansangan, sa palengke, o maging sa simpleng
umpukan ay hantadang pagkilala sa gamit ng wikang ito. Masasabi bang
maging sa antas akademya ay nakahanda ang mga Pilipino na ito ang pasyang
gamitin?
Wikang Akademiko ang Wikang Filipino
Sa talumpati na ibinigay ng isang pinipitagang edukador at
tagapagtanggol ng wikang pambansa na si Dr. Amalia Cullarin-Rosales na
pinamagatang “Ang Wikang Filipino sa Akademya”, nagbigay siya ng mga
katanungan sa paggamit ng Wikang Filipino sa Akademya at binibigyang-
liwanag ang bawat isa sa mga tanong na ito. Tunghayan ang kanyang
talumpati:

ANG WIKANG FILIPINO SA AKADEMYA


Dr. Amalia Cullarin-Rosales
I. Panimula
Nais kong batiin ang pumunuan ng SANGFIL sa pagdaraos ng mga
gawaing tulad nito kung saan ay nagkakasama-sama ang mga nagmamalasait
sa ating wikang pambansa upang ito ay mapayabong at maging wika hindi
lamang ng iilang lalawigan kundi ng buong bansa. Ang tema ng inyong
kumperensya ngayong taong ito, Ang Wika sa Nagkakaisang Republika ay
tunay na mapanghamon. Mapanghamon, sapagkat napakaraming balakid ang
susuungin ng mga nagmamalasakit sa Wikang Filipino upang maisakatuparan
ang adikaing ito. Bagamat nakatagpo tayo ng kasangga sa katauhan ng
Pangulong Joseph Ejercito Estrada sa ating adhikaing pagpapalaganap sa
Wikang Filipino bilang wikang dapat na gamitin sa paaralan, mga tanggapan ng
pamahalaan, konggreso at pakikipag-ugnayang panlabas, ay damang-dama
naman ang pagtutol ng ilang mga kilalang tao na ang Wikang Filipino ay gawing
wika ng pagtuturo at pakikipagtalastasan n gating pamahalaan.
Kung nanood kayo ng balita sa telebisyon kagabi, nakapanlulumo para sa
mga nagmamalasakit sa Wikang Filipino ang mga atagang namutawi sa labi ng
31
aating Kalihim ng Edukasyon, Kultura at Isports, ganoon din mula sa ilang
pinuno ng mga paaralang ang mga pangunahing mag-aaral ay anak ng
mayayaman. Mahirap dawn a isagawa ito! Magastos!
Kung ganito ang reaksyon ngmga taong dpat manguna sa pagsuporta sa
adhikain ng ating Pangulo, ano na ang kahihinatnan ng ating mga mithiin para
sa Wikang Filipino? Nais ko na lamang tumingala sa langit at hilingin sa
Panginoon na pasukin ng banal na espiritu ang diwa ng puso ng mga taong
may ganitong pananaw upang mabago ang kanilang paniniwala.

I. Mga Katanungan sa Paggamit ng Wikang Filipino sa Akademya


Ang paksang naibigay sa akin ay Wikang Filipino sa Akademya. Sa
pagtalakay ko sa paksang ito ay nais kong ihain sa inyo ang mga sumusunod
na katanungan:
1. Gaano na ba kalawak ang paggamit ng Wikang Filipino bilang wika ng
Akademya?
2. Mas Epektibo ba ang paggamit ng Wikang Filipino kaysa sa Ingles sa
pagtuturo?
3. Ano ba ang pananaw ng mga mag-aaral hingil sa paggamit ng Wikang
Filipino bilang wikang panturo?
4. May malaki bang papel ang paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo
upang mahubog ang pagkabansa o nasyonalismo sa mga mamamayan?
5. Mapagtatagumpayan ba ng mga nagmamalasakit sa Wikang Filipino na
ito ay tunay na malawakang magamit?
Sa unang katanungan kung gaano na kalawak ang paggamit ng Wikang
Filipino sa Akademya, wala akong tiyak na datos na maihahain. Subalit kung
pagbabatayan ang sinasabi sa aklat na The Philippines: A Unique Nation ni
Sonia Zaide, edisyong 1997, pahina 20, na nagsasaad na ang gumagamit ng
Filipino sa buong kapuluan ay 23.02%, samantalang ang Cebuano ay 24.38%,
masasabing hindi pa rin malawak ang paggamit nito sa kapuluan. Ganoon din
naman, kung pagbabasehan ang mga paaralan na gumagamit ng Wikang
Filipino sa maraming asignatura, hindi rin kaiga-igaya ang datos ditto sapagkat
sa kasalukuyan, ang Pamantasan ng Pilipinas pa lamang ang tunay na
nagpapatupad ng paggamit nito bilang wikang panturoat pakikipagtalastasan.
Sinabi kong nagpapatupad ng paggamit ng wikang Filipino, sapagkat ang
32
pangulo ng Pamantasan ay nagpalabas ng kautusan tungkol ditto. Kapansin-
pansin din na ang mga pangalan ng mga tanggapan at iba pang
pagkakakilanlan sa mga gusali sa U.P. ay nasa wikang Filipino. Natutuwa ring
pakinggan ang kanilang sagot kapag ikaw ay tumatawag sa kanilang
tanggapan. Ang maririnig mo at Tanggapan ng Pangulo, magandang
umaga.Nang una koi tong marinig, may haplos na tuwa itong dinala sa aking
puso at masaya rin akong sumagot ng magandang umaga. Ako po si Dr.
Rosales. Maaari po bang makausap si Dr. Pecson?
Dito, sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, hindi pa masyadong
malawak ang paggamit ng Filipino. May mga nagtuturo ng kasaysayan ng
Pilipinas na Ingles ang ginagamit kung kaya tinawag ko ang pansin ng
Tagapamuno ng Kagawaran ng kasaysayan ay pinagsabihan na ipatupad ang
paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng kasaysayan.

Ang pakikipagtalastasan ay hindi rin isinasagawa sa Wikang Filipino kun’di


sa Wikang Ingles. Wala ring ipinalabas na kautusan na gamitin ang Wikang
Filipino sa pakikipagtalastasan. Marahil ay napapanahon na, na ang Wikang
Filipino ay malawakang magamit sa P.U.P.. Maari na marahil na ito ay
maisakatuparan sapagkat noong dumalaw ditto si Pangulong Estrada at
pakikipagtalastsan.
Nais kong banggitin sa puntong ito ang isang pangyayari kaugnay ng
paggamit ng Wikang Filipino sa akademya. Ito ay nangyayari sa isa sa mga
guro ng P.U.P. na masigasig na tagapagtaguyod ng Wikang Filipino. Siya ay si
ka Cesario Y. Torres na sa ngayon ay pangulo ng PANDAYLIPI, Ink. Sa ilalim
ng PASUC evaluation, ang isang bagong full professor ay kinakailangang
magdaan sa PASUC Accreditation Committee para sa mga bagong propesor.i
Ka Cesario ay tumangging gumamit ng Wikang Ingles sa pagsagot sa mga
tanong sa kanya sa oral at written examinations. Pinanindigan niya ang
paggamit ng Wikang Filipino. Walang nagawa ang mga nasa Accreditation
Committee. Napailing na lamang sila at tinanggap ang wikang ginamit ni Ka
Cesario.
Eh bakit ba kailangang sa pakikipag-usap natin sa kapwa natin Pilipino sa
loob ng akademya ay kailangang Ingles tayo ng Ingles? Bakit hindi natin
gamitin ang saring wika?
33
Sa pangalawang katanungan, mas epektibo ba ang paggamit ng Wikang
Filipino kaysa Ingles sa pagtuturo?
Bagamat sa personal kong karanasan ay napatunayan ko na higit na
mabisa o epektibo para sa higit na ikauunawa ng mga mag-aaral ang paggamit
ng Wikang Filipino, nagsasagawa pa rin ako ng sariling pananaliksik hinggil
ditto. Nag-interbyu ako ng mga guro, hindi lamang iyong mga nagtuturo ng
Agham Panlipunan, kun’di ganoon din ang mga gurong nagtuturo ng Ingles.
Ayon sa mga guro ng sikolohiya:
a. Filipino ang wikang gusting gamitin ng mga bata. Mas higit silang
nakapagpapahayag ng kanilang nasa isip.
b. Kapag pinagsasalita sa Filipino, hindi takot ang mga bata nab aka sila
magkamali. Kapag Ingles, nag-aalala sila nab aka mali ang kanilang
bigkas o gamit ng Ingles. Kaya, kapag nagkamali sila, ayaw na nilang
magsalita, nagkakaroon sila ng inhibisyon.
c. Kung nais ng guro na maging epektibo ang mga bata sa paglahok sa
diskusyon, pabayaan silang magsalita sa Filipino.
d. Mas naiintindihan ng mga bata kung Filipino ang gamit sa pagtalakay
ng mga aralin; mas malawak ang interaction, mas nakakapag-
espress sila ng sarili nila.
Ayon naman sa ilang guro ng Ingles na aking kinapanayam, bagamat
Ingles daw ang kanilang asignatura, ang mga halimbawa nila ay isinalin pa nila
sa Filipino upang higit na maunawaan. Ganoon din daw ang kanilang
pagpapaliwanag. Isa naming iskolar na guro ng Sikolohiya si Gng. Alice G.
Rosero, ang nagbigay sa akin ng kanyang paniniwala hinggil sa paggamit ng
wikang Filipino sa pagtuturo. Ayon sa kanya, ang Wikang Filipino ay dapat na
gamiting midyum ng pagtuturo sapagkat ito ang wikang unang nakagisnan nang
higit na maraming bilang ng mga mag-aaral; na ang kaisipan ng mga mag-aaral
ay nakaabot na sa antas kung saan ay magagamit niya ang Wikang Filipino sa
pagpapahayag ng kanynag kaisipan, damdamin, takot, pangarap, pag-asa at
iba pang damdamin. Sa pagpapatuloy niya sa kanyang pahayag na nais kong
basahin sa wikang ginamit niya, ang Wikang Ingles, ay ganito pa ang kanyang
sinabi:
“This level of language usage usually approximates his mental
capabililty, and as such, it is already the logical choice of a medium in
34
comprehending abstract academic concepts. Introducing new abstract
concepts in a different language will be an intellectual setback for a
student who has to grope with a new medium to understand and express
the new concepts he is trying to learn.”
Sa bandang huli ng kanyang nakasulat na pahayag sa paniniwala niya
sa paggamit ng Wikang Filipino ay ganito ang sinabi ng guro ng Sokilohiya na
ito:“The fact that I am expressing my thoughts in English while arguing for the
use of Filipino in schools, already reflects the confusion and painful struggle I
had to go through as I groped through two languages in my early years of
education.”

Kaugnay nito, may mga pag-aaral na isinagawa na nagpapatunay na


ang mga bata na tinuruang bumasa sa pamamagitan ng kinagisnan nilang wika,
ang Filpino, sa kasong ito, ay may higit na kahusayang bumasa at umunawa.
Higit na mabilis ang pangkaisipang pag-unlad kaysa mga mag-aaral na ang
sosyolohikal at pangkabuhayang antas ng pamumuhay ay katulad din ng mga
batang nabanggit na tiuruang bumasa sa Ingles kahit na nga una o maaaring
ang tangi nilang wika na ginagamit sapul pagkabata ay Filpino. Ito ay sapagkat
ang unang edukasyon ay nakatutok sa paghubog ng kaalamang pandama
(perceptual knowedge), at sapagkat ang bata ay nakikita ang kanilang
kapaligiran sa pamamagitan ng kanilang pandama (fie senses) at ipinahayag
ang kaalamang ito sa pamamagitan ng kanilang unang wikang natutunan, mas
mabilis ang kanilang pagkatuto sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
kanilang nakasanayan.
Sa bahagi naman ng mga mag-aaral ay ganito ang kanilang sinabi
kaugnay ng paggamit ng Filipino bilang wka ng pagtuturo sa mga paaralan:
“Mas nagkakaroon ng madaling pagkakaunawaan ang mga Pilipino; mas
dadami ang gagamit ng Filipino at higit itong mamahalin ng mga
mamamayan; magandang pamamaraan ang paggamit ng Filipino sa
pagturo upang mapaunlad ang wikang ito; mas maipahahayag ng mga
mag-aaral ang kanilang kaisipan sa pamamagitan ng wikang ito.”
Bagama’t may mga ganitong pahayag ang mga mag-aaral na aking
kinapanayam at hiningan ng nakasulat na pananaw hinggi sa paggamit ng
Wikang Filipino sa pagtuturo, ay nagkakaisa rin naman sila sa pagsasabi na
35
mahirap din kung Filipino ang gagamitin sa lahat ng asignatura sapagkat
nangangahulugan ito ng pagsasaisantabi sa Wikang Ingles. Apatnaou’t walo sa
limampung mag-aaral na aking kinapanayam ang nagsabi na hindi dapat
mangyari ito sapagkat ang Ingles ang kailangan para sa pandaigdig na
pakikipagtalastasan. Naniniwala rin ang apatnapung mag-aaral na mas higit
ang tsansa nila na madaling magkatrabaho kung magaling sila sa Wikang
Ingles. Sa madaling salita, bagamat naniniwala sila sa pagpapahalaga sa
Wikang Filipino, hindi naman nila nais na maisantabi ang Ingles. Hindi natin
masisisi ang mga kabataang ito sapagkat ang kanilang sinabi ay siyang
katotohanan. Sa pag-aaplay nga naman ng trabaho, sila ay iniinterbyu sa
pamamagitan ng Wikang Ingles; ang information sheet ay nakasulat din sa
Wikang Ingles kaya Ingles din ang kanilang kailangang sagot. Sa mga
pagsusulit na ibinibigay sa kanila sa mga tanggapang kanilang pinag-aaplayan
ay Ingles din ang mga tanong. Paano nga naman nila maibubuhos ng kanilang
puso sa Wikang Filipino? Sa mga sagot ng mga kabataang ito ay maliwanag na
sinasabi nila na gamitin lamang ang Filipino sa mga asignaturang Filipino at
Agham Panlipunan. Tunay na ito ay isang nakalulungkot na rebelasyon mula na
rin sa ating mga mag-aaral.
Ang kasunod na katanungan ay kung may malaking papel ang paggamit
ng Wikang Filipino sa pagtuturo sa paghubog ng nasyonalismo o pagkabansa
ng mamamayan. Ang aking sagot sa tanong na ito ay isang naghuhumiyaw na
OO. Naniniwala ako na napakalaki ng magagawa ng wika sapaghubog ng
pagkabansa o nasyonalismo at sa pagtatanim ng matinding pagmamalaki sa
pamana n gating lahi.
Nahihirapan akong maunawaan ang paniniwala ng marami na ang isang
tao na nakapagsalita ng Wikang Ingles nang buong-husay kagaya ng isang
native-born American ay nagtataglay rin ng nasyonalismong kapantay ng isang
tao na nagsasalita, sumusulat at nag-iisip sa Filipino. Naniniwala ako na hindi
lamang paraan ng pagpapahayag ang wika. Higit pa rito ang sinasakop nito.
Sabi nga ng iskolar na sosyolohista na aking kinapanayam:
“Language involves complex thought process, such that person can
speak good and correct English. And when he had already achieved that
level of language facility – thinking in English – he has internalized not

36
just the language but the culture’s thought processes as well. Thus, it
won’t be wrong to say that he is part American in thoughts.”
Ang huling katanungan ay kung mapagtatagumpayan ng mga
nagmamalasakit sa Wikang Filipino na ito ay malawakang magamit at tunay na
maging wika hindi lamang sa pagtuturo kundi sa mga tanggapan man ng
pamahalaan mula sa ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura. Mainam na tingnan
natin ang mga sumusunod na pangyayari:
“Sa pagsasalita ng Pangulong Estrada sa paaralang ito noong Martes,
Agusto 4, 1998, ay sinabi ng Pangulo ang kanyang matibay na hangarin
na ang Wikang Filipino ay pamukadkarin bilang wika ng kanyang
pamahalaan. Sinasaluduhan natin ang Pangulo sa kanyang adhikaing
ito. Ang nakalulungkot lamang, ang ilan sa ating mga kagalang-galang at
makabayan daw na mambabatas ay nagpahayag agad ng pagtutol sa
adhikaing ito ng Pangulo. Sa isyu ng Philippine Daily Inquirer kahapon ay
ipinahayag ng dalawang mambabatas, sina Kinatawan Joker Arroyo ng
Makati at Raul Gonzales ng Iloilo, na lalabag sa batas ang Pangulong
Estrada kapag iniutos nya ang eksklusibong paggamit ng Filipino sa mga
paaralan at tanggapan ng pamahalaan. Sinabi ni Arroyo ang ganito: ‘any
move to shift the emphasis to Filipino as the sole official language
resides with Congress, especially the House’.”
Isa pang maliwanag na indikasyon ng pagkakaroon ng mahirap na
pagtatagumpay sa adhikaing paggamit ng Wikang Filipino nang malawakan, ay
ang paghahain ni Kinatawan Efren Herrera ng Cebu ng House Bill No. 1367 na
nagtataguyod na palaganapin sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang
paggamit ng Ingles ng mga mag-aaral ang panukalang batas na ito ay bilang
tugon sa resulta ng pag aaral na ipinalabas ni Kalihim Andrew Gonzales na
isang milyon o 20% ng mga mag-aaral sa sekondarya ang hindi
nakapagsasalita at nakasusulat sa Ingles. Malaki rin ang porsiyento ng hindi
nakapagsasalita at nakasusulat sa tamang Filipino! May hakbang bang
isinagawa kaugnay nito? Wala!
Sinabi pa rin ni Herrera ang ganito:
“…students in all levels and social classes should be urged to
polish their English during and outside class hours and while
within the campus and that parent-teacher associations could be
37
deputized to ensure the strict implementation of the proposed
law.”
Tunay na nakakaawa ang kalagayan ng Wikang Filipino. Paano nga ba
ito yayabong kung mismong ang nasa Kagawaran ng Edukasyon at mga
mambabatas ay hindi sumusuporta dito?

II. Pagwawakas
Sa takbo ng mga pangyayari na may kinalaman sa Wikang Filipino, hindi
ko maiwasang balikan sa aking isip ang ipinahayag ni Kinatawan Titong Roces
noong 1956 habang pinagdidibatihan at nagiging sanhi ng pambansang
pagtatalo ang tungkol sa pagtuturo ng kursong Rizal sa mga paaralan. Sa
pagtatanggal sa paggamit ng pamimilit sa pag-aaral ng Rizal ay sinabi ni
Kinatawan Roces ang ganito: “Sa loob ng 300 taon ay ipinilit sa atin ng mga
mananakop na Kastila ang kulturang Kastila. Nang dumating ang mga
Amerikano, pinilit tayo na mag-aaral at magsalita ng kanilang wika. Ipinilit sa
atin ang pag-aaral ng kanilang kasaysayan upang mapilitan tayong mag-aral ng
Ingles. Hinati nila tayong mga Pilipino sa dalawang grupo – ang nakapag-aral at
ang mga mangmang. Isang halimbawa ang aking sarili. Nag-aral ako sa
paaralan na ayon sa aking ama ay pinakamagaling na paaralan sa Pilipinas.
Pinilit kong mag-aral ng Wikang Ingles. Sa paaralang ito, ang pagsasalita ng
Tagalog ay kaparusahan. Dahil ditto ay nakalimutan ko ang aking wika.
Pagkaraan ng maraming taon ng pag-aaral, akala ko ay natupad ko na ang
aking pangarap na maging kinatawan ng aking kababayan. Subalit sa kauna-
unahang pagkakataon nang tumayo ako sa kanilang harapan sa Plazza
Miranda, natuklasan ko na may malaking hadlang na nakapagitan sa akin at sa
aking mga kababayan. Hindi ako makapagsalita sa sarili kong wika upang ako
ay kanilang maunawaan. Nagsasalita ako sa Ingles samantalang ang
nauunawaan nila ay Tagalog.
“Biktima ako ng kumpulsyon! Pinilit akong mag-aral ng Wikang Ingles sa
paaralang aking pinasukan. Dahi ditto nakalimutan ko ang sarili kong wika.
Ngayon, hindi ba marapat lamang na tayo ay gumamit din ng Kumpulsyon para
naman sa ating bayan? Nakalulungkot lamang na isipin na kapag ang
kumpulsyon ay gagamitin laban sa paglinang ng nasyonalismo, kakaunti ang

38
tumatayo upang ito ay tutulan. Subalit kapag ito ay gagamitin upang
palaganapin ang pagkamakabayan, maraming tumatayo upang tumutol.”
Ngayon, mga kabalikat sa pagpapayabong ng Wikang Filipino, kayrami
nang tumatayo sa hanay n gating mga mambabatas at sa mga pinuno ng ating
pamahalaan, kasama na ang Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports,
upang isulong ang isang adhikaing tunay na makabayan. Ang mentalidad na
kolonyal ay napakalakas pa rin sa ating mga kababayan. Ang hamon ng inyong
paksa ay hindi nagtatapos sa kumperensiyang ito. Napakabigat ng gawaing
nakaatang sa inyong mga balikat. Mapagtagumpayan nawa ninyo ito.

Gawain 2

Panuto: Pumili ng dalawa sa mga pahayag sa ibaba at Ibigay ang sariling


reaksyon ukol dito batay sa araling tinalakay. Gawin ito sa hiwalay na
papel.
1. “Hindi makaiiral ang isang diwang pambansa doon sa walang wikang
panlahat. Hindi tayo magkakaroon kailanman ng tunay na pagkakilala sa
ating karangalan bilang isang bansa hangga’t wala tayong wika na sarili
natin.” – Manuel Luis M. Quezon
2. “Nahihirapan akong maunawaan ang paniniwala nang marami na ang
isang tao na nakapagsasalita ng Ingles nang buong husay kaysa ng
isang native-born American ay nagtataglay rin ng nasyonalismong
kapantay ng nagsasalita, sumusulat at nag-iisip sa Filipino. Naniniwala
ako na hindi lamang paraan ng pagpapahayag ang wika. Higit pa rito ang
sinasakop nito.” – Dr. Amalia C. Rosales
3. “Dapat itanim sa isip tuwina na kung paanong iisa tayo sa lahi ay
nararapat namang maging isa rin sa wika, at ang wikang ito’y hindi ang
dayuhan kundi ang katutubo, ang sariling atin ang Wikang Pambansang
Pilipino.” – Claro M. Recto
4. “Naniniwala akong hindi sa utak ng paha, tumutubo at umuunlad ang
mga salita…Kundi sa bibig ng madla..” – Lope K. Santos

Aralin 3: Filipino Bilang Wika ng Saliksik


39
Panimula

Kinikilala ang pananaliksik bilang refleksiyon ng talino at husay ng


mananaliksik. At tanging wika ang gamit upang ang mga kaalaman sa
pananaliksik ay maisalin at maihatid sa mga mambabasa at bagong
mananaliksik. Sa layo nang nilakbay ng Filipino, napapanahon nang tunay na
ang pananaliksik ay marapat isulat sa Filipino.
Matagal nang nakasusulat ng pananaliksik sa Filipino ang mga Pilipino
lalo na ang mga nakapagdalubhasa sa Filipino. Marami nang mga aklat sa
Matematika at Agham ang tinangkkang sulatin din sa Filipino. May mga aklat
ding pangmedisina o pangkalusugan ang naisulat sa Filippino at hindi na rin
maikakaila na sa agham panlipunan ay kayrami na ring sa Filipino naisulat.

Mga Tiyak na Layunin


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagbasa, lalo na sa iba’t ibang
disiplina;
2. Nailalahad ang papel ng Filipino bilang wika ng saliksik sa iba’t ibang
disiplina;
3. Nailalapat ang mga natamong kabatiran tungkol sa papel ng wikang
Filipino sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga teksto sa iba’t ibang
disiplina; at
4. Nakasusulat ng maikling sanaysay hinggil sa Wikang Filipino Bilang
Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Akademya at
Pananaliksik.

Pagtalakay

A. Ang Wikang Filipino Bilang Wika Ng Saliksik


“Filipino: Wika ng Saliksik” ay tungkol sa pagkilala sa Wikang Filipino
bilang midyum sa pagbuo at pagpapalawak ng karunungan at kaunlaran ng
buong bansa. Ang nais ng Komisyon ng Wikang Filipino ay palaganapin ang
paggamit ng Wikang Filipino sa iba’t ibang mga larangan ng karunungan,
kagaya ng larangan ng agham at matematika.

40
Ang Filipino, bilang isang wikang pananaliksik, ito ay magsisilbing gabay
upang ang bawat Pilipino ay mapahalagahan ang sariling bansa, kultura,
kasaysayan at mismong wikang Filipino. Kaya naman, malaki ang kontribusyon
ng wikang Filipino sa bansa. Kung wala ito, baka hindi magkaintindihan ang
bawat Pilipino. Kung wala ito at walang iisang wika, hindi matututo ang bawat
isa. Hindi rin malalaman ang mga importanteng bagay na dapat matutunan at
mapahalagahan.
Saang wikang Filipino sa napakaraming wika sa mundo. Nagsisilbi itong
daan upang ang bawat Pilipino ay makapagtalastasan sa isa’t isa at maibigay
ang kanilang mensahe, opinyon o mga bagay na nais iparating sa isa’t isa.
Bagama’t napakaraming diyalekto sa Pilipinas, ang wikang Filipino ang napili
upang gawing wikang pambansa, wika ng bayan at wikang pananaliksik.
Masasabi rin na ang Filipino ay wikang pananaliksik, sapagkat kagaya
ng nabanggit kanina, ito ay tinuturo sa mga paaralan upang mahasa ang
bokabularyo ng mga mag-aaral o mga Pilipino. Ito rin ang wika na ginagamit sa
mga pag aaral o pananaliksik tungkol sa iba’t ibang mga paksa na kung saan
ibinabahagi sa mga kapwa Pilipino upang magkaroon ng mahusay na
kaalaman.
Sa pagtalakay sa Filipino bilang wika ng saliksik, hindi maisasantabi ang
pagtalakay sa intelektwalisasyon ng Filipino. Sa proseso kasi ng
intelektwalisasyon, iniaangat ng bayan ang antas ng wika sa estadong
nagagamit ito sa intelektwal na usapin at intelektwal na materyales o
babasahin. Sa ibang pagpapakahulugan, sinasabi namanng iba na ito ang
kalagayan kung saan naipakikita na ang wika ay salamin ng karunungan kayat
midyum sa mga iskolarling talakayan. Ang ganitong lagay ay naipakikita ng
isang bansa sa dalawang estado: Una, kung ang wika ay gamit nang
nakararami sa mga aktwal na akademiko at iskolarlingtalakayan sa antas na
pasalita lamang; at ikalawa, kung ang wika ay nagagamit sa antas na pasulat o
palimbag. Marami kasing pagkakataon na ang gamit na wika ay tanggap nang
pasalita ngunit, pinangingilagan na sa antas na pasulat.
Sa panahong laganap ang konseptong kanluranin hindi lingid sa atin na
marami sa mga Pilipino ang napangingibabawan ng kolonyal na pag-iisip.
Maging sa wikang ginagamit, may pinapaborang gamitin para sa akademya at
sa pang-araw-araw na talastasan, higit sa pananaliksik. Biktima nang ganito
41
ang mga mag-aaral na wala pang higit na lalim ang oryentasyon ukol sa
kahalagahan ng wikang kanilang ginagamit.
Bunga rin ng mataas na uri at kalidad ng teknolohiya sa lipunan sa
kasalukuyan na sinasabayan naman ng nakararami sa pagtinging
pangangailangang ito upang makaayon sa mabilis na nagbabagong panahon at
nagging labis rin ang pagpapakahulugan ng ilan sa karapatan sa kalayaang
magpahayag. Hayagang matutunghayan ang kalagayang ito sa halos lahat ng
social networking sites, mga paboritong palabas sa telebisyon, mga pelikula,
maging sa mga napakikinggang programa sa radio at mga pahayagan lalo na
sa mga tabloid.
Hindi maikakaila na marami sa mga salitang hindi na ginagamit sa
kasalukuyan (marahil sa lalim nitong kahulugan o pagiging puristiko) ay muli
naming nabibigyang-bihis at gamit dahil na rin sa impluwensiya ng midya. Ayon
kay Nicanor G. Tiongson sa kanyang papel na may paksang. Ang Wikang
Filipino sa Media, maituturing na de facto ang lingua franca at pangunahing
wika ng halos lahat ng midya ang wikang Filipino ngayon. Sa kalagayan n
gating mga print media bagaman ang mga broadsheets ay nasa Ingles, halos
lahat naman ng mga tabloid ay nasa Filipino. Ang tabloid ay bahagi na nang
pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Saan mang dako ng ating bansa
ay laganap ang mga taong tumatangkilik nito particular na ang tinatawag na
masang Pilpino. Pangunahing nilalaman nito ay mga pangyayaring nagaganap
sa loob at labas ng bansa, ang mga kontrobersiya, balitang artista, karumal-
dumal na krimen, tsismis at balitang pampalakasan na siyang nais basahin ng
madla.
Sa pamamagitan ng mga tabloid na ang gamit na wika sa
pagpapalimbag ay Filipino natukoy ay higit na nauunawaan at ginagamit ng
karaniwang tao sa kalye at korporasyon, mula estudyante hanggang sa
propesyunal maging drayber at tinder sa palengke.
Liban sa tiyak na gamit ng pananaliksik sa buhay, kultura at wika ng tao,
mahalaga rin ang pananaliksik sa iba pang sangay pangkarunungan gaya ng
agham at teknolohiya, negosyo at industriya, edukasyon, at maging sa politika.

…sa Agham at Teknolohiya

42
Marahil kung walang pananaliksik ay atrasado pa rin ang ating
pamumuhay sa kasalukuyan. Ang mga kagamitang pantahan ay mas higit na
nagpapadali sa mga Gawain ng bawat miyembro ng pamilya. Higit na
nagkakaroon ng mabilis na komunikasyon ang bawat isa kahit na nasa
malayong distansya bunga ng pagkakatuklas ng mga cellphone. Nagagawa na
rin lapatan ng lunas ang mga karamdamang minsang itinuring na walang lunas
dahil sa mga bagong tuklas na gamot sa medisina. Higit na nalalapit na rin tayo
sa mga lugar na hindi man lamang sumagi sa hinuha ng ilan na mararating ng
karaniwang tao subalit sa dulot ng modernisasyon ng trnasportasyon madali na
itong nalalakbay. Kung walang pananaliksik, mananatili na lamang itong
panaginip.

…sa Negosyo at Industriya


Ang pagpapatupad ng mga kapasyahan sa isang negosyo ay batay na
rin sa resulta ng maingat na pagpapalano at pagsusuri kung aling pananaliksik
ang higit na angkop sa lalong ikaaangat ng negosyo. Ang pagsasagawa ng
pananaliksik sa loob ng isang kompanya ay maituturing mahalagang salik
upang Makita ang lalong ikaaangat at ikagaganda ng takbo ng negosyo.

…sa Edukasyon
Higit sa lahat mahalaga ang pananaliksik sa larangan ng edukasyon.
Mahalagang makapagtatag ng matibay na pundasyon ng karunungan sa isip ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga pamamaraang lalong
makapagpapaunawa sa mga mag-aaaral ng kanilang lektura. Ang inobasyon sa
pasilidad at kagamitang panturo ay nakasalalay din sa gagawing pagtuklas sa
pananaliksik ng mga implikasyon nito sa larangang akademiko.

…sa Politika
Dito higit na kailangan ng maingat na pag-aaral at pag-iimbestiga. Sa
larangan ito ay walang hanggan ang pagtuklas ng mga kaparaan sa
pagpapatatag ng ekonomiya at kalagayang pampulitika sa bansa. Sa pananaw
kasi ng mga ekonomista, ang pagkakaroon ng matatag na ekonomiya at
maaaring maging daan sa pagsasaayos ng kalagayang pampulitika ng bansa.

43
Sa kalagayang higit isang daan ang mga rehiyonal na wikang ginagamit
sa bansa, Malaki ang hamon na makabuo ng pangkalahatang polisiyang
pangwika na makatutugon sa pangangailangan ng lahat ng etnolinggwistikong
grupo. Malaki ang pangangailangang tupdin ang atas ng Konstitusyon na
paunlarin at payabungin ang isang wikang Pambansa, salig sa mga umiiral na
wikang katutubo sa Pilipinas.

BUOD NG KABANATA I

Sa kabila ng pagkakaroon ng pambansang wika ng Pilipinas, nanatiling


makapangyarihang wika ang Ingles sa ating lipunan. Panahon na upang
kilalanin at pahalagahan ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan. Ang
suliranin ng kolonyal na edukasyon ay malamang-malala na lalo na sa mga
kabataan. Ito na ang tamang panahon na pakaisipin natin ang ating sarili, ang
ating karunungan, ang ating kinabukasan. Dahil, samantalang hindi tayo
kumikilos tungo sa makabayang edukasyon at tungo sa paggamit nang lubos
ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan, mananatili tayong isang
bayang walang tiyak na tunguhin at walang maasahang pag-iral sa
kinabukasan.
Sa kalagayang higit isang daan ang mga rehiyonal na wikang ginagamit
sa bansa, Malaki ang hamon na makabuo ng pangkalahatang polisiyang
pangwika na makatutugon sa pangangailangan ng lahat ng
etnolinggwistikong grupo. Malaki ang pangangailangang tupdin ang atas ng
Konstitusyon na paunlarin at payabungin ang isang wikang Pambansa, salig
sa mga umiiral na wikang katutubo sa Pilipinas.
Ang mabuting karunungan ng nakaraan at ngayon ay tanda ng
pagsasapraktika ng wikang gamit sa kasalukuyan, ito’y sapagkat ang wika at
kultura ay repleksyon ng isa’t isa. Ang labis na pagkiling sa nakaraabn ay
maaaring maging hadlang sa progreso ng isang bayan; gayong ang malabis
na pagkiling sa kasalukuyan ay magiging tanda ng paghanap sa kaakuhan;
ngunit tinuruan na nang marami na ang ‘di lumingon sa pinanggalingan ay
walang patutunguhan at sa huli, sa alikabok hantungan.
Ang Filipino ay wika ng bayan sapagkat ito ay hindi lang para sa
pakikipagtalastasan kundi ito rin ay ginagamit para sa pagsasagawa ng

44
pagtatanghal kagaya ng pagtula, dula, pagtatanghal sa teatro at iba pa. Ito rin
ay ginagamit sa pagsusulat ng mga nobela, kwento at iba pang literatura na
ginagawa sa Pilipinas. At ang mga pagtatanghal o paglilimbag ng mga
literatura ay hindi lang makikita sa isang lugar sa Pilipinas kundi makikita din
ito sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Kinikilala ang pananaliksik bilang refleksiyon ng talino at husay ng
mananaliksik. At tanging wika ang gamit upang ang mga kaalaman sa
pananaliksik ay maisalin at maihatid sa mga mambabasa at bagong
mananaliksik. Sa layo nang nilakbay ng Filipino, napapanahon nang tunay na
ang pananaliksik ay marapat isulat sa Filipino.

Ebalwasyon: Gawin ito sa hiwalay na sulating papel.

I. Isulat ang TAMA kung ang diwa ng pangungusap ay tama. Kung mali, isulat
ang salitang dapat humalili sa salitang may salungguhit upang ang diwa ng
pangungusap ay maging tama.
1. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.
2. May dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang
Pambansa ng Pilipinas.
3. Ang pinaka-esenya ng konsepto ng wikang Filipino ay ang pagiging lingua
franca nito.
4. Ang haypotesis ni Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay nakatutulong
sa kaunlarang pang-ekonomiya ang pagkakaiba-iba sa wika.
5. Sa kanyang pananaliksik, ang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol
ay kinakatawan ni Pool (1972) sa pamamaraang grapikal na tinatawag
na scatterplot.
6. Ayon kay Fishman (1968), ang mga bansang may iba-ibang
komposisyong linggwistik ay nahaharap sa natatanging sagabal sa
kaunlaran.
7. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig.
8. Malinaw na layunin ng pagpapaulad mg wikang Filipino ang pagkitil sa
ating mga diyalekto.

45
9. Ayon kay Villacorta (1986), mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng
wikang Pambansa upang mapabilis ang kolektinong partisipasyon ng
sambayanang Pilipino.
10. Napakarami pang dapat gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino
nang sa gayo’y lubos itong makaganap sa tungkuling kaugnay ng
pambansang kapayapaan.
11. Ang katangiang espiritwal ng Pilipinas ang nagdudulot ng pagkakaiba-iba
ng wika at kultura sa bansa.
12. Batay sa sensus noong 2000, ang pinakalaganap na wika sa Pilipinas ay
Cebuano.
13. Nananatiling makapangyarihang wika ang Ingles sa Pilipinas.
14. Ang kalagayang pang-edukasyon ang nagtutulak sa mga Pilipinong sa
ibang bansa magtrabaho.
15. Pangalawa ang Filipino sa mga wikang may pinakamaraming nagsasalita
sa Estados Unidos.
II. Magpunta sa inyong aklatan at pansinin ang mga kamakailang pananaliksik
na nakasulat sa wikang Filipino. Pagkatapos ay kumpletuhin ang kasunod
na talahanayan.

Pamagat Taon Mananaliksik Larangan

III. Ilarawan ang kalagayan ng wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik


sa pamantasang ito. Ito ang rubriks sa pagmamarka: Mainam ang diwa ng
mga pangungusap – 10 puntos; Katanggap-tanggap ang diwa ng mga
pangungusap- 8 puntos; Walang kaisipan ang pangungusap na nabuo- 3
puntos
IV. Sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa Wikang Filipino Bilang
Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Edukasyon at
Pananaliksik. Rubriks sa pagmamarka: Mainam ang diwa ng mga
pangungusap – 10 puntos; Katanggap-tanggap ang diwa ng mga

46
pangungusap- 8 puntos; Walang kaisipan ang pangungusap na nabuo- 3
puntos.

Sanggunian:

Adaya, Jomar G., Camba, Arlan M., Malaga, Mayluck A., Pena, Rpmeo P., San
Diego, Karen G., Javarez, Sylvia S., Manahan, Lilia C., Dela Crus, Celeste.,
& Suguran, Tesie S. 2018. Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Malabon City:
Jimczyville Publications.
Alejo, Carmelita T., Astorga, Eriberto., Mangahis, Josefina C. & Nuncio,
Elizabeth M. 2008. Quezon City: C & E Publishing, INC.
Austero, Cecilia S., Abueg, Lolita K., Mateo, Emilia C., Corea, Ramilito B., Cruz,
Fe B., & Suguran Tessie S. 2010. Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(Binagong Edisyon). Pasig City: Unlad Publishing House.
Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., & Zafra Reynele Bren G. 2019.
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Malabon City: Mutya Publishing House INC.
(http://panulatnirom.com/2012/10/wikang-filipino-hininga kapangyarihan.html)
https://www.mnn,com/lifestyle/arts-culture/stories/9-of-the-worlds-most-
multilingual-countriesang

KABANATA II

ANG FILIPINO BILANG DISIPLINA AT FILIPINO SA IBA’T IBANG


DISIPLINA

47
Panimula

Ang ikalawang Kabanata na ito ay tungkol sa ilang usapin kung ang


Filipino nga ba, isang disiplina. Ilang beses nang itinatanong ng mga Pilipinong
iskolar mula sa iba’t ibang disiplina gaya ng syensya, matematika, sosyolohiya,
sikolohiya, Negosyo at iba pa kung maituturing nga bang disiplina ang Filipino o
ito’y isang wika lamang na magagamit bilang instrumento ng
pakikipagkomunikasyon. Bilang tugon, maraming beses na ring ipinapaliwanag
ng mga iskolar na Pilipino na nagtataguyod sa Filipino ang mga dahilan at
patunay na disiplina ang Filipino na nagtataglay ng angking karunungan gaya
rin ng mga nabanggit na disiplina at iba pa.
Maraming beses nang itinanong ng mga Pilipinong iskolar mula sa iba’t
ibang disiplina gaya ng Syensya, Matematika, Sosyolohiya, Sikolohiya,
Negosyo at iba pa kung maituturing nga bang disiplina ang Filipino o ito ay
isang wika lamang na magagamit bilang instrumento ng pakikipagtalastasan o
komunikasyon. Bilang tugon, maraming beses na ring ipinaliwanag ng mga
iskolar na Pilipino na nagtataguyod sa Filipino ang mga dahilan at patunay na
disiplina ang Filipino na nagtataglay ng angking karunungan gaya rin ng mga
nabanggit na disiplina at iba pa.

Pangkalahatang Layunin

1. Matalakay at maibigay ang Filipino bilang daluyan ng multidisiplinaryong


diskurso at pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang
Pilipino;
2. Malinang at mapahalagahan ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong
panlipunan;
3. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
Pambansa sa pagpapatibay ng kolektibong identidad at pambansang
kaunlaran.

48
Aralin 1: Filipino Bilang Disiplina

Panimula

Batay sa patakarang pangwika ng Pambansang Samahan sa


Sikolohiyang Pilipino (PSSP), ang wikang Filipino ay wikang pagdudukalan ng
pagkakakilanlang pambansa. Nakapaloob sa wikang ito ang kabihasnan at
kulturang Pilipino. Kadikit ng pagtatanghal sa wikang Filipino ay ang patuloy na
pagtataguyod ng mga local at rehiyonal na wika na balon ng mga ideya,
damdamin, pagpapahalaga, pananaw at pag-uugali ng mga mamamayan.
Samakatwid, lunan ito ng natatanging kakayahan ng komunidad.

Mga Tiyak na Layunin


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naibibigay ang mga argumento sa pagtataguyod ng Filipino bilang


Disiplina.
2. Nalilinang ang pagbabagong Kurikulum sa asignaturang Filipino sa antas
Tersyariya sa pagpapatupad ng pagbabagong dala ng K to 12 kurikulum

Pagtalakay

Batay sa patakarang pangwika ng Pambansang Samahan ng


Sikolohiyang Pilipino (PSS), Wikang Filipino ay wikang pagdudukalan ng
pagkakakilanlang Pambansa. Nakapaloob sa wikang ito ang kabihasnan at
kulturang Pilipino. Kadikit ng pagtatanghal sa wikang Filipino ay ang patuloy na
pagtataguyod ng mga local at rehiyonal na wika na balon ng mga ideya,
damdamin, pagpapahalaga , pananaw at pag-uugali ng mga mamamayan.
Samakatwid, lunan ito ng natatanging kakayahan ng komunidad.
Samantala, upang susugan ang mga argumento ng mga iskolar na ‘di
nagdadalawang-isip n itaguyod ang Filipino bilang disiplina, mahalagang
mabasa ang sumusunod na pag-aaral o babasahin bilang ilang patunay na ang
Filipino ay di lamang instrumento ng komunikasyon, bagkus bukal ng
karunungan:
1. Ang Pagsasakatutubo mula sa loob/kultural na nagpapatibay ng
mga Salitang Pandamdaming tumutukoy sa “saya”: Isang

49
Semantikong Elaborasyon ng Wikang Filipino sa Larangan ng
Sikolohiya ni Jayson Petras ng UP-Diliman. Makikita ito sa librong
inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na pinamagatang
Babasahin sa Kultural na Malayuning Komunikasyon (2017). Sa
nasabing artikulo, binanggit na sa konteksto ng pag-aaral, hindi
nakapagtatakang madukal ang yaman ng mga salitang pandamdamin sa
wikang Filipino gaya ng saya na nakabatay din ang pagpapakahulugan
sa kultural na kalagayan ng Pilipinas. Sa Katunayan, kung sisipating
Mabuti, maraming salitang Filipino ang nakapaloob dito gaya ng mga
sumusunod:

Salita Kahulugan
Aliw Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino ni Almario, tumutukoy ito sa
ano mang nagdudulot ng kasiyahang-loob at katuwaan.
Samantalang batay sa Bagong Diksyunaryong Pilipino-Pilipino ni
Silverio, ito ay kasingkahulugan o may kaugnayan sa salitang
kasiyahan, kaginhawahan, kaluwagan o ginhawa na ipinagkaloob
o tinanggap, konsolasyon, konswelo; ligaya; kaligayahan, libang
Galak Ito ay kasingkahulugan ng saya ayon sa UP Diksyunaryong
Filipino ni almario. Binigyan depinisyon naman ito sa diksyunaryo
ng wikang Filipino ng KWF bilang damdamin ng pagkatuwa o
kasiyahan, pagkamasaya, natutuwa, nagsasaya
Ligaya Tuwa, luwalhati, galak, lugod, saya, pelisidad, glorya, at igaya
ang pagpapakahulugan nito sa bagong diksyonaryong Pilipino-
Pilipino ni Silverio. Para naman sa Diksyonaryong Filipino-Filipino
2000 ng Sangay ng mga Paaralang Lungsod ng Maynila, ito ay
tumutukoy sa salitang luwalhati, glorya, igaya, kaligayahan
Wili Tumutukoy ito sa pagkagusto sa mabuting karanasan ayon sa
Bagong Diksyonaryong Pilipino-Pilipino ni Silverio at batay naman
sa Diksyonaryo ng wikang Filipino ng FWF, ito ay isang
kasiyahang tinatamasa sa isang pook na tinitirhan o
pinagliliwaliwan na ang ibig ay doon na mamalagi, pagkakaaliw
sa pinapanood o binabasa na siyang naging dahilan sa

50
pagkalimot sa ibang bagay.
Tuwa Galak, lugod, kasiyahan ng loob, saya, ligaya ang mga sinonimo
nito ayon sa Bagong Diksyonaryong Pilipino-Pilipino ni Silverio.
Ito ang kasiyahang-loob na nararamdaman ng tao kapag
nakukuha niya ang kanyang gusto, o nakakita siya ng bagay na
katawa-tawa at iba pa.

2. Pang-uri: Estruktura ng Pag-una sa Kultura ng Kaakuhang Filipino


nina Rhoderick V. Nunci at Elizabeth M. Nuncio. Makikita ito sa
librong Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan
at Lapit-Pananaliksik na inilathala ng UST Press (2004). Sa Artikulong
ito, ipinaliwanag at inilantad ang gamit ng wika na lalabas sa
estrukturang batayan nito. Itinuon ang hayagang paggamit ng pang-uri at
pag-uuri sa realidad pangkalinangan at panlipunan. Isa sa ibinigay na
halimbawa rito ng mga may-akda ang paghahalintulad ni Prospero Covar
sa isinulat nitong sanaysay na pinamagatang Potensiya at Anting-anting.
Ang anting-anting ay nagkakaroon ng bisa sa taong may malinis na
puso, budhi at diwan a sinasamahan ng taimtim na dasal. Mula sa
ginagamit na salita gaya ng malinis at taimtim lumalabas ang katangian
ng taong matatawag na may magandang loob. Sa kagandahang-loob
dumadaloy ang kapangyarihan ng agimat at ang taong may taglay ng
agimat at nagiging makapangyarihan. Samantala sa pagpapakahulugan
ng mga nakamasid, ang taong may agimat ay maaaring ilarawan bilang
malakas, Mabuti, mabait, matuwid, marunong, kamangha-mangha at
marami pang iba. Sa punto ng mga may-akda, malinaw sa kanilang
maaaring sabihing ang bisa ng agimat ay nabubuo sa pang-uring
talastasan.
3. Pag-unawa sa Sarili bilang Pakikipagtalastasan ni Edgar Calabia
Samar ng Ateneo. Binanggit sa nasabing artikulo ang bisa ng mga
salawikaing Pilipino bilang pangunahing instrumento upang makilala ng
isang indibidwal ang kanyang sarili. Sa nasabing artikulo, binibigyan-
pansin ang mga salawikaing: “Ang naniniwala sa sabi-sabi, walang bait
sa sarili”. Sa pagpapaliwanag, sinabi ng may-akda na tulad ng sinaunang

51
tulang napaikli ay nag-iiwan naman ito ng kamalayan ng salimuot ng
karanasang nakasalalay sa pagkapit sa pagkahulagpos ng kahulugan ng
limang salitang nabanggit sa nasabing salawikain gaya ng
sabi,paniniwala, bait, wala at sarili na kung dadalumatin ay tiyak na mag-
iiwan ng kaalaman tungo sa mabuting pag-unawa sa personalidad, sarili
at identudad ng isang Pilipino sa pagbuo ng batayang kasanayan sa
pangangasiwa ng sariling identidad.

4. Pahiwatig: Kagawiang pangkomunikasyon ng Filipino ni Melba P.


Maggay ng Ateneo na inilathala ng Ateneo de Manila Press. Tinatalakay sa
aklat na ito ang panimulanhg panunuri tungkol sa pakikipag-ugnayan ng mga
Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahiwatig sa
kanyang kapwa. Tuon ng aklat na ito na ipaunawa ang lalim at lawak ng
pagpapahayag na taal sa kulturang Pilipinogamit ang komunikasyong ‘di berbal
ng wikang Filipino.
Kaugnay nito, narito ang panimulang kodipikasyon ng mga ‘di berbal na
pagpapahiwatig ng mga Pilipino gamit ang kilos/galaw at ang mismong lagay ng
mga bahagi ng katawan. Sa nasabing talaan ay ‘di lamang binibigyang-
depinisyon ang galaw ng katawan kundi maging ang kultur ana
pagpapakahulugan sa anyo ng bahagi ng katawan (Petras, 2017).

a. Pagpapahiwatig Tungkol sa Bahagi ng Katawan


Mata Kahulugan
nandidilat na mga mata nagagalit; nahihindik
maningning na mga mata puno ng sigla at buhay
matang mabalagsik galit; mapusok; mabagsik
nakamulat na mata nagtataka; nagagalit
malamlam na mata malungkot; may dinaramdam
tinging matalim galit; namumuhi

Labi Kahulugan
pagkagat ng labi nagsisisi; nagdadalamhati;

52
nanghihinayang; nasasaktan
Nakangso nagtatampo; nagdadabog; masama
ang loob
ngiting-ngiti maykaluguran ang loob; gaya ng
dalagang nanaginip ng gising
Ngiwi galit at nanlalait; maninilipit ang
mukha; sukdulang kirot
ngiting pilit nasasaktan ngunit ayaw pahalata;
nagpapakitang-tao; ibig lamang
makisama at magbigay-galang sa
madla
ngiti sa magkabilang dulo ng pisngi tuwang-tuwa

Aralin 2: Filipino sa Syensya, Matematika, Inhenyeriya at Iba pang Kaugnay na


Larangan

Panimula

Ang nabanggit ay ilan lamang sa mga maaaring basahin tungo sa pag-


unawa ng sikolohiya at pilosopiyang Pilipino gamit ang pagsusuri sa
kapangyarihan ng mga salitang Filipino sa pamamagitan ng salawikain o mga
pahayag na kung dudukaling lubusan ay dadako sap ag-unawa ng pagkataong-
Pilipino.
Marami nang patunay na may kakayahang magamit ang Filipino bilang
wika ng pananaliksik at pagtuturo sa larangang teknikal gaya ng Syensya,
Inhenyeriya at Matematika, marami pa ring agam-agam ang ilang mga iskkolar
na Pilipino sa tunay na kakayahan nito bilang wika ng karunungan sa mga
nabanggit na disiplina hindi gaya ng Niponggo/ Nihonggo, Ingles, Pranses at
Aleman. Sa katunayan, halos lahat ng teksbuk sa mga nasabing asignatura ay
nasusulat sa wikang Ingles at ang karamihan sa mga gurong Pilipino na
nagtataguyod ng mga disiplinang ito ay bihirang gumamit ng wikang Filipino
bilang panturo.
Layunin

53
1. Natatalakay ang kahalagahan ng pagbasa bilang wika ng pananaliksik,
lalo na sa larangang teknikal
2. Naiisa-isa ang pagtalakay sa larangan ng teknikal tulad ng Syensya,
Inhenyera at Matematika

Pagtalakay

1. Filipino sa Siyensa. Ang Sentro ng Wikang Filipino ng UP- Diliman,


maging ang mga propesyonal na samahang pangwika sa pagsasagawa
ng mga panayam, komperensya. Pagsusulat at pagsasalin ng mga
sanggunian at paglalathala ng pananaliksik sa mga larangang teknikal
gamit ang wikang Filipino sa tulong na rin ng mga iskolar na naniniwala
sa kakayahan ng wikang itong magamit sa nabanggit na mga larangan.
Dahil sa positibong pagtinging ito, hindi sila natatakot subukang gamitin
ang wikang Filipino sa kanilang pagtuturo at sa kanilang mga isinusulat
na libro at pananaliksik. Sa katunayan, isa si Dr. Fortunato Sevilla ng
Kolehiyo ng Agham ng UST sa nagtataguyod ng wikang Filipino bilang
wika sa pagtuturo ng Kemistri. Pisika at iba pang kaugnay na larangan.
Ayon sa kanya, sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ay mas
mabilis na nauunawaan ng mga mag-aaral ang lalim at lawak ng mga
konseptong pang-agham. Bunga nito, mas nagiging buhay ang talakayan
sa klase dahil ganap na nakikiisa ang mga mag-aaral. Ang ganitong
pangyayari ay nagbubukas sa mas mataas na paghahangad ng mga
mag-aaral na matututo ng siyensya na magagamit nila sa pang-araw-
araw na buhay.
2. Filipino sa Matematika. Matibay naman ang paniniwala ni Atty James
Domingo ng Kolehiyo ng Akawntansi ng Unibersidad ng Sto. Tomas
(UST) sa kakayahan ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng
mga asignatura sa kursong akawntansi. Sa katunayan, ayon sa kanya,
sa loob ng ilang taon din ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo,
lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral niya ang iba’t ibang
konseptong pang-akawntansi. Patunay rito ang mas mataas na
porsyento ng mga mag-aaral na nakakapasa sa kanyang mga
ginagawang pagsusulit sa mga ara ling ginagamit niya ang Filipino bilang
midyum sa pagtuturo. Upang ganap na maipaunawa sa mga mag-aaral
54
ang mga mahihirap na konseptong pang-akawntansi at bilang ambag na
rin sa pagpapaunlad ng wikang Filipino ay naglathala na rin siya ng mga
libro tungkol dito gaya ng Hairy Potter (accounting process) at Bentahan
(merchandizing and manufacturing) na kapwa nakasulat sa wikang
Filipino. Ito ay kasalukuyang ginagamit bilang alternatibong sanggunian
ng mga mag-aaral ng Akawntansi sa buong bansa (Fajilan,2015).
Nabanggit nina Broadway ay Zamora (2018) na napakahalaga ng
Matematika sa buhay ng tao kaya’t mahalagang ikintal sa isipan ng mga
mag-aaral ang aral na maibibigay nito sa kanila. Sa katunayan, magmula
sa simpleng pagbibilang hanggang sa pagkokompyut ng income tax
return at ng mga bayarin sa kuryente at tubig, makikita ang tungkuling
ginagampanan ng Matematika. Kaugnay nito, ang mga nabanggit ay ilan
lamang sa mga dahilan kung kaya’t mahalagang matutunan ng mga
mag-aaral ang asignaturang ito tungo sa pagbuo ng kaalamang
magagamit nila sa pang-araw-araw na buhay.
Sa kanilang pag-aaral na pinamagatang: Ang Filipino Bilang Wika sa
Matematika: Isang Palarawang Pagsusuri sa Kaso ng isang Pribadong
Paaralan na inilathala sa The Normal Lights, Tomo 12, Bilang 1 (2018),
napatunayan nilang Malaki ang papel na ginagampanan ng wikang
Filipino bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng Matematika sa mga
Pilipinong Mag-aaral. Sa Katunayan, ayon sa nasabing pag-aaral, mas
madaling naipaliliwanag ng guro ang mga konseptong pang-Matematika
at mga panuto ukol ditto sa tulong ng wikang Filipino. Gayon din, mas
naipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong uko sa
asignaturang gamit ang wikang Filipino dahil komportable na sila sa
paggamit ng wikang ito. Wala ring hadlang sa pagsasalita lalo na sa
talakayan.
3. Filipino sa Inhenyerya. Isang pundasyon at malaking patunay ang
ginawang ekspermentasyon ni Carlito M. Salazar (1995) ng DLSU-
Manila sa kakanyahan ng Filipino bilang wika ng karunungan nang
gamitin niya ito bilang midyum sa pagtuturo ng mga asignatura sa
Inhenherya gaya ng Process Design in Chemical Engineering, Heat
Transfer, Computer Calculation and Momentum Transfer. Sa katunayan,
marami sa kanyang mga mag-aaral ang pumapabor sa paggamit ng
55
wikang Filipino sa pagtuturo ng mga nasabing asignatura bunga ng mga
sumusunod na dahilan:
a. Mas buhay at impormal ang talakayan;
b. Mas nakikiisa ang mga mag-aaral sa talakayan sa klase;
c. Nawawala ang tensyon sa klase;
d. Nawawala ang ano mang sagabal sa komunikasyon sa pagitan ng
propesor at mga mag-aaral;
e. Hindi na doble ang dapat intindihin ng mga mag-aaral- mahirap na
ang teknikal na asignatura, mahirap pa ang magsalin nito mula sa
Ingles;
f. Mas madaling iugnay ang mga teoryang pang-inhenyerya sa pang-
araw-araw na buhay;at
g. Napapatibay ang damdaming nasyonalismo.

Kung susuriin ang obserbasyon at resulta ng pag-aaral ni Salazar


(1995), nagpapatunay lamang na ano mang wika sa mundo ay may
kakanyahan na maging wikang teknikal. Gayon din, patotoo ito kung
talagang pagkatuto ang hangad ng bawat institusyong pang-akademiko
para sa kanyang mga mag-aaral, magagawa ito sa isang midyum na
malapit sa mga mag-aaral- ang kanyang kinagisnang wika.
4. Filipino sa Medisina. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng wikang
Filipino sa larangan ng Medisina o Panggagamot. Sa katunayan, ito ang
nagsisilbing pangunahing instrumento ng doctor sa kanilang
panggagamot sa mga mamamayang Pilipino na nasa marhinalisadong
sitwasyon o maging mga nas gitnang uri man. Dahil sa wikang ito, mas
mapabilis ang ugnayan ng pasyente at doctor o magging nars. Mas
nararamdaman ang pagkalinga ng mga doctor sa kani-kanilang pasyente
dahil sa kakaibang katangian ng wikang Filipino- mapagkalinga,
magpag-aruga.
Si Doktor Luis P. Gatmaitan (kilala bilang tito dok sa larangan ng
panitikan) na nagtataguyod ng wikang Filipino sa larangan ng Medisina
sa pamamagitan ng kanyang mga kwentong pambata na tumatalakay
sap ag-iingat ng kalusugan at pagpapahalaga rito ay naipauunawa agad
niya sa maga musmos ang kahalagahan ng kalusugan sa pamamagitan
56
ng malikhaing pamamaraan. Ilan sa mga pamagat sa mga nalikha
niyang kwento ay ang mga sumusunod:
a. May mga Lihim Kami ni Ingkong
b. Waaah!Nakagat Ako ng Aso
c. Ayan na si Bolet Bulate
d. Ngiii! Ang kati-kati ng Ulo Ko
e. Naku, Ang Pula ng Mata Ko!
f. Aray, Nasusugatan Ako!
g. Ay! May Bukbok ang Ngipin ni Ani
h. KRAAAK! Nabali ang Buto ni Ferdie!
Kung gayon, ang pahayag ni Dr. Florentino Hornedo na binanggit ni
Timbreza (1999) tungkol sa kakanyahan ng Filipino ay waring naglalagom sa
mga naunang pagtalakay: Walang nakikitang problema sa paggamit ng wikang
Filipino sa mga disiplina tulad ng siyensya, teknolohiya at humanidades
sapagkat ang wikang ito ay mapag-ampon.
Gabay na Tanong:

1. Paano at bakit ang Filipino ay naging isang disiplina? Ano ang istado ng
Filipino bilang isang disiplina? Ano-ano ang mga patunay nito?
2. Ano ang kakayahan ng wikang Filipino sa larangan ng Siyensya,
Matematika, Inhenyerya at iba pang kaugnay na larangan? Ano-ano ang
mga patunay nito?
3. Ano ang kakayahan ng wikang Filipino sa larangan ng Humanidades,
Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na larangang? Ano-ano ang
mga patunay nito?
4. Paano ba mapapalaganap at mapauunlad ang paggamit ng wikang -
Filipino sa iba’t ibang larangan.
Aralin 3: Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba Pang Kaugnay na
Larangan

Panimula

Hindi maitatangging malayo ang narating ng wikang Filipino magmula


nang ito ay maitanghal bilang wikang pambansa, wikang opisyal at wikang
panturo ng Saligang –Batas ng Pilipinas noong 1987 sa kabila ng pag-

57
aalinlangan at pagtutol ng ilang Pilipinong maka-Ingles, rehiyonalista at ng ilang
mga sector ng lipunan. Sa katunayan, ayon kay Kgg. Virgilio Almario,
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, sa panayam ng Rappler
Philippines (2014), ang wikang ito ay ginagamit na sa buong kapuluan ng
Philippines magmula sa Batanes hanggang Tawi-tawi. Gayon din, buhay na
buhay na ang wikang ito sa mga larangang ng Agham-Panlipunan,
Humanidades, Midya at mga larangang teknikal. Sa katunayan, marami nang
mga nasusulat na pananaliksik at testimonyang magpapatunay na nagagamit
ang wikang Filipino sa pagsulat at bilang midyum sa agtuturo sa iba’t ibang
sangay ng Humanidades at Agham-Panlipunan gaya ng Sining ng Pagpipinta,
Eskultura, Arkitektura, Kasaysayan, Sosyolohiya, Sikolohiya, Ekonomiks,
Araling Pangkababaihan at Araling Pampamilya.

Layunin

1. Naipaliliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang


pambansa sa pagpapatibay ng kolektibong identidad at pambansang
kaunlaran.
2. Natatalakay ang mga estado ng wikang Filipino sa mga nabanggit na
disiplina.
3. Naiisa-isa ang mga disiplina sa larangan ng agham panlipunan

Pagtalakay

Tatalakayin sa araling ito ang estado ng wikang Filipino sa Humanidades,


Agham Panlipunan, Sosyolohiya at Pamahayagan. Hinalaw ito mula sa aklat
nina Bernales, 2019.
1. Filipino sa Humanidades. Binigyang-kahulugan ng College of Arts and
Sciences ng University of South Florida (2015) ang humanidades bilang isang
disiplinang nakatuon sa pag-aaral tungkol sa sangkatauhan. Pangunahing
layunin nito na suriin ang pundamental na Gawain ng tao gamit ang pitong
sining gaya ng pagpipinta, eskultura, arkitektura, musika, literatura, pelikula at
teatro. Ayon naman kay Tolentino (2010), humanidades ang sustansya ng
pagkatao, ang bumubuo at bumubuhay sa tao, lampas sa batayang
pangangailangan. Sa pamamagitan nito, natutuhan ng isang indibidwal na mag-
isip nang kritikal, mangatwiran, magtanong at paganahin ang malikahaing

58
kaisipan. Gayon din, dahil sa disiplinang ito ay natutuhan ng tao ang iba’t ibang
kaalaman sa daigdig sa pamamagitan ng mga salaysay tungkol sa karanasan
ng iba. Gaya ng agham, kailangan ang Humanidades upang makita ng tao ang
kanyang katauhan at maunawaan niya ito sa pamamagitan ng kanyang wika,
kulay, disenyo, tono, linya, at iba pa pang elementong kaugnay ng mga
nabanggit. Kaugnay nito, hindi maikakailang mas madaling maunawaan ng mga
pilipinong mag-aaral ang kanyang pagkatao at tunay na diwa ng disiplinang ito
gamit ang wikang Filipino partikular kung ang tuon nito ay pag-aralan ang
kultura at sining ng Pilipinas tungo sa pag-unawa tungkol sa kanyang sarili at
pagka-Pilipino. Ang katotohanang ang bisa ng wikang Filipino ay kinilala ng
1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay hindi maitatangging ito ay wika ng
karunungan. Bukod pa, marami nang pag-aaral ang nagsasabing mas natututo
ang mga mag-aaral at mas nagsasalita sa klase kung ang ginagamit na wikang
panturo ay wika ng kanyang lipunan (Teodoro, 2018).

Marahil ay hindi lubos na mauunawaan ng kabataang Pilipino noon at sa


kasalukuyan ang ganitong aral ng mga kontrobersyal na nobela ni Dr. Jose P.
Rizal kung hindi ito naisalin sa wikang Filipino ng mga iskolar sa kasalukuyang
panahon. Sa katunayan, tumimo ds isip ng mga Pilipino ang mga dakilang
nobelang ito dahil sa salin nito sa wikang Filipino na nagdulot ng kamulatan sa
panig ng mga Pilipinong mambabasa ukol sa tunay na mga pangyayari sa
Pilipinas sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol na nagdulot ng labis-labis
na pagpapahirap at pang-aabuso sa mga Pilipino at pananamantala sa likas na
yaman ng bansang ito. Gamit din ang kapangyarihan ng wikang Filipino ay
naipauuna sa sambayanang Pilipino ang dakilang obra ni Aurora Batnag ang
nasabing akdang-pamapanitikan noong 1988. Samantala, pinagunahan naman
ng KWF ang pagsasalin pa ng mga klasikong akdang pampanitikan tulad ng
mga akdang The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas, War and Peace ni
Leo Tolstoy, Don Quixote ni Miguel de Cervantes at The Necklace at iba pang
maiikling kwento ni Guy de Maupassant. Ayon kay Almario, pangunahing
layunin ng programang ito ng komisyon ang maitampok ang wikang Filipino
bilang wika ng karunungan. Gayon din, upang maipakita na ang wikang
Pambansa ay nagagamit sa iba’t ibang uri ng diskurso (Santos,2015).
Nakatulong din ng lubos sa mga mag-aaral na Pilipino ang pagkakalathala ng
59
mga sangguniang aklat at pananaliksik sa Humanidades sa wikang Filipino.
Buhay na halimbawa nito ang librong pinamagatang Ang Imahen ng Filipino sa
Sining ng inilathala ng KWF na naglalaman ng iba’t ibang artikulong isinulat ng
iba’t ibang awtor. Ito ay nagpapatunay na pagdating sap ag-aaral ng sining at
kultura, intelektwalisado na ang wikang Pambansa. Gayon din, ang
sangguniang aklat na nabanggit ay isang imbitasyon na makiambit sa hapag ng
sining at kulturang Filipino na isa sa pinakamayaman, pinakamakulay at may
pinakamahabang kasaysayan sa mundo (Teodoro,2018).
Sa kabilang banda, mabilis na naipahayag ng isang mag-aaral na
Pilipino ang kanyang interpretasyon o saloobin hinggil sa isang partikular na
sining gaya ng pagpipinta o eskultura gamit ang wikang Filipino sapagkat ito
ang wika ng kanyang bayan na kanyang kinagisnan. Gayon din, natutupad ng
wikang Filipino ang dalawa sa apat na tungkulin ng sining sa buhay ng isang
tao at sa lipunang ito- ang personal at kultural na tungkulin nito. Halimbawa,
mas nararamdaman ng kompositor ang kanyang obra at ng tagapakinig ang
lalim ng kahulugan ng isang awitin gamit ang wika ng bayan. Sa katunayan, sa
pamamagitan ng wikang ito, mas nauunawaan ng isang Pilipino ang
kapangyarihan ng sining bilang midyum sa pagbabagong panlipunan o bilang
pamamaraan upang pukawin ang damdamin ng isang individwal. Sa katunayan,
maaaring hindi nagwagi si Maria Theresa Llamedo-Cruzata o Dulce sa 4 th Asian
Singing Competition kung sinunod niya ang payo ng kanyang manager na
kantahin ang kanyang tanya na awiting Ako ang Nagwagi sa Ingles dahil
maaaring hindi mararamdaman nang husto ng mang-aawit at ng mga
tagapakinig ang tunay na diwa nito. Dahil sa inawit niya ito sa wikang Filipino,
mas naramdaman ito ng mga Pilipinong tagapakinig lalo’t higit ng mismong
mang-aawit. Hindi rin matatawaran ang kontribusyon ng mga awiting
nakapagpaliyab sa damdamin ng taumbayan upang patalsikin ang diktaturya sa
Pilipinas. Ilan sa mga ito ang awiting Bayan Ko ni Freddie Aguilar, Magkaisa ni
Virna Lisa at Handog ng Pilipino sa Mundo na isinulat ni Jim Paredes at na
inawit ng mga iba’t ibang Pilipinong mang-aawit. Malaking kontribusyon din ang
mga awitin ni Glock-9 na nasusulat sa wikang Filipino upang imulat ang mga
tagapakinig nit sa iba’t ibang isyung panlipunan na nararanasan ng mga Pilipino
mula noon hanggang sa kasalukuyan gaya ng isyu ng korapsyon, ‘di
pagkakapantay-pantay sa pagtingin ng kasarian, migrasyong dulot ng
60
kahirapan at kawalang-puso ng pamahalaan. Ilan sa mga ito ang kantang
Upuan (2009), Walang Natira (2011) at Sirena (2012). Sa pagsusuri, mas
ganap na naunawaan ng mga Pilipino ang lalim ng mensahe ng mga awitin at
panitikang ito gamit ang wikang Filipino na nakabuhol na sa loob at lalim ng
pagkatao ng bawat Pilipino. Sa ganito ring sitwasyon, hindi maikakailang mas
mabilis masagot ng isang Pilipino ang mga tanong sa Humanidades gaya ng
Sino Ako?. Ano Ako?, Para Saan Ako? At Bakit Ako Nandito sa Mundo? dahil
mas nauunawaan nila ang mensahe ng bawat sining na ito dahil sa
pagkakagamit ng wikang taao sa kanyang pagkatao. Samakatwid, sa bawat
obrang Pilipino gamit ang wikang Filipino ay ganap na nasasalamin ng bawat
Pilipino ang kultura, kasaysayan, pilosopiya at pagkataong Pilipino. Tunay na
instrumento ito sa kabatiran sa kanyang pagkatao. Ayon nga kina Sapir at
Whorf na binanggit na aklat na Tekbuk sa Pagsasalin na Malaki ang
ginagampanan ng wika sa pagbuo ng kaisipan at pananaw ng mga
tagapagsalita nito (Batnag at Petras, 2009). Sa huli, tunay na malaki ang
gampanin ng wikang Filipino upang ganap na maunawaan ng mga Pilipino ang
kanilang sarili sa pamamagitan ng sining.

2. Filipino sa Agham Panlipunan. Taliwas sa larangang teknikal, hindi


maikakailang malayo na ang narrating ng wikang Filipino sa Agham-
Panlipunan. Sa katunayan, buhay na buhay ito sa pag-aaral ng Kasaysayan,
Antropolohiya, Ekonomiks, Sosyolohiya, Sikolohiya, Pilosopiya at maging sa
Politika. Subalit ang ganitong tagumpay ng wikang Filipino ay hindi naging
madali gaya ng iyong inaakala. Isa sa matinding akusasyon laban sa wikang
Filipino bilang opisyal na wika, wikang panturo at wika ng pananaliksik ay ang
kakulangan diumano ng wikang ito sa mga bokabularyo sa Agham Panlipunan.
Pinaniniwalaan pa nga ng iba na ang wikang ito ay midyum lamang sa pagsulat
ng mga akdang pampanitikan gaya ng maikling kwento, nobela, dagli at tula sa
mga ulap, buwan at bituin (Tiamson-Rubin,1998). Subalit simula nang
pagdesisyon ng mga unibersidad sa bansa na gamitin ito bilang opisyal na
wikang panturo sa disiplinang ito ay unti-unting napawi ang agam-agam sa
kakayahan ng wikang Filipino na maging wika sa Agham Panlipunan.
Matatandaang taong 1968-1969 nang simulang gamitin ang wikang Filipino
bilang wikang Filipino bilang wikang panturo sa UP-Diliman. Nagsimula ito
61
bilang ekspermento sa kolehyo ng Sining at Agham na kinabibilangan ng
Departamento ng Pilosopiya, Sosyolohiya, at Kasaysayan. Bunga ng ganitong
ekspermentasyon, napatunayang higit na nakauunawa ang mga mag-aaral ng
kanilang mga pinag-aralan, ito man ay madali o malalim na konsepto.
Samakatwid, lumabas sa nasabing elspermento na higit na epektibo ang
pagtuturo ng Agham-Panlipunan gamit ang wikang Pilipino sapagkat higit na
nagkakaunawaan ang mga guro at mag-aaral (Tiamson-Rubin, 1993).
Sa kasaysayan ng pagsasa-Filipino nangunguna ang tatlong
pamantasang ito, ang UP-Diliman, DLSU, at Ateneo Manila. Naniniwala ang
mga nasabing Pamantasan na kung gagamitin ang wikang Filipino sa
disiplinang ito tunay na mararamdaman ang kasiglahan sa talakayan sa pagitan
ng mga propesor sa pilosopiya at mga mag-aaral. Gayon din, mahusay na
motibasyon ito upang ganahan pang lalo ang mga naghahangad na palalimin
ang kanilang kaalaman sa disiplinang ito (Ocampo, 1995).

Sa DLSU-Manila, pinangunahan ni Dr. Emerita S. Quito ang pagsasa-


Filipino ng pagtuturo ng Pilosopiya. Bunga ito ng kanyang kalinawanagan nang
minsang magtungo sya sa Vienna noong 1962 at napuna ng mga nakadaupang
palad na mga banyagang iskolar sa paggamit ng wikang Ingles sa Sistema ng
edukasyon sa Pilipinas gayong Malaya na ito sa kamay ng mga mananakop na
Amerikano. Dahil sa nasabing pangyayari, sinimulan niya ang pagwawasto sa
kabalintuanang ito sa pamamagitan ng paglalathala ng librong Pilosopiya sa
Diwang Pilipino na nalathala noong 1972. Aniya, Filipino ang ating wika,
nararapat lamang na magamit ito nang husto sa pinakamalalim at
pinakamasaklaw nap ag-uusisa ng tao. Dagdag pa niya, Nararapat na
mainternalisang napakayaman ng ating wika para sa pagdukal ng malalim na
kaalaman. Malaki ang maiaambag ng maka-Pilipinong lapit sa pilosopiya sa
paglalatag ng batayan ng pambansang kultura (Ocampo,1995). Samantala,
nakilala rin si Dr. Florentino T. Timbreza bilang isang iskolar na nagtataguyod at
naniniwala sa yaman at kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng
Pilosopiya. Sa katunayan, isinulat niya sa Filipino ang kanyang disertasyon sa
UST noong a981. Nakapagpalabas din siya ng libro at mga artikulo sa
Pilosopiyang Pilipino noong 1981.

62
Sa Ateneo, pinangunahan naman ni fr. Roque Perriols, SJ ang paggamit
ng Filipino sa pagtuturo ng Pilosopiya noong 1969. Bunga nito ay
nakapaglalathala siya ng mga babasahin sa Pilosopiya na nasusulat sa wikang
Filipino gaya ng Paano Magpakatao? (1989), at Pambungad na Pilosopiya ng
mga Sinaunang Griyego (1983). Nariyan din si Fr. Albert Alejo na
nakapaglathala ng mga librong pampilosopiya na nasusulat din sa wikang
Filipino gaya ng Tao po! Tuloy! Isang landas sa Pag-unawa sa loob ng Tao
noong 1990. Sa nasabing libro ay malinaw niyang ipinaliwanag ang konsepto
ng salitang loob gaya ng kusang-loob, utang na loob at lakas ng loob. Aniya,
ang loob pala ay hindi lamang tumutukoy sa isang sulok ng dibdib, bagkus ito
ay daigdig ng makahulugang pakikipag-ugnayan. Malinaw niyang sinabi na sa
pagkalula sa hiwaga ng tao, napakalaki ng kinalaman ng wika (Ocampo, 1995).
Samantala natuklasa din ng mga guro sa Ateneo na mabunga ang pagtuturo ng
Pilosopiya sa Filipino (Ocampo, 1995).

Sa UP-Diliman naman, kilala sina Dr. Silvino Epistola, Dr. Alfredo


Lagmay, Dr. Leonardo de Castro, Prop. Juan Sayson, prop. Rey dela Cruz,
Prop.Larry Mapolan at Prop. Agerico de Villa na gumagamit ng Filipino sa
pagtuturo ng Pilosopiya. Samantala bilang bahagi sa pagtupad sa patakarang
pangwika ng UP, isinalin ni Prop. Jeanette Yasol-Naval ang mga akda nila
Plato. Thomas Aquinas, David Ricardo, Adam Smith at Max Weber.
Patunay naman ang mga kasabihan o salawikaing Pilipino na bukal ng
Pilosopiya ang wikang Filipino mula sa iba’t ibang aspektong buhay. Ang mga
ito ay mensahing tungkol sa batas ng panunumbalik, batas ng karma at batas
ng kalikasan:
1. Kapag may tiyaga, may nilaga.
2. Kung may itinanim, may aanihin.
3. Kapag may isinuksok, may madudukot.
4. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
5. Nawawala ang ari, ngunit ang uri ay hindi.
6. Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
7. Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.
8. Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.
9. Walang humawak ng kalan ang hindi naulingan.
63
10. Ang mabigat ay gumagaan kapag pingatulong-tulongan.
11. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa
paroroonan.
12. Ang iyong hiniram, isauli o palitan upang sa susunod, hindi ka
makadalaan.
13. Kahoy mang babad sa tubig, sa apoy huwag ilapit. Kapag ito’y nadarang
sa init, sapilitang magdirikit.
14. Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang
lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.

3. Filipino sa Sosyolohiya. Maraming propesor at iskolar mula sa iba’t ibang


unibersidad ang gumagamit ng wikang ito bilang midyum sa pagtuturo at wika
ng kanilang pananaliksik kabilang na ang UP, DLSU- Manila, UST, PUP at
Ateneo. Ano ba ang kahulugan ng salitang Sosyolohiya? Ito ay tumutukoy sa
isang maagham na pag-aaral ng gawi o asal na bunga ng pagiging kasapi ng
isang grupo o pangkat (Flores,1994). Ayon naman kina Panopio at Santico-
Rolda (1992), tumutukoy ang Sosyolohiya bilang isang syentipikong pag-aaral
ng tao at ng kanyang interaksyong panlipunan sa iba pang mga tao sa mga
grupong panlipunan at sa lipunang kanyang kinabibilangan. Tumatalakay ito sa
mga Sistema ng kilos panlipunan, mga pagkakaugnayang panlipunan, mga
organisasyong panlipunan at mga institusyon, pamayanan at mga lipunan.
Mahalagang pag-aralan ang lipunan dahil bilang bahagi ng Agham-Panlipunan.
Tinatalakay rito ang lahat ng paksang patungkol sa tao bilang bahagi ng
lipunan. Iminumulat tayo ng disiplinang ito sa pakikipagkapwa, sa iba’t ibang
isyung panlipunan, pagtuklas sa sariling kultura at pagkakakilanlan, mga
paniniwala at ideolohiyang angkin ng isang bansa (Flores, 1994). Kaugnay nito,
mahalagang maunawaang mabuti ng mga mag-aaral ang esensya ng
disiplinang ito upang makatulong ang mga kabataang ito sa pagpapaunlad ng
lipunang Pilipino. Upang isakatuparan ito, mahalagang salik ang wika tungo sa
ganap na pagkaunawaan sa ilalim, lawak at halaga ng Sosyolohiya. Ayon nga
kay Flores (1994), magsisilbing pundasyon ang edukasyon. Kaya sa loob pa
lamang ng paaralan ay nararapat nang gumamit ng mga kasangkapang siyang
huhubog sa mga kabataang Pilipino na mag-aaral ng Sosyolohiya gaya ng mga
librong pang-sosyolohiya na nasusulat sa wikang Filipino na isinulat ng mga
64
eksperto sa disiplinang ito at paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng
pagtuturo sa asignaturang ito. Dagdag pa niya, maaaring mahuhusay nga ang
mga libring isinulat ng mga banyagang iskolar, ngunit hindi magiging mabisang
siyang gagawing librong sanggunian ng mga Pilipinong mag-aaral ng
Sosyolohiya. Sapagkat kadalasan, ang mga nilalaman ng librong ito ay mga
impormasyong nakaugnay sa kani-kanilang bansa. Sa madaling sabi, hindi
akma ang nilalaman ng mga librong itong isinulat sa wikang Ingles sapagkat
taliwas ito sa kultura at lipunang Pilipino. Gayon din, higit na magkakaunawaan
ang mga huhubuging sosyolohista at mga pangkaraniwang Pilipino kung kapwa
bihasa at may pagpapahalaga sa wikang Filipino. Pagkatapos hubugin ang
isang sosyolohista sa loob ng paaralan ay kinakailangan na niyang bumabad sa
realidad ng lipunan. Sa pagganap ng kanyang tungkulin upang matupad ang
mithiing masolusyonan ang mga problemang panlipunan, mabisang
instrumento pa rin ang paggamit ng wikang Filipino sa pakikipag-ugnayan sa
komunidad ma kalimitang biktima ng kahirapan (Flores, 1994).
Samantala, Malaki rin ang ginagampanang tungkulin ng wikang Filipino
at wikang katutubo sa pagtuturo ng Kasaysayan sa mga kabataang Pilipino
upang maunawaan ang halaga nito. Buhay na halimbawa nito ang karanasang
ibinahagi ni Prop. B.R, Rodil ng Mindanao State University sa 1 st Conference-
workshop on Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education sa Capitol
University, Cagayan de Oro City noong 2010 ng Pebrero nang basahin niya ang
kanyang papel na pinamagatang “Ang Filipino Bilang Wikang Panturo ng
Kasaysayan ng Pilipinas o Alinmang Bahagi Nito”. Ayon sa kanya, sa loob ng
tatlumpu’t siyam na taong pagtuturo niya ng Kasaysayan gamit ang wikang
Tagalog (Filipino) at Bisaya ay natutuhan niya ang anim na bagay sa
karanasang ito. Aniya:
a. Una, napatunayang hindi kapos sa bokabularyo ang ating mga wika
sa larangan ng diskursong intelektwal.
b. Pangalawa, mas madaling ituro ang kasaysayan lalo ang kasaysayan
ng Pilipinas at Mindanao sa sariling wika, mas nadarama, tumatalab,
interaktib at buhay, ika nga.
c. Pangatlo, higit na matalino ang mga estudyante kung sariling wika
ang ginagamit.

65
d. Pang-apat, kapansin-pansin na habang nagiging matatas ang mga
estudyante sa pagpapahayag ng kanilang damdamin at pag-iisip,
lalong tumaas ang kanilang pagtitiwala sa sarili.
e. Panlima, hindi sagwil ang paggamit ng iba’t ibang sariling wika sa
klasrum, nagiging tulay pa nga ito para ma-appreciate ng mga
kabataan ang yaman ng iba’t ibang kultura.
f. Pang-anim, sa paggamit ng ating sariling wika sa paaralan

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga patunay sa kabisaan ng


wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa Agham Panlipunan.
4. Filipino sa Pamahayagan. Sa pagpapakahulugan, ang pamahayagan ay
isang gawaing kinapapalooban ng pangangalap ng impormasyon, pagsusulat,
pag-eedeyt, paglilimbag at pagsasahimpapawid ng mga balita sa pamamagitan
ng radio, telebisyon, pahayagan o magasin. Saklaw nito ang tatlong gawaing
gaya ng (1) pagsulat sa pahayagan at magasin, (2) pagsasalita na karaniwang
nagaganap sa radio sa pamamagitan ng pagbabalita at (3) pampaningin na
tumutukoy sa pagbabalita sa telebisyon, pagkokomentaryo, pag-aanunsyo at
iba pa (Matienzo at Matienzo, 2007). Ito ay pangunahing instrumento upang
makakuha ng mga impormasyon ang mga Pilipino sa mga nangyari sa loob at
labas ng bansa, mula sa mga isyung panlipunan, sakuna, hanggang sa mga
balitang nagbibigay aliw sa sambayanan.
Sa kasalukuyang panahon, marami ring mga pahayagang broadsheet sa
Pilipinas ang nasusulat sa wikang Filipino gaya ng Malaya. Samantala kabilang
naman ang Abante, Pilipino Star Ngayon, Remate, Talaba, Hataw, Tanod at
Bulgar sa mga pahayagang tabloid na gumagamit ng wikang Filipino sa
paghahatid ng mga impormasyon sa sambayanang Pilipino. Napabilang din ang
mga school organ ng bawat paaralan.
Sa kabilang banda, buhay na buhay rin ang wikang Filipino sa
telebisyon. Sa kasalukuyan,
Wikang Filipino ang ginagamit ng mga nangungunang programa sa telebisyon
sa aspekto ng pagbabalita. Ayon nga kay Correa sa artikulong ang Pagsasa-
Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda-dub ng Anime, at
Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na
“Moog” ng Pagka-Pilipino:
66
Ang pagsasa-Filipino ng mga panoorin sa mundo ng telebisyon, local
man o dayuhan ay naging pangunahing dahilan upang tumaas ang
reyting ng mga ito dahil sa ang mga pinanonood ay higit na naiintindihan
ng masang Pilipino. Lumitaw ang naging kapangyarihan ng wikang
Filipino na gamitin ng bawat network sa bawat palabas upang mapanatili
nito ang mataas na reyting. Naging mahalagang sangkap din ang wilang
Filipino sa pagda-dub ng mga panooring anime dahil sa kasikatang dulot
nito sa telebisyon at pelikula. Lumaganap naman ang paggamit at pag-
aaral ng wikang Filipino dahil lumaganap din ang paghahanapbuhay ng
mga Pilipino sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Tunay na Malaki ang papel ng wikang Filipino sa larangan ng
pamamahayag at programang pantelibisyon. Marahil kung hindi Filipino ang
wikang ginagamit sa telebisyon, pahayagan at radio sa Pilipinas, tiyak na hindi
mauunawaan ng nakararaming Pilipino sa kasalukuyan ang mga isyung
tinatalakay sa balita, teleserye at iba pang mga programang pantelebisyon.
Samantalang, malaking hamon naman ang kinakaharap ng wikang
Filipino sa mundong ito sa aspekto ng tamang paggamit ng wika. Nariyan na
ang mga maling pagkakagamit ng salitang Filipino na madalas marinig sa mga
tagapagbalita at Mabasa sa mga editor o manunulat na ng balita o editoryal na
kadalasan ay hindi nila sinasadyang naipapasa sa mga tagapakinig at
mambabasa. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
a. Kaganapan sa halip na pangyayari
b. Aspeto sa halip na aspekto
c. Daloy ng trapiko sa halip na trapiko
d. Maari sa halip na maaari
e. Mananakay imbes na pasahero
f. Tubig-baha sa halip na baha lamang
g. Dalawang magkaibigan/mag-asawa kahit na dalawang tao lamang
ang tinutukoy.
Talamak din ang malabis at maling gamit ng na kung saan hindi lamang
ng mga tagapagbalita, kundi maging sa mga talk show host. Sa mga sun-title
na ipina-flash sa telebisyon at talamak din ang mali-maling baybay ng mga
salita at mali-maling gamit ng bantas lalo na ng gitling. Bunga nito, kaagad
naglunsad ng programa ang KWF ng mga de-bayad at libreng seminar at
67
workshop sa paggamit ng Filipino sa mga nabanggit na midya partikular na sa
pahayagan. Sa kabila nito, hindi maikakailang tunay na pumapailanlang na ang
Filipino sa mundo ng telebisyon, radio at pahayagan. Sadya, ano pa man ang
pagtutol ng ilang sector, ganap na ang Filipino sa larangan ng pamamahayag.
Unang Humanista

Ama ng Humanismo
Francesco Petrarch

Prinsipe ng Humanismo
Desiderius Erasmus Roterodamus

Kilalang Humanista

Pope Pius II Giovanni Boccaccio Niccolo Machiavelli Thomas Moore

George BuchananFrancois Rabelais Antonio de Nebrija Confucius

68
Lau Tzu Zhuangzi/ Chuang Tzu Jean-Baptiste
Joseph Fourier

Metodolohiya at Estratehiya

Lapit na Analitikal Kritikal

Ispekulatibo

Analitikal na Lapit
Ginagamit sa pag-ooragisa ng mga impormasyon sa mga:
a. Kategorya
b. Bahagi
c. Grupo
d. Uri
e. Pag-uugnay-ugnay

Kritikal na Lapit. Kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon


at pagbibigay ng sariling opinion sa ideya.
Ispekulatibong Lapit. Ang pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o
pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat
Filipino sa Agham-Panlipunan. Itinuturing na isang uri ng siyensiya o agham.
Lapit siyantipiko ang gamit bagamat iba-iba ito depende sa disiplina. Ang
agham panlipunan ay gumagamit ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa
larangan, at mga datos na sekondaryo. Ang pagsusuri o metodolohiya ditto ay
dayakroniko (historikal) at sinkronoko (diskriptibo).

69
Malaki ang nagging impluwensiya ng Rebolusyong Pranses (1989-1799)
at Rebolusyong Industriyal (1760-1840) sa pagkabuo ng larangan sa Agham
Panlipunan.
Kinikilala sa larangan ng Agham Panlipunan sina Diderot, Rousseau, Francis
Bacon, Rene Descartes, John Locked, David Hume, Isaac Newton, Benjamin
Franklin, Thomas Jefferson, gayundin sina Karl Marx, Max Weber, Emilie
Durkheim, at marami pang iba.

Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan

Sosyolohiya. Pag- aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang mga
pinagmulan, pag-unlad at pagkabuo ng mga samahan at institusyong
panlipunan upang makabuo ng mga kaalaman tunkol sa kaayusan at
pagbabago sa lipunan. Gumagamit ito ng imperikal na obserbasyon,
kuwalitatibo, at kuwalitatibong metodo.
Sikolohiya. Pag-aaral ng kilos, pag-iisip, at gawi ng tao. Gumagamit din ito ng
emperikal na obserbasyon.
Linggwistika. Pag-aaral ng wika bilang Sistema kaugnay ng kalikasan, anyo,
estruktura, at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, at gramatika. Deskriptibo o pagpapaliwanag sa katangian
ng wika ang ginagamit na lapit sa pag-aaral nyo, gayundin ang historical na
lapit o pinagdadaanang pagbabago ng wika.
Antropolohiya. Pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahong pag-iral upang
maunawaan ang komplesidad ng mga kultura. Ginagamit ditto ang participant-
observation o ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik.
Kasaysayan. Pag-aaral ng nakaraan pinagdadaanang pag-iral ng mga grupo,
komunidad, lipunan, at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan.
Ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad and mga pangyayaring ito.
Heograpiya. Pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan
ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago
rito kasama na ang epekto nito sa tao. Mga metodong kuwantitatiboat
kuwalitatiborin ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.

70
Agham Pampolitika. Pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika, at mga
patakaran, proseso, at Sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-political
ng mga institusyon. Gumagamit din ito ng analisis at emperikal na pag-aaral.
Ekonomiks. Pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng
produksyon, distribusyon, at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa
ekonomiya ng isang bansa. Pinaniniwalaang ang mga kalagayang
pangekonomiya ng isang bansa ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya,
batas, relihiyon, kaguluhan, at mga institusyong panlipunan. Emperikal ng
imbestigasyon ang lapit sa pag-aaral dito.
Area Studies. Interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon,
at heograpikong lugar. Ilan sa mga halimbawa nito and Japanese Studies,
Korean Studies, Philippine Studies, American Studies, Russian Studies, at iba
pa. kuwalitatibo, kuwantitatibo at emperikal na obserbasyon at imbestigasyon
ang lapit sa pananaliksik ditto.
Arkeolohiya. Pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact, at monument kaugnay ng
karaang pamumuhay at gawain ng tao.
Relihiyon. Pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala,
sistemang kultural, at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at
sangkamunduhan (uniberso) bilang nilikha ng isang superior at superhuman na
kaayusan.
Pagsulat sa Agham Panlipunan. Kaiba sa Humanidades, ang mga sulatin sa
Agham Panlipunan ay simple, impersonal, direkta, tiyak ang tinutukoy,
argumentatibo, nanghihikayat, at naglalahad. Di-piksyon ang anyo ng mga
sulatin ditto. Madalas ay mahaba ito dahil sa presentasyon ng mga ebidensiya
ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis.

. Mga Anyo ng Sulatin


Karaniwang mga anyo ng sulatin sa agham panlipunan ang report,
sanaysay, papel ng pananaliksik, abstrak, artikulo, rebuy ng libro o artikulo,
niyograpiya, balita, editorial, talumpati, adbertisment, proposal sa pananaliksik.
Komersyal sa telebisyon, testimonial, at iba pa. mahalagang maunawaan muna
ang iba’t ibang katangian ng bawat anyo, pormat, layunin, wika, nilalaman, at
inaasahang mambabasa. Kung gayon, mahalaga ang pananaliksik sa datos sa
bawat anyo, anomang paraan ito
71
Proseso
Sa kalahatan, may sinusunod na proseso sa pagsulat ng agham panlipunan.
Hindi naman ito gaanong naiiba sa ibang larangan.
a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas.
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapagtatalakay nito?
Kung mayroon na, ano ang bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa
paksa? Paano ito maiiba?
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula
inilalagay ito ngunit maaari ding sa gitna o sa hulihan. Sa ibang
pagkakataon, hindi ito isinusulat ngunit nalilinaw sa takbo ng pagtalakay.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu,
mass media, internet, social media, at new media, aklatan, sarbey, focus-
group discussion, obserbasyon, at iba pa.
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis.
f. Analisis ng ebidensiya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantitatibo,
kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna,
at wakas), angkop, sapat, at wastong paraan ng pagsulat.
h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng
ibang may-akda.

Buod ng Kabanata II

Bilang paglalagom, sinabi ni Petras (2017) sa kanyang pag-aaral na ang


salitang pandamdaming tumutukoy sa saya ay isang pag-alingawngaw sa
malaon nang sinabing katangian ng mga Pilipino. Binuksan ng pag-aaral na ito
ang partikular at kompleksyong pagpapakahulugan sa say ana masasalamin sa
sariling wika tungo sa paghango ng isang malaking larangan ng pananaliksik na
nagtatampok sa pananaw-pandaigdig ng mga Pilipino sa usaping damdamin.
Bilang kongklusyon, mahalagang tumimo sa isip ng bawat Pilipino na ang
wikang Filipino ay patuloy na uunlad sa iba’t ibang larangan. Lalo’t higit,
pinatunayan na ng mga saliksik na ito ay may kakayahang maging inklusibong
wika sa edukasyon sa bansa sa darating na panahon. Upang maganap ito,
mahalaga ang papel ng mga gumagamit ng wikang ito lalo na ng mga nasa

72
akademya gaya ng mga propesors o mag-aaral at mga mananaliksik. Ayon kay
Sevilla III (2018), malaki ang pangangailangan ng paggamit ng wikang Filipino
sa agham at teknolohiya lalo na sa larangan ng Agrikultura na siyang kailangan
ng lipunang ito at kailangan itong simulant sa antas-primarya pa lamang dahil
naniniwala siya na ang pagtuturo ng Agham at Matematika sa wikang ingles sa
batayang edukasyon ang nangungunang dahilan kung bakit walang
nagtatangkang gumamit ng wikang Filipino sa pag-aaral nito (Gamoso at De La
Cruz, 2018).
Sa katunayan, marami nang mga nasusulat na pananaliksik at testimonyang
magpapatunay na nagagamit ang wikang Filipino sa pagsulat at bilang midyum
sa pagtuturo sa iba’t ibang sangay ng Humanidades at Agham- Panlipunan
gaya ng Sining ng Pagpipinta, Eskultura, Agrikultura, Kasaysayan, Sosyolohiya,
Sikolohiya. Ekonomiks, Araling Pangkababaihan at Araling Pampamilya.

Ebalwasyon
Sagutin ito sa hiwalay na sagutang papel.

I. sulat ang letra ng wastong salita sa loob ng panaklong upang makabuo


ang sumusunod na pangungusap.

1. Batay sa patakarang ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino,


ang wikang (a. Tagalog, b. Filipino, c. Ingles) ay wikang pagdudukalan
ng pagkakakakilanlang pambansa.
2. Bilang (a. mamamaya, b. wika, c. asignatura), sakop ng Filipino ang iba’t
ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Pilipino na magpapatibay
sa pagkaugat ng mga estudyante sa sariling identidad.
3. Layunin dapat ng (a. pamilya, b. relihiyon, c. edukasyon) ang humubog
ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong-bayan na pakikinabangan ng
bayan.
4. Ang salitang pandamdamin sa wikang Filipino gaya ng saya na
nakabatay din ang pagpapakahulugan sa (a. emosyonal, b. kultural, c.
political) na kalagayan ng Pilipinas.
5. Patuloy ang (a. KWF, b. NCCA, c. UAAP) sa pagsasagawa ng mga
panayam at komperensya, pagsusulat at pagsasalin ng mga sanggunian
73
at paglathala ng pananaliksik sa mga larangang teknikal gamit ang
wikang Filipino sa tulong na rin ng mga iskolar na naininiwala sa
kakayahan ng wikang ito na magamit sa nabanggit na mga larangan.
6. Ayon kay Sevilla III, malaki ang pangangailangan ng paggamit ng wikang
Filipino sa agham at teknolohiya lalo na sa larangan ng (a. Edukasyon,
b. Agrikultura, c. Ekonomiya) na siyang kailangan ng lipunan.
7. Pinatunayan na ng mga saliksik ma ang Filipino ay may kakayahang
maging (a. eksklusibong, b. inklusibong, c. komunikatibong) wika sa
edukasyon sa bansa sa darating na panahon.
8. Mahalagang tumimo sa isip ng bawat Pilipino na ang wikang (a. Tagalog,
b. Pilipino, c. Filipino) ay patuloy na uunlad sa iba’t ibang larangan.
9. Ayon kay Timbreza, walang nakikitang problema sa paggamit ng wikang
Filipino sa mga disiplima tulad ng syensya, teknolohiya at humanidades
sapagkat ang wikang ito ay (a. mapag-ampon, b. mapagkalinga, c.
mapagmahal).
10. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng wikang Filipino sa larangan ng
(a. Medisina, b. Inhenyerya, c. Agrikultura) dahil ito ang nagsisilbing
pangunahing instrumento ng mga doctor sa kanilang panggagamot sa
mga mamamayang Pilipino na nasa marhinalisadong sitwasyon o
maging mga nasa gitnang uri.

II. Tukuyin kung Tama o Mali ang sumusunod na pahayag. Isulat ang
letrang T o M sa patlang inilaan.
1. ___Ang Kalayaan bilang opisyal na pahayagan ng Katipunan ay
gumagamit ng wikang Tagalog sa paglathala bilang tugon sa
pangangailangan ng bayan.
2. ___Lubos na matutuhan ng mga kabataang Pilipino ang kultura at
kasaysayan ng kanyang lipunan gamit ang wikang Ingles.
3. ___Ang mga kasabihan o sawikaing Pilipino ay instrumento upang
maunawaan ang Pilosopiyang Pilipino.
4. ___Humanidades ang substansya ng pagkatao ang bumubuo at
bumubuhay sa tao, lampas sa batayang pangangailangan.
5. ___Sa layunin ng pagkatuto, mainam na gamitin ang wika ng bata sa
pagtuturo upang mas mabilis niyang maunawaan ang mga aralin.
74
6. Sa kabuoan, maituturing na radikal o subersibo ang pahayagang La
Esperanza na nabuhay noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
7. Walang kakayahan ang wikang Filipino na maging wika ng karunungang
pang-inhenherya batay sa naranasan ni Prop. Salazar sa kanyang
pagtuturo.
8. Nagagamit na ang wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik sa
Agham-Panlipunan. Patunay rito ang mga artikulong nalathala sa Malay,
Hasaan at Daluyan Journal.
9. Pagsasalin ang isa sa mga pamamaraan upang matamo ng Filipino ang
intelektwalisasyon nito na matagal nang pinapangarap ng mga
nagtataguyod ng wikang ito.
10. Tunay na mauunawaan ng isang propesor at mag-aaral ng Sosyolohiya
ang lipunang kanilang pinag-aaralan gamit ang wikang katutubo sa
nasabing bayan.

III. Punan ang sumusunod na talahanayan ng mga gamiting terminolohiya


ukol sa bawat sumusunod na larangan o disiplina. Itala rin ang
kaukulang kahulugan, salin sa Filipino, at gamit sa pangungusap ng
salin sa Filipino ng mga terminolohiya.

A. Medisina
Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa
aklat/diksyonaryo Pangungusap

B. Inhenyeriya
Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa
aklat/diksyonaryo Pangungusap

C. Sining
75
Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa
aklat/diksyonaryo Pangungusap

D. Sosyolohiya
Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa
aklat/diksyonaryo Pangungusap

E. Pamamahayag
Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa
aklat/diksyonaryo Pangungusap

F. Disiplinang Pinag-aaralan
Terminolohiya Kahulugan mula sa Salin sa Filipino Gamit sa
aklat/diksyonaryo Pangungusap

Sanggunian

Adaya, Jomar G., Camba, Arlan M., Malaga, Mayluck A., Pena, Rpmeo P.,
San Diego, Karen G., Javarez, Sylvia S., Manahan, Lilia C., Dela Crus,

76
Celeste., & Suguran, Tesie S. 2018. Filipino sa Iba’t ibang Disiplina.
Malabon City: Jimczyville Publications.

Alejo, Carmelita T., Astorga, Eriberto., Mangahis, Josefina C. & Nuncio,


Elizabeth M. 2008. Quezon City: C & E Publishing, INC.

Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., & Zafra Reynele Bren G. 2019.
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Malabon City: Mutya Publishing House
INC.

Evasco, Eugene Y., Navarro, Atoy M., Ortiz, Wikk P., & Rodriguez, Mary
Jane B. 2011. Quezon City: C & E Publishing, INC.

Galang, Samson, Agapay et al., 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik. Sampaloc Maynila: Rex Book Store.

Mendoza, Zenaida M., & Romero, Marcela L. 2008. Pagbasa at Pagsulat sa


Iba’t ibang Disiplina sa Antas Tersarya. Sampaloc Maynia: Rex Book
Store, Inc.

KABANATA III

REBYU SA MGA BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK

Panimula

77
Ang Ikatlong modyul na ito ay rebyu tungkol sa mga batayang kaalaman
sa pananaliksik. Ang sino mang mag-aaral na nagtapos ng senyor Hayskul ay
inaasahang maalam na sa pananaliksik pagdating sa kolehiyo. Hindi na dapat
banyaga sa kanya ang konsepto ng pananaliksik at ang mga kasanayang
kailangan sa matagumpay na pagsasagawa nito. Alam nating sa senyor
hayskul kasi hindi lang iisa kundi ilan ang mga asignatura tungkol sa reseach o
pananaliksik tulad ng Practical Research 1 (Qualitative Reseach), Practical
Research 2 (Quantitative Research), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto tungo sa Pananaliksik at Reseach or Capstone Project liban pa sa mga
asignaturang tumatalakay sa akademikong pagsulat tulad ng Filipino sa
Larangang Akademiko, at iba pa.

Pangkalahatang Layunin

1. Matalakay ang iba’t ibang butil ng karunungan na may kinalaman sa


pagsasagawa ng pananaliksik.
2. Makagawa ng konseptong papel pampananaliksik

Aralin I: Kasanayang Pampananalilsik

Panimula

Ang kabanatang ito ay binubuo lamang ng isang aralin na nahahati sa


iba-ibang kategorya tulad ng pangangalap ng impormasyon o sanggunian,
pagpili ng batis ng impormasyon o sanggunian, pagtatala ng impormasyon o
datos, pagpili at paglimita ng paksa, pagbabalangkas at pagbuo ng konseptong
papel.

Sa bawat kategorya ay naglalaman ng mga impormasyon na


makatutulong sa isang baguhan pa lamang sa lararangan ng pagsasagawa ng
pananaliksik. Inaasahan naming makatutulong ang modyul na ito sa inyong
pag-aaral.

Mga Tiyak Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

78
1. Naibibigay ang iba’t ibang hanguan o batis ng mga impormasyon;
2. Naisa-isa ang mga paraan sa pagpili at paglimita ng paksa;
3. Nailalahad ang mga konsiderasyon sa pagpili ng paksang
pampananaliksik; at
4. Nakabubuo ng konseptong papel pampananaliksik batay sa napiling
paksa.

Pagtalakay

A. Pangangalap ng Impormasyon o sanggunian

Ang unang naiisip ng mga nagsisimula pa lamang na mananaliksik ay


kadalasang hindi Ano ang hahanapin ko? Kundi Saan ako maghahanap? Ang
ibig nilang sabihin ay Ano’ng web site ang kailangan kong tingnan? Kaya, agad-
agad ay magsisimula silang maghanap ng impormasyon sa Internet gamit ang
kanilang search engine.

Ang ganoong gawain ay makatutulong lamang kung naniniwala kang ang


kailangan mo lamang gawain ay maghanap ng impormasyon upang mapunan
ang mga pahina ng papel. Ngunit, hnidi ganoon ang konsepto ng pananaliksik.
Mas makabubuting isiping ang layunin ng panannaliksik ay makahanap ng mga
paktwal na impormasyon magagamit bilang ebidensyang susuporta sa iyong
mga hinuha, na kalaunan ay makasasagot sa iyong mga tiyak na tanong. Kung
ganoon ang iyong gagawin, kailangan mo kung gayong magsimula hindi sa
Saan, kundi sa Ano.

Sa katunayan, isa sa pinakakaraniwang pagkakamali ng mga bagong


mananaliksik ay ang pagkokontentosa unang kaugnay na impormasyong
kanilang matagpuan. Inaaakala nilang ang mga impormasyon ay pare-pareho
lamang, kahit sa ano mang sanggunian, at ang isang kakapiranggot na
impormasyon ay sapat na. Ngunit ang bawat mananaliksik, maging mag-aaral
na mananaliksik, ay inaasahang makapangalap hindi lamang ng kaugnay na
impormasyon, kundi ng pinakamahuhusay na abeylabol na impormasyon. Kung
tutuusin, sa ilang pagkakataon, inaasahan pa ngang makakalap niya ang lahat
ng abeylabol na impormasyon. Upang malaman kung ano ang impormasyong
kailangan, kung gayon, kailangan munang malaman kung ano ang mga

79
abeylabol na impormasyon batay sa sumusunod na salik ayon kay Turabian
(2010):

1. Akmang uri ng impormasyon: primarya, sekondarya, o tersyarya.


Sa puntong ito, sapat nang malaman na ang isang mahusay na
mananaliksik ay nagsisikap na gumagamit ng mga hanguang primarya.
Gumamit lamang siya ng mga hanguang sekondarya at tersyarya upang
palakasin ang mga impormasyon mula sa mga hanguang primarya, o
kung ang mga hanguang primarya ay hindi abeylabol.
2. Sapat na dami ng impormasyon. Inaasahan ang mga akademikong
mananaliksik na makapangalap ng sapat, hindi man ng lahat na
abeylabol na impormasyon. Halimbawa, ang isang mananaliksik sa
bisnes ay inaasahang makapag-interbyu hindi ng isa lamang kostumer,
kundi ng ilan sa mga pinakamahalagang kostumer. Totoong ang mga
estudyante ay hindi naman mga propesyonal na mananaliksik kaya hindi
maaaring gamitin ang propesyonal na standard sa mga estudyante.
Totoong hindi sapat ang oras at resorses ng mga estudyante sa
pangangalap ng mga impormasyon. Kakaunti ring estudyante ang may
akses sa mga aklatang may mataas na kalidad. Kung gayon, kailangang
malaman ng guro ang mga panuntunang pang-estudyante kaugnay ng
kasapatan ng datos.

B. Pagpili ng Batis ng Impormasyon

Sa pagpili ng batis ng impormasyon o sanggunian ay ang pag-eebalweyt


ng mga hanguan para sa relayabiliti nito. Totoo namang hindi mahuhusgahan
ang isang sanggunian hangga’t hindi iyon nababasa, ngunit may mga senyales
o indikeytor ng relayabiliti ayon kina Booth, et al. (2008). Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Ang hanguan ay inilathala ng reputableng tagalimbag. Karamihan
ng mga university press ay relayabol, lalo na kung kilala ang
pangalan ng unibersidad. Ang ilang manlilibag ay relayabol
lamang sa ilang larangan. Maging iskeptikal sa mga komersyal na

80
aklat na may mga sensational claim kahit pa ang awtor ay may
Ph.D/Ed.D pagkatapos ng kanyang pangalan.
2. Ang aklat o artikulo ay dapat peer-reviewed. Kumukuha ng mga
eksperto ang karamihan ng mga reputableng tagalimbag at
dyornal upang rebyuhin ang isang libro o artikulo bago nila iyon
ilathala, peer review ang tawag dito.
3. Ang awtor o manunulat ay isang reputableng iskolar. Karamihan
ng publikasyon ay nagtathala ng akademiko na kredensyal ng
awtor sa mismong aklat. Maaari ring matagpuan sa internet ang
kredensyal ng mga reputableng awtor.
4. Kung ang hanguan ay matatagpuan online, inisponsoran bai yon
ng isang reputableng organisasyon? Ang isang web site ay kasing
relayabol lamang ng isponsor niyon. Madalas,
mapagkakatiwalaan ang isang site na inisponsor at mini-maintain
o pinangangasiwaan ng isang reputableng organisasyon o mga
indibidwal.
5. Ang hanguan ay napapanahon. Ang pagkanapapanahon ng isang
hanguan ay depende sa larangan. Sa computer science,
halimbawa, ang artikulo sa isang dyornal ay maaaring hindi na
napapanahon sa loob lamang ng ilang buwan. Sa agham
panlipunan, ang limitasyon ay sampung taon, humigit kumulang.
Ang publikasyon sa hunanidades ay may mas mahabang buhay.
Halimbawa, sa pilosopiya, ang mga hanguang primarya ay
napapanahon sa loob ng daan-taon, samantalang ang mga
hanguang sekondarya sa loob ng ilang dekada.
6. Kung ang hanguan ay aklat o maging artikulo, mayroon ba iyong
bibliyograpiya? Kung mayroon, itinala bas a bibliyograpiya ang
mga hanguang binanggit sa mga pagtalakay? Sapat ba ang mga
kailangang datos sa talaan? Kung wal, o hindi sapat, magduda ka
na sapagkat wala kang magiging paraan upang ma-follow up o
ma-verify ang ano mang binanggit sa hanguan.
7. Kung ang hanguan ay isang web site, kakikitaan ba iyo ng mga
bibliyograpikal na datos? Sino ang nag-iisponsor at nangangasiwa
ng site? Sino ang nagsusulat ng ano mang naka-post doon?
81
Kailan iyon inilathala?Kailan huling in-update ang site? Mahalaga
ang mga nabanggit na datos sa layunin ng paglathala ng mga
sanggunian sa pananaliksik.
8. Kung ang hanguan ay isang web site, naging maingat ba ang
pagtalakay sa paksa? Huwag magtiwala sa mga site na mainit na
nakikipagtalo kahit pa ng adbokasiya, umaatake sa mga
tumataliwas, gumawa ng mga wild claim, gumamit ng mapang-
abusong lenggwahe o namumutiktik sa mga maling ispeling,
bantas at gramatika.
9. Ang hanguan ba ay positibong nirebyu ng ibang mananaliksik o
iskolar? Ano ang sinasabi ng ibang mananaliksik o iskolar hinggil
sa hanguan? Positibo ba o Negatibo? Kung negatibo ang rebyu
ng ibang mananaliksik o iskolar, malamang ay gayon din ang
kahahantungan ng pananaliksik mo kung gagamitin mo iyon.
10. Ang hanguan ba ay madalas na binabanggit o sina-cite ng iba?
Matataya kung gaano kaimpluwensya ang hanguan sa kung
gaano ka dalas iyon sina-cite ng ibang awtor at mananaliksik.
Tandaan: Ang indikeytor na nabanggit ay hindi garantiya ng relayabiliti. Kaya
nga, hindi komo ang isang hanguan ay isinulat ng isang reputableng awtor o
inilathala ng isang reputableng tagalimbag ay maaari na iyong hindi suriin nang
kritikal, at ipasya kara-karaka na iyon ay relayabol.

Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay makakategorya,


katulad ng nabanggit na, sa tatlo: primarya, sekondarya, at tersyarya; at
hanguang elektroniko. (Ang pang-apat na tatalakayon dito ay hindi kategorya,
kundi isang uri ng lokasyon o midyum ng mga hanguan.) Ang hanguan ng
bawat kategorya ay hindi gaanong malinaw, ngunit ang pagkilala sa bawat isa
ay makatutulong sa pangangalap ng impormasyon o datos. Ganito ang
paglalarawan nina Booth, et al. (2008) sa mga nasabing batis ng impormasyon
o sanggunian:
1. Hanguang Primarya. Ang mga hanguang ito ang pinagmumulan ng
mga raw data, ika nga, upang masulit ang haypotesis at
masuportahan ang mga haka. Sa kasaysayan, halimbawa,
kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa panahon o taong
82
pinapaksa, mga bagay-bagay, mapa, maging mga kasuotan. Sa
literatura o pilosopiya, ilan sa mga hanguang primarya ay ang
tekstong pinag-aaralan, at ang mga datos ay ang mga salitang
nakalimbag sa bawat pahina. Sa mga nabanggit na larangan,
bihirang-bihirang makasulat ng papel pampananaliksik nang hindi
gumagamit ng mga hanguang primarya.
2. Hanguang Sekondarya. Ang mga hanguang sekondarya ay mga
ulat pampananaliksik na gumagamit ng mga datos mula sa mga
hanguang primarya upang malutas ang mga suliraning
pampananaliksik. Sinulat ang mga ito para sa mga iskolarli at o
propesyonal na mambabasa. Binabasa ito ng mga mananaliksik
upang hindi mapag-iiwanan sa kani-kanilang larangan at upang
magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o kaya
ay pagpapabulaan. Maaari ring magamit ang mga datos mula sa mga
hanguang sekondarya upang suportahan ang mga argumento.
3. Hanguang Tersyarya. Kinapalooban ito ng mga aklat at artikulo na
lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang hanguan para sa
pangkalahatang mambabas. Ang mga aklat at artikulo sa
ensayklopedya at mga publikasyon para sa sirkulasyong pangmasa
ay nabibilang sa kategoryang ito. Sa mga unang yugto ng
pananaliksik, maaaring gamitin ang mga hanguang ito upang maging
pamilyar sa paksa. Kung gagamitin ang mga datos mula sa mga
hanguang tersyarya upang suportahan ang isang iskolarling
argumento, maaaring hindi mapanaligan ng mga mambabasa ang
pananaliksik.
4. Hanguang Elektroniko. Kung dati, marami ang hindi naniniwala sa
mga impormasyon mula sa internet hindi na ito totoo sa kasalukuyan.
Ang mga mananaliksik ay umaasa na ngayon sa Internet upang
maaakses ang mga hanguang pang-aklatan, mga ulat ng
pamahalaan at iba pang database, mga tekstong primary amula sa
reputableng tagapaglathala, pahayagan, maging ang mga iskolarling
dyornal na abeylabol online. Ang mga datos na ito ay magagamit at
mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga nakalimbag na
counterpart.
83
Maliban sa mga tradisyonal na hanguan, higit na maraming
matatagpuan sa Internet kaysa ano mang aklatan. Ngunit ang
kalakasang ito ng internet ay siya ring kahinaan nito dahil sa kawalan
niyon ng gatekeepers. Ang internet ay maihahalintulad sa isang
tagalimbag na walang editor, o sa isang laybrari na walang laybraryan.
Marami ang nagpo-post sa internet tungkol sa ano mang paksang
kanilang kinawiwilihan o mapagkikitaan nang walang nagwawasto ng
kanilang katapatan o katumpakan. Dahil dito, totoong maraming datos
ang makukuha sa internet. Ang problema, hindi lahat ng nagmula sa
internetn ay mapagkakatiwalaan.
Sa ganitong kalagayan, ang payo ni Booth, et al. (2008), gamitin ang
internet kung ang hanguan ay primarya. Halimbawa, kung nais malaman
ang reaksyon ng mga manonood sa mga soap opera, ang mga fan blog
ay maituturing hanguang primarya. Iwasan ang internet para sa mga
hanguang sekondarya, lalo na sa mga tersyarya, liban nalang kung
maipakikita sa mga mambabasa na ang hanguang mula sa internet ay
mapagkakatiwalaan.
C. Pagtatala ng Impormasyon o datos

Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang paraan ng pagkuha ng tala:


1. Tuwirang Sipi. Ito ang pinakamadaling pagtatala. Walang ibang
gagawin dito kundi ang kopyahin ang ideya mula sa sanggunian.
Kailangang ipaloob sa panipi ang sipi upang matandaan na ito ay
tuwirang sipi. Tiyakin lamang na wasto ang pagkakakopya ng mga datos
at hindi nababago sa proseso ng pagkopya. Tulad ng kailangan din
lagyan ng tala kung pang-ilang ideya na ito mula sa sangguniang
ginamit. Maaaring maging ganito ang magiging itsura ng talan tuwirang
sipi:
Ayon kina Bernal, et al. (2016), ang pinakabuod ng proseso ng
pagtuturo ay ang pagsasaayos ng kapaligiran at iba pang salik upang
ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng interaksyon at matutunan kung
paano matuto.

Samantala, sa kanilang pag-aaral ay ganito ang ginawang

84
paglalarawan nina Joyce at Weill (1996) sa bagay na ito:
Mnemonics are strategies for memorizing and assimilating
information.
Teachers can use mnemonics to guide their presentations of
materials in
Such a way that students can easily absorb the information….

2. Buod, Presi at Hawig. Ang buod o synopsis ay isang uri ng pinaikling


bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang mga pangunahing ideya ng
panulat nang may bahagyang pagdedetalye upang mabigyan ng
pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa tinatalakay na paksa.

Ang Presi ay galing sa salitang Franses na ang ibig sabihin ay pruned o


cut-down statement. Ibig sabihin, ito ay isang tiyak na paglalahad ng
mga mahahalagang ideya ng isang mahabang prosa o berso, gamit ang
sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akda sa
paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o
tono, at punto de bista ng orihinal na akda sa pinakamaikling paraan.
Mahalagang masanay sa pagbuo ng presi. Una, praktikal ang gamit nito
sa pang-araw-araw buhay. Wala tayong hustong panahon upang
isalaysay ang detalye ng lahat ng nabasa, napanood o napakinggan
natin. Hindi rin natin magagawang maibigay ang buong detalye ng mga
pangyayari. Sa presi, binibigyang-pansin lamang ang mga tampok at
mahalagang ideya kaya’t naipapahayag lamang ang mga importanteng
ideya at impormasyon para sa mas maayos na komunikasyon. May
disiplina ring hinihingi ang pagbuo ng presi para sa mambabasa. Sa
paggawa ng presi, sinasanay ang isang mambabasa sa kritikal at
mapiling pakikinig at pagsulat. Bilang mambabasa, kailangang
maunawaan niya ang akda ng husto upang maihiwalay ang buod ng
akdang binabasa mula sa mga hindi mahalagang detalye. Madalas itong
maging suliranin ng mga mag-aaral- ang pagpili ng sentral na ideya at
usapin at ang pagsusuri ng mga kaugnay na kahalagahan ng mga ideya.
Upang magabayan sa paggawa ng presi, maaaring sundan ang
ilang mungkahi:
85
a. Basahing mabuhi ang akda upang matukoy ang sentral na ideya, at
maipaghiwalay ang maipaghiwalay ang mga mahahalagang ideya at
ang mga detalyeng maaari nang isantabi.
b. Basahin nang ilang ulit ang akda upang masundan ang ayos ng
paglalahad at matukoy ang mga ideyang binibigyang-diin sa akda.
Isulat ang mga salita at pariralang naglalaman ng mahahalagang
ideya.
c. Isulat ang presi ayon sa mga talang ginawa. Gamitin ang sariling
salita sa halip na ang mga salita ng may-akda.
d. Ihambing ang iyong presi sa orihinal na akda. Nilalaman ba nito ang
mga mahahalagang ideya nang malinaw at eksakto? Ihambing ang
presi sa orihinal na akda at ayusin ang nagawang presi.

Basahin ang kasunod na maikling talata at tingnan ang halimbawang


presi batay sa akda.
Si Severino Reyes, dakilang dramatista, sa kanyang artikulong “Ang
Dulang Tagalog”, ang isa sa una, kung hindi man unang, napansin sa
kaibhan ng lugar na pinagtatanghalan, batay sa lugar na pinagsasagawaan
nito. Ayon kay Reyes, “Ang duplo ay tinawag kong kakambal ng sining ng
moro-moro pagkat may malaking kaugnayan ang dalawa lamang ay hindi
itinatanghal ang duplo. Ito ay dinaraos lamang sa looban o sa kamaligan
lamang ginagawa. Walang kasuotan, walang tiyak ma kilos-sining pagkat
lahat ay malayang lumahok.” Ginamit ni Reyes ang pag-iiba batay sa
konsepto ng pagtatanghal o “tanghal” at pagdaraos o “daos” sa
pagkakataong ito. Ang paghahating ito ay kumikilala sa pagpapahalagang
nakakabit sa dula batay sa lugar o espasyo ng pagsasadula, kung saan ito
ginaganap at ang mga kaakibat na proseso at salik sa kabuoang larawan ng
pagsasadulang ito. Ang konsepto ng “tanghal” at “daos” ay nakapagtatakda
rin ng mga katangiang pendula tulad ng kasuotan, kagamitang ginagamit,
ang proseso sa paglikha nito ang antas ng partisipasyon ng mga komunidad,
kung sa pagiging artista (kilos-sining) o sa pagiging manonood at ang
kabuoang dinamiko ng pakikilahok ng medya rito bilang isang pangyayaring
“itinatanghal” o “idinaraos lamang”.

86
PRESI:
Unang binigyang-halaga ni Severino Reyes ang kaibahan ng espasyong
pinagtatanghalan nang gamitin niya ang salitang tanghal at daos sa
paglalarawan niya ng kaibahan ng moro-moro at duplo. Ang mga itinatanghal
ay yaong may tiyak na kasuotan, mga kilos sining o artistang kalahok. Ang mga
idinadaos naman ay maaaring mangyari saan man at malayang lahukan ng
sinuman. Ang mga katangiang ito ay nakapagtatakda sa halaga ng konsepto ng
espasyo ng pagsasadula sa kabuoang dinamiko ng paglikha at paglahok ng
mamamayan sa proseso ng pagsasadula.

Bukod sa paggawa ng presi, mahalaga ring matutuhan ang paggawa ng


hawig.

Ang Hawig o paraphrase ay isang hustong paglalahad ng mga ideyang gamit


ang higit na payak na salita ng nagbabasa. Sa pamamagitan nito, nagagawang
higit na nauunawaan ang mga akdang teknikal o ano mang akdang mahirap
intidihan. Bukod dito, ang paggawa ng hawig ay pagsasanay sa maingat at
mapanuring pagbasa. Mahalaga ang kasanayang ito lalo na sa pananaliksik.
Ang isang mahusay na hawig ay humahalaw ng eksaktong katapat na ibig
sabihin ng orihinal na akda. Ang mga sumusunod ay gabay na dapat isaalang-
alang sa pagsulat ng hawig:
a. Basahin nang mabuti at maingat ang akda upang maunawaan ang
mahalagang ideya ng akda. Suriin ang gamit ng mga salita sa akda.
Mahalaga ito upang matiyak ang pag-unawa sa mga salitang ginamit sa
akda. Kung may mga salitang hindi nauunawaan ay tingnan agad sa
diksyonaryo at sumangguni sa aklat kung may mga hindi maunawaang
konseptong nakasulat sa akda. Suriin din ang mga talinghagang ginamit.
Mahalaga ito sa malinaw na pag-unawa sa sinabi ng akda. Basahin kung
ilang ulit ang akda upang matiyak na walang ideyang hindi nauunawaan.
b. Gumawa ng hawig gamit ang iyong mga salita. Tiyakin na maaayos ang
pagkakapili ng mga salita, maaayos ang gramatika at malinaw ang
pahauag ayon sa nakasulat.

87
3. Ang Salin naman ay ang paglilipat ng mga impormasyon mula sa
babasahin sa pananaliksik. Sa pilipinas karamihan sa mga babasahing
akademik ay nasusulat sa ingles; may ilan din namang nasusulat sa mga
wikang rehiyonal. Mahalaga kung gayon na matutunan ang pagsasalin
sa filipino upang maging malawak ang batis ng impormasyong
magagamit sa pananaliksik. Pansinin ang sumusunod na halimbawa ng
salin:
Salin:

Sa Maynila, gawa sa kahoy at nipa, binububungan ng yero o palapa, at sa


mga probinsiya naman ay pawing gawa sa nipa, ang mga tanghalan ay mga
sakit sa mata. Ang karaniwang tanghalan ay nakaayos na tulad ng sa sirko,
baytang-baytang na mga teheras pataas at walang sandalan. Ang tanghalan
ay tila bahay ng mga hayop, kadalasang nakapwesto sa kahabaan ng
sagingan o ng mga niyugan at may mga kisameng sawali na kinalburo. Sa
kalakhan, marumi ang lugar, pinamamahayan ng langgam – lahat ng kanilang
kulay, laki, at kabangisan, lumilipad, gumagapang kahit saan; may malalaking
ipis na nagmamalaking lumakad sa paligid, lumulundag na tigre, lumilipad at
ngumangatang tila mga daga; ang mga butiki, berde, kulay abo at itim, at ang
iba ay guhitan pa, ay nangakatira sa mga poste at dingding,
dumadausdosnang may di-aapuhap na paghabol sa mga ipis at gamugamo,
nang may masayang awit.
4. Sintesis. Ang sintesis ay pagsusuma ng mga mahahalagang paksa ng
tinalakay sa isang akda. Madalas itong inilalagay sa bandang huli ng isang
akda upang mabuhol ang mga pangunahing puntong pinatunayan sa isang
akda. Maaari rin naman itong matagpuan sa pagtatapos ng mga pangunahing
paksang tinatalakay bilang pagbiibgay-diin at pagpapahalaga sa paksa bago
sumulong sa susunod na talakayin.

Pansinin ang kasunod na artikulo at ang sintesis nito.

Nasaan ang Bigas sa Dula sa Pilipinas


Ako ang natanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain…
-Awiting Bayan

88
Nakapaloob sa masayang awitin ang kabuuang talakayin ukol sa
paghahanap ng bigas sa dula sa Pilipinas. Dito, tukoy kaagad ang tatlong
mahalagang sangkap ng dula-ang tauhan na siyang kumakatawan sa
nagtanim at nagbayo at nagsaing na walang iba kundi ang magsasaka, ang
tunggalian na nakasaad sa ironiya ng pakinabang ng iba sa bigas na
pinaghirapan ng magsasaka at ang banghay ng mga pangyayari mula sa
pagtatanim hanggang sa pagkaluto, pagkain, at pagsisilbing sustansya ng
katawan ng bigas na pinaghirapang linangin. Sa awiting ito, malinaw agad
ang dramatikong pangyayari-ang bigas na nililinang ng magsasaka ay
pinakikinabangan ng iba. Dramatiko ito at totoo. Subalit higit pa rito ang
larawan ng paghahanap ng bigas sa dula sa Pilipinas.
Layunin ng pagtalakay na ito ang paghahanap ng lugar ng bigas sa dula
sa iba’t ibang kaanyuan nito. Marami ito kung pagbabatayan natin ang
pagkilala sa bigas hindi lamang sa kanyang anyong binebenta sa palengke at
sinasaing kundi maging sa kanyang pag-iral bilang palay, kakaniin, pananim.
Papansinin din natin sa ating pagtatalakay kung paanong sa ilang
pagkakataon ay nasisinagan ang bigas dahil sa mga banggit sa mga bagay,
lugar at taong iniuugnay ditto at kung paanong sa ilang pagkakataon ay tila
nawawala ito sa kabuuang mukha ng dula sa Pilipinas.
Ang Bigas sa Iba’t Ibang Hayag Anyo
Madalas, natatagpuan ang bigas sa mga anyong pandula na isinasagawa
ng mga mamamayang may tuwirang ugnayan sa paglinang nito. Halimbawa,
ang mga awitin at ritwal na isinasagawa upang matiyak ang mabuting ani ay
gumagamit ng mga palay na may nakakabit pang bigas bilang kasangkapan
sa pagsasagawa ng ritwal. Halimbawa nito ang ritwal na pandiwata ng mga
Tagbanua. Ang babaylan na nangunguna sa ritwal ay may hawak na mga
tangkay ng palay bilang paghingi ng masaganang ani at mabuting biyaya sa
mga mamamayan. Naksabit din sa loob ng bahay ng babaylan ang mga sasa
ng niyog. Nakaayos sa isang maliit na bangkang gawa sa kahoy ang mga
sumusunod na alay: mga plato ng bigas, kakaning gawa ng bigas, alahas,
nganga, luya, at sibuyas. Kasama ng mga alay na ito ang alak na gawa sa
bigas na pinaniniwalaang gustong-gusto ng mga espiritung nais nilang
tawagan sa ritwal na ito. Ang mga bigas, kakanin at alak na gawa sa bigas
(basi) ay bahagi ng mga iniaalay ng babaylan sa isang sayaw na umaabot sa
89
tila pagsapi ng mga espiritu sa kanya. Sa ilang pagkakataon ay may ganito
ring mga ritwal na isinasagawa sa Isabela ng mga Ibanag. Isang kawayang
blasa ang naglalaman ng mga alay na bigas, langis, itlog, sigarilyo, kakanin at
sisiw na kumakatawan sa kaluluwa ng taong may sakit. Sumasayaw ang
dalawang babae palibot ng balsa upang mapagaling ang isang may-sakit.
Marami pang halimbawa ng mga ritwal na tulad nito para sa iba’t ibang
okasyon katulad ng ani (hinaklaran sa mga tribo sa Bukidnon bilang alay sa
mabuting ani at ang pagtaon ng mga Pangasinense at iba pang mga ritwal na
naglalayong pigilan ang paglaganap ng mga sakuna sa buong bayan) kasal,
tulad ng sa mga Umayamnon na nag-aalay ng bigas bilang dowry, ang lubong
para sa paglilibing ng Abiyan o Camarines Aeta. Bahagi din ang pagtatanim
ng bigas sa mga sayaw ng panggagagad ng maraming tribo. Sa sayaw na
maral ng mga B’laan ng Mindanao, ipinapakita ang iba’t ibang yugto ng
pagtatanim ng palay----ang mabah o ang paghahanap ng lugar para sa
kaingin, ang alimago (paghawan), ang amla o pagtatanim at ang kamto (pag-
ani).
Kakatwang karamihan sa mga ritwal at sayaw na ito na gumagamit ng
bigas at ng iba’t ibang kaanyuan nito ay mga karaniwang tao na may malapit
na ugnayan sa bigas---bilang mga magsasakang tuwirang lumilinang nito.
Ang bigas sa mga payak na pagsasadulang ito ay itinanghal hindi lamang
bilang pantawid-gutom kundi bilang alay sa mga espiritu na makatitiyak ng
mabuting buhay para sa lahat ng mamamayan.
Kung kaya’t mahahanap din ang bigas at ang iba’t ibang kaanyuan nito
sa ilang mga sinaunang awit; tula at epiko mula sa rehiyon. Sa mga
kankanay, halimbawa ay ang awit na ito:

Day-en (Kankanay)
Come Sleep
I shall lie down,
On my smooth sleeping place
Then I shall wake up
To work for wages
To be able to taste

90
Dayakan-palay,
As I have enough of sigang-taro;
To the devil with Bugan
Bugan in the sky
As she surely reserves
The carrying of the drag
For the poor;
It were better
If she had given to all the same sweet rice.

Natatutuwa ang awit na ito. Ang pagbanggit sa dayakan, o isang uri ng


masarap na bigas ay itinapat sa karaniwang kamote na kinakain ng
mahihirap. Lalo pang tumindi ang imahen ng hindi pantay na pagkakataon
upang makakain ng bigas, sa pagbira kay Bugan at mumungkahi na mas
mainan kung pantay ang pagkakataon ng lahat na kumain ng masarap na
bigas. Mula sa halimbawang ito, makikita na ang mga awit, samantalang nasa
anyo ng tula ay naglalaman ng mga saloobin ng mga mamamayang may
tuwirang ugnayan sa paglinang ng bigas at lupa. Muli, dramatiko na naman
ang pagkakalarawan ng bigas, hindi lamang bilang kagamitan sa mga ritwal o
alay sa mga okasyon kundi bilang simbolo ng kabuhayan ng mga karaniwang
mamamayan.
Sa mga karaniwang libangan tulad ng dallot na isinasagawa ng mga
Iloko, paborito ring erkado ang banggit sa bigas. Ang dallot ay isang uri ng
iglapang tulaan na popular sa mga karaniwang tao bilang libangan at paraan
ng kwentuhan. Katulad ng mga tudyuang berbal mula sa ibang rehiyon, ang
dallot ay nagmaliw na rin pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at
ang kilala na lamang hanggang sa ngayon ay ang dallot ti pangangasawa
(dali) sa pag-aasawa) na ginagamit sa pagkakasundo ng dalawang magsing-
irog sa isang kasal. Sa tudyung berbal na ito, ang bigas ay bahagi muli ng
alay para sa isang ninanais na pakasalang babae. Sa pamamagitan ng mga
awitan at tulaang ibinabato ng mga manda-dallot, ang bigas ay nagiging
sentral na motif ng mabuting kabuhayan na ninanais ng lahat na nagiging
saksi sa pagpapakasal ng magsing-irog.
Bahagi rin ng dallot ang katatawanan at biruang patula na nagiging

91
mahalay depende sa epekto ng basi o alak na gawa sa bigas.
Sa epiko ng mga Ifugao na Hudhud hi Aliguyon ang bigas ay maaaninaw
sa mga bagay na iniuugnay rito na bahagi ng mga lugar na binabanggit o
pinupuntahan ng mga bida ng epiko. Halimbawa, madalas ang banggit sa
palayan, gilingan o granary bilang mga larangan na dinaraanan at
kinagaganapan ng mga labanan ng mga mandirigma. Pansinin ang bahaging
ito:
He opened the bile sac of the sacrificed rooster;
Aliguyon put it aside
And came out of their yard
He jumped to the door of their house;
Looked for the sooty shield of his father,
Grasped the spear and the shield, jumped to their yard,
Called out to his comrades and said,
“Come let us all camp out on the stone yard
of our granaries of Hannanga.”
Thr biys descended to the embankments of the rice fields, then walked on.
They descended to the granary’s stone yard.
They camped there till evening.
They waited anxiously until the first rooster began to crow.
Sa epikong ito na itinuturing na isa sa mga sinaunang anyo ng iskrip ng
mga dula sa Pilipinas, ang mga larangan ng buhay ay nakasentro sa mga
espasyong may kinalaman sa bigas tulad ng palayan at gilingan. Mahalagang
larangan ng buihay ang mga ito sapagkat nagpapatunay ito na bahagi ng
karaniwang buhay ng mamamayan ay may mahigpit na ugnayan sa bigas at
sa mga kaugnay nitong anyo. Bukod ditto, mahihinhang ang mga kwentong
ito na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ay tunay na
gumagamit ng palayan, gilingan at bigas bilang mga di-maiwawaglit na
imahen ng kabuhayan.
Sintesis:

Kapansin-pansin ang pagdalang ng pagtalakay sa bigas ng mga


manunulat ng dula. Dulot na rin ito marahil ng karanasan at pinagmulan ng
mga manunulat. Kung ang mga magsasaka ay pumapaksa ng bigas sa

92
kanilang mga awit at ritwal at tula ay dahil bahagi ito ng kanilang kaligiran o
realidad. Ngunit dahil sa marami sa mga umaakda ng mga dula ay wala nang
tuwirang ugnayan sa paglinang ng bigas o palay, talagang malayo sa
kanilang karanasan at interes ang pagpaksa nito. Paano nilang papaksain
ang mga usaping di malapit sa kanilang karanasan? Usapin pa rin ng sino
ang lumilikha ng bigas na kinakain ang siyang papaksa nito. Paksain man
marahil ang bigas ay maaaring mula sa ibang punto de vista ---- bilang may-
ari ng lupa, tagakonsumo ng bigas, subalit maaaring hindi bilang mga
tagalinanng nito. Wala nang bigas sa mga dula dahil ang mga lumilikha ng
dula ay hidi rin ang mga lumilikha ng bigas bilang kabuhayan at talinhaga ng
kabuhayan at bukluran ng mamamayan. Ang bigas bilang pagkain at
kabuhayan ay nagbanyuhay na bilang talinhaga ng kabuhayan at
pakikipaggitgitan para sa kabuhayan. Bunsod na rin ito marahil ng
nagbabagong estilo ng kabuhayan na mayroon ang mga tao ngayon. Bunsod
na rin ito marahil ng nagbabagong pag-aari ng kasangkapan ng produksyon
ng bigas mula sa mga bisig ng taong nag-aararo ng lupa sa tulong ng
kalabaw tungo sa mga ararong de-makinang pinatatakbo ng gasoline.
Mgunit kung magiging malay lamang marahil ang lahat sa bigas bilang
mahalagang tanda ng kabuhayan at pamamahayag ng mga Pilipino,
mangyayaring bigyang pansin ang usapin ng paghahanap ng bigas sa dula
bilang usapin ng paghahanap ng kabuhayang isinisiwalat sa bawat dulang
nalikha ng karaniwang tao. Ang punla ng bigas dula sa Pilipinas ay talinghaga
ng buhay at dignidad ng Pilipinas. Ang bigas sa dula at talinghaga ng buhay
at kabuhayan, mula sa pagiging pantawidgutom tungo sa pagiging taguyod ng
digdidad bilang tao.Ang bigas sa dula ay masaganang buhay at kabuhayan
ng mga lumilinang ng bigas para sa bayan. Ang kawalan ng bigas sa dula ay
tanda ng kawalan ng kabuhayan ng mga lumilinang ng kabuhayang-bayan.
Ibalik natin ang bigas sa dula bilang tanda ng buhay at kabuhayang Pilipinong
lumilikha ng yaman ng bayan

Ang kasanayan sa paggawa ng buod, presi, hawig, sintesis at salin ay


hindi lamang para sa pagkuha ng tala. Sa pang-araw araw na pakikipag-
ugnayan ay mahalagang masapol ang kasanayang ito pagkat kapaki-

93
pakinabang ito sa pagbibigay ng ulat, paglalahad ng mga hakbanging para sa
isang gagawin, pagbibigay ng mga komentaryo o kahit sa simpleng
pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Laigng may mga pagkakataong
magagamit ang kasanayan sa paggawa ng iba’t ibang uri ng epektibong
pagbubuod.

Ang tiyak at matatas na pormulasyon ng suliranin para sa pagsisiyasat


ay maaari na ring maging mainam na gabay sa paghahanap ng mga datosa sa
pananaliksik. Ang sistematikong pagpapangkat ng mga nakalap na datos ang
pinakamainam na batayan ng blangkas ng pananaliksik na isasagawa bilang
gabay at batayan ng organisasyon ng datos na makakalap. Tatalakayin ang
pagbabalangkas matapos ang kasunod na bahagi.

D. Pagpili at Paglimita ng paksa

Ilan sa mga maaaring paghanguan ng paksang pampananaliksik ay ang


sumusunod:

1. Sarili. Maaaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa,


napakinggan, napag-aralan at natutuhan. Nangangahulugan ito na maaaring
simulant sa sarili ang pag-iisip ng mga paksang pagpipilian.
2. Dyaryo at Magasin. Maaaring paghanguan ng paksa ang mga
napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o
sa mga kolum, liham sa editor at iba pang seksyon ng mga dyaryo at
magasin tulad ng local na balita, bisnes, entertainment at isports.
3. Radyo, Tv at Cable TV. Maraming uri ng programa sa radio at tv ang
mapagkukunan ng paksa. Marami na ring bahay, hindi lamang sa Metro
Manila, kundi maging sa mga probinsya, ang may cable tv. Mas maraming
programa sa cable dahil sa 24 na oras na balita, isports at mga programang
edukasyonal.
4. Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro. Sa pamamagitan ng pagtanung-tanong
sa ibang tao, maaaring makakuha ng mga ideya upang mapaghanguan ng
paksang-pampananaliksik. Makatutulong ito upang makakuha ng paksang
hindi lamang napapanahon kundi kawiwilihan din ng ibang tao.

94
5. Internet. Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at sfistikadong paraan ng
paghahanap ng paksa. Maraming mga web sites sa internet na tumutugon sa
iba-ibang interes at pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao.
6. Aklatan. Bagama’t tradisyunal na hanguan ito ng paksa, hindi pa rin
mapasusubalian ang yaman ng mga paksang maaaring mahango sa aklatan.
Sa aklatan matatagpuan ang iba’t ibang paksang nauugnay sa anumang
larangang pang-akademya.

Sa puntong ito, kapaki-pakinabang marahal na pansinin ang nagging


obserbbasyon nina Atienza, et al. (1996):

Madalas, kapag nag-isip na ang mananaliksik ng kanyang susulatin,


papasok na ang aborsyon, prostitusyon, paninigarilyo, drug addiction, faith
healing, fiesta at marami pang gasgas at gastado nang mga paksa. Bakit nga
ba ordinaryo at paboritong paksain ang mga ito? Dahil mga karaniwang
problema, pangyayari at elementong panlipunan ang mga ito. Madalas ding
talakayin ang mga paksang ganito sa akademya at sa midya.

Para maiwasan na ang inilahad na obserbasyon, kailangang maghanap


at mag-isip ng mga paksang wika nga nina Atienza ay hindi gasgas at gastado
na hango sa alin man sa mga natukoy nang hanguan. Upang lalo pang matiyak
ito, iminumungnkahi naming pumili ng paksa na kaugnay ng disiplina o kursong
inyong pinagpapakadalubhasaan.

Ilang konsiderasyon din ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang-


pampananaliksik, gaya ng mga sumusunod:

1. Kasapatan ng Datos. Kailangang may sapat nang literature hinggil sa


paksang pipiliin. Maging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung
mangilan-ngilan pa lamang ang mga aveylabol na datos hinggil doon.
2. Limitasyon ng Panahon. Tandaan, ang kursong ito ay para sa isang
semester lamang. Maging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang
limitasyong ito. May mga paksa na mangangailangan ng mahabang
panahon, higit pa sa isang semstre, upang maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal. Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May
mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay

95
maaaring maisakatuparan ang kalidad ng pananaliksik. Samakatwid,
kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang finansyal ng
mananaliksik.
4. Kabuluhan ng Paksa. Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang
walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring
kabuluhan. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang hindi lamang
napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba
pang tao.
5. Interes ng Mananaliksik. Magiging madali para sa isang mananaliksik ang
pangangalap ng mga datos kung ang aksa niya ay naaayon sa kanyang
kawilihan o interes. Hindi niya kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik
kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga.

Matapos makapamili ng paksa, kailangan iyong limitahan upang


maiwasan ang masaklaw na pag-aaral. Sa pamamagitan ng paglilimita ng
paksa, mabibigyan ng direksyon at focus ang pananaliksik at maiiwasan ang
padamput-dampot o sabog na pagtatalakay sa paksa. Maaaring gamiting
batayan sa paglilimita ng paksa ang mga sumusunod:

1. Panahon
2. Edad
3. Kasarian
4. Perpesktib
5. Lugar
6. Propesyon o Grupong Kinabibilangan
7. Anyo o uri
8. Partikular na Halimbawa o Kaso
9. Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan

Ang pamagat pampanaliksik ay kaiba sa pamagat ng mga akdang


pampanitikan. Kaiba ito sa pamagat ng mga kwento, nobela, sanaysay at dula.
Pansinin ang mga kasunod na pamagat ng mga sumusunod na akda:

a. Sa Kabataang Pilipino (Tula)


b. Sa Kadawagan ng Pilik-mata (Kwento)
c. Bata…Bata…Paano ka Ginawa? (Nobela)

96
d. Sino si Bill Gates? (Sanaysay)
e. Ang Paglilitis ni Mang Serapio (Dula)

Pansinin kung paano nilimita ang iba’t ibang paksa ayon sa mga
nabanggit na batayan.

Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa


a. Panahon Karapatan ng mga Karapatan ng mga
Kababaihan Kababaihan sa
Panahon ng Komonwelt
b. Edad Mga Imbentor na Mga Batang
Pilipino at ang Imbentor na Pilipino
Hinaharap ng (Edad 13-17) at anng
Teknolohiya sa Pilipinas Hinaharap ng
Teknolohiya sa Pilipinas
c. Kasarian Ang mga NGO Ang Papel ng mga
Bilang Tagapuno ng Kababaihan sa NGO
Kakulangan sa Serbisyo Bilang Tagapuno ng
ng Pamahalaan Kakulangan sa Serbisyo
ng Pamahalaan
d. Perspektibo Epekto ng Epekto ng
Globalisasyon sa Globalisasyon sa
Lipunang Pilipino Ispiritwal na
Pamumuhay ng mga
Pilipino
e. Lugar Mga Naiibang Mga Naiibang
Tradisyong Tradisyong
Pangkapistahan sa Pangkapistahan sa
Katagalugan Malolos, Bulacan
f. Propesyon o Grupong Pag-aaral ng Wika Pag-aaral ng Wika
Kinabibilangan ng mga Bakla mga Baklang Parlorista

97
g. Anyo o uri Persepsyon sa Persepsyon sa
Kababaihan sa Kababaihan sa
Larangan ng Panitikang Larangan ng Panulaang
Ilokano Ilokano
h. Partikular na Epektong Epektong
Halimbawa o Kaso Pangkapaligiran ng Pangkapaligiran sa mga
Turismo sa Pilipinas Beach Resort sa
Pilipinas: Kaso ng
Puerto Galera
i. Kombinasyon Atityud ng mga 1. Preperensya ng
1. Perspektib Estudyante sa mga mga
2. Uri Programang Kultural Estudaynte…
3. Lugar 2. Preperensya ng
4. Anyo mga
Estudyanteng
Nasa Unang
Taon
3. Preperensya ng
mga
Estudyanteng
Nasa Unang
Taon sa
Unibersidad ng
Makati
4. Preperensya ng
mga
Estudyanteng
Nasa Unang
Taon sa
Unibersidad ng
Makati sa mga
Dulang Panteatro
sa Kampus
E. Pagbabalangkas
98
Ang pagbabalangkas ay pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga
ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan. Madalas itong tukuyin bilang
gulugod ng isang papel sapagkat nasasalamin sa isang mahusay na papel ang
masinop at masinsing pagbabalangkas ng mga ideya. Sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang maayos na balangkas ng mga ideya, inaasahang
magagabayan ang pagsasaayos ng mga ideya mula sa pinakamalawak
hanggang sa pinakatiyak na ideyang bahagi ng isinasagawang pagsisiyasat. Sa
pagbabalangkas ng mga ideya, inaasahan ding makalilikha ng masinop na
paghahanay at pag-uugnay ng mga datos na magiging batayan sa pagbuo ng
mga observasyon at konklusyon.

Sa pangkalahatan, nakikilala ang balangkas sa lalong popular na


kaayusan nitong may mga particular na ideyang nasa ilalim ng higit na malawak
na ideya at may punong-ideya o manimulang hakang ginagamit na gabay sa
pagtitiyak ng kahustuhan ng hanayan ng mga ideya. Maaari itong makilala sa
ganitong anyo.

Pamagat ng Pananaliksik/Papel
Punong-ideya o Panimulang haka
Balangkas:
I. (Unang Ulo ng Balangkas)
A. (Suportang Ideya)
1. (kaugnay na ideya)
2. (kaugnay na ideya)
B. (Suportang Ideya)
1. (Suportang Ideya)
2. (Suportang Ideya)
II. (Pangalawang Ulo ng Balangkas)
A. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na Ideya)
2. (Kaugnay na Ideya)
B. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na Ideya)
2. (Kaugnay na Ideya)

99
Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa
pananaliksik. Sa pangkalahatan, itinutukoy itong introduksyon, katawan ng
papel at pagtatapos/konklusyon ng pananaliksik. Gayon pa man, hindi ito
inilalagay bilang ulo ng balangkas. Sa halip, ang inilalagay ay ang konsepto p
paksaing nilalaman ng introduksyon, katawan ng papel at kongklusyon ng
papel. Mangyari, maaaring maging higit pa sa tatlong bahagi ang balangkas,
depende sa dami ng pangunahing konseptong matutukoy pananaliksik. Ang
mahalaga ay mailagay sa ulo ng balangkas kung tungkol saan ang mga
bahaging ito upang maging tiyak din ang suportang ideya at ang kaugnay na
ideyang kasunod nito.

Sa paghahanay ng ulo ng balangkas, isinasaalang-alang na ito ang


pinakamalawak o pangunahing konseptong bahagi ng pananaliksik kaya’t nasa
bahagi itong maaari pang lagyan ng suporta at kaugnay ng ideya. Ang
suportang ideya at kaugnay na ideya ay laging dalawang pangkat kung isa
lamang ang suportang ideya o kaugnay na ideya ay mangangahulugang hindi
ito sing-lawak o sing halaga upang maging ulo ng balangkas. Sa
pinakamahigpit na kaayusan ng balangkas, ang suportang ideya sa bawat ulo
ng balangkas sa nemerong Romano ay kinakailangang pantay-pantay. Ibig
sabihin, kung ang suportang ideya sa unang numerong Romano ay tatlo, dapat
at tatlo rin ang prinsipyo ng paralelismo ng bilang ng suportang ideya. Gayon pa
man, nangyayari kung minsan na mahirap ang lagging tapat na bilang ng
suportang ideya kaya’t sa minimum ay mahalagang mapanatili na lagging
dalawa ang suportang ideya at kaugnay na ideya sa bawat bilang upang
matiyak sa sapat ang lawak nito bilang pangunahing konsepto sa paghahanay
ng ideya sa balangkas.

Ang lalim at detalye ng mga ideyang nakapoloob sa balangkas ay


tinitiyak ng bilang ng antas ng balangkas. Ang halimbawang nauna ay
tinatawag na tatlong antas na balangkas. Tatlong antas ito pagkat tatlo ang
suson ng ideyang nakahanay. Maaaring isang antas lamang ang balangkas,
ibig sabihin ay hanggang numero Romano lamang; kung dalawang antas
naman ay hanggang malaking titik lamang ng alpabeto; kung tatlo ay hanggang
sa numero Arabik at kung apat ay gagamit nan g maliliit na titik ng numero

100
Romano. Muli, ang lalim ng ugnayan ng nakalap na datos ang maaaring
magtakda ng bilang ng antas ng balangkas.

Pansinin ang mga kasunod na kalansay na balangkas sa iba’t ibang antas.

Isang Antas:

I. ___________________________________________________
II. ___________________________________________________

Dalawang Antas:

I. ___________________________________________________
A. ________________________________________________
B. ________________________________________________
II. __________________________________________________
A. ________________________________________________
B. ________________________________________________

Tatlong Antas

I. _____________________________________________________
A. ___________________________________________________
1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
B. __________________________________________________
1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
II. _______________________________________________________
A. ___________________________________________________
1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
B. ___________________________________________________
1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
Apat na Antas:

101
I. ___________________________________________________
A. ________________________________________________
1. ___________________________________________
a. _____________________________________
b. _____________________________________
2. ___________________________________________
a. _____________________________________
b. ____________________________________
B. ________________________________________________
1. ___________________________________________
a. _____________________________________
b. _____________________________________
2. ___________________________________________
a. ______________________________________
b. ______________________________________

Ngunit sa kasalukuyan, marami na rin ang gumagamit ng balangkas na


panay bilang Arabiko na lamang. May mga nagpapalagay ding ito ang higit na
modernong istilo ng balangkas. Pansinin ang kasunod na kalansay ng
balangkas na may apat na antas sa ganitong estilo.

1. _____________________________________________________
1.1. ________________________________________________
1.1.1. _____________________________________________
1.1.1.1. ________________________________________
1.1.1.2. ________________________________________
1.1.2. _____________________________________________
1.1.2.1. ________________________________________
1.1.2.2. ________________________________________
1.2. ________________________________________________
1.2.1. _____________________________________________
1.2.1.1. ________________________________________
1.2.1.2. ________________________________________
1.2.2. _____________________________________________
1.2.2.1. ________________________________________

102
1.2.2.2. ________________________________________
2. _____________________________________________________
2.1. ________________________________________________
2.1.1. _____________________________________________
2.1.1.1. ________________________________________
2.1.1.2. ________________________________________
2.1.2. _____________________________________________
2.1.2.1. ________________________________________
2.1.2.2. ________________________________________
2.2. ________________________________________________
2.2.1. _____________________________________________
2.2.1.1. ________________________________________
2.2.1.2. ________________________________________
2.2.2. _____________________________________________
2.2.2.1. ________________________________________
2.2.2.2. ________________________________________
Gayon pa man, ang anyo ng balangkas ay higit na tinitiyak ayon sa uri
ng balangkas na nililikha. Sa pangkalahatan, tatlo ang uri ng balangkas----ang
balangkas na talata, ang balangkas na paksa at ang balangkas na
pangungusap. Ang katangian ng pagkakahanay ng mga ideya ang siyang
nagtatakda ng anyo ng balangkas na sinusunod nito. Samantala ang balangkas
na talata ay paghahanay nang isa-isang mga ideya. Sa balangkas na talata,
iniisa-isa lamang ang ideya at walang gasinong pansing ibinibigay sa ugnayan
at isang ideya sa kasunod pa. Makikilala ito sa anyong paghahanay at pag-iisa-
isa ayon sa bilang. Hindi ito sumusunod sa karaniwang anyo ng balangkas na
nagpapakita ng kung ilang antas at kung ilang suson ang ugnayan ng mga
ideya. Ang mga ideya ay inihahanay lamang sa pamamagitan ng mga buong
pangungusap na nasa anyong pasalaysay (deklaratibo).

Ang balangkas na paksa naman ay gumagamit ng karaniwang anyo ng


balangkas na nagpapakita ng antas at suson ng ugnayan ng mga ideya.
Makikilala ito sa gamit ng mga salita o parirala sa paghahanay ng mga datos at
konsepto. Katulad ng karaniwang pangungusap, ang mga salita, parirala ay

103
nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok sa pagtatapos ng
talata.

Ang balanga na pangungusap ay gumagamit ng buong pangungusap sa


paghahanay ng mga datos at konsepto sa balangkas. Maaaring gumamit ng
pangungusap na psalaysay, kung tiyak na ang datos na ilalagay o di kaya ay
pangungusap na patanong, kung nasa antas pa lamang ng pagbuo ng mga
datos na nais kalapin, kailangan lamang ay maging konsistent sa gamit ng uri
ng pangungusap. Hindi maaaring paghaluin ang mga pangungusap. Mainam
din kung magagawang parallel ang pormulasyon ng pangungusap. Kailangang
maipakita rin ditto ang wastong gamit ng malaki at maliit na titik at wastong
pagbabantas.

F. Pagbuo ng Konseptong Papel

Matapos maisagawa ang pagbuo at pamimili ng paksa, gayundin ang


paglilimita nito batay sa iba’t ibang konsiderasyon ‘saka lamang masasabing
handa nang bumuo ng isang pananaliksik. Sa ganang ito marapat lamang na
pasimulan ang pagsulat sa pagbibigay-linaw ang tugon sa mga tanong na ano,
bakit at paano napili ang paksang isasagawa bilang pananaliksik.

Ang konseptong papel ay isang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa


isang framework ng paksang tatalakayin. Ang framework ay ang pinaka-
estruktura o balangkas at pinakabuod ng isang ideya na tumatalakay sa ibang
patunayan, linawin, o tukuyin.

Sa pagbuo ng isang konseptong papel limang pangunahing bahagi ang


dapat na mabigyang halaga: Una Ang Tiyak na Paksa. Isa sa mga tinitiyak sa
pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at pagtitiyak ng paksa o
larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa. Pinipili ng isang nagsasaliksik ang
larangan ng kaalamang nais niyang siyasatin. Bukod pa rito, higit pang
ginagawang particular ang paksain upang higit na maging masinop ang
isasagawang pagsisiyasat. Ikalawa. Rasyunal. Ipinakikita sa bahaging ito ang
kaligirang (background) kasaysayan o pinagmulan ng ideya gayundin ang
pangunahing dahilan kung bakit napili ang particular na paksa. Binibigyang-tuon
din nito ang kahalagahan at katuturan ng paksang napili para sa pag-aaral.

104
Ikatlo. Ang layunin. Binibigyang-turing ng bahaging ito ang konseptong
papel ang pangunahing nais matamo ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-
aaral sa paksang napili. Hinahati sa dalawang uri ang maaaring ilayon ng papel.
Pangkalahatan kung ipinahahayag nito ang kabuuang layon, gusting gawin,
mangyari o matamo sa pananaliksik; Tiyak kung nakapagpapakita ito ng mga
ispesipikong pakay sa pananaliksik sa paksa.
At Ikaapat Panimulang Haka. Sa paghahanay ng matalas at tiyak na
suliranin para sa paksa, maaaring maghanay ng panimulang haka sa pag-aaral.
Ang panimulang haka ay pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais
tuntunin. Nakabatay ito sa panimulang sarbey ng mga babasahing isinagawa
bago pa man makabuo ng isang tiyak na suliranin sa pag-aaral. Ang
panimulang haka ay hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya
lamang sa posibleng kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik. Ikalima.
Sarbey ng mga Sanggunian. Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay
na pag-aaral ay listahang bibliograpikal ng mga pag-aaral na makatutulong sa
pagpapahusay ng pagsisiyasat. Maari itong buuin ng lima hanggang walong
babasahing nabasa ng mananaliksik at nakatulong sa pagsisinop at
pagpapatalas ng kanyang suliranin at pananaliksik. Ang panimulang sarbey na
ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay
nagmumula sa mga nagawa nang pananaliksik at nakabatay sa mga
kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang pagsisiyasat at pananaliksik.
Ikaanim. Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik. Binibigyang-tuon nito
ang pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng mga tala at pagsusuri sa piniling
paksa. Maari itong gamitan ng sarbey, talatanungan, panayam, obserbasyon at
iba pa.

BUOD NG KABANATA III

Sa pangangalap ng impormasyon kailangan tukuyin ang


klasipikasyon kung saan maari itong matagpuan. Kailangang itala ang
mga posibleng sanggunian upang mapadali ang paghahanap nito.
Ang batis ng impormasyon ay mga sources ng mga impormasyon na
nakukuha ng mga nagbabasa at nakikinig. Ito ay mahalaga lalo na sa
aspeto ng edukasyon at paggawa ng pormal ng kasulatan.

105
Ang pagtatala ng impormasyon o datos ay eksakto o kompletong
pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. Maaaring ito ay isa o higit pa sa
isang salita, parirala, pangungusap o talata.
Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon n gating gagawing
pananaliksik. Ang paksa ay ang pangunahing ediya sa gagawing pag-
aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman n gating pamanahong
papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng
mga ilalagay nating datos.
Ang pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing
kaisipan o paksa ayon sa pagkakasunud-sunod sa isang katha o
seleksyon.
Pagbuo ng konseptong papel, dito matutukoy ang mga bagay o
konsepto na sasaliksikin. Nakaugat sa tagumpay ng pananaliksik ang mga
simulain at hakbang kaugnay ng pagbuo ng komprehensibo at epektibong
konseptong papel

Gabay na Tanong
1. Paano mailalarawan ang iyong naging karanasan sa paggawa ng
pananaliksik sa Senior High School? Paano mauulit ang iyong
mabubuting karanasan at paano maiiwasan ang mga hindi
mabubuting karanasan?
2. Ano-ano ang mga batayang kasanayang kailangan sa pananaliksik?
Paano matagumpay na maisasagawa ang bawat isa?
3. Maliban sa mga kasanayang binalik-aralan sa kabanatang ito, ano-
ano ang iba pang kasanayang kailangan tungo sa matagumpay na
pananaliksik?

Ebalwasyon

Sagutin sa hiwalay na papel

I. Tukuyin kung anong kategorya ng batis ng impormasyon o sanggunian ang


inilalarawan ng sumusunod na pahayag.
A. Hanguang Primarya C. Hanguang Tersyarya
B. Hanguang Sekondarya D. Hanguang

106
Elektroniko
1. Ang mga aklat at artikulo sa ensayklopidya at mga publikasyonng para sa
sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa kategoryang ito.
2. Ang mga datos mula sa hanguang ito ay magagamit at mapagkakatiwalaan
katulad ng kanilang mga nakalimbag na counterpart.
3. Ang mga hanguang ito ang pinagmumulan ng mga raw data upang masulit
ang haypotesis at masuportahan ng mga haka.
4. Ang mga hanguang ito ay kinapapalooban ng mga ulat pampananaliksik na
gumamit ng mga datos mula sa mga hanguang primarya upang malutas ang
mga suliraning pampananaliksik.
5. Ang mga mananaliksik ay umaasa na ngayon sa Internet upang maakses
ang mga hanguang aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang database,
mga tekstong primary mula sa reputableng tagapaglathala, pahayagan,
maging mga iskolarling dyornal na abeylabol online.
6. Binabasa ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag-iwanan sa kani-
kanilang karangan at upang magamit ang mga datos na nabasa sa paraang
pagpapatunay o kaya ay pagpapabulaan.
7. Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat
tungkol sa mga naunang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa.
8. Kung gagamitin ang mga datos mula sa mga hanguang teksyarya upang
suportahan ang isang iskolarling argumento, maaaring hinidi mapanaligan ng
mga mambabasa ang pananaliksik.
9. Sa kasasayan, halimbawa, kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa
panahin o taong pinapaksa, mga bagay-bagay, mapa, maging kasuotan.
10. Sa mga unang yugto ng pananaliksik, maaaring gamitin ang mga
hanguang ito upang maging pamilyar sa paksa.

II. Piliin sa loob ng kahon ang salita o terminong tintukoy ng sumusunod


na aklatan kabuluhan Presi pahayag.
Isulat awtoridad kasapatan rasyunal ang
iyong balangkas konseptong salin sagot sa
patlang. buod papel sarili
hawig layunin sintesis
interes limitasyon tuwirang sipi
Internet metodolohiya 107
panimulang
haka
11. Walang ibang ginawa rito kundi ang pagkopya ng ideya.
12. Tinatawag din itong synopsis.
13. Tinatawag itong paraphrase sa Ingles.
14. Galing ito sa salitang Panses na ang ibig sabihin ay pruned o cut down
statement.
15. Higit na maikli ito sa orihinal nang may 5 hanggang 40%.
16. Isang hustong paglalahad ito ng mga ideyang gamit ang higit na payak na
salita ng mambabasa.
17. Pagsusuma ito ng mga mahahalagang paksang tinatalakay sa isang akda.
18. Sistematikong hanay ito ng mga ideya na nagpapakita ng malinaw na
ugnayan.
19. Ito ang pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong paraan ng
paghahanap ng paksa.
20. Katangian ito ng mga paksa na tumutukoy sa maaaring maging
kapakinabangan ng mananakisik at iba pang tao.
21. Ito ang tradisyon na hanguan ng paksa.
22. Ginagawa ito dahil karamihan ng babasahing akademiko ay nasusulat sa
wikang Ingles.
23. Ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng isang
mahabang prosa o berso gamit ang sariling salita ng mambabasa.
24. Nagagawa nitong higit na nauunawaan ang mga akdang teknikal o ano
mang akdang mahirap intindihan.
25. Madalas itong inilalagay sa bandang huli ng isang akda upang mabuhol ang
mga pangunahing puntong pinatunayan sa isang akda.
26. Hangga’t maaari, walang idinaragdag o ibinabawas dito.
27. Madalas itong tukuyin bilang gulugod ng isang papel.
108
28. Konsiderasyon ito sa pagpili ng paksa na tumutukoy sa kawilihan ng
mananaliksik.
29. Konsiderasyon ito sa pagpili ng paksa na tumutukoy sa mga abeylabol na
datos.
30. Maaaring simulan dito ang pag-iisip ng paksang pagpipilian.
31. Ito ang nagsasaad ng pangkalahatang balak sa isasagawang pananaliksik.
32. Ito ang motibasyon at inspirasyong nagtulak sa pagtatangi ng napiling
paksain ng pananaliksik.
33. Maaaring maihayag ito sa pamamagitan ng isang katanungang nagbubukas
ng pinto ng pagsisiyasat.
34. Tumutukoy ito sa mga paunang tugon sa suliraning nais tuntunin sa
pananaliksik.
35. Ito ay tumutukoy sa mga balak na hakbang sa pangangalap ng datos at
pag-iimbestiga ukol sa napiling paksa.

Gawain. Bumuo ng konseptong papel pampananaliksik batay sa iyong


napiling paksa.

Sanggunian
Adaya, Jomar G., Camba, Arlan M., Malaga, Mayluck A., Pena, Rpmeo P., San
Diego, Karen G., Javarez, Sylvia S., Manahan, Lilia C., Dela Crus,
Celeste., & Suguran, Tesie S. 2018. Filipino sa Iba’t ibang Disiplina.
Malabon City: Jimczyville Publications.
Austero, Cecilia S., Abueg, Lolita K., Mateo, Emilia C., Corea, Ramilito B., Cruz,
Fe B., & Suguran Tessie S. 2010. Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(Binagong Edisyon). Pasig City: Unlad Publishing House.
Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., & Zafra Reynele Bren G. 2019.
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.
Galang, Samson, Agapay et al., 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Sampaloc Maynila: Rex Book Store.
Mendoza, Zenaida M., & Romero, Marcela L. 2008. Pagbasa at Pagsulat sa
Iba’t ibang Disiplina sa Antas Tersarya. Sampaloc Maynia: Rex Book
Store, INC.

109
KABANATA IV

MGA BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA


PANANALIKSIK NA AKMA O BUHAT SA LIPUNANG PILIPINO

panimula

Sa kasalukuyang galaw ng mundo malaki ang hamon sa larangan ng


pananaliksik lalo na sa akademya. Ang pagtuklas ng ano mang bagong
kaalaman ay mayroong kaakibat na panganib na kinakaharap kung kaya‘t
ibayong pag-iingat ay kailangan.

Malaking bahagi ng isang pag-aaral ang teorya na magsisilbing


pundasyon ng kabuuan ng pag-aaral. Ito ang magagamit ng mananaliksik sa

110
pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap at sa pagsagot ng pangkalahatan
at mga espesipikong layunin at tanong. Sa pamamagitan ng teorya,
nagkakaroon ng pagkakataon ang mananaliksik na bumuo ng koneksyon sa
pagitan ng abstrakto at ng konkreto.

Ito ang bibigyang diin sa kabanata apat ng aklat na ito. Sana ay


magiging masaya kayo sa pag-aaral sa modyul na ito.

Pangkalahatang Layunin

1. Matalakay at maibigay ang kahulugan ng iba’tibang teoryang


pananaliksik na akmang gamitin sa lipunang Pilipino.

1. Mailapat at mapahalagahan ang iba’t ibang teoryang pampananaliksik na


akma sa lipunang Pilipino.

Aralin I.

Mga Tiyak na Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nailalahad at nabibigyang kahulugan ang iba’t ibang teoryang


pananaliksik na akmang gamitin sa lipunang Pilipino;
2. Naiisa-isa ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iba’t ibang teoryang
pampananaliksik na akmang gamitin sa lipunang Pilipino.
3. Nailalapat at napahahalagahan ang iba’t ibang teoryang pananaliksik na
akmang gamitin sa lipunang Pilipino.

Pagtalakay

A. Kahulugan at Kahalagahan ng Teorya

Ayon kina Nuncio at Nuncio (2004), ang teorya ay binubuo ng mga


pagsasapangungusap ng mga ideya at dalumat-salita na nagpapaliwanag sa
relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto tungjol sa kaganapan,
karanasan at phenomenon. Ito ay tumutukoy sa estruktura ng ugnayan sa
pagitan ng realidad at dalumat-salita. Dagdag pa rito, itinuturing na ang teorya
ay isang wika at makawika. Mahalaga ang paggamit ng sariling wika sa

111
pagbubuo ng sariling konsepto ng teorya. Isang wika ang teorya dahil ito ay
gumagamit, lumilinang ng mga salitang ‚di payak at nakikipagtalastasan para
maunawaan at mailapat ito sa iba’t ibang tiyak na panukat, domeyn, at kaligiran
ng pananaliksik.

Samantala, binanggit sa aklat na Talaban: Komunikasyon, Pagbasa at


Pananaliksk na sa paghahanap ng teoryang gagamitin, ipinapayong dapat itong
suriing mabuti ng mananaliksik upang maisaalang-alang ang kaugnayan nito sa
paksa at balangkas ng pag-aaral. Tandaang malaki ang magiging epekto nito
sa kabuuan ng pananaliksik, partikular na sa pagsusuri ng mga datos kung
maling teorya ang mapili. Kaya naman iminumungkahi na dapat maging
malinaw ang pagtatalakay ng mananaliksik sa teoryang pinili (Geronimo, et al.,
2017)

Kaugnay nito, sa konteksto ng maka-Pilipinong pananaliksik, hindi


uunlad ang wika ng teorya at pagteteorya sa Araling Filipino kung hindi wikang
Filipino ang gagamitin, liban na lang sa kung nasa ibang bansa na ibayong
pananaw ang ginagamit o Filipinong nasa Ingles ang kinalululanan nila (Nuncio
at Nuncio, 20014).

Sa kabanatang ito, talakayin ang mga teoryang akma sa araling


P/Filipino at sa pag-aaral ng lipunang Piipino. Ilan sa mga ito ay ang Pantayong
Pananaw ni Zeus Salazar, Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio G. Enriquez,
Marxismo ni Karl Marx, Teoryang Dependensya at iba pang kaugnay nito.

B. Teoryang Marxismo Tungo sa Kapayapaang Nakabatay sa Katarungan

Ang Marxismo ay isang kalipunan ng mga


sosyalistang dokrina na itinatag nina Karl Marx
at Friedrich Engels na may matibay na
paniniwalang ang kapitalistang lipunan ang
tunay na dahilan ngpaghihirap ng mga taong
nananahanan dito. Sa pangkasaysayang
konteksto nito, ang isang kapitalistang lipunan ay binubuo ng mga kapitalista
na siyang nagmamay-ari ng kapital o namumuhunan at ng mga
manggagawang gumagawa sa kapakanan at kayamanan ng kapitalista
(Timbreza, 2002). Sa ganitong kaayusan, sinasabi ng mga Marxista
(naniniwala sa Marxismo) na dehado ang kalagayan mga manggagawa
dahil sa kinakasangkapan lamang sila ng mga nasabing kapitalista habang

112
patuloy sila sa pagkakamal ng salapi at pagyaman. Sa pagsusuri, di
matatamo ang pagkakapantay-pantay sa ganitong sistema ng kaayusan.
Mananatili ang kawalan ng kapayapaang nakabatay sa katarungan.
Palaging nilalamangan, kinakasangkapan at pinagsasamantalahan ng
kapitalista ang manggagawa, kung kaya habang yumayaman ang kapitalista
ay lalong naghihirapan naman ang mga manggagawa. Subalit, darating ang
panahong hindi na matitiis ng manggagawa ang pang-aapi sa kanilang
pagkatao kaya hindi maiiwasan ang paghihimagsik at kakalat ang
rebolusyon hanggang tuluyan nang bumagsak ang kapangyarihan ng mga
manaiil na kapitalista at ng mga institusyong katulong nito sa opresyon at
mamamayani ang sosyalismo – isang uri ng lipunang pagmamay-ari ng mga
mamamayan nito at di ng mga naghaharing uri lamang. Samakatwid, nais
ng mga Marxista ang isang klasles na lipunang may tunay na kalayaan,
pagkakapantay-pantay at katarunga. Sa lipunang yaon ay wala nang mannili
(Timbreza, 2002).

Ayon pa kay Timbreza (2002), sa konteksto ng lipunang Pilipino, ang


Partido Komunista ng Pilipinas o Community Party of the Philippines at
National Democratic Front ang mga nagtataguyod ng ilang simulain at
pangangaral ng Marxismo. Naniniwala ang mga myembro ng nasabing
organisasyon na ang paghihirap ng mga Pilipino mula noon hanggag sa
kasalukuyang panahon ay produkto ng kawalan ng pagkakapantay-pantay
sa lipunang Pilipino bunsod sa pananaig ng kapitalismo sa bansa at
paghahari ng iilang pamilya sa larangan ng politiko.

Bilang teorya, ito ay magagamit sa mga paksang pampananaliksik na


may kaugnayan sa summusunod na usapin: 1) migrasyon at diaspora, 2)
karahasan sa mga kababaihan, 3) pang-aabuso sa mga manggagawa, 4)
kahirapan, 5) globalisasyon at iba pang kaugnay ng mga ito.

C. Sikolohiyang Pilipino: Sikolohiyang Nakabatay sa Kultura, Kasaysayan


at Wikang Katutubo

Hindi maikakailang malaki ang naging papel ng Sikolohiyang Pilipino


upang makilala ngmga Pilipino ang kanilang pagkataong Pilipinong
nakabatay sa kanilang sariling wika, kultura at kasaysayan at binibigyang-
interpretasyon ng kapwa Pilipino at di ng mga dayuhang iskolar na
nagsasabing walang sariling sikolohiya ang mga Pilipino – bagay na
madalas marinig at ikainis ni Dr. Virgilio G. Enriquez sa kanyang dayuhang

113
propesor. Bunga nito, dinalumat niya ang lawak at lalim ng Sikolohiyang
Pilipino matapos matamo ang kursong Doktor sa Pilosopiya sa Panlipunang
Sikolohiya sa Northwestern University sa Estados Unidos.Sa kanyang
pagbabalik sa bansa sa tulong ng noon ay dating tagapngulo ng
Departamento ng Sikkolohiya sa UP-Diliman ay kaagad siyang nagsaliksik
upang ugati ang lawak at lalim ng sikolohiyang Pilipino. Mula sa kanyang
mga pag-aaral na isinigawa ay isinilang ang Panukat ng Ugali at Pagkatao
(Pe-pua & Protacio-Marcelino, 2003). Pero, ano nga ba ang Sikolohiyang
Pilipino? Ayon kay Dr. Enriquez, ang Sikolohiyang Pilipino ay ang
sikilohiyang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino
(Daluyan, 2015). Tuon nito ang buhayin ang pambansang identidad at
kamalayan ng mga Pilipino, pakikisangkot sa mga isyung panlipunan at
gawaing panlipunan, at sikolohiya ng wika at kultura.

Sa pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino, mahalagang dukalin at unawain


ang konsepto ng kapwa o shared identity upang ganap na maunawaan ang
pamamaraan ng pag-iisip at pagkilos ng isang Pilipino. Dahil sa kapwa,
nakikita ng isang Pilipino ang kanyang sarili sa pamimigitan ng ibang tao. Sa
katunayan, kung paano makipagkapwa ang tao, matutuklasan din ang
kanyang panlipunang sikolohiya at pananaw sa mundo. Ang kapwa ng mga
Pilipino ay ibang-iba sa Ingles na others sapagkat ang kapwa ay ang
pagkakaisa ng sarili at ng ibang tao o others. Samantala, ang
pakikipagkapuwa ang pinakamahalagang sikolohiko at pilosopikong
konsepto sa Sikolohiyang Pilipino. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap
at pakikipag-ugnayan sa bang tao bilang kapantay na nilalang. Kung hindi
ka mahusay makipagkapwa-tao, ikaw ay ibang tao. Pero itinuturing kang
hindi ibang-tao kung ikaw ay marunong ng sumusunod: 1)
Pakikitungo/Transaksyon/Paggalang (Level of Amenity/Civility), 2)
Pakikisalamuha/Interaksyon (Level of Mixing), 3)
Pakikilahok/Pagsama/Pagsali (Level of Joining), 4) Pakikibagay/Pagsunod
(Level of Conforming), 5) Pakikisama/Pakikiayon (Level of Adjusting), 6)
Pakikipagpalagayang-loob/Pagiging Maunawain/Pagiging Katanggap-
tanggap (Level of Mutual Trust), 7) Pakikisangkot/Pakikialam (Level of
Getting Involved), at 8) Pakikiisa/Pagkakaisa (Level of Fusion/Oneness)

114
(Enriquez, 1985, 2017). Mahalaga ang pag-unawa sa bawat salitang
nabanggit sapagkat sa konteksto ng lipunang Pilipino, ang mga ito ay may
mga espesipikong kahulugan. Halimbawa, mahirap makiisa ang isang
Pilipino sa ano mang gawain o proykto kung di sya dumaan sa yugto ng
pakikipagpalagayang-loob at pakikisangkot na mahalaga sa usapin ng
pagkakaisa.

Ang mga nabanggit na lebel ay nagpapatunay lamang na upag lubos din


nating malaman ang sikolohiyang Pilipino, mahalagang suriin ang wika. Sa
katunayan, ang pag-aaral ng wika ay isa sa mga pumdamental na saligan
ng Sikolohiyang Pilipino. Patunay rito ang pagkilala sa wika bilang hindi
lamang isang mabisang kasangkapan ng komunikasyon kundi isa ring
mayamang mapagkukuhanan ng mahahalagang pag-unawa at pananaw
tungkol sa kultura. Kaya naman maituturing ang wika bilang pangunahing
sanggunian sa pag-unawa ng lawak at lalim ng Sikolohiyang Pilipino. Bukod
sa pag-unawa ng kahuugan ng mga nabanggit na salita, narito pa ang ilang
patunay na ang wikang Filipino ay bukal ng Sikolohiyang Pilipino.
Halimbawa, kung susuriin ang salitang hiya, hindi naman ito
nangangahulugan ng shame sa wikang Ingles sapagkat nababago ang
kahulugan nito batay sa kultural na konteksto at pamamaraan ng paglalapi.
Halimbawa, iba na ang kahulugan ng salitang nakakahiya, kahiya-hiya,
hiyang-hiya, ikinahiya, hiyain, manghiya, nakahihiya, mahiyain at walang-
hiya. Nariyan din ang pagkakaiba-iba ng kahulugan ng mga salitang may
kaugnayan sa salitang loob. Halimbawa, masama ang loob, kusang-loob,
kagandahang-loob, utang na loob, at mababang kalooban. Sa pagsusuri,
makikita na isa sa mga batayan upang unawain ang Sikolohiyang Piipino ay
ang pagsusuri ng wikang Filipino batay sa pagagamit nito at kultural na
pananaw. Marami ring sikolohikal na konseptong katutubo ang mga Pilipino
na mahirap tumbasan o isalin sa ibang wika. Halimbawa, ang salitang
saling-pusa na itinuturing na makabuluhang konseptong sikolohikal sa
Pilipinas na nagpapahiwatig ng m ataas na pagpapahalaga ng mga Pilipino
sa damdamin ng isa’t isa kung kaya’t iniiwasan ang huwad na
pakikipagkapwa. Ang pamasak-butas na nangangahulugan ng pagbibigay
ng ideya na ang isang tao (siya, ako, ikaw) ay hindi ang unang dapat na

115
nasa kanyang kinalalagyan at dahil sa di na pwede ang nauna ay siya na
ang nakuhang kapalit. Samantalang ang salitang pagkapikon ay
nagpapakita lamang na buhay na buhay sa kulturang Pilipino ang biruin at
dahil sa masiglang kulturang ito ang pagbibiro ay nauuwi sa pagkapikon
(Magracia, 1994).

Bukod sa wika, mahaolagang batayan din ng Sikolohiyang Pilipino ang


kinagisnang sikolohiya: 1) mga aral at ritwal ng mga babaylan at katalonan,
mga dalangin, bulong, kuwentong-bayan, alamat at epiko, 2) ang tao at ang
kanyang diwa, 3) ang panahon ng pagbabagong-sip, 4) ang panahon ng
pagpapahalaga sa kilos at kakayahan ng tao, at 5) ang panahon ng
pagpapahalaga sa suliranin ng lipunan na tumatalakay sa pagpanaog ng
mga sikolohistang Pilipino mula sa kanilang toreng gareng (Enriquez, 1975,
2015).

Samantala, bunsod din ng pagkakatatag ng Sikolohikang Pilipino ay


nabuo din ang maka-Pilipinong metodo sa pangangalap ng datos na
binanggit nina Pe-pua at Marcelino (2002) gaya ng: 1) pagtatanong-tanong
(Pe-pua, 1989), 2) pagmamasid-masid (Bennagen, 1985), 3) panunuluyan
(San Juan& Soriaga, 1985), 4) pakikipagkwentuhan (Orteza, 1997), 5)
pakapa-kapa (Torres, 1992), at 6) ginabayang talakayan (Bennagen, 1985,
sa Geronimo, et al., 2017).

Samakatwud, akamang gamitin ang pananaw na Sikolohiyang Pilipino sa


mga pananaliksik sa ksaysayan, kultura at wika ng mga Pilipino na nakatuon
sa paraan ng pag-iisip at pagpapakahulugan ng mga partisipant o saklaw ng
pag-aaral.

D. Batayang Kaalaman Sa Pantayong Pananaw Bilang Lente Sa Maka-


Pilipinong Pag-aaral ng Kasaysayan

Ang Pantayong Pananaw ay isang maka-Pilipinong lenteng


pangkasaysayan na binuo ni Dr. Zeus Salazar na kinikilala bilang Ama ng
Bagong Kasaysayan. Siya ay ipinanganak sa Tiwi, Alba, Bicol noong Abril
29, 1934. Isang historyador, etnologo, polygot, antropologo, sikolohista at
mananaliksik, nagtapos si Salazar ng kursong AB Kasaysayan sa UP-

116
Diliman noong 1955 nang may karangalang summa cum laude. Natamo
naman niyang kanyang doktorado sa Sorbonne University sa Paris nang
may pinakamataas na karangalang banggit. Nakapagsasalita sa iba’t ibang
wika gaya ng Bikolano, Filipino, Ingles, Pranses, Espanyol, Ruso, Aleman at
Bahasa ng Melayu, at nakapagturo sa iba’t ibang unibersidad sa mundo, at
sa kabila ng tinatamasang maayos na pamumuhay at karera sa ibayong
dagat ay pinili pa rin niyang magbalik sa Piipinas at ganap na nagturo sa
Departamento ng Kasaysayan ng UP. Naging isa siya sa mga pinuno ng
Diliman Commune noong 1971 at isa sa mga unang ekspertong nagduda sa
pagakatuklas ng rehimen ni Pangulong Ferdinand Marcos ng grupong
stone-age na tinawag na Tasaday. Naging Tagapangulo ng UP
Departamento ng Kasaysayan noong 1985 at naging Dekano ng UP
Kolehiyo ng Aghan Panlipunan at Pilosopiya naman noong 1989, kasama
siya sa mga nagtatag ngPambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino,
Adhika ng Pilipinas at ng Bagong Kasaysayan, Inc. (Chua, 2018).

Ayon kay Chua (1989), ang Pantayong Pananaw ay ang pag-aaral n


kasaysayan natin sa ating sariling perspektiba gamit ang mga
konsepto/dalumat at isang wikang naiintindihan ng lahat. Ito ay mula sa
salitang tayo. Sa madaling salita, ito ay mga kwwento at kasaysayan ng
Pilipinong isinasalaysay ng mga Pilipino at para sa mga Pilipino. Bagama’t
pareho ang diwa, kaiba ito sa ginawa ng mga nationalist historians na
katulad nina JOse Rizal, Teodoro Agoncillo at Renato Constantino sapagkat
sumalat sila sa dayuhang wika. Para sa Pantayong Pananaw, dapat ang
pagkukwento ay nasa wikang naiintindihan ng halos lahat ng Pilipino – at sa
panahong ito, ito ay ang wikang Filipino.

Samakatwid, tumutukoy ito bilang isang maka-Pilipinong pagtingin sa


pag-aaral ng ksaysayan. Binabasag nito ang kinagisnan nang
makadayuhang pamaraan ng pagsusuri at pag-aaral ng kasaysayang tuon
sa perspektiba ng mga dayuhan. Dagdag pa rito, mahalagang masuri ang
kasaysayan ng Pilipinas batay sa maka-Pilipinong lente sa tulong ng
pagsusuri ng mga Pilipinong iskolar.

117
Sa huli, sinasabing napapaloob ang kabuuan ng Pantayong Pananaw sa
pagkaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan,
hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan – kabuuang kababalot at ipinapahayag sa pamamagitan ng
isang wika. Dagdag pa ni Salazar, magkakaroon lamang ng mga konsepto
at ugali na alam ng lahat ang kahulugan na magiging talastasang bayan
(Salazar, 1977).

Samantala, sa paglalapat, magagamit ang diskursong pangkasaysayang


ito bilang lente sa pag-aaral o pagsusuri ng mga akdang pangkasaysayan
partikular sa mga paksang may kaugnayan sa lokal na kasayasayan,
pambansang kasaysayan, kababaihan at kasaysayan, kasaysayan ng
mangagagawa at paggawa sa bansa, kultura at kasaysayang Pilipino at iba
pang paksang kaugnay ng mga ito.

E. Intersectionality: Teoryang Feminismo

Batay sa tala, ang Intersectionality Theory ay isang feminismong


sosyolohikal na teoryang nabyo noong 1989 ni Crenshaw, isang critical legel
scholar na Amerikano. Ang terminong ito ay unang binanggit ni Crenshaw
sa kanyang malamang sanaysay na pinamagatang Demarginalizing the
Intersection of Race and sex: A Black Feminst Critique of Antidiscrimination
Doctrine, Feminist Theory and Antiracist Politics. Ito ay ginamit na ng ilang
mga iskolar bilang teoretikal na balangkas sa iba’t ibang pag-aaral sa loob
ng ilang dekada. Sa katunayan, ito ay kalimitang ginagamit bilang teroya,
metodolohiya, paradigma, o balangkas sa mga pag-aaral. Nagsimula ito
nang tangkaing ipaliwanag at suriin ang kalagayan ng mga babae sa
Estados Unidos partikular na ang kalagayan ng black women (women of
color).

Para kay Crenshaw, ang teoryang Intersectionally ay naglalarawan


kungpaano ang iba’t ibang paraan ng diskriminasyon ay nararansan o kung
paanong ang diskriminasyon ay bunsod ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na elementong bumubuo sa tao o lipunan. Sa katunayan,
ayon sa mga eksperto, ang teoryang ito ay tumutukoy sa kung paano ang
iba’t ibang sangay ng identidad gaya nglahi, kasarian, abilidad, sekswal na

118
oryentasyon, relihiyonn at grupong kinabibilangan at mga kaugnay nito ay
nagiging ugat ng opresyon/pagmamalupit at pagmamaliit sa lipunan o
pribelehiyo. Sa kabuuan, layunin ng teoryang ito na tugunan ang rasismo,
patriyarkang lipunan, opresyon ng lahi, at iba pang uri ng diskriminasyong
lumilikha ng ‘di pantay na pagtingin sa kababaihan.

Sa kabaling banda, ayon kay Dr. Olena Hankivsky, ang Intersectionality


bilang teorya ay nakabatay sa paniniwalang ang buhay ng tao ay multi-
dimensional at komplikado. Ang malay na karanasan ay nahuhubog ng iba’t
ibang salik at sangkap panlipunan. Kaugnay nito, sinabi rin ni Symington na
ito ay nag-ugat sa prinsipyong ang tao ay nabubuhay sa multiple layered
identities na nagmula sa pakikipag-ugnayan (social relations) at nakaugat sa
kasaysayan.

Gayon din, ipinapaliwanag ng teoryang ito na ang tao ay bahagi ng higit


pa sa isang komunidad (tahanan, trabaho, organisasyon) na maaaring
makaranas ng pribelehiyo o opresyon/pagmamalupit nang makasabay. Sa
katunayan, dahil sa multiple identities na nakakapit sa isang babae, nauuwi
ito sa maayos at maswerteng posisyon.

Subalit nililinaw ng teoryang ito na ang pagkakaroon ng kombinasyon ng


mga identidad ay hindi isang pahirap ‘di dapat ituring na problema, bagkus
ito ay dapat ituring na tagapagbigay ng iba’t ibang karanasan.

Samakatwid, sa pagsusuri ng intersectionsionality bilang teorya, layunin


nito na ipakita ang mas makahulugang pagkakaiba at pagkakatulad ng
bawat tao upang malagpasan ang diskriminasyon upang tunay na
maramdaman ang karapatang pantao. Sa kabuuan, ipinapaliwanag ng
Intersectionality Theory na ang opresyon o pagmamaliit sa isang tao
partikular na ang mga kababaigan ay bunga ng iba’t ibang magkakaugnay
na kadahilanan.

Kung gayon, magagamit ang teoryang ito sa mga pananaliksik na


umiikot sa kalagayan babae sa iba’t ibang setting.

F. Pantawang Pananaw: Tawa Bilang Kritika

119
Ang Pantawag Pananaw ay produkto ng kritikal na isipan at malikhaing
imahinasyon nina Dr. Rhoderick Nuncio at Elizabeh Morales-Nuncio (2004).
Ito ay nangangahulugang tawa bilang kritika sa mga isyu at tauhan sa
lipunan. Ang pantawa bilang pang- + tawa ay pag-angkin at pagtukoy sa
kakanyahan at kakayahan ng tawa bilang kritia.

Ganito ang paglalarawan nina Nuncio at Nuncio (2004) sa konsepto ng


tawa at pananaw:

(Ang tawa) ay reaksyong pandamdam. Isang mekanismo ng


damdamin na na nagbibigay ng laman sa puwang o guwang sa
damdamin ng isang taong malungkutin o taong naghahanap ng
kasiyahan sa buhay. Kaya’t mahihinuha sa sikolohiya ng tao ang
paglikha ng iba’t ibang pamamaraan (maaaring bagay, persona, o
mga pangyayarihang nagiging tampulan ng katatawanan) na
mapagpapaaliw sa kanya.

Tumutukoy (ang pananaw) sa pag-iisip ng tao. Pinagninilayan


o pinag-iisipan ng tao ang pagkakaroon ng pananaw. Sa pagbuo ng
pananaw, inaabot ng tao ang kahalagahan o kabalintunaan ng isang
pangyayari. Kung isang interpretasyon ang pananaw, maituturing ito
bilang kritika---na tumutukoy sa pagbasa ng karanasan, teksto, at
kultura na inuunawa sa perspektiba ng kamalayan. Samakatuwid,
ang pananaw ay kritikal na pagbasa na nakaugat sa kontekstong
panlipunan.

Ang Pantawag Pananaw ay may limang mahahalagang elemento. Ang


mga ito ay ang: 1) midyum, 2) konteksto, 3) kontent o anyo, 4) aktor, at 5)
manonood (Nuncio & Nuncio, 2004). Ang midyum ay daluyan kung saan
nagiging laganap ang pantawag pananaw. Ito ay maaaring entablado, kalye,
radyo, panitikan, o telebisyon. Samantalagan, nakapaloob sa midym na ito
ag iba’t ibang anyo/nilalamang kinabibilangan ngkwentong-bayan, sainete,
drama, bodabil, dulang panradyo at impersonasyon bilang palabas sa
telebisyon. Ang mga nagsisiganap/aktor ay ang tinaguriang mga puso,
aktor, komedyanteat impersoneytor. Ang mga isyung panlipunan na

120
tumatahak sa sosyal at politikal na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa
kkonteksto ng Pantawang Pananaw.

Samantala, may limang katangian ang Pantawag Pananaw. Una, ito ay


isang pagbasang kritikal. Gaya ng nabanggit, ang pananaw naito ay hindi
lamang pagtawa nang walang konteksto. Ito ay isang kritikal na pagbasang
tumatarok sa kamalayan at kaisipang Pilipino. Pangalawa, ito ay subjective
na pagbasag sa imahe at katawan. Isa itong pagkwestyon sa katauhan,
kaligiran, katawan at kaayusang panlipunan bilang object ng tawa at
pagtuligsa. Winawasak nito sa ganitong kritikal na pagbasa ang imahe ng
kapangyarihan bilang kahinaan o ang kapangyarihan bilang image ng
kawalang kapangyarihan. Pangatlo, ang pananaw na ito ay may
kasaysayan. Sa katunayan, nakatuon ito sa kapangyarihang historikal – ang
pagkukwestyon sa imahe o katawan ng kolonyalismo o komersyalismo.
Nagpapabago ng kahulugan ang Pantawang Pananaw sa tayo o poder ng
karanasang kolonyal o komersyal. Pang-apat, ito ay intersubjective.
Tumutukoy ito sa pangangailangan ng kapwa subject na direktang babasa
at magsusuri gamit ang Pantawang Pananaw. Sa ganitong katangian,
katumbas ito ang walang humpay na pagbabasa ng manonood, tagapakinig
o sino man upang makapagbigay ng kritikang nakabatay sa nagaganap sa
lipunan. Panlima at panghuli, ang Pantawang pananaw ay kapwa
intertekstwal at repleksibo. Ito ay pagiging bukas sa ilang teksto upang
magamit sa pagpapakahulugan at pagkatuto sa mensahe ng diskurso. Hindi
lamang ito nakatuon sa iisang genre ng panitikan (maaari eing comic strip
sa pahayagan) sapagkat nakabukas din ito sa iba pang anyo at daluyan ng
karanasang Pilipino. Subalit, dapat na maunawaan na tuon lamang ng
Pantawang Pananaw ang pag-aaral ng konsepto at praktika ng
pagtatanghal at palabas (Nuncio & Nuncio, 2004).

Sa pagsusuri, masasabing isang diwa mula sa karanasang Pilipino ang


Pantawang Pananaw. Nakapaloob ito sa karanasan ng tawa bilang kritika,
bilang pagtuligsa sa kapangyarihan at kaayusan sa lipunan na mababakas
mula pa sa oral na tradisyon hanggang sa paglalaganap ng mas media
ngayon.

121
Sa paglalapat, magagamit ang teoryang ito bilang lente sa pag-aaral o
pagsusuri ng mga dulang panteatro (komedya at sarswela), dulang
panradyo (kwentong kutsero), kwentong-bayan (Kwento ni Matsing), awit,
sayaw, pelikula, programa at telebisyon, stand-up comedy, at iba pang may
elemento ng pagpapatawa tungo sa pagbasang kritikal.

G. Teoryang Dependensya

Noong 1960s nang maging tanyag ang Teoryang Dependensiya. Ito ay


ipinakilala ni Raul Prebisch na noon ay direktor ng United Nations Economic
Commission for Latin America. Ayon sa kanyang pagsusuri, kapalit ng
patuloy na pagyaman ng mga mayayaman nang mga bansa sa mundo ay
ang patuloy na paghihirap ng mga maliliit, mahihirap at walang kalaban-
labang mga bansa bunsod ng mga ‘di makatarungang polisyang pang-
ekonomiyang nararanasan mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon.

Sa katunayan, batay sa teoryang ito, ang mga gawain at polisiyang


pang-ekonomiya ng mga mayayamang bansa ay direktang nakakaapekto sa
mga mahihirap nang mga bansa sa negatibong pamamaraan. Patunay rito
ang kabalintunaang ginawa ng mga mayayamang bansa. Halimbawa, ang
mga paso at lumang mga teknolohiya mula sa kanila ay ipinagpapalit nila sa
murang lakas-paggawa mula sa mahihirap na bansa, dagdagan pa ng pang-
aabuso sa likas na yaman ng mga bansang mahihirap. Sa ganitong
anggulo, makikita ang panibagong pamamaraan ng opresyon sa mga
mahihirap na bansa na nagtatago sa mapagkunwaring konsepto ng
pagtulong ng mga mayayamang bansa.

Ang teoryang Depedensya, minsa’y tinatawag ding Depedensya sa


Dayuhan, ay ginagamit upang ipaliwanag ang pagkabigo ng mga ‘di
industrialisadong bansa na magpaunlad ng ekonomiya sa kabila ng mga
puhunan mula sa mga industrialisadong bansa. Ang sentral na argumento
ng teoryang ito ay ito: Labis ang ‘di pagkakapantay-pantay ng ekonomiyang
pandaigdig sa distribusyon ngkapangyarihan at yaman bunga ng
kolonyalismo at neokolonyalismo. Ito ang naglalagay sa maraming bansa sa
posisyon ng dependent o umaasa (Crossman, 2018).

122
Katuad ng nabanggit na, kaugnay ng teoryang ito ang konsepto ng
kolonyalismo at neokolonyalismo. Ayon kay Crossman (2018), inilalarawan
ng kolonyalismo ang abilidad at kapangyarihan ng mga idustrialisado at
nangungunang bansa na epektibong manakawan ng mahahalagang
resorses ang kanilang mga kolonya tulad lakas-paggawaat mga natural na
elemento at mineral. Sa kabilang banda, ang neokolonyalismo ay tumutukoy
sa pangkalahatang dominasyon ng mga makapangyarihang bansa sa mga
bansang ‘di mauunlad kasama ang kanilang mga kolonya, sa pamamagitan
ng mga panggigipit sa ekonomiya at opresibong rehimeng politikal.
Bagama’t naglaho na ang kolonyalismo matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigig, hindi nito binura ang dependensya. Sa halip, pumalit ang
neokolonyalismong sumikil sa mga umuunlad na bansa sa pamamagitan ng
kapitalismo at pananalapi. Maraming mga umuunlad na bansa ang nabaon
sa utang sa mauunlad a bansa at nawalan ng risonableng pagkakataong
makatakas sa pagkakautang at umunlad.

Sinasabi nga ng Teoryang Depedensya na hindi tiyak na ang mga


umuunlad na bansa ay magiging industrialisadong bansa kalaunan kung
sila’y susupilin ng mga pwersang panlabas na epektibong nagpapatupad ng
depedensya sa kanila kahit pa sa mga batayang pangangailangan sa
buhay. Halimbawa nito ang Africa na tumanggap ng bilyong dolyar na utang
mula sa mga mayayamang bansa mula 1970 hanggang 2002.
Nagkapatong-patong ang interes ng mga utang na iyon. Bagamat
nabayaran na ng Africa ang kanilang utang ng kanilang mga lupain, may
bilyong utang pa rin ang Africa sa interes. Kakaunti, kung hindi man halos
wala nang resorses ang Africa upang mamuhunansa kanyang sariling
ekonomiya at pag-ulad ng tao. Malabo nang umunlad pa ang Africa liban na
lang kung patatawarin ang interes ng mga makapangyarihang bansang
nagpautang upang tuluyan nang mabura ang utang ng Africa (Crossman,
2018). Hindi ba parang pamilyar sa atin ang kwento ng Africa?

H. Teoryang Bakod- Bukod-Buklod

Ipinakilala ni Elizabeth Morales-Nuncio ng Pamantasang De La Salle ang


teoryang ito. Sa pamamagitan ng teoryang ito ay ihinahain ang isang

123
pananaliksik sa pamamagitan ng pagsusuri kung paanong tinataglay ng
magkakaibang baryabol ang hangganan ng isang baryabol o ang
pagpapakita ng “bakod“; Ang pagiging katangi-tangi ng bawat baryabol o
ang paglalahad ng “bakod“; gayundin ang pagkakatulad ng mga baryabol
kahit pa ito’y magkakaiba o ang tinatawag na “buklod.“

Maaaring ihalintulad ang teoryang ito sa pamamagitan ng pagbuo ng


isang venn Diagram. Sa paggamit ng venn Diagram, kahit may maraming
baryabol ang susuriin, nailalahad ang mga katangian ng baryabol batay sa
kung paano ito nabigyang-limitasyon, naipakikita at nailalahad ang
pagkakatulad at pagkakaiba.

Se serye ng lekturang pangwika na isinagawa sa Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas, binibigyang-detalye ni Dr. David Michael San Juan
(2018), ang konvinor ng Tanggol Wika, ang konseptong ito ni Elizabeth
Nuncio. Sa kanyang presentasyong Powerpoint ay ganito ang nakasaad:

a. Bakod: konsepto ng heyograpiya; sakop at saklaw, dimensyon at


lawak ng nasasakupan; pisikal na dibisyon.
b. Bukod: pagsasantabi o eksklusyon; konsepto ng marginalization.
c. Buklod: mga espasyo na bukas para sa lahat gaya ng daanan fppd
court, public CR atbp.
d. Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, bukid at Buklod bilang Espasyo at
Biswal mula Tabuan hanggang SM City North Edsa ni Elizabeth
Morales-Nuncio.

Positibong Aplikasyon ng Bakod, Bukod at Buklod

a. Pag-aaral sa mga espasyo at kung paano tayo pinaghihiwalay o pinag-


uugnay nito.
b. Pag-aaral hinggil sa gated villages at “gilidages“ (mga maralitang
komunidad sa tabi ng mga gated subdivisions).Pag-aaral sa
eksklusibidad ng ilang mga lugar/espasyo sa bansa.
c. Pag-aaral sa kaibahan ng work space ng ordinaryong manggagawa at
ng mga CEO, at mga lugar ng kanilang interaksyon (board rooms atbp.)

I. Teoryang Pagbaklas/Pagbagtas

124
Mahusay na gamitin ang ganitong teorya at dulog kung ang sasaliksikin
ay mga polisiya upang ang polisiyang banggit ay lalo pang mapahusay o
kaya ay tuluyang isaisantabi na muna. Sa ganito kasing dulog ay malayang
nakapaghahain ng mga pangyayari na tumataliwas o tumututol sa polisiya o
ang tinatawag na “pagkalas“, Responsibilidad na kung kakalas ay may
matibay o kongretong datos na ihahain upang mapasubalian o maipakita
ang kahinaan ng isang polisiya. Matapos mailahad ang mga dahilan sa
pagbaklas, ay marapat namang maglahad din ng mga datos kung paanong
mapahuhusay ang polisiya upang ito ay makapagbigay ng benepisyo sa
nakararami samantalang isinasaalang-alang din ang pagiging makatwiran
sa pagsasakatuparan nito batay sa magiging katanggapan ng nakararami at
kung may mga sapat na mapagkukunan upang matiyak ang hindi pagiging
ningas-kugon ng isang polisiya.

Sa presentasyon pa rin ni Dr. San Juan (2018) ay ganito naman ang


nakasaad:

a. Pag-aklas: pagsusuring historikal


b. Pagbaklas: pagbuwag sa mga tradisyonal na pag-aaral
c. Pagbagtas: paghahapag ng alternatibo; pagtawid sa hinaharap

Isang halimbawang pananaliksik gamit ang konseptong ito ay ang


pag-aklas, pagbaklas, Pagbagtas: Politikal na Kritisismo Pampanitikan ni
Rolando Tolentino at mungkahi rin4g pananaliksik ni San Juan para sa
konseptong ito ay ang pag-aklas, pagbaklas, Pagbagtas sa Patakarang
Pangkaunlaran ng Pilipinas.

BUOD NG KABANATA IV

Sa kabanatang ito napag-aralan natin ang mga teoryang akma sa araling


Filipino at sa pag-aaral ng lipunang Pilipino. Ilan sa mga ito ay ang pantayong
pananaw ni Zeus Salazar, Sikolohiyang Filipino ni Virgilio G. Enrequiz,
Marxismo ni Carl Marx, Teoryang Dependensya at mga iba pang kaugnay
dito.
Bilang teorya, ito ay magagamit sa mga paksang pampananaliksik na may
kaugnayan sa mga sumusunod na usapin: 1) migrasyon at diaspora, 2)

125
karahasan sa mga kababaihan, 3) pang-aabuso sa mga manggagawa, 4)
kahirapan, 5) globalisasyon at iba pang kaugnay ng mga ito.

Gabay na Tanong

1. Ano ang teorya? Ano ang gamit at kahalagahan nito sa pananaliksk-


panlipunan?
2. Ano-ano ang mga teorya o pananaw sa pananaliksik na akma sa
lipunang Pilipino? Ano-ano ang batayang premis at sensya ng bawat
isa? Bakit at paanong ang bawat isa sa mga iyon ay masasabing
akma
sa lipunang Pilipino?
3. Ano-ano ang iba pang teorya o pananaw sa pananaliksik na akma sa
lipunang Pilipino? Ano-ano ang batayang premis at esensya ng
bawat isa? Bakit at paanong ang bawat isa sa mga iyon ay
masasabing akma sa lipunang Pilipino?
4. Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga teoryang tinalakay.
5. Pumili ng isang paksang panlipunang Pilipino na nakahatak ng iyong
interes. Ilapat ang alin man sa mga teoryang tinalakay.

Sanggunian

Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., & Zafra Reynele Bren G. 2019.
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Malabon City: Mutya Publishing House
INC.
Galang, Samson, Agapay et al., 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Sampaloc Maynila: Rex Book Store.
Mendoza, Zenaida M., & Romero, Marcela L. 2008. Pagbasa at Pagsulat sa
Iba’t ibang Disiplina sa Antas Tersarya. Sampaloc Maynia: Rex Book
Store, INC.

126
KABANATA V

MGA BATAYANG KAALAMAN SA METODOLOHIYA SA


PANANALIKSIK-PANLIPUNAN

Panimula

127
Mahalaga ang pagsasagawa ng mga pananaliksik-panlipunan upang
lalong mapalalim ang pag-unawa sa kalagayan ng isang komunidad, bayan,
o bansa. Katulad ng Pilipinas, higit na magkakaroon ng kamalayan ang mga
mamamayan nito, lalo na ang mga kabataan, kung mayroong mga
masusing pananaliksik na naisasagawa ukol sa kalagayan o katayuan ng
bansa sa iba’t ibang aspektong panlipunan tulad ng ekonomiya, politika,
mga polisiya, kultura, paggamit ng wika at iba pa. Kung kaya sa
pagsasakatuparan ng mga pananaliksik na ito, mahalagang malaman ang
iba’t ibang mga metodolihiya upang angkop na mailapat sa nais na
isagawang pag-aaral.

Pangkalahatang Layunin

1. Matalakay ang mga batayang kaalaman tungkol sa wastong


pamamaraan ng pagsasagawa ng pananaliksik.
2. Makabuo ng metodolohiya ng napiling paksang pampananaliksik.

Aralin I: Mga Pangunahing Metodo Sa Pananaliksik-Panlipunan


Mga Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang mga pangunahing pamamaraan at
disenyo sa pananaliksik;
2. Nailalahad ang iba’t ibang hakbang sa pagtitipon at pagsusuri ng mga
datos; at
3. Naisusulat ang metodolohiya ng napiling paksang pampananaliksik.

Ang nilalaman ng bawat aralin sa modyul na ito ay inihalaw sa iba’t ibang


babasahin at kontekstong panlipunan na siyang namumutawi sa sistema ng
edukasyon sa kasalukuyan.
Ang sumusunod ang pinakapangunahing metodo sa pananaliksik
panlipunan na magagamit para sa layuning akademiko:
Pagtalakay
A. Mga Pangunahing Metodo Sa Pananaliksik-Panlipunan
1. Etnograpiya. Sa pamamaraan ng pananalisik na ito, ang mananaliksik o
etnograper o mananaliksik ay nakikipamuhay sa mismong komunidad na

128
kaniyang sinasalaksik. Ibibg sabihn, ang kaniyang impormante o mga
taong pinagkukuna ng datos ay hindi lamang ang mga nakatira sa
komunidad na kaniyang inaaral. Siya mismo ay isa sa mga impormante.
Sa pagpapaliwanag ni Schwandt (2015; sa Ravitch at Carl, 2016), pinag-
uugnay ng etnograpiya ang mga proseso at produkto kasama ng mga
fieldwork bilang isang proseso ng pakilala ng etnograper sa isang kultura
at ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pakikipamuhay at obserbasyon
sa mga asangkot sa pag-aaral. Samantala, tinutukoy niya ang
pagsasabuhay sa kultura bilang tekstong etnograpiko.
Ayon pa rink ay Schwandt, ang kritikal na etnograpiya ay naglalayong
punahin ang mga ’di binibigyang-pansin o pinagwawalang-bahalang
konsepto at asumpsyong sosyal, ekonomiko, political, kultural at iba pa.
Ang kritikal na etnograpiya ay pamamaraang may-tuon (focused) at
nakabase sa teorya sa isang tiyak na panlipunang institusyon o gawi na
may layuning magmulat at magpabago. Idinagdag naman ni Naval, et al.
(2010) na ang etnograpiya ay nakabatay sa isang ekstensibo at
detalyadong paglalarawan ng mga pangyayari. Mula sa ganitong
pamamaraan, ayon sa kanila, ay natutukoy ang mga salik at kung ano
ang ugnayan ng mga ito na siyang nagpapaliwanag sa kasalukuyang
estado ng lipunang pinag-aaralan.

Maisasagawa ang etnograpikong metodo sa pamamagitan ng


imersyon o aktuwal na pakikipamuhay ng mananaliksik sa lipunan
kaniyang nais pag-aralan. Sa pakikipamuhay na ito, kaisa siya mismo sa
pag-aaral at hindi siya hiwalay. Maisasagawa niya ang higit na pag-
unawa sa lipunan at mga pangyayari sa pamamagitan ng pagsubok
mismo sa pamumuhay at sa masusing obserbasyon niya sa mga tao at
prosesong kasangkot. Sa kaniya ring pakikisalamuha sa lipunan ay
maaari siyang magtanong-tanong at magtala ng mga mahahalagang
impormasyon na kalaunan ay magiging batis ng mga datos para
maunawaan ang kabuuan ng pag-aaral. Pumapaloob ang mga prosesong
ito sa tinatawag ngang fieldwork na karaniwang matagal na isiasagawa
upang higit na makilala ang lipunang inaaral.

129
Ang ganitong uri ng pananaliksik ay maaaring gawin, halimbawa, sa
pag-aaral sa mga tunog ng wika ng mga Itneg, sa pag-aaral sa
paghahanap-buhay ng mga maralitang tagalungod.

2. Kuwentong-Buhay. Ito kilala rin sa tawag na narrative inquiry at


maaaring tumutukoy sa isang espesipikong metodo na ginagamit sa
imbestigasyon ng isang phenomenon. Sa ganitong pananaliksik,
inilalarawan at isinusulat ng mananaliksik ang buhay at pinagdaanan ng
isa o higit pang indibidwal. Sa pagtatalakay ni Schwandt (2015), sinabi
niyang ang narrative inquiry ay kinasasangkutan ng interdisiplinaryong
pag-aaral ng mga gawaing tulad ng pagbuo at pag-analisa ng mga
karanasan sa buhay ng mga tao, at kalauna’y pag-uulat sa mga ito.
Pangunahing tuon ng ganitong pag-aaral ang mga mahahalagang
karanasan ng taong pinag-aaralang nailahad sa kanilang mga personal
na salaysay.

Isinasagawa ang mga ganitong pag-aaral sapagkat naniniwala sina


Conelly at Clandinin (1990) na ang tao ay likas na mananalaysay at ang
bawat isa ay may personal o panlipunang karanasan sa buhay. Maaaring
isa o higit pang indibidwal ang tuon ng isang kuwentong-buhay at mula
roon ay aanalasahin ang halaga at ugnayan ng mga karanasang kanilang
pinagdaanan.
Sa pagsusuri at pagsulat ng kuwentong-buhay, maaaring hanguin
ang mga impormasyon mula sa kasaysayan ng buhay, naratibong
panayam, journal, diaries, memoirs, awtobiograpiya, o biograpiya ng
indibidwal. Mula sa mga ito matitipon ang kanilang mga kuwento at
pinagdaanan, maaanalisa ang ugnayan ng mga detalye at maiuulat ang
isang katangi-tanging karanasang ’di karaniwan.
Ilang halimbawang sulati na maaaring gawin ay ang karanasan ni
Miriam Defensor Santioago bilang lingkod-bayan, ang karanasan ng mga
piling babaeng bilanggong politikal, ang kuwento ng tagumpay ng isang
katutubong Aeta na ngayon ay isa nang matagumpay na doctor sa
Estados Unidos, o ang pinagdaanan ng isang anak-magbubukid na
napagtagumpayan ang ekonomikong kasalatan sa buhay.

130
3. Eksperimentasyon. Ito ay proseso ng pag-aara; ng dalawang baryabol.
Ang isa ay kontrolado o pinananatiling constant at ang isa naman ay
manipulado o nilalapatan ng interbensyon. Ang manipuladong baryabl o
tinatawag ding eksperimental na grupo ay nilalapatan ng kaukulang
tritment para tingnan ang pagkakaiba nito sa kontroladong grupo. Sa
pagsasagawa nito, makikita ang pinagkaiba, kung mayroon, o kawalan ng
pagkakaiba ng dalawang grupong pinag-aralan.

Naglahad sila Naval, et al. (2010) ng mga yugto sa pagsasagawa


nito. Kabilang umano sa mga ito: 1) pagtukoy sa isyu o suliranin, 2)
pormulasyon ng haypotetsis, pagpapakahulugan sa mga termino at
baryabol, 3) pagpili sa grupong eksperrimental, 4) pagbuo ng isang
planong eksperimento, at 5) pagsasakatuparan sa eksperimento.
Maaaring gamitan ng eksperimentasyon ang mga pag-aaral tulad ng
pagganap sa matematika ng mga babaeng estudyante na ginamitan ng
iba’t ibang lapit sa pagtuturo, pagtukoy sa bilis ng paggaling ng mga
batang may lagnat sa pamamagitan ng pagpapainom ng isang natural at
herbal na medisina, at iba pang kahawig na pag-aaral.
1. Aral-Kaso. Ang case study ay isang metodo sa pananaliksik na
mailalarawan sa pamamagitan ng pag-aaral ng isang napapanahong
kaso o mga kaso ng tunay na buhay. Limitado ang kaso sa mga salik
tulad ng lugar at oras (Yin, 2009). Sa pag-aaral-kaso, detayadong
inilalarawan ang sitwasyon ng isang tao, bagay, lugar, pangyayari o
phenomenon at iba pa upang maging batayan ng mga katulad na pag-
aaral sa mga kaugnay na kaso sa hinaharap.
Ayon kay Stake (1995), ang isang mag-aaral ay maituturing na
kaso. Ang guro ay isa ring kaso subalit ang pagtuturo ng guro ay hindi
nagtataglay ng tinawag niyang specifity para maituring na isang kaso.
Dahil ditto, sabi niya, ang mga eskwelahan ay maikokonsiderang mga
kaso, ngunit ang relasyon sa pagitan ng mga ito, ang mga dahilan ng
inobasyon sa pagtuturo sa mga eskwelahang ito, o ang mga polisya para
sa reporma ay halos hindi maituring na kaso. Ayon pa rin kay Stake, ang
mga ganitong halimbawa ay mga paglalahat dahil ayon sa kaniya, para

131
maituring ang isang bagay na kaso, dapat itong espesipiko, kompleks at
may pag-iral.
Sa pagsasagawa ng sang case stady, maaaring humango ng mga
datos mula sa tuwirang obserbasyon, interbyu, dokumento, artifacts at iba
pa (Yin, 2009). Sa pagsasagaa ng mga pamamaraang ito, sisikap na
tipunin ang mga espesipikong detalye, mga ’di karaniwang pangyayari, at
mga iba pang mahahalaga at kaugnay na datos upang higit na
maunawaan ang isang kaso.
Maaarig pag-aralan bilang kasi ang pagkauto ng Filipino ng isang
Koreanong nag-aaral sa Pilipinas ang biglaang pagtaas ng benta ng
isang kompanyang halos malugi na sa loob ng mahabang panahon, ang
kahirapan ng ilang tukoy na pamilyang benepisyaryo ng programang
Pantawid Pamilyang Pilipino ng gobyerno, o ang malubhang korupsyon
ng ilang tukoy na alakalde sa isang probinsiya.
2. Action Research. Binibigyang kahulugan ito ni Stinger (2014) sa
kanyang aklat na Action Research bilang isang sistematikong pag-
iimbestiga upang makahanap ng solusyon sa mga suliraning kinahaharap
sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Nagsasangkot ito, ayon kay
Stringer, ng kompleks na daynamiks sa isang kontekstong sosyal at
gumagamit ng patuloy na siklo ng mga imbestigasyon upang
makapagpalitaw ng mga epektibong solusyon sa mga isyu at problemang
kinahaharap. Kadalasang lokalisado ang setting at espesipiko ang
sitwasyon na ginagawan ng action research tulad na lamang ng mga
suliraning kinahaharap ng isang eskwelahan, negosyo, komunidad,
ahensya at organisasyon na magpapabuti sa kahusayan at kabisaan ng
kanilang paggawa o sistema.
Itinala nina Kemmies at McTaggart (1992) ang mga yugto sa
pagsasagawa ng action research. Kinabibilangan ito ng pagpaplano,
implementasyon, obserbasyon, at pagmumuni:

PLANNING

132
IMPLEMENTASYON
OBSERVATION

REFLECTION

a. Pagpaplano. Sa yugtong ito, tinatanong ng mga mananaliksik sa


kanilang sarili kung ano ang realida ng kalagayan ng tiyak na lunan
na pinag-aaralan, at mula sa pagtatanong sa ityak na estado ng isang
isyu o suliranin, sisimulan na rin nila ang paghahanap kasagutan
kung paano ito tutugunan. Kasama sa pagpaplano ang pagtitipon ng
mga mahahalgang datos na kakailanganin at ang paglikha ng isang
programa o serye ng mga hakbang para solusyonan ang natukoy na
problema.
b. Implementasyon. Sa yugtong ito sinusubukan ang nabuong plano.
Sinisikap na sagutin ng planong isasakatuparan ang mga natukoy na
suliranin sa yugto ng pagpaplano.
c. Obserbasyon. Ang yugtong ito ay kasabay ng implementasyon.
Habang isinasakatuparan ang plano ay tinitipon ang mga
mahahalagang datos sa opamamagitan ng obserbasyon upang
Makita kung saan mahina o kulang, at kung saan malakas o epektibo
ang haing solusyon. Mahalaga ang mga datos na makakalap ditto sa
kasunod na yugtong pagmumuni o repleksyon.
d. Pagmumuni. Nagsasangkot ang yugtong ito sa pag-analisa at
pagmumuni sa mga pangyayari sa implementasyon batay sa mga
nakalap na datos sa obserbasyon. Dito, maaaring magresiba batay
sa pangangailangan o sa pagpapatuloy ng proyekto kung ito ay
nakitang mabisa.
Ang action research ay maaaring gamitin ssa mga halimbawang pag-
aaral tulad ng pagpapahusay sa komprehensyon sa pagbasa ng mga

133
mag-aaral, pagpapabilis ng sistema ng produksyon sa isang
kompanya, pagpapababa sa barangay tuwing tag-ulan.

6. Pagmamapa. Ang mapping ay isang rebuy, hindi ng mga resulta tulad ng


rebuy sa mga kaugnay na literature, kung hindi ng mga pagkakaugnay-ugnay
o linkages. Ang pagmamapa ay kadalasang nakatuon sa mga nakalimbag
nang pag-aaral at iba pang midya tulad ng aklat, pahayagan at iba pa.
Tinitingnan sa proseso ng pagmamapa ang pagtukoy kung saan ang
lokasyon ng pag-aaral, kalian ito sa isinagawa, o kung ano ang pokus ng
pag-aaral (Cooper, 2016). Sa ganitong pagtingin, maaaring maitala
halimbawa ang mga naisagawang pag-aaral sa Pilipinas na may kinalaman
sa pagpatay sa mga magsasaka, o kaninong panunungkulan mangyari ang
mga ito.

Ang pagmamapa ay maaaring isagawa sa halos lahat ng paksang nais


pag-aralan tulad ng kultura, ekonomiya, politika, edukasyon, at iba pa.
Halimbawa, maaaring imapa ang mga pagdiriwang o kapistahang ginaganap sa
iba’t ibang bayan ng Ilocos Norte. Sa pagmamapang ito, maaaring tingnan kung
kalian ito isinasagawa, para saan ang pagdiriwang ng kapistahan (kadalasan ay
may kinalaman sa mga aning produkto), paano ipinagdiriwang ang bawat
kapistahan (Ano-anong mga ritwal o programa ang isinasagawa?), at maaari
ring tingnan kung gaano ito nakakaakit ng pagbisita ng mga turista. Kaugnay sa
turismo, maaari naming tingnan ang dami ng bumisita, o ang promosyong
ginagawa ng iba’t ibang bayan para palaguin ang turismo.

Ang sumusunod naman ang karaniwang pamamaraang magagamit sa


pangangalap at pagtitipon ng mga datos:

B. Pamamaraan Sa Pagtitipon Ng Datos

1. Video Documentation. Ang bidyo doukumentasyon, bilang paraan ng


pagkalap ng mga datos, ay isang paraan para makaptyur at maiimbak ang
mga mahahalagang pangyayari sa proseso ng pananaliksik. Maaaring
gawing tuluyang o segmental ang video documentation. Ang tulyang video
documentation ay sa tuloy-tuloy na pagkuha ng bidyo ng isang pangyayari,
halimbawa ng isang interbyu o isang phenomenon, at kalauna’y magiging

134
sors ng mga datos na kakailanganin sa pag-aaral. Segmental naman ang
tawag sa dokumentasyon kombinasyon ng mga maiikling bahagi at
kalauna’y makabubuo ng isang mahusay na istorya. Kadalasang ginagamit
naman ito upang makagawa ng isang dokumentaryo.

Ang video documentation, katulad ng audio recording, ay isang


mainam na teknolohiya upang maitala ang mga mahahalgang
pangyayaring mahirap makaptyur gamit ang ibang pamamaraan. Isa rin
itong matibay na ebidensya upang patotohanan ang isang pangyayari.
Simbigat din ito ng personal na salaysay. Kung gayon, mataas ang
kredibilidad ng mga datos na nakuhanan gamit ang video. Hinid lamang
sa mga interbyu at focus group discussion maaaring gamitin ito.
Ginagamit din ang video sa etnograpiya, action research, eksperimental
na pananaliksik at sa iba pa.
2. Literature Review. Ang pagsusuri sa mga kaugnay na literature at pag-
aaral ay tumutukoy sa pamamaraan ng paghahanao ng mga nasusulat o
nakatalang impormasyon na may kinalaman sa nais gawing pag-aaral at
pagsusuri sa mga ito upang makapagbigay nang higit na linaw sa mga
tunguhin ng pananaliksik. Karaniwang sors nito ang mga nagawa nang
pananaliksik na nakalimbag na, mga artikulo sa mga journal ng
pananaliksik, mga opisyal na dokumento, mga aklat at iba pang
nakasulat na sanggunian, subalit maaari rin naming magmula ito sa mga
video o audio recording tulad ng mga dokumentaro.
Sa pamamagitan ng literature review, maaaring makakuha ng
magandang paksa na maaaring pagtuunan ng pananaliksik. Karaniwan
itong mahahanap sa mga rekomendasyon sa mga nauna nang
pananaliksik sapagkat nagmumungkahi ang mga ito kung paano pa
palalawakin ang pag-aaral o kung anong pag-aaral pa ang kailangang
gawin upang matugunan ang gap sa isinasagawang pag-aaral. Sa
kabilang banda, ginagamit ang literature review bilang metodo sa
pagpapalawak at pagpapalalim ng paksang ng paksang napili. Sa
pamamagitan ng pagbasa at pagsusuri sa mga nagawa nang pag-aaral at
mga nakalimbag ng pagtatalakay ukol sa isang paksa, nakikita ang
unayan ng mga ito. Napagtutulad o napag-iiba ang mga nagging resulta

135
ng mga ppag-aaral at nakikita ang mga implikasyong bunga ng mga pag-
aaral na ito. Kung gayon, mahalahang hakbang ito sa pagpapatibay sa
mga asumpsyon at iba pang haka na mayroon ang mananaliksik.
Sa pagpili ng mga literaturang susuriin, mahalagang isaalang-alang
ang kalidad kaysa sa kantidad. Mahusay kung marami, subalit tiyaking
may halaga at kontribusyon sa nais na pananaliksik ang ano nang
pagsusuri batay sa tatlong pamamaraan: historical, lokalidad, o tematik.
a. Historikal. Sa paraang ito, inaaral at inalalahad ang mga
nabasang literature batay sa timeline o panahon ng
pagkakagawa ng mga ito. Ginagamit ito upang ipakita ang
debelopment ng paksa. Halimbawa ng mapaggagamitan nito ay
ang pag-aaral sa Ortagrapiya ng Wikang Filipino mula 1987
hanggang sa kasalukuyan, o ang pagsusuri sa mga polisyang
pang-ekonomiya ng Pilipinas mula sa taong 1986 hanggang
2016. Dito, ilalahad ang pagbabago, pagkakatulad, o
pagkakaiba sa mga taon na lumipas batay sa sinasabi ng mga
nakuhang sanggunian.
b. Lokalidad. Sa pamamaraang ito naman sinusuri ang mga
sanggunian at ipinaghihiwalay ang mga ito batay sa lokasyon ng
pag-aaral. Ang ganitong estratehiya ay isinasagawa sa
pananaw na ang mga bagay-bagay, halimbawa, polisya, bisa ng
patuturo, bisa ng isang gamit, pagiging epektibo ng isang teknik
at iba pa, ay magkakaiba depende sa lugar ng implementasyon,
sapagkat may mga eksternal na salik na maaaring wala sa
ibang lokalidad. Sa paghahanay batay sa lokasyon, sinusri ang
pagkakatulad o pagkakaiba ng mga resulta ng mga pag-aaral na
isinagawa, o pagkakatulad ng mga pananaw ng mga taong mula
sa magkakaibang lugar. Kadalasang hinahati ito sa literaturang
lokat at literaturang banyaga.
Ilang pag-aaral na maaaring gamitan ng ganitong
pamamaraan ay ang implementasyon ng K-12 kurikulum, ang
pag-iral ng karapatang pantao sa mga bansang demokratiko, at
ang akses sa serbisyong pangkalusugan ng mga maralitang
tagalungsod. Sa mga pag-aaral na ito, maipapakita kung anong
136
sinasabi ng mga sangguniang mula sa Pilipinas at ng mga
nagmula sa ibayong dagat.
c. Tematik. bumubuo ng mga kategorya at sa ilalim ng mga
kategoryang ito tatalakayin ang mga impormasyong nakuha sa
mga sanggunian.
3. Interbyu. Ang pakikipanayam sa isahang pakikipag-usap ng
mananaliksik sa kaniyang impormante upang kumalap ng mga
mahahalagang impormasyon na ipinapalagay ng mananaliksik na
pinakamahusay na maibibigay ng napiling impormante.
Kapag magsasagawa ng isang interbyu, mahalgang isaalang-
alang ang ilang mahahalagang konsiderasyon: relasyonal, kontekstwal,
’di ebalwatibo, tuon sa tao, at di nyutral (Ravitch & Carl, 2016).
Idinagdag din nila na maaaring bumuo ng sumusunod na katanungan
lalo na sa mga kwalitatibong interbyu:
a. Experience and Behavior Questions – nakatuon sa mga nagawa
na, ginagawa, o gagawin pa lamang ng kinakapanayam,
b. Opinion and Values Questions – mga katanungang nakapokus
sa pananaw at paniniwala ng kinakapanayam ukol sa isang
paksa, karanasan, phenomenon, o kaganapan at kung paano
niya pinahahalagahan ito.
c. Feelings Questions – tumutuon sa kasalukuyang pakiramdam at
sa pakiramam ng isang karansan ng kinakapanayam,
d. Knowledge Questions – mga katanungang humahango ng mga
impormasyon at kaalamang taglay ng kinapapanayam ukol sa
paksang pag-aaralan, at
e. Background/Demographic Questions – mga katanungang
sinasagot ng lokasyon, identidad at iba pa.

4. Focus Group discussion (FGD). Ito ay isang pamamaraan ng


elisitasyon ng mahahalagang impormasyon, partikular ang pananaw at
imbak na karunungan, ng mga piling indibidwal na may kaugnayan sa
pag-aaral.

137
 Ginagamit ang FGD upang masuri kung paano nabubuo,
nadedebelob, at umiiral ang isang ideya o kaalaman sa loob ng
isang kontekstong kultural o panlipunan.
 Sa pamamagitan ng FGD, nakalilikha ng tinatawag na group
think (nagaganap kung ang isang indibidwal na kalahok ay
nagbubukas ng isang paksa at mula rito pinagtutuunan ng grupo
ang paksang ito upang makabuo ng kolektibong pang-unawa sa
nasabing paksa).
 Limitahan ang bilang sa apat hanggang anim upang mabigyang
pagkakaton ang lahat sa pakikibahagi.
 Piliing mabuti ang mga kasapi ng FGD sa pamamagitan ng
pagtiyak na makapag-aambag sila sa pagtitipon ng mga datos
upang masagot ang mga katanungan sa pag-aaral.
 Magtalaga ng notetaker upang makapagkonsentreyt sa pag
facilitate ng focus group discussion. Mahalaga rin na may digital
recording sa pahintulot ng mga kasangkot na indibidwal.
 Linawin ng ground rules sa simula pa lamang at ilahad ang
panuntunan sa pagbibigay-panahon sa bawat isa upang
malayang lahat ang kasali sa FGD.
 I-engaged ang lahat at lumikha ng pagkakataong makibahagi
ang bawat isa.
 Sa pagtatanong simulan sa mga di-gaanong kontrobersyal
patungo sa mga higit na kontrobersyal na isyu. Sikaping
papataas ang intensidad ng mga katanungan.
 Dapat malinaw ang mga aspektong nais palitawin at malaman
nang sa gayon ay mapagtutuunan ito ng pansin sa proseso ng
FGD.
 Tiyaking laging isaalang-alang ang etika at ang panuntunan sa
confidentiality ng mga impormasyon at identidad ng mga
kalahok.

5. Obserbasyon at Participant Observation. Ang obserbasyon ay isang


proseso ng pagmamasid at pagtatala ng mananaliksik sa kanyang mga

138
nasaksihan sa loob ng isang partikular na lugar, pangyayari, kaganapan,
o sitwasyon.

Sa obserbasyon, may nakahanda nang observation sheet na siyang


gabay ng mananaliksik sa mga tiyak na aspektong bibigyang tuon sa
kanang pagmamasid.

Ang prosesong ito ay tinatawag na passive, sapagkat limitado


lamang ang interaksyon ng obserber sa kontekstong ping-aaralan.

Participant observation. Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pagmamasid


na nakikisalamuha o kasali sa mismong pag-aaral ang tagamasid o
obserber.

Ayon sa kanila marapat tandaan ng mananaliksik na:

a. Hanapin ang mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa sentral


na diwa ng paksang pinag-aaralan ngunit dapat nakabase sa mga
umiiral na prinsipyo at teorya;
b. Maingat na itala ang mga kilos at ugnayang angkop sa konteksto
kasama na ang mga hindi gaanong pansin na datos kung walang
pokus at intensyonal na obserbasyon; at
c. Patuloy na bantayan ang sarili sa pagmamasid upang maiwasan ang
ano mang uri ng personal biases at prejudices.

3. Saliksik-arkibo (Archival Reseach). Ito ay ang pinakaunang paraan ng


pagkalap ng impormasyon para sa mga isinasagawang pananaliksik.

• Kasama sa mga arkibyang sanggunian ang mga manuskrito,


dokumento, rekord na elektroniko, materyales na awdyo-biswal at iba
pa.

Sa Pagsasagawa ng archival reseach, dapat tandaan ng mananaliksik


ang mga sumusunod:

a. Piliin ang pinakaangkop na sanggunian para makapag-ambag sa


pag-aaral,

139
b. Tiyakin ang awtensidad at kredibilidad ng sanggunian, at

c. Gamitan ng akmang pagsusuri ang nakuhang sanggunian.

Maaaring gamitin ang mga teknik sa review of literature,


review of document, content analysis, o discourse analysis sa
pagsipat sa mga sangguniang gagamitin.

7. Pagsasagawa ng Sarbey. Ang sarbey ay isang proseso ng pagkalap ng


impormasyon mula sa inaasahang tagatugon sa pananaliksik sa
pamamagitan ng survey questionaires, checklist, o iba pang anyo ng
survey forms.

 Sa tradisyonal na anyo, isinasagawa ito sa pamamagitan ng


mga printed forms, ngunit sa kasalukuyana gumagamit na ng
e-survey forms kung online ang paraan ng sarbey.

Ang isang talatanungan ay maaring maglaman ng:

 datos ng pagkakakilanlan
 pahayag ng paghingi ng kooperasyon
 mga panuto o direksyong sa dapat na gawin ng tagatugon
 ang mga impormasyong kailangang ibigay ng tagatugon na
may direktang kinalaman sa pag-aaral.

Sa paglikha ng isang questionaire mahalagang isaalang-alang


ang mga sumusunod:

• Gawing simple at malinaw ang mga tanong,

• Gawin ding maikli ang mismong kabuuan ng survey form,

• Dapat hindi opensibo ang mga katanungan,

• Gawing lokikal ang pagkakaayos ng mga hinihinging datos, at

Iwasan ang paghing ng masyadong mahahabang kasagutan


mula sa tagatugon.

140
8. Transkripsyon. Isinasagawa ang prosesong ito sa paglikha ng tekstuwal na
anyo ng isang audio o audio-visual na sanggunian.

• Kadalasang ginagawa ang pagtranskrayb sa mga usapan o oral na mga


pahayag mula sa mga interbyu, focus group discussion, obserbasyon, at
audio o audio-video documentary o file.

• Sa transkripsyon, may tinatawag na raw transcription na tumutukoy sa


non-edited na bersyon ng isang audio file.

• Tinatawag namang polished transcription ang isinasaayos na bersyon ng


raw transcription na siyang ginagamit para sa pag-aanalisa, paglalahad
at paglilimbag.

Sa proseso ng pagtatranskrayb kailangang gawin ang mga


sumusunod:

a. Pakinggan ng tatlo hanggang limang beses ang usapan o audio file.


Gagawin ito upang maging pamilyar sa kabuuan ang usapan o
diskurso.

b. Simulan ang pagsulat sa napakinggan. Sikaping isulat ang lahat nang


maririnig. I-pause o ulitin ang audio kung kinakailangan.

c. Kapag naisulat na ang kabuuan ng raw transcription, ayusin na ito sa


pamamagitan ng pagsasaayos ng gramatikang mga pahayag.
Tanging linggwistikong aspekto lamang ang maaring ayusin.

d. Kung kinakailangan, isalin ang transkripsyon sa isang target na wika.

C. Pamamaraan Sa Pagsusuri Ng Datos

Ang sumusunod naman ang mga maaaring magamit na pamamaraan sa


pagsusuri ng datos na nakalap:

1. SWOT Analysis. Ang Strengths, Weaknesses, Opportunities and Threats


analysis ay isang pamamaraan sa pagtukoy sa kalakasan, kahinaan,
oportunidad at mga bantang maiuugnay sa isang proyekto , polisiya at iba pang

141
gawain.Upang maisagawa ang SWOT Analysis, kailangang maging malinaw
ang pagpapakahulugan sa apat na elemento ng pagsusuring ito.

• Una, ang strengths o mga kalakasan- ito ay tumutukoy sa ano mang


magandang kontribusyon sa implementasyon ng plano o programa.
• Ikalawa, ang weaknesses o mga kahihinaan- ay tumutukoy naman sa
disadbentahe ng aktibidad nito, mga hindi nito kayang magagawa at ano
pa mang limitasyong kaugnay ng pagsasakatuparan sa plano, gawain o
programa.Maaaring ituring na kahinaan ang kakulangan ng sapat na
bilang sa pre-testing ng isang programa.
• Opportunity o oportunidad ay tumutukoy naman sa ano mang kaganapan
o bagay na makatutulong para sa pagpapaunlad pa gng gawain, plano o
programa.
• Panghuli ay ang threats o mga banta at panganib. Tumutukoy naman ito
sa ano mang magiging sagabal sa tagumpay ng isang inisyatiba.
Upang maisagawa ang ganitong uri ng pagsusuri, kailangan lamang
maging kritikal sa mga detalye upang matukoy ang lahat ng
kakailanganing impormasyon.

Maaring gamitin ang modelo sa paggawa ng SWOT analysis

Strengths Weaknesses Opportunities Threats


(Kalakasan) (Kahinaan) (Oportunidad) (Banta/Panganib)

Mas mataas na Hindi napag-aralan Higit na Pagpapatigil sa


koleksyon ng ang mga pagbibigay-tuon Implementasyon
buwis para sa implikasyon ito sa sa mga ng batas
gobyerno marhinalisadong implikasyon ng Hindi pag-apruba
sektor panukalang Train sa Train Law 2
Law 2

142
2. Discourse analysis. Ang pagsusuri sa mga diskurso ay nakatuon sa
proseso ng pagsusuri sa paggamit ng wika sa loob g panlipunang konteksto.

 Wika at konteksto ang dalawang mahahalagang elemento sa pagsusuring


diskurso

Upang masuri nang maayos ang napilin diskurso, narito ang ilang
mahahalagang punto sa paggawa ng analysis:

a. Tiyakin ang konteksto - dito, kailangang tiyakin kung ano ang sosyal at
historikal na konteksto ng diskurso. Mahalaga ring tingnan kung para saan
ang pagsulat o pagpapahayag ng diskurso.

b. Galugarin ang proseso ng produksyon ng diskurso - Higit itong


pagpapalalim sa konteksto. Bilang karagdagan, kailangang mas maging
pamilyar kung sino ang gumagawa at saan ginawa ang diskurso.

c. Suriin ang estruktura ng diskurso-Sa pagsusuri, kailangang tingnan


kung may mga seksyon ba sa diskurso na mariing tumatalakay lamang sa
iisang punto ng argumento.

d. Tipunin at analisahin ang mga diskursibong pahayag - Simula ito ng


mikro-perspektibong pag-analisa sa diskurso. Dito tinitipon ang lahat ng
pahayag na may mga magkakaugnay na konsepto at kalauna'y sinusuri
ang relasyon nito sa mga pangunahing punto ng diskurso.

e. Tukuin kung mayroong reperensyang kultura - lsa iyong pagsusuri sa


teksto, sikapin ding tingnan kung may mga bahaging may direktang
kinalaman sa ibang nag-eexist na diskurso.

f. Tukuyin ang mga ginamit na mekanismong linggwistik at retorikal - Sa


bahaging ito, mahalagang maging mapanuri at masinop ang nagsasagawa
ng analisis.

Ilan sa mga dapat bantayan ang sumusunod dahil ang mga ito ay
naghuhudyat ng kahulugan sa loob ng diskurso:

143
1. Mga salita- Ang pagpili ng mga salita upang ipahayag ang diskurso ay
may kaugnayan mismo sa pakahulugang nais ipabatid.
2. Katangiang gramatikal – Paano ang konstruksyon ng mga pahayag?
Madalas bang gumamit ng mga panghalip na panao? Nasa unang
panauhan ba ang ginamit na pananaw? Nasa karaniwang ayos ba o 'di
karaniwan ang mga pahayag?

3. Literari at retorikal na pigura - Gumamit ba ng simili, metapora, ironiya,


alegorya? Mayroon bang mga kasabihan, idyoma, kawikaan at iba pa?

4. Tuwiran at 'di tuwirang pananalita-Tuwiran ba o hindi ang mga


pahayag? Kung nagmula ang pahayag sa ibang teksto, nagkaroon ba ng
direktang sipi o minodipika ito?

5. Ebidensya - Sinusuportahan ba ng mga pahayag ang sentral at


pangunahing ideya ng diskurso? May mga basehan at katanggap-tanggap
ba ang mga ito?

g. Isulat ang interpretasyon at ilahad ang natuklasan. Kapag natukoy na


ang lahat ng maliliit na detalye ng diskurso, kailangan nang isulat ang
interpretasyon at pagpapakahulugan sa mga ito.

3. Document Analysis at Content Analysis. Ayon kay Bowen (2009), ang


document analysis o pagsusuri sa dokumento ay isang prosesosa
pagsusuri sa anyo, estruktura at nilalaman ng mga dokumento ay isang
proseso upang makapagbigay ng tinig at kahulugan sa isang paksa.

May tatlong uri ng dokumento ayon kay O'Leary (2014)

1. Pampublikong tala tulad ng policy manuals, annual reports,


handbooks, syllani, strategic plans,

2. Personal na dokumento tulad ng emails, scraptbooks, blogs, duty logs,


incident report, reflections, journals at ;

3. Pisikal na ebidensya tulad ng Flyers, posters, agenda, training


materials.

Mungkahing hakbang sa pagsusuri ng dokumento ayon kay O'Leary (2014)

144
a. Tukuyin ang mga dokumentong susuriin at tiyakin ang awtensidad ng
mga ito.

b. Tukuyin kung may mataas na subjectivity ang nilalaman dokumento.


Mahalaga ito upang mas maging balanse ang pagsusuri sa nlalaman
nito.

c. Suriin ang latent content ng mga dokumento. Kasama sa latent


content ng pagkakasulat, ang tono ng mga pahayag, ng intensyon ng
pagsulat at ang mga opinyon at katotohanan.

4. Policy review at impact assessment. Ito ay pagsusuri ng isang nag-


eexist na patakaraan upang matukoy kung ito ba ay mabisa
kapakipakinabang.

• Gayon pa man maari na nating suriin ang bisa at kahusayan gamit ang
isang estandardisasyong panukat na karaniwan ay inilalabas ng
pamahalaan o mga standardization organization.

• Tumutukoy ang impact assessment sa naging dulot na ginawang


implementation base sa itinakdang mga layunin.

• Sa impact assessment, tinitingnan kung naging matagumpay o mabunga


ang proyekto o programa.

5. Comparative Analysis. Ito ay isang paraan ng pagsusuring detalyadong


nagtatala sa pagkakatulad at/o pagkakaiba ng dalawa o higit pang aytem
(tao, bagay, kaganapan, penomenon at iba pa).

Ginagamit ito para Makita ang kakulangan o kahigitan ng isa sa iba


upang magamit sa paglinang at pagpapabuti nito. Isang halimbawa na
maaaring gamitin ng metodong ito ang pag-aaral sa kulturang ilipino at
Amerikano. Maaaring gawan ng pagtutulad ang dalawang kulturang ito base sa
kung ano ang kulturang umiiral sa Pilipinas dahil sa impluwensiya ng
pananakop ng mga Amerikano, at ng pag-iiba ng kultura ng dalawang bansa
base sa lokasyong topograpikal ng mga ito.

BUOD NG KABANATA V

145
Sa metodolohiya ng pananaliksik-panlipunan, kasamang dapat
pagtuunan ng pansin ang mga pangunahing metodo sa pagsasagawa ng
pananaliksik, ang mga pamaraan sa pagtitipon ng mga datos, at kung
paanong ang mga datos na ito ay pinoproseso at siusuri. Sa pamilyaridad
sa mga pamaraang ito, mas napipili ang pinakaangkop na gagamitin sa
pagsasagawa ng mga pananaliksik-panlipunan.

Ebalwasyon

Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

I. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung ang diwa
ng pangungusap ay tama. Kung mali ang diwa ng pangungusap, isulat ang salitang
MALI.

1. Ang sarbey ay mainam na isagwa kung ang bilang ng respondent ay malaki,


sapgkat mahirap na makausap ng mananaliksik ang bawat isa sa kanila upang
makuha ang mga kakailanganing datos.

2. Pareho lamang ang pamamaaan sa pagsasagawa ng interbyu at focus group


discussion, sapagkat pangunahing aktibidad dito ang pagtatanong –tanong.

3. Sa eksperimental na pananaliksik, mayroong tinatawag na controlled


variable. Itoang mga variable na nilalapatan ng treatment upang maikompara
kalaunan ang resulta ng pag-aaral sa mga hindi nilapatan ng katulad na
treatment.

4. Kung nais makausap ng mananaliksik ang tatlong survivors sa lumubog na


barko sa Dagat Tsina, gagawa siya s afocus group discussion kung nais
niyang marinig ang natatanging kwento ng bawat isa.

5. Sa discourse analysis, itinatala ang mga banta at kahinaang nakikita sa


pagsusuri.

6. Magkatulad lamang ang karaniwang obserbasyon at participant observation


dahil kapwa limitado ang akses ng mananaliksik o obserber sa mga
informant sa parehong metodo.

7. Sa etnograpiya, ang mananaliksik ay isa rin sa mga informant dahil


nakikipamuhay siya sa mga ito.

8. Ang SWOT analysis ay nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng


dalwang gawain, proyektoo programa.

146
9. Kung iilan lamang ang informant, mainam na interbyuhin o i-FGD ang mga ito
kaysa sa isarbey pa.

10. Sa SWOT analysis, mailalahad ang mga kalakasan at kahinaan ng isang


programa o proyekto, at mula rito’y makakapagrekomenda ng mga hakbang
sa pagpapabuti nito.

II. Tukuyin ang terminong inilalarawan ng sumusunod na pangungusap.


Isulat ang iyong sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.

11. Isang paraan ito ng kritikal na pagsusuri sa teksto o oral na pahayag upang
makita ang lalim at nagtatagong mga pakahulugan na hindi litaw kapag
hindiito malalimang sinuri.

12. Isa itong paraan ng pag-uugnay-ugnay ng mga resuklta ng mga pag-aaral


upang makitta ang koneksyon ng mga ito na siyang inaasahang magagamit
upang hindi na maunawaan ang paksang sinaliksik.

13. Sa pamamaraang ito, masusing inililista ang kahinaan ng isang plano o


programa. Kaalinsabay nito ay ang paglalahad din sa mga kahinaan at
banta at maging ang mga oportunidad na kaugnay nito.

14. Ito ay ang paglalahad ng isang informant ng isang tema o paksa at mula rito
ay pinagtutuunan ng pansin at malalimang tinatalakay ng mga kasama
niyang kalahok sa diskusyon.

15. Ito ay isang variable sa pananaliksik na hindi manipulado sa proseso ng


pag-aaral.

16. Naratibo ito ang mga katangi-tanging tagpo okaganapan sa buhay ng isang
indibidwal na mahalagang maibahagi upang pagmulan ng aral at
inspirasyon sa iba.

17. Tinatawag din itong aktibong aktibong pagmamasid sapagkat ang


mananaliksik ay may interaksyon sa mga informant.18. ang pangunahing
layon ng metodolohiyang ito ay ang pagbibigay ng solusyon sa mga tiyak
na suliraning natuklasan. Isinasagawa ito ng mga organisasyon,
komunidad, o grupo upang mapagbuti ang hindi magandang kalagayan.

19. Ang mananaliksik ay nakikipamuhay sa lipunang nais niyang pag-aralan sa


metodong ito.

20. Isa sa mga sinusuri sa metodong ito ang lingguwistik at retorikal na


mekanismo sa mga pahayag upang higit na maunawaan ang kabuuan ng
mensahe.

147
21. Paraan ito ng paglalahad ng mga sinuring pag-aaral o sulatin. Isinasaayos
dito ang suri o sintesis sa paraang ayon s apanahon ng pagkakagawa ng
mga ito.

22. Kasama sa datos na ito ang mga kopya ng batas na uniiral sa komunidad,
mga polisiya ng gobyerno at mga bayarin sa buwis ng mga tao.

23. Tumutukoy ito, sa pagtukoy sa kinakalabasan ng programa o gawain ito


man ay positibo o negatibo.

24. Ito ay proseso ng pagsasatitik sa mga audio audio-visual na usapan o


talakay upang mapaghanguan ng mga datos at impormasyon na mahalaga
sa pananaliksik.

25. Isa itong paraan ng pagkuha ng mga mahalagang impormasyon mula sa


mga pangunahing sangguniang nakatago sa mga arbibya tulad ng mga
dokumento, recordings, mga opisyal na liham, memo at iba pa.

26. Ito ay isang metodo sa pananaliksik na paglalarawan sa pamamagitan ng


pag-aaral ng isang napapanahong kaso o mga kaso ng tunay na buhay.

27. Ang mga yugto ssa pagsasagawa nito ay pagpaplano, implementasyon,


obserbasyon at pagmumuni.

28. Ito ay isang rebyu, hindi ng mga resulta tulad ng rebuy sa mga kaugnay na
literatura, kung hindi ng mga pagkakaugnay-ugnay o linkages. Ito ay
kadalasang nakatuon sa mga nakalimbag nang pag-aaral at iba pang midya
tulad ng aklat, pahayagan at iba pa.

29. Sa pagsusuri sa mga datos nito, maaaring gawin ang pagsusuri batay sa
tatlong pamamaraan: historikal, lokalidad o tematik.

30. Ito ay nakatuon sa proseso mg pagsusuri sa paggamit ng wika sa loob ng


panlipunang konteksto.

III. Aplikasyon. Batay sa iyong napiling paksang pampananaliksik, ilahad ang


metodolohiya nito tulad ng disenyo at uri ng pananaliksik, paraan ng
pangangalap at pagsusuri ng mga datos.

Mungkahing Gawain

A. Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa Pananaliksik

148
Sanggunian

Austero, Cecilia S., Abueg, Lolita K., Mateo, Emilia C., Corea, Ramilito B., Cruz,
Fe B., & Suguran Tessie S. 2010. Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(Binagong Edisyon). Pasig City: Unlad Publishing House.
Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., & Zafra Reynele Bren G. 2019.
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Malabon City: Mutya Publishing House
INC.
Galang, Samson, Agapay et al., 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Sampaloc Maynila: Rex Book Store.

KABANATA VI

149
PAGSULAT, PAG-UULAT AT PAGLALATHALA NG PANANALIKSIK

Panimula

Ang pamanahong papel ay isang uri ng papel pamapanaliksik na


karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante bilang isa sa mga
pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay kdalasang nagsisilbing
kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa
sa isang kurso o asignatura sa loob ng isang panahon o term na kadalasa’y
saklaw ng isang semester o traymester. Ito ang dahilan kung bakit tinatawag ito
sa Ingles na term paper.

Isa sa sukatan ng kabutihan ng isang pamanahong papel ay ang


presentasyon at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman nito. Kung gayon,
marapat lang na maging pamilyar ang isang mananaliksik sa mga bahagi at
nilalaman ng isang karaniwang pamanahong papel.

Pangkalahatang Layuni

1. Matalakay at mailahad ang iba’t ibang mga bahagi ng sulating pananaliksik.

2. Makapagsagawa ng isang pananaliksik batay sa paksang napili, na may


kompletong bahagi.

3. Maibahagi ang nabuong pananaliksik sa malikhaing presentasyon

Aralin I: Mga Bahagi Ng Papel-Pananaliksik

Tiyak na Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

150
1.Naiisa-isa at naipaliliwanag ang iba’t ibang bahagi ng sulating pananaliksik.

2. Nakasusulat ng sulating pananaliksik at mailahad ito.

3. Napahahalagahan ang nabuong pananaliksik sa pamamagitan ng malikhaing


presentasyon.

Pagtalakay

Ang mga kasunod na pagtalakay ay halaw sa mga aklat na: Kritikal na


Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (2006, 2008), Pagbasa,
Pagsulat @ Pananalksik (2014) at Pananaliksik sa Iba’t ibang Disiplina (2018).
Ito ay ang mga sumusunod na bahagi:

A. Mga Bahagi Ng Papel-Pananaliksik

Mga Pahinang Preliminari o Front Matters. Kinabibilangan ito ng


sumusunod:

a. Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong-papel. Walang


nakasulat na kahit ano sa pahinang ito. Sa madaling sabi, blangko
ito.
b. Pamagating Pahina ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa
pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din ditto kung kanino
iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito
pangangailangan, kung sino ang gumawa at panahon ng
kumplesyon. Kung titingnan sa malayuan, kailangang magmukhang
inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyong nasa
pahinang ito.
c. Dahon ng Pagpapatibay ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa
pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng
pamanahong papel.
d. Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng mananaliksik
ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring
nakatulong sa pagsulat ng pamanahong papel at kung gayo’y
nararapat pasalamatan o kilalanin.

151
e. Sa Talaan ng Nilalaman nakaayos ang pagbabalangkas ng mga
bahagi at nilalaman ng pmanahong papel at nakatala ang kaukulang
bilang pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
f. Sa Talaan ng mga Talahanayan at Grap nakatala ang pamagat ng
bawat talahanayan at/o grap na nasa loob ng pamanahong papel at
ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
g. Ang Fly Leaf 2 ay isa na namang blangkong pahina bago ang
katawan ng pamanahong-papel.

Hindi nilalagyan ng bilang ng pahina o pagination ang mga pahinang


preliminary. May mga pamanahong-papel din ang kaikitaan ng Pag-
aalay o Dedikasyon na isang opsyonal na pahina.

1. Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito. Ang kabanatang ito ay nahhati


sa mga sumusunod na bahagi:
a. Ang Panimula o Introduksyon ay isang maikling talataang pag-
aaral. Tinatalakay rito kung paanong ang terya ay nauugnay o
nagging motibasyon sa kasalukuyang pag-aaral.
b. Sa Batayang Teoritikal inilalahad ang teoryang pinagsandigan ng
pag-aaral. Tinatalakay rito kung paanong ang teorya ay nauugnay o
nagging motibasyon sa kasalukuyang pag-aaral.
c. Sa Layunin ng Pag-aaral, inilalahad ang pangkalahatang layunin o
dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang
mga espesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
d. Sa Panimulang Haka o Haypotesis inilalahad ang posibleng
kasagutan sa testable problem sa paraang null.
e. Sa Kahalagahan ng Pag-aaral, inilalahad ang sinipikans ng
pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito
ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t
ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon,
disiplina o larangan.
f. Sa Saklaw at Limitasyon tinutukoy ang simula at hangganan ng
pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil
tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng
pag-aaral.

152
g. Itinatala naman sa Depinisyon ng mga Terminolohiya ang mga
katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y
binigyan ng kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaaring
konseptwal (ibinibigay ang standard na depinisyon ng mga
katawagan) o operasyonal (kung paano iyon ginamit sa pamanahong
papel):

2. Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura. Sa kabantang ito,


tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng
paksa ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik kung sino-
sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literature, disenyo ng
pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral. Mahalaga
ang kabanatang ito dahil ipinaalam dito ng mananaliksik ang kasalukuyang
estado ng kaalaman kaugnay ng kayang paksa.

Hangga’t maaari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin


ditto ay iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon. Piliin
ding gumamit ng mga pag-aaral at literaturang local at dayuhan. Hangga’t
maaarin rin, tiyaking ang mga material ng gagamitin ay nagtataglay ng mga
sumusunod na katangian: (a) obhetibo o walang-pagkiling; (b) nauugnay o
relevant sa pag-aaral; at (c) sapat ang dami o hindi napakakaunti o
napakarami.

3. Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik. Ang kabanatang ito ay


nahahati sa mga sumusunod na bahagi:

a. Sa Desinyo ng Pananaliksik, nililinaw kung anong uri ng

pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.

b. Sa Instrumento ng Pananaliksik, inilalarawan ang paraang ginamit


ngpananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Iniisa –isa
rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano at
bakit niya ginawa ang bawat hakbang.

c. Sa Tritment ng mga Datos inilalarawan kung anong estadestikal na


paraan ang ginamit upang ang mga numerical na datos ay mailarawan.

153
Depende sa Disenyo ng Pananaliksik, maaaring may iba pang kailangang
bahagi ang kabanatang ito.

4. Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos. Sa


kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalp ng mananaliksik sa
pamamagitan ng tekstwal at tabular o grapik na presentasyon. Sa teksto,
inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisa o pagsusuri.

5. Kabanata V: Lagom, Konglusyon at Rekomendasyon. Nahahati ang


kabanatang ito sa tatlo:

a. Sa Lagom, binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng


mananaliksik na komprehensibong tinalakay sa Kabanata III.

b. Ang Kongklusyon ay mga inference, abstraksyon, implikasyon,


interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga
datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.

c. Ang Rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para sa mga


suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

6. Mga Panghuling Pahina. Binubuo ito ng mga sumusunod:

a. Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kompletong tala ng lahat ng


mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng
pamanahong papel.

b. Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o


ipaloob ditto ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng
interbyu, sampol ng sarbey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga
larawan, kliping at kung ano-ano pa.

B. Dokumentasyon Ng Mga Hanguan At Plagyarismo

Isang mahalagang pangangailangan sa pananaliksik ang maingat sa


pagkilala sa pinagmulan ng mga hiniram na ideya, datos o impormasyon. Ito
ang dahilan kung bakit kailangang mabatid at magamit nang sino mang
mamamaliksik ang iba’t ibang paraan ng pagkilala sa mga ginamit sa hanguan
sa pagsulat ng pamanahong papel. Ito ay tinatawag na dokumentasyon.

154
1. Kahalagahan at Tungkulin ng dokumentasyon. Ang dokumentasyon ay
gumaganap ng mahalagang tungkulin sa isang papel- pampananaliksik.
Bukod sa manipestasyon ito ng katapatan ng isang mananaliksik,
nagbibigay ito ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na kanyang
ginamit. Nagiging lubos na kapani-paniwala ang mga datos o
impormasyong iyon kung binabanggit ng mananaliksik ang awtor
(kadalasa’y awtoridad hinggil sa paksa ng pananaliksik) ng akdang kanyang
pinaghanguan.

Lubhang mapanganib sa isang mananaliksik ang pagbabalewala


sa halaga at tungkulin ng dokumentasyon. Ang hindi pagkilala sa
pinagmulan ng mga hiram na ideya ay isang uri ng pagnanakaw ng
intelektwal na pag-aari ng iba sa larangan ng pananaliksik, pamamahayag
at literature ay tinatawag na plagyarismo. Ang isang plagyarista ay
maaaring patawan ng mga kaparusahang naaayon sa polisya ng paaralan
at/o sang-ayon sa Intellectual Property Law (Atienza, et.al.,1996).

2. Estilong A.P.A. Dati-rati, footnoting o paggamit ng talababa ang


pinakagamiting paraan ng dokumentsayon ng mga mananaliksik. Sa
ngayon, mas pinipili nan g marami ang paraang iminungkahi ng American
Psychological Association (A.P.A) o ng Modern Language Association
(M.L.A.). Ito ang tinatawag na talang parentetikal (parenthetical citation) na
higir na simple at madaling gawin kaysa footnote. Bukod pa sa nagagawa
nitong maging tuloy-tuloy ang daloy ng teksto sa pagbabasa.
Sa M.L.A., ang pangalan (apelyedo) ng awtor at bilang ng pahina
(ng akda kung saan matatagpuan ang ideya, datos o impormasyong
hiniram) ang inilalagay sa loob ng parenthesis. Samantala, iba naman ang
A.P.A. Narito ang mga pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng
dokumentasyon sa estilong A.P.A.:
a. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto,
taon na lamang ng publikasyon ang isulat sa loob ng parenthesis.

Ayon kay Nunsn (1997), mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng


dayuhang wika. Ngunit sa pag-aaral ng katutubong wika, binibigyan ng
higit na pansin sa mga paaralan ang paglinang sa kakayahan sa pagbasa

155
at pagsulat…

Kung si Nunan ay may ko-awtor (dalawa o higit pa), kailangang mat et al.
matatapos ang kanyang pangalan at sa kuwit na naghihiwalay rito, bago ang
taon ng publikasyon na nasa loob ng parenthesis.

Ayon kina Nunan, et al. (1997), mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng


dayuhang wika. Ngunit sa pag-aaral ng katutubong wika, binibigyan ng higit
na pansin sa mga paaralan ang paglinang sa kakayahan sa pagbasa at
pagsulat…

b. Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa


hulihan ng pangungusap kasama ang taon ng publikasyon.
Paghiwalayin ang dalawang entris sa loob ng parenthesis sa
pamamagitan ng kuwit (,)/

Ang lingua franca ay ang wikang ginagamit ng mga taong may iba’t ibang
katutuong wika upang sila’y magkaunawaan (Wardaugh, 1986).

c. Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang


taon ng publikasyon.

Inamin ng mga guro ng Oral Communication sa Estados Unidos na ang


isang tipikal na mag-aaral sa kolehiyo ay pinakukuha ng mga kurso sa
pagbasa, pagsulat at pagsasalita, ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng
pagkakataong kumuha ng kurso sa pakikinig (Seier at Beall, 2002).

Inamin nina Seiler at Beall (2002), mga guro ng Oral Communication sa


Estados Unidos, na ang isang tipikal na mag-aaral sa kolehiyo ay pinakukuha
ng mga kurso sa pagbabasa, pagsulat at pagsasalita, ngunit iilan lamang ang
nagkakaroon ng pagkakataong kumuha ng kurso sa pakikinig.

156
d. Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing
awtor sa mismong teksto, banggitin na lamang ang unang awtor sa loob
ng parenthesis at sundan ng et al. bago ang taon ng publikasyon.

Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang pangwika ay hindi


pinaghihiwalay kundi nililinang sa integratibong paraan (Bernales, et al.,
2001).

e. Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang


apelyido, banggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang kani-
kaniyang apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.

Ang pananaliksik ay pangangalap ng mga ddatos sa masinop at


kontroladong sitwasyong para sa layunin ng prediksiyon at eksplanasyon
(E. Trece at J.W Trece, Jr., 1977).

f. Kung pamagat lamang ang abeylabol na impormasyon, banggitin


ang pinaikling bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng
publikasyon. Ipaloob ang pinaikling pamagat sa panipi o di kaya’y
iitalisado ang ipo ng font.

Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng


regular na publikasyon na sumasalamin ng responsableng pamamahayag
at ng misyon-bisyon ng Kolehiyo (CSB Student Handbook, 1966).

g. Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang


bolyum, banggitin ang bilang ng bolyum kasunod ng pangalan ng
awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas upang
paghiwalayin ang unang entri sa taon ng publikasyon.

Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag ni Mabini


ang kanyang paghihimagsik. Isinulat niya ang El Liberal na isang
panunuligsa sa mga bagong mananakop (Bernales 4: 2002).

157
h. Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor,
banggitin na lamang ang mga akda at paikliin hangga’t maaari.
Ipaloob sa panipi o iitalisado ang mga pamagat.

Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng Pakikipagtalastasan at Mabisang


Komunikasyon), tinukoy ang mga pangunahi at unibersal na katangian ng
wika.

Tandaan agad na inilalagay ang talang parentetikal pagkatapos ng salita


o ideyang hiniram at ito’y ipinoposisyon bago ang bantas sa loob o katapusan
ng pahayag maging iyon man ay tuldok (.), tandang-pananong (?), pandamdam
(!), kuwit (,) tutuldok (:), tuldok-kuwit (;), tuldok-tuldok (…), o panipi (“ “).
Maliban sa tuntuning, laging kuwit ang ginagamit na bantas sa paghihiwalay ng
mga entri sa loob ng parenthesis.

3. Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik. Katapatan ang


pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ang katapatang
ito ay kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng pinagkunan ng
kanyang mga datos ay iba pang ideya o impormasyon sa kanyang
pananaliksik. Nangangahulugan ito na:

a. kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.

b. bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang


tala,

c. hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan
ng karampatang pagkilala, at

d. hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang


kanyang argumento o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang
particular na pananaw (Atienza, et, at al., 1996).

Idinagdag pa nina Atienza, et al. (1996) ang isa pang napakahalagang


pananagutan ng isang mananaliksik------ ang pagtiyak na mapaninindigan
ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon na kanyang binuo batay sa
kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na
nakalap.

158
4. Ang Isyu ng Plagyarismo. Kaugnay ng pananagutan ng katapatan ay ang
isyu ng plagyarismo.

Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga


pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa,
hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw
at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Atienza, et al., 1996).

Sa pananaliksik ay may sinusunod na etika. Kayulad ito ng ano mang


disiplina na may istriktong code of ethics na ipinatutupad. Sa etika ng
pananaliksikn, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo. Dahil
sa kabigatan ng kasalanang ito, napatalsik ang nagtapos nan g doktorado,
nawalan nan g kridibilidad ang isang tanyag na iskolar, hinabla sa korte ang
prodyuser ng isang programa sa telebisyon (Atienza, et al., 1996).

Sa isang pamantasan nga, akala ng isang pangkat ng mga estudyante


na nakalusot na sila nang hindi mapansin ng kanilang guro na ang kanilang
pamanahong papel ay kinopya lamang sa ibang pamanahong papel. Ngunit
sa kanilang oral defense, halos manilabot ang mga panelist nang
makumpirma ang kapalaluan ng mga estudyanteng nabanggit. Halos
perpekto kasi ang papel, malayo sa aktwal na kaalaman at kakayahan ng
mga estudyanteng notoryus na ang kahinaan ng isip at kapabayaan sa pag-
aaral. Ang hinala ng mga panelist ay lalo pang tumibay nang hindi
maidepense ng mga estudyante ang mga resulta ng pananaliksik na kanilang
kinopya lamang. Lumagpak ang mga estudyanteng iyon hindi lamang sa
kanilang defense kundi maging sa kanilang asignatura. Pasalamat pa sila
dahil hindi sila napatalsik sa Uniberdidad at hindi na naghabol ang orihinal na
mananaliksik ng kanilang pinagkopyahan!

Sina Atienza, et al. (1996) at nagtala ng ilang mga halimbawa ng


plagyarismo at mga kaparusahang maaaaring ipataw sa isang plagyarista.
Ilan sa mg halimbawa ng plagyarismong kanilang itinala ay ang sumusunod:

a. Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hidi ipinaloob sa


panipi o hindi itinala ang pinagkunan.

159
b. Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang
pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan,
c. Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t iang
akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga
pinagkunan.
d. Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang
wika na ay inangkin na at hindi itinala na salin ang mga ito,
e. Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at
hindi kinilala ang pinagkukunan ng “inspirasyon”, at
f. Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan
ng iba at pinalabas niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito.

Samantala, ang mga parusang maaaring ipataw sa isang


playgyarista ay ang mga sumusunod:

a. Pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na magbigyan


ng 5.0 (lagpak marka) para sa kurso,
b. Kung mapapatunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa,
maaaring patalsikin ang estudyante sa unibersidad,
c. Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang
nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay
kinopya, maaari syang tanggalan ng digri, at/o
d. Maaari ring ihabla ang sino mang nangopya batay sa Intellectual
Property Rights Law at maaaring sentensyahan ng multa at/o
pagkabilanggo.

Tandaan ang mga kasunod na tagubilin nina Atienza, et al. (1996):

Walang nagtitiwala sa isang magnanakaw at sinungaling. Kung


matuklasan na ang isang mananaliksk ay nangopya at hindi kumilala sa
kanyang pinagkunan, sapat na ito para mabura ang lahat ng iba pa
niyang pinagpaguran. Hindi kapani-paniwala ang kanyang saliksik at
hindi mapagkakatiwalaan pa ang kanyang Gawain. Parang sinisira na rin
niya ang kanyang pangalan at kinabukasan…

160
Alalahaning kung madali para sa sinumang estudyante ang
mangopya, magiging madali rin para sa kanya ang gumawa ng
korapsyon kung siya ay magtatrabaho na.

C. Pagsulat Ng Pinal Na Sipi

1. Ang Kultura sa Pananaliksik. Sadyang napakahalaga sa isang


pamanahong-papel ang nilalaman o ang mga ideyang ipinaaabot niyon
sa mga mambabasa. Ngunit, kasinghalaga niyon ang matuto at masanay
ang mananaliksik sa wasto at mabisang presentasyon nito – ang
wastong pormat, margin, indensyon at iba pa. Bahagi ito ng disiplina ng
isang mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang kultura sa pananaliksik at
sinop sa paggawa.
Sa bahagi naman ng mambabasa, ang wasto at mabisang
presentasyon ng papel ay nakatutulong para higit na madali niyang
maunawaan ang mga kaalamang nais iparating sa kanya.
Kung tutuusin, may iba’t ibang pormat na minumungkahi ang iba’t
ibang unibersidad at kolehiyo at walang maaaring makapagsabi na ang
isa ang tama at ang iba ay mali. Mayroon silang kanya-kanyang
kumbensyon sa pananaliksik. May mga pagkakataon ngang ang mga
guro ng iisang institusyon ay may itinatakdang iba’t ibang pormat at
pangangailangan. Kadalasan, nagbubunga ito ng kalituhan sa mga mag-
aaral. Isipin na lamang na sasanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng
isang tiyak na pormat sa isang asignatura tulad halimbawa sa Ingles
samantalang sa iba naman ay Filipino. May mga guro pa ngang
nagpapagawa ng pamanahong papel nang walang itinatakdang pormat.
Nagbubunga ito ng agkakaiba-iba sa pormat ng mga awtput ng mga
mag-aaral. Ito ang dahilan kung bakit ang mga progresibong unibersidad
at kolehiyo (tulad ng UP, DLSU, UST at Ateneo) ay may itinakdang isang
tiyak na pormat sa pagsulat ng ano mang papel-pampananaliksik sa ano
mang larangan o disiplina. Ang layunin nila ay makapa-establish ng
isang kultura sa pananaliksik. Manipestasyon ito ng kanilang mataas na
respeto sa larangan ng pananaliksik. Ganito ang dapat na maging
kalakaran sa anumang unibersidad at kolehiyong nangangarap na

161
umagapay sa mga progresibong pagbabago sa mga pangunahing
institusyong pang-akademiko sa loob at labas n gating bansa.
Kaugnay ng ga ito, itinatagubilin naming ang mga sumusunod
kaugnay ng mga sumusunod na sangkap at/o pangangailangan:
2. Papel, Makinilya/ Kompyuter, Printer at Correction Fluid. Ang sukat
ng papel ay 8½ x 11 o ang kinasanayan nating tawaging short bond
paper. Gumamit ng may katamtamang kapal, maaaring substance 20-26.
Huwag gumamit ng napakanipis na papel.
Hangga’t maaari, gumamit nan g kompyuter sa halip na tayprayter
dahil sa mga feature nitong nakatutulong sa mga mananaliksik sa
pagpapadali ng pagsulat ng pamanahong-papel.
Kung kompyuter printer naman ang gagamitin, makabubuti nan
gang gamitin ay inkjet o laser. Mas mabilis ito, mas malinaw at mas
episyente. Ngunit kung dotmatix pa rin ang gagamitin, iminumungkahing
nyolin cloth ang gamiting ribbon sa halip na carbon at cotton cloth.
Ang correction fluid naman ay angkop na gamtin sa
makinilyadong kopya, ngunit hindi dapat abusuhin ang gamit nito.
Kadalasan, mas makabubuting itayp na lamang muli ang isang buong
pahina sa halip na tadtarin iyon ng correction fluid. Samantala, ang pag-
eedit sa kompyuter ay dapat gawin bago i-print ang isang kopya upang
maiwasan na ang aggamit ng correction fluid o manwal na pagdaragdag
o pagbubura sa pinal na kopya ng pamanahong papel.
3. Margin, Spacing at Centering. Ang tamang margin ay isa at kalahating
pulgada (1½) sa kaliwa at isang pulgada sa kanan, sa itaas at sa ibaba.
Ang dahilan nito ay para sa binding lalo na kung gagamit ng plastic slide
o hardboard.
Doble ang espasyong dapat gamitin sa pagitan ng bawat linya sa
loob ng mga talataan at maging sa pagitan ng isang heading, sub-
heading at simula ng isang talataan. Ang tanging eksepyon sa tuntuning
ito ay ang pagsipi ng isang buong talataan o mahabang quoted material
na isinusulat nang may tig-iisa lamang na espasyo bawat linya at ini-
indent pa sa magkabilang panig, higit pa sa itinakdang margin sa mga
karaniwang talataan. Ang isa pang ginagamitan ng isang espasyo ay ang
listahan ng mga sanggunian. Ang mga linya sa loob ng isang entri ay
162
kailangang tig-iisang espasyo lamang, ngunit ang espasyo sa pagitan ng
bawat bibliograpkial na entri ay kailangang dalawa.
Lahat ng mga kabanata bilang, pamagat ng kabanata at mga
kasangang-paksa o subtitles ay kailangang nakasentro sa pahina ng
papel. Gayon din ang lahat ng datos na nakapaloob sa pamagating
pahina.
4. Font. Ang isang ikinalalamang na feature ng kompyuter sa makinilya ay
ang bersatiliti ng font nito. Ngunit sa pagsulat ng pamanahong papel
gamit ang kompyuter, kailangang pumili ng simpleng tipo ng font tulad ng
Times New Roman o Arial. Huwag na huwag gagamit ng maaarteng tipo.
Tandaang ang pamanahong papel ay isang pormal na sulatin.
Huwag ding gagamit ng labis na maliit o malaking tipo.
Pinakaideyal na ang font na may sukat na labindalawa (12).
Ang paghahaylayt o bold facing naman ng font ay kailangang
gamitin lamang kung kalian kailangan. Ang mga bilang kabanata, titles at
subtutles ng katawan ng pamanahong papel ay kailangang i-bold. Gayon
din ang pamagat ng iba pang bahagi o pahina tulad ng Dahon ng
Pagpapatibay, Pasasalamat, Talaan ng Nilalaman, Listahan ng mga
Talahanayan at Grap, Listahan ng mga Sanggunian at Apendiks.
Samantala, ang italics na font ay kailangan naman gamitin sa mga
dayuhang salitang binaybay sa orihinal na ispeling at ginamit sa loob ng
isang tekstong Filipino. Maaari rin itong gawing substityut sa panipi (“ “),
halimbawa sa mga siniping pahayag, mga banggit na pahayag at mga
pamagat ng akdang binabanggit sa loob ng teksto ng pamanahong
papel.
5. Kapitaliseysyon, Abbreviation, Pagsulat ng Bilang. Ang tuntunin ng
gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang istriktong
masunod sa pagsulat ng pamanahong papel tulad ng sa simula ng mga
pangungusap, pangngalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga
titulong pantawag tulad ng Mang, Aling, Padre at iba pa. Ang tanging
eksepsyon sa mga tuntuning ito ay pamagat-papel na isinusulat nang
buo sa malaking titik (all caps).
Ang mga salita ay kailangang isulat nang buo hangga’t maaari.
Ang maaari lamang daglatin ay mga titulo tulad ng G., Gng., Bb., Dr.,
163
Prof., Rev., Kgg., PhD., Jr.; mga karaniwan nang akronim tulad ng USA,
UNESCO, YMCA; at mga salitang panukat tulad ng cm., mm., ft., lbs.;
mga pormula tulad ng H2O, Fe. Huwag na huwag gagsmit ng mga
pinaikling salita na nakagawian na sa paggamit ng e-mail at cellphone.
Ang mga buong bilang naan ay kailangang baybayin, sinusundan
lamang ito ng simbulong numerical sa loob ng parenthesis, halimbawa:
labinlima (15), anim na raan at dalawampu’t isa (621), siyamnapung
porsyento (90%), dalawampung litro (20). Ngunit ang mga petsa, taon,
bilang ng kalye, serial at mga bilang na may praksyon o puntos- deismal
ay maaari naang isulat sa simbulo, halimbawa: Pebrero 16, 1969, 216
Daan Malvar, Bolyum 2, 1¼, 89.23.

D. Listahan Ng Mga Sanggunian

Ang listahan ng mga sanggunian ay matatagpuan sa katapusan ng isang


papel-pampananaliksik. Ito ang pinakakatumbas ng Bibliograpi sa M.L.A. Sa
A.P.A., ang pahinang ito ay maaaring pamagatang Listahan ng mga
Sanggunian, Mga Sanggunian o Talasanggunian.

Ang unang linya ng bawat entri sa listahan ng sanggunian ay


nagsisimula sa dulong kaliwa, samantalang ang ikalawa at mga kasunod na
linya ay nakapasok nang tatlong espasyo mula sa kaliwang margin. Ang mga
entri ay nakayos ng alpabetikal batay sa apelyido ng awtor o unang awtor.

1. Tungkulin. Mahalaga ang listahan ng sanggunian sa isang pamanahong


papel. Ito ay gumaganap sa sumusunod na tungkulin:
a. Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng
mga ideya, ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o mga materyales
na hinalaw.
b. Nagpapakita ng pagkilala sa mga taong pinaghanguan ng mga
kaalaman.
c. Nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon para sa mambabasa
na nagnanais na palawakin pa ang isang pananaliksik,
d. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may
katotohanan ang mga nakalap na impormasyon ng isang
mananaliksik, at

164
e. Nagbibigay ito ng kredibilidad sa pananaliksik sa isinasagawa.
Ang mga entri ng sanggunian ay kailangang maging kumpleto sa
kapakanan ng iba pang mananaliksik na maaaring nagbabalak na
sumangguni rin sa mga sangguniang nakatala roon. Kung gayon,
kailangang matukoy sa listahan ng sanggunian ang mga sumusunod
na batayang impormasyon:
a. Awtor o mga awtor
b. Pamagat
c. Lugar ng publikasyon
d. Publisher/tagalimbag
e. Petsa/toan ng publikasyon/pagkakalimbag
f. Editor, tagasalin, consultant, compiler (kung mayroon

2. Mga Tagubili. Si Burgess (1995) ay nagtala ng mga tagubilin sa paggawa


ng listahan ng sanggunian sa akda niyang A Guide for Research Paper,
A.P.A. Style na matatagpuan sa

E. Pasalitang Ulat O Presentasyon

Ang pananaliksik ay hindi lamang isang proseso ng pangangalap at


pagtatala ng mga datos at impormasyon tungo sa kalutasan ng isang
suliranin. Nakapaloob din sa prosesong ito ang pag-uulat ng mga nakalap
sa datos at impormasyon. Iti ang dahilan kung bakit isang esesnyal na
pangangailangan ng pananaliksik ang kumplesyon ng isang papel-
pampananaliksik tulad ng pamanahong papel. Ito ang pasulat na pag-uulat o
presentasyon ng mga tuklasna impormasyon o datos sa isinagawang
akademikong pananaliksik.

May mga dahilan kung bakit kailangang isagawa ang pasalitang


presentasyon. Ilan sa mga layunin nito ay ang sumusunod:

1. Matiyak ang relayability ng mga datos o impormasyong nakalap ng mga


mananaliksik,

165
2. Matiyak ang baliditi ng pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik sa
pangangalap ng mga datos at ang kawastuhan ng interpretasyong
kanilang inilapat sa mga datos
3. Matiyak ang materi ng bawat mananaliksik sa saklaw at nilalaman ng
paksang sinaliksik,
4. Malapatan ng independiyenteng kritisismo ang presentasyon (pasulat at
pasalita) ng pamanahong papel.
5. Maebalweyt ang halaga at mga merito ng pamanahong papel.
6. Makapaglahad ng mga mungkahi tungo sa posibleng pagpapabuti ng
isinagawang pananaliksik at isinulat na pamanahong papel.

BUOD NG KABANATA VI

May iba’t ibang paraan pagpapakahulugan sa pananaliksik. Halos lahat ng


awtor ay may kani-kaniyang depinisyon sa terminong ito. Ngunit kakikitaan
naman ng mga komong elemento ang kanilang mga depinisyon.
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at
pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ng pananaliksik ay
nakatuon sa layuning ito.
Sa paaralan karaniwan nang pinapagsaliksik ang mga mag-aaral. Isa itong
akademikong pangangailangan sa halos kahit na anong larangan o disiplina.
Ang dahilan nito’y ang katotohanang walang larangan o disiplina ang hindi
maaaring umagapay sa patuloy na nagababagong panahahon.
Isang mahalagang pangangailangan sa pananaliksik ang maingat na
pagkilala sa pinagmulan ng mga hiniram na ideya, datos o impormasyon. Isa ito
sa dahilan kung bakit kailangang mabatid at magamit ng sino mang
mananaliksik ang iba’t ibang paraan ng pagkilala sa mga ginagamit na hanguan
sa pagsulat ng pamanahong papel.
Samakatwid, ang pananaliksik ay isang esensyal na pangangailangan sa
ano mang propesyon. Kung gayon, masasabing ang paggawa ng pananaliksik
sa akademya ay isang paghahanda sa propesyong kalaunan ay kanilang
kabibilangan at is ana itong pagsasanay sa siyentipikong pagdulog sa paglutas
ng mga suliranin sa makatotohanang larangan, ang buhay.

Ebalwasyon

166
Sagutin ito sa hiwalay na papel.

I. Maramihang Pagpipili

I. Bilugan ang titik ng wastong salita o pariralang makabubuo sa mga


sumusunod na pahayag.

1. Ang pamagating pahina ay bahagi ng ____________


a. Kabanata I c. Mga Pangunahing Pahina
B. Kabanata II d. Kabanata IV
2. Ang layunin ng pag-aaral ay matatagpuan sa __________
a. Kabanata I c. Kabanata III
B. Kabanata II d. Kabanata IV
3. Ang pamagat ng kabanata III ay ______________
a. Suliranin at kaligiran nito c. Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura
b. Disenyo ng Pag-aaral d. Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos
4. Sa ___________, inilalarawan ang paraang ginamit sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon.
a. Kabanata II c. Kabanata IV
B. Kabanata III d. Kabanata V
5. Ang sukat ng papel na ginagamit sa papel-pananaliksik ay _________.
1 1
a. 8 x 11 b. 8 x 13 c. alin man sa A o B d.wala sa pagpipilian
2 2
6. Ang tamang margin sa papel-pananaliksik ay __________
a. isa at kalahating pulgada sa kaliwa at isang pulgada sa kanan, taas at
baba
b. isang pulgada sa kaliwa at isa at kalahating pulgada sa kanan, taas at
baba.
c. isa at kalahating pulgada sa kaliwa, kanan, taas at baba
d. isang pulgada sa kaliwa, kanan, taas at baba
7. Ang bilang ng pahina ng papel-pananaliksik ay inilalagay sa ________ng
papel.
a. upper center
b. upper right hand corner
c. bottom right hand corner
d. bottom center

167
8. Ang pasalitang presentasyon ng mga resulta ng pananaliksik ay karaniwang
tinatawag na___________.
a. oral revalida b. culminating activity c. defense d. declamation
9. Ang paglalathala ng papel-pananaliksik sa isang _______ay isang
mahalagang aktibidad sa loob ng akademikong komunidad.
a. campus paper
b. Commercial magazine
c. online blog site
d. peer-reviewed journal
10. Karamihan sa mga dyornal ay may dokumentong tinatawag na
___________ na naglalahad ng mga espesikadong panuto tungkol sa layout,
tipo ng font at haba.
a. Instruction to authors c. A o B
b. Author’s guide d. wala sa nabanggit
11. _________ ang pinakapangunahing poananagutan ng isang mananaliksik.
a. katapatan c. kaayusan
b. kasipagan d. karunungan
12. Ang ______ ay isang uri ng pagnanakaw ng at pagsisinungaling.
a. panggagaya c. plagyarismo
b. korapsyon d. panghihiram
13. Ang _______ ay manipestasyon ng katapatan ng isang mananaliksik.
a. documentasyon c. impormasyon
b. prediksyon d. eksplanasyon
14. Ang documentasyon ay nagbibigay ng _____ sa mga datois at
impormasyong ginamit sa pananaliksik.
a. pagpapahalaga d. kaalaman
b. kredebelidad e. validity
15. _____ ang pinakamagaang parusang maaaring ipataw sa isang
plagyaristang estudyante.
a. Lagpak na marka c. pagpapatalsik sa paaralan
b. pagbawi sa digri d. pagkukulong at pagmumulta

168
16. Kung magpapasa ng artikulo online sa dyornal, gamitin ang iyong
_____account dahil kinokonekta ka niyon sa isang iskolarling institusyon na
nakapagdaragdag ng kredebilidad sa iyong pananaliksik.
a. personal email c. alter-social media
b. personal social media d. university email
17. Kadalasan, ang submisyon sa mga dyornal ay iparerebisa at ipapapasang
muli batay sa mga komento ng madalas na_________ anonimos na
rebyuwer at editor.
a. isang c. tatlong
b. dalawang d. apat na
18. Ang _______ ang unang impresyong makukuha ng mga rebyuwer ng
dyornal sa iyong akda, kaya kailangan mong pagbutihin ang pagsulat ito.
a. pamagat c. rasyunal
b. abstrak d. metodolohiya
19. Sa ______, inilalahad ang significance ng pagsasagawa ng pananaliksik ng
paksa ng pag-aaral.
a. Panimula o Introduksyon c. Layunin ng Pag-aaral
b. Kahalagahan ng Pag-aaral d. Saklaw at Limitasyon
20. Sa Depinisyon ng mga Terminolohiya, ang pagkakahulugan ay maaaring
_______.
a. konseptwal at haypotetikal c. konseptwal at operasyon
21. Sa ________, nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang
pag-aaral.
a. Disenyo ng Pananaliksik c. Tritment ng mga Datos
b. haypotetikal at teoretikal d. teoretikal at operasyon
22. Sa Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos, inilalahad ng
mananaliksik ng mga datos sa pamamagitan ng ___________ na
presentasyon.
a. tekstwal, tabular at grapi c. tekstwal at tabular
b. tekstwal at tabular o grapik d. tabular o grapik
23. Sa ________, binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng
mananaliksik.

a. Lagom c. Rekomendasyon
b. Kongklusyon d. Apendiks

169
24. Ang apekdiks ay tinatawag ding ______
a. talasanggunian c. Dahong-Dagdag
b. Bibliograpi d. Indeks
25. Ang A.P.A. ay kumakatawan sa
a. American Psychological Association
b. American Psycholinguistic Association
c. Asosasyon ng mga Pilipino-Amerikano
d. Association of Psuedo- researchers of all Ages
II. Aplikasyon
Bumuo ng sulating pananaliksik batas sa iyong napiling paksa, na may
kompletong bahagi.

Sangginian
Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., & Zafra Reynele Bren G. 2019.
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Malabon City: Mutya Publishing House
INC.
Galang, Samson, Agapay et al., 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Sampaloc Maynila: Rex Book Store.
Mendoza, Zenaida M., & Romero, Marcela L. 2008. Pagbasa at Pagsulat sa
Iba’t ibang Disiplina sa Antas Tersarya. Sampaloc Maynia: Rex Book
Store, INC.
Villafuerte, Patricio V., & Bernales, Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino:
mga Teorya at Praktika. Malabon City: Mutya Publishing House INC.

170
Talasanggunian
Mga Aklat

Adaya, Jomar G., Camba, Arlan M., Malaga, Mayluck A., Pena, Rpmeo P., San
Diego, Karen G., Javarez, Sylvia S., Manahan, Lilia C., Dela Crus,
Celeste., & Suguran, Tesie S. 2018. Filipino sa Iba’t ibang Disiplina.
Malabon City: Jimczyville Publications.
Alejo, Carmelita T., Astorga, Eriberto., Mangahis, Josefina C. & Nuncio,
Elizabeth M. 2008. Quezon City: C & E Publishing, INC.
Austero, Cecilia S., Abueg, Lolita K., Mateo, Emilia C., Corea, Ramilito B., Cruz,
Fe B., & Suguran Tessie S. 2010. Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(Binagong Edisyon). Pasig City: Unlad Publishing House.
Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A., & Zafra Reynele Bren G. 2019.
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Malabon City: Mutya Publishing House
INC.
Galang, Samson, Agapay et al., 2007. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Sampaloc Maynila: Rex Book Store.
Mendoza, Zenaida M., & Romero, Marcela L. 2008. Pagbasa at Pagsulat sa
Iba’t ibang Disiplina sa Antas Tersarya. Sampaloc Maynia: Rex Book
Store, INC.
Villafuerte, Patricio V., & Bernales, Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino:
mga Teorya at Praktika. Malabon City: Mutya Publishing House INC.
Zeus A. Salazar. 1997. Pantayong Pananaw: Isang paliwanag. Pantayong
Pananaw: Ugat at Kabuluhan. Atoy Navarro, Mary Janr Rondriguez at
Vicente Villan (Eds). Lungsod ng Mandaluyong: Palimbang Kalawakan.
Hanguang Elektroniko

http://webster.commet.edu/apa/apa-htm#content2.

(http://panulatnirom.com/2012/10/wikang-filipino-hininga kapangyarihan.html)

171
https://www.mnn,com/lifestyle/arts-culture/stories/9-of-the-worlds-most-
multilingual-countriesang

172
173
174
175

You might also like